Jump to content

rocco69

[09] REVERED
  • Posts

    926
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    1

Posts posted by rocco69

  1. oo, kahit nakapangalan sa lolo nyo.

     

    ang sistema kasi natin sa pag-lilipat ng titulo ng lupa ay ganito: bawat titulo ng lupa ay dalawa ang kopya, ang isa ay nasa Register of Deeds, at ang isa ay hawak ng may-ari ng lupa (ang tawag sa kopya na ito ay Owner's Duplicate Copy).

     

    para mailipat sa pangalan ng iba ang titulo, kailangang i-surrender ang Owner's Duplicate Copy kasama ng dokumento na naglilipat ng pag-mamay-ari ng lupa sa bagong may-ari. For example: bumili ka ng lupa mula sa isang developer. Para mailipat ang lupa sa pangalan mo, pupunta ka sa Register of Deeds at ibibigay mo ang Owner's Duplicate Copy (na siyempre kinuha mo sa developer) kasama ang Deed of Sale na nagpapakita na ibenenta na sa iyo ang lupa. Dun lang kakanselahin ang lumang titulo at maglalabas ng bagong titulo sa pangalan mo. Walang Owner's Duplicate Copy, walang kanselasyon ng titulo sa Register of Deeds. Ang sistema na ito ay isang safeguard para hindi basta-basta mailipat ng sinuman ang pag-aari ng lupa mula sa tunay na may-ari.

     

    sa kaso ninyo, ang isang maingat na tao ay hindi bibili sa inyo dahil wala kayong maibibigay sa kanyang Duplicate Owner's Copy. Paano niya mapapakansela ang lumang titulo at kukuha ng bagong titulo sa pangalan niya kung wala naman siyang i-susurrender na titulo sa Register of Deeds. Pangalawa, ano ang karapatan ninyong magbenta samantalang nasa pangalan naman ng lolo niyo ang lupa.

     

    ang kailangan nyong gawin ay magfile ng petition sa korte para makakuha ng bagong Duplicate Owner's Copy (sa pangalan ng lolo nyo).

     

    pagkatapos, gagawa ang mga tagapagmana ng lolo nyo ng Extrajudicial Settlement of Estate (ito ay dokumento na nagsasabi na ang lupa ng lolo nyo, kasama ang iba pa niyang ari-arian, ay minana na ng kanyang mga tagapagmana). magbabayad kayo sa BIR ng estate taxes (para sa privilege na magsalin ng ari-arian sa mga tagapagmana) kasama na rin ng surcharge, interest, at compromise (dahil di nyo agad inasikaso ang paglilipat ng titulo mula sa pangalan ng lolo nyo sa inyo. babayaran nyo rin ang amillar sa Municipal Assessor. Pag meron na kayo nito, pwede nyo nang ipakansela ang titulo ng lolo nyo sa pangalan ng mga tagapagmana.

     

    pag nasa pangalan nyo na ang titulo, pwede ng ibenta.

     

    pwede rin naman na ang buyer na ang mag-aasikaso ng lahat ng ito (depende sa usapan ninyo), pero mas mababa ang presyong io-offer niya dahil nga marami pang kailangang gawin.

     

    or

     

    maghanap kayo ng tatanga-tangang buyer na walang alam sa mga ganitong lakarin, at pag nabayaran na kayo, bahala na siya sa buhay niya (tatanga-tanga eh).

     

    P.S.

     

    ang petition na isasampa sa korte ay "Petition for Issuance of Owner's Duplicate Copy". nawala lang siguro sa isip ni Dr. Pepper. hind po ito "Reconstitution of Title" dahil ang reconstitution ay ginagawa kung ang nawala ay ang kopya na nasa Register of Deeds, hind yung kopya na nasa may-ari.

     

    pangalawa, importante din na mabigyang-abiso ang Register of Deeds na nawawala ang Owner's Duplicate Copy para walang makagawa ng milagro ukol dito. maggawa ng Sinumpaang Salaysay ang mga tagapagmana na nawawala nga ang duplicate at ibigay sa Register of Deeds ng Rodriguez.

     

     

     

    kahit na nakapangalan to sa grandfather namin? plano na kasi ibenta ng whole family ang lupa kaso nga lang nawala nga ang titulo. pero yung uncle ko is yung nakasasunod sa pangalan ng lolo ko as JR. dont know kung may tulong yun.
  2. kailangan mong magsampa ng kaso sa korte para makakuha ng kapalit sa nawalang titulo. ganun kasi ka-importante ang titulo sa sistema ng pag-aari ng lupa natin, hindi ito basta-basta napapalitan. kailangang patunayan mo na ikaw nga ang may-ari at talaga ngang nawala na ang titulo. ito ay nakasaad sa Section 109 ng Presidential Decree 1529 (Property Registration Decree)

     

     

     

    A little help pls.

     

    We have a land property somewhere in Rodriguez Rizal which came from our grandparents, the problem is meron ibang kumukuha sa lote pero meron kaming titulo nung lupa kaso nakasama sya sa baha kaya wala na kaming copy. san po ba kami pwede kumuha ng copy of title?

     

     

    Very much appreciated on your comment. thanks in advanced.

