Jump to content

rocco69

[09] REVERED
  • Posts

    926
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    1

Posts posted by rocco69

  1. I'd say yes (me mga employees na di covered ng 13th month pay law eh. this is assuming na covered siya).

     

    kaya lang, dahil nagtrabaho siya from January to June lang, ang amount ng 13th month pay niya ay kalahating buwang sweldo lang, hindi buo (ang 13th month ay 1/12th ng halaga na kinita mo buong taon, kaya kung ikaw ay nagtrabaho buong taon, 1 month salary matatanggap mo. Dahil siya ay 6 months lang, kalahati lang).

     

    Good afternoon to all resident lawyers.

     

    Is my brother still entitled to a 13th month pay given that he has been on leave of absence since July because of his serious medical condition? He has not filed his resignation yet.

     

    Thanks in advance.

  2. dahil ayaw ipakita ang mga bata ng ina, kailangang sulatan muna ang ina ukol sa bagay na ito. gawa kayo ng demand letter na humihingi ng visitation rights. ilagay nyo na kung ilang oras ang gusto nyo at kung ilang beses sa isang linggo, at ang iba pang terms and conditions na gusto niyong mangyari. bigyan nyo ng taning para tumalima (kung hindi siya tatalima, sabihin nyo na gagawa kayo ng hakbanging legal ukol dito).

     

    kung sumunod sa gusto niyo, AYOS

     

    kung hindi, sa korte na kayo magkita, mapipilitan kayong magsampa ng kaso (kailangan nyo nang sumangguni sa abugado pag ganun. in fact, sa paggawa ng demand letter, baka kailangan nyo na ring sumangguni sa abugado). Dun sa korte, ang hukuman na ang magdedesisyon kung ilang oras, at ilang beses). Yun lang, GASTOS yan.

     

    ^maraming salamat. Kung bibisitain nya ipapasyal syempre sila silang mag ama lang. Mga ilang oras ang puwede. Per week?

  3. sa kasawiang palad, walang joint custody kapag anak sa labas ang pinag-uusapan (Briones v. Miguel, 440 SCRA 455), sa nanay talaga mapupunta ang mga bata.

     

    pwero pwede ang visitation rights. dahil visitation rights lang, pagbisita lang sa bata ang pwede, pwede yung bibisita siya at makakasama niya, ipapasyal niya mga anak niya, pero hindi yung iuuwi niya at patitirahin niya sa bahay niya.

     

    hello gud pm. Me naging kabit ang kapatid ko. Live in partner. Nagka anak sila. Isang 8 and 5. Parehung lalake. Hawak nila apelyido ng tatay. Nagkaiwalay sila. Ayaw ipakita mga bata. Alam ko visitation rights lang. Dail di sila kasal. Wala bang joint custody. Kait dalawang beses lang sa isang linggo makasama tatay nila.

  4. padalhan mo ng demand letter, kung san binibigyan mo siya ng panahon para magbayad, at king hindi siya tumupad, ay dadalhin mo na ang kaso sa hukuman.

     

    pag di pa rin nagbayad, pwede ka nang dumulog sa Municipal Trial Court.

     

    Dahil yan naman, sa palagay ko, ay di aabot sa P100 Thousand, yan ay covered ng Small Claims Court.

     

    madali lang ang proseso nun, hindi mo na kailangan ng abugado, magfill-up ka lang ng form dun, ipanotaryo mo, ilakip mo ang ebidensya mo at tatakbo na ang kaso. Mabilis ito at di ganung magastos (ayon sa press release ng Supreme Court). Tutulungan ka na rin ng personnel sa MTC. Dun ka na magtanong ng iba mo pang katanungan.

     

    Mga Sirs

     

    Tanong lang po May humiram sa akin ng pera at isinangla iyung ATM nya

    pero nung time na mag w/draw na ako pina block na pala nya iyung ATM

     

    May promissory note ako pirmado nya pati mga id's nya, proof of billing

    pa kung saan sya nakatira pero now nagtatago lagi nasa call center kasi

    kaya mahirap matyempohan sa schedule nya

     

    ano po bang action pde kong gawin sa kanya

     

    Awaiting for your reply

     

    Thanks

     

    S.P.

