Jump to content

Edmund Dantes

[12] EXALTED
  • Posts

    3645
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    10

Posts posted by Edmund Dantes

  1. Those ridiculous working hours of Du30 show a lack of empathy. Kahit kayong mga supporters ni Digong I'm sure would hate a boss who would require you to work at ridiculous hours.

     

    O bakit si Pnyo nga 1030 nagigising, tapos mga 4 or 5 private time nya na. Is that what you prefer for empathy? At least si rody 12 hours ilalaan.

  2. ^^^

     

    Same sentiments. Kung iipunin mo mga sumuko na ito ng kusa, grabe ilang barangay kaya maitatayo mo sa dami nila.

     

    Masyado kasi tayo nakafocus lang sa mga napapatay na mga pusher as if they will be missed. Tignan naman natin siguro yun buhay na naliligtas.

     

    Hindi ito magagawa ng bulaklaking pananalita, ngayon na takot mga ito sa mga banta at mura ni Duterte, ngayon kusa na silang nagsisuko

  3. Aabot sa 4k drug pushers, users sa Central Mindanao, kusang sumuko

    - See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/571702/news/ulatfilipino/aabot-sa-4k-drug-pushers-users-sa-central-mindanao-kusang-sumuko?utm_source=GMANews&utm_medium=Twitter&utm_campaign=GMANewsTwitter#sthash.ktwSADDy.dpuf

     

    Sumuko ang halos 4,000 na hinihinalang tulak ng droga at mga gumagamit nito sa Central Mindanao.

    Sa bilang na ito, 2,500 ang mula sa umnao South Cotabato at mahigit 1,000 ang galing sa Cotabato City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules.

    Sinyales umano ito, ayon sa mga awtoridad doon, ng epektibong kampanya kontra droga sa probinsiya.

    Ngunit sinabi ng mga awtoridad na kulang na kulang ang rehabilitation centers para sa mga sumuko na gusto nang magbagong buhay. — LBG, GMA News

     

     

    Sana magtuloy tuloy na ito. Ngayon pa lang, panalong panalo sa psych war ang Duterte. Hindi ko alam kung sinong head of the state ang kaya makaacheive nito. Ngayon ultimo drug lords sa bilibid umaapela na sa CHR.

  4.  

    In this case, QCPD followed the rule of law. They should be commended for that.

     

    They were able to implement the law without using extra-judicial methods.

     

    Ang tanong papano na achieve ito na ganun karami napasuko nila ng kusa? Ewan ko lang kung kelan ito nangyari sa history ng QCPD.

     

    Lahat ng mga ito, takot mapatay at maunahan ni Duterte. Nabalitaan kasi nila sa TV kung gaano karami natitimbog nitong huli. Alam nila na Duterte means business.

     

    So ibig sabihin me nagagawa namang tama at magandang binubunga yun rhetorics ni Dutertte although unorthrodox sya di ba? Imbes kasi on focusing dun sa mga napapatay, bakit mas hindi bigyan ng pansin yun naililigtas naman na buhay.

  5.  

    SONA: 352 sangkot umano sa iligal na droga, sumuko sa mga otoridad

    Duterte saved some lives again here (potential victims and those addicts as well).

     

    Yung mga anti Duterte, nasa denial stage pa rin na mas marami na siyang naliligtas na buhay kahit hindi pa siya nakakaupo sa pwesto.

     

    Sa kasaysayan natin, wala pa akong nakikitang presidente na nakagawa nito. Some of these people 10-20 years ng nagtutulak. Yun isa umamin pa na napagtapos yun anak dahil sa pagtutulak and ngayon lang natakot.

     

    Masyadong focused sa mga adik na napapatay sa shootout, eh what do you expect? Manlalaban talaga mga ito. Alangan naman kantahan mo yan sila ng handog ng pilipino sa mundo para maantig damdamin at sumuko. Ang tanong, ilang buhay ang naliligtas sa tuwing me pusher o addict na namamatay?

     

    Duterte is winning the psych war. Thats what the CHR and all these anti duterte do not get. Hindi uubra mga bulaklaking salita sa mga ito. You need to be aggressive. You need to make them understand that they will get killed.

