Jump to content

rocco69

[09] REVERED
  • Posts

    926
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    1

Posts posted by rocco69

  1. Tanong lang:

     

    In issuing receipts and sales invoice pwede ba na CASH ang ilagay sa name or Pay to the Order of Cash?

    Ang sabi ng Sec. 237 ng National Internal Revenue Code ay:

     

    SEC. 237. Issuance of Receipts or Sales or Commercial Invoices. - All persons subject to an internal revenue tax shall,

    for each sale or transfer of merchandise or for services rendered valued at Twenty-five pesos (P25.00) or more, issue

    duly registered receipts or sales or commercial invoices, prepared at least in duplicate, showing the date of

    transaction, quantity, unit cost and description of merchandise or nature of service: Provided, however, That where

    the receipt is issued to cover payment made as rentals, commissions, compensations, fees, receipts or invoices shall

    be issued which shall show the name, business style, if any, and address of the purchaser, customer or client:

    Provided, further, That where the purchaser is a VAT-registered person, in addition to the information herein required,

    the invoice or receipt shall further show the Taxpayer Identification Number (TIN) of the purchaser.

    The original of each receipt or invoice shall be issued to the purchaser, customer or client at the time the transaction

    is effected, who, if engaged in business or in the exercise of profession, shall keep and preserve the same in his place

    of business for a period of three (3) years from the close of the taxable year in which such invoice or receipt was

    issued, while the duplicate shall be kept and preserved by the issuer, also in his place of business, for a like period.

    The Commissioner may, in meritorious cases, exempt any person subject to internal revenue tax from compliance with

    the provisions of this Section.

    Lumalabas, dalawa ang klase ng taong nag-iissue ng resibo:

    1. Persons engaged in the sale or transfer of merchandise or for services rendered valued at Twenty-five pesos (P25.00) or more, at

    2. Persons receiving payment made as rentals, commissions, compensations, fees.

    Dun sa unang klase, kailangan lumabas sa resibo na ini-issue niya yung date of transaction, quantity, unit cost and description of merchandise or nature of service.

    Dun sa pangalawa, kailangan lumabas sa resibo na ini-issue niya yung date of transaction, quantity, unit cost and description of merchandise or nature of service, AT DAGDAG PA DITO yung name, business style, if any, and address of the purchaser, customer or client.

    Pagkatapos, sa kanilang dalawa, kung ang purchaser ay VAT-registered person, kailangan din lumabas sa resibo yung Taxpayer Identification Number (TIN) ng purchaser.

    SAGOT:

    Kung ang ini-issue mong resibo ay hindi para sa rentals, commissions, compensations, fees, HINDI KAILANGANG LUMABAS ANG PANGALAN NG purchaser, customer or client, kaya kahit alin sa dalawa "Cash" or "Order of Cash" pwede.

    Ngunit, subalit, datapwat...

    Kung ang ini-issue mong resibo ay para sa rentals, commissions, compensations, fees, KAILANGANG LUMABAS ANG PANGALAN NG purchaser, customer or client, kaya hindu pupuwede ang "Cash" or "Order of Cash" dahil ito ay hindi pangalan ng purchaser, customer or client [paano nga naman mahahabol ng BIR yung landlord, ahente, empleyado, contractor, professional etc. na tumanggap ng rental, commission, compensation, o fee kung hindi nakalagay sa resibo yung pangalan at address niya].

    Alalahanin mo rin na imbes na rehistradong sales invoice o resibo, pumapayag din ang BIR sa "cash register" at "point-of-sale machine", halimbawa sa department store, supermarket, drugstore, restaurant, gasoline station, atbp. Sa ganitong klaseng resibo HINDI RIN LUMALABAS ANG PANGALAN NG BUMIBILI kaya hindi rin importante kung iiimprenta ng cash register ang salitang Cash or Order of Cash [sa tutoo lang, walang lumalabas na ganyan sa resibong ini-issue ng department store, supermarket, drugstore, restaurant, gasoline station, atbp.]