  5. Sa kasawiang palad, walang epekto ang maling address sa bisa ng iyong kasal, ang importante, nung araw ng inyong kasal, kayong dalawa ng asawa mo ay nasa edad, walang sabit, pumayag na magpakasal sa isa't-isa, at ang inyong kasal ay idinaos ng taong may kapangyarihang magkasal (pari, mayor, , ministro, pastor etc.)

     

    ganyan ang lumabas sa Certificate of marriage mo (San Juan imbes na Manila, yuung tunay na pinagkasalan sa inyo) dahil, mas malamang sa hindi, kayo ay dumaan sa fixer, at ang nagkasal sa inyo ay otorisado na magkasal sa San Juan (yun lang, hindi ito depekto na makaka-apekto sa bisa ng kasal mo).

     

    Kaya lang, dahil dumaan kayo sa fixer, maaaring may depekto ang lisensya niyo (ang numero ng marriage License at kung saan ito iginawad ay nakalista sa baba ng Certificate of Marriage, sa may kaliwa). Tingnan mo kung saang Civil Registrar ang nag-issue nito (eg. San Juan o Manila o Imus). Pumunta ka dun at magtanong kung meron ngang ganung marriage license na inilabas ang Civil Registrar na yun. Kung meron (at ito'y nasa pangalan ninyong mag-asawa), tapos ang kwento, pero kung wala o sa ibang tao naka-pangalan yung lisensya - AYUN, walang bisa ang kasal mo (alalahanin mo lang na, mas malamang sa hindi, ito ay suntok sa buwan).

     

    Hello po, mga Sir, ask ko lang po, kasi kinasal po ako sa City Hall ng Manila, after 10 years, ngayon ko lang nalaman na sa City hall ng San Juan naka register ang kasal ko base sa Marriage Cert at iyong address na hindi ko naman po address sa San Juan ang inilagay dun na ni minsan hindi naman ako tumira dun o hindi ko alam iyong lugar na iyon... ang tanong ko lang po, Null and void po ba kapag ganun ang scenario. The rest ng infos are correct. Eto lang po ang hindi ko maintindihan bakit sa San Juan ang mga details. Salamat po

  6. 1. anong ground ang pwede kong isampa?

     

    mas malamang sa hindi, declaration of nullity of marriage dahil sa psychological incapacity ng isa sa inyo (pero, check mo rin yung marriage papers nyo, baka sa fixer lang kayo nagpakasal, walang lisensya, wala kayo sa tamang edad o di-kaya'y walang consent ng magulang)

     

    2. Magkano po damage ng annulment (ako po kasi ang gagastos sa lahat)?

     

    depende sa abugado na makukuha mo (tsaka baka hindi annulment kundi "declaration of nullity" ang isasampang kaso, depende na sa depekto na makikita ng abugado). pero mas malamang sa hindi, hindi yan bababa ng P100T (yang amount nga na yan ay super super super mura)

     

    3. Pwede po bang non-appearance kasi nasa aboard pa rin yung ex wife ko?

     

    ang importante, nandito sa Pilipinas at magpapakita sa korte ang nagsasampa ng kaso. kung di magpakita yung nirereklamo, tuloy pa rin ang kaso.

     

     

    4. 6 years na kaming hiwalay. sabi kasi sakin ng kaibigan ko pwede daw po ulit ikasal yung mga naghiwalay ng 7yrs o matagal pa?

     

    yan ay isang maling-mali na paniniwala. kahit ilang taon pa kayong hiwalay, kahit 50 years or more pa, kasal pa rin kayo sa isa't-isa, at dahil diyan, hindi ka pwedeng magpakasal sa iba, baka makasuhan ka pa ng bigamy. hangga't alam mo na buhay ang magaling mong asawa, hindi ka pwedeng magpakasal sa iba.