    • Like (+1) 1
  6. Nasa batas natin na hindi criminal offense ang mag-positive sa drug test. It is even mandated in the law that those found positive in drugs should be rehabilitated. The QCPD decision not to prosecute them and to rehabilitate them did not necessarily come from the goodness and kindness of their hearts. It is mandated by our laws. May mabuting magagawa ang batas natin kung ipa-iiral ng tama.

     

    Point taken! Given as that may. Ang punto ko dito, Hindi naman sila sinalvage na lang di ba? At tinulungan pa marehabilitate. They turned themselves in voluntarily dahil sa takot, and in return they will be rehabilitated and hopefully they can live better lives. Its too early to overreact and say umaabuso na sa kapangyarihan ang pulis natin.

     

    My point is, mas napapansin kasi yun napapatay lagi kesa yun mga naililigtas. I do not know what leadership in the past motivated something like this, eh dati rati itong mga adik na ito hindi na takot sa batas.

     

    All in all maganda naidudulot ng mas active na kampanya against drugs.

  7. Lahat ng pro-purge of criminals dito have one line of thought. Erase THEM from the face of the earth. How about YOU? or US? Hindi nyo ba naiisip na mas malamang kasali din kayo sa problema? Na dapat din kayong lipulin?

     

    Akala nyo siguro pag nag-tuloy-tuloy ang police method of shoot-first-ask-questions-later, eh kaya nyong pahintuin anytime by just howling in protest. Baka pag nagprotests ka, ikaw ang pakainin ng bala, tapos yung yumari sa yo, mapo-promote pa.

     

    You are encouraging a dangerous situation with your short-sighted solution.

     

    Most adult Filipinos welcomed Marcos' declaration of Martial Law in 1972.

     

    But the Military and the Police, being what they are in their frame of mind, turned the Marcos' vision of "New Society" into a reality of a police state.

     

    The rest were history.

     

    So far yun mga sumusuko hindi naman binabaril na lang sa ulo di ba? Yun na lang sa QCPD, hindi na nga daw sila kakasuhan, ipaparehab na lang. So ibig sabihin me maganda pa din na nangyayari. Sa ibang lugar community service naman

     

    I do not know any leadership na nagpasuko ng kusa sa 700 tao na either gumagamit o tulak sa isang araw. So it means Duterte is winning the Psych war.

     

    You gotta understand, the current status quo is just not working. An aggressive method is really needed. Sabi di naman kelangan kamay na bakal, ipatupad lang ng maayos yun batas. Eh yun na nga, pag pinatupad mo to the letter batas, expect mo na yun Kriminal eh talagang manlalaban. Pero kung yun kapulisan naman natin lagi mananalo, di syempre yun iba matatakot at kusa ng sumusuko.

  8. Ang hirap kasi sa mga prolife at HR advocates na ito, hindi nila nakikita yun flipside ng nangyayari. Bakit tayo mas magbibigay attention para sa mga namamatay imbes sa ilang buhay na naliligtas? Utang na loob, sino ba itong mga namamatay na ito? Karamihan naman dito either me mga napatay na o me mga sinira ding buhay.

     

    Eto pa napakagandang nangyayari. Dumarami ng dumarami yun mga adik at tulak na kusang loob ng sumusuko sa pulis dahil sa takot na maunahan sila ni Duterte. Sa QC pa lang, kada araw from 350-700 na daw sumuko. At itong mga taong ito ilalagay sa rehab at di muna kakasuhan. Hindi ko alam kung sinong presidente sa kasaysayan ang nakagawa ng ganito. OO karamihan sa kanila natakot! Pero ang mas mahalaga 700 na buhay na ito maliligtas mo.

     

    Kung mapatay mo sa isang legit na engkwentro adik na sabog sa shabu tapos 10 naman buhay maligtas mo, hindi pa ba yan worth it?

  9. Lets be objective. Masipag ba? Well alam na natin anong oras sya gigising at anong oras magsisimula magtrabaho. Solusyon sa trapik? Sinabi naman nya ang solusyon tungkol dyan. Buhusan ng gas at sunugin mga sasakyan. Anyway, lets hope for the better and not expect too much from a man of many contradictions. Lets hope he will help build the nation.

