Jump to content

rocco69

[09] REVERED
  • Posts

    926
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    1

Posts posted by rocco69

  1. 1. Will their married [be] considered annuled [sic] if they filed a divorce in the US?

     

    No. It will be considered as having been terminated by divorce (nagdiborsyo sila , di ba, kaya ang kasal nila ay hindi na-annul, ito ay natapos sa pamamagitan ng diborsyo).

     

     

    2. Can she still remarry here in the Phils if ever?

     

    Yes, she is already a US citizen, therefore her capacity will be judged by US law, not Philippine law. If US law now allows her to remarry, she can remarry, even here in the Phils.

     

    3. What are the documents needed when she gets back here in the Phils and plan to get married again?

     

    If she is going to get married, she will have to apply for a marriage license with the Civil Registrar (of the place in the Phils. where she or her future husband lives). In applying, she will be required to get a "Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage" from the US Embassy in Manila (or from the US Consular Agency in Cebu). She can just go to her embassy and ask what are the requirements for getting this certificate of legal capacity.

     

    The girl was married to a US foreigner and they were married (civil) here in the Phils. After a year, she was petitioned and became a US citizen. Will their married considered annuled if they filed a divorce in the US? Can she still remarry here in the Phils if ever? What are the documents needed when she gets back here in the Phils and plan to get married again?

  2. Kung ikaw ay Pilipino pa rin, walang bisa ang divorce na nakuha mo sa abroad dito sa Pilipinas. Dahil walang divorce dito sa atin, ang divorce na nakuha sa abroad ng isang Pilipino ay hindi kinikilala sa Pilipinas. Sa madaling salita, kapag bumalik ka dito sa Pilipinas, at gusto mong mag-asawa ulit dito, hindi papayag ang mga awtoridad dito.

     

    Pero, kung ikaw naman ay Amerikano na ng kumuha ka ng divorce, yun ay kikilalanin at may bisa dito sa Pilipinas, dahil ang batas na umiiral sa iyo ay batas ng America, hindi ng Pilipinas. Maaari kang magpakasal muli dito sa Pilipinas.

     

    I wish me divorce sa pinas...buti na lang divorced nako...

  3. 1. Would it be best to suggest to her to wait for her live-in to beat her up? Para may evidence of violence?

    Then go to the nearest hospital (ie San Lazaro Hospital) to get a medical report to show to the police precient as evidence so that the police report would be credible?

     

    Maganda talagang ebidensya ang may medico-legal report, pero huwag na siyang magpabugbog [pagiging masokista na yan]. Kung recently lang yung pambubugbog sa kanya, ipa-blotter na niya. Siguro naman may makukuha siyang testigo na nakakita/nakarinig sa pambubugbog na ginawa sa kanya at nakita rin ang mga pasa niya.

     

     

    2. Re: violation of Republic Act 9262, where should she report this?

     

    Sa barangay pwede na. Tungkulin ng barangay sa ilalim ng RA9262 na bigyang proteksyon ang babaeng binubugbug/pinagmamalupitan ng kinakasama. sila na rin ang tutulong magsampa ng kaso laban sa lalaki.

     

     

    3. Re: statutory rape, what crime is committed if a man have sex with a girl between 13 to 18 yrs old?

     

    Kung pumayag makipagtalik ang menor-de-edad dahil may panlolokong involved (usually pangako na siya ay pakakasalan), maaari itong maging seduction. Kaya lang, kung maraming beses at ilang taon din silang nagsama, di na masasabi na seduction ito, dahil masasabi na sa tagal ng panahon, ang pakikipagtalik niya ay hindi na dahil sa panloloko sa kanya, kung hindi ay DAHIL NASASARAPAN SIYA SA SEX.

     

    Alalahanin mo rin na ito ay nagpre-prescribe. Napapaso ang kaso sa loob ng limang taon mula sa paggawa ng krimen.

     

     

    Kung ang panloloko ay hindi pangako na siya ay pakakasalan kundi ibang panloloko, maaari itong bumagsak sa rape sa pamamagitan ng fraudulent machination (Art. 266-A, Revised Penal Code). Pareho sa seduction, kung maraming beses at ilang taon din silang nagsama, di na masasabi na rape through fraudulent machination ito, dahil masasabi na sa tagal ng panahon, ang pakikipagtalik niya ay hindi na dahil sa panloloko sa kanya, kung hindi ay DAHIL NASASARAPAN SIYA RITO.

