Jump to content

Edmund Dantes

[12] EXALTED
  • Posts

    3645
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    10

Posts posted by Edmund Dantes

  1. Interesting! nice way of showing the flipside. Ayan feminista na ito ha.

     

    http://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/132854-tough-persona-duterte-davao-feminist

     

    Lets be honest here.... kadami dami mga pulitiko dyan tatlo tatlo pa kabit. Meron din dyan rapist (Mayor Sanchez), Merong pedophile (Romeo Jalosjos), Meron din na me scandal pa (governor from bicol), at meron din dyan presidente na mansion ang regalo sa mga kabit nya (Erap).... But how interesting that a Mysoginist like Duterte would do as much for Women sa kinasasakupan nyan.

     

    Ok hindi ko sinasabi na tama manipol at maging babaero. Ang sinasabi ko dito una, huwag masyado focused sa personality ng tao. Lalo sa nakikita sa panlabas. Mas ok sakin yun aminadong chickboy, kesa naman kagaya ni Jalosjos at Sanchez na panatikong Katoliko, pero pinaglalawayan naman ang anak mong babae na 16 anyos.

     

    Pangalawa, komo chickboy manyakis na agad (Pervert, sex maniac)? Eh lahat naman tayo dito sa MTC siguro manyakis na kung ganun. Tsaka as long as hindi naman sya manre-rape ng bata, o manreregalo ng mansion sa mga babae nya gamit pera ng Pilipinas, then wala na akong pano private life nya. Dyos na umusig sa kanya. Basta maayos nya magawa trabaho nya bilang presidente.

     

    Ngayon dun sa reporter na sinipulan nya. Ok me karapatan naman sya mabastos. Kung gusto din ng mister nya hamunin ng suntukan si Digong, maiintindihan ko. Pero Ibang usapan pagiging mahusay na presidente

    • Like (+1) 2
  2. Sugar Ray Robinson may have been the greatest boxer of all time skillwise. But Muhammad Ali is and will always be boxing's greatest star.

     

    He was very unique in so many ways. First of all his fighting style made a violent sport look like ballet. He fought in a heavyweight era where there were real talented oposition. In a time when promoters did most of the talking to sell their fighters, Ali did most of the talking himself. He knew how to be an entertainer. He took hyping to the level that it is now.

     

    He was also a champion outside of the ring. He gave up his belts, livelihood, and most of his money to refuse participation in the vietnam war. He stood up for his principles no matter what the cost was.

     

    Ali is one of my heroes. The embodiment of what being a champion is about. Always believe in yourself. No matter if the world tries to bring you down, keep believing in yourself.

     

    Rest in Power to the greatest ever!

  3. attachicon.gif13310632_10153902649949678_4155006046619592989_n.jpg

     

     

    May mahalagang punto dito si Ed Lingao sa dulo ng kanyang post. Bakit pinahihirapan tayo ng pamilya Marcos. Ginugulo nila ang buong bayan, pinagwawatak watak ang mga Pilipino dahil pilit nilang sinusubo ang kagustuhan nilang ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Ferdinand Marcos samantalang ang kagustuhan ng yumaong Pangulo e sa tabi ng puntod ng kanyang ina siya mahimlay.

     

    Ang pagpupumilit na mailibing sa Libingan ng mga Bayani e game plan ba ni Imelda para ma-realize niya ang kanyang ambisyong makabalik uli sa Malacanang? Lantaran naman kasing sinabi ni Imelda na gusto nilang bumalik sa Malacanang. Wow. Kahit na at the expense of dividing the Filipino Nation.

     

    Hindi ba sila pwede magsakripisyo at ilibing sa Ilocos yang si Apo, katabi ng kanyang yumaong ina, na siyang gusto naman ng dating Pangulo? Malaking tulong yan sa bansa para manahimik na ang lahat. Hindi itong umpisa pa lang ng termino ni Digong e nagkakawatak watak na dahil sa isyung ito. Ganitong ganito nangyari kay Erap kung natatandaan niyo. Wasted political momentum para sa new leadership, sasayangin para sa patay. Sakripisyo kaming mga buhay pa.

