Jump to content

Duterte's Presidency : Expectations, Controversies, Rants, Etc.

Recommended Posts

tapos pag tatahimik ako hihirit kayo na boring.

labo nyo

kung gusto nyo na puro pagsasamba lang kay duterte, eh di gawa kayo ng thread na

DUTERTE ALL-PRAISES THREAD.

o

DUTERTE LOVERS THREAD

o

DUTERTE'S FLOCK THREAD

para pag nag criticize ako, OT ako.

Lol first of all, tulad ng sinabi ko, boring ang thread na ito pag wala kayo. Malamang kung Binay ang nanalo, you'd be defending the guy to your last breath even from valid criticisms as you had before. Ganun din siguro dun sa mga fans ni Roxas dito. Ayan fair ako ha, hindi ko nasingle out bossing mo.

As for criticisms depende kasi yan. Meron tayo ditong mga magagaling at constructive yun criticisms nila. Very insightful pa yung comments nila. Hindi naman sila yun tipong nangbabato lang ng putik at ginagamit kahit na lang ano para idiscredit administrasyon. Babangitin ko pa ba kung sino sino? Huwag na... sabihin nyo naman sipsip ako.

Pero meron din iba dyan na puro lang ngiao ngiao. Tanungin mo naman kung anong gusto mong sulusyon, wala naman maibigay. Ito yun mga taong asar na asar kang makasama sa meeting. kasi tipong tanghali na, gutom na kayo, paikot ikot lang usapan, puro reklamo wala naman maibigay na mas konkretong sulusyon.

Ngayon sa mga critics naman sa gobyerno depende din yan. Unang una, kasama naman sa agenda ang paglinis sa hanay ng PNP at pagtanggal ng mga abusado at corrupt na pulis. Yes checks and balances are indeed important to ensure na hindi aabuso kapulisan. Tama yan, pag me paglabag sa protocol o nanamantala, ireklamo ng matanggal. Tama din na wala rin dapat vigilante killings. But you should deal with the problem as a case-to-case basis at hindi yung isisisi mo sa mga rhetorics ng pangulo lahat. At lalong huwag naman ito gamitin para batuhin lang putik buong administrasyon at PNP.

Sana kung magpush through yun inquiry na yan, si Sen. Lacson na lang kung pwede mamuno. Or at least andun sya dapat. Ito ang isa sa mga fair at mahusay na kritiko ng pangulo. At ito kaalyado nya na dati pa. Bilang dating pulis, at least maiintindihan nya mga totoong sitwasyon sa operations. Kung si De Lima din lang? Ay naku drama lang ito. Huwag na! Sya nga itong napakaraming dapat sagutin

Link to comment

911 at 8888? hahahaha...

sa tingin mo hindi gaganti mga kabaro pag nagsumbong ka dun?

gudlak

baka ma-cardboard justice ka lang nyan. tapos sasabihin ng tao "presumption of regularity" case closed.

Ito na nga ba sinasabi ko eh. Binibigyan ka na nga ng tao ng sulusyon sa problema, sablay pa din. So ano gagawin nga natin sa mga abusadong pulis na yan? Papano natin sila iimbestigahan at paparusahan?W

Wala na lang? Resign Duterte na lang?

Link to comment

Ang hirap sa iyo lagi mong dinadala usapan sa napatay dahil sa legal na operasyon na non-issue., Para ano, para pagtakpan yun mga illegal na patayan na patuloy na tumataas ang bilang.

Yun problema sa napapatay na hindi naman dahil sa legal na operasyon, ke pulis o hindi ang gumawa niyan problema yan at dapat na pinoproblema ng PNP. Krimen pa rin yan di po ba at saklaw sa trabaho ng kapulisan ang crime prevention hindi lang naman investigation na paulit-ulit mong sinasabing dapat gawin. Mabubuhay ba yun napatay sa kakaimbestiga?

Ah so for the meantime, papuri sa diyos Digong muna tayo kahit na may napapabalitang irregularidad sa mga operasyon eh magreklamo na lang kasi yun napatay pag napatay na sila. Tutal ano ba naman yun mangilan-ngilan. Hindi naman alarming ang nangyayari Yan na ba sinasabi ko ... yun pagpatay is just becoming a statistics.

Bakit hindi pa ninyo gamitin ang total population as denominator sa kaso ng illegal na pagpatay para lalong maging negligible ang numero.

Anong pinagtatapan na pinagsasabi mo? Kaya ko nga sinasabi na dapat sa mga ito ireklamo ng masibak at malinis na tuloy hanay ng kapulisan di ba? Assuming pulis nga gumagawa nito na hangang ngayon hindi mapatunayan.