     

     

    May nagsasabi na maaari rin itong bumagsak sa child abuse sa ilalim ng Section 5, RA7610 (altho meron ding nagsasabi na hindi ito pasok sa Section 5 dahil ang kinokontra daw talaga ng Section 5 ay ang prostitusyon ng menor-de-edad, hindi ang simpleng pakikipagtalik sa isang menor-de-edad, kundi ang pakikipagtalik sa menor-de-edad na pinilit o napariwara sa prostitusyon)

     

    Hi rocco69,

    Thank you for the immediate reply.

     

    Re: her options

    Would it be best to suggest to her to wait for her live-in to beat her up? Para may evidence of violence?

    Then go to the nearest hospital (ie San Lazaro Hospital) to get a medical report to show to the police precient as evidence so that the police report would be credible?

     

    Re: violation of Republic Act 9262

    Where should she report this?

     

    Re: statutory rape

    What crime is committed if a man have sex with a girl between 13 to 18 yrs old?

     

    Thank you and more power!

  4. sa lahat ng kasuhan involving custody ng mga anak, ang pangunahing kunsiderasyon ay "ano ba ang makakabuti para sa bata?"

     

    pagkatapos, hindi dapat mawalay ang batang mas mababa sa pitong taong gulang sa ina. maaari lamang itong gawin sa pinakamabigat na dahilan.

     

    dahil dito, kailangan mong patunayan na MAS MAKAKABUTI SA BATA ANG LUMAKI ITO SA PILING MO KESA SA INA! Kailangang patunayan mo na di karapat-dapat ang ina na magpalaki sa bata. Alalahanin mo na di mabigat na dahilan ang kawalan ng trabaho ng ina at ikaw ay merong trabaho (ang mangyayari, uutusan ka lang ng korte na suportahan ang mga bata, pero sa ina pa rin ang mga ito). Mas mabigat ang pasanin mo kung ang bata ay mas bata pa sa 7 taon. Ilan sa mga dahilan kung saan pumayag ang korte na ilipat ang custody ng batang below 7years old sa ama ay: kung ang ina ay may ketong o di-kaya'y TB; kung ito ay drug addict; kung pinagmamalupitan nito ang mga bata ng walang dahilan).

     

    Sa isa pang kaso, kung ang ina ay nakikisama sa kapatid ng kanyang asawa (tiyuhin ng bata) dahil kalalakihan ng bata ang isang immoral na sitwasyon (Note: medyo nakakaintindi na yung bata sa kasong ito).

     

    Kung over 7 naman yung bata, malaki ring factor yung pipiliing magulang ng bata (problema mo, wala sa yo ang mga bata, siyempre, ibri-brainwash na yun ng ina na siya ang piliin)

     

    Mga sir pwede po ba q mag inquire about sa custody ng mga anak q f ever na mag demanda q laban sa nanay nila

    about sa custody din ng mga bata at wat ang grounds ng gnun...,thanks in advance

  5. 1. What are her options?

     

    Option 1: walang baguhin sa setup niya - ipagpatuloy ang pakikisama sa kanyang lalaki, pabayaang bugbugin siya nito paminsan-minsan (siya ang may hawak sa buhay niya, nasa edad na siya [sabi mo teenager siya 7 years ago, siguro naman lampas 18 na siya ngayon], kung gusto niyang magpakatanga sa lalaking yan, sino tayo para pigilan siya)

     

    Option 2: Bigyan ng P40,000 si lalaki (siya ang may hawak sa buhay niya, nasa edad na siya, kung gusto niya ng walang utak na sistema ng pakikipaghiwalay sa lalaki, go!)

     

    Option 3: Iwan na lang ng basta si lalaki. Wag itong bayaran. Kung pumalag ito, aba, kasuhan niya ng violation ng Republic Act 9262 (Violence Against Women and Children Act).

     

    Option 4: Bakit siya ang aalis? Paalisin si lalaki. Kung pumalag ito, aba, kasuhan niya ng violation ng Republic Act 9262 (Violence Against Women and Children Act).

