Jump to content

rocco69

[09] REVERED
  • Posts

    926
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    1

Posts posted by rocco69

  1. obligasyon ng magulang na suportahan ang anak.

     

    kung me trabaho naman si lalake, maaari siyang obligahin na magbigay ng suporta sa kanyang anak.

     

    magkano ba ang kailangan ng bata? Sa halagang yan, dapat 50-50 sila ng kapatid mo (kung kaya nilang sagutin pareho yung halaga).

     

    kakailanganin nyong magdemand kay lalaki na magbigay siya ng suporta. sulatan nyo at ipa-receive ng personal para maganda.

     

    kung di tumalima, sampahan nyo ng kasong kriminal (child abuse, o di-kaya'y violence against women). Alam na sa barangay yan, dun kayo magpatulong. Dahil me kulong ang isinampa nyong kaso, mas malamang sa hindi, makikipag-areglo yan. Solved ang problema!

     

     

     

     

    Hi! Sir/Ma'am,

     

     

    Here's my story, yung kapatid ko kasi nagkaanak dun sa bf nya pero di sila kasal pero nilakad yung papel para maging surname ng bata is yung surname ng tatay nya at first magaling at nasusuportahan nya financially yung pamangkin ko then all of a sudden hindi na umuwi ng bahay yung lalakeng g*go.. Dapat ba talagang suportahan financially ng lalakeng t*rant*do yung pamangkin ko? kasi ako na halos yung umaako ng responsibilidad imbes na yung tatay nung bata kahit hindi na sa kapatid ko tutal magkahiwalay naman sila at buti na lang hindi sila nagpakasal. Hindi kasi ako familiar sa mga child custody at mga support na dapat ibigay ng isang tatay sa isang anak kahit hindi sila magkasama..

     

    Thanks in advance.

  2. Ang repeated physical violence directed against a common child ay ground lamang para sa legal separation (kasal pa rin kayo sa isa't-isa, pero pwede kayong maghiwalay ng landas, wala na kayong pakialaman sa ari-arian ng bawat isa sa inyo. dahil kasal pa rin kayo, di ka pwede makisama sa iba).

     

    Ngunit, subalit, datapwat... dahil hindi naman katanggap-tanggap ang legal separation sa karamihan na may problema sa kani-kanilang kasal, pwede mong palabasin na yang pananakit ng asawa mo sa inyong anak ay sintomas o tanda na siya ay psychologically incapacitated to comply with the essential marital obligations of marriage.

     

    Alalahanin mo na ang pagmamahal at pag-aaruga sa anak ay isa sa mga essential marital obligation. Kung hindi ito nagagampanan ng asawa mo, at ito ay maitatali/maiuugnay mo sa isang psychological incapacity sa bahagi ng iyong asawa, pwede mong ipawalang-bisa ang kasal mo.

     

    Ang abugado mo ang bahalang dumiskarte para dito, siya na ang kukuha ng eksperto na magsasagawa ng pag-aaral sa inyong mag-asawa upang matiyak kung meron ngang psychological incapacity sa bahagi ng iyong asawa.

     

    Dumulog na sa abugado. Good luck sa iyo!

     

    Yung wife ko sinasaktan ang anak ko up to a point na kailagan ng anak ko ng minor surgery. Pwede po bang basehan ang child abuse then annulment. 7 years na po kaming di mag kasama.

  3. 1. pwede ko ba gamitin yung date ng actual ceremony ng kasal namin againts dun sa pag apply ng marriage license kasi obviously naging post facto yung pag apply nun and from the start wala talaga license or hindi talaga valid yung kasal..like I said its a shotgun marriage even yung family ko from province hindi na naka attend or wala na silang consent... mga friends ko lang at kasama sa work ko ang naka attend...

     

    Yes. Lumalabas na nung kinasal kayo, wala talagang lisensya

     

    2. I have an evidence naman like a video footage, pictures, yung date ng wedding ring namin, mga cards namin ni misis even mga kaibigan ko handa namn mag testify in court na ang actual date ng ceremony is naganap talaga March 19...

     

    3. enough ba yung mga evidence ko para makapag file ng annulment?

     

    I'd say so. Siguraduhin mo lang yang mga testigo mo, kailangan di sila aatras sa pagtestify para sa yo.

     

    4. if Yes - paano ang maging procedure or it will be done ba in a hardway, pahirapan ba or parang we can consider na madali nalang ang proseso???

     

    Medyo mahirap din yan, kasi may presumption na regular yung mga dokumento mo. Kailangan mo talagang patunayan ng maliwanag na maliwanag na yung dokumento ang nagsisinungaling at March 19 ka nga ikinasal, kung saan wala pang lisensya na inilalabas.

     

    Alalahanin mo rin, kailangin mo ring palabasin na hindi mo kasalanan yung pame-meke dun sa mga papeles, sa madaling salita, na hindi ka kasama sa pakana ng fixer, wala kang alam, at biktima ka rin lang (siyempre, para di ka makasuhan ng falsification of public document)

     

    5.pag nag file ng annulment can I use multiple reason like una yung date ng marriage license vs actual date ng ceremony at yung psychological incapacity nya...

     

    pwede, diskarte na ng abugado mo yan.

    Sir update ko lang yung case ko....