    Panghuli, ayon sa Section 264 ng National Internal Revenue Code:

    Sec. 264. Failure or refusal to Issue Receipts or Sales or Commercial Invoices, Violations related to the Printing

    of such Receipts or Invoices and Other Violations. -

    (a) Any person who, being required under Section 237 to issue receipts or sales or commercial invoices, fails

    or refuses to issue such receipts of invoices, issues receipts or invoices that DO NOT TRULY REFLECT

    AND/OR CONTAIN ALL THE INFORMATION REQUIRED TO BE SHOWN THEREIN, or uses multiple or

    double receipts or invoices, shall, upon conviction for each act or omission, be punished by a fine of not less

    than One thousand pesos (P1,000) but not more than Fifty thousand pesos (P50,000) and suffer

    imprisonment of not less than two (2) years but not more than four (4) years.

  2. Hi. Thanks for the reply. Almost half a mil. I told them we could settle in staggered payments within 6 months. I'm just not sure if that is acceptable, too long ba o pwede pa iextend kung makiusap. At anong arrangement ang pwede. I also need the money for another property.

    Contract to Sell with Re-assumption of Mortgage [since you are still paying for the loan in the 1st owner's name, he just re-assumes the mortgage] (where you retain title to the property until you are fully paid, and promise to execute a Deed of Absolute Sale only upon full payment); plus post-dated checks for the staggered payments (so that if they bounce, you can file a criminal case for violation of BP22);

    • Like (+1) 1
  3. Magandang umaga po magtatanong lang po mga boss. May nabili ksi akong lupa kahati ang tiyahin ko ngyn gusto ko nang patayuan need ko pa po ba ng consent ng tiyahin ko o puwede na siyang patayuan? O mas maganda na hatiin muna ang lupa bago ko patayuan? Maraming salamat po sa sasagot

    depende kung paano ang pagkahati ng property sa pagitan ninyo ng tiyahin mo. Kung ang pagkahati ay hindi pisikal na hatian (wala pang sariling pwesto ang bawat isa sa inyo, at ang usapan lang ninyo ay basta ang kalahati ay sa iyo at kalahati ay sa kanya, kailangan mo ng consent ng tiyahin mo dahil sa balak mong pagpapatayo, magiging pisikal na ang hatian. Maganda ay magkaroon na kayo ng kasunduan kung saan talaga ang pwesto o bahagi ng bawat isa sa inyo.

     

    Kung may napag-usapan na kayo kung anong bahagi ang pag-aari ng bawat isa sa inyo, di mo na kailangan ng consent sa pagpapatayo sa bahaging nailaan sa iyo (although mas maganda, ang napag-usapan ninyong hatian ay dapat nakasulat na rin, at pirmado ninyong dalawa ng tiyahin mo.

  4. mga boss ask konlang ooinyon nyo, bale may klasmate ako na memeber sa lending grouo na nag offer sa akin casino financing sa okada 7% daw tubo kada buwan.. although may kontrata.. im sensing isa itong ponzi scheme..where nagkokolecta ng pera.. pangbayad sa mga nauna na.. in case takbuhan ako, anu aksyon ang pwede kong gawin sa kanila? pwede ba sila makasuhan ng estafa

    pwede ba sila makasuhan ng estafa?

    If it is a Ponzi scheme, yes. see http://sc.judiciary.gov.ph/jurisprudence/1998/sep1998/106357.htm

  5. so valid po yung settlement sir kahit na walang pirma ng husband ng nagpagawa ng construction work. or walang consent ng husband to compromise?

    yes, it is valid between the parties.

  6. Posted Yesterday, 03:59 PM

    Tanong:

    Is the consent of the spouse necessary for the validity of an agreement for payment for the breach of personal obligation?

     

    To illustrate po ganito po nangyari:

     

    Yung tito ko ay kinontrata ng isang asawa para gumawa ng isang construction work sa kanilang bahay. Ngayon di ginawa ni tito. Pinadalhan siya ng demand letter.

     

    Ngayon to make the story short, Gumawa ng compromise agreement ang dalawa stating na instead na isusoli lahat ang downpayment eh 3/4 na lang ang isusoli ni tito. Nagsoli na si tito sa 3/4. Notarize na ang agreement. Tanong po, valid po ba ang agreement considering po na hindi pumirma ang wife ni tito at husband nung nagpagawa ng construction works?

    mabisa siya. kaya lang, kung hindi nakinabang yung asawa nung bawat isa sa perang saklaw ng kasunduan, kung may maghahabol, anumang pananagutan (kung meron pa, at bayad na naman, ayon sa kwento mo) ay hindi pwedeng ipapanagot sa ari-arian ng mag-asawa. ito ay pananagutan lamang ng hiwalay na ari-arian ng mga partido.

