Jump to content

Edmund Dantes

[12] EXALTED
  • Posts

    3645
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    10

Posts posted by Edmund Dantes

  1.  

    Afterwards, as the guest leaves the premises, all smitten and glowing with genuine happiness that they got from their regular encounter, the theras and spa owners are practically laughing their a$$ off on their way to the bank. :P

     

    All in a day's work.

     

    tapos yung guest naman, diretso na post dito. 3 lang naman katuturan ng pwede maging post,

     

    1. Hingi ng validation dito sa mga kapwa parokyano

    2. Ipagmalaki na "he the maaaahhhn"

    3. Ipagtanggol ang mga babae sa ganitong industrya laban satin na ayaw magbigay ng number 1.

  2. Switching Costs

     

    Switching costs are costs incurred by consumers both explicit and implicit whenever they switch from their regular products or brands to adifferent one like paying more and getting dandruff when changing shampoo.

     

    Reverse psychology is very effective bro as explained by sir Edmund Dantes. I myself used it a couple of times with former gfs.

     

    However the effectiveness of reverse psychology on your thera depends on the intensity, extensity and velocity of the switching cots you have built in her.

     

    For example, kung nag titip ka ng 3000 sa HJ at 3 to 4 times ka dumalaw isang linggo at may dala ka pa pagkain everytime o nakapag regalo ka ng alahas, relo, pabango o mamahaling pantalon like A/X, then hanep sumipa ang reverse psychology sa thera mo. Pero kung kinsenas ka lang dumalaw at 1k lang abot mo sa B2B with groping and make out ES sa aking palagay di ka kawalan sa isang mabentang super gfe thera.

     

    The reason why I an telling you this is that your objective of doing reverse psychology is not that you want to prove to her that she did the wrong thing in giving you the cold treatment.

     

    The reason for walking away is for yourself. That she is not worth it.

     

    Love yourself first bro.

     

     

    I brought up reverse psychology, not because I think its a good idea to get this thera he is infatuated with change her mind. Its to get him to save his dignity as a dude. The last thing Id want is aabot sa punto na sya pa magmamakaawa sa babae to give her closure man lang or makipagbalikan pa. And like..... uh.... why? Whats so special about her? Kung ikaw di nya naiisip bat mo pa sya iisipin?

     

    Instead of chasing after her, leave her be and call her bluff. Kung di na sya bumalik, eh di fine, life goes on. Bakit naman hindi mo itutuloy buhay mo dahil lang sa babaeng ito? Sobra naman hawak nya sa psyche mo. Kung magwork yung reverse psych at ikaw naman itong habulin nya, then that puts you in control in this emotional manipulation game. Nga lang, huwag mo masyado seseryosohin mga paglambing sayo. Mamaya uutangan ka lang naman pala

  3.  

    ^ This.

     

    Plus, those who fall for theras are essentially those who can't get a girl on their own.

     

    Masakit itong pakinggan pero may bahid ng katotohanan. Ako through and through I try to be prudent. Malamang maraming mapipikon dito, pero try to understand it objectively. Ako matagal ko ng sinasabi na ang taong napakadali mainlove ay kulang na kulang sa emotional maturity. If marami ka ng naging GF at di ka natututo kahit sa ganito maiinlove ka ng mabilis, eh isa lang ibig sabihin nyan. Talagang di ka nagtatanda. Sorry sa mga GM, paminsan minsan kelangan lunukin ang mapait na gamot para gumaling.

     

     

    Losers talaga ang mga ganyan. The Biggest Losers are the KISA defenders of the theras. Favorite line ng mga "yan: Babae din naman sila. HUHUHU. Kahit sino namang may pepe at dede babae kaya tama din naman. May utak pa rin naman. Pero kung shareware ang pepe at dede mamahalin mo pa rin ba? BWAHAHAHA

    Isama mo pa dyan, wala kasing ibang diversion kundi ang MP, SPA, at KTV. Madami pa dito gusto magmalaki na matagal na sila sa industriya, “veteran” na daw sila. And I am like, if you have that much resources, bakit mo naman lagi ito sasayangin sa bisyo? There are other manly hobbies out there to enjoy. Learn combat sports, join a marathon or a triathlon wag puro bisyo lagi.

     

    Isa pa ang mga tao kasi na laging alipin na lang ng puson at emosyon, laging may maiisip na mapapalabok na salita tulad nyan. Merong pang “it takes someone who truly understand from the heart..” Anak ng put@tsing o! Saang mills and boons novel ba napulot yan? Lol. You only feel with your heart, but its your mind that should do the understanding.

     

     

    Blind lang, hindi stupid.

     

    Best!

