Jump to content

rocco69

[09] REVERED
  • Posts

    926
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    1

Posts posted by rocco69

  1. question po,

    who has the better right to possess a lot?

    owner of lot who has a title that bought the lot with illegal settlers (claiming they are legal tenants) on it.

    bale owners do not have prior possession. since they bought the lot knowing may issue.

    or

    illegal settlers who has tax declarations only for their improvements issued by assessors thru tax mapping and not thru proper filing of the building requirements

    and had stayed there for more than 10 years?

    but has not paid any improvement taxes since the tax declarations had been issued.

    Yung may titulo. Kahit alam nilang may illegal settlers yung lupa nung binili nila, dahil illegal settler nga, walang karapatan itong mga settler na ito.

    Sa ilalim ng Torrens system ng pagpapatitulo ng lupa, hangga't may Torrens title yung lupa, hindi ito magiging pag-aari ng iba sa pamamagitan lang ng matagal na pagtira sa lupa. Kahit isandaang taon na sila run, hangga't may Torrens title yung lupa, mas may karapatan yuug taong nakarehistro sa titulo bilang may-ari nito

  2. Hello Sir Rocco69, I need a legal advice regarding my situation in my company. I'm working as a sales account manager and each project that enters my account I'm entitled to receive a sales incentive. Now here's the problem, I've got a project opportunity that cost hundreds of million of pesos and I'm expecting a huge commission from it. But the management decided to give me only a specific amount of commission rather than following their company sales incentive schemes. Their reason is the company didn't earn well this year. So I'm planning to complaint them in NLRC and I want to know what's my chance winning the case. I have all the evidence and documents including the Sales Incentive Scheme from the HR that will prove that I'm the sales person of that project.

     

    Thanks.

    When does a sales person become entitled to the commission? (ex. upon award, upon contract signing, upon payment of services, etc.)

     

    So long as that event has already happened, you would be entitled to a commission.

     

    also, how is the incentive scheme worded? Are there qualifications? Can it be changed by the company?

     

    If not, then you would be entitled.

     

    Just make sure all these have already happened.

     

    Also, be aware that going to the NLRC will damage your relations with the company. After you file a complaint, expect the company to to look for opportunities to terminate your employment.

     

    Also, are you an employee or part of management? This could impact on whether you can go to the NLRC or not.

  3. Good day po sir/maam, may legal query lang po ako regarding po sa isang distant relative ko po... Ang distant relative ko po ay isang professional na napili as member ng PLEB o People's Legal Enforcement Board, tanong lang po, kung napili po siya as member ng PLEB need pa po ba siya ng authority to engage in a private practice po?

    Mukhang hindi. Ayon sa Sec. 43© ng RA8551, ang membership sa PLEB ay isang "civic duty". Wala din itong sweldo, per diem at insurance coverage lang. Lumalabas na ito ay bahagi lamang ng responsibilidad ng isang mabuting mamamayan, at hindi ka nagiging bahagi ng Civil Service kung mapili ka na maging miyembro dito.

     

    Dahil di ka naman bahagi ng Civil Service, maaari ka pa ring mag-engage sa private practice (wag lang sa mga bagay na may conflict of interest sa PLEB).

  4.  

    ang tanong, 1) pareho din lang ba ang oras mo? Halos parehas lang ng oras pero mas humaba dahil sa extra responsibilities

    2) pareho ba ang sweldo ng dalawang posisyon na yan, o magkaiba? tatlong doble ng sahod ko ang kaibahan nung extra position na pinapagawa saken

    3) ano ba ang posisyon mo? at ano yung isang pinapagawa din sa iyo? Guest Account Purser ako yung pinapagawa saken Financial Controller bale amo ko ang posisyon na yan kaso inalis na nang kompanya

     

    Ah, pandaraya yan. basically hiring someone at a low rate, then making them work, for the same pay, on a job that should be paid more.

     

    kailangan mo ng ebidensya na yan ang ginagawa sa iyo. Gumawa ka ng memo protesting that they are making you do a job that you were not hired for, ipa-receive mo sa kanila. Get other evidences also that they are making you work as Financial Controller, also evidence of the salary of a Financial Controller.

