Jump to content

rocco69

[09] REVERED
  • Posts

    926
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    1

Posts posted by rocco69

  1. so dalawa po talaga ang ifa-file...yung legal separation para totally di na nya makasama yung babae at malaman kung kanino mapupunta yung bata...tapos annulment para naman makapagpakasal yung lalaki in the future???...tama po ba???...grabeh ang dami ng hassle at ang gastos pala masyado...tsk tsk tsk

    In other words, WAG KANG MAG-FILE NG LEGAL SEPARATION kung may balak kang ipawalang-bisa ang kasal mo, dahil nga pag nagsampa ka nito, inamin mo na na walang depekto ang kasal mo, at sasabihin ng hukuman na hindi mo na pwedeng bawiin yung pag-amin mo na ito. In short, derechong annulment o declaration of nullity ka na.

     

    DAHIL KAPAG NAGFILE KA NG LEGAL SEPARATION, HINDI KA NA PWEDENG MAGFILE NG ANNULMENT LATER!

  2.  

     

    For example po may bibili ng condo from a pre-existing condo owner ano po ang requisites at mga bagay na dapat tandaan?

    Unang-una, ang identity ng seller, siya ba talaga ang may-ari (tingnan kung pangalan niya ang nasa Condominium Certificate of Title). Kung hindi siya, sino siya at ano ang karapatan niyang magbenta ng unit. May-asawa ba ang seller. Pag may-asawa ito, para walang problema, dapat kasama sa nagbebenta yung asawa, OR may Special Power of Attorney mula sa asawa. Kailangan ito, para wala nang habol ang asawa later (kapag ari-arian ng mag-asawa, hindi ito maaaring ibenta ng walang pahintulot ng esposo. Walang bisa ang bentahan kapag ganun. Kapag nakapagbayad ka na, at naghabol yung asawa, baka mabawi ang unit, tapos di mo pa mabawi ang binayad mo, buyer ang kawawa. Alalahanin mo rin, kahit nakapangalan lang sa isa sa mag-asawa yung titulo ng unit, pag-aari na nilang dalawa yun, kaya maaari talagang maghabol yung asawa).

     

    Magtanong sa condominium corporation/administration kung may utang at iba pang outstanding accountabilities ang nagbebenta. Baka hindi yan nagbabayad ng dues at iba pang assessment sa condominium corporation, kapag nabili mo na, mas malamang sa hindi, ang kababagsakan ay - yung buyer ang sasagot.

     

    Real estate tax. Ang condo ay subject din sa real estate tax. Kailangan din tingnan kung fully paid o may arrears sa real estate taxes ang unit (dalawa ang real estate taxes na binabayaran, yung isa para sa common areas, ang sumisingil nito, yung condominium corporation, so kasama na ito sa outstanding accountabilities na maitatanong mo sa administration. Yuing pangalawa, yung para sa unit mismo, sa City Assessor/Treasurer mo ito maitatanong, or pwede ka humingi ng Real Estate Tax Clearance mula sa seller)

     

    Tingnan mo rin yung Condominium Certificate of Title (tingnan mo yung kopya sa REGISTER OF DEEDS, hindi yung kopya ng seller) kung meron o walang nakatatak na encumbrance sa likod ng titulo (minsan, nakasangla pala yung titulo, at nakatatak ito sa likod ng titulo, kapag ganun, kahit nabenta na sa iba yung unit, pwede pa ring maremata yung unit kapag di nakabayad yung nangutang; or minana pala yung unit, tapos may isang tagapagmana na hindi nabigyan ng parte, pag nakatatak ito sa titulo, maaaring maghabol yung tao). Dapat malinis yung copy ng Condominium Certificate of Title na nasa Register of Deeds, walang nakatatak na encumbrance o ano pa man.

     

    Marami ding restrictions at rules sa condominium, magtanong sa administration kung ano-ano ang mga ito.Baka bibili ka, pagkatapos may mga rules and regulations sa condo na hindi ka pala sang-ayon. Huli na kapag ganun.