     

    Lagi ko sinasabi, kahit sino naman ulol pwede mainlove. Pero it takes maturity and intelligence to start a good relationship that becomes rewarding and successful.

  4. Ang totooong sanhi ng traffic sa kamaynilahan ay dami ng tao. Hangang dagsa ng dagsa tao sa maynila, wala gaano magiging epekto ang mga traffic scheme, road widening, at kahit pa pagpapaganda ng rail system. Lampas na ang maynila sa tinatawag na "Carrying Capacity". Nung minsang umuwi ako, laking gulat ko na sa magallanes MRT station pa lang, sobrang haba na ng pila. Mga mahigit isa o dalawang kilometro. Dati din akong sumasakay ng MRT, hindi naman ganyan kahaba pila sa isang station. Bukod pa dyan, kita ko yung train halos nakangudngud na mga mukha ng mga tao sa salamin. Sabi sakin ng taxi driver "naku sir, wala pa yan, maiksi pa yang pila na yan kung tutuusin". Ibig sabihin dami talaga ng dami ang taong gusto pumirmi sa maynila.

     

    Sino bang nakatira sa manila ngayon ang hindi taga probinsya dati? At nagdadagsaan sila dun kasi syempre andun ang trabaho. Andun ang pinakamalalaking kumpanya na mapapasukan. Andun din pinakamagagandang eskwelahan. Sino bang tao ang di maghahangad makakuha ng pinakamagandang oportunidad para sa kanya.

     

    Ang totoong lasting solution sa traffic problem ay pagpapaunlad ng mga probinsya. Dalhin dyan mga malalking negosyo. Gawing competitive mga universities dun lalong lalo na kung pagmamayari ng gobyrerno. Ayusin din ang mga ospital natin dun. Dapat yung standards pareho lang sa NCR. Ang totoong sagabal lang naman sa pagunlad ng mga probinsya ay ang mga political families na kelangan may malaking kickback mula sa mga gusto magpasok ng malalaking negosyo, at ang mga NPA na talagang pineperwisyo mga negosyante

  5. LOL. Media is so shallow.

     

    Hindi na nga sila marunong magpriority ng ibabalita eh. Mas nauuna pang binabalita at binibigyang importansya ang kababawan kesa yung impormasyon na kelangan malaman ng masa. Its all about sensationalism na lang parati. Habang buong mundo pinaguusapan ang epekto sa pandaigdigang ekonomiya ng pag launch ng north korea ng misle nila, tayo ano pinaguusapan natin? Hiwalayang Kris at James! Pagreretiro ni Kris sa showbiz na di naman tinuloy.

     

    Pag panalo si Pacquiao sa laban, puros yun na lang yung binabalita. Para sakin, sa sports section lang dapat ihighlight yung laban ni Pacquiao. May ibang impormasyon o balita na mas dapat pagusapan. At kelangan pa ba ifeature sa TV patrol yung bago nyang yate, yung bagong boyfriend ni Mommy Dionisia? O yung isang FilAm na panalo sa isang singing contest? Yung bag collection ni Kris Aquino?

     

    I miss the time when buhay pa sina kiko evangelista at may portion ng TV patrol na lahat ng anchors magbibigay ng MATALINONG commentary tungkol sa mga pressing issues natin.

     

     

    We need to revive this to uplift the masses. Too bad the networks are more concerned with profit than uplifting the masses. Seems corporate social responsibility is not a priority with the networks.

     

    Tama! We need to promote progressive attitude sa masa. Nung highschool ako sumikat yung slogan na "Ayoko maging dukha!". Ngayon parang gusto pa yata ng media na akapin na lang nila pagiging dukha nila. Na isiping biktima na lang sila lagi. Na ang sulusyon sa problema nila, ay sumali sila sa mga pacontest kung saan mananalo sila ng 1 million.

     

    Sabi ko nga, sana may gumawa ng documentary about the aftermath of winning a million or two sa mga naging contest sa TV. Lalong lalo na sa wowowee o laban o bawi. Pupusta ako ng isang buwang sweldo ko, karamihan sa kanila mahirap pa din. Kahit ba sabihing pangkabuhayan showcase binigay mo, marunong ba yan sila talaga magpatakbo ng maliit na negosyo man lang?

    • Like (+1) 1
  6. Sir hooplos, I feel for you. I may not completely know how you feel right now but I assure you, I understand what you are undergoing through, I have been there.

     

    First off, your thera may have made you feel liked, desired, wanted or even loved. But as a gm who has been in this industry longer than you, what I have to say is that theras do that to their custoumers many times in a day. That is what gfe is all about. They play the role of your gf for the one hour you are with them. One thera put it this way, she is a "gf for hire". If you have known your thera for less than a year, like a month, chances are, in the maximum, she just likes you as a guest.

