Jump to content

rocco69

[09] REVERED
  • Posts

    926
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    1

Posts posted by rocco69

  1. 1. kapag na-annul ang unang marriage, kailangan pakasalan ko uli ang asawa ko para maging valid ang relationship?

     

    yup, wala nga kasi siyang bisa kaya kailangan mong magpakasal uli (matapos ipa-annul ang una mong kasal) para mabigyang bisa ito.

     

     

    2. gaano po ba katagal ang ganitong hakbang?

     

    madali magpakasal. ikaw na rin ang nagsabi, nagpa-secret marriage ka 10 years ago, di ba mabilis lang yun.

     

    ang matagal yung pagpapawalang-bisa sa kasal mo at di natin hawak ang oras ng huwes, ng piskal, etc. tsaka may iba pang factors na pwedeng magpatagal sa kaso (matagal din bago maglabas ng "finality" ng desisyon ang korte). anyway, dahil sabi mo na pareho kayong menor de edad (ibig sabihin below 18 kayo pareho) nung ikaw ay magpakasal 10 years ago, mas madaling ipawalang-bisa ang kasal mo kesa sa iba (edad nyo lang ang patutunayan), kaya dapat mas madaling matapos ito kesa sa ordinaryong kaso ng pagpapawalang-bisa ng kasal. baka walong-buwan hanggang isang taon tapos na ito (note: ipagpalagay natin na nanalo ka sa kaso, hindi dahil may desisyon na kung saan panalo ka ay pwede ka nang magpakasal. hihintayin mo pa na maging "final and executory" ito bago ka makapagpapakasal - otherwise walang bisa ang pangalawa mong kasal. medyo matagal din ito, minsan inaabot ng 6 na buwan hanggang taon).

     

     

    3. magkano po kaya ang nagagastos?

     

    malaki ang kamurahan nito kesa sa ordinaryong pagpapa-annul dahil nga mas madaling patunayan ito.

     

    kapag na-annul ang unang marriage, kailangan pakasalan ko uli ang asawa ko para maging valid ang relationship? gaano po ba katagal ang ganitong hakbang at magkano po kaya ang nagagastos? kahit estimate lang po mula sa annulment hanggang sa panibagong marriage.

     

    thank you po

  2. ang passport ay valid for 5 years lang, ibig sabihin expired na yung 2001 passport. mag-apply na lang kayo for a new passport using her newly-corrected birth certificate. ayon sa website ng DFA, kakailanganin ninyo para dito ang Marriage certificate ng magulang, original birth certificate at amended birth certificate ng bata. tsaka siyempre, ung lumang passport nung bata.

     

    if you have gotten a new pasport for her already, buti pa hintayin nyo na lang ang expiry nito sa 2011 (assuming nirenew nyo yung passport last 2006), tutal, machine-readable na ang bagong passport, and the old one which you have is not. ganun din cguro ang requirements.

     

    My daughter was born out of wedlock 1988 so in her birth cert she bears the surname of her mother

    .... 1994 I married the mother .....

    2001 She got a passport still in having the surname of her mother

     

    2009 I have her NSO birth certificate corrected with my surname on

     

    How do we correct now her passport?

  3. mag-file ka ng kaso para ipawalang-bisa ang una mong kasal.

     

    Note: dahil nung magpakasal ka muli, wala pang deklarasyon mula sa korte na walang-bisa ang una mong kasal, ayon sa Family Code (dahil ikinasal ka ng unang beses nung 2000, ito ang kumukober sa sitwasyon mo), wala ring bisa ang pangalawa mong kasal.

     

    kumunsulta agad sa abugado bago pa lumaki ang problema mo.

     

     

    10 years ago, may pinakasalan ako sa huwes, yung secret marriage na tinatawag. Makalipas lang ng kasal ay nagbago ang isip namin at hindi kami nag-sama, ang isa pa ay mga menor de edad pa kami noon. Wala din parental consent ang ginawa namin. Nag-away din kami at di na nagkita. Nakakita na sya ng ibang bf, at ako naman ay may iba na ring gf na sya ko naman pinakasalan. Nag-asawa na rin ang gf ko at pareho na kami may kanya-kanyang pamilya.

     

    Ngayon, kumuha ako ng cenomar at nakarekord doon ang dalawa kong marriage. Ano po ang legal na paraan para mapabura ko ang una kong marriage?

  4. punta siya sa Civil registrar ng manila at apply siya for a copy of the birth certificate using the data in the information sheet, pag may lumabas na ganung birth certificate, ibig sabihin registrado na yung bata. pag wal;a naman, kailangan mag-apply din sa NSO para makita na talalgang walang ganung birth certificate. anyway, magtanong-tanong na lang siya sa civil registrar ng manila at alam na nila dun kung ano ang gagawin.