     

     

    Ngayon palawakin natin ang sakop nitong ideyang ito. Pwede bang magsakripisyo ang mga Aquino at Marcos at lumabas na sa politika. Very divisive itong dalawang pamilyang ito. Hindi naman monarchy ang Pinas, pwede ba iba naman. Nakakauyam na.

     

    Imelda is not that stupid. Kung babalik man pamilya nya sa malacanang it will take more than the military funeral of her husband to do that.

     

    Ang problema pinalalaki masyado ng mga yellowtards, sa tulong ng media ang issue na ito. Sinabi na naman di ba? Ililibing sya bilang dating sundalo na lumaban noong WWI! Tapos!

     

    Ano ba problema kasi? Bakit kelangan magkahati hati pa dahil dyan? Di ilibing at bigyan ng full military honors, pagkatapos kung ayaw nyo tawagin bayani tao eh di huwag. Bahala na kayo humusga kung ano yun tao sa inyo basta nakalibing na sya. Hindi naman binabago pananaw ng ayaw, dahil in the same way di rin mababago pagtingin ng iba sa kanya in a positive light.

     

    Bakit? pag nalibing ba sya dyan magugunaw bigla mundo? Maibabalik ba pa natin si Apo para ayusin nya mga nasira nya?

     

    Ito namang media kasi, basta marcos na pinaguusapan kelangan laging tignan sobrang masama at lahat ng paghihirap ng bansang ito kasalanan nya.

     

    I guess equally as this country needs heroes, it also needs villains

  4.  

    Come on, hindi ito chicken and egg debate kasi alam naman nating pareho na kapag dinesisyunan ito ng presidente eh tapos ang usapan. kaso lang kahit hindi nga Aquino ang nakaupo eh hindi dinesisyunan na ayon sa gusto ninyo. May kanikaniyang pananaw ang bawa't isa pero hindi naman tayo ang decision maker. Kung sino ang may karapatang magdesisyon at nagdesisyon ay igalang na lang ng both sides.

     

    katulad ngayon, eh papaano kung hindi tinupad ni Digong un sinasabi niya? kasalanan na naman ng mga tinatawag ninyong "yellowtards"? sa ganitong usapan kaya nagiging chicken and egg kasi on the other hand tulad ng sinabi ni everyman, bakit hindi na lang ang mga Marcos at Marcos supporters ang mag move on? why can't the marcos and marcostards accept that a No is a NO. Fine bias si Cory pero Ramos said NO, si Erap na kaalyado nila said NO. Di rin naman lumusot kay PGMA. clearly, sino ba ang di maka move on. Try and try until you succeed ata ang moto ninyo. Kasi sa tingin ko kapag may isang pangulo ang pumayag dati na mailibing yan sa LNMB alangan naman na pagpasok ng susunod na administrasyon ay magrally na naman ang mga dilaw na ipahukay ito sa kanyang pagkalibing doon.

     

    Hay dami mong ngiao ngiao paikot ikot lang naman tayo. simple lang no political pressure = matagal na nalibing! Tapos!

     

    Ang tanong kung totohanin ba ni Digong ito tatahimik na kayo? Hindi na kayo magproprotesta o magrerekalamo

  5. Dear Digong

     

    I give you kudos when its due, but unfortunately Imma have to criticize when it is fair.

     

    First of all, we do accept that you are a flawed politician. If we trusted you its because we understand that your flaws do not outweigh your merits. And yes we appreciate that you are always true to yourself (too much for your own good sometimes), and that we can't ask you to change your identity. But you got to draw lines somewhere. Stop being such a magnet for bad press

     

    I agree if prudence is not exactly your best virtue, let your press secretary and spokesperson do most of the talking. Remember approval ratings do matter a lot. So do not ruin all merits out of saying something dumb.