     

    Sige objective sabi mo

     

    Sabi nya umpisa ng trabaho nya from 1PM hangang 12 AM. so parang kuwago nga. lol. Pero 11-12 hours official working time nya. Di pa kasali dun yun siguro mga meeting habang papauwi na sa Davao etc. and 11-12 hours isn't so bad considering that karamihan naman satin hangang 8 hours lang

     

    Si Erap naman 11 na yan nagigising. Kasi nga me inuman pa kinagabihan sa kanyang midnight cabinet.

     

    Si PNoy naman 1030 daw yan gumigising, me siesta sa hapon, tapos 4-5 umpisa na ng private time. So halos 4 na oras na lang nagiging trabaho. Ewan ko lang pero dahil sa kanya naimbento noynoying di ba?

     

    Problema lang natin kay Digong siguro pano kung after 12 midnight dun sya sa chicks nya? Well as long as di mo naman bibilhan ng mansion gamit pera ng taong bayan, as long as hindi naman ito makakaapekto sa iba mong trabaho baka maging JFK lang sya ng Pilipinas

  10. Dude, to excuse one because the other is worst is quite childish. The election is over and we have a new President. From now on, President Duterte shall be held accountable and judged by his own merit. Not because Pnoy, Mar, or anyone is perceived as worst than him.

     

    Sana nga ganun ang mangyari. Mas husgahan kung anong klaseng pinuno sya. Masipag ba? Sinisikap ba na me gawin para sa ikakabuti ng bansa? Corrupt ba? O puro lang bulaklaking pananalita?

     

    In the past sabi mysoginist daw sya. Pero maraming magagandang nagawang gender sensitive program yun tao. Kahit isang kilala nga na feminista na tulad ni Irene Santiago suportado sya.

     

    In the current, well papaupo pa lang tao. Pero I am impressed na as early as now maganda yun nagiging impluwensya ng tao para pagigtingin kampanya laban sa droga. Kahapon lang napuno isang basketball court ng mga tulak at adik na kusa ng sumuko. Hindi ko alam sinong presidente nakagawa ng ganito. Mukhang tama si Digong. Tingin mo kusang susuko mga yan sabihan ng "Busog kayo sa demokrasya..... kayo ang boss ko..... mahal ko kay". Tapos sabay tugtug ng "Handog ng Pilipino sa Mundo.... Mapayapang paraang pagbabago". lol. Tsaka O Ha, hindi na daw kakasuhan muna mga adik na ito, ipapasok na lang muna sa rehab program. Ayan! Walang extra judicial killing yan ha.

     

    Nga lang, tignan natin ano gagawin nya sa problema ng traffic. Sa ekonomiya. Usapan sa China. Matigil na kaya Insurgency? Well sa ngayon alam ko nakikita kong trinatrabaho na ito ng administrasyon nya.

  11. Anong wala na ...sinong pinagloloko ng mga pr stunt na ito? Nagmumura at siga siga pa din yan. Di ko naman nakitang nagbago. Ikinubli lang ninyo sa mata ng tao.

     

    Lol the same can be said About PNoy, Mar at kung sino pang pontio pilato. Pano ka nakakasiguro na hindi rin nagmumura at siga siga din mga yan?

     

    Madami din silang kalokohan na kinukubli din sa mata ng publiko. Yun na nga lang pangwawalanghiya sa mga kawawang magsasaka ng hacienda luisita hindi na halos binabalita at pinaguusapan eh. tsk tsk tsk.

     

    Ano naman hihingiin mo sa susunod? Na hangang sa pagtulog at pag seminar kay doro sa umaga susundan pa din si Duterte para makasiguro? Hay naku.

     

    Going back to the issue, at least kung magmura sya at di na nya ginagawa in public, eh di he is doing something right. As long as hindi naman ito makakaapekto sa pagpapatakbo nya ng bansa. As long as hindi nya naman ito gagawin sa harap ng mga Diplomats, ano pa problema mo? Pati ginagawa ba ng tao in private gusto ma malaman. Haysus

  12. Ayun edited version na ...

     

    Yan na ba ang sinasabi ko.

     

    Ikaw ang malabong kausap dito.

     

    Ayaw mo nagmumura di ba? Ayaw mo ng parang siga. Ayan nga, wala na mga yan. Tapos nagrereklamo ka na edited naman ngayon.

