Jump to content

rocco69

[09] REVERED
  • Posts

    926
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    1

Posts posted by rocco69

  1. Section 3[j] of Republic Act 9308 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) defines prostitution as:

     

    © Prostitution - refers to any act, transaction, scheme or design involving the use of a person by another, for sexual intercourse or lascivious conduct in exchange for money, profit or any other consideration.

     

    And then, Section 11 provides:

     

    Section 11. Use of Trafficked Persons. - Any person who buys or engages the services of trafficked persons for prostitution shall be penalized as follows:

     

    (a) First offense - six (6) months of community service as may be determined by the court and a fine of Fifty thousand pesos (P50,000.00); and

     

    (B) Second and subsequent offenses - imprisonment of one (1) year and a fine of One hundred thousand pesos (P100,000.00).

     

    I'm just curious, are spakols legal? they dont offer sex service -- can offering hj and bj be considered as prostitution?

  2. Kung Deed of Donation ang ginamit ng tatay ninyo, ang period ay 10 years pa rin, pero ang pagbibilang nito ay mula sa kamatayan ng tatay ninyo, hindi mula sa paggawa ng Deed of Donation (see Santos v. Alana, 467 SCRA 176).

     

    Note: ito ay sa parte lang na pag-aari ng tatay ninyo. yung kalahati na pag-aaari ng nanay nyo (na namatay in 2006) ay iba rin ang kwento (at hindi rin natin masabi ang batas na eksaktong nag-aapply sa sitwasyon na yun dahil hindi rin natin alam kung paano napaghati-hatian ang pag-aari na iniwan ng nasira nyong ina).

     

    @ rocco69, it was registered via DEED OF DONATION last 2008 ..thanks po..

  3. 1. pagkakintindi ko po from the start na naparehistro na share namin sa lupa ,ito ay tatakbo hanggang 10 taon... starting from 2008 na parehistro na, so,5 years nalang ang habol ng ditse ko

     

     

    depende. mahirap kasi magsalita hangga't hindi nakikita ang mga dokumento.

     

    sa kaso mo, for example... ang sabi mo "sa pagkakaintindi ko po from the start na naparehistro na share namin sa lupa". Unfortunately, iba yung "sa pagkakaintindi" at yung talagang nakikita mo na nakatitulo na sa pangalan mo yung lupa, kailangan siguraduhin mo yan.

     

    Isa pa, ang sabi mo 2008 pa nagdecide father mo na ipamana ang share ninyo sa lupa dahil namatay nanay nyo nung 2006. ibig sabihin, buhay pa ang tatay nyo nun. Noong 2008, hindi niya pwede ipamana sa inyo ang lupa DAHIL BUHAY PA SIYA. Ang pagmamana ay nangyayari lamang pag namatay na yung tao (bilang alternatibo, pwede niyang i-partition ang lupa, pero dahil wala siyang huling testamento, kailangan niyang sundin ang ordinaryong partehan kung saan LAHAT NG HEREDERO ay may matatanggap ... at kapag ganun, kailangan may parte ang ditse mo). Malakas ang kutob ko na kung tutoong pinarte na ang lupa, ito ay sa pamamagitan ng ibang dokumento, baka pinalabas na ibenenta o di-kaya'y donation sa inyo ang lupa.

     

    isa pang komplikasyon, ang sabi mo namatay ang nanay nyo 2006, ibig sabihin, may minana rin kayo sa kanya (at hindi rin masasabi na ang lupa ay pag-aari lahat ng ama ninyo, dahil mas malamang sa hindi, kalahati nun ay sa nanay ninyo).

     

    sa madaling salita, kailangang makita muna ang mga papeles at dokumento na ginamit bago natin talagang masabi kung ano ang period na hindi na makapaghahabol ang ditse ninyo (at kung nawalan nga siya ng karapatang maghabol).

     

    Sir roco69, 2008 po na nag decide father ko na ipamana na samin share namin sa lupa kasi problema namin eto nung namatay mother ko last 2006.so base sa pagkakintindi ko po from the start na naparehistro na share namin sa lupa ,ito ay tatakbo hanggang 10 taon, just in case magpakita at maghabol sa mana ang ditse ko, wala na siyang mahahabol pag nag lapse na ang 10- yr. prescriptive period starting from 2008 na parehistro na.so,5 years nalang ang habol ng ditse ko kung sakaling magpakita sya and would like to contest her share.

     

    Maraming salamat po!

  4. 1. kung sakaling mag pakita sa pamilya namin ang ditse ko after my father died and asking for her share ng mana nya,meron po ba syang habol?

     

    Meron. Sa mismong sandali na namatay ang tatay nyo, nagkaroon na ng parte sa mana ang kapatid mo. Sa madaling salita, naging may-ari na ng parte niya ang ate mo nung mamatay ang tatay nyo.

     

    2. Kahit na po na paghatian na po namin ang mga pamana namin?

     

    Dahil naging may-ari nga siya ng parte niya mula sa pagkamatay ng tatay ninyo, pwede niyang habulin ang kanyang parte kahit na pinaghati-hatian na ninyo ito, at mayroon nga siyang karapatan dito (Note: mayron siyang sampung taon mula sa pagrehistro ng lupa [i am assuming na lupa ang naiwan ng tatay ninyo] sa inyong mga pangalan para habulin ito. kung pinaghati-hatian lang ninyo ang lupa, pero hindi naman inirehistro ang pagsalin ng lupa sa inyong mga pangalan sa Register of Deeds, hindi pa nagsisimulang tumakbo yuung 10-year period).

     

    3. Di na po sya napartehan ng aking ama ng dahil sa ginawa nya na pagsama sa lalaking may asawa?

     

    Yung pakikisama sa lalaking may asawa ay maaaring gamitin ng isang magulang upang tanggalan ng mana ang isang anak (Artikulo 919, No. 7, Kodigo Sibil) at ito ay bumabagsak sa "leading a dishonorable or disgraceful life."