     

    ito ay paglabag ng POEA rules (making the OFW perform work different from that in the contract, as well as changing the terms of the contract). pwede mo ito ireklamo sa POEA pag-uwi mo.

  5. Sir @rocco69

     

    Nasa barko po ako ngayon at pwersahan po akong pinagtatrabaho nang dalawang position pero ang kontratang pinirmahan ko po ay para sa isang position lamang. Para po akong hostage dito dahil galing po ako saten bakasyon at pinasampa po ako sa barko sabay sabing gagawin mo tong trabaho nato at wala kang choice kundi mag quit o ituloy mo, pasalamat kana lang may trabaho ka.

     

    Saan po ba ako pwedeng mag reklamo habang nasa barko ako at anong reklamo ang pwede kong ilaban sa kanila? Sumulat din po ako sa Norwegian Seafarers Union wala pa lang silang sagot baka sakaling matulungan nyo po ako Sir at mabigyan ng linaw sa aking mga gagawin.

     

    Salamat po

    ang tanong, 1) pareho din lang ba ang oras mo?

    2) pareho ba ang sweldo ng dalawang posisyon na yan, o magkaiba?

    3) ano ba ang posisyon mo? at ano yung isang pinapagawa din sa iyo?

  6. Good day po, Sir. I understand that it's a common practice for an employer to require employees/applicants to submit an NBI clearance but is it common or proper for an employer to ask for one every year? Thanks in advance!

    it's not common. but it's proper. It is well within management prerogative to learn whether employees are conducting themselves properly.

  7. Hello po mga boss, anyone here is familiar with the law regarding "Pamana" and also "utang" of a person who suddenly died due to vehicular accident. Need some advice and consultation whats the right thing to do. Thanks in advance!

    Ang utang ay hindi namamana (see Article 776, 777, Civil Code at Genato versus Bayhon, 596 SCRA 713).

     

    Ang utang nung namatay ay dapat singilin ng nagpautang sa ari-ariang naiwan nung namatay, hindi sa mga tagapagmana nito.

     

    Kaya't kung walang lupa na naka-rehistro sa pangalan ng namatay, o di-kaya'y sasakyan na nakarehistro sa pangalan nito, o shares of stock na nakapangalan dito, uuwi ng luhaan ang nagpautang (ano ang hahabulin niyang ari-arian? wala naman siyang ebidensya na ang alahas o appliances na naiwan nung namatay ay pag-aari nito, siyempre hindi rin ito aaminin nung mga tagapgmana).

     

    Kapag may lupa, o sasakyan, yun ang maaaring habulin ng nagpautang (kung alam ng nagpautang, bakit rin ito ipapaalam ng mga tagapagmana, maghirap ang nagpautang na maghanap, tapos kailangan din niyang magsampa ng kaso sa korte para maghabol sa kanyang pautang).

     

    malas lang ng mga tagapagmana kung ang lupa o kotse ay naka-mortgage, dahil maaari na itong habulin ng nagpautang sa pamamagitan ng pag-ilit nung lupa/sasakyan

  8. Kung gusto mong magibg kontrobersyal, sabihin mo - 12 years old a

    good sirs, eto tanong lang. ano po ba ang legal age of consent sa pinas?

    Kung gusto mong maging kontrobersyal, sabihin mo - 12 YEARS OLD ANG AGE OF CONSENT SA PILIPINAS!

     

    Ito rin ang makikita mo kapag iyo itong hinanap sa Google.

     

    NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT...

     

    Ito ay isang simplistikong pag-aaral ng batas, base lamang sa pagbabasa ng Republic Act 8353 (na di na isinalang-alang at inalala ang iba pang batas na may kaugnayan dito!).

     

    Ayon sa RA 8353:

     

    Article 266-A. Rape: When And How Committed. - Rape is committed:

    "1) By a man who shall have carnal knowledge of a woman under any of the following circumstances:

    "a) Through force, threat, or intimidation;

    "b) When the offended party is deprived of reason or otherwise unconscious;

    "c) By means of fraudulent machination or grave abuse of authority; and

    "d) When the offended party is under twelve (12) years of age or is demented, even though none of the circumstances mentioned above be present.