     

    sad to say merong marriage license yung kasal ko I was able to get a certified copy from San Juan City Registrar. Obviously yung fixer ang sumulat ng lahat ng detail dun sa application form pero may pirma kami ni misis, I remember afet ng kasal naman ehh may mga pinapirma sila sa amin na mga blank document so yun na pala yun...and they even forged yung pirma ng tatay ng wife ko kasi seaman yun at wala sya nung time na kinasal kami....

    *** but here is the situation, naganap ang ceremony ng kasal namain March 19...pero yung marriage license was released March 25 and then sa marriage certificate namin nakalagay na ang date ng kasal namin is April 25,,,para pasok dun sa 30 days ng marriage license released date...so ito yung tanong ko;

    1. pwede ko ba gamitin yung date ng actual ceremony ng kasal namin againts dun sa pag apply ng marriage license kasi obviously naging post facto yung pag apply nun and from the start wala talaga license or hindi talaga valid yung kasal..like I said its a shotgun marriage even yung family ko from province hindi na naka attend or wala na silang consent... mga friends ko lang at kasama sa work ko ang naka attend...

    2. I have an evidence naman like a video footage, pictures, yung date ng wedding ring namin, mga cards namin ni misis even mga kaibigan ko handa namn mag testify in court na ang actual date ng ceremony is naganap talaga March 19...

    3. enough ba yung mga evidence ko para makapag file ng annulment?

    4. if Yes - paano ang maging procedure or it will be done ba in a hardway, pahirapan ba or parang we can consider na madali nalang ang proseso???

    5.pag nag file ng annulment can I use multiple reason like una yung date ng marriage license vs actual date ng ceremony at yung psychological incapacity nya...

     

    Looking forward sa sagot mo Sir...

  4. 1. So kung yung marriage license sa kasal namin ay fake or nakapangalan sa ibang tao at may kopya ako. pwede naba yun maging evidence sa court for annulment?

    YES

     

    2. If ang grounds for annulment is no marriage license, mga magkano po aabutin na gastos at paano po ang procedure nito?

    Ang cost ay depende pa rin sa lawyer na makukuha mo, but it's going to be cheaper than the regular declaration of nullity case kasi mas madali yan.

    The procedure is still the same, you have to file a case in court to have your marriage declared null and void

     

    kailangan pa ba namin ng attorney?

    Yes

     

    kailangan pa ba ng hearing sa korte, e aakyat pa ba sa court of appeals?

    Yes, you still have to prove that, indeed, your marriage license is fake. If you prevail, the other party (or the Solicitor General) has the option of appealing the decision to the Court of Appeals (altho hindi sila mananalo pag talagang fake yung license nyo)

     

    need pa ba ng ex ko pumunta sa korte?

    Kung gusto nya, she can. Kung ayaw niya, OK din lang. Kapag talagang fake ang license wala silang magagawa diyan, magpakita man sila o hindi, mananalo ka pa rin dapat.

     

     

    3. about sa custody ng anak namin, kasi pinapaubaya nya na sa akin yung daughter namin...after annulment ba, need pa ng adoption?

    Kung hindi naman pinag-aawayan yung custody ng bata, di na kailangan hingin sa korte kung kanino mapupunta yung bata sa petition mo, kasi nga nasa iyo na naman yung bata.

     

    pag nadeklarang void yung kasal mo from the beginning, lalabas na di kayo kasal ng ex mo, kaya magiging anak sa labas yung bata (pero OK lang yun kasi yung birth certificate nung bata apelyido mo naman ang ginagamit, di halata na anak sa labas). di mo na kailangang iadopt dahil anak mo pa rin naman sya (pero kung may pera kang gagastusin, pwede ka rin maghain sa korte ng petition for adoption, para maging anak sa loob yung bata)

     

     

     

    Hi sir, follow-up question lang

     

    1. So kung yung marriage license sa kasal namin ay fake or nakapangalan sa ibang tao at may kopya ako. pwede naba yun maging evidence sa court for annulment?

     

    2. If ang grounds for annulment is no marriage license, mga magkano po aabutin na gastos at paano po ang procedure nito? kailangan paba namin ng attorney? kailangan paba ng hearing sa korte, e aakyat paba sa court of appeals? need paba ng ex ko pumunta sa korte? ( kung pwede all possible scenario )

     

    3. about sa custody ng anak namin, kasi pinapaubaya nya na sa akin yung daughter namin...after annulment ba need pa ng adoptation?

    ( so paki elaborate rin kung anong mangyayari sa custody ng bata - shes 7 yrs old and living with me)

     

    Thanks,

  5. read Republic Act 6552. that law should answer all your questions.

     

    guys question, i purchased a condo unit a few years ago. hinuhulugan ko pa sya until now. it's pre-selling. it hasn't been turned over yet.

     

    question is, i want to get out of the contract due to a family emergency. the developer has informed me that if i opt out of the sale, i won't get whatever i paid them that it's forfeited. is it true? or is there a way i could get what i already paid them minus penalties for opting out of the contract since wala naman ako nakuhang service or product in the end?

     

    somebody told me kasi na bawal daw ung ganun, na nagbayad ako for something i wasn't able to use. i hope somebody can clarify this for me.

     

    guys question,  i purchased a condo unit a few years ago.  hinuhulugan ko pa sya until now. it's pre-selling. it hasn't been turned over yet.<br><br>question is, i want to get out of the contract due to a family emergency.   the developer has informed me that if i opt out of the sale,  i won't get whatever i paid them that it's forfeited.  is it true?  or is there a way i could get what i already paid them minus penalties for opting out of the contract since wala naman ako nakuhang service or product in the end?<br><br>somebody told me kasi na bawal daw ung ganun, na nagbayad ako for something i wasn't able to use.  i hope somebody can clarify this for me.  <br><br><br>

  6. at the moment, none that directly addresses the act of text or cyber bullying. it could qualify as malicious mischief or grave threats, but without direct proof that it is the accused who did so (at siyempre, hindi mo naman nakikita kung yung tao nga ang gumagawa, text nga lang eh), you are going to find it extremely difficult to get this to court.