Tumatanga ba pulis sa issue na ito? Iniimbestigayan naman di ba? At kung hindi iimbestigahan, papano mahuhuli salarin? Papano mabibigyang linaw kaso? Kung hindi mo papaimbestigahan? Kita mo yun nangyari sa abusadong HPG. Sinibak na at kakasuhan na ng murder.

At kung walang kwenta ang pagiimbestiga? Ano ang me kwenta? Yung mga ngiao ngiao mo dito sa thread na ito? Yun ba makakapagpabalik ng buhay ng mga adik? Yun ba ang makakahuli sa mga salarin? Bakit ang mga vigilante groups ba at tiwaling pulis na nagbabasa sa mga putak mo dito? Yan naman ang problema sayo. Hangang putak ka lang, wala ka naman naibibigay na mas maayos sulusyon. O ha. Hindi na lang ako nagasabi nyang tungkol sayo.

Tigilan mo ako ng semantics mo. Papurihan kung me nagagawang maganda, ikritiko kung me mali. Gawing balanse. At ilagay sa tamang lugar. Bakit mo sisishin si Duterte sa isang operasyon na di sumunod sa PNP manual? Eh di yun pulis mismo na nagsagawa sisihin at parusahan

Pero alam naman natin ginagawa mo dito. Gusto mo lang kasi idiscredit yung buong administrasyon using any issue na meron ka. Yun lang yun! Walang kwenta mga malalaking nagawa ng administrasyon dahil me 400 (ay less than pa pala) na nasalvage. Wooohooooo Resign Duterte. Di ba yun lang naman gist ng sinasabi mo?

At higit sa lahat tigil tigilan mo ako sa kahipokritohang ito. So now all of a sudden a lot of hypocrites wanna be passionate about sanctity of human life. Pero nga nung naman ang mga binabaril magsasaka at mga lumad tahimik lang naman at panay papuri sa panot na idol. Sus. Tumigil tigil ka nga dyan

Link to comment

Duterte: We will investigate mysterious killings

http://www.rappler.com/nation/141960-duterte-investigate-killings-drug-war?utm_source=twitter&utm_medium=referral

"Sigurado ako may sinalvage, sigurado ako diyan, and we will investigate," he said on Thursday, August 4, during an environment summit in Davao City.

What this people never get is that you can't discredit an entire sincere effort to clean up society with drugs and its accomplishments so far out of some setbacks that are actually being addressed. Sinsibak naman mga pulis na tiwali at umaabuso. Iniimbestigahan naman mga kaso ng salvaging. SInabi naman na handa maging transparent PNP. Kahit pa samahan sila sa operations nila.S

So ano yun? Dahil sa 400 na patay bale wala na lang mga magagandang accomplishments ng kampanya? Walang kwenta na lang lahat?

Pansinin natin. Bakit pag nanonood tayo ng balita puro yun mga namamatay lang binibilang at hindi yun dami ng naaresto at sumusuko. Bakit imbes na puro bangkay na nakamasking tape laging pinapakita, bakit hindi ipakita yun progress sa mga adik na tinulungan na magparehab? O kaya na yun ilang barangay nabawasan gulo at rambol?

Takot ba ang media at critics na aminin na so far nagiging matagumpay kampanya?

Link to comment

hay ... investigate investigate.

Sige, ang galing nga ng kampanya sa droga, ibang klase ang intelligence ng kapulisan. pero so far ha yun kampanya sa krimen na patayan sablay at wala atang nahuhuli at patuloy pa rin ang pagtaas ng numero. sa umpisa paisa-isang kaso ngayon dumarami na.

Since yun mga addict/pusher eh pinapatay na agad. Yun corrupt sa PCSO pinababaril na, pwede ba yun napatunayan na umabusong pulis eh may statement si digong na babarilin o papatayin din? Nauna na kasi yun sagot ko kayo sa kaso ninyo sa CHR at bibigyan ko kayo ng pardon ...

oh ayan balanse na ha

Edited by rooster69ph
Link to comment

O eto may bago kayong aabangan at babatikusin kung di ma meet ang "deadline"

DENR to end illegal logging, mining in eight days – Lopez
Read more at http://www.mb.com.ph/denr-to-end-illegal-logging-mining-in-eight-days-lopez/#ig5rP88GOyFOuRUM.99

In a press conference on Thursday at the Ateneo de Davao University (ADDU), Lopez said she wants to copy President Rodrigo R. Duterte’s hardline stance against drugs and criminality in her fight for environmental protection.