     

    ibang usapan yung naglaho ang asawa mo, di mo alam kung siya ay buhay pa o patay na, at may katuwiran kang maniwala na siya ay patay na [sa kaso mo naman, hindi naglaho ang asawa mo, naghiwalay lang kayo]. kapag ganung sitwasyon, pwede ka nang pumunta sa hukuman para ipadeklarang "absent" ang asawa mo. kapag pumayag ang korte, pwede ka nang magpakasal uli [NOTE: kailangan mo pa ring magsampa ng kaso sa hukuman, hindi yung basta-basta ka lang magpapakasal, see Article 41, Family Code]

     

     

    IN ENDING, kumunsulta sa abugado tungkol sa kaso mo. marami namang abugado na maaari mong makausap ng di ka pa gagastos (baka pakain lang he he he). bring all your relevant documents.

    Help naman mga idol. last 2005 kaming kinasal. last 2006 naghiwalay kami kasi nagkaroon yung wife ko ng 3rd party nung nasa aboard sya. nagkita kami ulit nung nov. 2010 para gumawa ng block and white letter (kasunduan) na nag papatunay na hiwalay na kami at wala ng pakialaman sa isa't isa. with witness ang mother ko at mother niya s isang law firm sa bulacan. Ngayon ay may ka live-in ako at may anak na isa. Gusto ko sama mag file ng annument:

    question 1. anong ground ang pwede kong isampa?

    2. Magkano po damage ng annulment (ako po kasi ang gagastos sa lahat)?

    3. Pwede po bang non-appearance kasi nasa aboard pa rin yung ex wife ko?

    4. 6 years na kaming hiwalay. sabi kasi sakin ng kaibigan ko pwede daw po ulit ikasal yung mga

    naghiwalay ng 7yrs o matagal pa?

     

    Maraming salamat.

  7. Is Ms. Uy's mother a Filipina? If yes, then she is a Filipina also. In which case, she can file a petition in court for correction of entry (but this has to be adversarial in nature, kalaban niya sa kaso ang Solicitor General at yung Civil Registrar kung saan siya naka-rehistro). At siyempre, kailangan niyang mapatunayan na yung nanay niya ay Pilipino nung siya ay ipinanganak.

     

    Similarly, kahit hindi Pilipina ang nanay niya, dahil 3 years old pa lang siya (or menor-de-edad) ng maging Filipino citizen ang tatay niya, sa ilalim ng Section 15 ng Commonwealth Act 473:

     

    Section 15. Effect of the naturalization on wife and children.

     

    Any woman who is now or may hereafter be married to a citizen of the Philippines, and who might herself be lawfully naturalized shall be deemed a citizen of the Philippines. Minor children of persons naturalized under this law who have been born in the Philippines shall be considered citizens thereof. A foreign-born minor child, if dwelling in the Philippines at the time of the naturalization of the parent, shall automatically become a Philippine citizen, and a foreign-born minor child, who is not in the Philippines at the time the parent is naturalized, shall be deemed a Philippine citizen only during his minority, unless he begins to reside permanently in the Philippines when still a minor, in which case, he will continue to be a Philippine citizen even after becoming of age. A child born outside of the Philippines after the naturalization of his parent, shall be considered a Philippine citizen, unless within one year after reaching the age of majority, he fails to register himself as a Philippine citizen at the Philippine Consulate of the country where he resides, and to take the necessary oath of allegiance.

     

    Lumalabas na kung dito siya sa Pilipinas ipinanganak, o dito siya sa Pilipinas nakatira nung 8 May 1980, (o di-kaya'y dito na siya nanirahan permanently sa Pilipinas mula noon) Filipino din siya.

     

    In which case, she can also file a petition in court for correction of entry on this ground (again, this has to be adversarial in nature, kalaban niya sa kaso ang Solicitor General at yung Civil Registrar kung saan siya naka-rehistro). At siyempre, kailangan niyang mapatunayan na dito siya ipinanganak, o dito nakatira nung maging naturalized citizen ama niya, o dito na nakatira permanently mula minority.