     

    Nonetheless, its what you will do that should matter more. To be fair, its nice that you were able to negotiate to the chinese amabassadors for local fishermen to fish in the seas of Scarborough shoals. And that the korean ambassador personally went to see you and vowed more support to your administration. It is also impressive that our law enforcement has recently become very enthusiastic on cracking down drugs. And that finally many cities in the country are now implementing curfews for minors, and enforcing much needed discipline to the "tambays". See, if only you use your influence in a positive way good things can come out of it. It seems also you are not a person incapable of being diplomatic....

     

    But still people will easily forgive your foul mouth IF and only IF you will really start delivering the goods. Otherwise you will just be some douchebag head of the state.

  6. If the cemetery is called "Libingan ng mga Sundalo" this won't be an issue at all.

     

    Republic Memorial Cemetery naman tawag dito dati, pinalitan lang ng libingan ng mga bayani. Essentially military cemetery ito.

     

    Si Angelo Reyes di ba? Kaliwat kanan akusasyon dito ng katiwalian pero dyan naman inilibing.

     

    Like I said, heroes are not really saints. Heroism is sometimes a matter of perspective also. Hindi ko nga maintindihan bakit bayani itong si Pacquiao dapat, wala naman syang combat experience, hindi naman sya lumaban para sa civil rights etc. Pero mas nagiging bayani pa sya kina Rizal at Bonifacio

  7. The thing is most people think that historical "heroes" are supposed to be these immaculate beings who dedicated their life selflessly for truth, justice, peace, benevolence and crap like that.

     

    The reality sadly is very far from that. Many of our heroes were at some point motivated by self-interest and even committed sins against the country.

     

    Kaya nga sabi ko, minsan perspective din ang pagiging bayano. Nasa iyo na lang kung ano yun mas titignan mo siguro

  8.  

     

    Simple lang ang argumnto ko ... di mo maiiwasan na sa isang usapin may papanig at may kokontra. pero ang tanong nakanino ba ang huling desisyon?

    Ilang presidente na ba ang hindi isang Aquino, pero hindi nila pinayagan mailibing. Tapos sisisihin ninyo sa mga taong kumokontra? Aba'y kung ginusto yan ng mga nagdaan na pangulo kahit na may nagrereklamo dahil iyon ay ang "nararapat" dapat ginawa nila yon. Now kung hindi at nagpadala sila sa sinasabi mong mga kumokontra then yun mga pangulo ang sisihin mo at hindi yun mga mamamayan na di sumasangayon. Sabi mo nga nasa rules naman yun gagawin niya di po ba?

     

    Fine nagiging chicken and egg debate lang ito. Lets hope panindigan ni Duterte desisyon nya para tapos na ito.

     

    Let Marcos have his military funeral in consideration for whatever good he did for the country

     

    Then kung gusto nyo hangang kaapuapuan nyo lagi nyo ikwento na walang hiya si Marcos.

  9.  

     

    never said he should be perfect, but at least, he should act decent.... basic....

     

    and what he does as president still remains to be seen... but what can be said now is that he is no decent person.

     

     

    Talking decent does not mean you also act decent, I guess the on the flip side, the same can be true

     

    Well opinion mo na lang yan parekoy. In the first place you do not know him personally.... but whatever.

  10.  

     

    yun na nga ang funny thing.... bawal ang bikini, pero ok lang mambastos ng babae pag si duterte.

    that is what you call hypocrisy....

     

     

    digong must realize that he is now the president of the country, and he should starting acting like one.... he is a role model of the filipinos and kabastusan ang ginagawa nya....

     

    Its what he really does that should weigh more than what he says. At least thats how I see it. On the flipside, maginoo ka nga sa pakitang tao tapos para ka lang palang si Jalosjos. Nonetheless, point taken he was wrong and hopefully he learns to tame his tongue a bit.

     

    I don't know about being a role model and all, but even cannonized saints are not really perfect human beings. Besides people did not elect him to be Mr. Congeniality. What should weigh more is his actions. So lets see kung magiging mahusay nga sya.