     

    Secondly, closures are for people that were into intimate relationships. You had none with your thera. The relationship was just contractual. The closure that you were referring to is not a real closure, as it will never be. What assurance do you have that she will not lie about the real reason for her cold treatment to you? Worse, what reason do you have that she wants to talk to you about it or even worst, that she wants to talk to you at all? What if she answers with "ewan ko sa iyo" or "wala kang pakialam"? Suppose she tells you the real reason, can you handle it? Woudl you not persuade her to change her mind? Would you have the self-respect to keep your dignity in front of your thera and not humiliate yourself?

     

    Thirdly, from my personal knowledge, theras who would give cold treatment on a repeat call do it for severall reasons to wit:

    1. She thinks you are falling for her and you are at the frontier of crossing the guest-thera relationshp. If this is the case bro, count it all joy! Di ka pinapaasa, pinasasakay, ginagatasan, hinuhuthutan! Your thera cares for your welfare. Sabi nung isa kong thera dati "sir wag kang maiinlove sa akin, di mo na ako makukuha ulit." She may also have a bf. Having you in the picture just may complicate things for her. Your tip is not worth the trouble of keeping you.

    2. She may not really like you as a guest. You may not be a generous tipper by her standards, your tool leaks or smells, or she may not really like what you are doing on her like too much groping, too much kissing etc and you demands constitute costs that are greater than the perceived benefits of having you as a guest.

     

    Finally brother, learn from and heed the collective wisdom of the mtc gents that are giving you counsel. Whether you can move forward or not does not depend on your thera's explanation whether it is true or a lie or if she ever gives you an explanation at all. It depends on you. It depends on who you think you are, what she is, and the relationship that you had.

     

    In the end, we are free to choose what we want to do. But we are not free to choose its consequences.

     

    I wish you well dear brother.

     

     

    Yep tama ito. Sabi nga ni tupac, you can try to put the pieces together, think back and forth, or you can just leave it be and move the f*ck on. Bat mo pa kelangan ng validation sa taong ito? Kung ayaw nya eh huwag nya. Actually its through behaving like this pa nga minsan bigla mo nahahatak yung babae. Its reverse psychology. But seriously? Just move on from this. The answers to your questions may not be as important as you think it may be

  7. LOL walang gusto sa iyo thera mo trabaho lang bro. Yung mali mo is you mistook the GFE for something more. It happens. Balik ka nalang and sabihin mo naiintindihan mo na trabaho lang pala tapos avail her services kung gusto mo pa wag yung closure. pang mga nagkarelasyon lang yun tulad ng bf/gf.

     

    Yeah ito ang simplest explanation dyan. Nabitag at nahumaling ka masyado. Sabi ko nga, maybe you should be thankful na at least di ka na masyado pinapaasa at pinapaikotikot.

     

    Sometimes I have moments of clarity. Like "Why am I making a big deal out of her?", of course sometimes I realize the situation I'm in and how funny it is from another persons point of view. I know I'm in denial, mostly when I'm not doing anything, right now I'm at work so I can say I am distracted from the thought of her. so far after the cold treatment I have been able to stop myself from contacting her. I'm going to give myself time and space to think about this if it's real or not. I won't beg for her approval, I promise. I believe when it's time she and I should talk again, we can speak like adults.

     

    Man that feeling will pass sa totoo lang. In time, you wont even have the urge na kauusapin pa sya. Kaya nga tinatanong ko sayo, kung kakausapin mo ba sya, are you certain na you will absolutely not try to convince her to change your mind? This is a recipe for hurting your pride. And sa lalake, its better to hurt your wallet than your pride.

     

    Eto pa, iniisip mo sya lagi, eh ikaw iniisip ka ba nya? Ang punto ko, kung wala na syang pakialam sayo, wala ka na din dapat pakialam sa kanya. Huwag mo na isipin naiisip nya kung di na nya naman iniisip din sasabihin mo

  8. I just want to know what I did wrong, that kind of closure She never did tell me specifically what I did wrong, just gave me the cold treatment out of nowhere. Kahit san naman, flesh industry or not, magtataka ka talaga kung bakit bigla ka na lang binigyan ng cold treatment ng walang dahilan. I can't handle that kind of paranoia.

     

    Ang tanong, if she does tell you the reason why, are you willing to accept it? Regardless kung valid or not yung reason sa tingin mo? If you are, then go right ahead and give her a call. Pero kung may chance na sa ngayon magmamakaawa ka na baguhin nya isip nya. Huwag na lang man. Trust me its not worth it. Mas dapat nga pakita mo sa kanya na kaya mo wala sya. You have no idea how reverse psychology works wonders

  9. True, true. But we are all different and each and every one of us have different psychological backgrounds. I need my closure, and that's all I need to get over it. I won't be able to if I don't do this. Just last night I couldn't sleep, but I can still handle it until I get it done with.