     

    Nung walang edit edit, reklamo ka pa din.

     

    Ano gusto mo? Pakabait sya according sa standards mo? O pagkatapos ano nanaman sasabihin mo? Plastik naman? Di nagpapakatotoo hehehehe

  13. If you already set fear among hardened criminals then you already won half the battle.

     

    Especially the bosses! Those who think that they can f#&k around with the system. Para ngang ang lumalabas ginagawan pa sila ng pabor. Si Herbert Colangco, holdupper ng bangko itong kumag na ito. Pumasok sa bilibid naging financier ng mga Drug Lords, tapos ngayon recording artist na! Onli inda pilipins.

     

    Ito sinasabi ko, there is a reason why Duterte's tough talk works. That is something the media, Delima, at itong HR advocates will never get. Duterte knows how to get in their Psyche. Sige nga.... pangaralan mo yan sila ng

     

    "we will apprehend and suppress criminality using the full force of the law whilst ensuring that we also protect the sanctity of human rights in this country...... As long as there is poverty people will be driven to commit offences in society.... blah blah bla"

     

    Aysus! Kung ganyan dirty finger ka pa ng mga ito.

     

    Dapat

     

    "Kayo dyan, huwag nyo ako hiyain! Bantay kayo sakin talaga ng mabuti, kasi pag pumasok dyan ang SAF sa susunod na bisita ko, ayoko talaga me isa sa inyo nakatayo! Bantay kayo!"

     

    Yan! Tamo ngayon nanginginig tumbong ng Bilibid 19..... Pati si Jaybee Malamang. Hayop na yan active pa yan sa facebook eh

  14. you don't get it again ...

     

    tanggalin mo man yun PI ...do you honestly think that the press secretary will tell the public na nainis is Digong kasi nag cause ng traffic si Pope.

     

    yun lang yun ... sabi ko nga gusto ko marinig saloobin ni Digong hindi yun edited version na galing sa press secretary.

     

    ganun lang kasimple yun ... at yun ang sagot ko sa iyo on your question on what will make me happy.

     

    Di mo matanggap? Sorry na lang ... eh yun ang magpapasaya sa akin eh

     

     

    There is nothing really to get because you are hardly making any sense.

     

    Sa tingin mo ba ang katuturan lang nun pag PI nya kay Pope Francis ay dahil lang galit sya dito? Or dahil sobrang inis sya sa problema ng traffic sa manila, kahit Santo Papa namura nya na sa init ng ulo? Remember nagkwekwento sya naging reaction nya at that time. At talaga naman nakakainis mastuck sa traffic eh. Yun iba nga dyan makakapatay pa. Hanep, ang init init ng dugo ng tao kay digong namura nya si Pope Francis, eh yun iba nga dyan na di katoliko kung ano ano tinatawag dyan. Anyway ayun yun message na dapat makarelay! Malala Problema sa traffic hindi galit si Duterte kay Pope Francis.

     

    Akala ko ba asar na asar ka na mahilig magmura yun tao? ngayon naman na hindi nagmumura at nililmitahan nya pananalita nya sasabihin mo naman gusto mo mismong saloobin nya. Yun nga nakakapainit ng kilikili mo di ba? Yun marinig saloobin nya. Namaaaaaaaaaaan.

     

    Sorry ako? No Sorry ka! Dahil mukhang wala na talagang magpapasaya sayo.

  15.  

    Dapat nga ang parusa nila ngayon tuwing matutulog na sila sa kanilang kulungan natatakot sila na biglang may mangyari sa kanila. An everyday fear on their lives will really when they sleep will surely soften any hardened criminals. Dapoat pakita sa kanila who is the real BOSS here.

     

    Pwedeng exaggerated or imbento itong report na ito. Sino ba naman ang magiging ganun ka-audacious ipa-assassinate presidente at PNP Chief? Kahit ang NPA, MNLF, Abu-Sayaff, alam na hindi yan basta basta magagawa. At pag magtagumpay nga plot, titindi lang lalo simpatya ng tao sa napatay at kampanya sa Droga. But then Again Pablo Escobar Declared War on the columbian government.