  7. Kasi daw po ang araw2 nila pina-iinteresan at ska ipapatong nila sa Mother.tapos po ini-add nila ang mother at interest ,ang total po nun ay mag interest na nman.I mean tong2 patong po.2% per day daw po.na shock nga po ako eh.nagbabayad nman po ako.pero ganun nga po,parang nkakalitong isipin na ganun kalaki babayaran mo sa 3Thou.lng nag-umpisa at magiging 70K

    Ang 2% per day ay hindi katanggap tanggap na penalty. Yung compounded, OK lang yun, pero dapat ay katamtaman lang ang interes. dahil di katanggap-tanggap ang interes, hindi nila ito mae-enforce sa hukuman. Sabihan mo na maghabla na lang sila. Pagdating niyan sa korte, baka yung 3 libo lng ang makolekta nila. Alalahanin mo rin na WALANG NAKUKULONG SA UTANG! AT DI NILA ITO MAILALAGAY SA NBI RECORD MO (ang utang ay di kasama sa pinapalista sa NBI record)

  8. Thank you Rocco69 for answering my queries. This will help me a lot.

     

    One last question, i don't know if this is the right thread for it but when i violate a traffic rule while riding the said motorcycle and ask me to present a copy of the OR/CR and they see that the registered owner is not me and is not affiliate with me, can they ask for the deed of sale and what can i do if they insist that i show it to them?

    Yes, the police can ask for proof of ownership. At malaki ang problema mo pag di ka nakapagpakita ng Deed of Sale! Lalabas na hindi sa iyo ang sasakyan. Pwede nilang i-impound ang sasakyan pending proof of ownership (buti nga kung sasakyan lang ang hulihin, baka pati ikaw mahuli!).

  9. May utang po ako sa AVON Three Thousand(3,000)tapos dahil hndi ko nabayaran kaagad,umabot na ng 70 thousand dahil sa tubo..Ngayon txt cla ng txt sa akn na magpa file cla ng case laban sa akin.Mag reflect po ba yon sa NBI CLEARANCE ko if sakaling mag file cla ng case against me?tama po ba yong ginawa nilang ang 3thousand kng utang sa kanila ay naging 70K na?parang Hindi po yata patas yon.

     

    Sana po matulungan nyo ako..

    1. Mag reflect po ba yon sa NBI CLEARANCE ko if sakaling mag file cla ng case against me?

     

    Hindi. Ang utang ay hindi criminal case (at walang nakukulong dahil sa utang, see Section 20, Article III, Constitution). kasong kriminal lang ang lumalabas sa NBI Clearance.

     

    2. tama po ba yong ginawa nilang ang 3thousand kng utang sa kanila ay naging 70K na?

     

    Baka naman kasi ilang taon na ang lumipas kaya lumobo na ng todo. Alalahanin mo lang na, ayon sa Kataas-taasang Hukuman, ang interes na 3% per month ay hindi katanggap-tanggap at hindi maaring ipatupad sa pamamagitan ng kapangyarihan ng hukuman. Sa madaling salita, hindi ito maaaring idaan sa hablaan sa hukuman. Kung lampas 3% per month (katumbas ng 36% per annum) ang penalty charge ng Avon, hinid nila ito mae-enforce sa pamamagitan ng habla. Pero kung mas mababa sa 3% per month ang penalty, at dahil sa katagalan ay umabot na sa P70T, ito ay nasa katwiran.

  10. Good day MTC

     

    hiwalay na kame ng wife ko for 4 years and kinausap ko siya about sa annulment. Pumayag naman siya PERO meron siyang conditions. Tinutukoy niya ang financial aid ko para sa anak namin. I-secure ko daw muna yung college fund ng anak namin.

    Her statement goes like this:

    "kahit anong pag una mo sa annulment, mababaliwala kasi may condtion ako. Yun ang gusto ko.
    Kasi may grounds naman ako para magpa-annul nakipagusap na ako sa lawyer dati kaya sabi nila i-ayos ko daw yung mga conditions ko. Sana maintindihan mo, hindi naman para sa akin to para secured lang ang anak ko. Iba kasi yung "sabi" lang sa meron conditions at pinagkasunduan."

    My questions are:

     

    1. Is that even legal? Kailangan masunod muna yung condtion niya bago ako makapagfile ng petition

    2. mababaliwala ba yung petition ko dahil hindi nasunod yung condition niya.