  3. may sinasabi ba sa 2006 annulment decision kung kanino mapupunta ang bata?

     

    would like to get your legal opinion on this case:

     

    husband and wife got annulled last 2006. at that time they had a daughter. their daughter then was 7 years old. within a couple of years, ex wife got married again and migrated to the US, petitioned by her Fil-am husband. daughter was left to the care of my brother. ex wife visits every year to be with daughter and live in her house here.

     

    now ex wife is in the US trying to petition daughter. daughter doesn't like to live in the US. daughter is now 10 years old. ex wife claims she still has custody of the child. ex husband plans to resist the petition.

     

    who has the right to keep the daughter? can the daughter choose? can ex husband file custody of the child? tnx.

  4. sabi mo wala kayong marriage license. ang tanong: nagpakasal ba kayo sa isa't-isa? kung nagpakasal kayo ng walang marriage license (assuming na hindi naman kayo gumawa ng affidavit na nagsasama kayo ng ng limang taon bago ang kasal), kahit pa di nakalista sa NSO ang kasal mo, kailangan mo pa ring magsampa ng kaso sa korte para ipawalang-bisa ito (altho madali lang ito at malakas na dahilan ang walang marriage license sa kasal.)

     

    kung hindi naman talaga kayo nagpakasal, i-inform mo lang ang SSS, BIR, company mo, etc., na ikaw ay single at di talaga kayo kasal nung kinakasama mo.

     

    Ei peeps! Ask ko lang kase wala kame marriage license ng wife ko pero all legal documents namin like our daughter's birth cert. naka lagay na married kame. Nag issue na NSO ng cenomar so meaning single ako, sad to say di rin nagtagal relationship namin since she cheated on me. Problem ko now ay mag apply ako ng pag ibig loan, however, ang docs ko like company records, sss, ITR etc ay married ako. Dunno what to do, as per developer pinapirma ako ng deed of undertaking

    para palabasin na estranged kame at ang dating ay "married to" instead of "spouses". Anu kaya sir maganda ko gawin? Need your help badly. Thanks :goatee:

  5. sa kasawiang palad, ang mga maling entry sa marriage certificate ay hindi nakaka-apekto sa bisa ng kasal, kaya hindi mo ito magagamit sa pagpapa-walang bisa sa kasal mo.

     

    pero sa takbo ng kwento mo, mukhang fixer ang nag-ayos ng kasal mo. baka sakali lang - tingnan mo sa marriage certificate mo kung ano ang nakalagay na marriage license na ginamit (sa may ibabang bahagi ito nakalista), kung saan ito inissue at kelan.

     

    pumunta ka sa Civil Registrar na nag-issue (daw) ng marriage license at i-check mo dun kung meron ngang ganung marriage license. kung wala (pineke, ibig sabihin, ng fixer) - masuwerte ka. madaling mapapawalang bisa ang kasal mo. kaya lang, kung meron, mas malamang sa hindi, psychological incapacity lang ang maari mong gamitin para ipawalang-bisa ang kasal mo.

     

    thanks sa reply po. sa manila kami nag pakasal pero sabi sa qc daw nila i reg kaya sa qc city hall me nakakuha sa registrar. meron nga sir. ang tanung ko po. pd ba gamitin na grounds un? tapos mali mali pa nakalagay na info like nmga witnesses at address ng kinasal. pd po ba yon? 22 lang ako nun kinasal. salamat
  6. pwede itong ipa-walang bisa. Lamang, kailangan niyang pumunta sa korte. At ang grounds niya, sa ilalim ng Art. 166 ng Family Code, para ipawalang-bisa ito, ay ang mga sumusunod lang:

     

    (1) That it was physically impossible for the husband to have sexual intercourse with his wife within the first 120 days of the 300 days which immediately preceded the birth of the child because of:

    (a) the physical incapacity of the husband to have sexual intercourse with his wife;

    (B) the fact that the husband and wife were living separately in such a way that sexual intercourse was not possible; or

    © serious illness of the husband, which absolutely prevented sexual intercourse;

    (2) That it is proved that for biological or other scientific reasons, the child could not have been that of the husband, except in the instance provided in the second paragraph of Article 164; or

    (3) That in case of children conceived through artificial insemination, the written authorization or ratification of either parent was obtained through mistake, fraud, violence, intimidation, or undue influence. (255a)

     

    Kung nakatira siya sa bayan kung saan ni-rehistro yung bata, may isang (1) taon siya mula sa pagrerehistro upang gawin ito. kung nakatira siya sa isang bayan na iba sa bayang pinagrehistruhan ng bata, may dalawang (2) taon siya. at kung siya ay nasa abroad, tatlong (3) taon.

     

    mga sirs me nagtanong sa akin kung pwede daw po ba mapawalang bisa yung pinirmahan ng ama na birthcertificate ng bata.
  7. unfortunately, hindi napapaso ang kasal kung naghiwalay lang kayo ng kung ilang taon (kahit pa 20 years or more).