She said that she is set to sign a memorandum of agreement (MOA) on Monday next week with Philippine National Police (PNP) chief Ronald Dela Rosa, Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt. Gen. Ricardo Visaya, and Interior and Local Government secretary Mike Sueño to assist the DENR in the implementation of stricter monitoring and protection of the country’s natural resources.

Edited by daphne loves derby
Link to comment

hay ... investigate investigate.

Sige, ang galing nga ng kampanya sa droga, ibang klase ang intelligence ng kapulisan. pero so far ha yun kampanya sa krimen na patayan sablay at wala atang nahuhuli at patuloy pa rin ang pagtaas ng numero. sa umpisa paisa-isang kaso ngayon dumarami na.

Since yun mga addict/pusher eh pinapatay na agad. Yun corrupt sa PCSO pinababaril na, pwede ba yun napatunayan na umabusong pulis eh may statement si digong na babarilin o papatayin din? Nauna na kasi yun sagot ko kayo sa kaso ninyo sa CHR at bibigyan ko kayo ng pardon ...

oh ayan balanse na ha

Ayaw ng investigate ng investigate? Ano mas maganda? putak lang ng putak? Yan ba makakalutas ng kaso? Bakit nagbabasa ba ng MTC mga kinauukulan?

Yun HPG na abusado, di ba sensante na at nakasuhan na ng murder? So sa 399 na yan na natitira, ilan na ba ang nagreklamo? Kung walang magrereklamo eh di papano uusad ang kaso? Di ang lalabas nyan presumed regular ang operation at me presumption of innocence mga pulis. Gusto mo ng due process di ba? O ayan ang due process natin.

Dun naman sa kaso ng salvaging, hindi ba pwede hayaan muna ang mga pulis natin na magtrabaho at kumuha muna ng lead bago mo sabihin na sablay na agad? Kung mahuhuli mabilis suspect di maganda. Pero alam natin na kung minsan kelangan trabahuin din yan. Hirap pa nyan, walang nagi-identify sa bangkay so mahirap kumuha ng lead.

Hay mga atat lang talaga maghanap ng putik na ipangbabato sa administrasyon o.

Link to comment

Alam mo naman siguro ang ibig sabihin ng PRESUMED ... hindi naman siguro ibig sabihin noon ay 100% innocent. At alam naman ng kapulisan at ni Du30 yan.

Dapat may magreklamo para imbestigahan. So sino ang magrereklamo? Ikaw na rin nagsabi di po ba na may mga kaso na walang lumalapit na kaanak sa ibang napatay.

Dali naman sabihin we will investigate, ang tanong sa sobrang galing ng intelligence ng PNP sa kontra droga bakit ni isang kaso sa salvaging sa mga nakitang patay na nakagapos eh di nila matunton ang salarin. Hindi ba trabaho ng kapulisan na alamin kung sino itong napatay, sino ang kamaganak nito at kahit walang reklamo eh imbestigahan at hanapin nila ang gumawa nito?

Yun isang caso na ginagamit mong pangungutya dahil umano'y may napatay na pulis sa operasyon eh hindi ba may nagsasabi na patay na raw talaga yun pulis di pa naguumpisa ang barilan. Ano ito moro-moro, may dala dala silang props para maging convincing ang operasyon?

O di ba sabi ninyo sabi ng PNP pwedeng sumama ang press ang CHR para makita talaga ano ang nangyayari? O eh ano itong napabalita na ayaw silang papasukin sa loob? At nakita na lang nila inilalabas na ang bangkay nun suspect.

Ganito ata ang systema nagyon ...presumed regular lagi ang operasyon. ang standard statement "nanlaban at tumakas eh" kung may magreklamo eh di sabihin we will investigate.

..hail Du30

Hahaha. Should it not work both ways? In the same manner yun mga napapatay ng pulis o yun mga nasasalvage hindi rin ibig sabihin na 100% innocent ang mga yan. So ano ito? Me double standard na pala tayo ngayon sa presumption of innocence? Bwahahaha!

At pinahaba pa talaga. Simple lang naman yan. Kung me kaanak na magrereklamo, di madali makakakuha ng lead. Madali malalaman ano ba naging history ng biktima, sinong huling kinausap, sino katransaksyon etc. Kung wala mas tatagal yan ng konti. Alangan naman magmagic na lang ang mga imbestigador na yan ng testigo at ebidensya.