     

    Is there a Philippine Law which can convict someone for text-bullying or cyber bullying?

     

    Thanks

  7. 1. mahirap sumagot ng hindi nakikita ang mga papeles na pinirmahan ninyo.

     

    but offhand, sa ilalim ng batas, sa sitwasyon ng utang na may sanglaan ng bahay at lupa(sa Ingles, loan with real estate mortgage), bawal na maging pag-aari ng nagpapautang ang isinanglang bahay at lupa ng hindi dumadaan sa foreclosure proceedings (pagreremata at pagkatapos, bentahan thru public auction).

     

    lumalabas na ang pagpirma nyo ng dacion en pago (kung saan, I assume, na ibinigay ninyo ang bahay at lupa sa kanila bilang kabayaran sa utang ninyo, pero maaari ninyo itong bilhin muli sa kanila), ay isang pag-iwas sa ipinagbabawal ng batas. hindi rin ito makakalusot dahil sa pananaw ng batas (Arts. 1602, 1603, at 1604 ng Kodigo Sibil), ang ganitong transaksyon (dacion en pago kuno) ay ipinapalagay na sanglaan pa rin, hindi tunay na bentahan.

     

    entonses, hindi pa rin sila ang may-ari ng bahay.

     

    NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT... mangangailangan ka ng abugado para dito (wala ka na ngang pambayad sa utang, gagastos ka pa sa abugado), dahil kakailanganin mo itong kwestyunin sa hukuman (siyempre, paninigasan ng kabila na yun ay tunay na bentahan, at natural din, dahil yan ay lending, meron na silang abugado).

     

    alalahanin mo rin na manalo ka man sa hukuman, kailangan mo pa ring bayaran ang utang ninyo (ayon nga sa kanta: ang utang ay dapat bayaran... upang tayo ay pagkatiwalaan). yun nga lang, sa ilalim ng mga kasong nadesisyunan ng Korte Suprema, dapat ang interes na binabayaran ninyo ay di tataas ng 3% per month (or 36% per annum). kapag sobra-sobra din ang singil na interes sa inyo, ito rin ay ibababa ng korte sa 12% per annum (again, kailangan mo rin banggitin ang issue na ito sa korte).

     

    finally, alalahanin mo na ito ay opinyon lamang, kailangan pa ring makita ang mga dokumento para talagang malaman ang karapatan ng bawat isa sa inyo. ang pinakamaganda niyan, kumunsulta kayo sa abugado (e.g. sa kakilalang abugado, pinakamalapit na IBP, sa PAO, o di-kaya'y sa Legal Aid ng mga law school)

     

    good day sir/maam hope i get a positive feedback from you guys about my situation

     

    ang house kasi namin ay naka sangla sa lending, name ng lending is cash management, sinangla namin ng 350k ang halaga ng house namin pero halaga nia is more than 1million , ang problema ndi kami naka bayad lumaki ang interest umabot ata ng mga 450k lahat ksama ung capital na po, so pumirma ako ng dacion de pago nka saad na hindi cla mag papataw ng khit anong interest within 6 months. nung september 2011 na po ung ika 6 months pero nka bayad na ho kami ng mga halagang 200k. every month nag babayad kami ng 10k kaya sya bumababa kaso naasar kasi ako grabe maningil at manakot ang collector ang tanong ko po anytime ba pag gusto nila kunin tong bahay kaya nila makuha to sa kabila ng mga binayad namin at binabayaran everymonth or kelangan namin kumuha ng abogado para ipag laban kasi konti nalang at ndi kami papayag na sa ganong halaga ma kuha nila house and lot namin. parati kaming may ginagawang extension sa kontrata po buti ang bait nila at eneextend nila. kaso natatakot ako kasi iba na ang collector nila mayabang at mahilig mambulabog . ang case naman po ng 2 kong kakilala since 1990 pa ho ang kanila halos hindi cla nag babayad pero after 20 years lang prang gumawa ng aksyon ung banko , eh ang pag kakaalam ko po mas mahigpit sa bangko kesa lending. sana may mgnda o konting pag asa ako na makita sa reply nio po maraming salamat po sir/maam at mabuhay kayo

  8. mahihirapan yung ina na ipabago yung apelyido ng bata mula sa ama papunta sa ina.

     

    una kasi, mas pabor sa bata ang gamitin ang apelyido ng ama dahil hindi halata na siya ay anak sa labas. kapag gagamitin ng bata ang apelyido ng kanyang ina, kitang-kita agad na siya ay anak sa labas. hindi gusto ng batas ang mga sitwasyon kung saan imbes na pabor, napapasama pa yung bata, na siyang mangyayari kung pagbibigyan ang gusto ng ina.

     

    pangalawa, dahil nga di pabor sa bata, ang desisyon kung anong apelyido ang gagamitin ay dapat ibigay sa bata (dahil ito naman ang gagamit nito, hindi ang ina), at ito ay maaari lamang gawin ng bata kung siya ay nasa edad na, entonses kailangang hintaying tumanda ang bata, hindi pwede yan desisyunan ngayon ng ina.