     

    Whether or not totoo ito, something good is coming out of it. At least natatakot ngayon yun mga dating lumoloko lang sa sistema. Nakakulong na nga nagco-concert pa at feeling artista naman. Parang walang pinagdudusahang kasalanan. Ngayon malamang naghahanap ngayon mga ito lunggang susuotan.

  16. ay di pa rin ma-gets na ang pinupunto dun sa example ay simpleng kung sino ang guston marinig siyempre yun ang gustong marinig ... simpleng simple. talagang politics vs church ... lol

     

    o sige sabihin mo sa akin ... sabi ni digong "PI mo pope you cause so much traffic" ... so paano sasabihin ni press secretary yan sa presscon na hindi na edit yun message?

     

    Hello ... sinabi bang magbabad siya with the press? masyadong OA yan punto mo. Bottomline ... I don't buy the thought of less talk less mistake. That does not make me happy.

     

    Talagang hindi dahil walang katuturan annalogy mo. Iba ang presidente, iba ang Pari. Kahit CBCP me spokesperson. Kahit ang santo papa me spokesperson. Gaano mo ba kadalas makita santo papa magpalive one on one interview? Lol.

     

    Ay naku, ayan nanaman tayo sa minura santo papa. So you actually believe that the intent of the statement is para lang murahin per se si Pope Francis? Eh ikaw din naman minumura mo malamang si Marcos, does that mean you will actually do it pag kaharap mo isa sa pamiya nya? At isa galit ka na napapamura sa sa santo papa. O di all the more maganda kung me magaling syang spokesperson na ite-tame dila nya di ba?

     

    Magsasalita yun presidente sa taong kelangan nya kausapin. Kung out in the public the media can cover him while they can. Then kung meron Q and A his press people na bahala. That way di mo kelangan mabanas na nagmumura sya, at wala kang dahilan tawagin syang plastik. Ang ikakaayos naman ng bansang ito ay wala sa kung ilang interview gagawin nya

  17.  

    bakit ba simbahan vs politics ang nasa utak mo...eh hindi naman un ang pinupunto.

     

    The point is you asked me what will make me happy ... so for me I want to hear it straight from the horse's mouth so to speak.

     

    Well kung masaya ka makinig sa press secretary ang nagsasalita kung ang presidente ang nais mong mapakinggan then good for you. Ako sabi nga I want to hear it straight from the horse's mouth. hindi yun scripted/edited. kasi somewhere along the way yun message niya pwedeng maiba. besides in an open forum or Q&A this is the chance to seek for clarification or ask the president to expound on his view on certain issues/topics. Obviously I want his views and not that of the press secretary as what he perceive the president would think of or what he thinks should be the "politically correct" answer/statement to be given..

     

    For me the solution is for him to change ...change is coming nga eh ... diba may sinasabi pa kayong metamorphosis. So baguhin niya sarili niya kaysa umiwas at i-ban ang press na mai-cover siya at matanong.

     

    Eh ang hirap nito mukhang di na ata kayo naniniwalang kaya niya magbago ano po kaya ayun the next best thing is less talk less mistake, no talk no mistake na lang.

     

    Eh ikaw nagumpisa ng pari annalogy di ba? Ibang iba naman kasi trabaho at responsibilidad ng pari at presidente. Pramis! At kahit po ang CBCP ay me taga pagsalita din. Hindi mo rin madalas marinig ang Cardinal magpainterview kasi busy sya.

     

    Yung message nya iibahin ng press secretary? Ay naku ang bobo naman nung press secretary kung ganun. Sino bang malaking tao ang walang spokesperson. Kahit mga rebelde nga meron eh. Anong gusto mo alisin na natin office of the press secretary? Naku mauubos oras ng presidente kung kelangang lagi syang haharap sa media.

     

    Nagadjust na nga sya di ba? Less talk, less mistake. Magsalita lang kung kelangan sa taong kelangan. Matagal tagal na din nung huli sya nakapag pI. Nacover naman yun speech nya kahapon, nagbigay pa ng Q and A sa mga negosyante. O ano pa gusto mo? Pag binago nya naman totally identity nya sasabihin mo naman pakitang tao lang? Ay naku. Sorry ka di sya kagaya ni Mar, na ngayon me bagong palabas. Literally isang trak na dokumento dinala sa COMELEC.