     

    sabi ng Article 41 ng Family Code:

     

    A marriage contracted by any person during subsistence of a previous marriage shall be null and void, unless before the celebration of the subsequent marriage, the prior spouse had been absent for four consecutive years and the spouse present has a well-founded belief that the absent spouse was already dead. In case of disappearance where there is danger of death under the circumstances set forth in the provisions of Article 391 of the Civil Code, an absence of only two years shall be sufficient.

     

    For the purpose of contracting the subsequent marriage under the preceding paragraph the spouse present must institute a summary proceeding as provided in this Code for the declaration of presumptive death of the absentee, without prejudice to the effect of reappearance of the absent spouse. (83a)

     

     

    dahil sa Art. 41, habang ikaw ay kasal, di ito nawawalan ng bisa kahit di na nagpaparamdam ang asawa mo. ang exception lamang ay kung mapapatunayan mo na ang nawawala mong asawa ay maipapalagay na patay na.

     

    dahilan dito, kung gusto mong mapaso ang kasal mo, dahil sa di na nagpaparamdam ang iyong asawa sa yo ng higit sampung taon, either patunayan mo na siya ay PARANG PATAY NA (maghahain ka ng petisyon sa korte para dito, at kailangan meron kang ebidensya na nagsasabi na mas malamang sa hindi, siya ay patay na) para maideklara ng korte na ang asawa mo ay IPINAPALAGAY NA PATAY (presumptively dead) na. Kung wala kang ebidensya na magsasabi na patay na ang asawa mo, kailangang ipawalang-bisa mo ang kasal nyo sa ordinaryong paraan (file ka ng kaso for declaration of nullity of marriage - malamang ang basehan mo ay "psychological incapacity" ng asawa mo).

     

    dahilan sa tagal ng panahon na di nagpaparamdam ang asawa mo, may posibilidad din naman na ito ay naging citizen na ng ibang bansa, at ikaw ay diniborsyo niya dun. kung ganito ang nangyari, maari ka nang magpakasal dito. mag-tanong-tanong ka sa mga kamag-anak o kaibigan ng asawa mo para malaman kung ganito nga ang nangyari, at para makakuha ka ng ebidensya ng diborsyo.

    Pano kung ang asawa ay nangibam bansa, at nde nagparamdam ng higit pa sa 10 taon? paso na ba ang kasal?

     

    Ano ang kailangan gawin para mapaso ito?

  8. medyo kulang yan. altho ang adultery ay pwedeng mapatunayan ng circumstantial evidence lang (dahil wala namang magkalaguyo na nagse-sex sa harap ng maraming tao), kailangan na ang ebidensya mo ay walang ibang patutunguhang konklusyon kundi na nagsex sila. ang pictures mo ay dapat sabayan ng testimonya ng testigo na magsasabi na magkasama silang natulog sa isang kwarto.

     

    Ok. Thanks for the reply. Pano kung mga pics lang nilang dalawa na magkayakap ang meron as evidence? Pics showing na nag-out of town silang dalawa lang. Is that enough evidence to implicate them with anything?
  9. sino ang nakalagay na father mo sa iyong birth certificate?

     

    ang birth certificate kasi ang official record kung sino ang tatay mo. kahit pa ginagamit mo ang apelyido ng stepfather mo eversince, yung birth certificate mo pa rin ang mananaig. kung ang nakalagay dun sa birth cerrtificate mo ay ang iyong biological father, wala kang problema, except reconciling your other records (kung saan iba ang apelyido mo) with your birth certificate.

     

    kung ang nakalagay naman na tatay sa birth certificate mo ay ang stepfather mo, medyo mahirap ito. baka kailangang dalhin ito sa korte (wala pang kasiguraduhan na mananalo ka dahil magbabago ang status mo).

     

    anyway, lahat ng ito ay spekulasyon lamang, hangga't di natin alam ang detalye ng birth certificate mo. alamin mo muna yun.

     

    good evening

    i have a question regarding an issue with my biological father..i have been using my stepfather's last name

    eversince.my biological father wanted to share his benefit ie philhealth etc

    h0w d0 i go about with the paternal acknowledgment?i dont the provisions and stuff..any suggestions?

    thank you :heart:

  10. bawal yan :evil: he he he

     

    subukan mo munang kumuha sa QC Civil Registrar ng kopya ng kasal, baka naman kasi iba ang data na ibinigay mo sa NSO kaya nag-negative. Ang tanong pa nga diyan, paano mo nasabi na sa QC naka-register? Kung me kopya ng marriage certificate mo sa QC, me ebidensya na kasal ka, kaya di ka pwede magpakasal uli.

     

    pag nag-negative, di pa rin ibig sabihin nun na single ka, ang ibig lang sabihin, walang record na kasal ka. pag nagpakasal ka uli, at nalaman ng asawa mo, baka ihabla ka pa ng bigamy (prision mayor ang sentensya nun - 6yrs and 1 day to 12years). ang pinakada best niyan, ipawalang bisa mo ang kasal mo. kumunsulta sa abugado.