     

    Ang problema mo, para maging mabisa ito, ito ay dapat nakapaloob sa isang Huling Habilin at Testamento (Artikulo 916, Kodigo Sibil). Ayon sa kwento mo, lumalabas na parang hindi lang binigyan ng parte ng inyong ama ang kapatid ninyo, pero wala siyang ginawang huling habilin kung saan tinanggalan niya ng mana ang ditse nyo. dahil walang ganung dokumento, hindi natanggalan ng karapatan ang kapatid ninyo na magmana sa inyong ama.

     

    4. yung bata na ank ng ditse ko meron din po ba syang parte just in case na meron pang mahabol na pamana ang ditse ko?

     

    wala. habang nabubuhay ang magulang niya (ditse niyo), yun ang may karapatang magmana. sa madaling salita, ang me parte ay ang ditse nyo, hindi ang anak niya. pangalawa, anak sa labas ang pamangkin mo, walang karapatang magmana sa kanyang mga kamag-anak ang isang anak sa labas, maaari siyang magmana sa ina niya (ditse ninyo), pero hindi sa lolo (ama ninyo), tiyuhin/tiyahin (sa iyo), pinsan niya, etc. (Artikulo 992, Kodigo Sibil)

     

     

    Mga attorneys, ask ko lang po meron po bang habol yung ditse ko kung di sya pamanahan ng father ko kasi po naki live in sya sa isang lalaking may asawa na. Ang damuhong lalaki,nag pakilala na binata at ang tanga kong ditse nag pa uto naman, hayun nagsasama na sila for 5 years nows., at balita ko pong meron na silang isang anak na babae na 5 years old, napag alaman ko lang ho sa sa mag classmates ng ditse ko sa facebook...

    Tanong ko po: kung sakaling mag pakita sa pamilya namin ang ditse ko after my father died and asking for her share ng mana nya,meron po ba syang habol? Kahit na po na paghatian na po namin ang mga pamana namin, kaso di na po sya napartehan ng aking ama nag dahil sa ginawa nya na pagsama sa lalaking may asawa.

    Since di pala pwede silang mag pakasal ng ditse ko at ang damuhong lalaki kc kasal pa ito sa una nyang asawa. Tanng ko din po, yung bata na ank ng ditse ko meron din po ba syang parte just in case na meron pang mahabol na pamana ang ditse ko?

     

    Five years ko ng di ko na nakkita ditse ko.maski mali ang ginawa nyang pagsama sa damuhong lalaking yun, na miss ko sya... Sa pagkakaalam ko po nsa iabng bansa na sila ngayun. Matigas talga ulo ng ditse ko.maraming salamat po

  5. Ang bouncing check case ay sa Municipal Trial Court (MTC) isinasampa. Walang kapangyarihan ang MTC na mag-issue ng hold-departure order kaya wala siyang problema sa puntong iyon. Ang problema niya kung nagrequest yung nagsampa ng kaso sa Immigration na ilagay siya sa watch-list. Maghanap siya ng kakilala sa Immigration na titingin kung siya ay nakalagay sa watchlist (although I doubt it, kung dahilan lang sa talbog na cheke, na di naman siguro milyon-milyon, malabo na mapa-watchlist ang isang tao, mabuti [masama pala ehek] kung katulad siya ni Mayor Co ng Pagadian na marami ang nagrereklamo at milyones ang involved dahil sa Aman Futures scam)

     

    Good day fellow MTC,

     

    Ask ko lang po ng help yung friend ko po kasi nagkaroon siya ng kaso regarding bouncing cheques, yung tao po na pinag binigyan nya ng teske ay nag file ng case sa court last 2006, at di nya na po makita ngayun nag reflect po yun sa clearance nya sa NBI, gusto nya po mag work outside the country ask nya lang po kung makakalabas ba siya ng bansa o malolocate yung pangalan nya sa watch list pag nasampahan ng kaso.

    Malapit na po sya umalis kaya lang kinakabahan siya baka i hold sa sa airport maari po ba makahingi ng tulong?

     

    Salamat po at more power.

  6. 1. Does she have a good case against me?

     

    Unfortunately, dahil me mga pasa at nagpa-medico-legal pa, at first glance mukhang ginulpi mo asawa mo. ayun sa kwento mo, ito ay dahil sa pag-wat ng kasambahay. lumalabas na ito ay question of credibility, sino ang mas kapani-paniwala ang kwento. At dahil denial ang depensa mo, mas malamang sa hindi na isasampa sa korte ang kaso na yan (which is not to say na mananalo siya, only that mas malamang sa hindi, sa hukuman kayo hahantong para dun nyo patunayan ang respective claims nyo).

     

    2. Does she have the right to demand money/support from me?

     

    Yes, kasal kayo eh. Spouses are obliged to support each other.

     

    3. Anong lawyer po kelangan ko...family/litigation....??

     

    Criminal/trial lawyer kailangan mo dahil criminal case yan.

     

    Sa mga abogado po dito...katanungan lang po.

     

     

    about 2 months ago, nilayasan ko na po asawa ko since di ko na po sya matiis. We have been married for 17 years and most of the time, nag-aaway lang po kami. 3 years ago, nilayasan ko na rin po sya dahil sobrang magastos sya at lagi nya akong inaaway. And as mentioned, about 2 months ago, nilayasan ko po sya ulit and this time it is final. Ayaw ko na po sya makasama though I stilll care for her.

