Jump to content

rocco69

[09] REVERED
  • Posts

    926
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    1

Posts posted by rocco69

  1. Follow up question lang po. Pag nakuha na yun AUSF, pwede na po bang gamitin sa pag apply ng passport ang birth certifcate na gamit ang surname Lorenzo at naka attach na ang AUSF as supporting document?

    hindi pa. Ang sinusunod kasi ng DFA ay ang birth certificate ng applicant. Kailangang maiayos muna ang birth certificate ng bata. Ibig sabihin, yung AUSF (plus any other requirement that may be asked by the Civil Registrar) isu-submit nyo sa Civil Registrar, tapos hihintayin nyo munang ilabas ng Civil Registrar ang approval sa change ng surname ng bata, tapos, kailangan din ito ma-forward sa NSO, para makuha nyo dun ang amended birth certificate (yung amendment, actually, nakasulat lang sa tabi ng birth certificate, parang marginal note lang siya stating na ito na ngayon ang surname ng bata.

     

    Yung amended birth certificate ang gagamitin ninyo sa DFA.

  2. I have a niece whose birth certificate has an error in her name: should be Maria dela Cruz instead of Maria Santos. Santos is the mother's maiden surname while dela Cruz is the father's surname. The parents are not married, that's why the mother's surname was used in the birth certificate. However my niece had been using her father's surname Santos in all her school and working documents.

     

    What should my niece do to correct the error? She is now 27 years old, single and plans to apply for a passport, so this need to correct the error.

     

    Thanks in advance for the legal advice.

    Walang error sa birth certificate niya. Dahil hindi kasal ang magulang, siya ay illegitimate... At ang illegitimate child, ang ginagamit na apelyido ay apelyido ng nanay, kung kaya't tama na Santos ang apelyido niya... NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT...

     

    Kung papayag ang tatay na gamitin ng bata ang apelyido niya (dela Cruz), pwede itong gawin. Sa ganitong sitwasyon, kailangang aminin ng ama na siya nga ang ama ng bata. Gagawa yung ama ng Affidavit to Use Surname of the Father (AUSF). Makukuha ang form na ito sa Civil Registrar.

     

    Magpunta na sa Civil Registrar kung saan nakarehistro ang bata at kumuha ng form dun. Magtanong na rin dun kung ano pa ang additional requirements (kung meron man)

  3. Saan po maluwag mag-file annulment? Pwede ba pumili ng place kng saan file case? TIA.

    Ayun sa rules, yung annulment ay isinasampa sa korte kung saan nakatira ang mag-asawa. Halimbawa, naghiwalay na ang mag-asawa, nakatira ang lalaki sa Manila, ang babae sa Cebu. Maari itong isampa either sa Manila o sa Cebu. Kung saan naisampa, yun ang may kapangyarihan sa kaso, kung kaya't kung naisampa na sa Manila, di na pwedeng dinggin ng hukuman sa Cebu.

     

    Ang ginagawa ng iba, naghahanap ng lugar kung saan "maluwag" ang annulment, palalabasin na dun sila nakatira, at dun isasampa ang kaso.

     

    Mahirap po ang ganito at ito ay pagsisinungaling. Sa ilalim ng Rules, kailangan resident ka na ng lugar kung saan isinampa ang kaso 6 months bago ito inihain sa court.

     

    Sa Office of the Court Administrator v. Judge Castañeda ( http://www.lawphil.net/judjuris/juri2012/oct2012/am_rtj-12-2316_2012.html) marami ang nagsampa ng annulment sa Paniqui, Tarlac kasi "maluwag" daw dun. Nung magkabistuhan, tinanggal si Judge. Sa dinig ko, pinapaimbestigahan din ng Supreme Court yung mga nadesisyunan na kaso dun. Baka sa huli, ang mga na-grant dun ay baliktarin ng Korte Suprema.

     

    Ang pinakamaganda talaga niyan, kumuha ka ng matinong abugado. Kahit saan naman isampa ang kaso, basta may katuturan ang habla mo, may pag-asa na maipapanalo ito, lalo na at karamihan naman talaga ng Family Court judges ang pilosopiya sa buhay ay "kung hindi na sila magkakabalikan, pinagbibigyan ko na".