     

     

    2. Can this be considered statutory rape?

     

    Hindi po. Ang statutory rape ay pakikipagtalik sa isang batang babae na BELOW 12 years old o di kaya'y pakikipagtalik sa isang babaeng baliw {kahit pa pumayag ang mga ito}. Ang pakikipagtalik sa isang menor-de-edad ay hindi statutory rape (although maaaring bumagsak ito sa child abuse}. Pero kung nasa edad na siya ngayon, mahihirapan siyang patunayan ito dahil bakit nakisama pa rin siya ke lalaki ng siya ay nasa edad na.

     

     

    Dear Attorney,

     

    The story of Nene(not her true name)

     

    During her teens, she left her home.

    One day, she met a man, decided that he is the best thing in life.

    But after 7 years, things turn bizarre, her man has to beat her from time to time.

     

    They are not legally married.

     

    One day, her man caught her with another man walking her home.

    Her man then told her to give him P40,000 (which she borrowed to pay for her brother's motorcycle accident hospital bills) and he will agree for her to left him for another man.

     

    What are her options?

    Can this be considered statutory rape?

    Thanks

  6. At 9 months, you are going to find it very difficult to get custody of the child, as the law says no child below 7 years shall be separated from the mother except for a compelling reason.

     

    As the father, you are, however, entitled to visitorial rights. as to whether this translates into you getting the child on all weekends is doubtful (this arrangement turns the custodial parent into the weekday workhorse and the noncustodial parent into the weekend treat).

     

    May be 9 months or more.... the situation is my wife kicked me out of the house because she believes in the "sulsol" of her mother and sister... damn! she won't even allow me to borrow my son because his lola missed him so much... another thing they are making stories that I am with another woman! If i were to charge them with Oral Defamation could this be a ground to win me a case of letting my son come with me on weekends if I file a legal separation case?

     

     

    And if ever another scenario comes in...when they won't let me see my son what case could I charge them?

     

     

    In this situation what are my rights as a father? all I see is a no win scenario because the only who has custody of a child is the mother?

  7. how old is the child?

     

    note however that the Family Code does not recognize joint custody (see Art. 213), only visitorial rights to the non-custodial parent (see also Art. 49). it is, thus, doubtful whether joint or equal custody can be granted to the spouses.

     

    Sir,

     

    My wife and I have benn separated for 6 months through a problem of "MOther-in-Laws", the question is in case of the "worst scenario" comes in, can I have an equal custody of my child when I file a legal separation case against my wife?

  8. how old is the child?

     

    note however that the Family Code does not recognize joint custody (see Art. 213), only visitorial rights to the non-custodial parent (see also Art. 49). it is, thus, doubtful whether joint or equal custody can be granted to the spouses.

     

    Sir,

     

    My wife and I have benn separated for 6 months through a problem of "MOther-in-Laws", the question is in case of the "worst scenario" comes in, can I have an equal custody of my child when I file a legal separation case against my wife?

  9. di naman ata patentable ang uniform.

     

    anyway, assuming patent ang pinag-uusapan. ayun sa 76.1 mg Intellectual property Code, "The making, using, offering for sale, selling, or importing a patented product or a product obtained directly or indirectly from a patented process, or the use of a patented process without the authorization of the patentee constitutes patent infringement." Ibig sabihin, kung minor lang ang pagkakaiba, obtained directly pa rin yun dun sa patented product, kaya liable ka pa rin [note na pwedeng depensa na di mo alam na may patented item pala na ganun, kaya lang mahirap patunayan ito kung may nakatatak na na Phil. Patent dun sa kabilang produkto, see Sec. 80]

     

     

     

    tama po bang pagkakaunawa ko? di na pwedeng mag-file ng infringement case kapag more than 4 years, na pinabayaan gamitin at ipawalang bahala yung "pirated" design na ginagamit or gamitin.

     

    mali ang pang-unawa mo. ang ibig lang sabihin nito, yung daños na maaari nilang mabawi ay limitado sa apat na taon lang, di na lalagpas dun. pwede pa rin silang maghabla pero kung since 2000 nyo pa ginagamit ang design, mula 2006 lang na daños ang maaari nilang makuha mula sa inyo, hindi mula 2000.

     

    atty tanong lang po regarding sa RA 8293 INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES

    [Republic Act No. 8293]

     

    tanong ko lang po regarding sa claim ng patented items. totoo po ba, di sya considered infrigement kung may napakaliit na detalye salungat sa registered pattend items.

     

    example po ng pattendted items is uniform. kapag naiba ng konti yung design from pattend items, di na pwedeng i-claims as infrigemenet?

     

    at yung interpretation nyo po dito sa provision below.