     

     

    I am staying po with my brother since malaki po ang bahay nya...I also met this girl who I am dating exclusively....and malas lang po, one day, bumisita yung wife ko sa bahay ng brother ko and natyempohan kami nung girl na nasa room. We are not doing anything sexual...I was listening to music and my girl is watching videos sa tablet nya...nakahiga po sya sa hita ko at that time....she was also able to take some pictures of me and the girl I am now dating....so, sa madaling salita, nag-amok po yung wife ko to the point na nagbasag at nagwala talaga sya sa loob ng bahay ng brother ko....inawat sya ng mga kasambahay namin and due to that, nagkaroon sya ng mga pasa. I did not hurt her in any way po...ako po ang maraming tama sa mukha, katawan, braso due to her punches and kicks....

     

    I recently came to know na after the incident, nagpa medico-legal pala sya and nag file ng complaint sa fiscal's office....2 weeks ago, I received a subpoena for RA 9262 or (Law against violence against women and children).

     

    I did my own research and the only thing na pwede nila gamitin is yung "Any act where it causes phsychological/emotional distress".....any grounds po sa charges laban sa akin? what are my options? Me and the girl I am dating are not living together..she only visits me in my brother's house twice a week....so, di po ako pwede kasuhan ng Concubinage since I am only having an extra-marital affair...right? my wife is also DEMANDING i support her with 40,000pesos per month (WALA po syang work kasi tamad sya)....17 years ko po sya binuhay at sinuportahan....nasanay lang na hindi sya nagtatrabaho.... I am the only bread winner sa family...

     

    BTW, yung youngest namin (16 years old) sa akin po nakatira since she also hates her mom. Yung panganay na 19 years old nasa college pa po..

     

    2 months passed and I am still giving/providing her support...20k a month so that wag lang syang magwala....

     

    Does she have a good case against me?

    Does she have the right to demand money/support from me?

    Anong lawyer po kelangan ko...family/litigation....??

     

    Any advise is appreciated.

     

    Kudos to MTC and sa Thread na ito

  7. A Kasunduan containing the terms you wrote down

     

    My mom let a distant relative stay on her property in the province for free to look after the place. No written document covered the arrangement. After over ten years of this situation, my mom wants me to let her relative sign a document acknowledging the arrangement and a promise to leave should we decide to use or sell the property.

     

    What kind of document should I prepare for him to sign, assuming he is willing to sign it?

  8. file a complaint for non-payment of rent with the barangay first (using the apartment as the tenant's address).

     

    if the tenant fails to show up at the hearing (as he has already abandoned the premises), have the abandonment entered in the barangay blotter.

     

    wait for a reasonable period (a week or so should suffice), then bringing along a representative from the barangay, enter the premises and inventory/catalog the belongings that are still there. then have your entry into the premises and the inventory entered in the barangay blotter. That should cover your behind from any belated claims of loss/theft of belongings by a disgruntled tenant, should he come back.

     

    Can a landlord take possession of an apartment and personal effects left inside by a tenant who abandoned the premises because he is unable to pay the rent? What is the legal way of doing this?

  9. 1. Automatic ba na since deads na lolo ko eh lola ko na ang owner or is it just declaring lang talaga na asawa siya ng lolo ko?

     

    Hindi automatic!

     

    Ang may-ari ng lupa ay ang lolo mo (at sa pangalan nga niya nakarehistro ang lupa).

     

    Depende rin kung itong lupa ay naipundar ng lolo mo gamit ang kanyang kinita, sweldo, o paghahanap-buhay, o kung ito ay ibinigay lang (donation) o mana niya.

     

    a. Kung ito ay naipundar gamit ang kanyang kinita, sweldo, o paghahanap-buhay nung siya ay nabubuhay pa, 1/2 ay pag-aari ng lola mo

     

    b. Kung ito ay ibinigay lang (donation) o mana niya nung ang lolo mo ay nabubuhay pa, lahat ay pag-aari nya.

     

     

    Nang mamatay ang lolo mo (kung wala siyang last will and testament), yung pag-aari niya (either 50% o 100% ng lupa, depende nga sa mode of acquisition) ay AUTOMATIC na namana ng kanyang mga tagapagmana.

     

    Sino-sino ang kanyang tagapagmana?

     

    Hindi lang ang asawa niya (lola mo) kundi pati ang kanyang mga anak (isa na dun ang nanay mo) ang kanyang tagapagmana. Sa madaling salita, dahil nga AUTOMATIC ang pagmamana, nung mamatay ang lolo mo, ang may-ari na ng lupa ay ang lola mo at mga anak nila (in equal shares), hindi lang lola mo ang may-ari.

     

    Pero kailangang may katibayan na sila na ang may-ari, kung kaya't kailangan magkaroon ng Extrajudicial Settlement of Estate para sa mga ari-ariang naiwan ng nasira mong lolo. Ang extrajudicial settlement ay dokumento kung saan nakalagay ang kasunduan ng mga tagapagmana sa paghahati-hati sa ari-arian na iniwan ng namatay. dahil ito nga ay kasunduan, pwedeng pagkasunduan ng mga tagapagmana na ang property (50% o 100% ng lupa, depende nga sa mode of acquisition) ay mapupunta lahat sa lola mo. pwede rin na mapupunta sa kanilang lahat in equal shares, o di-kaya'y mapupunta lahat yun sa nanay mo.

     

    Ang isang problema mo pa ay ang buwis. para sa pagmana ng ari-arian mula sa isang namatay, nagpapataw ang BIR ng estate tax. ang rates ng tax ay makikita sa http://www.bir.gov.ph/taxinfo/tax_estate.htm

     

    Ang problema mo, ang tax ay dapat bayaran sa loob ng 6 na buwan mula ng mamatay yung lolo mo, otherwise may 25% agad na penalty charge dun sa halagang dapat bayaran. pagkatapos mayron pang 20% per year na interest. Dahil mukhang matagal nang namatay ang lolo mo na hindi inaayos ang kanyang estate, malaki-laki na rin sa palagay ko ang babayaran nyo (isipin mo lang, kung lampas 5 taon na mula ng siya ay mamatay 100% na ang interest kaya doble na ang halaga ng buwis na babayaran nyo).