     

    I have a question. Ms Uy was born on July 30, 1977 in Manila. His father was a Chinese Citizen so she carried her father's citizenship and was issued an NSO Birth Certificate showing that she is a Chinese Citizen. On May 8, 1980 Ms. Uy's father was granted Filipino Naturalization and was declared Filipino. Now Ms. Uy wants to indicate in her birth certificate that she is filipino. Can she file a petition for correction of entry?

  8. Go to the civil registrar where her birth certificate is registered, and apply for change of first name there. Alam na ng personnel dun kung ano yung requirements. dun na rin kayo magtanong ng iba pang questions nyo about the process.

     

    We just found out recently that my mothers name on the birth certificate is Carolina.

     

    But since may school days and until now when I sign documents (form 137, SSS, NBI, Marriage contract, etc.) I put Carlota as her name. Me and my siblings grew up calling her that name and even on their marriage contract with my father "Carlota" was used. What can we do to change her name from Carolina to Carlota on her birth certificate. Thanks inadvance.

  9. 1. pwede ba sila mag file ng divorce?

     

    so that your friend can have capacity to remarry again, it should be her husband filing for divorce in Finland. hindi dapat na siya ang magfa-file ng divorce (hindi kasi kinikilala ng Pilipinas ang divorce na na-obtain ng isang Filipino citizen. pero kung foreigner na kasal sa Pilipino ang kumuha ng divorce, OK lang, may bisa yun)

     

    2. may makukuha kaya sya sa kanyang husband?

     

    depende. one, kung voluntary na bibigyan siya ng Finnish na asawa nya, OK.

    two, kung sa batas ng Finland, ang diniborsyong asawa ay entitled sa property o pera from the divorcing spouse, pwede sya makakuha dun sa Finland (but not here in the Phils., since we do not recognize divorce)

     

     

    Mga sirs, may question po ako.. a friend of mind is legally married to a finnish here and in finland.. they mutually separated nung 2004. question is, since nde pa sila legally separated, pwede ba sila mag file ng divorce?? and since wala sila pinirmahan na pre nup, may makukuha kaya sya sa kanyang husband??

  10. kung yung person na nakalista as tatay ay kasal dun sa nakalistang nanay, yung nakalista lang as tatay ang pwedeng magfile ng kaso to cancel the entry.

     

    sabi mo na rin, yung taong nakalista ay hindi tunay na tatay. Sa English, ito ay "impugning the legitimacy of the child." Ang pwede lang maghain ng ganitong kaso kapag kasal sa isa't-isa yung nakalistang tatay at nanay ay ang lalaki (at ito ay dapat maihain sa loob ng isang taon mula ng malaman ng sinasabing ama yung pagka-anak nung bata, kapag nakatira sila ng bata sa iisang siyudad o munisipyo, dalawang taon kung sa magkahiwalay na munisipyo, at tatlong taon kung sa ibang bansa nakatira si lalaki - see Article 170, Family Code, otherwise paso na).

     

    Kung hindi naman kasal yung sinasabing tatay at yung ina, may posibilidad mabago ang birth certificate, pero dahil magbabago ang status ng bata, ito ay maaaring gawin lamang sa pamamagitan ng paghain ng petisyon sa korte. Kailangan mong sumangguni sa atty.

     

     

    To make a long story short, Paano po ba ipatanggal ang name ng father sa birth certificate... Hnd kc sya ang tunay na tatay... Tnx

  11. 1. para saan pa yung police blotter na ginawa against sa akin?

     

    so that the police has a record that someone has filed a complaint against you at the police station (a blotter is a record of the activities that occur during the day at the police station). what the police does with the complaint depends on the complainant. Kung gusto ng complainant ituloy ang reklamo laban sa iyo, this would be proof in the criminal case (should one be filed) that the matter was reported to the police.

     

    Kung me mangyari sa complainant, this could also be used as proof of motive if a case is filed against you.

     

    2. pwede ba magamit sa akin to pag tatakbo akong councilor or kung ano man?

     

    the incident that was reported to the police could be used by your opponent to smear your character during the campaign. as proof that the incident supposedly happened, he can use the blotter entry.