     

    Dahil sinasabi sa RA 8353 na kapag ang offended party ay below 12 yrs, rape na, kahit wala yung ibang bagay bagay na kailangan para sa rape, IBIG DAW SABIHIN, 12 nga ang edad para legal nang makipagsiping ang isang babae sa lalaki.

     

    Ating alalahanin na ang edad ng hustong gulang sa Pilipinas ay 18 (RA 6809). Dahil dito, ipinapalagay ng batas na walang kapangyarihan magdesisyon para sa sarili niya ang menor-de-edad.

     

    Ayon din sa RA 7610:

     

    Section 5. Child Prostitution and Other Sexual Abuse.Children, whether male or female, who for money, profit, or any other consideration or due to the coercion or influence of any adult, syndicate or group, indulge in sexual intercourse or lascivious conduct, are deemed to be children exploited in prostitution and other sexual abuse.

    The penalty of reclusion temporal in its medium period to reclusion perpetua shall be imposed xxx xxx xxx

     

    Sa madaling salita, ang batang nakipagtalik dahil sa impluwensya ng isang nasa hustong gulang ay ipinapalagay na "child exploited in other sexual abuse," at maaaring masentesyahan ang nasa hustong gulang ng reclusion temporal medium hanggang reclusion perpetua (14 years, 8 months and 1 day to 30 years).

     

     

    Hiwalay pa dito ang Article 337 at 338 ng Revised Penal Code:

     

     

    Art. 337. Qualified seduction. — The seduction of a virgin over twelve years and under eighteen years of age, committed by any person in public authority, priest, home-servant, domestic, guardian, teacher, or any person who, in any capacity, shall be entrusted with the education or custody of the woman seduced, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods.

    The penalty next higher in degree shall be imposed upon any person who shall seduce his sister or descendant, whether or not she be a virgin or over eighteen years of age.chanrobles virtual law library

    Under the provisions of this Chapter, seduction is committed when the offender has carnal knowledge of any of the persons and under the circumstances described herein.chanrobles virtual law library

    (Ang ibig sabihin ng salitang "virgin" sa Art. 337 ay babaeng maganda/malinis ang reputasyon, hindi na ito ay literal na "birhen")

    Art. 338. Simple seduction. — The seduction of a woman who is single or a widow of good reputation, over twelve but under eighteen years of age, committed by means of deceit, shall be punished by arresto mayor.chanrobles vi

    Makikita mula sa Art. 337 at 338 na krimen pa rin ang pakikipagtalik sa babeng nasa edad 12 hanggang bago mag-18.

    Alalahanin din na rape ang pag-aabuso ng kapangyarihan para makatalik ang isang babae (see Art. 266-A[c])

    Maari mong gawing depensa na PUMAYAG AT WALANG PAMIMILIT ANG PAKIKIPAGTALIK MO SA BABAENG EDAD 12 - BELOW 18.

    Pero, dahil wala pa nga itong kapasidad na magpasya para sa sarili (wala pa siya sa hustong gulang), pag gusto ng magulang magkaso ng rape, YARI KA!!! Dahil walang bisa ang pagpayag nung babae (wala nga siyang kapasidad na magpasya pa). Palalabasin ng magulang na ang pakikipagtalik ay dahil sa impluwensya nung nasa edad, at presto... ito ay child exploited under other forms of sexual abuse na. YARI!!!

     

     

    Kung kaya't masasabi natin na HINDI 12 ANG LEGAL AGE OF CONSENT SA PILIPINAS. ITO AY 18!!!

    rtual law libry

    • Like (+1) 1
  9. How to apply for it?

    wait until your developer demands that you pay the missed payments , then inform them you are no longer interested in buying, and demand the refundable amount; OR

    inform them you are no longer interested in buying, and demand the refundable amount;

  10. Good day po Sir. If a lease contract is about to expire and the lessee said that he vacated the unit already with his things but the security of the building said that there are still some belongings left. What if, the lessee didn't remove all of his belongings at the end of the contract even after reminding him a day or two before the contract ends to remove all his belongings. Can we remove the belongings ourselves and just leave it at security for him to pick up at a later time? Is that legal? What's the best way to deal with this? It would be a hassle to clean the unit if the belongings are still there and more so if someone wants to occupy the unit already.

    call up/inform the lessee that there are still belongings there and then give him a reasonable period w/in which to remove, and that failure to do so within the period given will result in all property left being deposited with the security for him to pick up.