     

    Hope this helps.

    • Like (+1) 1
  4. Good day Sirs! I have a question regarding our local labor law. Last year, when I filed a complaint against a company in NLRC the officer who's in charge of arbitration told me "ito ang appointment date mo. Kapag hindi sila sumipot kakasuhan natin sila". Does that mean that DOLE will file a case against the company on my behalf or does it mean that they will act as my lawyer? Do I have to spend on a lawyer in this kind of situation? I just want to have some information regarding the process to serve as a reference. Thank you for any info.

    it means ire-refer na sa arbiter yung case. in other words, tatapusin na yung arbitration (dahil hindi sila sumisipot, hindi kayo maipagkakasundo... so, wala nang saysay na mag-arbitration), at ililipat na yung case sa Labor Arbiter. Ikaw pa rin ang magfa-file ng case against the company, at kailangan mo pa rin kumuha ng sarili mong abugado pag di pa rin kayo nagka-ayos sa Labor Arbiter level (may conciliation pa rin kasi sa Labor Arbiter).

  5. Help!

     

    WHat do I do if someone will post a nude picture of me? With my face/

    Nanginginig ako

    naghihingi sya pera

    pero ndi naman nya madedelete un

    ano gagawin ko?

    please

    please call me at 0915 512 4421

    pumunta sa pulis o NBI

  6. ask lang for advice or for possible solution...

     

    yung girl eh pinagbibintangan ng asawa na nagloloko bt to found out na di naman...now the problem is the girl found out na 15 yrs na fake pala yung documento ng kasal...unaware sya that time since di naman niya akalain na fake yung document.. she's asking for what possible legal solution or ano ba dapat gawin..she's not in good term na with her fake hubby?? just asking for advice or anything to help the girl..ano ba dapat ikaso sa guy...tnx in advance

    paanong fake? details please.

  7. hello po anu po pwede ko gawin? gusto ko magfile ng annulment last 2014 kami kinasal pero 8 months lang nagkasama then yung wife ko ang umalis ng bahay nagpasundo pa sa nanay nya at kuya me halo pa ng iyakan.

     

    madaming misunderstanding na ako lagi ang nadidiin lalo na sa preparation ng kasal. church wedding nga pala kami under roman catholic priest din ang nagkasal sa min.

     

    naakusahan pa ako ng pambababae kaso puro text lang ng 2 kaibigan ko na babae ang nakita nya sa celphone ko na ginalaw nya ng walang paalam. plano ko nang ipakilala yung wife ko sa iba ko pang kaibigan pero naunahan nya ako sa pagbasa ng mga text na inakala nya na meron akong kabit na 2 babae pero mga kaibigan ko lang yung 2 na pareho pang excited nung nalaman na naikasal na ako at gusto nilang makilala asawa ko.

     

    diniin din nya ang pagiging malaki ng sahod nya sa trabaho kesa sa kin at hindi ko kayang tustusan ang mga gusto nya

     

    ako din ang gumagawa ng mga gawaing bahay wala syang alam sa pamamalengke, luto at laba. wala na syang ginagawa masyado sa bahay puro tulog lang pero pareho lang kami pagod sa trabaho nung magkasama pa kami at nagmamaneho pa ako ng motor nung mga panahon na iyon

     

    yung pinaka matindi humalo pa yung kuya ng asawa ko nung oras na sinundo sya naguusap lang kami upang ayusin yung naging gusot pero inakusahan nanaman ako ng pagkakaron ng ibang babae. medyo naasar na ako sa kakaakusa sa kin palagi ng meron akong kabit kaya nung tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig ginamit ko yung pader kung san ako nakasandal upang tumayo dahil masakit yung likod ko inakala ng kuya nya na lalaban ako kaya nag asta na din sya na parang natapakan ko yung pride nya sa harap ng nanay nya kaya dun na sya nag amok at sinabihan ako na kaya nya akong patayin kung san ako nakatayo.