     

    Actually, hawak daw niya ung original nung "Information sheet for live birth certificate registration" yun ba yung pinapasa sa Civil Registrar? Our Lady of Lourdes Hospital daw sa Manila. So punta na lang sa Civil Registrar sa Manila City Hall?
  5. magastos magkaso. do you really NEED to file a custody case, or you WANT to file a custody case. a custody case would require you to show that you are better qualified to take care of your child than your spouse. it is not just a case of showing that your wife is unqualified, you also have to show you are qualified. also, since this involves a child, this will certainly raise objections from your ex. In other words, baka ang mangyari, maglabasan kayo ng baho sa korte - sisiraan mo siya para ijustify na hindi siya qualified sa bata, sisiraan ka rin niya dahil ayaw niyang mawala ang bata sa kanya.

     

    anyway, in custody cases, the no. 1 factor to be considered is "what is for the best interest of the child" (ano ba ang makabubuti sa bata)? dahil turning 8 na ang anak ninyo, malaking factor kung sino ang gusto ng bata na makasama na magulang - which is in your favor. malaki ring factor yung nagka-anak sa iba yung asawa mo (ipapalagay ko na kinakasama nya yung lalaking nakabuntis sa kanya), dahil pangit na nakikita ng anak mo yung ina nya na may kinakasamang iba at may kapatid pa siya na iba ang tatay.

     

    ang gastusin dito ay katulad din ng ibang kaso, depende sa abugadong makukuha mo (this could range from a low of P50T to as high as a million - depende nga sa abugado, kung si Fortun o Katrina Legarda ba naman ang gusto mo, o isang bagong pasa pa lang ng bar). kakailanganin mo ng ebidensya na mas karapat-dapat mapunta sa iyo ang bata, proof of good character, proof of income, endorsement by priests, respected people in community (best to also get a psychiatrist to come out with a report saying that it would be best for the child to stay with you).

     

    mas maganda, get also proof of the adultery of your wife (birth certificate of the child, paano mo nasabi na sa ibang lalaki yun etc.)

     

    do not expect also that your wife will be totally excluded from the life of your child, dahil ina yan, baka bigyan din ng visitation right ng korte ang ina sa bata.

     

    clearly, mabigat na proseso ang pagkakaso. kung mukhang mahirap, why don't you talk with your ex about what is happening with your child, kung ano ang ayaw mosa mga demands niya, bakit ayaw mo na ikaw lagi ang nag-aaccomodate sa kanya. baka sakali na mapagkasunduan ninyo.

     

    kung talagang matigas ang ulo, takutin mo na kakasuhan mo siya ng ADULTERY at ipapakulong mo siya (on the assumption na basta na lang kayo naghiwalay at di pa napapawalang-bisa ang kasal ninyo) kung di siya papayag sa mga gusto mo - siguraduhin mo lang na after you do this, di niya itatakas ang bata mula sa iyo.

     

    hope this helps.

     

     

     

    mga legal grus need your help please.. I just don't know if an issue about "CHILD CUSTODY" has been raised before if so please direct me.. salamt po..

    going on..

     

    I need to file for a Custody Battle.. I have a 7 year old daughter turning 8 this October, hiwalay na kame ng asawa ko dahil nagka anak sya sa ibang lalake habang kasal kame her kid is now turning 1 this Feb. Hindi ko alam if she's living with the dad of her baby or tinakbuhan sya

     

    Right now we are sharing time with our daughter since ito ang payo ng Abogado nya (PAO) pero hindi naman din kasi sya sumusunod sa ibang provisions ng abogado nya and ako ang lagi nag aadjust para lang ma accomodate ang mga demands nya.. isa pa I really don't think the PAO lawyer is telling me everything I need to know or is just beating around the bushes keeping me pacified enough not to file for anything..

    Ayaw nung anak ko sa kanya since she really is a daddy's girl and IMO hindi nya na bibigay ang lahat ng kelangan ng anak namin.

    she has a job as a sales attendant in some mall se started not to long ago, wala pa yata 4 months, I have a Job as well sa isang call center for more than a year now..

     

    Bottom line is I really would like to file for a custody battle for my daughter.. any advices you guys can give me.. like Cost.. how long.. steps I need to take and such.. salamat in advance

  6. get a good lawyer who is using a REALLY GOOD psychiatrist/psychologist. there is NO GUARANTEE of success in ALL kinds of cases. otherwise, no one would like to become a lawyer (sa lahat ng kaso may naglalaban, ibig sabihin, 2 nagkokontrang abugado yun, yung isa panalo, yung isa, talo!).

     

    i hear of certain lawyers having arrangements with the judge and the fiscal, so that SIGURADO na na panalo ang kaso. bawal po ang ganitong sistema at hindi ko inererekomenda (because of Murphy's Law - baka balikan ka nito isang araw, sabit kayong lahat, client, lawyer, judge). if you can find a lawyer who promises you something like this, good luck - but don't say you have not been warned.