     

    Have someone from the barangay (if possible) witness the removal of the things (make an inventory of the things removed, to be signed by you an the witness)

  11. GF ko now dating kasal sa American citizen.

     

    tapos na divorce nila complete with original court docs.

     

    How can she remarry here in the PH? eh nag reflect sa atin na married siya.

     

    Article 26a ba yung reference ng ganitong case?

     

    And if ever ano need ko gawin andhow much should i prep?

    Kinikilala ng ating batas ang divorce ng isang Plipino mula sa asawang foreigner (ang hindi kinikilala ay divorce sa pagitan ng dalawang Pilipino).

     

    Kaya may bisa ang divorce na nakuha ng GF mo.

     

    Kaya lang, ang divorce ay desisyon ng korte ng ibang bansa. Ang desisyon ng korte ng ibang bansa ay hindi agad-agad nagkakabisa dito sa Pilipinas. Kailangang magsampa ng kaso para kilalanin ang desisyon dito sa atin (tawag dito ay "Petition for Recognition of a Foreign Judgment of Divorce).

     

    Kailangan ng certified true copy ng divorce (ang magsesertipika dito ay ang Secretary of State ng State sa America kung saan iginawad ang divorce, pagkatapos ito ay ipapa-authenticate din sa ating Consulate)

     

    Kailangan din ng certified copy ng batas ukol sa divorce ng State kung saan nakuha ang divorce [kailangan kasing patunayan na ang batas nila tungkol sa divorce ay nagbibigay-karapatan dun sa foreigner na makapagpakasal ulit] (ang magsesertipika dito ay ang Secretary of State ng State sa America kung saan iginawad ang divorce, pagkatapos ito ay ipapa-authenticate din sa ating Consulate).

     

    Pag naglabas na ng desisyon yung korte na kinikilala na yung divorce, ipaparehistro na ito at yung divorce sa civil registrar, para pwede na siyang magpakasal pagkatapos.

     

    May gagastusin ka rin dito, at sa pagkuha pa lang ng papeles sa America ay malaking gastos at abala na. Eh, para sa abugado pa.

  12. Good day!

    I opted to exercise my right under the Maceda Law and currently waiting for the release of the check refund. I made a follow up and I was surprised that the developer required me to settle the following as a requirement in order for them to process the check. HOA, RPT, BLDG INSURANCE. Definitely I will not be able comply with the payment since I am not capable due to financial constraints and health conditions which is the main reason of availing the Maceda Law refund so I can start again on my feet. Hoping for your enlightenment so I can revert back to the developer. Thanks and God Bless!

    The additional requirements of the developer are not provided for by law, hence may be invalid. I suggest you call HLURB and inquire there as to what is the policy or view of HLURB regarding these additional requirements.

  13. Hi all, if your naturalization paper "order" states that you were a Filipino by birth thus a cancellation of ACR is hereby granted, can you legally says in all government applications (passport, license, etc..) that you are a FILIPINO by birth and not Naturalized?

     

     

    Thank you sir rocco69, another question, is there a way to change my birth certificate to read that my mother citizenship is Filipino instead of other nationality? ( it was a mistake to put her as a Chinese).

    Is your mother a Filipino citizen? Does her birth certificate state that she is a Filipino?

     

    If your answer to both questions is Yes, then, indeed, there was a mistake in your birth certificate.

     

    You can file an action for Correction of Entry in the Civil Registry under Rule 108 of the Rules of Court BUT YOU HAVE TO ENSURE THAT THE PROCEEDINGS ARE ADVERSARIAL. That means that you have to include as respondents in the case your mother herself, your father, ALL your siblings, as well as the CIVIL REGISTRAR (of the place where your birth certificate is registered), THE SOLICITOR GENERAL, AND THE PROVINCIAL/CITY PROSECUTOR (of the place where your birth certificate is registered).

     

    If your mother is not actually a Filipino, you cannot correct your birth certificate. There is no mistake to correct.