Ang dali kasi magmarunong! You wanna play criminology expert ni hindi mo naman nakikita first hand mga facts ng kaso, at higit sa lahat pumuptak ka lang naman ng ganyan kasi Duterte pangalan ng presidente. Aysus. Kaya ko yan nabanggit kasi I dont think ganito ka nga din kalakas pumutak nung pinatay mga lumad at hangang ngayon wala pang kalutasan kaso. Mahirap magbigay ng intliigent analysis ka pag masyado kang politically subjective.

And yes! Ganun ang proseso! Hindi naman natin pwedeng iassume na lahat na lang ng shootout na nangyayari ay robout di ba? Hindi naman natin pwede ibintang na lang sa pulis mga salvaging ng wala namang malinaw na ebidensya. O yun mga patayan dahil sa rhetorics ni Duterte na yan. Akala ko ba gusto ng due process?

Ano huwag na lang natin ireklamo mga pulis na abusado? Wala ng investigate investigate? Ano na lang? Barilin na rin lang natin sila at lagyan ng cardboard na "Abusadong Pulis, huwag tularan"? Ganyan gusto mo para patas na?

Link to comment

Agree ako .. should work both ways.

having said that just because hindi naman sila 100% innocent ok na yun masalvage sila? At ang daming kaso ngayon niyan...presumed addict/pusher kasi may cardboard that says so and yet may nahuli na ba? Uulitin ko lang ang gagaling ng PNP sa anti drug campaign. ikaw na rin nagsabi, bumaba ang crime rate except ang patayan. hindi ba crime ang patayan?

Sumatutal ganito ang gusto mo:

Pag sinabi ng pulis lumaban o tumakas kaya nabaril ... ok fine presumed regular ang operasyon, no investigation needed.

Pag may na salvage, presumed not 100% innocent yun biktima kaya ok lang sa iyo na mapatay yun tao tutal presumed criminal siya.

Mahirap talaga siguro para sa iyo intindihin na ang inirereklamo ay yun dumadaming illegal na patayan at wala naman atang nalulutas pa na ganun kaso ngayon. Pero sabi ko nga pag kontra droga, ang galing ng intelligence ing PNP pero sa ibang kaso tungkol sa nasasalvage na addict/pusher eh parang walang silbi ang PNP.

(o ayan ha pinupuri ko pa rin ang anti drug campaign ni Du30 ... )

===============

Hindi ako nagmamarunong ... pareho lang tayo umaasa sa balita sa tv o dyaryo para malaman ano ba ang nangyayari sa mga operasyon. Iisang balita lang naman yun pinaguusapan natin di po ba? Ito yun supposedly may namatay na pulis sa isang operasyon. Well di po ba despite what was said by the witness you tend to give more weight na regular ang naging operasyon? Napaisip ka ba na sandali hindi kaya totoo ang mga pinagsasabi nito? Puros ka regular ang operasyon kahit na may balita na di pa nagsisimula putukan patay na talaga yun pulis na dala-dala nila. Na ayaw papasukin ang press sa scene of the crime kahit na sinabi mo mismo na pinapayagan na nila ang press at CHR sumama for transparency. Pinagyayabang mo ang "transparency" kuno ng PNP na sumama ang press ngayon nandoon ang press may restrictions naman. So anong tinatago? But hey, that I guess is part of transparency so everything is presumed to be in order.

Link to comment

eh nitong mga nagdaang araw ito na nga ang issue natin ...nagiging laganap ang patayan.

so hindi na pala considered na crime ang patayan ... kaya hindi isinasama kapag pinaguusapan ang crime rate.?

Dati naman na laganap ang patayan pero hindi ka lang nagiingay under sa idol mo. Ang pagkakaiba lang dati ang mga adik ang pumapatay ngayon sila na yung namamatay.

Link to comment

Agree ako .. should work both ways.

having said that just because hindi naman sila 100% innocent ok na yun masalvage sila? At ang daming kaso ngayon niyan...presumed addict/pusher kasi may cardboard that says so and yet may nahuli na ba? Uulitin ko lang ang gagaling ng PNP sa anti drug campaign. ikaw na rin nagsabi, bumaba ang crime rate except ang patayan. hindi ba crime ang patayan?

Sumatutal ganito ang gusto mo:

Pag sinabi ng pulis lumaban o tumakas kaya nabaril ... ok fine presumed regular ang operasyon, no investigation needed.

Pag may na salvage, presumed not 100% innocent yun biktima kaya ok lang sa iyo na mapatay yun tao tutal presumed criminal siya.