     

    sirs ano po ba ang pwede gawin to make sure na ma grant ang annulment? i don't wanna ba spending 150-200k just for the judge to tell me that i't won't be granted ( that would suck bigtime ) and if by any chance it won't be granted ano na? what next steps will I have to take? tapos na ba yun as in wala nang pag asa?
  7. ang utang ng isang namatay ay hindi nawawala dahil patay na siya. ito ay dapat bayaran sa pamamagitan ng kanyang mga naiwang ari-arian. lumalabas, ang mamamana nyo sa inyong ama ay ang kanyang ari-arian LESS ang mga utang niya.

     

    sa madaling salita, pwedeng maghabol ang PLDT sa mga naiwang ari-arian ng inyong ama. Pero, kung wala namang naiwang ari-arian ang ama ninyo na nakapangalan sa kanya (halimbawa lupa, sasakyan, stocks), mahihirapan ang PLDT maghabol dahil wala silang ebidensya kung ano ang pag-aari ng nasira mong ama. pero kung meron, pwede talaga silang maghabol dun.

     

    Note, however, that for 3.6K, malabong maghabla pa ang PLDT (dahil mas mahal pa ang ibabayad nila sa abugado at sa iba pang gastusin) lalo na na wala na nga yung kanilang hinahabol. in other words, mukhang pananakot lang ang sulat na natanggap ninyo, at di rin nila talaga ito itutuloy.

     

    yun nga lang, kasabihan nga - ang utang ay dapat bayaran.

     

    Fellow MTCers, need an answer for this one.

     

    My Father Died last July 2008, He has an account due on PLDT worth P3.6K before he passed away. My mother decided not to settle it because wala na nga yung father ko plus fact na they had a service problem on the PLDT. last month may na recieved sila Letter from a Law Firm na my father should settle it or else may i file daw na case ang client nila which is PLDT kapag hindi na settle yung debt .

     

    Tama ba yung decision ng mother ko and may rights ba ang court na habulin ang isang dead accused client.???

  8. saan ba ipinanganak yung bata? kasi duty ng hospital na isubmit yung birth certificate sa Civil Registrar (tsaka iniipit din nila ito habang hindi pa sila bayad). kung sa midwife lang, duty rin ng midwife na magsubmit ng birth certificate. whether hospital or midwife, alamin niya muna mula sa ospital or the midwife kung sila ba ay nagsubmit na ng birth certificate sa civil registrar, kung wala talaga, late registration yan. pwede siyang pumunta sa civil registrar kung saan ipinanganak ang bata para magparehistro dun sa bata. di na kailangan ang consent ng lalaki dahil di naman sila kasal

     

    Mga sir, ito yung case: A friend of mine has a 2 year old child and she's not sure if the father already got him a birth certificate. They're really in bad terms. They can't even agree on what to name the child. Is it possible for her to procure a birth certificate for the child and name him without the consent of the father? How does she apply for the BC? They're not married by the way.

     

    She really needs to have a BC of the child ASAP. Anyone she could go to? She resides in Manila. Pwede na rin siguro sa QC samahan ko na lang. Thanks.

  9. 1. Anu po ba opinion ninyo dito [sa murang singil para sa annulment]?

     

    ang ibinabayad ng isang kliyente sa abugado ay halintulad din ng pagbabayad sa serbisyong ibinibigay ng ibang propesyon.

    pag nagbayad ka ng sobrang mababa, asahan mo rin ang serbisyong sobrang mababa ang kalidad [baka pa nga hindi naman abugado ang kausap mo at ginagantso ka lang]. wala pa akong naririnig na abugado na sumisingil ng mas mababa sa P100T [na murang-mura na nga kung iisipin]

     

    2. Gaano po ba katagal ang declaration of nullity?

     

    depende sa maraming factor ang tagal ng kaso.

     

    saan mo ba ihahain ang kaso? may mga lugar kasi na iilan lang ang Family Court [korte na siya lamang dumidinig sa ganitong kaso] kaya tambak ang husgado (eg. Antipolo - 2 lang ang Family Court kung kaya ang hearing ng isang kaso ay 6months ang pagitan).

     

    lalaban ba ang iyong esposo sa ihahain mong kaso? pag kumontra ang iyong asawa, asahan mong mas tatagal ang kaso dahil dalawa kayong magpri-prisinta ng ebidensya.

     

    taga-saan ba ang esposo mo? kung ikaw ay maghahain ng kaso sa Metro Manila at ang asawa mo ay nasa Mindanao, asahan mo na matagal din ang kaso dahil pagbibigay-alam pa lang sa asawa mo na naghain ka ng kaso ay aabutin na ng ilang buwan agad.

     

    masigasig ba ang abugado mo?

     

    masipag ba ang huwes kung saan bumagsak ang kaso mo?