    • Like (+1) 1
  14. Hi Sir. I have some questions. My grandfather transferred the name of some of his properties to his eldest son's (my uncle) name because he is the only one who is a Filipino citizen at that time among his siblings. After my grandfather passed away, the eldest son refused to share the properties to his less fortunate siblings (aunts and uncles) because he said it is in his name so he is the rightful owner. After the eldest son died, his children (my cousins) also refused to share the property saying that since it is in their father's name it belongs to them. Is there still a chance for the other siblings to get their share even if the property is in their eldest brother's name or is it impossible already? If there's still hope, what can they do?

    if more than ten years has elapsed since the eldest son died, the action would clearly have already prescribed. Di na pwede habulin, pag ganun.

  15. Great advice! Thank you.

     

    I am planning to sell a small condo I have and then buy a piece of land.

    My condo is probably about P10M, but the land I'm buying is only P8M, but I plan to build a house on the land.

    How is the capital gains going to be calculated on this scenario?

     

     

    capital gains tax is paid by the seller. the amount of tax is 6% of the selling price, or market value, or zonal valuation, whichever is higher.

  16. ano po kaya ang maipapayo ninyo sa akin...?

     

    kailangan mo rin ipa-annul yang unang kasal mo. mas malamang sa hindi, lampas 25 na ang edad mo ngayon. kung ganun nga ang sitwasyon, di mo na pwedeng gamitin yung ikaw ay 20 lang nung ikasal, at walang pahintulot ng magulang mo, at ni minsan di kayo nagsama (paso na ito, at meron ka lang apat na taon mula maging 21 para isampa ang pagpapawalang-bisa ng kasal mo sa ganung dahilan).

     

    kalalabasan niyan, ang pwede mong gamitin na lang ay "psychological incapacity" ng asawa mo.

     

    may posibilidad din na diniborsyo ka ng asawa mo, bago siya nagpakasal sa foreigner na yun. Kung siya ay naturalized citizen na ng bansang iyon bago ka niya diniborsyo, maswerte ka, pwede mong gamitin ang diborsyo na yun para ipawalang bisa ang kasal ninyo.

     

    pero kung siya ay Pilipino pa nung diniborsyo ka niya, malas mo, di yun pwedeng gamitin para makatakas ka sa inyong kasal.

     

    O may posibilidad din na hindi na siya nagdiborsyo, nagkunwari siyang single tapos nagpakasal sa foreigner na yun, Kapag ganun, malas ka pa rin,

     

    Sa mga ganung pagkakataon, ang pag-asa mo na lang ay ipakita na may "psychological incapacity" yung asawa mo nang kayo ay ikinasal, para mapa-walang bisa ang kasal ninyo.

    di mo na pwedeng gamitin yung ikaw ay 20 lang nung ikasal, at walang pahintulot ng magulang mo, at ni minsan di kayo nagsama (paso na ito, at MERON KA LANG APAT NA TAON mula maging 21 para isampa ang pagpapawalang-bisa ng kasal mo sa ganung dahilan).

     

    Oooooops! My bad - meron ka lang LIMANG TAON mula maging 21 para isampa (see Art. 47, Family Code)

  17. question lang po atty. meron akong kaibigan na ginawan ng simple renovation. went well sa first( this is just a labor contract for renovation and supply and install for cabinets) but nung na deliver ko na ung cabinets ayaw ng mgbayad ng billing ko and ayaw i release ung mga gamit ko na hindi na gagamitin sa site dhl kelangan ko na gamitin sa ibang site. wala kming document ng any kind as a contract. they are now threatening me cause i pulled out ung gagawa dhl sa non payment

     

    question ko is how can i get my tools na hindi n gagamitin dhl ayaw nila i release

     

    second is should i file a case against them for non payment since items were delivered and renovation works is almost completed.

     

     

    thanks atty

    1. question ko is how can i get my tools na hindi n gagamitin dhl ayaw nila i release

     

    dalhin mo sa barangay.

     

    2. should i file a case against them for non payment since items were delivered and renovation works is almost completed.