     

    Dues! Pag bumili ka ng condo, may bayad buwan buwan para sa security, janitorial, maintenance, etc. Baka akala mo, pag nakabili ka ng condo, yun lang ang babayaran mo, kailangan kasama sa budget ang monthly dues (at malaki ring halaga ito).

     

    Parking! May ginagamit ka bang sasakyan? Sa condo, limited ang parking. Baka wala kang mapaparadahan. Baka kailangan bumili ka rin ng parking slot (at minsan, halos milyon din ang halaga ng parking slot sa condo)

     

    Number of people. Baka bumibili ka ng unit dahil sa amenities (gym, swimming pool, multi-purpose hall, etc.). As an example: Kung 20 floors ang condo, with 10 units per floor, mga 200 units yun. Assuming 4 persons per unit, 800 na tao yun. Dahil 365 days lang in a year, mas malamang sa hindi, araw-araw ay may 2 nagbi-birthday diyan. Pag lahat sila sa weekend ii-schedule ang party, MAG-AAGAWAN KAYO sa multi-purpose hall. Baka sobrang dami din ang gumagamit ng pool at gym etc. Kailangan mo ding tingnan ang aspetong ito.

     

    In ending, mahirap kumita ng pera, kaya kailangang pag-isipang mabuti ang pagkakagastusan nito, katulad ng pagbibili ng condo unit.

  3. For marriage inquiry po. I'm 2 d22 and planning na mag pakasal and according sa article na nabasa kailangan ko ng "parental advice" since below 25 ako. If mag pakasal kami through civil or through church without the "parental advice" valid ba yung marriage?

    Sa pangkalahatan, bago makapagpakasal ang isang tao, kailangan muna niya (at ng kanyang kapareha) na kumuha ng "marriage license" (katulad ng pagmamaneho, bago ka makapagmaneho ng legal, kailangan mo ng "driver's license"). Pag nagpakasal ka ng walang lisensya, mas malamang sa hindi, walang bisa ang kasal mo.

     

    Para sa mga edad 21 hanggang 25, isa sa mga rekisitos sa pagkuha ng marriage license ang parental advice.

     

    NGUNIT, SUBALIT, DATAPWA'T...

     

    Kung makakakuha ka ng paborableng advice (payag o walang pagtutol ang magulang mo sa iyong pagpapakasal), tatakbo agad ang proseso sa pag-issue sa iyo ng lisensya.

     

    Pero, kung tutol ang iyong magulang o wala kang maipakitang advice, MASUSUPENDE lamang ng 90 days ang pag-issue ng marriage license (para makapag-muni muni ka pa sa iyong Desisyon [ang pagpapakasal ay isang LIFE SENTENCE at may dahilan bakit tumututol ang magulang mo] kung ito ba ay tama o mali).

     

    Sa madaling salita, ang tanging epekto lang ng walang parental advice ay ang pagka-antala ng iyong lisensya. Mailalabas din ito, at kapag nailabas na at may lisensya na kayo ng kapareha mo, pwede na kayong magpakasal, kahit tutol pa ang iyong magulang (dahil ikaw ay 22 na at maaari nang tumayo sa sariling paa).

  4. Hello...new member here...just wanna know kung (1) nag-aaccept ba ang PAO ng legal separation or annulment cases for people like me na wala naman pera na magpa-legal separation or annulment??? (2) mas mabuti ba kung mag-legal separation muna or derechong annulment na??? (3) Sino po kaya ang mas papanigan ng court kung saan mapupunta ang anak A = sa father na walang work / source of income pero may naipon naman na konti para buhayin ang anak or B = sa mother na nangaliwa which questions the morals kung mapapalaki ang anak sa tamang landas???...sorry po at napadami ang tanong ko

    (1) nag-aaccept ba ang PAO ng legal separation or annulment cases for people like me na wala naman pera na magpa-legal separation or annulment?