     

     

    Sec. 79. Limitation of Action for Damages. - No damages can be recovered for acts of infringement committed more than four (4) years before the institution of the action for infringement. (Sec. 43, R. A. No. 165)

     

     

    tama po bang pagkakaunawa ko? di na pwedeng mag-file ng infringement case kapag more than 4 years, na pinabayaan gamitin at ipawalang bahala yung "pirated" design na ginagamit or gamitin.

  10. kung kulit lang, hindi. ang standard naman ay kung rasonable ba ito o hindi, kung ito ay naayon sa magandang kaugalian o hindi. may karapatan kasi ang nagpautang na maningil, at gumamit ng anumang rasonableng paraan upang maningil. kapag hindi na rasonable, kung may pag-abuso na ng karapatan, maaaring maghain ng reklamo ang sinisingil (pwedeng Unjust Vexation sa ilalim ng Revised Penal Code, Art. 287, o di kaya'y aksyong sibil sa ilalim ng Art. 21 ng Kodigo Sibil). alalahanin mo rin na sa ilalim ng Art. 287, ang paggamit ng dahas ng naniningil upang kunin ang ari-arian ng may utang bilang kabayaran sa utang ay isang krimen.

     

    Attorney ask k pal if puwede ka b ma charge n harassment ng taong may utang sayo?, pag makulit k maningil?

     

    Thanks

  11. 1. Ako ay walang ibang ari-arian maliban dun sa kotse. Wala rin akong mga lupa o pera sa bangko maliban dun sa inereremit sa akin ng kamag-anak ko mula sa ibang bansa na ito ay winiwidraw ko rin. Ano ang gagawin nila kung wala silang mabatak?

     

    Covered ang sitwasyon mo ng Art. 1484 ng Civil Code, pag niremata nila sasakyan mo, wala na silang mahahabol pa sa yo na iba. Kung hindi foreclosure ng sasakyan ang habol nila, magkakaproblema sila kasi wala ka ngang pambayad. Di ka naman pwedeng ikulong dahil walang kulong ang utang. Ang best option talaga ng financing company ay habulin ang sasakyan.

     

     

    2. Kung sakaling lumabas ang default at isinauli ko ang sasakyan, pati ba yung attorney's fee at iba pang gastos nila ay babayaran ko pa?

     

    kung hindi mo naman itinago ang sasakyan at isinuko mo agad ito, wala na silang mahahabol pa. pero kung itinago mo ang sasakyan o di kaya'y di mo ito isinauli agad at napilitan silang gumastos para mabawi ito, maaari nilang bawiin sa yo ang nagastos nila (attorney's fees and costs) para mabawi ang sasakyan [see Filipinas Investment v. Ridad, 30 SCRA 564]. pero, ikaw na rin ang nagsabi na wala ka namang ibang ari-arian. kahit pa may award ng attorney's fees and costs, hindi rin naman nila ito makokolekta sa yo.

     

     

    3. Maaari bang parahin na lang ng mga pulis ang sasakyan ko kapag ito ay nakita nila at batakin?

     

    kung may order na ang korte ng pagbabawi sa sasakyan, pwede na itong batakin ng sheriff at anytime. hindi pulis kundi sheriff ang babatak sa sasakyan mo (pero usually may kasamang pulis ang sheriff sa pagbatak sa sasakyan mo).

     

    Sir Rocco!

     

    Good day!

     

    Follow up lang sir dun sa huli kong inquiry:

     

    1. Ako ay walang ibang ari-arian maliban dun sa kotse. Wala rin akong mga lupa o pera sa bangko maliban dun sa inereremit sa akin ng kamag-anak ko mula sa ibang bansa na ito ay winiwidraw ko rin. Ano ang gagawin nila kung wala silang mabatak?

     

    2. Kung sakaling lumabas ang default at isinauli ko ang sasakyan, pati ba yung attorney's fee at iba pang gastos nila ay babayaran ko pa?

     

    3. Maaari bang parahin na lang ng mga pulis ang sasakyan ko kapag ito ay nakita nila at batakin?

     

    Ito lamang po at maraming salamat.

  12. As of now, this situation is not covered by the implementing rules of RA9255. i cannot see how this can be done without going to court on a petition for declaratory relief (on the issue of whether a recognized illegitimate child using his father's surname can revert back to his mother's surname).

