Jump to content

Living Abroad Vs Living In The Philippines?


Recommended Posts

  • MODERATOR

Work abroad while still young then after 10-15 years.... Mag ipon then buy a lot or condo sa pinas and start a business and start a family para dito ka na sa pinas or if pwede dalhin sa abroad family mo and settle down there. :)

 

easier said than done. 10-15 years is too long, masasanay ka na ng sobra and ma integrate dun sa culture nung host country mo. Mahirapan ka na mag move.

madami ako kakilala, sabi contract nila is 2 years lang then balik na pinas, nag extend ng nag extend hanggang 5-10-12 years. Kahit may ipon na sila, ginawa lang nila 'investing' site yung Pinas. Bili ng lupa, pinaupahan, etc.

 

Nung bumalik sila 'for good' daw, tumagal lang ng less than 2 years nag abroad na ulit.

Link to comment

 

easier said than done. 10-15 years is too long, masasanay ka na ng sobra and ma integrate dun sa culture nung host country mo. Mahirapan ka na mag move.

madami ako kakilala, sabi contract nila is 2 years lang then balik na pinas, nag extend ng nag extend hanggang 5-10-12 years. Kahit may ipon na sila, ginawa lang nila 'investing' site yung Pinas. Bili ng lupa, pinaupahan, etc.

 

Nung bumalik sila 'for good' daw, tumagal lang ng less than 2 years nag abroad na ulit.

 

 

Tama ka dito pareng Alex. You get exposed to the culture of your host country, eventually you find yourself becoming more one of them. Yung disiplina, routine, at paguugali nakukuha mo. Kaya nga minsan pagbalik mo ng Pilipinas, parang naninibago ka na sa sarili mo. Its not that kinakalimutan mo pinangagalingan mo, its just that you adapted na a hybrid culture which is part of you.

 

 

I know someone na bumalik nga ng Pilipinas matapos yung schooling nya dito. Pero nahirapan sya sa sistema satin. Pati mga katrabaho hindi masakyan, sya pa itong inaaway when she was merely trying to practice yung mga magagandang bagay na natutunan nya dito. Eventually, nafrustrate, alam nyang di sya aasenso sa pinas, balik na lang ulit dito

Link to comment

natawa nga ko when i first came back from abroad, ni hindi ko magawang pitikin yung yosing naubos ko ng basta basta sa lansangan, talagang naghanap pa ko ng proper na pagtatapunan. Tapos nung minsan kumain din ako sa mcdo, pinagtitinginan kaya ako ng mga crew nung nakita nila na ako mismo nagligpit at nagtapon ng leftover ko sa waste bin tsaka nagbalik ng tray sa kahera, may kasabay pang "thank you" at matamis na ngiti hehe... wasn't really an impulse out of force of habit, parang due to acquired discipline na lang din on my part - halos 5 years ka ba namang hindi umuwi tapos araw-araw ganun ang gawain hindi ka ba masasanay talaga. :P

Link to comment

growing up overseas and coming here to Pinas was a severe culture shock for me. Dito ko nakita yung walang disiplina ng mga pinoy.. dami basura, trapik, pollution, mga walang modo magsalita..etc. I somehow adjusted when I was at school. If you want to earn money and have a more peaceful life then go overseas but it'll also depend on which country you will be working in. Kung 3rd world country din ang bagsak mo then pray to God sana ok yung mga ugali ng locals doon kasi that's the only reason left for you to stay.

Link to comment

Masarap sa Pinas yung vacation mode ka na sa buhay. Yung tipong rume rest house ka na lang.

 

 

Pero yung grind dito kakaiba. Ang goal lang naman karamihan nating mga Pinoy eh guminhawa, yung tipo na may bahay na sarili, sasakyan sa pamilya, education ng anak, at pag may sobra, bakasyon. Sobrang pahirapan sa Pinas.

 

As opposed sa abroad esp 1st world kung ang trip mo lang guminhawa ok lang mag regular na job, maginhawa na.

 

Dito sa Pinas talagang magkaka uban ka sa kakahabol sa simple lang na goal na maginhawang buhay, yung di naman mayaman.

 

Kaya ako masakit man tanggapin, nairaos ko yung family ko nung nag abroad ako. Ngayon may sarili na kong family babalik na naman ako at makikibaka.

 

 

Good luck sa mga working abroad. Hope we all make it. :)

Link to comment

Despite of all my qualms and complaints about the Philippines, I still love my country. Before I left, I did serve as a public school teacher. It really takes a genuine desire for service to teach in public universities. Mantakin nyo, 3-6 na buwan ka ba naman di susuweldo muna. Ang paliwanag lang na binibigay sa mga baguhang teacher all sums up to "eh ganun kasi talaga proseso eh". Pero I earned my shot here abroad by giving that job a couple of years. It was fulfilling back then, not monetarily of course but you felt you were making a difference. Kung babalik ako ng pilipinas, siguradong magtuturo ulit ako kasi dun ko pinaka-masha-share yung natutunan ko. And yes, gusto ko State U sana ulit. Iba kasi yung fulfillment when you are teaching students na pinagaaral ng gobyerno. It feels like you are training the countries future leaders. Ang kaso, knowing how much is not really improving sa bansa natin, mas nabibigyan pa ng pabahay mga professional squatters kesa mga teachers, sundalo at pulis, tapos 3-4 na buwan nanaman akong hindi susuweldo, nakakadismaya.

