Jump to content

Edmund Dantes

[12] EXALTED
  • Posts

    3645
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    10

Posts posted by Edmund Dantes

  1. Ano ngayon masasabi ni Delima dito

     

    http://trendingphnewz.blogspot.jp/2016/06/shocking-photos-of-pnoy-and-de-lima.html

     

    Nakakapagtaka na nung nagraid sa bilibid, bakit walang actual footage na na nilipat si Jaybee Sebastian? Bakit hindi natin nakita na binaklas kubol nya?

     

    Tapos makikita ito. Kung kuha ito sa loob ng mismong opisina ni Sebastian, bakit hindi man lang noon noon pa nagtaka si Delima? Something is fishy if you ask me.

     

    At Pansinin nyo si Sebastian, me swagger talaga gagong ito. Hindi kinahihiya pagiging kriminal nya. Feeling Celebrity at Godfather pa. Yun si COngressman leviste nung nakulong nagmamano dito. hahahahaha

  2. Dear Noynoy,

     

    Gaano ba kalaki payroll ng media para tuwing linggo na lang lagi kelangan maglabas ng article kung gaano kasama si Marcos?

     

    Pero yun pangaapi nyo sa mga kawawang magsasaka ng hacienda luisita, parang laging me media blackout. Kelan lang me mga naharass nanaman na magsasaka. Ano ba yan! Bakit ni isang documentary na nagpapakita ng pakikipaglaban ng mga taong ito sa mga karapatan nila di man lang binibigyan ng pansin ng media.

  3. Digong knows how to talk that criminals would understand kaya sila naaapektuhan and nationwide na ang epekto. Yung mga OA dito hindi nila ito ma gets lalo na yung mga lumaki sa magagandang subdivision.

     

     

    Itong sina Delima, Rosales, at mga OA na prolife na puro satsat, hindi pa kasi nila nararanasan first hand makipagengkwentro sa kriminal. lalo siguro yun sabog pa. Akala nila sasantuhin sila ng mga yan? Nung nasakote mga kidnapper sa davao, imbes matuwa na napatay mga kriminal at naligtas biktima, ano mas binigyan ng pansin ni Rosales? Yun binaril sa sa loob ng sasakyan na para daw kasing inexecute. Dapat hinuli na lang daw. Ang dali sabihin hindi ikaw yun nakikipagbarilan di ba?

     

    Human rights? Adik mangrerape ng 6 taon na bata, tapos itatapon lang sa basurahan na parang kapirasong karne. Yan ba gawin pa yan ng matinong tao? human rights nila pagmumukha nila

  4. Sometimes changing the way you carry yourself can help you deal with bullies. Bullies will prey on those na alam nilang hindi papalag. Pero kung unang tingin pa lang mukhang papalag ka na, kahit pa sabihin patpatin ka, magdadalawang isip yan kahit papano. Kasi masasaktan mo din naman sya kung sakali.

     

    Straight posture, shoulders back, at diretso tingin sa mukha. But of course do not act as if hahamunin mo ng away. Just show na hindi ka takot, it can make the difference.

  5. exhibit A - Roy Nelson, kayang makipagsabayan sa mga Brendan Schaub na athletic type hahaha. naiinip na ako sa kwentong gagawin ng dalawang iyan. hindi ko na tuloy maalala kung anong nangyari sa huling laban ni Nietes

     

    Hehehe, sige brad, balik na lang ako ulit pagkatapos ng laban mismo

  6. Although I have to say (again I am saying this as a casual fan)

     

    I think MMA is a lot safer than boxing because stoppages are faster in the former.

     

    Matches in the cage are shorter compared in the ring

     

    There are more avenues for stoppages in MMA. You can tap out. Or if you KD an opponent, you can finish the fight in a few seconds

     

    In boxing, allowing allowing a fighter downed before the 10-count increases risk of repeated brain trauma.

  7. Kung totoo na me bounty na si Bato at Digong, di ibig sabihin me ginagawa silang tama. Kasi act of desperation na ito. Why be audacious to k*ll the president? Magka martial law pa dahil dyan. At lalo lang titindi simpatya ng tao laban sa mga drug lords na ito. Eitherway nanalo na si Duterte sa psych war.