     

    I agree with this point, kaya nga sabi ko sayo di ba? Lahat ng babaeng papasok sa buhay mo, magbibigay sayo ng isang emotional reward na di mo mahahanap sa iba. So that is saying every woman is special. But that does not mean they are indispensable. Or you could not be happy or happier for that matter with someone else.

     

    As for closure.... well eto lang naman yan parekoy. Anong closure ba kelangan mo? Na maging malinaw sa inyong dalawa na tapos na? To say your goodbyes? To ask if you can still work a friendship? Wala naman masama sa paghingi ng closure maliban na lang if its about asking the last one. lol. More importantly, sigurado ka ba sa sarili mo na closure ang gusto mo? At hindi yung opportunity na magbago pa sana isip nya? Cuz if its the later, then Id caution you about it. Better palipasin mo muna yan.

  10. I really don't know. Maybe it is best for both of us. But I need closure and finality. I have never felt this happy with anyone before "GFE" be damned it was the best I've ever experienced real or not.

     

    Dude, if you have been in and out of several relationships, you should realize that every woman who comes in your life is special in a way no one else will. At the time either nasabi mo din, o kaya naisip man lang kahit saglit na hindi mo naramdaman sa iba ang naramdaman mo nung kasama mo sila sa panahon na yun. Then time passes, you meet someone, gives you something na di mo din nahanap sa iba and the cycle begins a new. What Im trying to say is, she is special more of because you want her to be special. Sabi nga, para yang there are many many pebbles in the sand, the one you pick becomes special because of your interaction towards it. If you interacted in the same way with any other pebble in that sand, youd also say the same thing. Nobody is indispensable man. The sooner you accept that, the sooner you find closure.

  11.  

     

    This is a very good example. What a waste.

     

    Does this mean that more Filipinos care about Kris's child rather than something world changing?

     

     

    Sa journalism elective subject namin noon, ang sabi "A man being bitten by a dog is not news. It happens everyday. A man biting a dog, now that the news".

     

    Sana nga si Bimby na lang yung kumagat kay Prada, baka naging interesado pa ako

  12. Correct ka dyan Sir Edmund, parang WWE wrestling lang yan, minsan pwede kang bida gusto ka ng mga fans then pag sinabi kontrabida na, galit na lahat ng fans sayo dahil yun ang portrayal na gusto nila,

     

    :D :D :D If the price is right, why not. Most especially if the temptation to accept the lucrative offer is high. Magandang Gabi mga Bayaran!!! Huwag na po sana sila magmalinis sa harap ng mga audience. :lol:

     

    Kaya nga, kahit siguro ang mga ampatuan, kayang kaya ibida ng kapamilya TV.

     

    Kontrolado ng mass media ang public opinion. Naaalala nyo ba nung lumabas sa MMK yung love story ni Ninoy at Cory? Si Piolo at Bea pa gumanap. Abay tignan mo naman, literally pinagwapo at pinaganda ang mga aquino sa masa. Timing naman na the same year, nadeklara ng kandidatura itong si Ngoyngoy.

     

    On the other hand, dahil bitter masyado ang mga Lopez sa mga Marcos, sobra naman kung idemonize nila ang buong legacy nya. Parang talo pa si stalin o si Hitler sa pagiging walanghiya. Sa documentary na batas militar (syempre produced by ABS-CBN), hindi man lang binanggit na totoo naman nung mga buwan leading up sa declaration ng martial law, nagspread ang threat ng communism mula China sa buong karatig na asian na bansa.

     

    remember media is a mirror because it's a commercial enterprise, money drives media, and money comes from the number of viewers/readers etc.

     

    in essence media only shows what the public wants to see. shows are stupid because the public wants stupid.

     

    The way I see it, the media is so powerful, if it wanted to they can elevate the taste of the public. The public does not have any power nor resources to popularize a fad or a craze. I remember in my teens we had better quality of programming. We had intelligent sitcoms. English sitcoms were being aired and appreciated. In the last decade we imported foreign quiz shows like the weakest link and who wants to be a millionaire which the general public enjoyed.

     

    This recent years however, the game keeps changing. Its all about winning the war for ratings and raking in more advertisers and sponsors. Ruse the masses to buy or spend for bullsh!t they don't need. Convince them that sending a text vote for a PBB housemate is an act of patriotism. Sell them false hopes of becoming instant millionaires. Who cares if we keep declining as an intelligent society. The masses are always more useful desperate and ignorant.