     

    more, even if filed, i do not think this will prosper, as the use of the father's surname is more favorable to the child (his paternity is known and no stigma of illegitimacy attaches to him). likewise, the mother should not decide for the child what surname he will use. In other words, the choice of filing of change of surname should be left to the child when he reaches the age of majority.

     

    greetings, GM-master-lawyers.

    would appreciate your opinion on the ff matter:

    an unmarried couple has a child.

    father acknowledges paternity so child is named after him.

    couple separates.

    mother wants child to be named after her instead.

    is there a way to effect a change in surname without a court hearing?

    what's the most cost-effective way of going about this?

    (since mother is not really financially stable.)

    tia! B)

  13. Yes. All donations made during the lifetime of the parent are to be included in computing the estate of the parent after the parent dies. The problem would be in proving that the sale was actually a donation. Likewise, if many years have passed, the heirs might just forget that a sale (that was actually a donation) was made a long long time before.

     

    quote name='Arneeious' date='24 July 2010 - 08:41 PM' timestamp='1279975304' post='7497468']

    If it's a donation made to appear as a sale, can the illegitimate child still go after the property regardless of how many years have passed between the sale and the death of the parents?

  14. if it's a "real" sale, then illegitimate children cannot go after the property sold (as the owner has the right to sell the property to whomsoever he wants).

     

    However, if the "sale" is actually a "donation" made to appear as a sale (i.e. wala naman talagang ibinayad yung anak na pinagbentahan, kunwari lang na ibenenta), if it exceeds the portion that can be donated by the parent (assuming that there is a surviving spouse and children - the children get 1/2 of the entire estate, the surviving spouse gets the same share as that of each child, the illegitimate children are entitled to 1/2 the share of a legitimate child [but always limited to what remains after deducting the share of the legitimate children and the surviving spouse], the rest can be donated), then the illegitimate child can file an action to show that it is a simulated sale (he has to prove either that the buyer did not have capacity/means to buy, or that no consideration was actually paid by the supposed buyer) and then get back the portion which pertains to his share (1/2 the share of the legitimate child).

     

    Examples:

     

    T has two legitimate children, a surviving spouse, and one illegitimate child. His estate is worth P12Million.

     

    T's legitimate children are entitled to 1/2 or P6Million, which they divide 50/50 or P3M each

    The surviving spouse gets the same share as that of each child or P3M

    The illegitimate child gets 1/2 the share of a legitimate child or P1.5M

     

    The remaining 1.5M can be freely donated (Note that the entire P12Million can be sold by T because he is the owner, and anyway, the proceeds of the sale substitute the property sold).

     

    If T fictitiously sells P3M of property to one of his legitimate children (thereby seemingly reducing his estate to only P9M), then the illegitimate child can go after this fictitious sale, have it set aside, in order to get his P1.5M share.

     

     

     

     

     

     

    Is there a way that legitimate children can protect their inheritance from any possible illegitimate children? If the parents sell their properties to one of the legitimate children, can the illegitimate child still go after the properties after the parents are dead? Thanks.

  15. http://www.lto.gov.ph/dls_faq.html

     

    Thank you bro rocco

    I have another question please, could you kindly quote the law wherein an OFW is allowed to drive a motor vehicle in the philippines using his foreign driving license (as long as it is in english) for a maximum duration of three (3) months. I saw it in the LTO websire before but it suddenly disappeared for some reason. muchos gracias

  16. hindi lahat ng problema, legal na usapan ang kasagutan.

     

    sa kaso ng kaibigan mo, hindi abugado ang kanyang kailangan (though that could come in the future).

     

    what he needs right now is a psychiatrist. base sa kwento mo, hindi lang under yang kaibigan, siya ay "battered husband". he needs to be empowered by a psychiatric professional, kahit ano ang pagsasabihin ng abugado, your friend has to realize that he needs help himself first, otherwise vicious cycle lang yan (magkukunwaring nagkalakas loob na siya upang hiwalayan ang asawa, kukuha "kuno" ng abugado, pagkatapos, babalik din yan dun sa asawa niya). he has to get some self-esteem first and recognize the destructive effect of this relationship. Pag nakakatayo na siya sa sarili niya (in the opinion of a qualified psychitrist), dun na niya pag-isipan yang annulment na yan, but as of now, hindi yan ang tamang step sa pagbabagong-buhay niya.