     

    ang pagpaparehistro naman ulit dun sa bata ay illegal. kapag rehistrado na ang bata, hindi ito dapat ipinaparehistro ulit. maaari itong maging falsification of public documents (at dahil computerized na rin ang NSO, pag nakita ito sa computer, ang ilalabas pa rin nilang dokumento ay yung nauna)

     

    sir rocco maraming salamat,

     

    may questions pa po ako.

     

    same situation kay tambolero pero this time yung nanay naman gusto gamitin apelyido ng anak nya.

     

    di kasal ung magulang ng bata pero sa birth certificate ginamit apelyido ng tatay kase ok pa sila noon, ngayong naghiwalay sila gusto gamitin ng nanay sa anak nila ung apelyido nya, pano po yung legal process dun? btw 3 & 4years old yung mga anak.

     

    another problem is finorce nya (ng nanay) na iparegister ung isang anak nya sa name nya, i don't know kung legal or illegal yung process kaya bale doble yung record ng anak nya, ano po possible solution dun?

     

     

    and btw ano lang yung karapatan ng ama sa anak nya na below 7years old? illegitimate child po

     

    maraming salamat ulit.

  9. 1. pwede ba kami magpakasal ng walang consent ng family namin

     

    depende sa edad ng ikakasal.

    kapag ikaw ay 18 hanggang bago mag-21, kailangan ng consent ng ama, o ina, o nabubuhay na magulang, o guardian [kung patay na ang magulang], in that order (e.g. kahit ayaw ng ina kung payag ang ama OK; kung payag ang ina pero di payag ang ama, problema). pag walang consent, depektibo ang kasal, maaari itong ipawalang-bisa.

     

    kapag ikaw ay 21 hanggang bago mag-25, kailangan naman ng advice mula sa magulang, kung walang advice di ka makakakuha ng marriage license agad (delayed ito ng 90 days). Yun nga lang, makakakuha ka pa rin ng lisensya (pag walang lisensya ang kasal, wala rin itong bisa. ang gustong magpakasal ay nag-aapply muna at kumukuha ng marriage license sa Civil Registrar bago sila ikasal).

     

    kaya, kung kayo ay 25 or over, no need for consent or advice mula sa pamilya ninyo.

     

    2. magkakaroon ba complication kung may anak na sya but not married.

     

    hindi

     

    Baka may natanong na ganito dito kaso wala ako time magbackread so sorry, here's my question

     

    plan namin magpa civil wedding ng gf ko next year, pwede ba un kahit di alam ng family nya? family ko lang at sya nakaka alam ng relationship namin for now and plan namin magpakasal na di muna paalam sa family nya.

     

    and may complications ba kung may anak na sya? pero hindi sya kasal sa ama ng mga anak nya and hiwalay na din sila?

     

    short version

    1. pwede ba kami magpakasal ng walang consent ng family namin

    2. magkakaroon ba complication kung may anak na sya but not married.

     

    thanks

  10. 1. Paano malaman kung legal yung married license.

     

    Pumunta sa Civil Registrar of San Juan and inquire there if there is really such a marriage license (give the number of the license, as stated in your MC) issued in you and your wife's name in the records of the Civil Registry of San Juan.

     

    Kung wala, lumalabas na fake yung marriage license.

     

    Kung meron, ask for the supporting documents for the license like the application for marriage license (dahil ang sabi mo, hindi ka naman nag-apply, lalabas na walang supporting documents yan). You could then probably question the validity of the license (I say probably, dahil ang prevailing doctrine ay: so long as issued by and pirmado ang license, ng Civil Registrar, valid ito)

     

    2. dun sa pag iba ng date ng actual na kasal at sa nakasaad sa Marriage contract pwede ba maging grounds for null & void?

     

    It could be null and void, not because of the difference in the date of marriage, but because at the time you actually got married, there was no marriage license yet. A marriage without a valid marriage license is void.

     

    Kaya lang... kakailanganin mong magsampa ng kaso sa korte para dito. At kung salita mo lang ang ebidensya mo about your marriage having been celebrated on the 19th of March instead of the 25 April stated in your Marriage Certificate, mahihirapan ka. Mahirap paniwalaan yung salita mo lang, laban sa official document na Marriage Certificate (iisipin kasi ng korte na gumagawa ka lang ng kwento para palabasing walang bisa ang kasal mo. Natural din, yung solemnizing officer, pagmamatigasan niya na April 25 talaga yung kasal, otherwise siya naman ang sasabit).

     

    However, kung may matibay kang ebidensya na March 19 talaga idinaos yung kasal, lalabas na walang bisa ang kasal mo talaga.

     

     

    3. at kung yung nagkasal sa amin ay hindi authorized pwede rin maging grounds yung ng annulment.

     

    pag walang kapangyarihan yung nagkakasal, null and void din ang kasal (kaya lang, kung nung panahon ng kasal, NANINIWALA ISA MAN LANG SA INYO na siya ay may kapangyarihang magkasal, mabisa pa rin ang kasal mo. sa madaling salita, walang bisa lamang ang kasal kung alam nyo pareho nung panahon ng kasal na wala siyang kapangyarihang magkasal kaninuman). Halimbawa, nagpakasal ka sa isang babae, ang pinsan mo na dating seminarista at hindi naman pari, ay nagkunwaring pari, at ito ang "nagkasal" sa inyo, kahit alam mo na pekeng pari yung nagkakasal sa inyo, kung akala ng babae na tunay na pari yung pinsan mo (kahit hindi naman talaga), mabisa pa rin ang kasal nyo.