     

    kung makakakuha ka ng certification sa barangay na indigent ka, wala kang property (baka kailangan ng certification mula sa Assessor na wala kang property; at mula sa BIR na ikaw ay hindi taxpayer), baka hawakan ng PAO ang case mo. Pero, kung ikaw ay kumikita (kahit maliit lang), hindi maaaring hawakan ng PAO ang kaso mo. Kapag ganun, maaari kang lumapit sa Legal Aid ng Integrated Bar of the Philippines o di-kaya sa legal aid ng isang law school (magtanong sa law school na malapit sa iyo, baka sakaling meron silang ganung programa).

     

     

    (2) mas mabuti ba kung mag-legal separation muna or derechong annulment na???

     

    ang "legal separation" ay para sa mga kasal na may bisa, pero ayaw nang makasama ang asawa (kaya nga, "separation", gusto mo hiwalay ka sa asawa mo).

    Ang "annulment" ay aksyon na isinasampa para ipawalang-bisa ang kasal mo dahil may depekto ito; samantalang ang "declaration of nullity" ay aksyon na isinasampa para ipahayag na walang-bisa ang kasal sa simula't sapul.

     

    Sa madaling salita, walang depekto ang kasal sa "legal separation" samantalang may depekto, o walang-bisa sa simula pa lang, ang kasal sa "annulment" o "declaration of nullity."

     

    Pag ikaw ay nagsampa ng "legal separation", ibig sabihin INAAMIN MO NA WALANG DEPEKTO ANG KASAL MO, kaya nga ang hinihingi mo sa hukuman ay payagan ka na humiwalay na lang sa asawa mo. Otherwise, kung me problema sa kasal mo, hindi ka hihingi na humiwalay lang sa asawa mo.

     

    In other words, WAG KANG MAG-FILE NG LEGAL SEPARATION kung may balak kang ipawalang-bisa ang kasal mo, dahil nga pag nagsampa ka nito, inamin mo na na walang depekto ang kasal mo, at sasabihin ng hukuman na hindi mo na pwedeng bawiin yung pag-amin mo na ito. In short, derechong annulment o declaration of nullity ka na.

     

     

    (3) Sino po kaya ang mas papanigan ng court kung saan mapupunta ang anak A = sa father na walang work / source of income pero may naipon naman na konti para buhayin ang anak or B = sa mother na nangaliwa which questions the morals kung mapapalaki ang anak sa tamang landas???

     

    Lahat ng issue ng kustodiya ng bata ay depende sa kung ano ang mas makakabuti sa bata. Pero, matinding pamantayan ang edad ng bata, at sinasabi nga na ang batang mas mababa sa pitong taong gulang ay dapat mapunta sa nanay.

     

    Kailangan ding malaman kung sila ay kasal o hindi (kung hindi sila kasal, illegitimate ang bata, at sabi ng batas, ang illegitimate [kahit ano pa ang edad nito] AY SA NANAY MAPUPUNTA)

     

    Kung sila ay kasal, ilang taon na ba ang bata? Kapag ito ay mas mababa sa pitong taon, mas malamang sa hindi, sa nanay ito mapupunta (mas lalo kung sanggol pa ito, at hindi pa naman ito nakakaintindi sa mga bagay-bagay ukol sa moralidad. sabi nga, kahit isa pang prosti ang nanay, kung sanggol pa ang bata, sa nanay ito dapat ibigay).

     

    Hindi batayan na may pera ang tatay at yung nanay wala; dahil uutusan lang ng hukuman ang tatay na magbigay ng sustento para sa bata.

     

    kapag pito pataas, ang importante naman, kung sino ang gusto ng bata, pero subject pa rin sa konsiderasyon na "ano ba ang mas makakabuti sa bata?"

  5.  

    Just want to ask , We bought a property a fews years back , the title was clean; no encumbrances, no pending case or dispute.
    But now, some squatter who was living in a different property , located at the back of ours claimed that it is his. and started barricading it and then chained the gate to our property.
    We have complete documents and title
    all he has is a mother title.
    what case can I file against them? criminal trespassing?
    I know land cases in the philippines, takes forever to get solved.

