Jump to content

Would You Go After Someone Who is Taken?


Recommended Posts

Pano mo babawiin ung iniwanan mong mahal mo... now that he/she is committed?

 

MERGING THREAD PANO MO BABAWIIN UNG INIWAM MONG MAHAL MO... WITH ALL'S FAIR IN LOVE AND WAR (WOULD YOU GO AFTER SOMEONE WHO IS TAKEN) SINCE THE PREMISE OF THE TWO THREADS OVERLAP.

 

DO READ AND SCAN EXISTING THREADS BEFORE OPENING NEW ONES... THANK YOU.

Edited by Wyld
Link to comment

To each his own opinion but as for me, to each their own syota/spouse. Mea culpa 2x did I get involved with amarried woman was because they lied (Pwede din pala yon, pero di sila Pinay. Maybe something got lostin the translation, like "I have no husband" = "Husband is not here".) about their status.

 

Pero me mas nakakatawa na nagyari sa akin. At that time, it hurt like hell but later on & today, it's so funny.

 

My best friend/man at my proposed wedding ran off with my fiancee to HK & married there. Six years later, they separated because he was gay pala. :boo:

 

Maybe it was a good thing it happened. Baka me pagnanasa lang pala para sa akin yung gagong yun. :lol:

Link to comment

magka-blockmate kami noong 1st year college. hindi ko sya masyado pinapansin. pero nirereto ako ng isa kong kaklase na ligawan ko sya dahil isa sya sa mga magaganda sa klase namin. ewan ko ba bakit iba ang niligawan ko. kaya lang nabasted ako. sinisisi nga ako ng kaklase ko ba't iba ang niligawan ko.

 

balik tayo sa kanya. minsan, nakakasabayan ko sya umuwi. nililibre ko sya ng pamasahe. one time, tumawag sya sa bahay namin. gulat ako kasi di ko naman naibigay number ko sa kanya. nararamdaman ko na rin na maaaring may gusto sya akin.

 

okay, lumipas ang maraming araw na binalewala ko sya. after a year, lumipat ako ng ibang school. nagkita ulit kami sa isang mall. hiningi ko number nya. kaya lang hindi ko nagawang tawagan sya. hanggang sa nawala ko na ang number nya. lumipas ang ilang taon, nagkita ulit kami. nagkamustahan, pero di ko na yata nahingi ang number nya.

 

lumipas ang panahon, ilan babae na rin ang nakarelasyon ko, pero hindi naman nagtatagal. naaalala ko sya kahit di ko na maalala pangalan nya. minsan naikukwento ko sya sa kabarkada ko tungkol sa mga babaeng pinalampas ko. gusto ko sana magkita kami ulit.

 

pasakay ako sa loob ng fx nang bigla akong tinapik ng makakatabi ko. tuwang tuwa ako. akalain mo nga na nagkita kami ulit sa pangatlong pagkakataon. ililibre ko sana sya pero nauna syang nagbayad at ako tuloy ang nalibre nya. panay sya kwento tungkol sa trabaho at hiningi nya number ko kung sakaling kakailanganin ang tulong ko sa work nila. ako naman nag-iisip na eto na, hindi ko na ito pakakawalan. pero nung nagtanong sya kung meron na akong asawa, sabi ko wala pa. ako naman nagtanong. para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang sagot. may asawa na sya at 2 anak! parang may tumutusok sa puso ko tapos pinakita pa nya ang picture ng mga anak nya sa cellphone. hindi na tuloy ako maka-concentrate sa mga kinukwento nya. panay oo at konting reaction na lang ginagawa ko, tinatago ko na lang pangkalungkot ko. malapit na ako sa bababaan ko kaya nagpaalam na ako sa kanya.

 

base sa mga kwento nya, sya ang tipo kong babae na gusto ko mapangasawa.

pero huli na.

naiinis ako sa sarili ko!

 

nagsisi tuloy ako.

sana hindi ko sya binalewala.

sana sya na lang niligawan ko noon...

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...