    3 ano ang dapat kong sabihin/gawin in this matter

     

    Please help. Thank you Lawyers of MTC.

    1. Is that even legal? Kailangan masunod muna yung condtion niya bago ako makapagfile ng petition?

    No.

     

    2. mababaliwala ba yung petition ko dahil hindi nasunod yung condition niya.

    No.

     

    3 ano ang dapat kong sabihin/gawin in this matter.

    Kumunsulta sa abugado. ang mangyayari lang diyan, dahil hindi ka pumayag sa condition niya, baka labanan niya yung petition mo. kaya kailangan mong kausapin abugado mo, para handa kayo sa mga pwede niyang i-raise against the petition. pero hindi kailangan na sumunod sa condition niya para umasenso ang kaso mo. ang kailangan lang, MAY MATIBAY KANG BASEHAN PARA MAGSAMPA NG KASO. At abugado mo ang bahala dito.

  11. I have a query on sale of shares of stock.

     

    Private corp. shareholder sells to fellow shareholder shares of stock. can the buyer resell the shares of stock at a price above par value?

     

    what happens to the amount over par value? does it need to be declared as the new par value?

     

    need your advice.

     

    thanks.

    1. can the buyer resell the shares of stock at a price above par value?

    Yes, siya may-ari, pwede niyang ibenta ari-arian niya sa presyong gusto niya.

     

    2. what happens to the amount over par value?

    yung whole amount, not just the amount over par value, ay ibubulsa niya. kanya na yun.

     

    3. does it [amount of sale over par value] need to be declared as the new par value?

    Nope. Par value is the value stated in the Articles of Incorporation as the value of the stock. This may or may not be equal to the actual value or selling price of the stocks.

  12. Good day everyone,

     

    my father just passed away. He has this motorcycle with him, the problem is that the OR/CR is not under his name and the deed of sales is nowhere to be found (it's not stolen i can assure you of that). I think he bought this from some 2nd hand shop (which i don't know what or where). It's been with him for almost 10 yrs and he was able to renew the vehicle registration but still under the name of the old owner.

    Is there a way that i can renew the vehicle or if the previous owner is still alive does he have claims on this?

    Also do i need to declare this on the EJS? and what happens or what can i do if i do not include it on EJS?

     

     

    Thank you in advance.

    1. Is there a way that i can renew the vehicle?

     

    Yes, you can renew, but still in the name of the old owner. Andami fixer sa labas ng LTO, andali niyan.

     

    2. if the previous owner is still alive, does he have claims on this?

     

    Technically, yes. dahil rehistrado pa sa pangalan niya, at wala ka namang maipakita na Deed of Sale, sa papel, siya pa rin ang may-ari.

     

    Pero, ikaw na rin ang nagsabi na di nakaw yan. At sampung taon na ang lumipas, mas malamangf sa hindi, hindi na maghahabol ang may-ari. At kung maghabol man siya, prescribed na ang claim niya at lampas walong taon na nasa inyo ang motor.

     

    3. do i need to declare this on the EJS?

    dahil di naman nakapangalan sa tatay mo yung motor, di na kailangan ilagay sa EJS yan (ang purpose kasi ng EJS, para may maipakita ka as proof na sa iyo na ang sasakyan. PARA MAILIPAT ANG TITULO), Dahil wala ka namang Deed of Sale mula sa registered owner, useless din yung EJS kung isasama mo pa dun yung motor.

     

    4. what happens or what can i do if i do not include it on EJS? it will remain registered in the name of the first owner

    and what happens or what can i do if i do not include it on EJS?

  13. salamat sir sa info. if yung scenario nga na binigay nyo e first cheque muna, then magfile uli ng case from the other bounce cheque. what if inacknowledge mo na yung lahat ng tumalbog na cheke mo sa korte and promise to settle all, khit na isang cheke lang ang isinampa sayo. possible ba na pumayag yung judge na pabayaran na yung lahat ng chekeng tumalbog kahit na isang cheke lang ang finile sayo to prevent yung filing ng case on the second bounce cheque?

     

    walang pakialam si Judge kung ilan ang babayaran mo. So long as pumayag yung kabila na magpa-areglo, ididismiss na ni Judge yung kaso. Kalimitan nga, ang gusto ng judge, basta mabayaran yung chekeng inihahabla, ididismiss na niya yung kaso, kahit may iba pang cheke na talbog, dahil hindi nga naman yun ibang check covered nung kaso na nakasampa sa kanyang sala.