  18. Simple lang ang analogy ko at wag mo nang paikutin...

     

    Pari ang pinuno ng simbahan (parish church). Alangan naman na yun sakristan gusto kong nagmimisa at nagbibigay ng sermon pag gusto ko makinig ng misa.

     

    Gayun din ang pagiging pangulo. Siya ang hinalal, alangan naman gustohin kong marinig sa iba ang mga bagay bagay na dapat siya ang nagsasabi. So kung ako ang reporter at alam kong may announcement ang pangulo alangan naman matuwa ako sa video na galing sa ptv4 at di siya ang makapanayam.

     

    Ah ptv 4 at spoke person ... Oo nga naman hindi nga tinatago, yun nga lang di ma access ng ibang press. Pero nakikita naman sa taped video sa tv eh. Kung gusto ninyo kausapin at mainterview si president pwede naman kausapin si press secretary. Huwaw

     

    Oo sinong nga bang presidente ang walang tagapagsalita? Pero sandali yun ba ang issue? Ang issue sinong presidente ba ang pusong mamon at ayaw nang humarap sa press dahil napikon nun kinastigo?

     

    Ang pinagdadasal ko ay tamang ulan at araw ... Masyadong OA ...este extreme ka kasi magisip. Di ba pwedeng saktong tama lang? Mahirap un abutan ng el nino o la nina. Pero normal lang naman na kung matagal na ang tag araw kahit papaano gusto mo naman makaranas ng ulan at vice versa ... Tanong mo sa mga magsasaka.

     

     

    Iba ang simbahan, at iba ang bansa. Hindi naman namromroblema ang pari na linisin kriminalidad sa lipunan, at inegotiate yun awayan sa teritoryo. Hindi naman nya problema infrastructure, kalusugan, edukasyon etc. Tapos out of all na dapat problemahin ng presidente, ito pa pinaka inaalala mo? Tsk.

     

    Live naman yun broadcast sa PTV 4 sa inaguration. Kahapon nagsalita si Duterte at me konting open forum pa yata sa mga negosyante. Nakunan din yun ng media. At walang PI na nabangit. Yun nga lang hindi sya magpapainterview sa media. O ano pang gusto mo? Kung me kulang pa, di hayaan naman natin kitain ng press secretary ng mahusay sweldo nya. Naman, kahit si Moses nga ginamit si Aaron na tagapagsalita kasi sya itong hindi mahusay sa salitaan.

     

    Ano bang saktong tama gusto mo? Yun lagi kang sinasabihan na ikaw ang boss nya at busog ka sa demokrasya? Ewan ko lang di naman sinabi nung tao pano lulutuin yang demokrasya na yan. Tsaka yun mga kawawang magsasaka sa hacienda luisita, mukha ba silang mga boss? Me boss at stockholder ba na 9.50 kada linggo ang sahod? Speaking of which pala, yun tamad na tamad bigyan ng media coverage, hmmmmm bakit kaya?

     

    O baka mas gusto mo parang si mar roxas na yun press secretary ganito "O nagbubuhat si Sir ng sako ng bigas, camera dito dali dali dali! O nageeskba sya ng inidoro, kunanan nyo yun". lol

  19. siyempre it matters ...gusto mo ba pag nagmisa ka eh yun sakristan ang magbibigay ng homily kahit na yun pari naman ang nagsulat?

     

     

    Saka alam naman natin na ang lalabas sa bibig ng defenders este press secretary ay edited version na.

     

    So along the way may mga saloobin talaga ang pangulo na hindi napaparating ng tama ... kasi salang sala.

     

     

     

    Halimbawa:

     

    Sasabihin ba ni Press Secretary na Tatawagan sana ni Digong si Pope sabihin kasi niya PI umuwi ka na. Eh baka ganito ang sabihin instead... the president wants to convey to the pope that may he have an immediate safe and stress free flight home.

     

     

    Bottomline .. si Digong ang presidente at siya ang gusto kong marinig tungkol sa issues patungkol sa kanya at hindi ang press secretary o sinumang alter ego. At saka diba may transformation na daw pag presidente na siya ... eh kung transformation eh magbago siya. Kung di niya dati mapigilan ang sarili niya matuto siya. Ang lagay imbes na transformaion, hybernation ang nangyayari ... nagtatago sa press.