     

    Can anyone take its usefulness or advantages naman so we can come up with a 'pros and cons' discussion? :rolleyes:

     

    Nung kapanahunan ko, nagkaroon kami ng class memorial na television set per classroom. Para makanood mga elementary students ng sineeskwela mga bandang recess. Eto mga programang nakagisnan ko nung binatilyo ako na matitino.

     

    1. Batibot, Pinpin, Awit titik Bilang at iba pa - our local sesame street. Promoted a lot of positive Filipino values sa mga bata

    2. Bayani, Hiraya manawari, Sineskwela- Educational, natuto ng science at history mga bata

    3. Abangan ang Susonod na kabanata- Very clever satire and commentary about pinoy lifestyle. Kahit patawa, madaming insights naman ang napupulot. There was always one character there from class A to E who was relatable.

    4. Magandang Gabi bayan, the inside story, probe team- Insightful documentaries na di naman laging napapalabas kung kelan lahat tulog na. To be fair meron naman tayo nyan noon.

    5. Mga noontime shows na tagisan talaga ng talent at katuwaan lang ang papremyo hindi yung tulad ngayon na selling false hopes of becoming instant milyonaryos

    6. Talk Shows na kapupulutan ng kaalaman

    7. Agrisiete at Negosyete na matagal ding umere at talagang nakakapagbigay ng livelihood skills sa mga manonood.

     

     

    Basta marami pa.

     

    Ang punto ko, 2 decades ago, our programming had variety. Kapupulutan mo ng totoong values at karunungan. Di tulad ngayon na para bang sinasadya talaga ng media pabobohin na lamang tayo

    • Like (+1) 1
  13. The media can basically decide who the heroes and the villains are. Its so powerful, even the worst douchebags can be darling to the masses. Madaming beses na natin ito nakita. Ang galing talaga pag kakampi mo media. Cases in point

     

    Kris Aquino Vs. Joey Marquez. Normally, ang babaeng pumapatol sa may asawa gusto pukulin ng bato ng masa. Pero sa kaso ni Kris, buong pilipinas nakisimpatya sa kanya. ABS-CBN went as far as soliciting inspirational messages to all their kapamilya stars. Ultimo mga alagad ng simbahan at mga pulitiko nakisimpatya din at habang umiiyak sya sa harap ng camera, daming bulaklak na regalo na palibot kay Kris. Iba nga naman pag anak ka na nga ng presidente, may utang na loob pa yung media station sa nanay mo.

     

    Vhong Navarro. Anybody with a little bit of common sense should know na malayo si Vhong sa maamong kordero na gusto ipalabas ng kapamilya network. Ang hirap naman paniwalaan na dahil lang sa pera mabubugbug ka ng ganyan. Lalo pa kung yung nambugbug sayo, eh kayang kaya magpatalo ng 2 million sa Casino isang gabi. Isa pa, di ba sa bibig na din ng kumag na ito nanggaling na niloloko nya GF nya, at minanyak nya si Deniece? Pero nakuha pa din ni Vhong kiliti ng masa. Eh pano ba naman, habang iniinterview ni tito Boy sa ospital, may malungkot pang background music na tumutugtug. Tapos sabay montage pa ng kapamilya stars ng nakasuot na t-shirt nga "justice for vhong". O pano na yan? Aba'y kahit Justice Secretary na gusto maging senador sisipsip pa sayo lalo. San ka makakakita mismong justice secretary nakikialam sa paglilitis ng kaso.

  14. I agree na mahirap banggain ang mga political families, but being the Governor of Bicol, pwede naman niya pahimasukan what is good to all his towns.

     

    My friend is one of Maam Leni's Lawyers sa mga kaso nya kay Villafuerte. Talagang through and through panay panay ang demanda ng matandang Villafuerte sa mga robredo. Ultimo appointment nya pagkaDILG sec hinarang pa. Karamihan sa mga demanda, puros wala naman katuturan. Like he is trying to argue na chinese citizen daw si Jess dahil may chinese heritage sya lol. Anyway, ang kwento ng friend ko nung last nagkita kami, yung mga tao ni Villafuerte tatakutin ka talaga. Sa court room, harapharapan ka nilang kukunan ng picture. As if hey are saying na "tatandaan ka namin". Tapos mga ilang araw din laging may nakabantay sa harapan nila.

     

    Another thing about the Villafuertes, yung mag-amang luis at LRay (Na nagmana ng kanyang pwesto sa kapitolyo) ngayon magkatunggali. Nagmumurahan silang dalawa. Parang 2 galising aso na nagpapatayan sa kapirasong buto kung mag-agawan sila sa pwesto. Tignan mo nga naman yan. What is it about power that turns men into hideous monsters?