  11. ^^^ kaya nila gusto ipalibing doon pre kase papasok sa record books na si marcos (globally considered (i did not say convicted) the most corrupt leader in the world, or number 2 whatever) ay nakalibing sa libingan ng mga bayani.

     

    Sunod niyan sasabihin ng pamilya "e kung corrupt si marcos, bakit niyo nilibing sa libingan ng mga bayani?"

     

    After 50 years marami na patay sa mga pilipino na nabuhay noon martial law, record books na lang ang titignan, "uy si marcos nakalibing sa libingan ng mga bayani, ibig sabihin hero siya!"

     

    Mga kabataan nga ngayon karamihan mang mang na sa nangyari noong martial law, kaya nga muntik manalo si BoBoMar e how much more down the road a few years from now.

     

    Hehehe laughingstock na naman ang pilipino kapag ilibing yan sa libingan ng mga bayani. Parang ngayon laughingstock na naman tayo dahil machine gun bibig ng pangulo natin

     

    Gimme a break, si Aguinaldo nga na deklaradong bayani napakadaming bahid ng legacy nya. Pagpatay kina Bonifacio at Luna. Pagtorture sa mga kaaway. Pagiging collaborator ng mga hapon. Nakulong pa nga yan dahil dyan. At sa iba, sya nga daw Father of Government corruption in the Philippines. lol.

     

    At eto matindi! Si Stalin! In the books million million namatay dahil dito. Sa pananaw ng ibang bansa, halimaw din itong taong ito. Hindi mo lang tawanan biro nya tapon ka sa gulag at magtratrabaho ka hangang mamatay ka sa gutom. Pero ang daming monumento ni Stalin sa Russia. Hati din ang mismong mga russo tungkol sa kanya. OO maraming pinapatay, pero sa pamumuno nya naging heavily industrialized ang Russia, naging superpower, at hindi nasakop ng mga Nazi.

     

    Si Mao tse Tung, Ho Chi Minh, etc. The list really goes on. Kung minsan yun pagiging "bayani" ng isang tao, subject na lang yan sa perception ng tao. At kung sakali man magbago nga pananaw ng tao kay Marcos (tulad nga ng nangyayari ngayon). Ano naman? Past is past! Patay na yun tao! hindi na ulit tayo pwede bumalik sa nakaraan. Magkakaroon ba yan ng epekto (mabuti o masama) sa kasalukuyang estado ng lipuan natin ngayon?

  12. Well yeah, wala naman kelangan ipagtanggol sa sinabi nyang yan. Mali naman talaga kung sa mali. Sana nga maghanap talaga sya ng speech coach para matame ng konti dila nya. At me magabiso sa kanya na huwag masyado magipon ng kaaway. You can't always go gangsta on your critics.

     

    Hindi na naman ito bago kay Duterte. Lagi naman syang ganyan. He is a flawed president and that is for sure. But do remember that if all he had to show for was his foul mouth, hindi naman sya iboboto ng tao. What will matter more at the end of the day is his accomplishments. Sana gumawa ng maraming magagandang accomplishments admin nya. Kundi yari sya syempre sa tao. Otherwise mabilis naman sya mapapatawad dito.

     

    Or not..... kahit naman maganda ang gender development code sa davao, me pinatayong center for battered wives, pinagbawal pagsusuot ng bikini sa mga beauty contest. Misogynist pa din na tinitignan yun tao.

  13.  

     

    sabihin na natin for argument's sake na mali lahat ang paratang kay Makoy at tunay na nararapat siyang ilibing sa LNMB.

     

    Ilang dekada na ba ang nagdaan nang mamatay siya. Ilang pangulo na ba ang nagdaan na hindi isang Aquino. Hindi pa rin nailibing doon na kung tutuusin isang order lang naman kahit ilang ang tumutol mangyayari yon. Tulad ngayon na sinabi ni Du30 na payag siya. So kung payag siya at iutos niya ilibing dun pagkatapos na pagkatapos na sumumpa siya bilang pangulo, may magagawa ba ang mga kumokontra?