     

     

     

    ask lang po. meron po ba dito may kilala sa qc hall na pede mag hugot ng marriage cert or records ba yon? kasi kinasal me before sa manila city hall pero sa qc na reg. then naghiwalay kami. then kumuha ko cenomar. negative ako. anu ibig sabihin nun? pd na ko pakasal uli?
  11. mahihirapan ka. kasi, talaga namang me pinsala silang natamo (di sila nabayaran ng upa) at me karapatan silang magreklamo. tapos, nakatira ka dun sa pinauupahan nila kaya pwedeng sabihin na sa unang tingin, pwede ka nilang ireklamo. sa madaling salita, di masasabi na walang basehan yung reklamo nila (altho, sa malalimang pagsusuri, wala silang habol sa yo).

     

    pangalawa, dagdag perwisyo lang sa yo yan. pupunta ka sa piskalya, magrereklamo (baka mangangailangan ka pa ng abugado sa paghahanda ng reklamo mo), babalik-balik ka sa hearing, tapos ala namang kasiguraduhan na mananalo ka (me testigo ka ba sa mga nangyari? ikaw na rin ang nagsabi na empleyado sa brgy. ang nagreklamo sa yo, siguradong lahat ng tao sa barangay, tetestigo para sa kanya, babaliktarin ka niyan).

     

    anyway, karapatan mong maghabla. ang maganda niyan, kumunsulta ka sa abugado para ma-analyze talaga ang kaso mo.

     

    :thumbsupsmiley: salamat master!! btw, can i file a complaint against them? i think slander, psychological harrassment and extortion fits.

     

    grounds:

    inakusahan ako ng panloloko/ pakikipag kontsaba sa di pagbabayad

     

    idinidiin nila ako at pinagbantaan

     

    pinipilit ako makunan ng pera.

     

     

    **************OOT***

    what happend to my first post?

  12. kung hindi naman ipinasa sa iyo ang pag-upa sa bahay, wala kang liability sa ilalim ng lease contract. pabayaan mo silang maghabla. wala ring criminal liability yan (sabi mo na rin sa unang post mo - walang nakukulong sa utang. lalo na dito na di mo naman utang yung P18T). alalahanin mo rin na walang kapangyarihan ang barangay para pagbayarin ka diyan, ang papel lang ng barangay ay ipagkasundo ang magkabilang panig. pag di kayo magkasundo, maglalabas lang ang barangay ng Certification To File Action - para maghabla na sila sa korte. at dahil nga di ka naman nakapirma sa kontrata, ala silang habol sa iyo sa ilalim ng lease contract.

     

    or maybe u can give me ur # so i give accurate details... takenote.. wala ako sa kontrata nor was i presentin the contract signing.
  13. kung hindi na sila Filipino, at gusto nilang bumili ng LUPA na matitirhan, sabi ng Batas Pambansa 185:

     

    Section 2. Any natural-born citizen of the Philippines who has lost his Philippine citizenship and who has the legal capacity to enter into a contract under Philippine laws may be a transferee of a private land up to a maximum area of one thousand square meters, in the case of urban land, or one hectare in the case of rural land, to be used by him as his residence. In the case of married couples, one of them may avail of the privilege herein granted; Provided, That if both shall avail of the same, the total area acquired shall not exceed the maximum herein fixed.

    In case the transferee already owns urban or rural lands for residential purposes, he shall still be entitled to be a transferee of additional urban or rural lands for residential purposes which, when added to those already owned by him, shall not exceed the maximum areas herein authorized.

     

    kung ang gusto naman nila ay LUPA na pang-negosyo (di kasali ang negosyong buy-and-sell ng lupa), ayon sa Republic Act 7042 (Foreign Investments Act of 1991) as amended by RA 8179:

     

    SEC. 10. Other rights of natural-born citizen pursuant to the provisions of Article XII, Section 8 of the Constitution. - Any natural-born citizen who has lost his Philippine citizenship and who has the legal capacity to enter into a contract under Philippine Laws may be a transferee of a private land up to a maximum area of five thousand [5,000] square meters in the case of urban land or three [3] hectares in the case of rural land to be used by him for business or other purposes. In the case of married couples, one of them may avail of the privilege herein granted: Provided, That If both shall avail of the same, the total area acquired shall not exceed the maximum herein fixed.

    In case the transferee already owns urban or rural land for business or other purposes, he shall be entitled to be a transferee of additional urban or rural land for business or other purposes which when added to those already owned by him shall not exceed the maximum areas herein authorized.

    A transferee under this Act may acquire not more than two [2] lots which should be situated in different municipalities or cities anywhere in the Philippines: Provided, That the total land area thereof shall not exceed five thousand [5,000] square meters in the case of urban land or three [3] hectares in the case of rural land for use by him for business or other purposes. A transferee who has already acquired urban land shall be disqualified form acquiring rural land and vice versa.

     

    kung bahay o gusali lang ang bibilhin (di kasali ang lupa), pwedeng-pwede itong bilhin ng isang dating Filipino ng walang limitasyon.