     

     

     

    guys ask ko lang, may friend kasi ako married na for 5 years, wala pa silang anak, pero ngayon pinag iisipan na nya kung ipapaanull na nya yung kasal nila, ganito kasi yung case nya:

    - simula nung kinasal sila, hindi pa sila nagsesex, as in virgin pa si misis, kasi from the start under de saya si lalaki (my friend) sa misis nya at sinabihan sya ng walang kwenta at ano syang klaseng lalaki when he accidentally hurts his wife nung first attempt nila, ang resulta, nagkatrauma na yung friend ko and whenever he wants to do it with his wife, kinakabahan na sya lagi, kaya hindi na nya nagagawa. at natatakot daw yung asawa nya manganak

    -as said earlier, under de saya sya meaning lahat si misis ang nasusunod, kahit nga pagdadasal at pag-aatend ng activities sa simbahan with his mom (confessions, etc) hindi sya pinapayagan ng wife. kahit umalis lang sya kasama mom or dad nya pag uwi pag-aawayan na nila yun ni misis (in short, gusto nyang malayo ang loob ng friend ko sa mga magulang nya)

    -sobrang gastador si misis, maluho, hindi marunong mag-ipon, basta alam nya na may pera sya uubusin nya yun kahit sa walang kwentang bagay, halos nauubos na nga yung kanilang savings dahil dito.

    -matigas ang ulo ni misis, gusto nya lahat ng gustohin nya ay masunod kundi magagalit sya, kahit mali na sya, hindi din sya kaya pigilan ng friend ko, kaya ang nangyayari tango na lang ng tango yung friend ko sakanya para di lang sila mag away

    -minsan naiisipan na nga magsuicide ng kaibigan ko dahil mababa ang tingin nya sa sarili nya (ewan ko lang kung dahil dito)

    -hindi makasundo ng asawa nya yung mga magulang nya at nagawa pa nito silang sagut sagutin, at nagawa nyang sampalin yung friend ko ilang beses na (hindi nananakit ng asawa yung friend ko)

    -hindi gumagawa ng mga gawaing bahay yung asawa nya, meaning tamad

    -recently, nag karoon ng OCD (Obsessive Compulsive Disorder) yung asawa ng friend ko, yun bang natatakot sa dumi, tingin nya sa lahat ng bagay madumi, at nagpapaconsulta sya sa psychiatrist ngayon.

    -my friend is also sufferring from depression at present..

    marami na ang nagsasabi na hiwalayan na nya yung asawa nya, pati mga magulang, kamag anak at kaibigan nya yun na din ang sinasabi, ang reason lang na hindi nya maiwan is mahal pa nya at hindi din sya iniwan nung asawa nya nung sya naman ang nadedepress...

    mga lawyers dito pls help naman my friend. tia :)

  17. kahit hindi umabot sa litigation, kung di ka good payer, sa pagkaka-alam ko, ililista ka na nila as a bad credit risk.

    a bank which learns of your previous record will be hard-put to lend you money (pero depende rin yun sa bangko, yun lang mahihirapan ka).

     

    pero ang pagkakaalam ko, pag binayaran mo na yung mga dating utang mo, na-cle-clear naman yung pangalan mo.

     

    therefore, tama yung plano mo na balikan at ayusin ang mga pending n aobligasyon mo (na lumobo na dahil sa interes).

     

    atty. tanong ko lang po uli, pano kung umabot sa litigaton at ipa-blacklist po ang pangalan ko. totoo po bang sa kahit anong bangko kapag nag try akong mag loan, denied na?

     

    pano po sa katagalan at nagbago ang economic status ng tao, at balikan nya yung mga dati nyang obligasyon at nabayaran na nya. totoo po bang di pa rin matatanggal ang pangalan sa blacklist kahit binalikan at inaayos po ang obligasyon? di pa rin ba talaga makakapag loan?

     

    anong movement po ba kapag ganon ang sitwasyon? anong dapat gawin kung sakaling gustong magloan, pero nailagay sa blacklist at binalakan at inayos ang obligasyon?

  18. Section 11, Republic Act No. 9208

     

    Section 11. Use of Trafficked Persons. - Any person who buys or engages the services of trafficked persons for prostitution shall be penalized as follows:

     

    (a) First offense - six (6) months of community service as may be determined by the court and a fine of Fifty thousand pesos (P50,000.00); and

    (B) Second and subsequent offenses - imprisonment of one (1) year and a fine of One hundred thousand pesos (P100,000.00).