  14. question i have unpaid globe postpaid before wayback 2013 .1,800/month with iphone 5s di ko sya nabayaran kasi nagabroad ako.2years contract ko sa globe 6months ko lang ata nbayaran. blocked listed na ko for sure. makakasuhan ba ko sa ganito? nakabalik nako sa pinas and balak ko kumuha uli ng postpaid ano po ba best thing to do? thanks

    sigurado ngang blacklisted ka na. May database ang mga kumpanya ng mga taong hindi nagbayad ng kanilang mga utang. Mas malamang sa hindi, nakalista ka run. Dahil dito, kung mag-aapply ka ng post-paid at lumabas na may outstanding utang ka, hindi ka papayagang makakuha hangga't di mo nalilinis ang utang na yun (sa pamamagitan ng pagbayad ng utang na ito [plus accumulated penalty and interest]).

     

    Yun nga lang, hindi natin malalaman kung nakalista ka nga sa mga blacklisted hangga't hindi ka nag-aaplay. Subukan mo munang kumuha ng postpaid. Kung lumabas na may record ka, dun mo linisin. Kung hindi naman lumabas , AYOS!

    • Like (+1) 1
  15. ask ko lang may certain amount ba para makasuhan ng BP22? let say 2,500 - 10,000 per cheque pero madami inissue like 10pcs. in total. ? pls. enlighted me thank you in advance.

    wala. kahit magkano ang halaga ng cheke, basta tumalbog, pwede nang maghabla sa korte.

     

    ang kaparusahan sa talbog na cheke ay pagkakulong ng hindi bababa sa 30 araw, hanggang isang taon; o di-kaya'y multa sa halagang hindi bababa sa halaga ng tumalbog na cheke, hanggang doble ng halaga nito (pero di lalampas ng P200T); o parehong kulong at multa, depende sa kagustuhan ng hukom.

     

    Ang patakaran ngayon ay kung unang beses pa lang na nahatulan ang nag-issue ng cheke sa paglabag ng BP22, multa lang dapat ang kaparusahan na ipapataw sa kanya.KUNG KAYA'T ANG GINAGAWA NGAYON NG MGA ABUGADO AY HAHATIIN ANG KASO. Magsasampa ng kaso para sa isang cheke lang muna. Pag nahatulan na ang akusado (kung saan multa lang ang ipinapataw na kaparusahan), magsasampa ulit ng panibagong kaso para sa sumunod na mga cheke. Dahil dati nang na-convict ang nag-issue, MAKUKULONG na siya sa sunod na paghatol sa kanya (hindi na rin siya qualified na mag-apply para sa probation [kung saan hindi ka makukulong, at magrereport ka lang buwan-buwan sa probation officer] dahil ex-con siya). Ito ang panggigipit na ginagawa para mapilitan magbayad yung nag-issue ng cheke. Magbayad ka nung halaga ng cheke, at kung hindi, ay kulong ka!

  16. patulong po ano po ang mga gagawin ko kung ipapalipat ko sa pangalan ung titulo ng bahay at lupa mula sa namatay kong ama papunta sa akin, ano po ang process..... salamat po mga sir at madam sa sasagot God bless

    Una. Mangangailangan ka ng ebidensya kung papaano naging iyo ang bahay at lupa (dahil ito ay nakatitulo pa sa pangalan ng ama mo).

    Kung ito ay namana mo, kailangan mo ng Extrajudicial Settlement of Estate (kung marami kayong tagapagmana) kung saan nakasaad na sa iyo napunta yung bahay at lupa; o di-kaya'y Affidavit of Self-Adjudication (kung nag-iisa ka lang na tagapagmana). Alalahanin mo na kung buhay pa ang iyong ina, isa rin siyang tagapagmana ng ama mo (kung kaya't Extrajudicial Settlement ang gagawin ninyo).

     

    Pag nagawa na ito, kailangang ipa-dyaryo ng isang beses kada linggo, sa loob ng tatlong magkakasunod na linggo, (bale, tatlong beses) yung pangyayaring Extrajudicial Settlement (ito yung nababasa mo paminsan minsan sa dyaryo na may pamagat na "Legal Notice")

     

    Pangalawa. MAGHANDA NG MALAKI-LAKING HALAGA!

