Jump to content

How Do Filipinos View Balikbayans?


Recommended Posts

I am in the same boat as you and gree with many of your points. I keep quite whenever I come home, and do my own business without saying or doing anything that would be deemed showing off. Besides, I have to blend in so I can get the discounts in Greenhills hehehe! Got to work on my slang though :blush:

I so agree with you buddy. I also try to blend in when I'm in the Philippines. However, i try to focus more on my tagalog/filipino skills and try to hone my filipino accent when I speak it. I also try not to taglish. It's only when the person I'm talking to starts speaking in tagalog slangs (jologs) or really deep filipino that I blow my cover. It's pretty dangerous in my opinion to broadcast in the Philippines that I came from the States and brag about it. I try to hide that fact as much as possible. I also mostly hangout with my cousins and childhood friends because I don't see the dollar signs in their eyes. hehehe

Link to comment

I got the following from a friend who just decided to come back and restart life as a Filipino:

 

Tinagalog niya. Hindi ko na isasalin sa Ingles. Dahil wala na sigurong katuturan ang mga salitang ito na hindi marunong, o likas na hindi marunong, or nalimot and wikang Pilipino.

 

For those of you out there who can't understand Pilipino, well, hakuna matata, the message is not meant for you.

 

Pilipino at Pilipinas

 

Sabi MO , ang gobyerno natin ay palpak.

Sabi MO , ang mga batas natin ay sinauna.

Sabi MO , ang lokal na pamahalaan natin ay hindi maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.

Sabi MO , hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.

Sabi MO , parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.

Sabi Mo , sabi MO, sabi MO.

 

E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?

 

Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore .

Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO.

Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO.

Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo..

 

Sa Singapore Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye.

Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass.

Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi.

Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant.

Sa Singapore , wala KAng sinasabi, meron ba?

 

Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai .

Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa Jeddah.

Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.

Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo kung sino ako?"

 

Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo ?

Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?

 

Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.

 

IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.

 

IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.

 

Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa Pilipinas?

 

Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi nyang:

 

"Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye. Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing makakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?"

 

Sa America , bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang pagdumi ng aso.

Ganuon din sa Japan .

Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.

 

Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad.

Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.

 

Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.

 

Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.

 

Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating pamilya nuong narito pa tayo.

 

Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.

 

Ang sabi natin:

 

"Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang magpapabago sa aking pamilya?"

 

E sino ang magbabago ng sistema?

 

Ano ba ang mga sankap ng sistema?

 

Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan.

 

Pero hindi kasama IKAW at AKO.

 

Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid na mga himala.

 

O lumilikas tayo.

 

Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang sistema.

Pero pag nagging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o Hongkong.

Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan.

Pag may digmaan sa Gulf, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong Pilipino.

 

Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa.

 

Walang nag-iisip na handugan ang sistema.

Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera.

Mga mahal kong kababayan, ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa konsyensya.

Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang mga salita ni John F.Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino:

 

"Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang kanlurang bansa ngayon."

 

Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin.

Edited by boomouse
Link to comment
  • 2 weeks later...
  • 2 weeks later...

Share ko lang itong mga posts ko dun sa thread na "OFWS - Heroes or Deserters?" I replied to a poster who aired his views of people who go abroad to seek greener pastures.

 

What do you call a soldier who joins the ranks of another army because they are stronger?

 

In the movie 300, the 300 spartans of Leonides saw that they were on the shorter end of the straw, but did they kneel to the Persians? What did they call the humpback who joined the persians?

 

What I hate the most are some people like those who now reside abroad and then when they come back here complain the loudest and compare the Philippines with wherever they now reside. If there is one thing that these people lack, is their Love for their country. In the past people would consider it an honor to serve and die for their country, these people are adopting the same stance that the Illustrados did when they bowed to their Spanish masters just to be able to live richly.

 

Yes we cannot stop people from pursuing jobs somewhere else, but its good for the country too, since what our country needs is lesser people and not more. We are overpopulated and that is one of the reasons why its taking some time for our country to progress.

 

Where are our Loyalties? You may say you love your country even if you live abroad, but it is those people who are doing their best and working their asses off in the motherland that are the true 'HEROES'.

 

Alam ko pera pera lang yan para sa ibang tao, and beggars cannot be choosy. But some people, pera lang ang motivation, which is wrong. Our society is affected by the materialism of American culture and that is something that we have to change within us.