Mahirap talaga siguro para sa iyo intindihin na ang inirereklamo ay yun dumadaming illegal na patayan at wala naman atang nalulutas pa na ganun kaso ngayon. Pero sabi ko nga pag kontra droga, ang galing ng intelligence ing PNP pero sa ibang kaso tungkol sa nasasalvage na addict/pusher eh parang walang silbi ang PNP.

(o ayan ha pinupuri ko pa rin ang anti drug campaign ni Du30 ... )

===============

Hindi ako nagmamarunong ... pareho lang tayo umaasa sa balita sa tv o dyaryo para malaman ano ba ang nangyayari sa mga operasyon. Iisang balita lang naman yun pinaguusapan natin di po ba? Ito yun supposedly may namatay na pulis sa isang operasyon. Well di po ba despite what was said by the witness you tend to give more weight na regular ang naging operasyon? Napaisip ka ba na sandali hindi kaya totoo ang mga pinagsasabi nito? Puros ka regular ang operasyon kahit na may balita na di pa nagsisimula putukan patay na talaga yun pulis na dala-dala nila. Na ayaw papasukin ang press sa scene of the crime kahit na sinabi mo mismo na pinapayagan na nila ang press at CHR sumama for transparency. Pinagyayabang mo ang "transparency" kuno ng PNP na sumama ang press ngayon nandoon ang press may restrictions naman. So anong tinatago? But hey, that I guess is part of transparency so everything is presumed to be in order.

Lahat ng police operations may documentation yan lagi. Kung merong kaduda duda, di tignan yun report. Kung merong irregularidad, sibakin sa pwesto yun pulis, kung makahanap probable cause, kasuhan, usigin parusahan. Yan ang sinasabi ko. Kung saan saan mo pinapaikot itong usapan palihasa puro ka reklamo wala ka naman mas magandang sulusyon. di ba?

Kung walang imbestigasyon, papano malalaman kung me irregularidad nga o wala. Yan ang hirap sayo, ang mga pinagpuputak mo hindi naman halos nakabase sa kahit na anong factual o minsan practical. SO ano nga gagawin natin? Puputak ng puputak na lang sa presidente na lahat na kasalanan nya? Higit pa dyan, mahirap makipagtalo sa isang tao na alam mong napakahipokrito ng prinsipyo.

Una sasabihin mo pinagtatakpan ko yan sila. Pero eto nga hinihikayat ko na imbestigahan YUN MISMONG MGA KASO para din mabigyan linaw lahat ito, sablay pa din? O ano na lang gagawin natin pala?

Sabi mo me isang taga-CHR na hindi pinapasok sa isang lugar. O di tanungin yun mga pulis na nandun bat di nila pinapasok. Me tinatago nga ba sila? O baka lang naman ayaw muna macontaminate crime scene. Baka hindi kasi ligtas. O baka nga me totoong tinatago. Eitherway papano malalaman kung di naman tatanungin mismong pulis kung bakit di ba?

Gaano ba kabilis gusto mo malutas mga salvaging na yan? Kung pwede sana singbilis lang nung pagkakahuli kay VOn tanto di ba? Eh kaso me iba pang factors na kelangan iconsider dyan. Isa na paghahanap ng testigo o kaanak na magbibigay ng lead. Pambihira, isang buwan pa lang mahigit nakaupo administrasyon eh. Anong investigative approach ba gusto mo na tingin mong mas effective ng madali mahuli suspect.

Yan ang hirap pag bulag ka masyado ng pulitika. Kasi puro pulitika lang naman itong mga argumento mo. So far yan mga napapatay na yan, ang tinatangap mo lang na factor ay Si Duterte at mga Pulis mismo. Kahit di ka naman sigurado pulis nga gumagawa nyan.

Link to comment

para matuwa naman kayo...

MABUHAY SI SUPREME LORD COMMANDER RODY DUTERTE!!!!.

O, ayan, hindi na ako puro negative. bawal na kasi ang kritiko dito.

Lol actually, natutuwa at naaliw nga kami sa negative nyong mga kumento. Boring kasi pag puro kami kami na lang. Kaya nga sabi ko naman huwag nyo iisipin na di kayo wlecome dito. Speaking for myself, hindi ko naman ikaw aasahan na baguhin tingin mo sa presidente. Kung nung di pa nga nakakaupo tao gusto mo na sabihin na sasablay sya, ngayon pa kaya na nakaupo na. Pero ok lang yan. Boring kung walang mga kontra bulate lol.

On the issue at hand. Ano problema nyo?

Extra judicial killings?