     

    kung ang laki o dami ng lupa na bibilhin ay sobra na sa nakasaad sa batas, ang available option na lang ay upahan ito (maximum ng 25 years lease, renewable for another 25 years - Pres. Decree 471)

     

    yung bang mga nag pa citizen sa ibang country na filipino e pwede pang bumili ng property sa pinas ????
  14. kung naghiwalay lang sila ng basta, ibig sabihin, kasal pa rin sila sa isa't-isa. dahil dito, pareho silang may obligasyon na manatiling tapat sa isa't-isa. kapag nilabag ni babae ito, maaari siyang kasuhan ng adultery (kung may ebidensya na magpapatunay na nagpapabarurot siya sa iba, e.g. nabuntis at nagka-anak sa kanyang lalaki - sa tutoo lang, ito ang pinakamagandang ebidensya lalo na kung merong birth certificate yung bata na pirmado ng ina) pag nanalo si lalaki, kulong si babae (prision correccional medium to maximum or 2yrs 4 mos. 1day - 6 years) .

     

    pwede rin itong gawing ground para sa declaration of nullity (sintomas ng psychological incapacity) o di kaya ay legal separation (sexual infidelity)

     

    I'm not sure if this question is supposed to be in this thread. Anyway i hope you can help me, what if legally married ang isang couple and naghiwalay lang sila without an annulment and a few months later nalaman ng lalaki na kaya pala sya hiniwalayan ni babae is because may lalaki na si babae. It's not what she told him in the first place. Can the guy file a case against his wife? If so, what's gonna happen?
  15. walang kapangyarihan ang barangay chairman na mag-issue ng contempt. ang pwedeng gawin ng kapitan ay mag-apply sa korte ng petition para ipadeklara in contempt ang di dumalo sa mediation.

     

    ito ay nasa Section 515 ng Local Government Code, na nagsasabi:

     

    Section 515. Refusal or Failure of Any Party or Witness to Appear before the Lupon or Pangkat. - Refusal or willful failure of any party or witness to appear before the lupon or pangkat in compliance with a summons issued pursuant to the provisions on the Katarungang Pambarangay under Chapter 7, Title III of this Code may be punished by the city or municipal court as for indirect contempt of court upon application filed therewith by the lupon chairman, the pangkat chairman, or by any of the contending parties. Such refusal or willful failure to appear shall be reflected in the records of the lupon secretary or in the minutes of the pangkat secretary and shall bar the complainant who fails to appear, from seeking judicial recourse for the same cause of action, and the respondent who refuses to appear, from filing any counterclaim arising out of, or necessarily connected with the complaint.

     

    A pangkat member who serves as such shall be entitled to an honorarium, the amount of which is to be determined by the sanggunian concerned subject to the provisions in this Code cited above.

     

    dahil dito, anumang "contempt of court" na galing lang sa kapitan at hindi galing sa korte kaugnay sa di pagdalo sa barangay conciliation ay walang bisa.

     

    maari itong maging paglabag ng Art. 241 ng Revised Penal Code (usurpation of judicial functions)

     

    ask ko lang po. pwede bang magi issue ang barangay chairman ng contempt of court pag di nakarating sa mediation/conciliation disputes? pag nagissue ba sila may ginawa na ba silang labag sa batas? salamat po.
  16. paso na ang kaso.

     

    kung ang isang taong nasa 18 hanggang bago mag-21 ay nagpakasal ng walang pahintulot ng magulang, meron siyang limang (5) taon mula ng mag-21 para ipawalang-bisa ang kasal. dahil sampung taon na silang nagsasama, lampas limang taon na, kaya paso na (kailangan din na di na sila magsasama pag nag-21 siya dahil nawawala rin ang depekto pag nagsama pa rin sila bilang mag-asawa pag-21 niya).

     

    maraming salamat sa sagot atty.

     

    kung pinatanda po ang ikinasal para walang consent ng magulang, but then nagsasama na ng 10 taon is it consider voidable dahil walang pahintulot ang magulang in the first place. Kung pwedeng ipawalang bisa ang ganitong sitwasyon. Ano ang gagawing proseso para mapawalang bisa ang kasal?

  17. hindi nawawalan ng bisa ang kasal dahil mali ang date of birth na ibinigay ng ikinasal.

     

    ang rekisitos ng kasal ay:

     

    i. kapasidad ng ikinakasal (e.g. isang lalaki at isang babae, pareho silang edad 18 pataas, hindi magkapatid o magpinsan, parehong single, atbp.)

     

    ii. pagsang-ayon sa kasal (pagtanggap sa isa't-isa bilang mag-asawa) na inihayag nila sa harap ng nagkakasal at ng dalawang testigo

     

    iii. kapangyarihang magkasal ng nagdiwang/nagdaos ng kasal (e.g., kailangan ito ay pari, mayor, huwes, etc.)

     

    iv. marriage license - kailangang meron nito ang ikinakasal (bagaman may ilang hindi saklaw ng rekisitos na ito), at

     

    v. seremonya ng kasal kung saan humarap sa nagkakasal ang magkapareha.

     

    Kapag ang limang rekisitos na ito ay nariyan, may bisa ang kasal. mapapansin na hindi rekisitos ng mabisang kasalan ang pagbibigay ng tamang edad o date of birth (siyempre, kailangan 18 sila pataas). kaya nga kahit mali ang binigay mong pangalan sa kasal, may bisa pa rin ang kasal mo - mali nga lang ang lalabas na pangalan sa marriage contract (pati marriage contract ay hindi rekisitos ng kasal kaya kahit wala nito, basta yung limang rekisitos na nakalista sa taas ay meron, may bisa ang kasal).