     

    See, here is the thing. NapakaOA kasi ng iba dyan na mahilig mambatikos sa mga banta ni Duterte na papatay sya ng tao. He is playing the pscyh war. Syempre, kelangan naman matakot mga kriminal na yan at malaman na me kalalagyan sila pag lumoko loko sila. Ang lagay happy happy lang sila. You have to make these f#&kers realize their chosen profession is bad for their health.

     

    Itong CHR at iba pang mga OA, I dare them, punta sila sa kuta ng mga adik na yan. Dyan nila subukan mga bulaklakin nilang pananalita, at tignan natin kung di sila magilitan ng leeg dyan. And dali kasi sumatsat kapag never in your life, naexperience mo yun makipagsagupaan sa mga hardened criminal na hindi na takot sa batas at sabog pa sa shabu.

     

    Tsaka, bakit iiyakan ba ni Etha Rosales at ni Delima mga nabibiktima ng mga ito? Ngayong me napugutan nanaman ulo abu sayaff hindi naman dumadakdak itong dalawang ito, pero pag abu sayaff pinugutan ng ulo, ngagawa nanaman sila ng extra judicial killings at violation of human rights.

  8. baka bronchitis ang abutin ng dalawang iyan. huwag naman sana. kung sino man ang ref, sana magkaroon ng tamang sense para itigil ang laban kung kailangan nang itigil. but then again, this is just me talking and trying to be a know it all. malay mo in shape pala sila. eh di ako pa ang napahiya hahaha.

     

    Si Matos ang mukhang lean. Di ko masyado kilala itong taong ito ha. Pero kung me mga modelling gig sya. Malamang batak yun katawan nya sya gym. So matigas mga muscles nya. Yun mismong technique na lang sa laban aasikasuhin nya.

     

    Baliktad naman si Baron. Parang ang training camp nito nasa beer house lang. Nyahahaha. OO me technique siguro sya, kaso kung panay bisyo inaatupag nito malamang wala sa kundisyon..... Pero anong malay natin me lean muscle naman sa ilalim ng taba na yan. marami naman akong nakikitang ganyan sa gym eh.

  9. Hindi ako hardcore MMA fan ha. Hangang cardio boxing nga lang ako hehehehe.

     

    Pero ako kasi if I can take just one skillset inside an MMA cage it would be boxing na syempre. Its simple yet so practical, and as I see it, it is one mandatory arsenal for MMA practicioners.

     

    Ang balita, si Kiko Matos daw ay more on boxing background. So I do not know kung gaano kaeffective yun taekwondo style against boxing. Muay thai siguro kasi mas rooted sya on boxing.

     

    Plus syempre mukhang talagang out of shape pa si Baron, so kung maging grappling match ito at hindi maganda baga nya hilo sya malamang

  10. Here are some thoughts

     

    Boxing can't die,

     

    1. History- Boxing has a very long history. It is one of the most primitive sports out there. Before NFL and even NBA became popular in mainstream, people were already following boxing. Boxing produced some of the most iconic athletes that are now part of popculture (i.e. Muhammad Ali, Sugar Ray Leonard, Mike Tyson etc.). Aside from the olympics, the ring has become a venue to represent and raise flags. Its hard to k*ll the popularity of a sport that has this kind of history. I take nothing from MMA, maybe one day it will reach the same status as boxing, but right now its still at its infancy.

     

    2. Practicality as a Martial Art- IMO one of the reaons why boxing is so popular is its practicality and simplicity. Again no disrespect to other forms of Martial arts, but let's face it, you can get by if you know how to properly use those fists. You can go up against any style using good boxing skills. In fact even for mix martial artists this is one arsenal that is mandatorily needed. Take for instance kung fu (yes I know this is also used in MMA, but I am not talking about that) like the ones you see in old jackie chan movies. Hirap naman aralin crane, snake, monkey, at di ka naman makakaporma ng ganun sa ring. Or Jiujitsu and grappling which are practical pero mas mahirap matutunan. Anybody can learn a good-old fashioned 1-2. And because of that it is easier to entice people to enroll in boxing than in BJJ. You can use boxing routines naman kahit for cardio lang. Pero BJJ kelangan maganda na talaga cardiovascular physio mo para dyan

  11. Waaaaaaaaah Laki ng bilbil ni Baron Geisler.

     

    Pucha san ba training camp ni Geisler? Sa McDonalds? Krispy Kreme?