     

    Pagkatapos maayos ang estate ng lolo mo, pwede na rin ibigay yung share ng lola mo sa mga anak nya (kalahati ng ari-arian ng lola mo ay pwedeng ibigay sa nanay mo, hindi lahat, dahil ang iba nyang kapatid ay may karapatan din sa mana mula sa ina nila, unless solong anak ang nanay mo). depende rin kasi kung ilan ang magkakapatid kung paano maididispatsa yung property na naiwan.

     

    Maaari ka ring kumunsulta sa abugado, kung gusto mo pumunta ka sa Public Attorney's Office, o di-kaya sa IBP, o sa kakilalang abugado para mas mapayuhan kayo. Marami din kasing ayusin at gastusin sa pagpapalipat ng titulo(di lang estate tax, kundi ang transfer tax, doc. stamp tax, real estate tax ang babayaran, may pa-dyaryo pa na kailangan sa extrajudicial settlement) . para di kayo maloko.

     

     

     

     

     

    Hello po, I really don't know kung natanong na to dito, pero sobrang haba kasi ng thread so I figure out I just go ahead and ask this question, I hope you guys can help me.

     

    Q> Considered bang current title owner ang lola ko kung namatay ang lolo ko and ganito ang nakalagay sa title ng lupa?

     

    It is hereby certified that certain land situated in the blah blah blah.....is registered with the provisions of the Land Registration Act in the name of (name ng lolo ko), of legal age, Filipino, married to (name ng lola ko), as owner blah blah blah...

     

    Automatic ba na since deads na lolo ko eh lola ko na ang owner or is it just declaring lang talaga na asawa siya ng lolo ko? I'm asking this kasi balak namin pa transfer yung lupa from my lola to my mom.

     

    Thanks a lot.

  10. For persons who got married between the ages of 18 and 21, for your marriage to be valid, you have to have the consent of your father, mother, or guardian (in that order; kung may tatay, kelangan consent ng tatay, kung wala nang tatay, consent na ng nanay; kung me nanay at tatay, kahit payag yung nanay, kung ayaw ng tatay, walang consent, kasi nga, in that order dapat).

     

    sabi mo, nung ikinasal ka, 19 ka lang at walang consent ng magulang mo, pwedeng ipa-annul ang kasal mo for lack of consent (see Art. 45, Family Code).

     

    NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT...

     

    ikaw ay mayroon lamang limang taon mula ng ikaw ay mag-21 para isampa ito sa korte. sa madaling salita, kung ikaw ay lampas 26 años na ngayon, PASO na ang kaso mo.

     

    Isa pa, kailangan na di na kayo nagsama nung ikaw ay nag-21, dahil ang patuloy na pagsasama ng mag-asawa kapag ikaw ay umabot na ng 21 ay makakalunas sa depekto ng kasal. sa madaling salita ulit, kung nagsama pa rin kayo nung nag-21 ka, yung kakulangan ng pahintulot ng magulang mo ay DI NA RIN BASEHAN para ipawalang-bisa ang kasal mo (kahit di pa lumilipas ang 5-taong termino para i-file ang kaso na yan).

     

    At dahil, sabi mo na rin na umuuwi ka sa inyo pag nagbabakasyon ka, lumalabas na nagsama kayo ng ikaw ay nag-21. Kaya, ang kawalang pahintulot ng magulang mo ay di na pwedeng gamitin bilang basehan para ipawalang-bisa ang kasal mo.

     

    Sa birth certificate naman, yung wala kang birth certificate ay hindi magagamit para ipawalang bisa ang kasal mo.

     

    Pero tingnan mo na rin yung lisensya ng kasal nyo. Sabi mo na rin, pinalabas na taga-Cavite ka, baka peke ang lisensya na ginamit sa kasal ninyo. I-check mo na rin at kung ito ay peke, walang bisa ang kasal mo.

     

    Dear Lawyers,

     

    I want to consult this situation regarding my marriage. Me and my wife got married at the age of 19 without consent of both our parents. She was pregnant at that time and she arrange everything herself for the marriage. The marriage was solemnize on a municipal hall. On the marriage certificate, my address is incorrect and showing I am a resident from Cavite which I never live on that place. After few years, I applied for work abroad and applied for a passport. When I go to my hometown to get a birth certificate, I found out that I am not registered and so I apply for late registration.

     

    I am an OFW and right now not in good relationship with my wife and not talking or communicating with her for the past 7 years. Although I go home annually (vacation) in our house for the sake of our kids, I don't talk to her. I want to get her out of my life due to irreconcilable differences.

     

    My question now, is there a chance I can annul our marriage considering that I am not at legal age at the time of our marriage and don't have record (birth Certificate) at the local registry. I am planning to buy properties for myself and for the kids and I don't want her to be part of it.

     

    Thanks in advance for your advice.

  11. Magsimula tayo sa basic principles:

     

    1. Ang isang work day ay 24 consecutive hours.

     

    2. ang empleyado ay dapat magtrabaho ng 8 hours lang sa isang workday, kapag sumobra dun, dapat may overtime pay.

     

    3. ang iyong workday, kung pumapasok ka ng 9am, ay nagsisimula sa oras na iyon at natatapos ng 9am sa sunod na araw.