     

    NOTE: walang bisa ang kasal kung ang ikinasal ay below 18 at nagsinungaling ito at ipinalabas niya na siya ay 18 na (walang bisa ang kasal, hindi dahil mali ang date of birth, kundi dahil ang taong below 18 ay walang kapasidad magpakasal).

     

    Ang isa ring posibilidad ay 18 and above siya pero below 21, at nagpapakasal siya ng walang pahintulot ng magulang, kaya siya ay nagsinungaling at pinalabas niya na siya ay 21 na (para di na hanapan ng parental consent). ang kasal ay pwedeng ipawalang-bisa (voidable) hindi dahil mali ang date of birth kundi dahil walang pahintulot ng magulang.

     

    liban sa dalawang kasong ito, ang maling date of birth sa marriage certificate ay di nakaka-apekto sa bisa ng kasal.

     

    tanong ko lang atty .

    if the birth date given of both parties is not the right one and also appear in marriage contract in NSO., but the true bithdate does not match with the birth cert. Will this be consider void?

  18. ang mga elemento ng estafa ay:

     

    (1) that money, goods, or other personal properties are received by the offender in trust, or on commission, or for administration, or under any other obligation involving the duty to make delivery of, or to return, the same;

     

    (2) that there is a misappropriation or conversion of such money or property by the offender or denial on his part of such receipt;

     

    (3) that such misappropriation or conversion or denial is to the prejudice of another; and,

     

    (4) that there is a demand made by the offended party on the offender.

     

    sabi mo, wala naman talagang perang natanggap ang asawa mo. kung wala, ibig sabihin, wala agad ang unang elemento. at dahil wala ngang natanggap, wala din ang pangalawa, at pangatlong elemento. kung ganun, masasabi natin na walang estafang naganap.

     

    ang problema mo lang, ang usapin kung me perang tinanggap ang misis mo o wala ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng ebidensya. hindi dahil sinasabi nyo na walang perang natanggap o na peke yung papel ay paniniwalaan na kayo ng piscalya. eto ay kailangan nyong patunayan. kung mapapatunayan nyo ito, madi-dismis yung kaso, kung hindi naman, eto ay isasampa sa korte at dun nyo patutunayan na walang katotohanan ang sinasabi niya. sa madaling salita, ilalaban nyo talaga ito - una, sa piskalya, at kung hindi maniwala ang piskal sa inyo, sa korte.

     

    mukhang maganda naman ang laban nyo at lumalabas na kontra-demanda na lang ito ng ex ng asawa mo, dahil naunahan nyo na siya sa kasuhan.

     

    good luck sa inyo! at ayon na rin kay atty. sison "kapag may katwiran, ipaglaban mo!" [kapag walang katwiran, bayaran mo!]

     

     

    tulong naman po mga lawyers

     

     

    ang wife ko po ay may stalker ex bf. nalaman po ng wife ko na hiwalay pala sa asawa ung ex niya kya hiniwalayan nya po ito. bago sila naghiwalay e kumuha sila ng bahay sa pagibig. gumastos na ung ex niya ang 17,352 sa house na un. at sinisingil niya wife ko para bayaran siya pero siempre di kami pumayag. gumawa ng pekeng dokumento ung ex niya which states na NAGPATAGO siya ng pera sa wife ko worth 17,500 para pag naikasal n sila. ang masama po may pirma po ito nang wife ko dahil ang pepel po n ginamit ay ung excuse letter na blanko na pinagawa dati ng wife ko na may pirma niya nga. di pa rin po pumayag wife ko na bayaran dahil peke naman po ung dokumento. nagpalabas po ng mga private pictures ng wife ko ung SOB na ex niya. pinadala po sa mga kaibigan at kaopismate na wife ko. natangal po sa work niya ung wife ko,

    kya isunumbong po namin sa mga pulis ung ginagawa ng ex niya. nagkaroon po ng entrapment at naikulong ung f#cking sh!t na tao n un. nakapagpiyansa ung guy at kinasuhan naman ng estafa (art. 315) ung wife ko. nagpatago lng po ng pera ung nakasulat sa dokumento. he entrusted 17500 to my wife for their future plans when they get marries. un po nakasulat. sulat kamay niya pa nga.. may laban po b wife ko sa kaso? Estafa po ba n matatawag un?

  19. THANKS! WHAT ABOUT HER RIGHTS AND OBLIGATIONS AS COMPARED TO A MARRIED SPOUSE?

     

    ipagpapalagay ko na pareho kayong walang sabit.

     

    kapag ganun, Art. 147 ng Family Code ang iiral sa samahan ninyo. sa ilalim nito, ang sweldo mo at sweldo niya ay pag-aari niyo pareho. lahat ng ari-arian at kagamitan na maipupundar ninyo sa pagsisikap ninyo habang kayo ay nagsasama ay pag-aari nyong dalawa.

     

    halimbawa, sa inyong pagsasama, nakabili ka ng bahay at lupa gamit ang sweldo mo. dahil ang sweldo mo ay pag-aari nyong dalawa, ang bahay at lupa ay pag-aari nyo pareho.