     

    3. para saan pa yung pina blotter sa akin?

     

    Kung me mangyari sa complainant, this could also be used as proof of motive if a case is filed against you.

     

    so para saan pa yung police blotter na ginawa against sa akin? pwede ba magamit sa akin to pag tatakbo akong councilor or kung ano man? (Example lang bro =P )

    edi para saan pa yung pina blotter sa akin?

  12. 1. lalabas ba yung blotter nayan sa police record at nbi record ko?

     

    hindi. lalabas lang yan pag may nagsampa ng kaso laban sa yo sa korte

     

    2. paano ko matatanggal un at malinis ang record ko

     

    dahil di naman lalabas sa police at nbi record mo, wala kang kailangang gawin

     

    tulong mga brothers

    meron akong nakaaway tapos hindi naman direkta kong nasabi na papatayin ko siya.pero may nagsabi sa kanya .na sinabi ko daw yun . na papatayin ko siya... pero siyempre dahil lang sa inis yun... Bigla pa naman niya akong pina Blotter sa police

     

    ang tanong ko..lalabas ba yung blotter nayan sa police record at nbi record ko?

    paano niya mapapatunayan na sinabi ko talaga yun kung third party yun.

    and if meron ..paano ko matatanggal un at malinis ang record ko.kasi wala naman akong ginagawa

     

    thanks

  13. look at the "deed of restrictions" (either this is stamped on the back of the title, or this is in a separate document, but the existence of which is stamped at the back of the title) if it provides that you have to pay monthly dues (it probably does).

     

    1. Is this compulsory since i am not living or using the said lot?

     

    When you bought the property, the deed of sale would have provided that you also agreed to the deed of restrictions. since you agreed to the restrictions, you have to comply with the restrictions, including the payment of monthly dues (which would probably be due whether you lived on the property or not).

     

    2. If i will not pay the association dues, do they have any ground to sue me?

     

    They don't need to sue you, bakit pa magpapakahirap yung developer when...

     

    3. Do they have the right not to release the Title of the lot?

     

    ...they can withhold the title due to your failure to comply with certain conditions (which would, most probably, include the requirement of being up-to-date on dues).

     

    Ikaw ang maghihirap. You want to sell the property?... you would probably need the approval of the developer (who will not give it if you are not up-to-date on dues).

     

    You want to build a structure on the property?... you need a building permit from the municipality... which will require a clearance from the developer/homeowner's association... who will not give a clearance unless you are up-to-date on dues.

     

    Get the picture.

     

    In the interim, so long as you do not do any of this things, the dues just pile up, palaki ng palaki until you need to sell, or put up a structure, in which case, anlaki ng babayaran mo dahil nagtambak na yung unpaid dues.

     

    Hi Guys, I bought a lot from Filinvest since 2010 and it is now fully paid but the "Title" has not been released yet.

    Recently, i receive a mail from Filinvest asking me to pay the monthly association dues.

     

    Is this compulsory since i am not living or using the said lot?

    If i will not pay the association dues, do they have any ground to sue me?

    Do they have the right not to release the Title of the lot?

     

    Thanks

  14. Ayun sa article 100 ng Labor Code, bawal ang pagbabago sa sistema ng benepisyo ng empleyado kapag ito ay magreresulta sa pagbaba o pagliit ng benepisyong dating tinantanggap ng empleyado.

     

    Art. 100. Prohibition against elimination or diminution of benefits. Nothing in this Book shall be construed to eliminate or in any way diminish supplements, or other employee benefits being enjoyed at the time of promulgation of this Code.

     

    siguraduhin mo lang na may ebidensya ka tungkol sa dating tinatanggap ninyong benepisyo at ebidensya na may tinanggal o binago sa bagong sistema na nagresulta sa pagliit ng inyong benepisyo. In other words, EBIDENSYA, EBIDENSYA, EBIDENSYA. Kailangan meron kang pinanghahawakan.

     

     

     

    Sirs/Ma'ams, need help po.