     

    4. How about yung pagkakaiba ng address ko?

     

    walang epekto ang maling address sa MC sa bisa ng kasal. Kahit nga mali o ibang pangalan ang gamitin mo sa MC, wala rin itong epekto sa kasal mo, mabisa pa rin ito

     

    5. minadali kaso ako ng pamilya ng babae im from Mindanao at dito alng nag work so wala sa family ko naka attend.

     

    mabisa pa rin ang kasal kahit nag-aatubili ka o nag-dadalawang-isip nung ikaw ay magpakasal, ang "reluctant consent" o "hesitant consent" ay consent pa rin. Hindi ito mahahalintulad sa violence o intimidation kung saan masasabi natin na wala talagang consent dahil pinuwersa ka lamang o di-kaya'y sinindak.

     

    Paano ma check kung valid yung married license??? meron nakalagay sa marriage contract namin ni wifey pero hindi namn kami nag apply at hindi rin kami nag seminar kasi madalian yung pagpapakasal namin...then iba ang date ng kasal sa document(MC), ikinasal kami March 19 pero nakalagay sa marriage contract nag apply ng married license March 27 then date ng kasal is April 25...at di rin ako sure kung yung nagkasal ehh lisensyado...pero naka kuha ang ng MC sa City Hall ng Pasay.. yung address ko iba din nakalagay sa MC sa San Juan ako at dun din nag file ng married license..

     

    SO yung tanong ko

    1. Paano malaman kung legal yung married license.

    2. dun sa pag iba ng date ng actual na kasal at sa nakasaad sa Marriage contract pwede ba maging grounds for null & void?

    3. at kung yung nagkasal sa amin ay hindi authorized pwede rin maging grounds yung ng annulment.

    4. How about yung pagkakaiba ng address ko?

    5. minadali kaso ako ng pamilya ng babae im from Mindanao at dito alng nag work so wala sa family ko naka attend.

  11. dahil ibebenta din naman niya ulit ang condo, bakit hindi na lang i-blanko ang pangalan ng buyer sa deed of sale na gagawin ng condo owner, para pag-ibenenta niya ito ulit, fill in the blanks na lang yung name ng 2nd buyer (ang problema lang, malalaman ng 2nd buyer kung magkano ang pagkakabili niya sa condo, tsaka ang ibang buyers baka magduda pag hindi sa pangalan niya yung unit)

     

    kung ayaw niya sa ganito, it is always better to state that he is married in the deed of sale, otherwise baka falsification pa ito (problema mo lang, mahirap ibenta sa iba ang property pag nakita na married siya, without the consent of the wife)

     

    guys hindi ko alam kung saan to pwede i lagay. pwede kasing sa annulment and real estate so MODS of MTC sorry po pero i post ko na din ito dito. very important lang po kasi THANKS

     

    Atty’s of MTC pa hingi naman po ng advice. Yung pinsan ko kasi under process yung annulment of marriage nila nung asawa nya. May document na din na nag sasabi na may separation of properties and kung ano mang bibilihin na property ay wala na silang paki alam sa isat isa. Si pinsan (guy) ko may magandang deal na makukuha sa isang condomium sa Makati na binebenta ng napaka mura. Gusto nya bilihin para i benta din or parang fast break lang maski kumita ng onti. Ang problem is presently married pa talaga sila nung girl, pero sabi within the year baka matatapos na yung case.

     

    Regarding sa documentation para sa sale nung sinabihan namin na mag pa gawa ng SPA or pumirma sa documents pag bili at pag benta eh ayaw makipag cooperate. Baka daw magkaroon ng effect sa annulment nila. By the way si babae ang nag file ng case and 100% wala balak mag habol sa mga ibang properties na pwede nya bilihin. Now pag gumawa po ba ng deed of sale dapat padin ba i lagay na married? Or ok lang na single si pinsan? alam po namin na mali yun pero sayang yung pag kakataon. Pag nilagay na married hindi naman pipirma sa babae.. pag nilagay na legally separated baka hanapan naman ng docs. Pag nilagay kaya na single walang maging problem?

     

    Thanks!

  12. dahil hindi kayo kasal ng ina ng bata, ito ay illegitimate.

     

    Sa ilalim ng batas (Article 176, Family Code), ang apelyido na gagamitin ng isang illegitimate child ay apelyido ng ina.

     

    NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT...

     

    Dahilan sa Republic Act 9255 (na isinulong ni Sen. Revilla, na alam nating maraming anak), maaari nang gamitin ng anak sa labas ang apelyido ng kanyang ama, kapag papayag ang ama dito, at kikilalanin niya ang bata bilang anak niya.

     

    Sa iyong kaso, kinilala mo na ang iyong anak, ang kulang na lang ay ang Affidavit to Use Father's Surname (AUSF).

     

    Magpunta sa Civil Registrar kung saan naka-rehistro ang bata at dun magtanong kung ano ang kailangan para maidagdag na ang iyong apelyido dun sa birth certificate ng bata.

     

    NOTE: Sa ilalim ng Art. 176, ang ilehitimong bata ay nasa kapangyarihan ng ina. Kung ating susuriin, dahil ang bata ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng ina, dapat kailangan munang pumayag ang ina sa pagbabago ng apelyido (dahil siya dapat ang nagde-desisyun at menor-de-edad pa ang bata), kahit pa gusto ito ng ama.