     

    Dahilan dito, kung ikaw ay nagtrabaho ng 9am to 5pm , lumalabas na ang work day ninyo ay 7 hours lang (assuming 1-hr lunch break) [hindi naman ito ganun ka-importante dahil lumalabas na mas pabor ang company policy ninyo kesa sa batas, imbes na 8 hours, 7 hours lang kayo nagtratrabaho; kapag sumobra dito, overtime pa rin dapat]

     

    At dahil ang workday mo ay nagtatapos ng 9am, kapag pinagtrabaho ka sa sunod na araw mula 4am - 12 pm, dapat bayaran ka ng overtime! Yung oras ng pagpasok mo mula 4am hanggang 9am ay pasok sa naunang work day mo (na tumatakbo ng 9am to 9am the next day), at dahil dito ay sobra na sa normal workday load mo na 7 hrs a day ang itrinatrabaho mo, kaya dapat ay bayaran ka na ng overtime (see DOLE Manual, Sec. 4323-01).

     

    Note: baka magtanong ka naman, kung yung 4am - 9am ay overtime pala nung nakalipas na araw, paano yung 9am - 12pm na naiwan nung sunod na araw, undertime naman ako nun dahil 3 oras lang ang natrabaho ko sa sumunod na workday ko?

     

    Tama yun, undertime ka na nga nun dahil 3 oras nga lang ang itrinabaho mo sa sumunod na araw. Pero, ayon sa Art. 88 ng Labor Code, ang undertime ay hindi na-o-offset ng overtime. Sa madaling salita, hindi maaaring i-charge sa kulang na oras mo sa sumunod na araw yung oras ng overtime mo nung nakalipas na araw. Kailangan talagang bayaran ng employer ang 30% na additional para sa overtime mo.

     

    sir question lang po uli regarding sa labor code. tama lang po ba less than 12 hours ang interval ng work hours ng isang employee. for example ang pasok ko today is from 9am - 5pm then ang pasok ko bukas is 4am-12pm. gusto ko lang po malaman kung may law regarding sa work hours.TIA sir

  12. Yup, tawag diyan "management prerogative." so long as your current salary is on or above the minimum wage, any increase not mandated by law is the prerogative of mgt. Kung di mo gusto ang sistema ng kumpanya, you can always resign and look somewhere else.

     

    boss may question lang po ako regarding increase sa salary, according po tama lang po ba na performance based and increase at discretion ng company kung how much ang appraisal ng isang employee depending sa performance nya

  13. 1. di pa po ba late para ipasheriff?

     

    Di pa.

     

    Ang problema nyo, may ari-arian ba ang tao na yan na mahihila para ipambayad sa daños na naka-award sa inyo. bago lumapit sa sheriff, dapat may maituturo na kayong properties o bank accounts na nakapangalan sa akusado na maaaring mahila ng sheriff, otherwise baka nagsasayang lang kayo ng oras at pera

     

    2. may way din po ba namacheck namin kung talagang natapos nya 2 yrs na magrereport sya sa police?

     

    hindi yan nagre-report sa pulis. sa ilalim ng batas, ang isang taong na-convict ng krimen, kapag ang sentensya niya ay 6 na taon na pagkakulong pababa, at ito ang unang pagkakataon na siya ay masentensyahan (disqualified ang repeat offenders para sa probation), maaari siyang mag-apply ng probation, kung saan di ka makukulong pero buwan-buwan, magrereport ka sa Parole and Probation Administration. ito ang nangyari sa kaso ninyo (ang sabi nyo nakahain ang kaso sa MTC, ang pinakamataas na sentensya na maaaring ipataw ng MTC ay 6 na taon, kaya siguradong nag-probation ang mokong na yan).

     

    magtanong kayo sa MTC kung natapos niya yung 2-years probation ng maayos, kasi binibigyan ang court ng kopya ng reports (ang problema nyo lang, confidential ang probation records). subukan nyo na rin.

     

    hi! ask ko lang po if natapos na po ang kaso and 2 years d pa rin po nagbabayad akusado, di pa po ba late para ipasheriff? Bukod po sa pagbabayad ng moral damages need pa po nya makulong for 2 yrs, pero nagawan nila ng paraan at magrereport na lang akusado every month, may way din po ba namacheck namin kung talagang natapos nya 2 yrs na magrereport sya sa police? Malakas kasi yung akusado sa mtc branch na yun kaya kami lagi dehado. Thanks in advance po.

  14. Generally, no.

     

    Note, however, that for penalties involving the payment of interest, interest of 3% or more per month (36% per annum) has been declared unconscionable by the Supreme Court. By implication, 35.9% would be perfectly acceptable (resulting in credit card companies now charging 2.75% interest per month or 33%/annum).

     

    Also, penal clauses that are contrary to law would not be allowed (eg. to pay 1 gram of shabu/month for failure to pay on time)

     

    Note also that sale of real property is governed by the Maceda Law (which prohibits unilateral forfeiture of installment payments if the buyer has made 2 years or more of installment payments; as well as unilateral rescission of installment sales. See RA 6552).

     

    thanks sir

     

    aside from this, is there a specific guideline prohibiting the inclusion of a resolutory or penal clause in the deed of absolute sale?

  15. 1. pwede po ba nila ako ibalik sa agent level kahit na napromote na ako bilang SME na may kasulatan?

     

    as a general rule, a demotion in rank is equivalent to constructive dismissal, at maaari mong ireklamo ito.

    ang kaso lang, sa kumpanya mo, wala silang mapaglagyan sa iyo na katabla ng SME position, tapos hindi rin naman bababaan ang sweldo mo. baka ito ay i-consider na hindi constructive dismissal at mukhang in good faith naman ang kumpanya (remember "BAKA". hindi natin masabi, depende sa Arbiter na hahawak kung ito ay kanyang ico-consider na constructive dismissal, lalo na at pareho pa rin ang sweldo mo).