     

    isama mo sa reklamo mo sa barangay yung di ka binayaran ng tama. kung di kayo magkasundo sa barangay, pwede ka na maghain ng reklamo (ang tanong: magkano ang hinahabol mo, baka kasi maliit lang, pwede mo na dalhin sa Small Claims Court. Kahit walang kontrata, magiging ebidensya ang mga Salaysay ng mga trabahador mo (pagawin mo ng salaysay) tungkol sa ginawang renovation (maging leksyon din sa iyo ito... sa susunod, kailangan may kasulatan, para di ka nahihirapan patunayan ang mga claim mo)

  18.  

    EDITED (I edited the above post since I posted the wrong info):

     

    Hi Sir. Thank you for the response. They are hired as freelance home-based online English teachers. They teach English to Chinese students in China. The company has physical offices in the Philippines so I guess they are locally registered and under the jurisdiction of the Philippine law. Since they should be under the Philippine law, can they tell the Filipino teachers, "all freelance or independent home-based online teachers are required to take this training as MANDATED BY THE CHINESE GOVERNMENT"? Can they use the clause "as mandated by the Chinese government" when the teachers are all Filipinos and working in the Philippines or must obey Philippine law?

    Can they use the clause "as mandated by the Chinese government" when the teachers are all Filipinos and working in the Philippines or must obey Philippine law?

     

    Yes. They are teaching to Chinese students in China. While the terms of their employment is governed by Philippine law, what they are going to teach is covered by requirements of Chinese law. Accordingly, their employer may require them to take up training, as mandated by the Chinese government.

     

    It is no different with a Filipino worker working in a Filipino factory, producing goods for export to the US. The Filipino worker may be required to produce items that are compliant with American standards, and he cannot refuse to do so, and insist that Philippine standards should be followed, on the ground that the item is being produced here in the Philippines.

     

    The important thing is that the free-lancer receive the compensation and benefits guaranteed him under Philippine law. To require him to undertake trainings required by the Chinese government, as long as the content of the training is not illegal, contrary to public policy, morals, and good customs; would not be a violation.

  19. Hi there. Just got two quick questions:

     

    1. A company from China have offices here in the Philippines and they are doing the hiring locally. They only hire applicants as Freelance. They are requiring the Freelance to finish a training at a specific date saying that it is mandated by the Chinese government. Is that legal? Because it seems that they are treating the freelance as under the Chinese government which clearly they aren't because they are Filipinos and are residing in the Philippines.

     

    2. If a guy is trying to pissed you off by making "parinig". Then if you retaliate by doing the same thing to him until he got pissed and challenged you to a fist fight and without saying anything you punch him in the face. Will you be held liable or him for starting the fight by making parinig? In that situation, is it better to wait for the guy to get physical first then just beat him up after making the first move?

     

    Thanks in advance.

    1. Is that legal?

     

    without knowing the nature of the work they are performing, mahirap magsalita kung legal nga ba ang kunin sila bilang freelancer lamang.

     

    2. Will you be held liable or him for starting the fight by making parinig? No. Making "parinig" is not a sufficient reason for punching someone. It will only lessen your criminal liability, but you will still be guilty of a crime (most probably less serious physical injuries)

     

    In that situation, is it better to wait for the guy to get physical first then just beat him up after making the first move? If they get physical first, then you beat them up, you will still be liable. Their making the 1st move is actually a valid excuse for DEFENDING YOURSELF, but it does not justify beating them up. Defending yourself is allowed, but beating up a person is no longer defending yourself.

  20. Question po. I been separated with my wife for almost 14 years di ko alam kung nasaan na sya wala na kaming communications simula nun. May nakapagsabi sa akin na pde ko na declare na patay na sya. Gusto ko na kase pakasalan ung 3 years kung girl friend. What can you suggest na legal para mapakasalan ko na sya. Thanks!

    maghain ng petition para ipawalang-bisa ang kasal mo sa dahilang ang nawawalang asawa mo ay "psychologically incapacitated."