     

    Kaya lang, walang sinasabi ang Implementing Rules and Regulations ng RA 9255 na kailangan ang consent ng ina bago mabago ang apelyido ng bata, kung kaya't TAKE ADVANTAGE NA (at sabi mo nga ay di kayo magkasundo ng ina)

     

    PANGALAWA: Sa ibang Civil Registrar (tulad ng Manila at QC), may interview pa na ginagawa ang Civil Registrar kung saan kailangang humarap ang magulang at bata, baka lang magkaproblema ka pag ganito, at baka di mo madala ang bata sa Civil Registrar for interview at sabi mo nga ay di kayo magkasundo ng ina. That is the reason why you have to go to the Civil Registrar concerned to ask what are their specific requirements (aside from the AUSF).

     

    Good luck!

     

    Good day,

     

    Gusto ko sana huminggi ng advice sa problem ko.

     

     

    May anak po ako isang babae as of this moment 10yrs old na siya, hindi ako kasal sa mother nya, kaya apelyedo ng mother nya ang gamit nya, but naka pirma ako sa likod ng birth certificate nya. We are not in good terms ng mother nya. As of now nakatira siya sa mother nya.

     

    Question - Pwede ko bang ipa change na ang surname ng anak ko? paano ang gagawin ko?

     

    Thank you.

  13. Between the father and the grandparents, the father has preference. Kaya lang, dahil ayaw ibigay sa kanya, mangangailangan siyang magkaso for custody of the child.

     

    Also, is he married to somebody else, baka naman kasi may asawa na siya, baka hindi pumayag asawa niya.

     

    Kung single siya, OK yun. Also, when you say "he is the father written on the birth certificate", nakapirma ba siya sa likod ng birth certificate? Kasi, iba yung nilagay lang pangalan niya without his participation, at yung siya ang nakapirma sa likod bilang ama nung bata. Mas madaling patunayan na siya yung father in the 2nd case.

     

    Question po, a friend of mine has an illegitimate child with a woman. He is the father written on the birth certificate. The mother recently died. Who has the right to take custody of the child, the father or the mother's parents? The father wants to take care of the child but the mother's parents won't allow him.

  14. 1. Gusto ng ibang kapatid nila Auntie na makuha ung share nila from Dead Good Auntie's heirs, how?

     

    what shares are they entitled to? if Dead Good Auntie has heirs (children), then these are the persons entitled to the property, not the brothers and sisters of Dead Good Auntie.

     

    If Dead Good Auntie died without children, but with a spouse, the spouse gets 50%, brothers and sisters, the other 50%. If no spouse and no children, then they get all the property.

     

    If there is a Deed of Sale in favor of Swapang Auntie, then they'll have to prove that the same is a forgery, either by filing a criminal case or just proving it in the civil case for partition.

     

    Chief Rocco

     

    Sa building permite ehto ang kailangan

    • Transfer Certificate of Title, Tax Declaration, Deed of Absolute Sale,

    Waiver of Rights, Contract of Lot Award, DENR Tagging Entry Pass/Stub.

     

    Malamang na-falsify nga ....

    Question : Gusto ng ibang kapatid nila Autie na makuha ung share nila from Dead Good Auntie's heirs, how?

    Kailangan ba munang i-prove na falsified ung Deed-of-sale through a criminal case?

  15. Q: Usually po ba, ilang weeks ang tinitingnan natin for a review by the commission? Feb pa sila nag appeal.

     

    Give it six months to a year. Tapos, motion for reconsideration pa pag natalo sila sa Commission (mga 3-6 months more), tapos baka may apila pa sa Court of Appeals (probably another year or two), tapos subok ulit sa Supreme Court (possibly another year also).

     

     

     

    Ang nangyari kasi, ipinipilit ng employer na hindi ako regular employee at the time na hindi ako pumasa sa probation period for a promotion, wherein bago pa ako nag apply, 1 year na akong employed sa kanila.

     

    Usually po ba, ilang weeks ang tinitingnan natin for a review by the commission? Feb pa sila nag appeal.

  16. dahil hindi naman ganun ka-istrikto ang procedure sa labor cases, it actually depends on whether the complainant really has a valid complaint against the employer.

     

    lamang ang complainant sa labor cases, dahil nga may bias para sa employee ang batas, lalo na sa kasong ito na nakapag-desisyun na ang arbiter in his favor. Kaya lang, kung wala naman talagang violation, at ito ay mapapatunayan on appeal ng employer, maaaring ma-reverse pa rin yung decision ng arbiter.

     

    pero, kung tutoong agrabyado ang empleyado, mas malamang sa hindi, panalo ka pa rin sa Commission.

     

    Magpasalamat ka pa nga na umapila, at mas madali ang pagkolekta ng award pag nanalo ka (para maka-apila ang employer, kailangan niyang magdeposito ng cash o surety bond equivalent sa amount ng award, ito yung pwede mong habulin pag nanalo ka na sa Commission, di ka na maghihirap sa paghahanap ng assets ng employer).

     

    Hindi tinanggap yung position paper nila dahil late ng 3 weeks. So wala ring reply. Nakapaglabas na ng decision yung Arbiter at the time and then saka sila nag-appeal sa commision.

  17. 1. Can they legally claim that 20k maski wala naman silang mga legal permits to conduct business in the first place?

    If the training bond is provided for in the contract they signed, and if the company really did train the employee, there would be a basis for collecting on the bond. The fact that they have no permits has no relevance to the furnishing of training to the employee.