     

    masipag ba ang fiscal na naka-assign sa korte kung saan bumagsak ang kaso mo? [kapag di lumaban o sumagot ang esposo mo sa kasong inihain mo, ang fiscal ang magiging kalaban mo at kailangan mo pa ring patunayan sa pamahalaan na dapat ngang ipawalang-bisa ang kasal mo, ang fiscasl ang kumakatawan sa pamahalaan. di lang yan, pag di sumagot ang asawa mo, kailangang magsumite ng report ang fiscal sa korte na walang sabwatang namamagitan sa mag-asawa upang ipawalang-bisa ang kasal nila, kaya kung tatamad-tamad ang fiscal, matagal bago magsumite ng report].

     

    matagal din bago maging "final and executory" ang desisyon. nakapag-desisyon na ang huwes, pero ang desisyon ay nagiging final lamang kung walang aapela dito. nalalaman lamang na final na ito kapag nakatanggap na ang korte ng ebidensya na natanggap na ang desisyon ng lahat ng partido at ni isa sa mga ito ay hindi umapila (sino-sino ang mga partido na dapat mabigyan ng desisyon? 1. ang naghain ng kaso; 2. ang kanyang esposo (lumaban man o hindi); 3. ang fiscal; 4. ang Solicitor General.)

     

    ang masasabi ko lang, makakuha ka ng desisyon sa loob ng 8 buwan mula sa paghain mo ay mabilis na mabilis na. Isa hanggang dalawang taon, ordinaryo lang na panahon.

     

    3. magkano naman po ito?

     

    ikaw na rin ang nagsabi - "Ang sabi sa old threads dito mga 180-200k ang processing ng annulment."

     

    magtanong-tanong sa kaibigan o kakilala na nagpa-annul na kung magaling ang kanilang abugado. magtanong sa kamag-anak o di kaya sa mga iginagalang na tao kung may mairerekomenda sila na abugado. ang paghahanap ng abugado ay para ding pagbibili ng ibang mamahaling gamit - kailangang pag-aralan din ang abugadong kukunin, tingnan ang kanyang credentials, ang experience, at ang inyong pakikitungo sa kanya - kung saan kayo komportable, na kaya naman ng budget nyo, at yung sasamahan kayo hanggang matapos ang kaso. masaklap ang gagastos ka ng malaki pagkatapos bopol naman ang kinuha ninyo, sabay talo lang ang kaso - para ka lang nagtapon ng pera.

     

    Ang sumusunod ay galing sa American Bar Association - pero pwede na rin ito dito sa Pilipinas:

     

    What should I look for when trying to choose a lawyer?

     

    The lawyer will be helping you solve your problems, so the first qualification is that you must feel comfortable enough to tell him or her, honestly and completely, all the facts necessary to resolve your problem. No one you listen to and nothing you read will be able to tell you which particular lawyer will be the best for you; you must judge that for yourself.

     

    Ito pa:

     

    Questions to ask a lawyer:

     

    • What is your education?

    • What year did you begin practicing law?

    • What experience do you have with cases such as mine?

    • How many cases like mine have you handled before?

    • What percentage of your practice is in my area of law?

    • How many trials have you handled? (If your matter may require a trial.)

    • Will he [the attorney] be able to devote the time you want to the case?

    • Have you ever been the subject of an ethics or disciplinary complaint?

    • How long is my case likely to last?

     

     

    Sir Rocco69 salamat po sa reply....

     

     

    Tanong:

    Ang sabi sa old threads dito mga 180-200k ang processing ng annulment. Nakakita po ako sa **lit.com.ph na may mga 50k po doon na kayang mag process din ng annulment cases. Anu po ba opinion ninyo dito?

     

    Gaano po ba katagal ang declaration of nullity? At magkano naman po ito. Pinatatanung ng friend ko.

     

     

     

    Salamat po.

  10. ito ay mga article sa Family Code of the Philippines.

     

    ang ibig lang sabihin ng mga article na ito, pwedeng magpakasal ang Pilipino sa ibang bansa at ang kasal nya run ay may bisa sa Pilipinas kung ang kasal na ito ay hindi ipinagbabawal sa Pilipinas.

     

    halimbawa ng mga bawal:

     

    kung kayo ay may-asawa na, at nagpakasal kayo sa ibang bansa, walang bisa ang kasal mo kahit legal sa bansang yun ang kasal mo.

     

    kasal sa pagitan ng dalawang lalaki/dalawang babae. kahit pa legal sa bansang yun ang kasal sa pagitan ng parehong kasarian, pagdating sa Pilipinas, walang bisa yun.

     

    kasal sa pagitan ng magpinsang buo. kahit pa legal sa bansang yun ang kasal ng magpinsan, pagdating sa Pilipinas, walang bisa yun.

     

    ang siguraduhin mo lang, may kapasidad kayong magpakasal sa ilalim ng batas ng Pilipinas. kung kayo ay pwedeng magpakasal sa Pilipinas, maari kayong magpakasal sa ibang bansa at yun ay may bisa pagdating mo dito sa Pinas.

     

    Thanks so much sir, anyways, para binding din yung new relationship ko if ever i would find someone again...

     

    :)

     

    but what are those ARTICLES you mentioned?? what kind of problems i may have regarding this???