     

    Talagang political families lang (na ironically may mga negosyo din sa maynila) ang umaasenso sa probinsya. Isipin natin ito. Papano dadagsa ang negosyo sa mga probinsya kung ni walang maayos na konkretong kalsada? Kung ikaw probinsyano, ano magiging asenso mo kung yung lugar mo ni walang patubig? So natural yung mga anak mo gusto mong pumunta sa ibang lugar makapagaral man lang o makakuha ng maayos ayos na pagkakakitaan.

     

    Ito ang isa pang problema sa probinsya. Ang mga put@ng in@ng NPA na yan! Sino ang magkakainteres na magnegosyo sa isang lugar na ni cell site di makapagpatayo? Kahit na nga mga bus operators pineperwisyo pa. Minsan nga, pag walang wala na mapagdelehensyahan ang mga hayop na ito, pati mga maliliit na hardware, grocery o kahit pa mga may pwesto sa local market pineperwisyo nila

  15. Try this for size

     

    http://entertainment.inquirer.net/160664/dog-bites-kris-aquino-son-bimby

     

    Grabe! This is soooooooooooo news worthy. It deserves everyone's attention great job local media.

     

     

    I remember nung time na north Korea threatened to launch one of its Missile and start a nuclear war, the whole world was worried, CNN kept talking about it, at ang local TV patrol natin? Kalahati ng airtime nila sinayang lang sa interview kay Kris Aquino tungkol sa hiwalayan nila ni James Yap. Right tama yan. Ito ang impormasyon na mas kelangan ng masa

  16. Ayaw maging responsable. Puros palusot.

     

    Umuwi ako minsan dyan at nagworkout sa local gym. Yung gamit ko nilagay ko sa locker noon ng dressing room nila. Pagkatapos magworkout, nakita ko na nabuksan na yung bag ko, tapos nakuha na wallet at relo. Dali dali punta ako sa reception para magreklamo. Yung gagang kahera walang ginawa. Di ako pinansin, lalabas ako pa me kasalanan kasi di ko iniwan sa counter yung gamit. So ayoko makipagtalo, punta ako sa pulis para magpablotter, at binalikan ko lugar may kasama ng pulis. Yung gagang kahera hindi man lang nireport sa management nila nanakawan ako. Ni walang tinulong sa sitwasyon ko hindi pa nireport man lang. Yung boss nya was offering no help. Instead of apologizing, gusto pa ipagdiinan na ako may kasalanan at wala sya dapat sagutin.

     

    Umabot usapan sa presinto. Turns out ang daming blotter ng lugar nila kasi lagi sila nananakawan. I told the guy, all I wanted from him was for him to grow some balls and man up. Accept a little responsibility kesa sangkatutak na palusot ibibigay mo. Kung ginusto ko magrekalmo, talo sya kasi bukod sa madaming blotter may violation din sila ng city ordinance. Sabi ko pa, hindi ako magtataka kung bakit laging nananakawan sa kanila. More than the lax of security, its their indolence to act on the problem that invites petty crook on their establishment. Sabi ko, "brad, sa totoo lang, hindi ako ang tanga! Ikaw! kasi pinagtatawanan ka ng mga magnanakaw. Kung kelangan nila dumelehensya pupunta lang sila sa lugar mo. Asan naman pride mo? Kung daga nga o ipis ayaw mong pumasok sa bahay mo magnanakaw pa?"

     

    Sabi ko naman sa gagang kahera "Iha kung gusto ko kayo abalahin kayang kaya ko gawin, may mga blotter kayo at lumalabag pa pala kayo sa city ordinance. Huwag mo ako gawing sinungaling at tanga. Kung may delicadeza ka, humingi ka ng maayos na sorry sakin. Humingi ako ng tulong di mo ako pinansin, umabot pa tayo dito. Kung ikaw yung nanakawan".

     

    Sorry napahaba kwento ko. Pero ito ang typical na ugaling pinoy na puros palusot imbes pagaako ng pagkakamali

  17. At least kahit sumikip ang Naga, makita ng mga Bikolano ang difference ng pagunlad ng mga syudad kumpara sa iba.. Wala bang magawa si Gov. Salcdo dyan sa mga political families? Akala ko magaling yan.

     

    Well ang mga salcedo sa albay naman sila. Cam Sur, ang families na nandyan, Alfelor, Fuentebella, at syempre pa ang mga Villafuerte. Matagal ng gusto makuha ng mga villafuerte ang Naga kasi andyan lahat ng negosyo. Ang kaso hindi sila manalo nalo dyan. Balwarte ito talaga ni Robredo. Pero di tulad ng ibang political families, hindi naman pinapamana ni Jess pwesto nya sa asawa nya. Pero maganda talaga naging setup nya sa naga. Kaya nga, halos lahat ng malalaking franchise na nasa manila, dagsa din sa naga. Bukod pa dyan nagkaroon na din ng mga call center.