     

    All of a sudden our company decided to change the yearly merit system. Actually, 4 months nga na-delay yung payout namin eh. Gulat kmi kasi nung pumasok yung increase eh sobrang liit. Tpos yung retro pay hindi kasama yung mga holiday pay from the previous months. And until now, they have not explained to us why it has changed. Ok lang sana kung bago mag start ang fiscal year nila kami na inform... Kaso we are already in mid-year. I want to file a complaint and I need to know the specific terms I should use should I go ahead to NLRC about this...

  15. sa ating sistema ng batas, basta nagkasundo na ang mga partido, kahit hindi nakasulat may bisa ang kontrata (maliban sa mga kontrata na bumabagsak sa Art. 1403, at yung nangangailangan ng partikular na porma, tulad ng donasyon).

     

    sa halagang P21,000, masyadong maliit ito para matakot ang isang tao pag nagkaroon ng violation (mas mahal pa ang pagkuha ng abugado kesa sa 21 Mil, medyo lugi pa ang nagbabalak maghabla)

     

    tanong ko lang po in relation to the case at hand.

     

    tama po ba na as a general rule any contracts involving an amount which exceeds 500 pesos shall be in writing even private ones?

     

    sa case at hand po kasi if their contract regarding the sum of 21,000 pesos eh may black and white from the very start eh this alone could

     

    force the other party to commit with the said contract. kasi any breach would result to a legal action. kung baga para lang ma assure mo na mag cocommit sya otherwise legal action na (inulit ko yata yung sinabi ko)

  16. apparently, its based on the area of the building to be constructed. peg it at P30/square meter. so, if the permit fee is based on area, to bring it down, you'll have to alter the building plans you submit to reflect a smaller area (you could then have problems later when you apply for the occupancy permit as the actual building, when inspected, will now be different from the plan submitted for the building permit).

     

    Pinaka the best niyan, ipalakad mo na lang sa taga-loob(para wala na ring hasssle dun sa pagpapa-approve ng plans (they always find defects in the plans, electrical, plumbing, etc. anyway). yun nga lang, don't know how much fixer's fees range in Paranaque.

     

     

    how do you compute a building permit fee and how do you bring it down? Sa paranaqgue area, how much ang on-going facilitation fee? thanks

  17. threaten to report the matter to management. Kapag walang nangyari, then complain to the management (in writing, with receiving copy, so you have a record of the action taken, as well as proof of receipt of your complaint). pag wala din nangyari,file a complaint with the DTI Consumer Welfare Desk:

     

    Ms. Carolina I. Carbonell, Officer-In-Charge

    Consumer Assistance and Protection Division (CAPD)

    DTI-National Capital Region

    12/F Trafalgar Plaza

    105 HV Dela Costa Street

    Salcedo Village, Makati City

    Tel. No. DTI-NCR (National Capital Region clients) 811-8231

     

    P.S.

     

    Sa Honda Quezon Ave. yan ano? Had a bad experience with them four or five years ago (OK ang aircon ng sasakyan ko when I brought it in, then they called up saying mabaho daw yung aircon at kailangan gawin. Di ko pinagawa kasi may a/c technician akong barkada. when he checked it, lumabas na they let all the refrigerant (R-134a) out and then had sprayed a stinky chemical all over the evaporator/blower para mangamoy). Di lang ako nagreklamo because negligible naman ang nangyari sa akin (inayos ng barkada ko ng libre eh) but I never did go back for service there.

     

    help naman guys,

    dinala ko kasi ung kotse ko sa casa sa honda, tapos walang binigay saking checklist sabi balikan ko na lang daw ung kotse. ang pinaayos ko eh ung tensioner bearing + full detailing ng car at ung fender liner. so ok nagawa na daw nila detailing na lang kulang. tapos nung isang araw tumawag sakin di daw gumagana aircon at ang instrument panel ng kotse ko. sabi ko working yan ng dinala ko dyan kaya dapat working yan pag nakuha ko.