    Or can we just send a gang and rough them up

     

    Other forms of tresspass (see Art. 281, Revised Penal Code), kaya lang, kailangan may "manifest prohibition" sa pagpasok.

     

    If you can prove he is a "professional squatter" (he has sufficient income for legitimate housing), applicable ang Section 27 ng Republic Act 7279.

     

    Kaya lang, ano ang nakalagay sa "mother title"? at ano ang ibinabandera niyang karapatan mula sa "mother title" para pumwesto sa lupa ninyo? Dahil kung may hinuhugot siyangf "karapatan" mula sa mother title, baka hindi pupwede ang criminal case. Baka ejectment ang hakbang na kakailanganin ninyong gawin (sibil lang ito).

  6. Question: Can former filipino own a condo in the Philippines?

    It depends on the set-up of the condo.

     

    If the condo is run by an association of condo owners, a foreigner cannot own a unit in the condo (as the entire building AND THE LAND ON WHICH THE BUILDING STANDS, is owned by the association; and foreigners ARE NOT ALLOWED TO OWN LAND IN THE PHILIPPINES) .

     

    If the condo is run by a condominium corporation (with unit owners having shares in the condominium corporation), up to 40% of the shares (and corresponding units) can be owned by foreigners (as the corporation, being 60% owned by Filipinos, remains a Filipino, ALLOWED TO OWN LAND IN THE PHILS.).

     

    AND THAT IS THE REASON ALMOST ALL CONDOS IN THE PHILS. ARE PRESENTLY RUN BY CONDOMINIUM CORPORATIONS (mawawalan ng significant source of buyers ang isang developer kung ang set-up niya ay condominium owner's association). You can most probably check the set-up with the condo administration.

     

    In ending, kung condo owner's association, hindi siya pwedeng maging may-ari ng condo unit; pero kung condominium corporation, pwede siya, so long as hindi lalampas 40% ng shares ng condominium corporation ay sa foreigner.

  7.  

    Yes, the kids have legal rights over the property since they are compulsory heirs, as well as their dad.

     

     

    Now, on the basis of your narration, it would be safe to assume that the deceased (wife) left no last will and testament, which makes succession intestate. Because of this, the kids are entitled to 50% of the total value of the hereditary estate (total value of all the properties -- real and personal -- of the deceased) and the surviving husband shall be entitled to a portion which is equal to a share of one legitimate child.

     

    But since the matter of concern is the house and lot left by the deceased, it would be necessary for them to execute an Extrajudicial Settlement to partition the estate of the deceased and for them to be able to transfer the house and lot in the name of the kids -- should the dad agree. Payment of taxes will come next.

     

    In the event the dad insists on pawning or selling the house and lot, they should still execute the said settlement for purposes of transferring the title to the buyer (or to the dad in case the property is to be pawned). Thereafter, the children and the dad should be entitled to their share of the proceeds ("napagbentahan / napagsanglaan"). Hindi ko na ididiscuss yung sharing, but to illustrate:

     

    Proceeds: PhP1,000,000.00

     

    The partition would be in the following order:

     

    Children = PhP500,000.00

     

    > Child 1 = PhP250,000.00;

    > Child 2 = PhP250,000.00

     

    *Free Portion = PhP500,000.00 (eto yung pambayad sa mga naiwang utang, kung meron)

     

    Assuming walang naiwang utang, then:

     

    Dad = PhP250,000.00

     

    Remaining Free Portion: PhP250,000.00 (eto na ngayon yung pwede pa nilang paghati-hatiang mag-aama or pwedeng ipamahagi sa mga kaibigan, kamag-anak o i-donate sa mga charities)

     

    Please do note however that the foregoing illustration will only apply if the deceased is survived by two (2) legitimate children together with the surviving spouse. Mag-iiba na kasi ang sharing ng surviving spouse kung isa lang yung naiwang legitimate child. Nevertheless, the surviving legitimate children shall always be entitled to half (50%) of the hereditary estate of the deceased while illegitimate children shall be entitled to 1/2 of a legitimate child's share.