     

    Note that under Section 4(e) of the same law, it is considered "trafficking in persons" "to maintain or hire a person to engage in prostitution or pornography." Engaging the ES of a masseuse could be construed as falling under Section 11.

     

    If one is not caught in the act, you could argue that you were not engaged in wrongdoing (pero makikipag-debate ka pa ba o aareglo na lang para di na lumabas pangalan mo?)

     

     

    Dr. Pepper I am directing this query to you as I know you are familiar with the question I am asking although bro rocco may respond as well (appreciated sir!)

     

    I have been reading some posts about raids being conducted in MP and establishments where ES sometimes is availed. IMHO there is no cause for holding/detaining a "client" if caught in such establishment if not caught in the act as one can state that the person had no knowledge whatsoever of wrongdoings occuring. but in the event that the person is caught engaged in a "compromising position" what legal action can be taken against him and the corresponding penalty or so have you? Is there cause for detaining such person if just caught in the premises without actual wrongdoing per se?

  19. And it is THE COMPANY'S INTERNET LINE. the best thing to do is: DO NOT USE COMPANY INTERNET FACILITIES for personal use. Especially if you have "quirky" preferences you do not want exposed to others.

     

    The employee is using the company's internet line during office hours for personal use? Don't you think the company has the right to monitor this?

  20. Oo, valid siya. Walang epekto ang di pagkakarehistro sa NSO ng isang tao sa bisa ng kasal na pinasok niya. Ito ay dahil hindi naman requirement sa pagkamabisa ng kasal ang registration sa NSO.

     

    Makikitanong lang po sa mga lawyers natin dito. Valid ba ang isang kasal kung ang isa sa kabiyak ay hindi nakarehisto or walang record sa NSO noong time na ikinasal.

  21. 1. may share pa po ba ang asawa nya sa mga mamanahin na lupa ng magulang ko dahil ang isang land title ay nakapangalan sa magulang ko, sa tiyuhin ko at sa iba pa nilang mga kapatid?

     

    dahil kasal pa sila ng mamatay ang tiyuhin mo (sabi mo, nagpakasal lang yung babae matapos mamatay yung tiyuhin mo), isa sa mga tagapagmana ng tiyuhin mo ang asawa niya. dahil dun, ang mangyayari dun sa lupa na nakapangalan sa magulang mo, tiyuhin at iba pa nilang kapatid ay hahatiin ito kung ilan sila (halimbawa, lima sila, hahatiin ito sa lima) at yun ang magiging parte ng bawat kapatid.

     

    ang parte na napunta sa nasirang tiyuhin mo ay hahatiin sa dalawa, ang kalahati nun ay mapupunta sa asawa, at yung naiwang kalahati ay mapupunta sa mga kapatid. ito ay naaayon sa Art. 1001 ng Civil Code na nagsasabi:

     

    Art. 1001. Should brothers and sisters or their children survive with the widow or widower, the latter shall be entitled to one-half of the inheritance and the brothers and sisters or their children to the other half. (953, 837a)

     

     

    2. sa isang namang land title, pangalan pa na lolo at lola ko ang nakasulat. pwedi kayang paghati-hatian na lang ng mga apo ang lupa na walang ibibigay sa naiwang asawa ng tiyuhin ko na sa ngayon ay may asawa na rin?

     

    hindi ang mga apo ang maghahati-hati rito kundi yung mga magulang nila (assuming na buhay pa ang mga ito) dahil walang karapatan ang mga apo sa mana habang buhay pa ang magulang nila.

     

    ayon sa batas, may parte ulit ang asawa ng tiyuhin mo dun sa lupang yan, ganun din ang parte niya (kalahati ng parte na dapat napunta sa tiyuhin mo). ito ay dahil minana agad ng tiyuhin mo ang lupa na yan ng mamatay ang magulang niya, at ang parteng minana niya ay minana din agad ng asawa niya ng mamatay ang tiyuhin mo.

     

    maaring paghatian ng mga kapatid yung lupa ng di isinasama yung asawa, pero maari silang habulin later on (kapag nalaman niya ito). isa pa, magsisinungaling sila dahil sasabihin nila na sila lang ang tagapagmana ng tiyuhin mo, na hindi naman totoo. nasa kanila yun kung gusto nilang sumugal – 1/2 ng parte ng kapatid nila laban sa kasuhan at posibleng pagkakulong

     

     

    Nauna pong namatay ang lolo't lola ko.