     

    hanggang ngayon hindi pa din namin naaayos ang gusto namin mag asawa. hindi sya open sa kung panu ko gusto ang magiging buhay namin at kung san muna kami titira kasi nagbayad pa ako ng utang para sa kasal namin noon

     

    kaya ngayon dalawa ang prublema ko yung asawa ko na puro sarili lang nya ang iniisip nya at yung kuya nya na nagbanta sa buhay ko na ayaw naman makipag usap sa kin para sabihin na nabigla lang sya dahil yun ang sabi ng asawa ko

     

    anu po ba pwede ko gawin sa ganitong sitwasyon

     

    salamat po

    1. anu po ba pwede ko gawin sa ganitong sitwasyon

     

    Sabi mo, gusto mo magfile ng annulment. Kung yan ang gusto mo, kumausap ka na ng abugado. alalahanin mo lang, gagastos ka para diyan.

  8.  

    your child is a minor.. hindi nila basta basta mailalabas ng bansa yan without documentations, and your consent.

    Please note that if a minor child travelling abroad is accompanied by AT LEAST ONE OF THE PARENTS, no DSWD travel clearance is required.

     

    Minors travelling abroad need a DSWD clearance if:

     

    1. The minor is traveling alone;

    2. The minor is accompanied by persons other than his parents; and

    3. The minor is an illegitimate child and is accompanied by the father (by implication, the illegitimate minor child accompanied by the mother does not need a DSWD clearance).

     

    Source: http://www.dswd.gov.ph/faqs/travel-clearance-for-minors/

     

    In onFire's case, their child is a legitimate child, hence the mother can easily bring the child abrong. Accordingly, onFire has to be on guard.

  9. many thanks..... sa ngayon ay medyo humupa na ang galit ko at pinagpapasa-Diyos ang ibang bagay. Tungkol sa custody ng bata pinagHahandaan ko ngayon. kung kayo nsa sitwasyon ko, halimbawang dumating na siya at sabihin kukunin ang bata, ano pwede kong gawin na maayos at legal. Msakit na ulo ko sa mga kasinungalingan... malaki ang kutob ko na ilalayo nya skin ang bata.

    Pag naghiwalay ang magulang, ang custody ng bata ay mapupunta sa magulang na mapagkakasunduan ng dalawa. Kapag hindi sila magkasundo, kailangang magsampa ng kaso sa korte para madesisyunan kung kanino mapupunta ang bata.

     

    Ang problema mo... ayun sa batas, ang batang ang edad ay mas mababa sa 7 taon ay dapat nasa nanay, maliban na lang kung may mabigat o matinding dahilan para ihiwalay ito dito

     

    sa kaso mo, 2 taon pa lang anak ninyo, kaya lamang na agad ang nanay. Ngunit, subalit, datapwat... dahil ang sabi nga ay kung hindi magkakasundo ang magulang ay korte ang magdedesisyon kung kanino mapupunta ang bata, kailangan ng court order pag ayaw ibigay yung bata ng isa sa mga magulang.

     

    In other words, kung darating ang asawa mo at sasabihing kukunin ang bata, WAG MONG IBIGAY, para mapilitan siyang magsampa ng kaso para makuha ang kustodiya ng bata. Sabi mo na rin, nagtratrabaho siya sa Singapore, dahil dito, mahihirapan siyang magkaso dahil kailangan niyang bumalik sa Singapore (wag lang na maraming pera ang asawa mo at can afford siya na magpabalik-balik sa Pilipinas).

     

    I-save mo na rin lahat ng electronic communications nyo, pati na yung FB account niya, lahat ng post tungkol sa bagong asawa niya, sa pagiging convert niya, LAHAT na may relation (ma-FB, Twitter, Instagram, email, LAHAT!), i-save mo, kahit screen grab lang (baka madelete pa) at baka kakailanganin ito ng abugado mo (kung mapunta sa hablahan, iba na ang handa).

     

    Just remember, NO COURT ORDER, wala silang karapatang kunin ang anak mo!!! Magdala man yan ng taga-DSWD, o ng media, MAGMATIGAS KA, no court order, wala silang karapatang makuha ang bata!!!

  10. Sir rocco69, thank you very much for the detailed explanation. I have a follow up question regarding SPA but please forgive me if it will sound dumb since I don't know the procedure of getting an SPA. What if the wife pay some lawyer whom she knows some money to secure an SPA or tell the lawyer that her husband is in another country, would that work?