     

    Yun negatibo sa kanya hindi naman nagbago ... tinatago lang ninyo sa madla. ngayon sinong niloloko ninyo niyan?

     

     

    Iba naman trabaho ng pari at ng presidente. Ang pari hindi yan kelangan gumawa ng mga desisyon sa itatakbo ng bansa. Ang weak naman ng analogy mo dito.

     

    Kung puro pagharap lang sa media gagawin nya, aba mauubos araw ng wala syang nagagawang trabaho. Sino bang Presidente ang walag naging tagapagsalita? Kung si Eduardo Manalo nga me taga pagsalita din. Ano naman masama dun?

     

    Nung nagiging prangka at totoo yun tao, ayaw mo galit ka. Ngayon naman nililimitahan nya salita gusto mo sya mismo marinig mo. Aysus Pag maaraw magdadasal ka ng ulan. Pag umulan naman magdadasal ka ng araw.

     

    Ayan naman PTV4, ayan naman spokesperson, magsasalita lang sya kung kelangan. That way hindi mo kelangan tiisin matalas nyang dila lagi. Hindi ka pa din masaya?

     

    Tsaka anong tinatago? Kaya nga antithesis si Duterte eh. Yan bata mong si Mar ang piliiiiiiiiiit na piliiiiiiiiiiiiit magpacute sa masa. Kung pwede mageescoba pa ng inidoro sa public CR. Si Duterte, well, he comes as he is. Hindi nya tinatago na babaero nga sya eh. Yun mga katropa ni Mar nga sa entablado pa nag-o-orgy ayus!

  20. Eh kanino dapat maniwala ang mamamayan ...

     

    sa salitang lumabas mismo sa bibig niya o doon sa mga alipores niya?

     

    Compromise? With whom? As far as I know, mukhang napikon si Digong sa mga batikos kaya ayun nagtampororot at ayaw na magpainterview at ban na ang media sa mga events niya.

     

    Kaya nga! Ginagawa mo namang kumplikado eh. Yun presidente kakausapin Press secretary at tagapag salita. Then on his behalf sila na haharap sa media. Kung ayaw mo paniwalaan isang statement, does it really matter kung kaninong bibig ito lalabas?

     

    Eitherway you look at it, you will not have to deal with his brash attitude as much. Hindi na sya maninipol ng reporter. O magbanta na papatayin sila. Hindi na din gaano maririnig magmura. O ayaw mo pa ba nyan? Hindi ka pa din masaya?

     

    Yun 5-min speech daw nya, promise walang PI. O ano pa gusto mo?

     

    O baka kasi nasanay ka lang ng mga "Sa demokrasya, hindi lang sikmura ang busog", tapos "kayo ang boss ko".

  21.  

    So para sa iyo tama pala ang pagsipol niya dun sa babaeng reporter? tama ang umasal ng hindi presidentiable sa isip salita at sa gawa

     

    Ganito yan, kung sinampal ni Mariz umali si Duterte, I would say he had that one coming and he deserved it. But does this mean he is not a good leader? Kung pagbabasehan mo lang yun paguugali ng tao, hindi rin naman ito becoming like a mayor. Kasi public official din naman yun kahit papano. But we know he is a good mayor. Maraming naacomplish ito sa Davao.

     

    Ngayon kung kamanyakan at kamanyakan din lang ang paguusapan, aba choir boy pa si Duterte. Eh itong si Mar nademanda ito ng rape dati di ba? At mas malala naman ng di hamak kababuyan ng partido nya. Sa entablado kung san me mga batang nanonood, nagtotorohan na sila kasama play girls. Lahat pa ng position ng kama sutra. Yahooooooo! Mabuhay ang Libog..... este liberal party.

     

    Hirap kasi ang daming hipokrito dyan. Sawa na mga tao sa mga pulitikong bulaklakin nga magsalita, eh mas baboy pa kay Duterte kung mga kawalanghiyaan lang pinaguuspan.

  22. He is mow the president of the Philippines and not only those who voted for him ...so he better act like one sa isip, salita at sa gawa. Yun lang.

     

    Pinasukan niya ito, ginusto niya ito. Alam naman natin na sa anumang there will always be two sides of the coin...those in favor and those who are not. Tapos ngayon magiinarte siya?