     

    sa nagyon sabi inaalam pa daw nila kung ano ang nangyari,

     

    gusto ko lang itanong in case na wala silang magawa at di nila irepair un ng hindi ako nagbabayad ano ang mga pwede kong gawin? TIA!

  18. Violation of Batas Pambansa 22 (Bouncing Check Law). But you have to first make a formal demand on the person who issued the check to make good on it within 5 business days from receipt of the demand letter (kailangan matanggap niya ang sulat na ito, mas maganda PERSONAL mo na ipa-receive sa kanya).

     

    No demand received, premature ang complaint.

     

    How can I file a case against someone if they paid me with a bounced cheque and refused to pay

    Theres this girl who bought some merchandise from me and paid me with a cheque with no funds in it .

    Up till now she hasnt paid me. what can I do to make her pay up...

    Can I file for estafa case? because of the bounced cheque. .

    does it depend sa amount? 21,000 kasi yun... ano kaya pwede ko gawin para maforce siya magbayad... barangay? help please

    .help please more than 1 month na :unsure:

    • Like (+1) 1
  19. so long as buhay yung kapatid ng mamatay yung uncle (bale, namatay si uncle, tapos namatay yung kapatid ni uncle), nagmana na siya sa properties ni uncle.

     

    In other words, ng mamatay si uncle, lahat ng properties niya ay namana ng mga kapatid niya at sila na ang may-ari nito mula sa pagkamatay ni uncle.

    at dahil siya na ang may-ari ng parte niya, ng mamatay naman si kapatid, yung parte niya sa properties ni uncle ay kanya namang isinasalin sa kanyang tagapag-mana.

     

    Yung mga anak (at asawa kung meron) na ni deceased kapatid ang may-ari ng lahat ng iniwan ni kapatid, kasama yung parte niya sa property ni uncle.

     

     

    Thanks sir for taking the time to answer my query...follow question lang po...

     

    in case un sharing ng properties is still in process then unexpectedly un isa sa mga magkakapatid na may anak ay mamatay, un po bang mga anak ang magiging entitled for the share?

  20. #1 kung nabubuhay pa ang magulang ng uncle mo (lolo at lola mo) mapupunta yung property sa kanila.

     

    Kung wala na ring magulang ang uncle mo, mapupunta ang property sa mga kapatid niya (kung full blood brothers and sisters ito, pare-pareho share nila)

     

    #2 nung mamatay ang uncle mo, at ng malaman ito ng aunt mo na nabigyan ng SPA, wala nang bisa ang SPA.

     

    Wala rin cyang karapatan na ilipat sa pangalan lng nia yung properties dahil hindi lng siya ang nagmana nito (see answer to #1)

  21. This would normally be part of the fees you pay to your lawyer, i.e. the fee of your lawyer already includes the fees of the psychiatrist. Kung hindi kasama, you ask your lawyer how much (as it is the lawyer who gets the psychiatrist)

     

    Sirs, how much do i need to pay (going rates) for the services of a psychiatrist/psychologist in case of an annulment case by psychological incapacity?

  22. Pag na-declare na null and void ang kasal mo (depende sa ground, but assuming na psychological incapacity ng asawa mo ang gagamitin mo, and assuming na mananalo ka sa petition mo), dahil null and void from the beginning ang kasal nyo, lalabas na never kayong nakasal . Dahil, never kayong nakasal, walang conjugal property na nangyari sa inyo. Article 147 ng Family Code ang mananaig sa pagsasama nyo.

     

    Sa ilalim ng Art. 147, ang sweldo mo (at sweldo rin nya) ay pag-aari nyong dalawa. Kung ang ipinambabayad mo sa monthly amortization ay galing sa sweldo mo (mas malamang sa hindi, dito nga ito galing), kayong dalawa ang may-ari ng sweldo na yun (50-50), kaya lalabas na 50-50 rin kayong may-ari sa bahay. Ito naman ay matter of evidence, kung mapapatunayan mo na ang gumastos lahat sa bahay ay nanay mo, lalabas na wala siyang contribution dun at magiging exclusive property mo yun. Pero, kung wala kang ebidensya na galing sa pera ng nanay mo lang (o di-kaya'y pera mo lang [na hindi galing sa kinikita mo]), lalabas na hati kayo sa bahay.