 

Bro, kapag me pamilya ka'ng binubuhay, bukod sa magulang at mga kapatid na nagsisikap naman nang husto pero dahil sa hirap sa atin ay talagang mabagal ang pag-asenso, mag-iisip ka din. Kapag ikaw ba binigyan ng pagkakataon makapag-abroad kung saan mas maayos ang sahod at ang mga benepisyo na kalakip nito ay higit pa sa inaashan mo na magagawa mo'ng ibahagi din sa mga kinakapos mo'ng kapamilya, hindi mo ba pag-iisipang mabuti? Sa halip na magmukmok ka diyan at pintasan ang mga kababayan mo na pumupunta sa ibayong dagat (bagamat me punto ka na hindi iilan sa kanila ang medyo lumalaki ang ulo dahil lang sa mas malaki na sahod nila ngayon kesa noon -- ang masasabi ko sa kanila ay porke't nakatuntong lang sa kalabaw eh akala nila mas mataas na sila sa kalabaw) eh mas mabuti pa'ng gawin mo ang lahat ng magagawa mo para maiangat nang konti ang iyong bahagi sa ating bansa. At kami naman na nandito sa ibayong dagat ay magpapatuloy din naman sa aming pagsisikap na iangat din sa aming paraan ang aming maliit na bahagi sa ating bansa. Kung naaalala mo ang tinatawag nating bayanihan na nalalarawan sa pamamagitan ng isang pangkat ng mga kalalakihan na nagtutulong-tulong ilipat ang isang bahay-kubo, gayundin ang ating ginagawa. Bagamat nasa ibang bansa kami at kayo naman ay nandyan, pinagtutulung-tulungan pa rin nating dalhin ang ating bansa patungo sa pag-unlad.

 

Patungkol naman sa iyong ibinigay na halimbawa -- ang mga Spartan -- sa palagay ko'y hindi mo maaring itulad ito sa mga kababayan mo'ng nangibang-bansa. Unang-una, hindi naman kami umalis para ipagkanulo ang Pilipinas -- umalis kami para mapagbuti namin ang buhay ng pamilya namin. Ikalawa, hindi naman kami naglilingkod sa mga bansang nakikipag-away sa Pilipinas -- me kaaway ba tayo? At ikatlo, ang paghahalintulad mo ng mga ilustrado sa amin ay hindi ko tinatanggap sapagkat kahit me nakikita kaming mga kapintasan sa ating bansa (tulad ng pag-iisip-talangka), ito ay dahil sa nakaranas kami ng ginhawa dito at nais din sana namin na makita ang ganitong uri ng kaginhawaan sa atin (halimbawa, maayos na pamamalakad ng pamahalaan, mga buwis na hindi napupunta sa bulsa ng mga opisyales na halang ang kaluluwa at sa halilp ay ginagamit para sa kapakanan ng mga mamamayan, disiplina sa trapiko, atbp).

 

Isa pa'ng nais ko'ng idagdag ay ito: may mga ilustrado na walang ginawa upang iangat ang kalagayan ng kanilang mga naghihirap na kababayan. Sa halip ay nakipagsabwatan pa sila sa mga dayuhang mananakop upang supilin ang naglalagablab na pagnanais ng mga mamayan na maging malaya. Ang mga Pilipinong nasa ibang bansa ay naglilingkod sa mga dayuhan upang makatulong sa pag-angat at pag-unlad ng kanilang maliit na bahagi ng ating lipunan. At hindi kami nakikipagsabwatan upang supilin nila ang Pilipinas. Mas malala pa nga 'yung mga nakaupo sa kapangyarihan na inaabuso ang ipinagkatiwala sa kanilang posisyon at sa halip na iangat nila ang buhay ng kanilang mga "pinaglilingkuran" ay sarili nila ang pinaglulustayan ng salapi mula sa pambansang kabang-yaman.

 

Nais ko lang idagdag ito'ng bahagi ng ulat ng Asian Development Bank na inilathala ni Ginoong Amando Doronilla, isang kolumnista sa Philippine Daily Inquirer:

 

The Philippine economy is expected to expand by 5.4 percent this year and 5.7 in 2008. The report said the economic expansion in the next two years would continue to be driven by the steady flow of cash remittances from Filipino overseas workers, which last year hit a record of $12.8 billion and helped push overall growth to 5.4 percent.

 

Totoo ang sinabi nina Creepo at Teryus: karamihan sa mga kababayan natin ang nagtitiis ng matinding lungkot at hirap sa ibayong dagat para maiangat ang kanilang mga pamilya sa hirap ng buhay. Napapansin ko na tuwing lilipad na ang eroplanong maghahatid sa akin sa aking destinasyon, nababahid sa mukha ng karamihan sa mga kasabay ko'ng mga kababayan natin ang kalungkutan -- sapagkat ang mahiwalay sa iyong mga mahal sa buhay ay isang sakripisyo na hindi madaling gawin. Hindi nating maikakaila na kasalukuyan tayong nabubuhay sa isang lipunan na kung saan ang mayaman ay patuloy na yumayaman at ang mahirap ay patuloy na lumulubog sa kumunoy ng kahirapan.