     

    Pangatlo. Bayaran ang buwis (estate tax) sa BIR (kailangan mo yung tax declaration ng lupa). Maaari mong ibawas sa babayaran yung mga nagastos sa pagpapahospital at pagpapagamot sa huling sakit ng iyong ama, pati ang mga nagastos sa pagpapalibing (kailangan ng resibo na magpapatunay sa mga gastusing ito). Pwede ring ibawas yung halaga ng bahay at lupa (hanggang P1M) kung ito ang tirahan ng iyong mga magulang (kailangan ng certipikasyon mula sa barangay na it ang "Family Home" ng iyong ama).

     

    [NOTE: Kailangan mabayaran ang Estate tax sa loob ng anim na buwan mula sa pagkamatay ng iyong ama.Kung hindi ito nabayaran sa loob ng panahon na ito, may penalty agad na 25% ng halagang babayaran bilang buwis (sa madaling salita, 125% ang babayaran mo sa dapat na buwis)

    Pagkatapos, kada taon na hindi ito nabayaran, may 20% interest sa halagang dapat bayaran, compounded (sa madaling salita ulit, yung interes ay kasama sa pagkukwenta ng karagdagang interes). Kung kaya't, kung matagal nang patay ang iyong ama, maaaring napakalaking halaga na ang babayaran mo bilang Estate Tax.]

     

     

    Bayaran ang Documentary Stamp Tax (sa BIR din ito).

     

    Bayaran ang Transfer Tax sa munisipyo.

     

    Bayaran ang real estate tax (sa munisipyo din).

     

    Pang-apat. Pag bayad na ang mga buwis, kunin ang tax clearance sa munisipyo at yung Certificate Allowing Registration (CAR) sa BIR.

     

    Pang-lima. Pumunta na sa Register of Deeds dala lahat ng dokumento para ipalipat na yung titulo sa iyong pangalan.

     

    Good luck.

  17.  

    Thank you for the information, sir. Just to clarify about question number 1, some of us were already working in the company for more than 3 years but it is only now that they are requiring it and threatened not to renew contracts if we don't submit one. Sorry for forgetting to mention it.

    Its still valid, being part of management prerogative.

     

    A company is free to regulate, according to its own judgment and discretion, all aspects of employment, to include work regulations. So long as the same is exercised in good faith to promote the employer's interest, and not to defeat worker's rights, the same is valid.

     

    Requiring NBI clearances from workers is reasonable and is one of the ways to protect company interests. You normally wouldn't want a person with a criminal record working for you.

     

    Being reasonable, refusal to comply can be considered as wilful disobedience to a lawful order of the employer, which is a ground for VALIDLY TERMINATING an employee.

  18. Hi sir. I have two questions.

     

    1. Is proper for a locally registered company to ask for an NBI clearance from its homebased online workers? The workers are signed as "Independen Service Provider" and the contract states "no employer-employee" relationship so meaning Freelance.

     

    2. With many deadly accidents happening recently, I can't help but notice that the party who is not as fault is often charged with "reckless imprudence resulting to homicide" or "reckless imprudence resulting to physical injuries" when the party at fault suffers some casualties and is the one to blame. Is this really a law in our country? If so, how can a completely innocent party defend itself from such a case? Because it seems this law was made so that the one at fault can get some financial assistance from the innocent party which I think is unfair and nonsense.

     

    Thanks for any info.

    1. Is [it] proper for a locally registered company to ask for an NBI clearance from its homebased online workers?

    Yes. Its their job offer. They can require whatever they want from interested applicants, so long as the same is legal and reasonable. NBI clearance is a reasonable and legal requirement. If you don't want to comply, you are free not to apply.

     

    2. Is this really a law in our country?

    I think it is SOP for police authorities to charge the driver if someone is injured/dies in a vehicular accident, the thinking being "let the judge decide who is at fault", at least no one can claim the police were negligent or were bribed not to file charges. Its basically to ensure their A$$es are covered.

     

    3. If so, how can a completely innocent party defend itself from such a case?

    Present evidence to show that you were not at fault/negligent. If the person charged is not at fault, the physical evidence will show it. In most cases, the complainant will also be unable to show that the other party was at fault.

  19. hi mga atty. pwede po humingi ng advise?