     

    hindi tutoo na patay na ang asawa mo. ikaw mismo, ALAM MO NA BUHAY ITO! tinatamad ka lang hanapin ang asawa mo! Wag mong sabihin di mo alam kung sino ang magulang niya at mga kamag-anak niya. alam mo kung saan nakatira ang magulang o di-kaya'y kapatid, pinsan, o kamag-anak ng asawa mo. alam mo ang hometown niya. kung gugustuhin mo, makakapagtanong tanong ka kung nasaan na yang magaling mong asawa! dahil dito, di ka pwede maghain ng petisyon sa korte para ideklarang patay na ito. Strikto ang korte pagdating sa ganitong petisyon... ano ang ebidensya mo na patay na ang asawa mo? ano ang ebidensya mo na nawawala ang asawa mo? hinanap mo ba siya sa pulis? sa mga kamag-anak niya? sa hometown o barangay nila? ipina diyaryo o radyo mo ba ang kanyang pagkawala? Ito ang mga klase ng tanong na itatanong sa iyo sa korte. At hindi katanggap tanggap kung SALITA MO LANG ang patunay ukol dito, kailangan magharap ka ng pulis, ng taga-barangay, ng mga kamag-anak ng asawa mo para tumestigo na hinanap nga nila ang asawa mo, pero di na ito nakita. Kung wala kang ganitong ebidensya, madidismiss lang ang petisyon mo. Sayang lang ang ibabayad mo sa abugado kung ganun. Gagastos ka na rin lang, dun ka na sa mas sigurado - psychological incapacity ng asawa mo, o ninyo pareho.

  21. good day po sa lahat, salamat at may ganitong forum,

    sana po may makapansin.,

     

    may girlfriend po ako at inaya nya po ako mag secret marriage po kami sa kadahilanan na siya mag aabroad, dahil mahal ko po siya nung time na iyon, pumayag po ako, ang age ko po nun ay 20y/o, after nun secret marriage umalis na po siya ng bansa, hindi po kami nag sama sa iisang bahay, wala din po kami naging supling,.

    pag dating nya po galing abroad nag sabi siya na magpapakasal siya sa ibang lalaki na taga ibang bansa ibang lahi, at nakapag pakasal naman po siya at dun na po sila nanirahan sa bansa ng pinakasalan nya., at nagka anak naman po sila.

    tapos po nakapag pa kasal din po ako after two years nang kasal sa una na secret marriage,

    naka pag file po ako nang annulment sa pangalawang pinakasalan ko at na may decission na din po ang court at nai file ko na din po sa dating nso na psa na po ngayon.

    gusto ko po kasing mag pakasal uli, kaya lang po hindi po ako makakuha ng certificate of single dahil may kasal po ako sa una.

    ano po kaya ang maipapayo ninyo sa akin... muli salamat po ng marami sa inyong forum na ito.. at marami po kayo ma guide//.. again thank you

    ano po kaya ang maipapayo ninyo sa akin...?

     

    kailangan mo rin ipa-annul yang unang kasal mo. mas malamang sa hindi, lampas 25 na ang edad mo ngayon. kung ganun nga ang sitwasyon, di mo na pwedeng gamitin yung ikaw ay 20 lang nung ikasal, at walang pahintulot ng magulang mo, at ni minsan di kayo nagsama (paso na ito, at meron ka lang apat na taon mula maging 21 para isampa ang pagpapawalang-bisa ng kasal mo sa ganung dahilan).

     

    kalalabasan niyan, ang pwede mong gamitin na lang ay "psychological incapacity" ng asawa mo.

     

    may posibilidad din na diniborsyo ka ng asawa mo, bago siya nagpakasal sa foreigner na yun. Kung siya ay naturalized citizen na ng bansang iyon bago ka niya diniborsyo, maswerte ka, pwede mong gamitin ang diborsyo na yun para ipawalang bisa ang kasal ninyo.

     

    pero kung siya ay Pilipino pa nung diniborsyo ka niya, malas mo, di yun pwedeng gamitin para makatakas ka sa inyong kasal.

     

    O may posibilidad din na hindi na siya nagdiborsyo, nagkunwari siyang single tapos nagpakasal sa foreigner na yun, Kapag ganun, malas ka pa rin,

     

    Sa mga ganung pagkakataon, ang pag-asa mo na lang ay ipakita na may "psychological incapacity" yung asawa mo nang kayo ay ikinasal, para mapa-walang bisa ang kasal ninyo.

    • Like (+1) 1
×
×
  • Create New...