-OO mali yan talaga. Mali salvaging. Personally hindi ko gusto nga kahit yun idea ng pagdadala lang ng baril ng isang ordinaryong sibilyan. Duwag kasi para sakin mga ganun, at yun duwag ang mas madali makapatay. Vigilante killings pa kaya?

Pulis ba talaga me kagagawan? Exclusive ba na si Duterte lang me kasalanan? Wala ba talagang ginagawa sa mga ito?

Abusadong mga Pulis?

-O wala rin me gusto nyan. Mismong presidente sabi nya gusto nya na tapusin maliligayang araw ng mga ito. Kita nyo yun HPG na bumaril sa rider ng 4 na beses? Sibak na di ba? Sama pa natin dyan ilang pulis na narelieve, nakasuhan, at nahuli pa sa buy bust operation. Kahit nga mismong heneral walang lusot dito

Ano pa ang kelangan para kumbinsihin kayo na kung irereklamo naman sila ng tama, me mapapala naman?

Sobrang Dami ng Patayan?

- Kung lahat nga lang sana pwede na lang katukin at pakiusapan di ba? Eh kaso mga kriminal ito na mas walang sinasanto.

Bakit sa vital organs lagi ang tama?

- Well mas sisihin siguro natin yun natural survival instinct ng tao na lang sa bagay na yan. Kapag nasa isang delikadong sitwasyon ka, numero unong gugustuhin ng isip at katawan mo self-preservation. Innate yan sa lahat ng nabubuhay na nilalang. At sa isang shootout mabilis pangyayari dyan. Wala kang time magkalkula kung papano mo ililigtas muna sa tyak na kamatayan suspect bago sarili mo. Ano naman gusto mo? Ikaw mayari tapos yun misis mo magisang maghihirap palakihin mga anak nyo? So barilin mo yun suspect, kung mapatay mo at least buhay kang uuwi. Saka mo na harapin kaso!

Imbestigasyon dapat sa mga Pulis?

-Call! Game! Ok na ok naman ito talaga. Mabuti nga ng mapalitaw talaga dito mga dapat ng sibakin at abusado. Pero kung pupulitikahin lang kasi ito, wala rin! Aksaya lang ng oras. Case to case dapat approach di ba?

Link to comment

Baka nakalimutan mo ikaw mismo ang nagsabi pwedeng sumama para masaksihan ang operation .. para.transparent kamo noon. Ngayon na sumama yun press at sinabing restricted naman sila kasi hindi sila pinapasok sasabihin mong itanong ko sa pulis bakit hindi naging transparent. Ngayon sablay bakit ako ang magtatanong, bakit di mo itanong mismo sa kanila bakit nagkaganun at mali tuloy ang pinagsasabi mo dito sa MTC. O baka parang Digong lang din yan ... pag sinabing ganito ay ang galing pag sumablay bravado lang yan kayo naman masyado ninyong sineseryoso ang pinagsasabi. O ano naman ang rason kasi baka ma-tamper ang mga evidence pag may pumasok na di kapulisan, na baka madisgrasya kasi delikado kung lumapit where the action is,etc, etc, etc? Eh alam naman nila yun from the start, tapos maghahamon kayon sumama ang press and CHR ...eh di WOW

Puros palusot kasi ...di matanggap na sa puntong murder crimes umaakyat ang numero so ibig sabihin may problema. Dapat ba kasi walang maisumbat o nasitang negatibo sa administrasyon na ito? So imbestiga ng imbestiga ... sige fine, procedural naman talaga. Pero ang tanong at mahalaga bumababa na ba ang miurder crime o pataas pa rin? obvious naman at this point it is the latter but hey galing pa rin ni Digong sa pakikipaglaban sa murder crimes para sa iyo...hep hep horaaaay.

May sinabi bang kapulisan ang may kagagawan ng lahat? Ang tanong kesehodang pulis o hindi ang gumawa, hindi po ba trabaho ng kapulisan na hulihin ang mga maysala.

So may nahuli na ba?

Abusadong mga Pulis?

-O wala rin me gusto nyan. Mismong presidente sabi nya gusto nya na tapusin maliligayang araw ng mga ito. Kita nyo yun HPG na bumaril sa rider ng 4 na beses? Sibak na di ba? Sama pa natin dyan ilang pulis na narelieve, nakasuhan, at nahuli pa sa buy bust operation. Kahit nga mismong heneral walang lusot dito

Ano pa ang kelangan para kumbinsihin kayo na kung irereklamo naman sila ng tama, me mapapala naman?