     

    Wala talagang gusto maginvest sa mga probinsya. Dahil balwarte ito ng mga political families, kelangan may sustento ka sa kanila kung gusto mo magtagal negosyo mo doon. Kaya outside naga, wala, puros taghirap ang mga lugar dun. Ni walang maayos na ospital o mga paaralan. Ano ba naacomplish ng mga Villafuerte? Yung water sports center tsaka caramoan lang naman na vanity project ng magamang LRay at Migz. Pero yung problema sa employment opportunities wala. Kaya nga ilan ba sa mga nasa metro manila ang hindi rin taga probinsya?

  18. The way I see it, hindi naman lahat na nakakasakit eh naturally bayolente, duwag, or bumabagsak sa mga typical stereotypes. Sabi natin, out of katangahan lang and inability na maghunos dili. Madali kasi ito tignan lagi na kasalanan lagi ng lalake.

     

    FACT: Women can be more emotionally abusive than men.

    FACT: Women too have the tendency to be physical

    FACT: Many women are aware that double standards in society exist, and can capitalize on them.

     

    For example, kapag nakita mo lalake nanapak ng babae, lahat tayo reresbak sa babae. Pero papano kung yung babae yung nagbubunganga at sinasapak asawa nya? Admit it, merong mga babaeng ganyan. Madami. Ang natural tendency siguro ng karamihan, magche-cheer pa tayo para sa babae at iisipin na the guy had what he deserved.

     

    Again hindi ko kinukunsinti ang pananakit ng lalake sa babae. Ang sakin, sana magkaroon tayo ng mas reasonable standards dito.

     

    Sa mga lalake, iwas hangang maari sa mga emotionally abusive na partners

     

    Sa mga babae, kahit sa panahon na society is supporting empowerment of women, huwag kakalimutan na babae pa din kayo. Sa isang partnership, dapat igalang nyo posisyon at pride ng lalake. Dapat igalang yung authority nya. Huwag nyo aagawan ng masculine roles, at huwag nyo sasamantalahin na komo lang kayo yung babae eh pwede na kayo maging abusive sa partner nyo. Remember na tao pa din ang mga yan at pwedeng umabot sa sukdulan.

     

    Kaya nga sabi di ba, magasawa ka na ng dating pop0k, huwag na huwag lang yung bungangera at burara

  19. LOL puro parusa ang nalalaman niyo. Kahit parusahan niyo mga nagkamaling drivers hindi pa rin mawawala ang trapik. Overpopulated na ang Manila... maraming tao kaya maraming sasakyan din. Kulang pa sa infrastructure. Lumabas nga kayo sa bansa ninyo para makita ninyo ang solution - ano ang ginagawa ng Singapore, Australia, Korea at Japan na hindi ginagawa ng Pilipinas. Makikita ninyo na may trains system doon at ang bus ay hawak ng state hindi kagaya sa atin na prankisa. Kaya walang nagagawang solution diyan ay dahil wala kayong outside of the box thinking... puro kayo parusahan ang nagkamali, latigo ikulong... pero hindi niyo na-identify ang problema ang ugat ng lahat ng sakit ng bansa natin. LOL.

     

    http://philippinesthesickmanofasia.blogspot.com.au/2013/01/trapik-sign-of-booming-economy-ayon-kay.html

    http://philippinesthesickmanofasia.blogspot.com.au/2013/01/buwagin-ang-mga-prangkisa-ng-bus.html

    http://philippinesthesickmanofasia.blogspot.com.au/2013/01/jeepneys-phase-out-na.html

     

    Tama ka talaga dyan. Kakatawa nga, kahit nga enforcers kinukulang na tayo. Kaya kukuha tayo ng mga kung sino lang dyan na traffic enforcer na wala naman talagang matinong qualification, na hindi igagalang ng mga motorista lol.

     

    Sabi nga, 80% ng protein ay napupunta lang sa metro manila. Lahat ng pinakamagagandang oportunidad andyan. Kaya papano naman hindi dadagsa mga tao dyan para makipagsapalaran. Lampas na sa carrying capacity metro manila. Sama mo pa dyan palpak na urban planning. Kahit saan may SM. lol.