  11. pwede mag-file ng annulment kahit nasa ibang bansa ang petitioner, pero kailangan na ang petition ay pirmado niya at susumpaan niya sa harap ng consular o embassy officials ng Pilipinas sa bansa kung nasaan siya (tingnan ang Section 5[3] ng Rule on Declaration of Nullity of Marriage).

     

    kailangan di na mag-appear siya sa pre-trial ng kaso, kung hindi ay baka madismiss ang kaso (tingnan ang Section 11[2b] at Section 13 ng nasabing Rule).

     

    may mga abugado(?) na magsasabi na kaya nilang maghain ng kaso na di na haharap sa korte ang nagkaso (non-appearance kumbaga). hindi ko masabi kung ito ay pwede o hindi. ang masasabi ko lang, may hokus-pokus sa ganitong klaseng sistema. baka sa huli ay mas lalo ka lang mapasama. ang aking payo... dumaan sa tamang proseso para di magsisis sa huli. nagkamali ka na nga sa pagpapakasal sa asawa mo, wag nang dagdagan pa ng ibang sakit sa ulo. magtanong-tanong ka sa kamag-anak o di-kaya sa kaibigan kung meron silang mairerekomenda na kakilala at pinagkakatiwalaang abugado.

     

    hope this helps.

     

    Sir,

     

    Pwede ba mag file ng annulment ang isang tao kahit nasa ibang bansa siya?

    Wedding took place in PH, girl is in Pasay separated for 15 yrs na.

     

    Whats the procedure for this? Power of Atty?

    Kahit walang appearance ng both parties pwede kaya yun?

     

    Salamat po

  12. 1. would it follow that the child may use the surname of the biological dad?

     

    yes. yan ang epekto ng R.A. No. 9255, pwede nang gamitin ng anak sa labas ang apelyido ng kanilang ama.

     

    2. is there a process to revoke or revert it so that the kid will remain using the mom's surname?

     

    that seems to be the problem right now. the implementing rules and regulations formulated to implement RA9255 has not taken into consideration the wishes of the mother, hence this situation is currently not covered by the rules. the mother, i think, might be forced to go to court and file a petition for declaratory relief

     

     

    guys, an illegitmate child was born and was acknowledged by the father, would it follow that the child may use the surname of the biological dad?

    if so, if the mom does not want the kid (super minor) to use the dad's surname, is there a process to revoke or revert it so that the kid will remain using the mom's surname? thanks

  13. No. It's six percent (6%) based on the gross selling price or current fair market value

     

    somebody told me that if the contract of sales states that capital gains tax is for account of buyer, the numerical base which the BIR will use to compute the 6% will be the amount of the contract plus the nominal amount of the capital gains tax. Ex. sales contract amount = P10M so bir will use 10,000,000 plus 600,000 or 10,600,000 as base for computing the tax therefore capital gains tax is P636,000. is this correct?
  14. dahil ang lalaki ay may asawa na, yung anak niya dun sa babae ay illegtitimate (anak sa labas). kung di naman siya pumirma sa birth certificate ng bata, ang apelyido na dadalhin ng bata ay apelyido ng ina. kung kinilala niya yung bata at siya ay pumirma sa birth certificate nito, ang gagamiting apelyido ng bata ay apelyido niya.

     

    ngayon, kalimitan ayaw umamin ng mga partido na sila ay hindi kasal sa isa't-isa at na kabit lamang si babae. ang gagawin, palalabasin na sila ay kasal sa isa't-isa. pag nalaman ito ng tunay na asawa, maaari pa silang makasuhan ng falsification of public documents. ang masasabi ko lamang ay... mag-iingat kasi!

     

    Sir kung ang lalaki ay me asawa na at naanakan lang yung babae paano po ba yun?
  15. so long as your frined and his former live-in partner never married each other, their children will be illegitimate.

     

    the use by the four kids of their father's surname has no effect on their status as illegitimate children.

     

    My friend married his girlfriend two months ago and they discovered recently that his former live-in partner of whom he has four kids with carried his surname in the birth certificates, even if they were not married.

     

    Is there any legal implication? Are the kids still considered illegitimate?

  16. ang sobrang ingay ay "nuisance" na maaring ipatigil.

     

    pero para di ka na gumastos ng malaki, magtanong ka sa homeowner's association kung meron rules ang association na nagco-cover dito. kung meron, yung ang gamitin mo.

     

    kung wala, baka may system to settle disputes between neighbors ang ass'n, itanong mo na rin, at tingnan sa by-laws.

     

    kung sasabihin ng ass'n na wala silang magagawa, sa barangay ka magreklamo. dapat me magagawa ang kapitan, o di kaya ang lupong tagapamayapa, tungkol diyan (lalo at mag-eelekson na naman sa barangay).