 

Isa pa, dismayado din ako kasi satin eh. Yung pagkadismaya ko, hindi naman dahil lang nakita ko na mas disiplinado ang mga tao sa ibang bansa. Dyan pa lang dismayado na ako. Parang gusto natin ng pagbabago eh ayaw naman natin magbago. Lalo pa kung pano pinababayaan lang ng gobyerno natin ang mga guro at mga maliliit na government employees.

 

Hindi naman kasi masama mangarap ng konting prosperity naman para sa sarili ko di ba? I admit yun ang dahilan kung bakit lumagi pa ako dito kahit dapat pauwi na sana ako. Naghirap naman ako magaral, bakit naman hindi ko naman ienjoy bunga ng dugo at pawis ko. Gusto ko pa din bumalik, gusto ko pa din tumulong, pero kung di ko naman iisipin din sarili ko, eh wala rin. Papano ako makakatulong sa iba kung di ko matutulungan sarili ko.

 

Sana nga, makita ko ang mas magandang liderato sana satin. Yung tipo bang nangyari sa Singapore nung naging prime minister na si Lee Kuan Yu, o kaya yung nangyari sa Malaysia nung naupo na si Mahatir Muhammad. Alam kong hindi lang ito magdedepende sa presidente, pero kung meron tayong magandang pinuno na susundin at susuportahan para baguhin ang bansa natin at magbago din tayo, bakit naman hindi ako tataya sa sarili kong bayan?

 

Pero sa ngayon nakikita ko, yung susunod na presidente, iboboto lang ng masa dahil sayang yung libreng cake at pasine

Link to comment

^wais na mga bobotante ngayon ser, imbes na pakain, pera-pera na lang :ninja:

 

The thing is kahit malayo boboto pa din ako. Make it count kahit papano. Minsan nga sa maraming pilipino abroad ayaw na magparticipate sa absentee voting eh. Kasi wala din naman halos mangyayari. Yung mga botanteng gutom, squatter, at mangmang ang mas pinapahalagahan sa botohan kasi sila ang madaling mauto. Sayang lang yung pagparehistro mo sa embassy. Abala din naman yun sayo.

 

But on the other hand, at least kahit andito ako I am still doing my civic duties. That and paying for property taxes I left home

Link to comment

^ay, naalala ko yang absentee voting na yan nung nasa abroad ako. Hindi na rin ako bumoto kasi narealize ko useless din, biruin mo ser dami ngang ofw na boboto PERO pagsama-samahin mo man yung sa mga OAV kulang pa rin ang total count sa mga bumoto na nandito sa pinas so matatabunan din yung syo kaya wala rin.

 

Yes, every individual vote DOES count but it's the total that matters.

Link to comment

I do not want to give up on this Country kaso the way things are going, we are not progressing at all. I hate how things run in this country. We prioritize squatters and give them homes when they do not even contribute actively in paying taxes. I hate how traffic is being managed. I hate how the government operates, they always make you come back for your government issued documents such as NBI clearance, Drivers License, PRC License and ETC. Why do you have to keep on coming back if you could have settled everything during your first visit. Everyone is focused on easy money instead of working hard for it like in government offices where you have to pay extra for your request to be processed, taxi drivers asking for extra as if you we should thank them for taking the trip. I hate how most people choose their politicians, everyone should be focused on changing the current system and HOW they intend to facilitate change. However, most people dwell on popularity and experience even though they have not proven anything. Lastly, sa Pilipinas lang ata OA ang human rights eh, na yung mga biktima napapabayaan at mas nag eenjoy mga kriminal. Kung sino yung may ginagawang kalokohan sila pa yung matatapang tumakbo sa gobyerno. God Bless the Philippines!

Link to comment
  • 2 weeks later...

i have tried to live abroad. the places are awesome.. sa UK, mkikita mo mga Old places pati mga prehistoric.. pero nothing beats our home country.. iba kse and socialization satin.. sa Uk halos di lumalabas ng bahay.. pero mga pinoy laging mahilig makipag kwentuhan during slack time

Link to comment

kung hindi ka sociable, malungkot talaga sa abroad. Kung sociable ka naman sa Pinas normally magkaka friends ka din abroad.

 

if you're rich, mas ok dito sa pinas cuz you get away with a lot of things. If you're middle class, cyempre better abroad kasi higher paycheck at mas convenient at mas stable. Yun nga lang in most cases, you have to deal with a glass ceiling.

 

the Philippine won't give you a push up when you're down the rocks but the summit is open for you. Sa abroad, may staircase around the mountain but some spots in the summit is off limits.