     

    Kelangan paunlarin ang mga probinsya. Kelangan buwagin political families na naghahari dun para mas pumasok marami pang negosyo. Samin sa Cam Sur, Naga ang talagang pinapasukan ng mga negosyo. Ang dami ng franchises dun, bukod pa dyan, may mga call centers na din. Maayos talaga naging palakad ni Mayor Jess. Maganda yung naiwan nyang setup. Ang kaso, ang ibang lugar sa Cam Sur, lalo na yung mga balwarte ng mga Alfelor at Villafuerte panay naghihirap naman. Kaya nga predicted namin na unti unti sisikip na din ang naga

  20. yes media affect people since majority of Filipino are just indoors and watching thier tv and all media station are biased their on the side of people who pay/feed them.

     

    Not to mention, ito lang talaga pinakasource ng learnings nila. Ang daming mga probinsya ang nagdedecline na mga public libraries. Tamad na magbasabasa ang mga masa. Pinapatanga lang sila lalo ng mga programa na puros na lang walang katapusang drama. Wala na talaga tayong mga creative programming ngayon.

     

     

    Don't always believe what media says. Its all about the ratings.They focus on what the"masa" want them to see. Example - Do you think they added a high % of devotees sa Feast of Black Nazarene ng Quiapo because of their coverage. What the masses interpret on what they see. They bring so much hope that they will be successful as the small number of success story it has that the media had focused on.

     

    Kaya nga, ang values na tinuturo ng media ay. Mayaman at may pinagaralan = Masama. Mahirap = Bikitima. Imbes magsumikap, umasa na lang sa mga pacontest na baka swertehin sila manalo ng 1 million. Instant milyonaryo. Sa panahon ngayon magkano na lang ba ang 1 million? Goodluck makahanap ka magandang house and lot sa maayos na subdivision sa ganitong halaga. At pupusta ako, sa mga nanalo ng 1 million, karamihan sa kanila naghihirap pa din hangang ngayon.

     

    Ang mga telenobela naman, escapist fantasy binebenta. Na one day ang manliligaw nila singpogi ni Jehrico Rosales. At madidiskubre na anak sila ng isang mayaman. Hay.

     

    Sa kabilang banda, sobrang powerful ng media, kaya naman ito ielevate ang taste ng masa. Bakit naman noon, ang dami nating matatalinong programa. Abangan susunod na Kabanata. Kapag May Katwiran ipaglaban mo. Agrisiete. Negosyete. Sineskwela. Nakakaapreciate din naman ang pinoy noon ng english programming. Bakit ngayon kahit yung english programs tinatagalize na. Kaya bumababa English proficiency natin eh. Nung kabataan ko din, ang mga noontime shows minsan dyan nagiging battleground ng mga spelling contest sa elementary at highschool. Yung mga informative documentaries din meron pag sabado. Ngayon puros hulihan na lang ng mga adik na pulis. Ano nangyari sa mga panahon na yun bat ganito na napapanood natin?

    • Like (+1) 2
  21. Eto yung isang kaso na alam ko. Pareho actually silang magasawa nagbubugbugan.

     

    Bale yung lalake mabait at masipag naman. Tinataguyod nya pamilya nya. Si Misis nya, bungangera at in and out sa drug addiction. Uuwi yung lalake, pagod, gutom, puyat, yung misis wala, yung mga anak di naasikaso ng tama. Puputulan na ng kuryente. Kung mamalasmalasin pa nga na maabutan si Misis sa bahay, bangag at magbubunganga ng sobra. Yung lalake ayaw naman talaga pumatol. Pero talagang hindi papaawat si misis dahil malakas yung tama. Hangang matataasan na sila ng boses, at mayat maya, yung sabog na misis biglang mangangalmot, at mananakit. Dala na ng compounded na stress at lahat, nawala na sa sarili si Mister. Kaya ayun, nagbubugbugan sila minsan sa harap pa ng mga anak nila. One time nga, mismong graduation ng anak nila sa college, yung misis may blackeye pa. Of course, kawawa yung lalake dito, lalo sa mga di nakakakaalam ng totoong kwento. Hirap kasi sa kanila, ang aga nagasawa. Mabuti buti at masipag yung lalake at napagtapos naman mga anak nila.

     

    Hindi naman siguro lahat ng nakakasakit ng partner nila eh pumapasok sa typical streotype na duwag, sadista, hindi lalake etc. Don't get me wrong, hindi ko sinasabi na tama ang manakit ng babae. Actually mali naman manakit in general kahit sino pa yan. Ang sinasabi ko, kung talagang uunawain natin situation, hindi naman sila likas na masama. Id say, nadadala na lang ng sobrang emosyon at di na nakakapigil.

     

    Kaya nga advise ko lagi, pag sobrang galit, walk away. Stay away from your partner as far as you can, and take all the time you need magpalamig ulo. Sa huli pag ikaw ang nawalan ng kontrol ikaw lagi talo.

×
×
  • Create New...