     

    kung walang mangyari sa brgy., bibigyan ka ng Certification to File Action" at pwede ka na maghabla sa korte para ipatigil yang maingay mong kapitbahay. pwedeng civil case for TRO and injunction or criminal case for violation of Art. 155 of the Revised Penal Code (alarms and scandals)

     

    is there any legal action that can be taken against noisy neighbors? by the way these people are not part of the home owners association they are just renting the place... they are not the owners... thanks
  17. 1. does this mean that the kids would still have to bear their biological father's surname?

     

    Yes, as they are legitimate children, they have the right to bear their father's surname (see Art. 364 and 369, Civil Code).

     

    Note, also, that a person's official name is the name listed in their birth certificate. If their surname, as listed in the birth certificate, is that of their father, then they have to use that.

     

    2. is there no other way to have this changed and have the kids bear the mother's maiden name?

     

    Unfortunately, no. As they are legitimate children of the father, they have to use the surname of the father. Allowing the children to change their surname to that of their mother would confuse people and make them think that the children are illegitimate, which is why that kind of change is disallowed by law.

     

    Child/children of annulled marriages still considered legitimate.

     

    please confirm:

    -does this mean that the kids would still have to bear their biological father's surname?

    -is there no other way to have this changed and have the kids bear the mother's maiden name?

     

    thanks

  18. 1. is the marriage void even a real ceremony happened (with all pictures and witnesses?)

     

    if the marriage took place, it is VALID even if it was not registered. altho i doubt that there is no record of their marriage. with five children, they would have been required at some point to produce a marriage certificate (baptism, school, etc.).

     

    best to check with the NSO whether there is no record of their marriage.

     

    2. is the children (five children!) legitimate and need to carry their father's name?

     

    assuming there is no defect with the marriage (other than no registration), the 5 children are legitimate. they must use the surname listed in their Certificates of Live Birth (they should be using the surname of their father in their birth certificates), as that is their official surname.

     

    3. is the second marriage even legal?

     

    since the 1st marriage is valid, the 2nd one is VOID.

     

    4. is the wife can marry again to a different guy with no hassle?

     

    no, there might be problems if she does so.. she should file a case to have the 1st marriage declared null and void from the beginning.

     

    as i said earlier, she should first check with the NSO and the Civil Registrar of the place where she got married to see whether there is no record of the marriage (note that it is the duty of the priest – not of the persons getting married – to register the marriage with the Civil Registrar). if there is a record, she really has to file a petition to have her marriage declared null and void. if there really is no record...

     

     

    I have a question and this is for a friend.

     

    They were married for like 17 years. There were marriage ceremony happened, complete with everything, a church ceremony infact. Happened, they did not have it filed.

     

    Now, the husband married another girl.

     

    Question :

     

    1. is the marriage void even a real ceremony happened (with all pictures and witnesses?)

    2. is the children (five children!) legitimate and need to carry their father's name?

    3. is the second marriage even legal?

    4. is the wife can marry again to a different guy with no hassle?

     

    Thanks for all who's gonna answer.

  19. pa-declare mo munang null and void yung pangalawang kasal mo.

     

    tapos nun, file ka ng kaso para ipa-walang-bisa yung una mong kasal.

     

    actually, pwede rin yung gusto mo, pero mas orderly yung unahin mo ang 2nd bago yung 1st.

     

    dear atty.: nagpakasal po kami sa civil ng una kong asawa last 2000 (bulacan), dahil sa nabuntis ko sya, me work na sya that time at ako naman e 4th year college pa, i was 22 then..after 1 year, 2001, nagkahiwalay kami at nagkaron ako ng ibang gf..nakalagay sa mga documents nya na married na sya pero ako di ko idiniclare that time..after 4 years, nagpakasal kami ng gf ko (2005) sa civil din (manila city hall), at dun ko nilagay un status ko sa mga documents ko with my second wife at nakakuha pa kami ng authenticated na certificate from NSO. After a year(2006), nagpakasal din un una kong asawa sa bulacan din, but still ang ginagamit nya surname e surname ko. nagkaron sya ng dalawang anak dun sa bago nya asawa. ako naman, unfortunately e di nagkaron ng anak..this year, naghiwalay na rin kami ng pangalawa kong asawa...ngaun po, gusto ko pong magpa-annul, ano po ang gagawin ko? Unahin ko po muna na ma annul un una kong marriage, then pa declare kong null and void un 2nd marriage ko? please advise sir, your help is much appreciated. thanks in advance.
  20. 1. kasama ba sa conjugal property ang property na hinulugan pa while annulment is on process?

     

    ang tanong, kelan kayo ikinasal? kung kayo ay ikinasal on or after Aug. 3, 1988, ang ari-arian nyo ay hindi conjugal property kundi absolute community property. sa ilalim ng rehimen na ito, lahat na pag-aari mo ng kayo ay ikasal ay ay pag-aari na rin ng asawa mo. ang sweldo mo ay hindi mo lang pag-aari kundi pag-aari na rin ng asawa mo.