     

    2. can the employees ask the company to provide a breakdown of expenses para ma prove yung claim na 20k nga ang ginastos para sa pag training nila?

     

    I'd say no, as the amount of P20K is not just limited to the amount spent by the company for training the employee, but would also cover the incidental damages suffered by the company due to the premature departure of the employee.

     

    @rocco69 - thanks po sa mga sagot. May pahabol pa po kung ok lang sana? Yung sa contract nila may bond n 20K for "training expenses" so that means declared tax/liability yan. Ang problema po ngayon eh yun ang hinahabol nila sa mga employees na umaalis ng less than 6 months. Can they legally claim that 20k maski wala naman silang mga legal permits to conduct business in the first place? Also, can the employees ask the company to provide a breakdown of expenses para ma prove yung claim na 20k nga ang ginastos para sa pag training nila? Salamat po.

     

    Laking tulong ng Art. 100. biro mo perfect attendance bonus nilang 3.5k per month na 1,750 per cutoff(15-30th) naging 1,500 pesos nalang for the entire month and they have to maintain 1 month na perfect attendance imbis 15-30th?

  18. 1. since there are no legal permits from that company eh automatic void na ba ang contract?

     

    No, the existence/lack of legal permits does not affect the employees' right to salaries/wages, specially for services already rendered. It could affect the continuation of employment, since if (and its a BIG IF) the company is not allowed to continue operations, logically, the employees cannot continue working also (but they would then be entitled to separation benefits IF the company is disallowed to continue operations).

     

    2. team huddle na lang daw, verbal broadcast and yung attendance sheet will also double as a signature of agreement. Mayroon palang ganun? Attendance signature pwede gawing Signature of consent???

     

    Mayron, ginagawa nila, di ba, so may ganun.

     

    The question is, is that legal?

     

    No, that is illegal, an attendance signature is not a sign of consent.

     

    Note also that under the Labor Code (see Art. 100), bawal ang pagbabawas o pagtatanggal ng mga benefits na dati nang tinatanggap ng empleyado.

     

    Ask ko lang din po. My relative also works in a call center pero that specific call center has had a lotta complaints for the past years. Upon further investigation from BIR, QC Hall we found out that they had no permits whatsoever found in QCH and even the BIR is after them because they're not registered into their system considering that call center branch has been in operations for nearly or more than a decade. My question is, since there are no legal permits from that company eh automatic void na ba ang contract? Marami kasing employees dun nakausap ko who are complaining about the bonds, sudden loss of benefits w/o even revising the contract... kumbaga, team huddle nalang daw, verbal broadcast and yung attendance sheet will also double as a signature of agreement. Mayrron palang ganun? Attendance signature pwede gawing Signature of consent??? Diba dapat ire-revise ang buong contract specially when it's money/benefits ang babawasan or tatanggalin? Hope you guys can enlighten me. Thanks.

  19. Bribery? or, could it be, falsification?

     

    Fact:

    Nakapagpatayo ng bahay ung Auntie kong swapang sa lupa ng Auntie kong mabait na namatay na.

    Looking at sa LRA nakapangalan pa din ung title ng lupa sa kay dead Auntie.

     

    Question :

    How was swapang Auntie able to do this?

     

    Hindi ba kapag kukuha ka ng building permit ay kailangan ng title in your name or consent man lang sa may-aring nakapangalan?

  20. In the Philippines?

     

    Will never happen... walang alam at di tech savvy ang mga airport police na yan ha ha ha

     

    Would like to post a legal ?

     

    If nasa airport ka, tas merung search among your effects, nakita ang laptop mo, puede ba nila sabihin na " open your laptop"? if me makita ba dun na illegal, valid ba ung search? la lang...... tnx

  21. 1. Pwede na bang gumawa ng Affidavit lang and diretso na sa DFA?

     

    If you want to use Ma. Cristina, hindi uubra ang affidavit lang. The DFA is mandated to follow what appears in the birth certificate.

    Dahil Maria Cristina ang nakalagay dun c Certificate of Birth, yun ang masusunod.

     

    Kung gusto nyo ng Ma. Cristina, you'll have to change the Certificate of Birth, at yun ay nangangailangan ng Petition sa Civil Registrar -

    Petition for Change of First Name - may bayad ito tapos ipapa-dyaryo pa ang application, kaya medyo may gastos ito (at least, hindi na sa korte).

     

    Magpunta sa Civil Registrar kung saan nakarehistro ang birth certificate ni Tita Cristina at magtanong dun kung ano-ano ang kailangan.

     

    Similar case din ung Aunt ko naman

     

    sa NSO Birth Certificate nya - Maria Cristina

    sa other documents school, BIR etc etc - Ma. Cristina

     

    Kailanga kumuha ng Philippine Passport:

     

    Pwede na bang gumawa ng Affidavit lang and diretso na sa DFA?

     

    o kailangan pa sa LCR/NSO?

  22. Note: lumalabas pa nga na bawal yung ginawa nila na increase in 2010, dahil lampas 7% din yung increase from P2,750 to P3,000 (at kung pasok pa ito sa one-year period from August? 2009 to August? [not really sure what month in 2009 9653 took effect] 2010, walang increase na pwede actually)

  23. dahil P3,000 lang ang upa, covered yan ng rent control law.