     

    Pero ito ang akin, halimbawa hindi talaga mailibing doon, bakit ba pinagpipilitan ng pamilya? Because what Marcos wants Marcos should always get? Dahil ba "bayani" siyang maituturing kung doon lamang siya inilibing?

     

     

    Bottom line pulitika lang naman talaga ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng public pressure na huwag sya dyan ilibing. Kung wala naman umaangal eh matagal ng tapos usapan na ito. Kaso madaming mas gusto timbangin yun sentimiento. Sana nga hindi bumigay sa public pressure si digong dito.

     

    Anong always want at always get na sinasabi mo. Hindi nga ganun ang nangyari, kundi ba di sna hindi nawala sa kapangyarihan si Apo.

     

    Hindi mo masisisi kung yun pamilya gusto makuha yun entitlement ng tao. Andyan naman sa rules ang requirements di ba? Kung yun lang pagbabasehan natin wala na tayong dapat pa pagusapan. Kung gusto nyo, eh di pasa na lang ng panukala sa kongresso para baguhin yan. At imbes sa AFP, ipasa na lang sa national historical commission pangangasiwa. Kasi sila lang naman pwede magdeklara ng pagiging national hero status. Dami daming historical figures di nabigyan ng ganyan status eh.

     

    Ang dating pangalan ng lugar na yan "Republic Memorial Cemetery" na essentially ay isang military cemetery. Yun pagkakalagay ng salitang "Bayani" political lang. In other words para mas kyut.

     

    Pero sa huli, nasa tao na kung ituturing nyang totoong "bayani" nga yun nailibing dyan.

  14. Eto yun policy

     

    According to Armed Forces of the Philippines (AFP) Regulation The Allocation of Cemetery Plots at the LNMB issued on 9 April 1986 by former AFP Chief of Staff Gen. Fidel V. Ramos and President Corazon C. Aquino, along with members of the military, the following persons are entitled to be interred at Heroes' Cemetery:[4]

    • Medal of Valor awardees
    • Presidents or Commanders-in-Chief, AFP
    • The secretaries of National Defense
    • AFP Chiefs of Staff, General/Flag Officers, active and retired military personnel, and former AFP members who laterally entered/joined the Philippine National Police (PNP) and the Philippine Coast Guard (PCG)
    • Veterans of the Philippine Revolution of 1896, the First and Second World Wars, as well as recognized guerrillas
    • Government dignitaries, statesmen, national artists and other deceased persons whose interment has been approved by the commander-in-chief, Congress or the Secretary of National Defense, and
    • Former Presidents, Secretaries of National Defense, widows of former Presidents, Secretaries of National Defense and Chiefs of Staff

    However, those who were dishonorably separated, reverted, or discharged from the service, and those who were convicted of an offense involving moral turpitude cannot be buried at the cemetery.

     

    Ayan. Wala naman naging conviction si Marcos sa mga nabanggit na yan. Kahit nga yun sinasabing moral turpitude, marami din pwedeng ibig sabihin nyan. Point is.... there is no conviction. Otherwise kahit si Angelo Reyes eh di dapat di nilibing dito.

     

    Kung ito at ito lang pinakapagbabasehan natin at hindi sentimiento I think malinaw na sagot. Kahit nga si Honasan pabor naman dito eh.

     

    Kayo na lang bahala kung ano sa inyo si Marcos.

  15. Sakin ganito lang.

     

    Let him be buried as a soldier who fought in WWII nothing else.

     

    Let those who see him as a monster and not a hero do so. Wala naman hinihingi sa NHC na ideklarang pambansang bayani yun tao.

     

    Bakit si Angelo Reyes? Di ba damng paratang ng katiwalian sa kanya bago sya nagpakamatay? O bakit sya nalibing dyan.