     

    Up ko lang po sana ulit un tanong ko na ito, thanks!

     

    Anung grounds of argument ba ang puede kong gamitin regarding conjugal properties just in case, if ever kaya ko nang magfile ng annulment primary ang reason ko is to secure exclusive property ng bahay ko. Actually eversince naman na I purchased the house wala naman nanggaling sa kanya, maliban sa renovation expenses which is one time lang. the house is mortgaged and she never contributed to pay the monthly amortization. Kami ng mother ko ang nagfifinance sa bahay. I read from the articles that I can file an exclusive ownership, and balak koi reimburse sa kanya un binigay nyang pinangrenovate ng bahay nuon. Before nun nagpapadala sya napupunta lang naman sa panggastos sa anak namin. She is the one who went away literally nagabroad sya, and ngaun if ever magbabakasyon sya I doubt if she wishes to stay in our house. Isa pa I have a gf already for 2 yrs now. In the future I want to build a family again also na maititira ko sa bahay ko, hindi un maglilive in kami sa kung saan saan.

     

    Lumalabas kasi na co borrower cya nun house ko, its just frustrating for me na hiniwalayan na nga ako tapos sarili kong bahay hindi ko mapatirhan in the future kung gusto ko uli magkapamilya, avoiding the scandal which may erupt dahil kasal nga ako.

  23. nasa usapan nila. kung papayag ba yung seller eh.

     

    Hello mga sir. May question po ako regarding sa problem ng friend ko. May bibilhin siya na house & lot worth 1.4M. Downpayment yung friend ko ng 400K. Then the remaining balance will be paid 24 months.

     

    Question is, if nakapag-down na. Possibly ba na pede na umalis yung may-ari? Balak kasi ng friend ko na paupahan. Para di masakit sa bulsa niya habang binabayaran niya yung monthly balance.

  24. dun sa mga naunang insidente, dahil pinatawad mo siya, baka sabihin ng batas na pinatawad mo hindi lang siya kundi silang dalawa, kaya lalabas na di na pwedeng gamitin na ground for adultery (kung may ebidensya sya na pinatawad mo na nga sila. Kung wala namang ebidensya, bakit mo sasabihin sa husgado na pinatawad mo sila)

     

    pero sigurado na sa mga bagong insidente pagkatapos mo siyang patawarin, pwede kang magsampa ng adultery case. alalahanin mo lang, ang mahalaga sa kaso mo ay EBIDENSYA. Kailangan may matibay kang ebidensya na sila ay nagsisiping (di naman kailangang direktang ebidensya na sila ay nagsisiping, at wala namang nagse-sex sa publiko, lagi itong patago, pwede ang circumstantial evidence, pero dapat matibay at malakas). Kung mga party party at date date lang, hindi yun sapat!

     

    HELP, i need your help regarding adultery. nung una na nagcommit sha adultery napatawad sha then after ng patawad pasekreto pa rin na nagkikita yung dalawa. pwede po ba magsampa ng kaso na adultery? salamat sa mga tutulong.

  25. YES, kung gusto ba nilang tanggihan eh.

     

    Kaya lang, hindi mapipilit yung empleyado na pumasok pa rin. Yun ay magiging katumbas ng slavery, bawal!

    Alalahanin mo nga lang na kapag walang matibay na dahilan yung pagbibitiw at walang tamang abiso sa employer, maaaring habulin ng danyos perwisyos ang empleyado. Hindi nga siya mapipilit na ipagpatuloy ang pagtratrabaho sa kumpanya, pero maari siyang pagbayarin ng danyos (yun nga lang, mas malamang sa hindi, hindi na naghahabol ang kumpanya at mas malaki yung gagastusin sa abugado kesa dun sa makukuhang danyos mula sa empleyado)

     

    Good evening, can a company refuse an employee's letter of resignation?

×
×
  • Create New...