     

    maaari siyang mag-increase yearly ng upa, pero 7% lang (mali yung sinasabi mo na 2013 lang sila pwede mag-increase, taon-taon pwede, pero 7% lang kada taon. Pagdating sa December 2013, mapapaso na ang batas, pagdating ng panahon na yun kahit ilang percentage pwede na silang mag-increase, wala nang limit - don't worry, laging nai-extend o naipapasa ulit ang batas na ito dahil maraming congressman at senador ang gustong ma-re-elect, mula pa nung 1971 [RA 6359], PD 20, BP 25, BP 877, RA 6643, RA 6828, RA 7644, RA 8437, RA 9161).

     

    in other words, tama ka na di siya pwede mag-increase ng P500, P210 lang

     

    good day mga online attorneys!

     

    20 YEARS na po kaming nangungupahan dito sa suburban na lugar sa cavite city. okay naman po ang relationship namin ng landlord, kahit alam naming hindi naman nakaregister sa bir yung tinitirhan naming apartment, yung OR po kasi wala nmang nakalagay na registered sa BIR. last 2010, tinaasan nila kami ng upa, from 2,750 pesos, naging 3,000 pesos na po. unfortunately, inatake sa puso yung landlord namin. ngayon po, ang tumatayong landlord namin yung anak na niya.

     

    here's the deal. last year sinabi niya sa amin na tataasan niya yung monthly rent namin ng 500 pesos, effective daw po this january. nagresearch po ako sa internet, nakita ko itong: Republic Act (RA) No. 9653 – Rent Control Act of 2009. COvered ba po kami nitong law na ito? kasi po sa pagkakaintindi ko, sa December 2013 pa po nila kami puwedeng increasan ng monthly rent, and 7 percent lang ang puwede nilang itaas, sobra sobra po ang 500 pesos na itatas nila dahil ang 7% ng current na upa namin ay 210 pesos lang po.

     

    thanks po in advance. ayaw ko lang po kasing mapahiya ako once na nagharap na kami for this month's rental. at lasy na po, granted na covered kami sa RA 9653, ok lang po ba na ipresent ko sa kanya yung ipiprint kong pdf file format ng RA na ito? nagtanong po kasi akos a city hall namin at wala silang alam tungkol dito.

     

    maraming salamat po..

  24. yes, being a minor (at the time the child was conceived and born) is a legal impediment to marriage.

     

    Pero, ayon sa Republic Act 9858, kung ang impediment lamang sa pagpapakasal ng dalawang magulang ay ang kanilang pagiging menor-de-edad nung panahon na yun, maaari na ring maging legitimated ang bata.

     

    I'd say kailangang baguhin ang joint affidavit nyo, in such a way, na magiging ganito siya:

     

    3. That when our son/daughter, ______

    was conceived and born, the only legal impediment to our marrying each other was the fact that we were both below the age of eighteen at that time;

     

     

    Gumagawa kami ng JOINT AFFIDAVIT OF LEGITIMATION BY SUBSEQUENT MARRIAGE

     

    ayon sa documento

     

    3. That when our son/daughter, ______

    was conceived and born, we both possessed no legal impediment to marry each other;

     

    if the parents were minors (below 18) when the son/daughter were conceived, is that a legal impediment?

  25. 1. ok na po ba un 5k for us to get the bank certificate of deposit? TIA

     

    Ayon sa Sec. 13 ng Corporation Code (Batas Pambansa 68):

     

    Sec. 13. Amount of capital stock to be subscribed and paid for the purposes of incorporation. — At least twenty-five percent (25%) of the authorized capital stock as stated in the articles of incorporation must be subscribed at the time of incorporation, and at least twenty-five (25%) per cent of the total subscription must be paid upon subscription, the balance to be payable on a date or dates fixed in the contract of subscription without need of call, or in the absence of a fixed date or dates, upon call for payment by the board of directors: Provided, however, That in no case shall the paid-up capital be less than five Thousand (P5,000.00) pesos.

     

    Dahil di naman kasama ang software solutions provider sa nangangailangan ng mas malaking paid-up capital, pwede na ang deposit na P5,000 sa bangko. Kailangan nga lang na yung P5,000 mo ay pasok dun sa capitalization ng company. In other words, ang maximum capitalization mo ay P80,000 lang (kasi 25% o 20,000 nito ay kailangang subscribed na, at sa 20,000 na ito, bayad na ang 25% o P5,000). lalabas na sa 5 incorporator mo (assuming na lima lang ang incorporator), silang lahat ay maghahati-hati dun sa 20,000 na capital (kung piso kada share ka, 20,000 shares ang paghahati-hatian nila.

     

    Note: baka mababa ang capitalization na 80,000. Kung ang isang kumpanya ay nangangailangan ng software, baka magdalawang-isip ang mgt. na makipag-deal sa isang software solutions company na ang kapital lamang ay P80T

     

    im starting po a corporation. base from the steps i reserved na a name for the company. next po sana is un paid in capital. i checked the table of SEC wala naman po kami don sa list(different types of companies with starting capitals) since our company is a software solutions provider. eto po un nakita ko sa isang website

     

    Deposit paid-up capital in the Authorized Agent Bank (AAB) and obtain bank certificate of deposit

     

    The company is required by law to deposit paid-up capital amounting to at least 6.25% of the authorized capital stock of the corporation. This paid-up capital must not be less than PHP 5,000. Some banks in Manila charge a fee up to PHP 105 for each certificate of deposit.

     

     

    ok na po ba un 5k for us to get the bank certificate of deposit? TIA

×
×
  • Create New...