     

    in other words, hindi nila pwedeng ibaba ang ranggo mo to agent level at yun ay demotion in rank, which would be constructive dismissal. pero, if they only assign agent duties to you, on a TEMPORARY basis, and they still pay you your SME salary, I would say that this allowed (again, this has to be temporary only, habang walang mapaglagyan sa yo. A period of six months doing this would be reasonable, pag lumampas ng 6 months at agent pa rin ang trabaho mo, mukhang permanent na yan, at maaari na nating masabi na constructive dismissal yan).

     

     

    2. may karapatan po ba ang kumpanya na ihain na lang nila ako sa ibang technical account kahit hindi ako sumasang-ayon?

     

    Yes, so long as it is in good faith and required by the circumstances. Ito ang tinatawag na "management prerogative." nasa management ang desisyon kung paano pinakamagandang patakbuhin ang kanilang negosyo, at kasama rito ang desisyon kung saan iaassign ang empleyado. Hindi matibay na dahilan na malayo ang tirahan ng empleyado sa opisina para tanggihan ito, at hindi rin masasabi na bad faith ang kumpanya. Ibang usapan kung inililipat ka dahil pinepersonal ka ng kumpanya o di-kaya para mapilitan kang magresign, bad faith sila nun. Hindi naman ganun ang sitwasyon mo.

     

     

    3. kung sakaling ilagay nila ako sa floating status, legal po ba na papirmahin nila ako ng dokumento na wala muna akong sweldo habang hinahanapan nila ako ng account na paglilipatan?

     

    Ayon sa Art. 286 ng Labor Code:

     

    Art. 286. When employment not deemed terminated. — The bona fide suspension of the operation of a business or undertaking for a period not exceeding six (6) months, or the fulfillment by the employee of a military or civic duty shall not terminate employment. In all such cases, the employer shall reinstate the employee to his former position without loss of seniority rights if he indicates his desire to resume his work not later than one (1) month from the resumption of operations of his employer or from his relief from the military or civic duty.

     

    Lumalabas na kung (KUNG!) mayrung "bona fide suspension of the operation of a business or undertaking for a period not exceeding six (6) months" maari ka nilang i-floating (at siyempre, NO WORK, NO PAY. Kung sa panahong ito ay wala kang trabaho, wala ring sweldo). Kung wala ngang mapaglagyan sa iyo, pwede kang i-floating, pero ito ay hindi dapat lumampas ng 6 months. Sa kaso mo, pwede ka munang ilagay sa temporary agent duty kaya di ka dapat i-floating.

     

    In ending, pwede kang papirmahin ng dokumento na wala kang sweldo habang floating ka kung TALAGANG WALANG MAPAGLAGYAN SA IYO, pero ito ay good for 6 months lang. Pag lumampas ng 6 months at wala pa ring pwesto para sa iyo, dapat tanggalin ka na (pero babayaran ka ng 1-month salary for every year of service mo).

     

     

    4. base po sa situwasyon ko at bilang isang regular na empleyado, pwede po ba ako humiling sa kumpanya na magpa end-of-contract or magpa redundate na lang?

     

    wag kang magpa-end of contract at baka lumabas pa na contractual ka lang, at tapos na kontrata mo at wala silang babayaran sa iyo na separation pay.

    mas maganda na gawin kang redundant at meron kang separation pay na 1-month salary for every year of service. Pwede mong hingin to pero di mo sila mapwepwersa hangga't hindi nakakalipas ang 6 na buwan na hindi ka mailagay sa kapareho ng dati mong pwesto.

     

     

    mga bossing, meron po sana akong ikokonsulta. bigyan ko po muna kayo ng background para mas madaling intindihin po yung issue ko.

     

    nagtratrabaho po ako sa isang kilalang call center sa may commonwealth ave. pangatlong call center company ko na po eto at nagsimula po ang employment ko nung november ng 2005. naging isa po akong technical support agent sa isa sa mga malalaking internet service provider (ihambing natin sa PLDT). nung december ng 2007 nag apply po ako bilang escalations agent or tinatawag nilang "tier 2" para sa same account at pumasa naman po ako at meron din ako. may pinirmahang po akong kontrata nung na confirm ako nung january ng 2008 at dun po nakasaad yung duties and responsibilities ko kasama na din yung increase sa aking basic pay. bilang isang tier 2, ang trabaho ko po ay kumuha ng mga escalated calls, mag train ng mga baguhang agents at mag uptrain ng mga beteranong ahente. in short, hindi na po ako sumasagot ng tier 1 calls, pwera na lang kung voluntary dahil sobrang tagal na nagaantay yung customer sa linya.

     

    nung may of 2011 nagkaron ng opening ng para sa isang malaking computer account (ihambing natin sa IBM) na nangangailangan agent support role para sa desktop at printers sa eastwood libis. nag apply naman po ako at salamat sa Diyos ay nakapasa naman at nagsimula ang training nung unang araw ng agosto. ang trabaho ko po ay yung tinatawag na subject matter expert (SME) o yung tumutulong sa mga tanong technical na related sa mga computers. kasama sa trabaho ko ay yung tumanggap ng escalation calls pati na din ang pag train ng mga ahente mapa baguhan o beterano. paalala lang po na sa trabaho ko pong eto ay hindi kasama ang pagsagot ng tier 1 calls tulad nung nakaraan kong position.

     

    nitong november, sa hindi namin inaasahan pangyayari, ipinatawag kami ng upper management at sinabihang nagpull out yung account dahil daw hindi na nila kayang bayaran yung hinihinging singil ng call center namin at binigyan kami ng deadline na january 5. sa ngayon ay sarado na po yung desktop support at pansamantalang inilipat ako, at mga kasama kong ka ranggo, sa printer support para umalalay. pero saglit na lang din po ang oras at sa february 8 ay magsasara na din po sila.