     

    my friend applied to work in japan. however, the agency has a program that all applicants must be be sent to their japanese principal to undergo "Internship training" (paid) for 3 years before sya iforward at ihire ng isang japanese company. sadly, he was unable to finish the training kasi nahuli sya ng japanese police n ngddrive ng sskyan ng wlang lisensya. he was jailed tpos pinauwi n dto s pinas, effectively terminating his internship. the agency is now suing him for breach of contract daw. any advise po? thanks in advance!

    it depends on what are the terms of the contract that he signed. Is there a clause exempting him due to reasons beyond his control, etc. Whar are his responsibilities and duties under the contract? What are the causes consisting breach of the contract? Hangga't hindi nakikita yung mismong kontrata, mahirap magbigay ng advise.

     

    But in any case, kung wala namang ari-arian ang kaibigan mo, useless yang breach of contract case na yan, manalo man sila, ang pwede lang nila makuha ay daños, in the form of money (walang kulong sa civil case. At civil case lang ang breach of contract).

     

    Kung walang pera o ari-arian ang kaibigan, ano ang kukunin sa kanya ng agency? Wala. In ending, gagastos lang yung agency sa wala.

     

    Kung ako kaibigan mo, wag na niya pansinin ang demands ng agency (at sigurado ako, demand letter pa lang yan, wala pang naisasampa na kaso yan - dahil nga waste of time and money ang ganyang kaso, walang kasiguraduhan na makakakolekta ang naghahabla).

  20. Wala ba sila sir na sinusunod na kung ano yun una na-file yun ang dapat sundin? Yun isa kasi sa Fabella siya pinanganak which is yun tama tapos yun sa 1991 eh sa hilot..

     

    Any idea or lawyer sir na pwede namin kunin? Nagbabalak pa naman kami magpakasal next year at sana maayos agad

     

    Yun last name kasi ng tatay niya ginagamit ever since tapos ngayon lang napansin yun ganito..

    Ang talagang rule diyan ay kung ano ang nauna, yun ang susundin. Kaya ang tamang proseso talaga ay ipakorek niya yung unang BC (para mailagay yung pangalan ng tatay niya). Pero mas mahirap nga ito dahil kailangan niyang patunayan kung sino talaga ang ama niya (dahil hindi siya kinilala ng ama niya sa mismong birth certificate).

     

    Dahil nagpakasal naman later on yung magulang niya, subukan niyang pumunta sa Civil Registrar ng Manila at magtanong dun kung pupwede pa ang Affidavit of Legitimation lang para sa pagcorrect ng birth certificate niya (sabihin rin niya dun na ang makakagawa lang ng Affidavit of Legitimation ay ang nanay niya dahil patay na ang tatay niya).

     

    NOTE: Ito ay baka sakali lang dahil baka hindi rin pumayag ang Civil Registrar, dahil nga hindi nakalagay sa birth certificate niya kung sino ang ama niya (hindi matibay na ebidensya ang affidavit lang ng nanay niya bilang patunay kung sino ang ama niya).

  21.  

     

     

    depende sir sa year na gagamitin, halimbawa yun una, 1989 , yan yun lalabas na walang name tapos pag 1991 naman yan yun may name ang lalabas

    dahil depende sa year na gagamitin, gamitin na niya yung 1991, tapos ito na ang ipacorrect niya sa korte (dahil kahit parehong sa court idadaan ang correction, mas madali ipa-correct yung year of birth, yung naunang birth certificate, mas mahirap icorrect yun dahil mas mahihirapan siya sa ebidensya na magpapatunay kung sino talaga ang ama niya [di na makakatestigo tatay niya dahil patay na nga], samantalang sa year of birth, pwedeng tumestigo ang nanay niya at ibang kamag-anak na nagkamali lang talaga sa year of birth).

     

    NOTE: May posibilidad na kapag nabago to 1989 yung year of birth sa pangalawang birth certificate, mapansin ng PSA na dalawa ang kanyang birth certificate (lalabas na kasi sa computerized records ng PSA na for 1989, dalawa ang birth certificate kung saan yung pangalan niya, pangalan ng nanay niya, saan ipinanganak, at iba pang detalye, etc. ay pareho) at magkaroon siya ng problema naman sa PSA.

     

    Ganito rin naman ang mangyayari pag yung 1989 ang ipinacorrect niya (lalabas rin sa computerized records ng PSA na dalawa ang birth certificate kung saan yung pangalan niya, pangalan ng nanay niya, pangalan ng tatay niya, saan ipinanganak, at iba pang detalye, etc. ay pareho).