     

    Thank you in advance.

    If the buyer is a sucker, he might believe that the SPA is genuine, and so, buy the property. BUT THE SALE WILL NOT BE VALID because the SPA is invalid. The real owners can always contest the sale as a void sale.

  11. pa OT muna boss...

     

    Magandang gabi sa inyong lahat... Out Topic sa ngayon pero mukhang dun nrin papunta.

     

    Meron akong asawa, currently working sa Singapore. Meron kaming isang anak na lalaki (2 yrs old). Kasal kami sa huwes taon 2009.

     

    Nalaman ko thru FB ang milagro at kalokohan ng asawa ko. Una, nagpaConvert siya sa islam w/o my knowledge, pero bago kopa nalaman ang pagpapaConvert nyang ginawa ay napansin ko ang ibang pakikitungo nya at pagiging malamig bilang asawa ko. Nalaman ko din na picture ng anak nmin ang ginawang profile picture ng lalaki nya at sinabi ng asawa ko na may phintulot o pinayagan nya...

     

    Tanong :

     

    1. Admissible ba sa court ang mga exhange conversation nila / picture, etc., etc.?

    2. Ano pwede kong gawin o iFile sa court pagdating sa custody ng anak nmin.... at ano ang mga grounds na pwede ko iSight sa court pr ako ang panigan a custody ng bata.?

    3. Liable ba sya sa Bigamy kahit nangyari sa ibang bansa?

    4. Ung pagGamit nila ng picture ng anak ko as Profile Picture ng lalaki w/o my consent at knowledge, ano ang dating nun sa pagpayag din ng asawa ko na gamitin ang picture ng bata?

    5. Paano ang maganda sa mga property na napundar nmin. Lahat ba ng napundar nya at napundar ko after the marriage ay Automatic na Conjugal at kung gagawa sila ng gulo na maghahakot ng mga gamit ay NEED NG COURT ORDER para sa paghahati?

     

    Masakit at pkiramdam ko argabyado ako. Gusto kong ihanda ang lahat lalo na pag dating sa anak nmin.

     

    Maraming salamat.

    I would agree with bigsam except for:

    3. Liable ba sya sa Bigamy kahit nangyari sa ibang bansa? ang batas kriminal natin, sa karaniwan, ay naipapatupad lamang sa Pilipinas (see Art. 2, Revised Penal Code). Kung ang asawa mo ay nagpakasal sa iba sa labas ng bansa, hindi ito pwedeng parusahan dito sa Pilipinas, dahil ang krimeng bigamya ay naisakatuparan sa labas ng bansa.

    Ngunit, subalit, datapwat... kung uuwi ang asawa mo sa Pilipinas, kasama ang kanyang bagong kapareha, at sila ay magsasama dito, maaari mo silang kasuhan ng adultery. Pero ang bigamy, di ka makakapagsampa ng reklamong kriminal ukol dito sa Pilipinas.

    5. Paano ang maganda sa mga property na napundar nmin. Lahat ba ng napundar nya at napundar ko after the marriage ay Automatic na Conjugal at kung gagawa sila ng gulo na maghahakot ng mga gamit ay NEED NG COURT ORDER para sa paghahati?

    Dahil kayo ay ikinasal nung 2009, kayo ay saklaw na ng Family Code, kung saan lahat ng ari-ariang napundar ninyo ay automatic na "ABSOLUTE COMMUNITY PROPERTY", hindi lang conjugal (see 2nd sentence, Art. 75, Family Code).

    Dahilan dito, kayong mag-asawa ay parehong may-ari ng lahat ng naipundar ninyo. Walang karapatan ang asawa mo na maghakot ng gamit para gamitin sa pagsasama nila ng kanyang bagong kapareha (see Art. 100. Family Code). Tama ka, mangangailangan siya ng court order (see Art. 134, Family Code), na malabo ang pag-asa na siya'y makakakuha.

  12. I would like to know how can I get back my Pag ibig contribution? I was told pwede daw? please advice. Thanks.

    Call PAG-IBIG's 24/7 Hotline 724-4244.