     

    hinanapan naman po kami ng options para lumipat ng ibang technical account na hawak ng kumpanya. inamin din po nila na yung position namin bilang SME ay wala sa ibang account at nahihirapan daw sila na basta ilipat kami. at dahil sa tagal kong 7 years sa kumpanya at sa itinaas na ng sweldo ko simula ako'y nagumpisa, iisang account na lang po ang nakita nilang pwedeng tumanggap sa akin. ngunit yung account na iyon ay nasa tier 1 or agent level lamang. inilinaw naman po nila na walang ibababa ang aming mga sweldo pero inayawan ko pa din po yung offer dahil una't una hindi naman siya kapareha ng position ko ngayon. pangalawa yung opisina pinagbabahayan nung account na inaalok nila ay nasa makati at pangatlo ang oras ng pag pasok ay 8am to 5pm mondays to fridays. dagdag kaalaman lang po, ako po ay nakatira sa may north QC. hindi po biro makipag sabayan sa pagpasok at paguwi mula QC pa makati at pabalik lalu na kung rush hours.

     

    nakipag tanung na din po ako sa mga kasama ko sa kumpanya at iba iba ang nakuha kong impormasyon. naririnig ko po na ang binibigyan lang po nila ng redundancy ay yung mga positiong manager at pataas. may narinig din po ako na may hangganan daw ang aming floating status. narinig ko din po na pag naubos na yung palugit nila sa floating status ay papapirmahin kami ng isang form kung saan ilalagay kami sa floating status without pay until further notice. alam ko po speculation pa lang po eto dahil wala naman po akong proof kung ano talaga mangyayare at wala naman pong kasulatan kung ano binabalak nila sa amin. pero hindi na po ako mapalagay sa sitwasyon ko dahil alam naman po natin kaya po tayo nagtratrabaho ay para kumita. paano na ako kikita kung wala na akong pinagtratrabahuan kahit na employed pa din ang status ko sa kumpanya.

     

    tinanong ko po ang mga manager namin kung may option ng redundancy. ang sabi po naman nila ay wala po. at kung meron man ay wala daw redundancy package na ibibigay. isa pa po sa nakukuha kong impormasyon mula sa managers namin na, yung position po namin ay agent level po lamang. kaya daw dapat huwag daw kami mamili ng account na paglilipatan. wala daw ikinaiba position namin ngayon sa mga level 1 agent dahil agent level pa rin daw kami.

     

    ang tanong ko po ngayon ay:

    1. pwede po ba nila ako ibalik sa agent level kahit na napromote na ako bilang SME na may kasulatan?

    2. may karapatan po ba ang kumpanya na ihain na lang nila ako sa ibang technical account kahit hindi ako sumasang-ayon?

    3. kung sakaling ilagay nila ako sa floating status, legal po ba na papirmahin nila ako ng dokumento na wala muna akong sweldo habang hinahanapan nila ako ng account na paglilipatan?

    4. base po sa situwasyon ko at bilang isang regular na empleyado, pwede po ba ako humiling sa kumpanya na magpa end-of-contract or magpa redundate na lang?

     

    pasensya na po kung medyo mahaba. maraming-maraming salamat po sa makakasagot ng mga tanong ko.

  16. sale of land to a foreigner or a corporation 40+ percent of which is owned by foreigner/s is prohibited (see Sec. 7, Art. 12, Constitution)

     

    seeking help on what are the prohibited provisions in an absolute deed of sale in order to avoid rejection when registration is sought with the RD... do you have any circular, memo, guideline, IRR to guide me?

     

    will await advice.

     

    thanks.

  17. 1. can this situation earn us another option?

     

    Yes, you can file a criminal case for child abuse (under RA 7610, failure to support a minor child constitutes other forms of child abuse; this could also be violence against women and children [see economic & psychological abuse - RA9262]) against the no-good father to compel him to give support.

     

    Or a civil case for support against the father (a criminal case is better as it provides for imprisonment as a penalty, which is a strong incentive for compromise and settlement)

     

     

    2. can any of the mother's relatives adopt the child?

     

    Yes, if the adoption would result in a better situation for the child (see requirements for adoption, RA 8552). Note also that adoption by relatives, rather than by a stranger, is preferred by the law.

     

    Notably, the consent of both biological parents to the adoption is usually mandatory. However, if you can prove that the father has abandoned his child (which seems to be the case here), his consent would no longer be needed.

     

    Adoption would sever all legal ties between the biological parents and the child (see Sec. 16, RA 8552), thereby achieving the desired result - removal of all rights of the guy to the child.

     

    thanks for the fast response. the guy did not even showed up at the child's christening, birthday and recently the child was admitted to the hospital due to some health problems and my friend texted the guy to inform the child's situation but still no response and we talked to some of his friends the the guy always boasts that he is taking good care of the baby but it's a very big lie.. can this situation earn us another option? can any of the mother's relatives adopt the child? our main goal here is remove all the rights of the guy to the child in terms of legal aspects..

  18. Because you called the guy as your friend's BF, I assume that they were never married to each other. That makes the child illegitimate.

    Basically, you have to remember three things:

     

    1. The OFFICIAL NAME of a person is that which appears in his birth certificate.

    2. As a general rule, the surname to be used by an illegitimate child is the surname of the mother.

    3. The law only wants what is DEEMED best for the child, whether legitimate or illegitimate.

     

    Because of #2, the child should be using his mother's surname, however this is only the general rule. There are exceptions, one of which is Republic Act 9255 (which states that if the father recognizes the child as his in the birth certificate, the child can now use the surname of the father). This appears to be what happened in your friend's case.

     

    And given principle #1, your friend's child now has to use his official name, which means the child has to use his no-good father's surname.

     

    CAN THE CHILD's SURNAME BE CHANGED?

     

    Unfortunately, if the mother's reason for wanting to change the child's surname is because she dislikes/hates/abhors the father and even just seeing/hearing his surname, that is insufficient under the law. Basically, the mother would want the child to stop using the father's surname and revert to her surname.