     

    Anak ng tinapang galunggung O!

     

    I saw him doing his taekwondo routine, in the vid he was saying "ubos na energy ko" after ilang sipa sa heavybag.

     

    Guys gano ba kapractical ang taekwondo sa MMA?

  12. Alam mo paps, I will be lying to if I said I am not intruiged by this match up. Hopefully the URCC gives us a date. Tapos samahan ng tv time and then get it over with. Nakakamatay ang anticipation hahaha.

     

     

    And speaking of Alvin Aguilar, sobrang hands on ang taong iyan. Noong may co-promotion ang team lakay at urcc sa baguio, natalo by decision si razi jabari. Nagwala si loko. Eh ayaw ni boss alvin ng ganyan. Nilapatan niya ng rnc si razi hanggang makatulog. People had to pry alvin off of the poor bloke. Parang pride days lang ang nangyari.

     

     

    Hmmmm tungkol sa matchup..... Ang sabi openweight ito, heavier yun gloves na gagamitin, tsaka 1, 5-minute round lang. Or pwedeng 2 3 min round...... Lamang sa weight advantage si Baron. Pero mukhang mas matangkad at may reach advantage si Kiko. I wonder if this fight will go to the ground.

     

    Competing pa ba si boss Alvin o talagang hangang coaching na lang? Alam ko me gym ito eh. Sabi nga ang isang rule dun, wala dapat masasangkot sa away kalye kundi kickout.

  13. 1- Kapag mali sinabi- "'misinterpreted" "taken out of context" "tanga ang tagapakinig di nagets"

     

    2- Kapag mali sinabi- "speculate ang supporter" "magbabago na yan kapag presidente" "iba na yan" "di naman siguro"

     

    3- Kapag mali sinabi- "antayin natin maupo di pa nga nakaupo e"

     

    3- kapag nakatsamba at may tamang nasabi "ang galing ni duterte the best"

     

    Hehehe galing

     

     

    Pano naman.

     

    Komo babaero yun tao manyakis na agad. Parang kung babae na malibog pokpok na agad.

     

    Sinabi nya na pag corrupt kang journalist nagiging legitimate target ka for assassination. Tapos ang headline "Duterte Justifies Killing of Journalist"

     

    Tapos nung sinabi nya na PAG MANLABAN PWEDE PATAYIN, and headline "Duterte endorses extra judicial killing". Pag nanlaban nga daw eh. Ano naman gusto mo? Yun pulis mapatay? IIyakan ba yan ni Etha Rosales kung sakali?

  14. Note that the meeting of the drug lords is from INSIDE Bilibid P$%#$^$#INA! How the heck did that push thru!

     

    Bounty war: Drug lords raise offer for Philippines leader’s head to $1,000,000

    https://www.rt.com/news/346113-drug-president-philippines-bounty/

     

    Kung totoo ito, then he is doing something right. Kasi panicmode na itong mga drug lords to try something this audacious.

     

    While I still have my reservations against restoring death penalty, this is one of the reasons why maybe we should have capital punishment. Ayan na nga, nakakulong na, isolated na from society pero nagagawa pa din patakbuhin yun drug empire nila. Kaya mo nga kinukulong na para hindi na makapinsala sa lipunan pero eto pa din sila nagbubuhay hari sa loob. Paminsan minsan nakakalabas pa.

  15. 23 drug suspects in Cotabato surrender

     

    https://sg.news.yahoo.com/23-drug-suspects-cotabato-surrender-000000241.html

     

    Duterte's intimidation/psyche war on drugs already saved lives (lives of the drug pushers and also their potential users).

     

     

    Yan ang di maintindihan ng marami. Mas nakafocus kasi sa controversy ng sinasabi ni Duterte at hindi sa nagiging magandang epekto nito. Laging gusto pagusapan yun mga pusher at kriminal na napapatay at hindi yun ilang buhay na naliligtas. Nung nasakote yun mga kidnappers sa Davao, mas binigyan pa ng pansin ng CHR yun mga nabaril kesa dun sa pagligtas sa biktima.