     

    Wala pong anak ang tiyuhin ko.

  22. Unfortunately, mabisa pa rin ang kasal na naganap. hindi naman kasi importante yung pangalan sa kasalan, basta ba yung tao na yun ang pinapakasalan mo, i.e. ang pinapakasalan mo ay si Joseph Rafael Mendoza, ang inilagay niyang pangalan sa marriage certificate ay Juan dela Cruz, may bisa pa rin ang kasal niyo, kasi siya naman talaga ang pinapakasalan mo, hindi ibang tao. Ang walang bisa, yung nagpapakasal ka kay Joseph Rafael Mendoza tapos ang dumating sa kasal ay yung kambal niya (na nagpapanggap bilang Joseph Rafael) – dahil hindi yung kambal ang gusto mong pakasalan kundi si Joseph Rafael. Sa madaling salita, walang valid na consent dun sa kasong yun, unlike sa iniba lang yung pangalan, pero same person talaga yung taong pinapakasalan mo.

     

     

    what ang possible na mangyayari sa ganitong case?

    file ka ng correction of entry para maipatama yung marriage certificate (kung typographical error lang, sa Civil Registrar lang; kung hindi ito typographical error, file ka sa korte), sa marriage mismo, alang effect yan.

     

    guys, may simple akong tanong, kunwari kinasal kame ng asawa ko, nung time na nagpakasal kame, hindi buong name nya ang nakalagay sa marriage certificate namen, to be more clear, il give an example, joseph rafael mendoza ang name kunwari,

    pero ang nakalagay lang sa marriage certificate namen na name nya rafel mendoza, wala ung joseph, possibly ba pwedeng maging void un since hindi full name nya ang talagang naregister? what ang possible na mangyayari sa ganitong case? thanks

  23. Yes, that would give rise to joint liability (or 50-50, in your terms) only. Kaya lang, kailangan mo ring basahin yung buong Promissory Note, kasi baka naman me nakalagay dun na "joint and solidary" ang obligasyon. Kapag ganun, hindi na 50-50 yun, pwede nang kolektahin ng buo yung utang sa alin man sa kanila

     

    Hi Maesters, just wanted to ask about Promisory Notes. The phrase "We Promise to pay..." of 2 persons, is this 50-50 liability to the creditor? Thanks saers!

  24. wala naman, kaya lang, tuloy-tuloy ang paglobo ng utang mo. pag dumating sa punto na di ka na nagbabayad, ayun, kukulitin ka na mg mga yan.

     

    thanks po, basta kapag purchases lang binayaran walang kaso tama po ba?

  25. dahil nakarehistro ang kasal mo sa Civil Registrar at sa NSO, wala kang ibang option kundi maghain ng kaso sa korte upang ipawalang-bisa ang kasal mo. ang kagandahan lang dito, medyo mas madali at mas mura eto kesa sa ordinaryong pagpapawalang-bisa ng kasal.

     

    kumuha ka na sa NSO ng certified true copy ng marriage certificate mo, at ng resulta ng CENOMAR ng asawa mo. kung makakakuha ka rin ng certified true copy ng marriage certificate ng asawa mo at ng una niyang asawa, mas maganda. kailangan mo ring kumuha ng certification mula sa Civil Registrar kung saan nakarehistro yung unang kasal ng asawa mo na nagsasabi na hanggang sa kasalukuyan ay walang nakasulat na "null and void ab initio" yung kasal na yun at hindi pa na-aannul. mangangailangan ka rin ng ebidensya na noong nagpakasal kayo ng asawa mo ay BUHAY PA yung kanyang asawa (dahil kung patay na ito nun, may bisa ang kasal niyo). kumunsulta sa abugado pag meron ka na ng mga papeles na ito.

     

    nag request ang sis ko ng cert of singleness nung babae and it turned out na may pinakasalan nga sya na una. at yung sken, kasal ako sa kanya. may kopay nko nun. now ang wan tko lang is yung ma void yung sa kasal namin. diko din maintindihan bat napayagang mailista ng NSO yung kasal namin samantalang may naunang kasal na yung babae? i was abroad that time kaya sya ang nag asikaso. wala eh, tiwala kasi nga inlove! o bopols lang tlaga ako. thnx sa advice mo in advance.

×
×
  • Create New...