     

    Or text 0917-8884363/0918-8984363, or email publicaffairs@pagibigfund.gov.ph

     

    You may also chat at pagibigchat@yahoo.com and pagibigchat1@yahoo.com available from Mondays to Fridays, excluding holidays, from 8am to 5pm.

  13. I have read just tonight in my research that administrative cases are brought to the Sangguniang Panlungsod or Panlalawigan depending on the jurisdiction, as the Ombudsman only hears criminal cases against elective officials. Can a lawyer in the forum confirm this?

    The Ombudsman can hear both administrative and criminal cases, but if the administrative case was already filed before the Sanggunian, the Ombudsman can no longer hear the same because the rule on concurrent jurisdiction disallows any other body from hearing the same case once a tribunal already acquires jurisdiction over the same

  14. good day

     

    question regarding conjugal properties..?

     

    namatay po ang wife nuon buhay pa sya nakabili sya ng properties naka pangalan sa kanya using her married name

    wala silang anak...may habol ba yun mga relatives nya sa property? eg. sisters, nieces..

     

    thank you in advance

    Even if the properties are registered only in the name of the wife, they would be "absolute community" property; i.e. 1/2 to the husband, 1/2 to the wife.

     

    As to the wife's 1/2 share, these would belong to her surviving husband and the wife's parents, 50-50 (see Art. 997, Civil Code). If the wife's parents are already dead, the property would belong to the surviving husband and the wife's brother's and sisters, nephews and nieces 50-50 (see Art. 1001).

     

    In other words, the ENTIRE property would belong to the husband, who has a three-fourth share (his one-half share plus his inheritance); and to the wife's parents OR siblings, who would own one-fourth.

  15. Good day po. I have some questions.

     

    Let's say the guy died in the US but he has a property in Manila. He is dead for several years already. The guy had an affair(not married) with a woman and they have 3 children. The property is under his name but legal wife is renting it out. My questions are:

     

    1. Does the 3 illegitimate children have claims to his properties? If so, how much? Can they demand their share?

     

    2. Since there was no extra judicial settlement of estate filed in the Philippines or US, can the wife use a power of attorney from the US to sell the property to someone (if she can get an SPA in the US, for example) so that the wife can sign the deed of sale on behalf of his deceased husband? Will the new owner be able to change the property to his/her name?

     

    Thank you in advance.

    1. a) Does the 3 illegitimate children have claims to his properties?

     

    It depends. If the 3 children were recognized by their father as his children (in their birth certificates, he admitted that he was the father); or there is a notarized document signed by their late father admitting he is the father; or there is a handwritten document SIGNED by the father admitting he is their father, they can claim a share from his properties.

     

    If they do not have this kind of documentary evidence (even DNA evidence is disallowed), they will not be allowed to claim a share from his properties (the law requires that for proof other than that listed above, you have to file while the alleged father is still alive).

     

    B) If so, how much?

     

    Assuming they fall have been recognized or have the required evidence to claim a share, they would be entitled to 1/2 of the properties of their late father (see Art. 198, Civil Code).

     

    In all probability, the property in question is "absolute community" property, i.e. owned by both the husband and wife. Upon the husband's death, his share would be 1/2, and the wife would be entitled to the other half. The share of the husband would then belong to his heirs - his wife and illegitimate children. Accordingly, the wife would own 3/4 of the property (her 1/2 share plus the one-half she inherits from her husband); while the children would own 1/4 (the one-half share of the husband's 1/2).

     

     

    c) Can they demand their share?

     

    If they are recognized illegitimate children, they can demand their share. First, they demand for their share from the legal wife, if she refuses, they can file an action for partition or for settlement of estate of their late father.

     

     

    2. a) Since there was no extra judicial settlement of estate filed in the Philippines or US, can the wife use a power of attorney from the US to sell the property to someone (if she can get an SPA in the US, for example) so that the wife can sign the deed of sale on behalf of his deceased husband?

     

    She cannot! A power of attorney allows someone to act on behalf of another. If the principal is already dead, he cannot execute an SPA, nor can there be an SPA at all (how can a person be authorized by someone who is already dead?). A settlement of estate, or a judicial order is necessary for the disposition of the property.