     

    You have to play the psych warfare talaga sa mga kriminal na ito. You have to make them feel unsafe. A safe society is the one wherein good people can feel secure, and criminals are scared, not the other way around. Ang hirap sa mga hipokritong ito, akala nila ata titino itong mga kriminal na ito kung gagamitan ng ahmor at bulaklaking pananalita tungkol sa demokrasya, hustisya, at kung ano ano pa. Eh adik pa iba dyan.

     

    Subukan mo sila sabihan ng.... "The full force of the law will be applied to apprehend lawless elements while ensuring that the sanctity of human rights will be respected blah blah blah....." Idirty finger ka pa nyan nila.

     

    Wala naman sinabi si Duterte na basta na lang tayo mamaril ng suspect. Ang sabi nya, kung MANLABAN eh di itumba mo! Alangan naman ikaw patayin nyan, iiyakan ka ba ng CHR pag ikaw nayari ng adik?

  16. Salamat sa pag recognize sa statement ko. Buti inalis mo iyong mga orang utan. Dala lang ng inis iyon. The reason why I do not agree with this match up is because it will give casual spectators an idea that anyone with a beef can duke it out in MMA rules, with a major local promoter at that. Parang grudge match na lang. It is also not fair that these 2 clowns will get more promotion than the other guys who have been fighting professionally for a long time. I watched richard las prillas, pinoy montero and edward folayang fight for the URCC because they love the game and not because they want to erase someone's face off their heads. Sayang ang pinaghirapan ng mga fighters na ito kung magiging sideshow lang sila at lahat ng sumunod sa kanila(active pa ba sila, tumatanda na ako ah). I grew up in Baguio and I saw how team lakay trains. Tumatakbo ng nakapaa ang mga iyan sa burnham park kahit umuulan pa. Tapos dadating itong mga hindi magkasundo. Napakadaling itext iyong isang tao para mag sorry sa hindi pagkakaintindihan. Pero kung trip talaga nilang magkasakitan, eh di gorabels na lang. More power to them. Hope they give us a good show.

     

    Well said brader. Kaya nga yun ang tanong ko una. Makakatulong ba ito talaga ipromote ang MMA? Yun mga unang UFC kasi mapapansin natin, more of freakshow sya talaga than an actual sport. Anything goes na lang, basta magkasakitan. Pero over the years maganda yun naging evolution nito. Talagang multidisciplinary sport ang MMA. Kelangan talaga di ka lang martial artist kundi athlete pa. Madami dyan nagtuturo ng karate na me bilbil.

     

    Actually, ayos itong si Alvin Aguillar. Maganda vision nya at talagang di matatawaran yun passion nya ipromote ang MMA sa pilipinas. Sabi nya kasi kung wala tayong maayos na promotional company ang mangyayari puro underground fighting. Tsaka sa kanyang gym, bawal masangkot sa away kalye. Kasi nga hindi na kelangan ng mga ganun. Edukadong tao itong si Alvin na talagang me passion for the game.

     

    As to these guys.... well lets hope nga if it pushes through they give this sport a lot of respect considering what it has become.

     

    Tsaka nga pala, war freak si Baron sure, pero sa video, sucker punch yun ginawa ni Kiko

  17. Sana pagkatapos ng laban ay magkaayos na sila. Hindi magandang gawing circus ang MMA.

     

     

    Yeah tama ka talaga dyan. Me time kasi na talagang ang tingin sa MMA ay human cockfighting lang. Over time nagevolve sya into a disciplined spectator sport. Kung matutuloy laban, sana pakitaan tayo ng totoong showcase ng skillset nila. otherwise, why charge people to see it? Dami dami dyang gym na kung saan pwede kayo closed door session.

     

    At yeah dapat magbati talaga sila pagkatapos. Kaya nga yan minsan ang maganda sa combat sport. Kahit anong anymosity ng magkalaban, pagkatapos, di lang magkakamayan kundi magyayakapan pa. Minsan nga me halik pa, pero walang homo innuendo ito.

     

    Not the kind of guy who thinks that violence is the best way to go. But as a guy I understand why some will do this. Nun teenager kami, pag talagang hindi na masettle yun away, one on one lang. Labasan lang ng sama ng loob. Pagkatapos nun manalo matalo wala na dapat away. kung di man magkasundo at least tumigil na kakaksalita ng kung ano ano sa isat isa. Unless gusto nyo magkasakitan nanaman

  18.  