     

    dahil dito, ang hinuhulugan mong property ay pag-aari nyo pareho (kung ito ay naisalin na sa pangalan mo nung ikasal kayo). Dahil pag-aari nyo na ito pareho, kung ito ay ibebenta o iliipat sa iba, kailangan may consent mula sa asawa mo. Kung walang pahintulot, ang pagbenta o paglipat ay walang bisa (see Art. 96, Family Code). maari itong habulin ng asawa mo.

     

    ang isa namang posibilidad ay wala pa sa pangalan mo ang property dahil hinuhulugan mo pa ito (contract to sell lang kumbaga, kung saan nangangako ang developer na kapag fully-paid na, dun lang niya ibibigay ang Deed of Absolute Sale sa property). pero kung sweldo mo naman ang ginagamit sa paghuhulog dito, may parte pa rin ang asawa mo dito dahil ang sweldo mo nga ay sweldo rin niya.

     

    ngayon, sabi mo na on process na ang annulment mo. ang kutob ko, ito ay hindi annulment kundi "declaration of nullity" case. kung "declaration of nullity" ito, hintayin mo na lang ang resulta ng kaso. kung ma-grant ang petition, sasabihin ng korte na walang bisa ang kasal mo mula simula. dahil walang bisa mula sa simula, walang kasalang naganap at lalabas na walang absolute community property. kung ano lang ang aktuwal na kontribusyon ng asawa mo sa property ang siyang magiging parte niya dito. Kaso lang, sabi rin ng batas, sa ganung sitwasyon, ang sweldo mo habang kayo ay nagsasama ay pag-aari nyo pareho kaya me parte pa rin siya sa property. at ayun na rin sa batas, di mo rin pwede ilipat ng walang pahintulot ng kinakasama mo

     

    kaya, sa puno't-dulo, talagang wala kang lusot dito KUNG HAHABULIN ANG PROPERTY ng asawa mo. Kaya, ang pinakamagandang gawin, kausapin mo ang asawa mo kung paano nyo hahatiin ang ari-ariang ito. baka naman mapapayag mo na wag na siyang maghabol.

     

    i dont know if this is applicable in this thread. tanong ko lang po kung ang property na hinulugan pa will still be subject as conjugal property while annulment is on process.

    ano ang pwedeng gawin para hindi ito mabilang sa conjugal property. Pwede bang palipat ito sa ibang pangalan kahit walang consent ng other half, dahil ako naman ang nagbabayad from the very start. Ano ang pinakamagandang gawin in this case.

     

    Salamat po.

  21. Ano po ang maaaring mangyari sa kapatid ko?

     

    kung tutoo yung text, ang mangyayari sa kapatid mo ay... may kaso siyang civil dito sa Pilipinas - yun lang!

     

    alalahanin mo na dito sa Pilipinas, walang nakukulong dahil sa utang - bawal sa atin yun.

     

    kung matatalo siya sa kaso, maaaring habulin ang ari-arian niya (kung me mahahanap ang korte), pero walang kulong.

     

    wag lang siyang babalik sa Qatar, dahil doon, sa pagkakaalam ko, me kulong pag di ka nakabayad ng utang

     

    Dear Legal Minds of MTC,

     

    May kapatid po akong nagtrabaho sa Qatar, for almost 5years.

    May loan po siya sa isang bangko at mga credit cards.

    Dumating po ang panahon na nag-away sila ng amo niya,

    Dahil hindi na niya kayang sikmurain ang trato sa kanya,

    tumakas siya at umuwi na sa Pinas.

     

    Tanong: May natanggap pong text yung isa sa mga inilagay nyang reference

    sa kanyang loan, na sinampahan daw siya ng civil case dito sa Pinas

    nuong bangko.

    Ano po ang maaaring mangyari sa kapatid ko?

     

    Maraming salamat po sa inyo, marami po kayong natutulungan.

  22. what actions i should take?

     

    re-enroll the subject

     

    Hi,

     

    Im a student in a school here in manila, i want to ask about the my situation below:

     

    I failed one of my subject and was allowed to take the removal examination. I was under the impression that the passing score for the removal was 65 kc un tlaga ang passing samin. when i got the results it showed na failed ako then when i checked my paper my score was 66. Yun pla it was decided by the dept. of that subject na 75 ung gawing passing. I think its unfair because before we took the exam e 65 ung passing then after ng test 75 na. I want to know, what are my rights in this case and what actions i should take. thanks

  23. 1. can I demand a damage claim to them while my car is still being repaired.. for my taxi expense?

     

    Oo naman, karapatan mo yun eh. Kung magbabayad sila ng taxi expense mo... ibang usapan yun. Kung papayag sila, no problem. Kung hindi sila papayag... mapipilitan kang pumunta sa Question # 2 mo

     

    2. can I charge the girl with reckless imprudence resulting to property damage?

     

    Yes. Note that the girl was only 17, clearly she does not have a driver's license. Mahihirapan silang lumusot dito.