     

    As of now kasi, dahil walang sa 1989 record kung sino ang father niya, nakakalusot pa at di pa nahahalata sa records ng PSA na dalawa ang birth certificate niya.

  22. Pa Help naman po

     

    Yun sa GF ko kasi dalawa birth certificate niya

     

    Yun una at original wala last name saka name ng tatay niya kasi di kasal pero tama ang birth year tapos yun 2nd naman eh may last name saka name na ng tatay kaso iba yun year. Late na sila nagpakasal magulang niya

     

    Nagpunta kami city hall sabi need ng writing na beneficiary siya nun tatay niya kaso patay na kasi kaya wala mapakita

     

    Ang last option eh magpa delay registration na may tamang year na lang

     

    Ano po sa tingin niyo?

    ano ang ini-issue na birth certificate ng PSA (formerly NSO) pag nag-aaplay siya ng BC, yung una o yung pangalawa?

     

    Hindi pupwede ang delayed registration dahil may birth certificate na siya (pag ginawa niya ang delayed registration, falsification of public documents ang kalalabasan nun dahil sa delayed registration sinasabi mo, under oath, na hindi pa siya narerehistro, which is false). pagkatapos, computerized na rin ngayon ang PSA, kaya lalabas at lalabas na rehistrado na siya, kaya may huli talaga yung balak niyang delayed registration.

     

    Kung yung unang BC ang inilalabas ng PSA, at dahil patay na ang tatay niya, kakailanganin niyang dumaan sa korte para mabago ang birth certificate (idadagdag yung pangalan ng tatay niya, at iibahin ang apelyido niya) dahil mag-iiba ang status niya (from illegitimate to legitimate).

     

    Kung yung pangalawa ang lumalabas, dahil taon ang babaguhin, sa korte rin ang bagsak niya (ang pwedeng baguhin sa Civil Registrar level ay pagkakamali sa araw at buwan ng kapanganakan lang).

     

    Suma total, gagastos siya dahil mangangailangan siya ng abugado.

  23. Thank you sir. One last question, your reply took care of, in case, his father's checks bounced, but what about eviction? Kapag hindi na nakakapagbayad, bp22 will be used but will there be any legal problem or hindrance for evicting the son since he solely signed as the lessee but the checks are from his father and we put a clause in the contract that the checks of the father will be used?

    shouldn't be a problem. even if the checks are issued by his father, eviction for nonpayment would require that the tenant prove he has paid the rentals. Ano ang proof niya na nagbayad na siya? Since talbog yung cheke, he has no proof of payment, unless he pays the rent himself (which would then solve the problem).

     

    In fine, OK lang yung checks issued by the father as payment, if the checks bounce, you can opt to file an eviction case, as well as for BP22.

  24. Hi there. I have some questions regarding property leasing. A guy and his wife, newlyweds, wants to lease a property from my parents but he said he doesn't have bank checks yet. So he plans to let her father issue the post-dated checks and will be paying his dad in cash monthly. My parents plan to put the names of the son and his father in the contract as lessee, is it legally ok if only the son signs the contract as the lessee even if the checks are from his father's account or should the father sign as lessee as well? My parents had an experience before where they put two people as the lessee but the one who signs the contract is also the one who issued the checks. A

     

    Any info will be appreciated.

    no problem whether the father is included as a lessee or not, the important thing is he issues checks in favor of the landlord.

     

    The Bouncing Check Law doesn't really care whether the person issuing the check benefited/profited from the transaction. So long as he issued the check, and the same bounces, the issuer becomes liable (yan lang naman ang habol ng humihingi ng check, yug maaari niyang kasuhan ng KRIMINAL yung nag-issue ng check. May kulong kasi pag talbog na cheke, kaya mas madaling maningil).

     

    If you want, you can state in the Lease Contract that payments will be made by check issued by the father of the tenant.

  25.  

    Is it easier to negotiate on written off accounts? Meaning, the bank would settle on lower amount (say just the principal) so as just to totally erase it on their books?

    wouldn't really know. most bad debts are passed on to collection agencies, who get a commission on sums they successfully collect. I do not know the policy of banks as to settlement offers made to them after its passed to a collection agency.

     

    Maybe someone from the banking industry can enlighten us on the matter. Anybody here like that?

×
×
  • Create New...