     

    B) Will the new owner be able to change the property to his/her name?

     

    The "new owner" is NO OWNER AT ALL. As stated earlier, the SPA would be a void SPA, hence may not be used to sell the property. More, any sale by the wife alone would likewise be void, as she has not yet settled the estate of her deceased husband (see last portion, 2nd. paragraph, Art. 103 and 130, Family Code). Accordingly, any sale to the new owner would be void, and the property never becomes his.

  16. HMDF question

     

    Dunno where to post this pero dahil puro pang Gov shizz itong thread na ito dito nalang.

     

    I've recently found out na hindi na reremit yung mga PAG Ibig contribution ko for the last 5 years dahil ngayon lang ako nag attempt kumuha ng Pagibig housing loan.

     

    all my previous employers are long gone.. Aegis People support sa makati wala na. to name one.... although meron naman akong pagibig ID... Lahat ba ng contribution ko ay gone in the wind? Is there a way to check if my previous company may have been remitting to another account in my name....? need help on this

    Call PAG-IBIG's 24/7 Hotline 724-4244.

     

    Or text 0917-8884363/0918-8984363, or email publicaffairs@pagibigfund.gov.ph

     

    You may also chat at pagibigchat@yahoo.com and pagibigchat1@yahoo.com available from Mondays to Fridays, excluding holidays, from 8am to 5pm.

  17. Qtion po. In not registered sa NSO (my parents thought they were doinh me a favor by faking my birth cert). Can i file for a late registration sa KAHIT SAANG city hall or do i need to go aa kung saan talaga ako pinanganak? How much kaya damage? Thanks

    You have to go and register at the city/municipality kung saan ka ipinanganak (bring proof of the date of your birth, and of where you were born). Mura lang yan.

     

    Ayun sa https://psa.gov.ph/article/delayed-registration-0

     

    Delayed Registration of Birth

    1. The requirements are:

    a) if the person is less than eighteen (18) years old, the following shall be required:

    i) four (4) copies of the Certificate of Live Birth duly accomplished and signed by the proper parties;

    ii) accomplished Affidavit for Delayed Registration at the back of Certificate of Live Birth by the father, mother, or guardian, declaring therein, among other things, the following:

    • name of child;

    • date and place of birth;

    • name of the father if the child is illegitimate and has been acknowledged by him;

    • if legitimate, the date and place of marriage of parents; and

    • reason for not registering the birth within thirty (30) days after the date of birth

    In case the party seeking late registration of the birth of an illegitimate child is not the mother, the party shall, in addition to the foregoing facts, declare in a sworn statement the recent whereabouts of the mother.

    iii) any two of the following documentary evidences which may show the name of the child, date and place of birth, and name of mother (and name of father, if the child has been acknowledged):

    • baptismal certificate;

    • school records (nursery, kinder-garten, or preparatory);

    • income tax return of parent/s;

    • insurance policy;

    • medical records; and

    • others, such as barangay captain's certification.

    iv) affidavit of two disinterested persons who might have witnessed or known the birth of the child. (46:1aa)

     

    B) If the person is eighteen (18) years old or above.

    i) all the requirements for the person who is less than eighteen (18) years old; and

    ii) Certificate of Marriage, if married. (46:1ba)

     

    2. Delayed registration of birth, like ordinary registration made at the time of birth, shall be filed at the Office of the Civil Registrar of the place where the birth occurred. (46:3)

     

    3. Upon receipt of the application for delayed registration of birth, the civil registrar shall examine the Certificate of Live Birth presented, whether it has been completely and correctly filled in and all requirements have been complied with.

  18. SSS Death Benefit Inquiry po, yung schoolmate ko nung college got married twice yung una nung 18 yrs siya and four years after nagpakasala siya ulit. Yung first husband di sila nagsama nun, yung second nagsama sila and bore them a child but got separated but not legally separated. The second husband died, requiremant ng SSS yung cenomar eh lumabas sa matches sa cenomar niya pati yung unang marriage niya. Magkakaproblema ba yun sa pag claim ng death benefits? Or is it better na lang na yung anak ang maging beneficiary? Salamat ng marami.