     

    Sana nakatulong ito.

    Also keep in mind Art. 103/130 of the Family Code, no settlement of the estate of the deceased, the surviving spouse cannot dispose/encumber the property. Any such disposition/encumbrance would be void.

  8. I am an employer, i just fired an employee for AWOL. He still owe us a loan of 40k and he has a promissory note with us using his motorbike as collateral.

     

    What is the process for the confiscation of that bike?

    Our HR has send him a demand letter which he just read & didnt receive nor sign the letter

    after the period stated in the demand letter expires, you can now file a complaint for collection of sum of money with the small claims court.

  9. question po.may tita ako nasa states lahat don lahat nakatira kahit mga kapatid nya gusto nya ibenta ung lupa nila dito sa pilipinas ako po ang gagawin nyang pipirma sa deed of sale at gagawa ng spa.pano po gagawin nya sa consul kailangan po ba na may pirma ang consul sa spa.thanks

    Hindi na kailangang pumunta sa Phil. Consul para sa mga dokumentong legal galing abroad.

     

    Para sa SPA mo (siyempre, pirmado ng lahat ng may-ari ng lupang ibebenta), ito ay ipapanotaryo lang nila sa kanilang lugar (maghanap sila ng notaryo), at pagkatapos nilalagyan na lang ng Apostille (may international Convention na sinang-ayunan ng Pilipinas para mapadali ang proseso sa pagpapatunay ng mga dokumentong galing abroad).

     

    Para madali, sabihan mo ang tiyahin mo na hanapin nila sa Google ang pinakamalapit na nag-Aapostille sa lugar nila. Ito usually ay ang Secretary of State sa lugar nila. Meron din naman mga naglalakad, for a fee, ng Apostille. Nakikita rin ito sa Google. Siyempre, pinakamura ang sila mismo maglalakad sa opisina ng Secretary of State sa lugar nila (nasa Google rin ang opisina, mga branch, magkano babayaran, at oras, ng Secretary of State

     

    Pag may Apostille na, ipadala na dito yung dokumento (FedEx o anuman)

     

    Note: May mangilan-ngilan na bansa, tulad ng Canada, na hindi kasali sa Convention. Pag di kasali, kailangan pa rin dumaan sa Phil. Consul at magpalagay ng red ribbon at gintong selyo sa dokumento

  10. Dahil filing na ng annual income taxes, what is the difference between BIR Form 1701, 1701A, at 1701v2018?

    Dahil sa TRAIN law, ang gagamitin mo sa eBIR forms ay yung 1701v2018, at ito ang latest na Annual Income Tax Return form.

  11. hello good day,magtatanong lang po.kasal kami ng wife ko pero may anak sa una nakapangalan sa tatay pero hindi cla kasal.pwede po bang ipangalan sa akin or sa wife ko ung surname nya nung dalaga po sya.ung bata po is 6yrs old na po.ung tatay pala ng bata iresponsable inako ko na po ung responsibilidad.salamat sa sagot.

    Ang official na pangalan ng isang tao ay ang pangalan na nakasulat sa kanyang Certificate of Live Birth. Dahil ito ang official, ito ang kailangang sundin.

     

    At dahil nakapangalan nga sa apelyido ng tatay, ito ang dapat masunod.

     

    Ngunit, dahil hindi naman sila kasal, ang bata ay illegitimate at nasa ilalim ng autoridad at kustodiya ng nanay. Ngayon, ang illegitimate child ay dapat gumamit ng apelyido ng nanay. Pero, dahil naipangalan na sa tatay, ito pa rin ang official na pangalan ng bata. Para mailipat sa apelyido ng nanay, kailangang maghain ng kaso sa hukuman para dito. Ang problema mo, ang prinsipyo na kalimitang sinusunod ng korte ay "kung sino ang gumagamit ng apelyido, siya dapat ang magpapasya kung gusto niya o ayaw sa apelyido niya." At dahil ang bata ang gumagamit, siya dapat ang magdedesisyon, KAPAG NASA EDAD NA SIYA. Sa madaling salita, hindi yung nanay ang pwedeng magpasya at maghain ng kaso, KUNDI YUNG BATA.