     

    ipinapalagay din ng batas na lahat ng naipundar habang kayo ay nagsasama, kung walang ebidensya kung saan ito galing, ay pag-aari nyo pareho.

     

    sa katunayan, kung ang isa sa inyo ay nasa bahay lang (walang trabaho) at ang ginagawa lamang niya ay alagaan at asikasuhin ang pamilya at bahay niyo (mag-alaga ng bata, magluto, maglinis, maglaba, etc.), eto ay itinuturing ng batas na kanyang kontribusyon sa lahat ng ari-arian at gamit na naipundar mo habang kayo ay nagsasama. eg. nagmana ka ng P1M mula sa nasira mong magulang (ang P1M ay solo mong pag-aari dahil hindi naman ito sweldo at di rin naman galing sa iyong pagsisikap), bumili ka ng bahay at lupa gamit ang P1M, kalahati nun ay pag-aari na ng kinakasama mo kung siya ay nasa bahay lang at nag-aalaga sa iyo at sa inyong pamilya.

     

    pero dahil hindi naman kayo kasal, wala kang obligasyon na suportahan siya. hindi rin siya magmamana sa iyo dahil hindi mo siya kaano-ano (maliban na lang kung ikaw ay magbibigay ka sa kanya ng mana sa pamamagitan ng testamento).

     

    dahil di kayo kasal, ang mga anak ninyo ay "illegitimate" at sila ay nasa ilalim ng parental authority ng ina.

  20. i-follow-up mo sa fiscal's office kung ano na ang nangyari sa kaso mo. dalhin mo yung I.S. No. ng kaso mo para madaling makita. tanungin mo yung sekretarya ng fiscal na me hawak kung ano na ang nangyari sa kaso na yun. baka rin naman kasi, na-desisyunan na ito. marami rin kasing hawak na kaso ang mga fiscal kaya di mo rin masisisi kung bakit minsan, mabagal ang resolution ng kaso.

     

     

     

     

     

     

    Good day sir,

     

    Since I filed a estafa case last June 2009 to the procecutors office in the municipality of the respondents... Then the letter of subpoena has been ignored by the respondents and a resolution has been submitted by the procecutors...

     

    Ever since that day wala na po akong balita kung ano na nangyari... Does it mean my case has been denied?

     

    Justice delayed is justice denied...

     

    Please enlighten me attorney. Thank you and God Bless.

  21. eto yung kinakasama ng isang tao bilang kanyang asawa, pero di sila kasal. masasabi natin na ang iyong ka-live-in ngayon ay iyong common law wife.

     

    Hello !! Ask ko lang who do we consider a common law wife ? I am single but living in with a single woman of legal age for 9 years now. Need enlightenment lang !
  22. 1. ano po mga grounds na pwede [para ipawalang-bisa ang kasal ko]?

     

    Sabi nga ni swami sa kabilang thread, hindi mo na maaaring ma-kwestyon yung pagpirma ng tita ng asawa mo, sa halip ng magulang mo, para sa parental consent.

     

    Sa ilalim ng batas, ang taong nasa edad 18 hanggang bago mag-21 na nagpapakasal ay kailangang kumuha ng parental consent. Pag walang parental consent, ang kasal ay maaaring ipa-walang bisa.

     

    Ang problema mo, sa ilalim din ng batas, kapag nag-21 na yung tao at nakisama pa rin siya sa kanyang kapareha bilang mag-asawa, naitutuwid o nawawala yung depekto ng kasal (Article 45[1], Family Code).

     

    Sa kaso mo kasi, ayun na rin sa yo, naghiwalay lang kayo ng 1year old na ang anak nyo. Samakatuwid, 21 años ka na nun. Dahil nagsama pa rin kayo pagkatapos mong mag-21, nawala/naayos yung depekto ng kasal nyo.

     

    Isa pa, ipagpalagay man natin na di kayo nagsama nung ikaw ay nag-21, sa ilalim ng batas, ang kawalan ng parental consent ay dapat kwestyunin sa loob lamang ng limang taon mula ng mag-21 ang ikinasal (Article 47[1], Family Code). Sa kaso mo, walong taon na ang nakakalipas mula ng kayo ay maghiwalay, kaya paso na rin ang kaso mo.

     

    sa tingin ko, "psychological incapacity" ang pinakamaganda mong ground para mapawalang-bisa ang kasal mo. mangangailangan ka ng psychiatrist/psychologist para ipakita na may "psychological incapacity" ang napangasawa mo (at baka pati ikaw na rin)

     

    2. magkano ang annulment?

    depende sa abugadong makukuha mo, magtanong-tanong ka sa mga kakilala at kaibigan tungkol sa kakilalang abugado. usually, ang abugado na rin ang magpro-provide ng psychiatrist/psychologist na magsasagawa ng psychological evaluation sa inyong mag-asawa

     

    3. ano po ba mga kelangan ko ihanda?

    PERA!!!. Gagastos ka talaga dito.