Presidente rin mismo ang nagsabing magbibigay sa ng pardon kapag may reklamo di po ba?

Sobrang Dami ng Patayan?

- Kung lahat nga lang sana pwede na lang katukin at pakiusapan di ba? Eh kaso mga kriminal ito na mas walang sinasanto.

Again ang pinagtatalunan ay hindi patayan ng legal na operasyon kundi yun rub-out at salvaging

Bakit sa vital organs lagi ang tama?

- Well mas sisihin siguro natin yun natural survival instinct ng tao na lang sa bagay na yan. Kapag nasa isang delikadong sitwasyon ka, numero unong gugustuhin ng isip at katawan mo self-preservation. Innate yan sa lahat ng nabubuhay na nilalang. At sa isang shootout mabilis pangyayari dyan. Wala kang time magkalkula kung papano mo ililigtas muna sa tyak na kamatayan suspect bago sarili mo. Ano naman gusto mo? Ikaw mayari tapos yun misis mo magisang maghihirap palakihin mga anak nyo? So barilin mo yun suspect, kung mapatay mo at least buhay kang uuwi. Saka mo na harapin kaso!

Ah, kaya pala yun nakaposas na at nasalikod yun kamay na dalawang pulis pa ang kasama natatakasan pa umano at apat na putok 3 fatal shots ang kailangan to neutralize ... sobra naman ata ang survival instinct nitong dalawnag ito. Di kaya katangahan kasi daladalawa na silang bantay natatakasan umano pa sila at kahit na nakaposas naagawan pa sila ng baril at kayang iputok sa kanila ng patalikod kaya na trigger ang lintek na survival instinct na yan.

Imbestigasyon dapat sa mga Pulis?

-Call! Game! Ok na ok naman ito talaga. Mabuti nga ng mapalitaw talaga dito mga dapat ng sibakin at abusado. Pero kung pupulitikahin lang kasi ito, wala rin! Aksaya lang ng oras. Case to case dapat approach di ba?

Call? Game? Pero sa approach na gusto mo at hindi yun magiimbestiga ... o sige ikaw na ang maqging Senadora.

Link to comment

Baka nakalimutan mo ikaw mismo ang nagsabi pwedeng sumama para masaksihan ang operation .. para.transparent kamo noon. Ngayon na sumama yun press at sinabing restricted naman sila kasi hindi sila pinapasok sasabihin mong itanong ko sa pulis bakit hindi naging transparent. Ngayon sablay bakit ako ang magtatanong, bakit di mo itanong mismo sa kanila bakit nagkaganun at mali tuloy ang pinagsasabi mo dito sa MTC. O baka parang Digong lang din yan ... pag sinabing ganito ay ang galing pag sumablay bravado lang yan kayo naman masyado ninyong sineseryoso ang pinagsasabi. O ano naman ang rason kasi baka ma-tamper ang mga evidence pag may pumasok na di kapulisan, na baka madisgrasya kasi delikado kung lumapit where the action is,etc, etc, etc? Eh alam naman nila yun from the start, tapos maghahamon kayon sumama ang press and CHR ...eh di WOW

Puros palusot kasi ...di matanggap na sa puntong murder crimes umaakyat ang numero so ibig sabihin may problema. Dapat ba kasi walang maisumbat o nasitang negatibo sa administrasyon na ito? So imbestiga ng imbestiga ... sige fine, procedural naman talaga. Pero ang tanong at mahalaga bumababa na ba ang miurder crime o pataas pa rin? obvious naman at this point it is the latter but hey galing pa rin ni Digong sa pakikipaglaban sa murder crimes para sa iyo...hep hep horaaaay.

Pakibigay nga muna sakin link ng article na pinagsasabi mong hindi pinapasok yun CHR. Mahirap kasi maghusga kapag hindi ko naman alam kung saang operation nga ito nangyari at kung ano ba yun sitwasyon. Tulad ng sabi ko, case to case basis dapat ang paganalayze nito. Hindi pwedeng lahat na lang ng putik na pwede mo ibato gagamitin mo.

At kung tingin mo kulang nga yan Anong sulusyon nga gusto mo?

Ganito ka o

Putak putak putak na sablay to sablay yan! Walang kwenta, putak putak putak putak

"SO ano gusto mo sulusyon"

Ah.... eh..... Batikos batikos batikos batikos.... problema ito! Problema yan.

"kaya nga ano gagawin natin dapat?"