     

    Ngayon, pwede rin na i-adopt ninyo yung bata, at kapag ito ay naaprubahan, ang gagamiting apelyido nung bata ay ang apelyido ng nag-adopt sa kanya.

     

    Kaya lang, ito ay ay dadaan din sa hukuman (at baka kailanganin ang consent ng tunay na ama para dito).

     

    Sa madaling salita, pwedeng mapalitan ang apelyido ng bata, pero gagastos kayo at ito ay dadaan sa hukuman.

  12. Good day. Any lawyer that focuses in adoption. May mga inquiries lang po about sa process ng legal adoption. Thank you

    magtanong ka na lang.para masagutan kung kaya.

  13. Atty I just want to know your opinion on this.Meron kasing gm dito na gumagamit ng ibat ibang pictures ng mga babae sa profile pic nya and some of them nakahubad pa. And these are not celebrity pics atty but private individuals.Kung wala pong consent yung mga babaeng nasa profile pic nya na gamitin yung pictures nila as profile pic nitong gm and I doubt that there is, papasok po ba yan sa anti cyber crime law? VAWC? Any other applicable laws?

    I hope to hear from u soon atty.Thanks in advance.Have a good day.

    It could fall under RA 9995 (the Anti-Photo and Voyeurism Act of 2009).

    I say "it could" because RA 9995 prohibits the following:

    (a) To take photo or video coverage of a person or group of persons performing sexual act or any similar activity or to capture an image of the private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, public area, buttocks or female breast without the consent of the person/s involved and under circumstances in which the person/s has/have a reasonable expectation of privacy;

     

    (b ) To copy or reproduce, or to cause to be copied or reproduced, such photo or video or recording of sexual act or any similar activity with or without consideration;

     

    (c ) To sell or distribute, or cause to be sold or distributed, such photo or video or recording of sexual act, whether it be the original copy or reproduction thereof; or

    (d) To publish or broadcast, or cause to be published or broadcast, whether in print or broadcast media, or show or exhibit the photo or video coverage or recordings of such sexual act or any similar activity through VCD/DVD, internet, cellular phones and other similar means or device.

     

    Kung babasahin natin ang letter (a) ng Section 4 ng RA 9995 hiwalay yung "performing sexual act or any similar activity" sa "to capture an image of the private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, public area, buttocks or female breast". Lumalabas na dalawang magkaibang gawain ang pinaparusahan sa letter (a), at ito ay dahil sa salitang "or" na naghihiwalay sa dalawang parirala na iyon.

     

    ANG PROBLEMA...

     

    pagdating sa letter (b ) at (d), ang pinaparusahan na lang ay yung gawain kaugnay sa "performing sexual act or any similar activity". Mas malala, sa letter ©, naging "sexual act" na lang, pati yung similar activity NAWALA.

     

    Ngayon, ang binabanggit mo na di-umano'y kriminal na gawain ay ang paggamit lang ng larawan ng hubad na babae, na PARANG saklaw sa letter (d) ng RA 9995. Kaya lang, hindi ito nasa akto ng pagtatalik o kahalintulad na gawain, na klarong pinaparusahan sa letter (d).

     

    Ngayon, kapag may doubt sa application ng batas, ang doubt ay dapat kumiling sa akusado. Kaya, dahil may pagdududa kung saklaw nga ang pag-publish ng "image of the private area of a person/s" sa pinaparusahan ng batas, dapat HINDI ito saklaw.

     

    Ngunit, subalit, datapwa't...