    This promotion kind of reminds me of Bellator who put up a fight card with Ken Shamrock vs Royce Gracie 3. 2 Legendary fighters during their time when MMA was still being introduced. It turned out to be a joke of a fight. Simply because they were trying to hype the fight and generate some form of buzz and interest.

     

    If this new promotion is trying to generate interest from people this is the wrong way to go. I won't even be interested in watching this type of circus sideshow where 2 untrained people fight on TV. Ridiculous

     

    Yeah I thought true fight fans will say this. Iba naman kasi ang street fighting. Sudden burst of rage sya. Walang technique, walang depensa, basta masaktan mo yun kalaban mo sa kahit anong paraan.

     

    Pag sa totoong martial arts competition ang magdadala ng excitement dyan yun totoong technique at skill. Tsaka napakaimportante ng stamina. Yun nga lang one round sa heavy bag nakakahingal na eh. Pano pa kaya pag pwede gumanti sinusuntok mo?

     

    Tama ka it will be a circus, pero will not really show what the sport is all about

  19. ^^^ At this point naman talaga, we have no choice but to wait and see if he can deliver.

     

    All I know is that the House of Representatives and The Senate are evolving to be just the same as before with same old politicians beholden to the oligarchs and vested interest groups. No change there as far as I can see.

     

    Dito din masusubukan yun totoong galing ng leadership nya then. Ano gagawin nya sa mga trapong ito, at papano nya pagtratrabahuin ang mga ito sa paraang makikinabang ang bansa. As long as he gets it done, I do not care that much how.

  20. You have to be a Filipino Male to understand the point of all this kay Baron at Kiko. Hindi ako mahilig sa trobol, pero aminin na natin, sinong lalake ba ang hindi pa napapaaway sa buhay nya? Lalo nung teenager! Kahit yun mga kilala kong bakla minsan nakipagsuntukan na din.

     

    Ginagawa namin pag di na talaga masettle yun feud at puro batuhan lang name-call at kung ano anong trash talk, hahamunin na lang dun sa likod ng school namin. Tapos me ilang barkada magmediate ng laban. Labasan sama ng loob, in 10 mins or less tapos na! Eh kesa naman puro kayo satsat humahaba pa away.

  21. Good marketing skills for urcc.

    Ok yan to make it more popular. It's like Celebrity Deathmatch but fight could be boring so it's not worth watching on its own.

     

    Yun na nga eh. I know black belt sa taekwondo si Baron Geisler, at ewan kung ano background ni Kiko Matos. Pero the fact is, hindi naman profighters ang mga ito. Typical street fighting malamang ang mangyayari. Puro haymakers at baka magsabunutan pa itong dalawang ito. Tapos kalahati pa lang ng round malamang hingal na mga ito.

  22. Fight fans, maabala ko kayo saglit.

     

    Ano masasabi nyo sa darating na pagtutuos ni Baron Geisler at Kiko Matos sa isang MMA event ng URCC?

     

    Does it help the reputation of MMA or does it damage it?

     

    Sakin kasi, sa isang banda oo nga naman. Kesa kasi sa bar na madami kayo maabala at makakasira pa, di sa ring na lang para me referee pa kayo.

     

    Sa kabilang banda naman, kahit closed door session lang sa kahit saang gym pwede na. Kelangan pa ba ito ipublicize? Masusulit naman kaya bayad ng tao dito kung sakali? Baka naman kasi typical na away kalye makita natin dito at wala masyado technique.

  23. Antithesis itong si Duterte.

     

    Yun mga walanghiya at inutil na mga pulitiko bulaklakin lagi magsalita at pagood boy. Pero puro kawalanghiyaan naman alam. SI Duterte butangero at palamura, di rin takot sa simbahan, pero marami naman nagagawa sa kinasasakupan.

     

    Noon pa man hindi darling ng media itong si Duterte. Mas me highlight pa yun pagiging butangero nya, at yan extra judicial killings, kesa sa mga magagandang nagawa nya sa Davao. Ito isipin natin, kung pagiging butangero lang ang meron sya, ganyan ba kadami boboto sa kanya? Tandaan natin nilampaso nya yun ibang kandidato na mas malakas political machinery.

×
×
  • Create New...