     

    Matanong ko lang, kung binabatikos man siya, totally wala sa lugar ang mga batikos? Halimbawa murahin niya ang pope. Sipulan ang isang journalist na babae, nauna dapat si mayor "joke" (how sensitive), "ayaw ko madaktan si bong bong" at sa mga divisive na issues tulad ng tungkol sa paglibing kay marcos at summary killings etc. na alam naman natin may pumapanig at may hindi.

     

    O kaya nga, me compromise na di ba? Para hindi na naman nya "pinahihiya" yun office of the president, hindi na sya nagpapainterview, at least for now. Less-talk-less-mistake, ayaw nyo pa ba yun?

     

    Nagsulat na sya sa Santo Papa di ba? Nagabot na ng paumanhin, at tinggap na daw ito ng Santo Papa, natuwa pa nga daw ito sa kanya eh.

     

    Sabi din ng kampo nya bukas din sya to "cordially" working with Leni.

     

    Wala naman sya sinabi na "dapat kayong mamatay na media". Ang sabi nya kung corrupt kang mamahayag, eh talagang me gugustuhing barilin ka.

     

    Wala rin sya sinabi ng mga "O sige pag me nahuling suspek salvage nyo na", "hala sige mamaril na lang kayo dyan". Ang sabi nyang malinaw "KUNG MANLABAN, eh di pwede mo patayin". Alangan naman ikaw papatay sa mga adik na yan.

     

    Ok Chickboy yun tao, tama naman. Morally mali yun. Pero ewan ko lang, madami dami dyan mas chickboy pa na pulitiko. Pedophile pa! Pero di na karapatdapat na presidente? Hmmmmmm si JFK di ba? Kilalang sex addict yan. Pag wala yang sex, nagkakamigraine yan ng matindi. Pero isa sa pinakanaging mahusay na US president

     

    At si Bill Clinton, naeskandalo sa pagpapaBJ kay Monica Lewinski, pero mataas naman approval rating sa mga amerikano kasi maganda stock market nung panahon na yun.

     

    Anyway bottom line, dahil hindi maganda lumalabas sa bibig nya, ano pa ba magandang gawin kundi limitahan na lang pagsasalita nya? Hindi pa ba kayo masaya dyan?

  23. bakit di na lang yun press secretary na lang din ang magdeliver ng inagural address ... tutal mas magaling daw itong magsalita.

     

    saka baka madulas na naman ang dila ni Digong at biglang magmura ng "p#tang %na" dahil na carried away o di kaya mag "joke" na naman during the inagural speach. Iwas pusoy ba :rolleyes:

     

    Kung gawin nya nga yun, titigil ba kayo kakareklamo? Ano ba makakapagpasaya sa inyo kasi?

  24. Hindi na butt heart lubot ng mga journalist kakaantay sa press con ng madaling araw. Wala na daw muna kase press con. Sakit kaya sa pwet nakaupo ka lang habang inaantay si sir president- elect mag pa presscon hehehe.

     

    Okay na din maliit na bagay lang ang transparency at media black out hehehe.

     

    Andyan naman si panelo magdisseminate ng gusto sabihin ni sir president hehe

     

    Nung araw araw sya nagpapapresscon, panay panay ang reklamo sa sinasabi nya.

     

    Ngayon naman nagdesisyon yun tao na wala na munang interview para wala na lang mabatikos sa paguugali nya reklamo pa din. Hay naku

     

    Ano bang gusto nyo gawin ng tao? Magpapresscon sya tapos puro bulaklak lang dapat lalabas sa bibig nya? O tapos ano naman sasabihin nyo? Nagiging plastik sya?

     

    Lahat naman tayo agree na hindi malinis ang dila ni Duterte at nakakaapekto ito syempre sa kung papano tignan ng tao Office of the President. Alam natin ito weakness ng tao. Eh kung ganun din, di mas mabuting huwag na lang sya magsalita at hayaan na lang yun press secretary na mas mahusay magsalita ang magpainterview di ba?

     

    O ha nyo, 5 mins lang daw yun Inagural address ni Duterte, English ito, at ibang tao nagsulat para malinis. O siguro happy na kayo dyan?

×
×
  • Create New...