Edited by kannon
Link to comment

same thing din pag hindi ka nag abroad pero yumaman ka dito sa pilipinas. Common na problema ng mga mayayaman ay madifferentiate sino talaga ang may gusto sa kanila, at sino ang pera lang ang gusto. Kaya yung mga may pera, kadalasan kapwa may pera din ang mga kaibigan at ang pinakakasalan. Kahit papaano wala yung thought na baka may habol lang ito.

Link to comment
  • 2 weeks later...

Nakakamis ang Pinas, sarap sanang mag for good na. Ang problema, di mo kikitain sa Pinas ang kinikita dito sa abroad. Unless you're willing to lower your standard of living and be contented with what you have. Or, mag negosyo ka pag uwi mo. At the age of 40's hirap nang makipag sabayan mag hanap ng magandang trabaho sa Pinas. Kaya pag bakasyon sulitin ang oras sa pamilya at pag bisita sa spakol. :)

Link to comment

Nakakamis ang Pinas, sarap sanang mag for good na. Ang problema, di mo kikitain sa Pinas ang kinikita dito sa abroad. Unless you're willing to lower your standard of living and be contented with what you have. Or, mag negosyo ka pag uwi mo. At the age of 40's hirap nang makipag sabayan mag hanap ng magandang trabaho sa Pinas. Kaya pag bakasyon sulitin ang oras sa pamilya at pag bisita sa spakol. :)

Ayos sa mga nillook forward sa paguwi ser ah.

Quality of living lng naman hanap natin lahat. Kung di sapat ang quality of life sa pinas, gora sa abroad. Nakakalungkot lang kse mas mahirap tlga umasenso sa pinas kung simpleng tao ka lng kagaya namin. Mapapaisip ka talaga magibang bansa. Pero parang marami talagang mgaabroad pag si binay ang manalo.

Link to comment

Ako din naman matagal ko ng pangarap na umuwi na lang sana pinas para dyan na lang ipractice yung profession na napili ko. Malapit pa ako sa pamilya ko. Sadly the industry does not even exist there. And in order for it to exist it has to have backing from the government. I bet it will require some legislation. But what can I expect kung classroom na nga lang hirap pa magpatayo gobyerno natin.

 

Madaming mga kagaya ko na nakapagaral dito, maganda sana training na nakuha, pero hindi naman makabalik ng pilipinas kasi wala naman trabaho na akma sa tinapos nya. Kung me PhD ka halimbawa on Biophysics anong industry sa pinas kukuha sayo? Kaya masisisi ba natin talaga ang brain drain? Bukod sa talagang walang trabaho sa pinas, wala rin talaga yung mismong industry.

 

Isa itong dahilan kung bakit nakakasawa na magabsentee vote. Una, ano lang ba yun boto namin kumpara sa boto ng masa. Kakainis sa masa, hindi naman nila ito naiisip eh. Ang naiisip nila sayang yung libreng viagra, libreng cake, libreng sine, etc. Hindi nila iniisip yung talagang ikakabuti ng buong bansa. At yung mismong gobyerno na dapat gumagawa ng paraan magkaroon employment opportunities para satin, eh mas gusto pa yatang magsiliparan tayo sa ibang bansa kasi, yung remittances na pinadadala ang nagsasalba ng ekonomiya ng Pilipinas kahit nakaw sila ng nakaw.

Link to comment

Ako din naman matagal ko ng pangarap na umuwi na lang sana pinas para dyan na lang ipractice yung profession na napili ko. Malapit pa ako sa pamilya ko. Sadly the industry does not even exist there. And in order for it to exist it has to have backing from the government. I bet it will require some legislation. But what can I expect kung classroom na nga lang hirap pa magpatayo gobyerno natin.

 

Madaming mga kagaya ko na nakapagaral dito, maganda sana training na nakuha, pero hindi naman makabalik ng pilipinas kasi wala naman trabaho na akma sa tinapos nya. Kung me PhD ka halimbawa on Biophysics anong industry sa pinas kukuha sayo? Kaya masisisi ba natin talaga ang brain drain? Bukod sa talagang walang trabaho sa pinas, wala rin talaga yung mismong industry.

 

Isa itong dahilan kung bakit nakakasawa na magabsentee vote. Una, ano lang ba yun boto namin kumpara sa boto ng masa. Kakainis sa masa, hindi naman nila ito naiisip eh. Ang naiisip nila sayang yung libreng viagra, libreng cake, libreng sine, etc. Hindi nila iniisip yung talagang ikakabuti ng buong bansa. At yung mismong gobyerno na dapat gumagawa ng paraan magkaroon employment opportunities para satin, eh mas gusto pa yatang magsiliparan tayo sa ibang bansa kasi, yung remittances na pinadadala ang nagsasalba ng ekonomiya ng Pilipinas kahit nakaw sila ng nakaw.

Nakakalungkot naman to ser. Sa hindi pagboto parang sinukuan nyo na yung idea na may pagasa pang mgbago. Mejo idealistic pa ko siguro. Baka pagtagal maging kasing jaded nyo na ko sir. Sangayon kse ko sa mga sinasabi nyo eh. Except dun sa hindi pagboto.
Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...