     

    Walang mangyayari satin kung lagi natin isisisi problema ng pangkasalukuyan sa mga kasalanan ng nakaraan. Para sakin kung hirap tayo ngayon, eh kasalan yan ng kasalukuyang pamumuno. Hindi na naman makakabalik yun patay na para ayusin mga sinira nya di ba?

    • Like (+1) 1
  16. Hinde ho basta basta proseso ang usapan dito mas importante ang proseso ng paglilitis sa isang demokrasyang bansa kaysa perpektibo na sinasabi nyo! Bwekekekekeke! Kung titignan nyo yung kay Bonifacio hinde ho dumaan sa tamang proseso ang paglilitis nya, ultimo abogado nya nilaglag sya! Bwekekekekeke!

     

    Kung ma-acquit si Imelda? Haka-haka pa rin ho iyan walang basehan! Bwekekekeke! Kung luluhod sya at isosoli ho ang mga ninakaw baka ho mapatawad ho siya ng mga na-agrabyado nya! Gagawin nya ba yun? Bwekekekeke! Haka-haka pa rin yan brad! yung Hacienda Luisita at Maguindanao Massacre wala ho akong sinabing wag pag-usapan paki balikan po ulit ang mga sagot ko baka nabubulagan lang po kayo Bwekekekekeke! Ang sinasabi ko po ay nasa korte na po ang kaso hayaan natin na gumulong ang tamang proseso ng paglilitis upang doon magkaroon ng tunay na hustisya. Bwekekekekeke!

     

    Now going to 1997 Financial Crisis natural na may epekto pa rin nung panahon na iyon ang mga inutang at polisiya ni Marcos kaya tuluyan na sumasad ang Piso kontra sa dolyar pero hinde naman sagad na palpak ang Gobyernong Ramos nung panahon na iyon dahil natugunan po niya ang pagbagsak ngunit hinde kasing epektibo ng solusyon ni Mahathir ng Malaysia. Ano ho ang mas maytama sa ekonomiya ang 3 taon na cronyism ni Erap o ang 20 taon cronyism at conjugal kleptocracy ng mga Marcos?

    Alalahanin mo rin na sumabit si Erap sa Jueteng at pera ng sugal yun hinde kaban ng bayan. Bwekekekekeke!

     

    Huwag mo na po ipilit na bumagsak ang todo ang piso noong year 2000 dahil mali nanaman po ang akala nyo katulad ng pagkabyos nyo kay Shinzo Abe Bwekekekeke! Eto po ang link paki basa na lang at laruin ang graph : http://www.tradingeconomics.com/philippines/currency

     

    at eto ang kanilang maliit na side note :

    Historically, the Philippine Peso reached an all time high of 56.34 in October of 2004 and a record low of 37.84 in May of 1999.

    Nakakatawa panahon pa ni Erap narating ang pinakamababang halaga ng Piso laban sa Dolyar at panahon ni GMA ang pinakamataas, Bwekekekekeke! Andito ka na nga sa Pinas sablay ka pa! Bwekekekekeke!

     

    Natawa naman po ako sa iyo sabi nyo verbatim "Maraming paratang tungkol sa war accomplishments ni Marcos. Pwedeng totoo pwedeng hindi. Pero ang isang malinaw eh kinikilala sya na beterano,"

     

    Eh hinde nga siya kinikilala ng America na naging beterano, paano na iyan? Eto ho ang sabi ng US Army at binalita ng New York Times .

     

    http://www.nytimes.com/1986/01/23/world/marcos-s-wartime-role-discredited-in-us-files.html?pagewanted=all

    Sinong kamoteng Ambassador ho ang nagkumpirma? May mas titibay pa ba sa US Archive? Bwekekekekeke! Tama po kayo dapat matagal ng tapos ang usapan sa qualification ni Marcos bilang sundalo at siya ay isang PEKE! Bwekekekekeke!