Ngiao ngiao ngiao ngiao ngiao ngiao

Sino ba tumanggi na tumataas bilang ng patayan? Ako pa nga umamin nyan di ba? Ang sabi ko lang ilagay naman sa tamang perspective. Natural kriminal ang nilalabanan so me mamatay dyan. Pwede ring asahan na yung mga kapwa kriminal magpatayan. Kung me pulis na magmamalabis, eh di ireklamo

Pinaikot ikot mo pa ito.

Link to comment

Yan na naman ... Pag semplang na balik na naman sa argumento na siyempre kriminal ang linalabanan kaya tumataas ang bilang ng namamatay.

Mahirap siguro intindihin ang mga sumusunod:

1. Walang problema sa akin ang napatay dahil sa legal na operasyon kontra droga/kriminal.

2. Ang pagtaas ng bilang ng namamatay ay yun na salvage, tulad nun binabaril ng riding in tandem, un mga itinatapon na bangkay na umano'y pusher o addict.

3. Oo hindi siguro pulis ang involve sa mga krimen pero problema pa rin ito, sa kinagaling ng intelligence ng kapulisan kontra droga mukhang siyang ikinabano naman sa pagsuplong ng kaso ng murder.

4. Ang problema sa extra judicial killings kung meron man ay dahil kinukunsinte ng itaas. Oo wag na kayong mamilosopo na kesyo wala naman sinasabi si digong o si bato na pwede silang pumatay. Malinaw naman na ang utos ngayon sa mga suspect ay shoot to k*ll o shoot on sight. Sasabihin ninyo eh natural na unahan kung nanlaban. So ano un definition ng nanlaban? Yun nasapak at minura yun pulis nanlaban din yun diba? O eto mas di na maipagkakaila, yun hpg sabi nanlaban daw kahit nakaposas at gusto daw agawin at barilin sila ano yun mala leon guererro? yun pinatay nila ng malapitan...4 na tama 3 fatal to neutralize. O sige dahil sigurado naman akong paiikutin mo ito, malinaw naman na sinabi ni digong na bibigyan niya ng pardon ang sinuman magkaproblema sa chr o makasuhan. Diba blanket pardon pa nga daw para di na maabala. As he said he is the president and he can do that. O yan ang problema ... Ano ngayon maghahamon ka na naman ng resign duterte na? Impeach duterte na? Naku malabong mangyari maraming sipsip kay digong ngayon.

Bow! I thank you...o ano balik uli tayo sa umpisa ng argumento? Paikot-ikot lang di ba kasi hail duterte.

Link to comment

Pakibigay nga muna sakin link ng article na pinagsasabi mong hindi pinapasok yun CHR. Mahirap kasi maghusga kapag hindi ko naman alam kung saang operation nga ito nangyari at kung ano ba yun sitwasyon. Tulad ng sabi ko, case to case basis dapat ang paganalayze nito. Hindi pwedeng lahat na lang ng putik na pwede mo ibato gagamitin mo.

.

So hindi mo pala alam yun sinasabi ko ...hindi mo pa na analyze pero panay ang depensa mo...

Wow...sana kanina mo pa hiningi ...

Sino ngayon ang putak ng putak? Kiao kiao ng kiao kiao? Eh di mo naman pala nabalitaan o alam pero kinokontra mo.

Lumalabas talaga anything for duterte ...blind follower

Link to comment

Three mayors allegedly involved in drugs have surrendered to Rody. That's unprecedented. Who's next?

Ilang dekada na yan na mga govt. officials na involved sa droga pero wala naman ginagawa ang mga dating admin. Akala nila sa pelikula lang nagyayari yan. Ngayon lang may ginagawang solution binibira pa. May iba pa bang politicians na may kakayahang gawin itong drug war campaign ni Digong? At the end tayong mga good abiding citizens ang makikinabang dito kahit madungisan ang kamay ng ating presidente ngayon.

Edited by haroots2
  • Like (+1) 1
Link to comment

galing talaga ni Lord Almighty Supreme Leader Duterte

may SHOOT TO k*ll ORDER sya sa mga narco-politicians.

abugado sya kaya i am sure alam niya na hindi ito bawal... legal na legal na order ito.

wag na natin alamin kung saan nakuha yung listahan na yan... si Lord Almighty Supreme Leader na nagsabi kaya tama yan.

Yes abogado siya at naging prosecutor pa. Kaya alam niya tapos na yung termino niya wala pang desisyon ang hukuman.

Ang mga abogado kasi magaling paglaruan ang mga butas sa batas. Ang mga mambabatas naman ang gumagawa ng butas sa batas para rin may malusutan kapag lumabag sa batas.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...