    1. Magkakaproblema ba yun sa pag claim ng death benefits?

     

    Ayon sa SSS Law (see Section 8, e and k), ang dependent na asawa ay ang THE LEGAL SPOUSE ENTITLED BY LAW TO RECEIVE SUPPORT FROM THE MEMBER.

     

    Dahil yung asawa ng namatay na miyembro ay kasal pa sa iba nung sila ay magpakasal, lumalabas na walang bisa ang kasal ng schoolmate mo sa miyembro ng SSS. Kung ganun, hindi siya ang LEGAL SPOUSE nung namatay (dahil nga siya naman ay kasal na sa iba nang magpakasal siya dun sa miyembro). Lalabas na di siya maaaring maging dependent nung namatay, at wala siyang karapatan na tumanggap ng anumang benepisyo sa SSS bilang dependent.

     

     

    2. Is it better na lang na yung anak ang maging beneficiary? Salamat ng marami.

     

    Maaaring may problema din yung anak. Dahil nga kasal pa sa unang asawa yung schoolmate mo nung siya ay magpakasal ulit sa miyembro ng SSS, ang kanilang anak (anak sa pangalawang asawa) ay ipinapalagay ng batas na ANAK NUNG UNANG ASAWA! (dahil nga walang bisa yung pangalawang kasal; see Concepcion v. CA, 468 SCRA 438, 31 August 2005). Dahil dito, BAKA sabihin ng SSS na yung anak ay di rin qualified na maging dependent nung namatay na miyembro dahil nga, ito ay ipinapalagay na anak ng schoolmate mo sa una niyang asawa. Pero, no harm in trying, baka sakaling makalusot sa SSS yung anak as dependent. Your riend will never know unless she tries to have the child apply with the SSS as a dependent.of the deceased. Good luck!

  19. Q> if an office has less than 10 employees. Is the 13th mo pay subjectible to deductions due to their absences and lates for the whole year? All are regular employees and should be granted full 13th month pay regardless of attendance infractions correct?

    13th month pay is one-twelfth (1/12) of the basic salary of an employee within a calendar year.

     

    the formula for computing 13th month pay is:

     

    13th month pay = Total basic salary earned during the year / 12 months

     

    In other words, if you deducted amounts from their salaries due to absences and tardiness, the 13th month pay will be lower. If an employee works year round and receives the same salary for 12 months, his 13th month pay would be equivalent to one month basic salary. If, however, he works for only 6 months, thereby earning only 6 months salary, his 13th month pay will then be one-half of his basic salary.

  20. Madali lng ba mag punta sa US pag ang naangasawa mo dul citizen ng US and PH? pero dito na sila nakatira sa pinas. thanks!

    madali lang, sasakay ka lang ng eroplano papunta dun. :)

     

    baka naman ang tamang tanong ay: Madali lang ba makakuha ng visa papuntang US pag ang napangasawa mo dual citizen ng US and PH?

     

    Ayon sa http://travel.state.gov/content/visas/en/immigrate/family/fiance.html

    If you are a U.S. citizen you have two ways to bring your foreign spouse (husband or wife) to the United States to live. They are

    • Immigrant visa for a Spouse of a U.S. Citizen (IR1 or CR1) - An immigrant Petition for Alien Relative, Form I-130 is required.

    For more information, see: http://travel.state.gov/content/visas/en/immigrate/family/immediate-relative.html

    • Nonimmigrant visa for spouse (K-3) - It is important to note that application for the nonimmigrant visa for spouse (K-3) who married a U.S. citizen must be filed and the visa must be issued in the country where the marriage took place. After the visa process has been completed, and the visa is issued, the spouse can travel to the United States to wait for the processing of the immigrant visa case. Two petitions are required: Petition for Alien Relative, Form I-130, and Petition for Alien Fiancé(e), Form I-129F.

    For more information, see: http://travel.state.gov/content/visas/en/immigrate/family/spouse-citizen.html

  21. How much mag pa annul?

    depende sa ground (eg. psychological incapacity - mas magastos; walang lisensya - cheaper); depende sa lawyer (kilalang lawyer - mas mahal; di kilala, bagong pasa - mas mura); depende sa lugar (kung sa Metro Manila isasampa ang kaso at taga-rito ang lawyer - mas mura; kung sa Davao isasampa at taga-Metro Manila ang lawyer - mas mahal). Sa dami ng factors involved, the fees could run from P100T to P1M, or even more.