     

    ang talagang makakapagsabi lamang kung saklaw nga ang publication ng "image of the private area of a person/s" sa letter (b ). (c ), at (d) ng Section 4, RA 9995 ay ang Korte Suprema. Bago pa ang RA 9995 at di pa umaabot ang issue na ito sa pinakamataas na hukuman. Sa palagay ko, sa lebel ng piskalya o sa RTC, baka umasenso ang kaso. Kaya, ang sabi ko "it could".

  14. yung wife ko, gusto makipag hiwalay sakin. sinabi ko nang mag file siya ng annulment, di naman niya ginagawa. ayaw ko na ako dahil hindi ko gagastusan kasi siya may gusto. ano puwedeng magawa na maghiwalay kami ng legal?

    mag file ng annulment o declaration of nullity o legal separation.

     

  15. sir roco, question, if an evidence was presented as an annex lang sa arguments or pleadings sa MTCC. and was not presented as an exhibit sa MTCC and RTC. when appealed to Court of Appeals next. can the party mention or use that evidence since it is part of the records even if not marked as an exhibit? sorry vague ung mga answers ng atty ko.

    Technically, not having been formally offered before the lower courts, the same should not be considered. Kaya lang...

     

    dahil part siya ng records, nakikita siya ng nagbabasa ng pleadings on appeal. Kung favorable sa akin yung evidence, babanggitin at babanggitin ko siya sa pleadings ko before the appellate court. Siyempre, pag ganun ang ginawa mo, dapat i-point out nung kabila na hindi nga siya kasama sa Formal Offer, and should not be considered in the other party's favor.

     

    but ultimately, nasa discretion ng court yan kung icoconsider niya (sinasabi kasi minsan ng court na it can suspend the rules in the apllication of justice, haaaaay!). tapos, minsan, di rin naman marunong sa trial yung reviewer ng Justice sa appellate court kaya mali-mali din ang draft decision.

  16. You file a petition in Court for amendment of the certificate of title (Sec. 108, PD1529).

     

    Whether single owner or co-owner ang papalitan, petition sa korte pa rin.

     

    Ang gastos, depende sa singil ng abugado

     

    hello po what is the process to change maiden name of title holder to married name? may difference ba if co-owner ung papalitan ng name and mga how much? kelangan pa ba dumaan sa court?

  17. sir roco,

    here are the details

    sale year 2000 date sa deed of sale registered 2007

    third party are the possessor or illegal settlers.

    titled lot

    may right ba ungkatin ni illegal settlers ung mga details ng deedof sale? like kung legal ung transaction etc thnx

    Technically, no. Not being parties to the contract, they cannot question the same, more so that they have no right to the property.

     

    However, if the buyer files ejectment cases against the occupants, the occupants will probably question his right to do so by attacking the Deed of Sale in the buyer's favor. But again, not being parties to the contract, their arguments would probably be disregarded by the Court.

     

    notably, late registration of a Deed of Sale does not affect its validity, but will affect the tax liabilities due on the sale of the property.

  18. Greetings to all and Many thanks in advance.

     

    May farm kasi na pinamana ng mga lolo sa 16 na magpipinsan. Na hati na yung 16 and may individual title na yun lahat.

     

    Ngayon yung isa dun sa 16 na magpipinsan, nag rush sale nung lot niya.

     

    Lot appraisal 5m (low) - 7m (high)

     

    binenta nung isang pinsan yung sa kanya ng 3.5m without the knowledge of all other cousins.

     

    1. Will this affect yung pricing nung lots nung 15 other cousins?

    2. If yes it will affect, is there any action we can take against the cousin that brought down our property's value?

     

    thanks

    1. Will this affect yung pricing nung lots nung 15 other cousins? No. The other 15 cousins can price their own property any value they want. It's their property, in the same manner that your cousin can sell his property for whatever price he wants. IT IS HIS PROPERTY.

     

    Will this affect the market value of the properties? It might, as buyers may now claim that the market value of the property is actually around 3.5M, not 5M to 7M as claimed by the appraiser. Unfortunately, however, this is laws of economics, not laws of the Republic.