     

    Unfortunately, that would be disapproved because of principle #3. A child using the surname of its mother will immediately be known to be illegitimate, subjected to the stigma of being such, which is UNFAVORABLE and not for the best interest of the child, who might grow up being scarred by such treatment from his peers. More, it is not the mother's life which is affected by the use (or non-use) of the father's surname, it is the child's life. Since it is the child who is affected, it should be the child who should decide whether to continue using his father's surname (which can be done only when the child is already of majority age - see In re: Petition for Change of Name of Wang, 454 SCRA 155 as well as Republic v. Capote, 514 SCRA 76 for related concepts/principles).

     

    The remedy I can think of is adoption, one of the effects of which is that the child now uses the surname of his adopter. This would, however, entail judicial proceedings, i.e. you have to file a petition for adoption in court (and comply with the requirements of law - see RA 8552).

     

    Hopefully, this clarifies matters.

     

     

     

    Good day everyone its been a while since i posted here in MTC i hope this situation is ON THE TOPIC

     

    I have a friend she had a baby with his last BF and guy was such an A$$#013.. when the baby was born the guy was the only available person to attend the hospital for the baby's legal papers and sad to say without the permission of the mother the guy used his last name for the baby and never showed up again. Now my friend wants to change the surname of the baby to hers.. Can somebody give help me? I need all of the options possible prior to the fastest way to do it.. thanks in advance.. hope to hear from you guys soon...

  19. tama ba yun?

     

    Tama. Ayun sa Sec. 6 at Sec. 10 ng Rule IV ng Implementing Rules ng Labor Code, para ka mabayaran ng holiday pay sa ilalim ng Art. 94 ng Labor Code (ang empleyado ay makakatanggap ng kanyang regular na sweldo kapag holiday [tawag dito ay holiday pay] kahit hindi siya pumasok sa araw na yun, kapag pumasok siya, doble ng regular na sweldo niya ang kanyang matatanggap) kailangang pumasok ka nung araw bago yung holiday. Ipinapalagay kasi ng batas na kapag ikaw ay hindi pumasok (without pay) dun sa araw bago yung holiday, hindi ka rin papasok sa holiday mismo, kaya di ka dapat bayaran. Kapag dalawang magkasunod na araw ng holiday, ganun din ang prinsipyo, di ka mababayaran para sa dalawang holiday kung hindi ka pumasok (without pay) nung araw bago yung unang holiday.

     

    question.. bago lang ako sa company namin.. so wala pa akong leave credits. nag-leave without pay ako nung December 28,2012.. So nabawasan yung salary ko for not working on Dec 28... plus binawas din ung sa December 31 and January 1 na holiday kasi according to Law daw.. according to Labor Law Article 94 daw.. tama ba yun? :)

  20. pwede ka ring pumunta sa pinakamalapit na istasyon ng pulis. may Women's Desk sila dun na tutulong sa inyo upang maisampa sa pinakamadaling panahon yang kaso mo.

     

    1. Punta ka sa Office of the City/Provincial Prosecutor ng lugar kung saan nangyari ang rape. Mag-inquire ka dun kung paano magsampa ng reklamo.

    2. Ipa-medical check up mo ang kapatid mo sa govt hospital, baka may makita pa ang doctor ng evidence ng rape (healed lacerations, etc.)

    3. Hinde kayo gagastos ng malaki kasi hinde nyo kailangan kumuha ng lawyer, yung fiscal ang tatayong lawyer nyo.

    4. Kahit 6 mos na ang lumipas pwede pa isampa yan. May ilang kaso na lampas 1 year bago isampa ang kaso kasi sa takot ng biktima na magreklamo. Naiintindihan ng korte yan.

  21. kulang ang quit-claim.

     

    at the minimum (baka me iba pang requirements yung company mismo)

     

    pinakauna siyempre, kailangan me ebidenysa ka na patay na yung original stockholder (death certificate on NSO security paper would be the best evidence)

     

    then, kailangan mo ng "extra-judicial settlement of estate" kung saan pinagpaparte-parte ng mga tagapagmana ang naiwang ari-arian ng nasirang asawa (sa extra-judicial settlement, sa asawa mapupunta ang shares of stock).

     

    ito ay kailangang ipa-dyaryo (ito yung maliit na advertisement na nakikita mo paminsan-minsan sa tabloid na may pamagat na "Legal Notice", "this is to inform the public that the Estate of Juan dela Cruz has been extra-judicially settled...").

     

    pag na-dyaryo na, punta ka na sa Corporate Secretary o sa Stock Transfer Agent ng corporation para mailipat sa pangalan mo yung shares (baka me iba pang requirements dun, magtanong ka na rin).

     

    question about stock transfer...paano yung process ng pag transfer ng stocks from husband to wife kung patay na ang husband and nag execute na ng quit claim mga anak nila para sa wife mapunta yung stocks at maibenta na...thanks...

  22. Yes. Ayon sa Art. 284 ng Labor Code:

     

    ART. 284. Disease as ground for termination. - An employer may terminate the services of an employee who has been found to be suffering from any disease and whose continued employment is prohibited by law or is prejudicial to his health as well as to the health of his co-employees: Provided, That he is paid separation pay equivalent to at least one (1) month salary or to one-half (1/2) month salary for every year of service, whichever is greater, a fraction of at least six (6) months being considered as one (1) whole year.

     

    May proseso nga lang na dapat sundin, at kailangan din, ayon na rin sa Art. 284, na siya ay bayaran ng separation pay.

     

    Thank you for answering my question. Follow up question lang. Since he has not been able to work since July because of his medical condition, can the company used this as basis to terminate his employment?

×
×
  • Create New...