    • Like (+1) 1
  22. Sir Rocco, i have a question po!

     

    I am married with one child but already separated (not legally) from my wife for almost 3 years. Nasa kanya (mother) ang anak namin.

     

    Nalaman ko na may bf na sya (may witnesses, at proof of pictures).. now i also heard that gusto nila pakasal.

     

    Assuming nakpag pakasal sila at nagka record sa civil registry at NSO, can I use these as evidence if I decide to file for an annulment (ayoko na kasi dumaan sa mga adultery na kaso ek ek), gusto ko lang maputol na ang ugnayan namin at mapawalang bisa ang kasal namin..

     

    What are your thoughts? (salamat in advance sa pagsagot) :)

    Marrying somebody else, when one is already married, IS NOT A GROUND FOR ANNULMENT!

     

    It is only a ground for legal separation (contracting a bigamous marriage, see Art. 55(7), Family Code).

     

    But, to reiterate, a good psychiatrist should be able to make this circumstance a symptom of a "most serious personality disorder indicative of a failure to give meaning and significance to the marriage."

     

    In other words, maaari itong maging symptom ng "psychological incapacity," which is a ground for declaring your marriage void from the beginning. If she gets married (which they would actually be very stupid to do, seeing that you are still married to each other), you should then consult a lawyer, so he can prepare the requisite petition. Again, BE PREPARED WITH MONEY.

  23. Hello MTC Lawyers!

     

    Need help regarding sa empleyado ko. Nahuli kasi ng isang employee ko na pinaguusapan ako ng 2 empleyado rin thru FB ng hindi maganda. na copy nya yun chat conversation at inemail sa kin. Pwede ko ba tanggalin sa trabaho? Wala na kasi ako tiwala. pwede pa rin nialng gawin sa akin yun. Madalas na nga late sila at absent pero pinagbibigyan ko p rin.

     

    Thank you.

    Pwede kang magtanggal ng empleyado sa sumusunod na dahilan:

     

    a. Serious misconduct or willful disobedience by the employee of the lawful orders of his employer or representative in connection with his work;

    b. Gross and habitual neglect by the employee of his duties;

    c. Fraud or willful breach by the employee of the trust reposed in him by his employer or duly authorized representative;

    d. Commission of a crime or offense by the employee against the person of his employer or any immediate member of his family or his duly authorized representatives; and

    e. Other causes analogous to the foregoing.

     

    Yung a at b, hindi applicable.

     

    Yung c. baka pwede. Pero, kailangang ang mga posisyon ng empleyado mo ay nangangailangan ng trust and confidence, para masabi na ikaw ay nawalan na ng tiwala sa kanila, Mga halimbawa ng pwesto na may trust and confidence ay manager, security guard, salesman, cashier, etc. Kung ordinaryong laborer o mananahi, halimbawa, mahirap gamitin ang loss of trust and confidence.

     

    Yung d, baka pwede rin kung babagsak sa paninira o libel yung mga pinagsasasabi ng mga empleyado mo, sapagkat ito ay pinaparusahan sa Cybercrime Act of 2012 (RA 10175).

     

    Kung talagang desidido ka (o para matigil lang ang mga ito), padalhan mo ng Memo yung empleyado concerned "to explain in writing within 72 hours why they should not be held liable and disciplined, INCLUDING THE PENALTY OF DISMISSAL, for making malicious and false imputations against the proprietor (or owner or manager, o kung ano man ang posisyon mo)." I-attach mo ang transcript ng relevant portion ng kanilang FB conversation (transcript na lang, at portion lang, para di mahuli yung nagbigay sa iyo, at para din di nila alam ang extent ng alam mo sa ginawa nila)

     

    Pagkatapos nilang mag-explain, kung di katanggap-tanggap ang explanation nila, you WRITE ANOTHER MEMO and give it to them, where you impose disciplinary sanctions on them. Bahala ka kung ano yun.

     

    Good luck!

×
×
  • Create New...