     

    Sa post na nga lang na ito, punong puno ka na ng biased perspectives mo. Pinapanigan mo lang ang perspective nung nagsulat ng kasaysayan dahil sila yun panalo. Nung panahong panalo ang magdalo, sasabihin mo din tama abugado ni Bonifacio. Ayan na nga, nacourt marshall na sya, at pagkatapos ng pagdinig lumabas na traydor daw si Bonifacio, mismong abugado nya na nagsabi. Kung di pa siguro kumandidato si Quezon para sa commonwealth election, malamang hangang ngayon traydor pa din na tinitignan si Bonifacio.

     

    Actually marami sa malalaking kaso ni Imelda ang naipanalo nya na. Pero sasabihin mo na ba na me hustisya na? Syempre hindi! Kahit naman maglulupasay si Imelda sa paanan mo mumurahin mo pa din. Kasi nga, kelangan me lagi tayong sisisihin di ba? Imbes sana akuin na ng pangkasalukuyang pamumuno yun responsibilidad sa pagako ng problema hindi! Huwag na lang natin sisihin kapalpakan ni Ramos. Huwag na lang natin kastiguhin mas malaking kapalpakan ni Erap. Di na bale na tumanngap sya ng suhol sa illegal na Jueteng, Hindi kasalanan ni Erap at GMA na bagsak ekonomiya natin. Basta si Marcos lang ang masama. Ilang presidente pa na papalpak ang gusto mo isisi na lang lagi problema kay Marcos pag hindi nila natutugunan yun problema? Anak ng, 20 years nanungkulan si Marcos. 30 years na syang wala sa pwesto. Hangang ngayon kasalanan nya pa din lahat?

     

    Sa mga kasong ipinanalo ni Imelda, sasabihin mo ba makatarungan desisyon? Pero sa desisyon sa mga kawawang magsasaka na dinesisyunan nung honeymoon period ng EDSA, eh ok na! Tapos na! Yun mga kasong di pa nadedesisyunan? Nasa proseso pa? Ah basta kung kay Marcos sigurado masama na sya. Pero yun Luisita at Maguindanao.... Basta nasa proseso pa kaya si Marcos na lang dapat masama.

     

    Ngayon mabalik tayo kay Marcos. Yan link na sinabi mo tungkol naman yan sa "maharlika". Ang pinaguusapan natin pagkilala sa kanya bilang beterano. http://newsinfo.inquirer.net/684596/ferdinand-marcos-on-war-vets-list-imelda-getting-old-age-pension. Ayan tumatangap pa daw pension si Imelda.

     

    Ganito lang yan, kung halimaw yun tao sa iyo, eh di halimaw. Marami rami din naman na nakalibing dyan sa LNB ang di naman tinuturing talagang bayani. At hindi ka naman pinipilit baguhin pananaw mo tungkol dyan. Pero malinaw naman patakaran at requirements para malibing dyan. Kung gusto mo, eh pasa ka na lang panukala sa congresso para baguhin yan di ba?

     

    Isa lang tinitiyak ko sayo, 30 years mo pang sisihin si Marcos, hindi nyan susulusyunan maraming problema na nasa kasalukuyan

  17. Kaya nga nung WW2 dumaan sa proseso ng paglilitis ang mga war criminal kaya nga binitay ang karamihan ng mga opisyales na hapon., take note Opisyales dahil may chain of command. Mali ang Tsismis mo tungkol kay Abe dahil 1954 siya pinanganak tapos na ang digmaan! Bwekekekekeke! Maganda ang ekonomiya nung panahon ni ramos nung 1st 3 years nya pero nagkaletche letche ng 1997 financial crisis. 24 lang ang dollar bago magkaroon ng Asian Financial Crisis tapos naging 44 nung 1997 kaya unfair na ibintang mo kay Erap kaya naging 55 ang dollar! Ipaalala ko lang sa iyo na 2005 umabot ng 55 ang isang dollar at panahon na ni Gloria yun (OFW ako nun kaya tanda ko ang exchange rate) Bwekekekekeke!