     

    4. sa 8 years na [paghihiwalay namin ng asawa ko], mgrant kaya agad ang annulment namin?

    depende sa korte at depende rin sa abugado mo ang tagal ng kaso. mga 8 months to 3 years ang tatakbnuhin niyan, depende kung kokontrahin ng asawa mo yung petisyon mo sa korte, at depende na rin sa dami ng kaso sa korte. alalahanin mo na ang kaso ay isinasampa sa lugar kung saan ka nakatira o kung saan nakatira ang asawa mo (nasa sa iyo kung alin sa dalawang ito ang korteng paghahainan mo ng kaso), pag marami ang kasong ganito at iisa o iilan lang ang Family Court, matagal.

     

    Good day po mga bossing. bago lang po ako dito sa MTC. dito ko daw po ipost tong problema ko

    hingi lang po sana ako ng advice kung:

    magkano ang annulment?

    ano po ba mga kelangan ko ihanda?

    ano po mga grounds na pwede?

     

    well year 2000 ako kinasal. 20 y/o pa lang po ako nun.

    kinasal kami kasi nauntis ko sya. well ginusto namin parehas.

    muntik kami hindi matuloy kasi that time wala ako pera nun. nasa pangasinan sya nun. umuwi ako kasi akala ko tulungan ako ng parents ko. well ok naman sana. nakapag seminar na kami. pinauwi ako para pagbalik ko dun ay kasama ko na nanay ko at mga magnininang. gusto sana ipaurong ang kasal kasi tuesday nakaset ang kasal. marami ang hindi makakaattend. ayaw pumayag nung sa side nung babae kasi hindi daw pwede na ipaurong ang sched. nagalit sila kasi akala nila ayaw kami ipakasal. ang sa side ko lang kasi may pasok that time kaya pinapaurong. hanggang dumating ang puntong sinabi ng side ng girl na pag hindi ko daw pinakasalan ang anak nila. bahala daw kung may mangyaring masama sa anak nila. in the end 3 lang kami ng tropa ako nakabalik. mga proxy kasi sila. nung ikakasal na. ayaw pumayag nung sa munisipyo. kasi walang pirma ang magulang ko. that time kasi nasa abroad ang tatay ko. ayaw naman pumunta ng nanay ko kasi wala sya makakasama. ang ginawa ng magulang ng asawa ko noon, pinapirma ang "TITA" daw nya. parental consent daw yun. kasi sinabi namin na may sakit ang nanay ko. pinapirma naman yung tita.

     

    legal din po kaya yun?

     

    well after mag 1 year ng anak namin. nagkahiwalay kami dahil sa financial problem.

    8 years na ang total ng taon na hindi kami nagkakasama. nung 3 years pumunta sya sa bahay. para aregluhin daw na magkapirmahan sa brgy na magkahiwalay na kami.

     

    hindi naman pwede yun di ba?

     

    sa 8 years na yun. mgrant kaya agad ang annulment namin?

     

    sana po ay matulungan nyo ako.

    nga po pala may gf ako ngayon na minsan dito umuuwi sa amin. tanggap nya ako. willing naman sya maghintay ng annulment ko.

    ano po sa tingin nyo?

     

    salamat po and may god bless you.

  23. oo. di naman tamang gawain yan ng isang me-asawa. mangangailangan ka lang ng psychiatrist/psychologist para ipakita na ito ay mga palatandaan ng "psychological incapacity" na nandidiyan na ng kayo ay kinasal. (sa tutoo lang, kapag magaling? ang psychiatrist, maipapalabas nya na "psychologically incapacitated" ang isang tao kahit wala naman itong diperensya, siyempre, binabayaran siya para sabihing ganun eh).

     

    sa kaso mo, mas madali ito dahil lumalabas na talagang me problema yang magaling mong asawa.

     

    lumapit ka na sa abogado para mabigyan ka ng mas detalyadong assessment at tulong sa problema mo.

     

     

     

    Hi!

     

    My Husband is an alcoholic and treats me bad. He teaches my kids to disrespect me whenever we have a fight and calls me names and insults me. And whenever he is drunk, he has a tendency to do things he claims he wasnt aware off when he is sober. He also threathens to hurt my family and siblings?

     

    can that be considered as a ground for me to file for an annulment?

  24. Kung ang titulo ng lupa ay galing sa CLOA (Certificate of Land Ownership Award), ibig sabihin ito ay lupang ipinamigay ng gobyerno sa ilalim ng CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program). Sa ilalim ng CARP law (RA 6657), hindi pwedeng ibenta ang lupang ibinigay sa CARP sa loob ng sampung taon mula sa award nito. Tingnan mo sa titulo kung kelan na-issue ito. Kung lampas sampung taon na mula sa issuance hanggang sa pagkabili nyo, pwede nang mailipat ang titulo sa pangalan ng kumpanya nyo. Otherwise, walang bisa ang bilihan na nangyari (dahil bawal nga ito sa ilalim ng CARP).

     

     

     

    magandang araw po. hingi po sana ako ng tulong sa sinumang makakatulong po sa akin.

    gumawa pokc kmi corporation ng mga frens ko for a farm. Nakabili po kmi 6 has. pero sa titulo po ng lupa a nakalagay na "Certificate of Land Ownership Award". Maaari pa rin po ba maitransfer sa corporation ung nasabing titulo?

    salamat po ng marami

×
×
  • Create New...