    In fact, dahil menor de edad ang bata, pwede mo ring kasuhan ang magulang for damages sa ilalim ng Art. 2180 ng Civil Code. isa pa, dahil sigurado namang ang magulang ang nagpahintulot sa bata na imaneho ang kanilang sasakyan, pwede mo rin sila (ang magulang) kasuhan ng child abuse (pagpapamaneho ng sasakyan sa menor de edad) sa ilalim ng Sec. 10(a) ng R.A. 7610 in relation to Art. 59(12) ng PD 603.

     

    ito lang ang mga kailangang isipin mo:

     

    kalimitan, ang gusto lang ng nakabangga ay sagutin ng insurance nila ang damage, ayaw nilang maglabas ng sariling pera (except siguro sa participation, dahil nga kasalanan nila, sasagutin na rin nila yun). kaya para sa taxi expenses mo, malamang sa hindi, di sila papayag.

     

    pinakamaganda niyan, magdemand ka ng amount na ibabayad nila sa yo over and above sa pag-ayos ng sasakyan bilang bayad sa perwisyo mo. pag-usapan niyo to, kung tumawad, OK na yun, ibig sabihin payag sila, di lang kayo nagkaka-ayos sa amount.

     

    kung ayaw talaga, takutin mo na maghahabla ka - di lang sa anak, pati sa magulang! (gawin mo lang ito kung desidido ka talagang magkaso, humihina lang ang posisyon mo at nagmumukha kang katawa-tawa kung mananakot ka, di mo naman itutuloy)

     

    kung ayaw pa rin, ayun, kasuhan mo na. alalahanin mo lang na pag naghabla ka, di nila ipapa-ayos sa insurance ang sasakyan mo (bakit ko ipapa-ayos ang sasakyan mo, hinahabla mo ako, ang magiging mentalidad nila diyan). if you cannot have your vehicle repaired at your expense in the meantime, mahihirapan ka sa kasuhan dahil matagal ito.

     

     

     

     

     

    Ask ko lang po...

     

    my car was bumped on a blind corner... I already stopped and the girl driving the other car (17yrs old) was not able to brake and hit me.

     

    her car was not really damaged, palit bumper lang ok na.. butmy car was close to totally wreck.. and can't be used.. maybe since she was driving a 1997 model as compared to a 2007 model.. so body structure is harder.. and I was already at full stop and she still have themomentum..

     

    to cut the story short...

     

    they acknowledge their fault... but they want their insurance to settle the matter...

     

    I only have 1 car that I use to go to work.. now I don't have anything to use... can I demand a damage claim to them while my car is still being repaired.. for my taxi expense..

     

    If they don't pay me... can I charge the girl with reckless imprudence resulting to property damage...

     

    please help... thanks.

  24. kung nakalagay naman yung visitation rights nung lalaki sa decision ng court, di na niya kailangang magsampa ng bagong kaso. mag-file lang siya ng motion for execution with the court, para ipatupad ang decision.

     

    o di kaya'y motion for contempt, dahil di sinusunod ang utos ng hukuman.

     

     

    tanong lang po, kung sakali na grant ang annulment pagkatapos yung mother e inde sinunod yung tungkol sa visitation right ng asawa nya,

     

    yung bang asawang lalaki pwede idemanda yung asawang babae ?

     

    thanks

  25. yup, the father can file a petition to have custody awarded to him given that the husband seems better-suited to take care of the daughter.

     

    dahil nga may decision, the husband should file a case rather than just wait (kung wala kasing decision, pwede sanang maghintay na lang siya na magkaso ang asawa).

     

    incidentally, check nya rin ang priority dates ng petitions for children below 21. ang understanding ko, Oct 22, 1993 ang priority date ngayon (ibig sabihin petitions filed on or before that date pa lang ang prino-process). baka naman malaki na ang anak niya by the time the petition goes through (16 years backlog eh). sayang din naman at baka mas mapaganda ang buhay ng anak niya as a US citizen later.

     

    for permanent residents petitioning for their children (kung tama ang pagkakaintindi ko sa concept ng priority date - immigration gurus, pls. correct me if i'm wrong here) the priority date is Aug. 15, 05, so mga 4-5 years pa bago mag-push through ang petition, 15 years old na ang anak niya nun kung ganun (rather than questioning the filing of the petition, i-delay na lang niya ng ilang taon ang filing nito para pag tumakbo na, nasa edad na ang anak niya when the petition pushes through).

     

    opo. eto yung nakasulat sa decision:

     

    The custody of the parties' common child is hereby awarded to the petitioner subject to visitorial rights of the respondent.

     

     

    but the fact remains. the petitioner or the mother left the common child to be with the respondent or father right after the decision was handed, remarried and lived with her new husband in the US. they tried to make a baby to no avail. i think 3 times na miscarriage. now she is demanding to have the child go with her and live with her in the US. the child doesn't want anymore, doesn't miss her mommy and commented na lagi naman daw sya umaalis. does the respondent/father have a case against the petitioner as to who should have custody of the common child/daughter?

     

    thank you.

×
×
  • Create New...