     

    2. If yes it will affect, is there any action we can take against the cousin that brought down our property's value?

     

    Yes, you can ostracize him, not invite him to parties and family get-togethers.

     

    Legally, Wala. It is his property, HE CAN SELL IT FOR WHATEVER PRICE HE WANTS. HE COULD EVEN HAVE GIVEN IT AWAY FOR FREE, and you guys would have no right to object (his children possibly could, but only after his death, on the ground that it affects their inheritance. But that is a different story).

  19. Question again.

    If a property was sold and registered or transferred only after 7 years.

    Will other parties excluded in the sale be able to contest to the sale or question the validity of the sale after 10years?

    10 years counting from what? the sale? the registration of the sale? at sino ang seller? bakit may excluded? sino sila? ano ang karapatan nila sa property? ano ang property? titulado ba o hindi? DAMING KATANUNGAN KASI KULANG DETAILS NG KWENTO.

  20. there is a property being offered to us. the tct is under the name of a corporation and the taxdec is also under the name of the corporation. the corporation has already been dissolved or abandoned. the occupant has an existing deed of absolute sale from the corporation but the notarized deed of sale has been consumated more than 20yrs ago. the owners copy of the title was lost and the rd copy of the title was burned during the fire of qc rd. the property has a levy from the govt of 10m. how do you buy this if you are interested?

    walang problema kung yung notarized Deed of Absolute Sale ay more than 20 years ago, may bisa pa rin naman ito.

     

    ANG PROBLEMA MO YUNG NAWAWALANG TITULO, both from the seller's side at yung sa Register of Deeds na side.

     

    First, paano mo maililipat sa pangalan ng buyer yung titulo kung wala yung owner's copy at RD copy.

     

    Kailangan ma-reconstitute muna yung nasunog na titulo. Ito ay sa pamamagitan ng pagsampa ng petisyon sa RD para maglabas ito ng bagong titulo (kapalit sa nasunog). Ang problema, ang kailangang ebidensya para dito ay ang kopya ng titulo na nasa may-ari (na sabi mo ay NAWAWALA RIN!)/ Kung may utang sa bangko, pwede ang kopya na huwak nung piankakautangan (pero malabo din ito dahil lampas 20 taon na yung Deed of Sale, baka walang utang yan).

     

    Tapos, kung ma-reconstitute mo yung title (sa pamamagitan ng HIMALA), magsasampa ka naman ng petisyon sa korte para ma-isyuhan ng bagong Owner's Duplicate Copy (kapalit sa kopya nung may-ari na nawawala) PERO ANG DAPAT MAGSASAMPA NITO AY ANG REHISTRADONG MAY-ARI (na ayun sa kwento mo ay isang kumpanyang dissolved na). Sino ngayon ang magsasampa?

     

    Kung, sa pamamagitan ng isa pang HIMALA, ay nakakuha ka ng bagong duplicate owner's copy, problema mo naman yung sinasabi mong levy of 10M. Ano ang levy na ito, at bakit nagka-levy yung lupa? Baka sa katapusan, ang may-ari na pala nung lupa ay ang gobyerno at useless ang pagbili mo nito [nangyari sa kalaban ko he he he nakipagcompromise sa amin, binayaran kami, tapos nalaman-laman namin, nailit na pala yung lupa ng Province dahil sa hindi pagbabayad ng amillar, tawa lang namin]

     

    SA HULI, ang advise ko , MAHIRAP PUMASOK SA GANYANG USAPIN!

  21. Atty. mag babago po ang presyuhan ng annulment if mapasa ang divorce? or mas mahal din ang divorce since maraming mag avail?

    hangga't di lumalabas ang batas, di natin masasabi. Una, di pa natin alam ang rules governing the same, pangalawa, kanya-kanya din kasi ang pricing ng lawyers, ika nga:YMMV

×
×
  • Create New...