 

Kung ang pagmamayabang naman ng ilan ang pag-uusapan, ito ang aking sapantaha: kaya din siguro may mga ilang mga OFWs na medyo nagyayabang kapag nakakauwi sa atin ay dahil kapag nasa ibang bansa sila, minamaliit sila ng mga employer nila (na sa maraming pagkakataon ay mas nalamangan pa nila kapag ang pinag-usapan ay ang naabot na antas ng pinag-aralan). Ikaw ba naman ang halos minamaliit lagi tapos minsan-minsan ka lang umuwi sa bansa, magpapamaliit ka pa rin? Lahat naman ay may karapatang ma-enjoy ang mga bunga ng kanilang pinagpaguran, di ba? Sa palagay ko nama'y walang batas na nagpapabawal nito. Lalupa't kung ang salaping ginagamit nila ay nagmula sa malinis (bagamat mahirap) na paraan, at hindi sa pangungurakot ng salapi ng bayan at pandaraya para lang manatili sa kapangyarihan.

Link to comment
  • 1 month later...

Bakit pala pag pinoy galing ng america eh pag nag-english iba na yung accent.... :D

 

Pero pag japanese, chinese, korean galing ng america eh yung accent nila hindi naman na-bago......

 

Meron daw kwento.....Pati raw Amerkano pag kausap pinoy sa states hindi na daw maintindihan kasi pati accent exaggerated na..... :upside:

Edited by edc
Link to comment

i don't mean to generalize, pero i do get disappointed sa ibang mga laking pinas na nabigyan ng opportunity to migrate somewhere abroad, tapos pagbalik dito akala mo kung sino nang mas mataas kesa kahit kanino, or yung mga nag-iinarte na sa downsides ng pagtira sa pinas na akala mo di pa nya naranasan yun sa life nya. naaamaze pa nga ako sa mga iba na laking states talaga or sa mga bata pa nagmigrate kasi mas may breeding at mas humble pa sila and mas marunong makihalubilo.

 

as i said, i don't mean to generalize, pero this is what i've been noticing eh...

Link to comment
  • 2 weeks later...
  • 2 weeks later...
It's quite disturbing reading through some of the posts. *sigh*

 

All I can say is... don't generalize all balikbayans as if you know them personally. Not unless they do something horrible to you, leave 'em be. Just laugh it off whenever you hear them talk with a very bad "twang". Yes, some of them act up as if they've got all the riches in the world... who 'effin cares? Mind your own business. Some of them may show off all of what they have... just shrug it off. I'm for sure they'll eventually run out of things to show off. So, who's got the last laugh now right?

 

I've been going back to Manila at least once a year either on vacation or on business trip. And had quite a few encounters with people from the airport literally "asking" for money or goods. I just smirk at them and leave. So, should I think and generalize that all of NAIA employees are like that? Of course not.

 

Balikbayans has their own individual reasons/causes why they act such way. It's not you who are feeding them... are you? So, who gives a sh*t why they're like mayabang and all? It is those pakealamera people who needs to figure out what to do with their lives... to make it better.

 

we all live differently so stop being too judgmental.

 

peace. :D

 

I totally agree with you. This thread makes me sad in that people from the same country are deviating away from each other instead of uniting. We all have different attitudes and choices that we have made in our lives. Whether to stay in their own country or go somewhere else for a better opportunity. When white americans go to europe to return to their true mother land how come the european locals welcome them with open arms? Albeit there are white americans that may seem arrogant or obnoxious because they are not accustomed to european ways. From the previous posts why do Philippine locals welcome balikbayans with open arms and hands with the palm side up waiting for pasalubong? I'm happy to say that whenever I go home my relatives never greet me with their hands out but with open arms and a big smile on their face to welcome me back. When I go home I try to blend in with my people but there are habits that are hard to stop within the 2-4 weeks that I am home. I don't know the exact terminology but I'll call it culture shock. Let's say one of you city people go to the province to visit. Don't you get looked at funny or get treated a certain way? Don't you look at the locals in a certain way too? After a city person spends sometime in the province they get accustomed to their surroundings and pick up local habits. This is what happens to balikbayans that pick up habits abroad. If balikbayans come back to the Philippines with a big ego, start flaunting their money and looking at you funny these people are what I call balikyabang and they are easy to overlook. But if they start insulting you directly, ordering you to do things or physically assaulting you then by all means beat their as$ to a pulp.

 

Peace mga kababayan ko.

Link to comment
  • 4 weeks later...

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...