     

     

    Hustisya ba kamo sa Mediola Massacre dumaan na iyan sa proseso ng paglilitis at pinagtibay ng Supreme Court and desisyon kaya tapos na ang kaso. Kung naghahanap ng hustiya magsampa ulit ng panibagong kaso na mayroong mas matibay na ebidensiya, sa ngayon tapos na ito.

    http://www.lawphil.net/judjuris/juri1993/mar1993/gr_84607_1993.html

     

    Hacienda Luisita Massacre may kaso na po ito at antayin na lang ang kalalabasan ng paglilitis, sa pagkakatanda ko Dep. of Labor Sec. Patricia Sto. Tomas ang nag-utos na buwagin ang picket ..dapat isama siya sa kaso at si GMA. Bwekekekekeke!

     

    Maguindanao Massacre, ganun din nasa korte na ang kaso! at panahon din ni GMA ito! Bwekekekekeke!

     

    Unchristian nga malamang ang mga marcos dahil hinde pinagbabawalan na ilibing ang bangkay ni Makoy! kahit saang lupa na pag-aari nila puwede ilibing iyan or ibalot sa banig at itapon sa ilog pwede rin! Bwekekekekeke! Sana maalala mo na may deal na iyan at si Binay ang mediator nung pag-kaupo ni Noynoy pero anong nangyari ipinilit nila na sa Libingan ng mga Bayani with full military honors pa!Gago lang din! Bwekekekekeke!

     

    Ipaalala ko lang din po ulit na ayon sa pag-aaral ng mga Amerikano at historyador peke po na sundalo si Makoy! Bwekekekeke! Ililibing ang peke na sundalo sa libingan ng mga bayani. Bwekekekekeke!! Tama lang na isisi ang paghihirap (ibang paghihirap at hinde lahat ha) dahil ang ugat nun ay ang walang habas na pag-utang at luho ng pamilya nila at idagdag ang ekonomiyang pinatatakbo ng mga cronies! Bwekekekekeke!

     

    Ang pinaguusapan dito natin ay historical perspectives. Hindi basta kung ano ang mga naging proseso lang. Kasi kung ganun din lang, eh di dapat pala tignan natin na traydor nga si Bonifacio, kasi nacourt marshall sya di ba? At tulad ng sabi ko ano man naging hatol ng mga international tribunals, kung tatanungin mo mula sa perspective ng mga pamilya at dating lumaban sa gyera, para sa kanila walang kasalanan JIA. Mahirap kasi kung puro perspective lang tayo, di na yan matatapos.

     

    Magpakatotoo lang tayo.... Kahit naman maacquit si Imelda sa daang daang kasong isinampa sa kanya, magbabago ba pananaw mo sa pamilya nya? Kahit lumuhod yan sila sa harap mo at humingi ng tawad, babaguhin mo ba "perspective" mo sa kanila? hindi di ba? Malamang nung nakalusot sya sa mga malalaking kaso nya ng graft isa ka din sa mga nagngitngit sa galit at sinabing hindi makatarungan ang naging pasya ng korte. Pero nung walang napapanagot para sa mga kawawang magsasaka na pinagbabaril. Sasabihin mo naman tapos na usapan! Yehey! At yun tungkol naman sa Hacienda Luisita at Maguindanao, nasa korte kasi... kaya huwag na lang natin yan pagusapan. Si Marcos na lang dapat masama.... Cop out ito malinaw. Hindi natin paguusapan kung gaano kasama sila GMA, Erap, Aquino, si Marcos lang dapat.

     

    So yun nangyaring 1997 financial crisis at kapalpakan ng kasalukuyang gobyerno nung panahon na yun tugunan yun krsis, kelangan isisi pa din kay Marcos? 1998 nung naupo si Erap. 2000 nung bumagsak talaga piso. At hindi mo pwede itanngi na malaki kinalaman ng nangyayari sa administrasyon nya nung mga panahon na iyon. Cronyism ba kamo? Sino ba pinaboran ni Erap sa issue ng strike sa PAL? Mga kawawang empleyado ba? Sa usapin ng coco levy? Ano ginawa nya sa mga kumpare nya na nagi-inside trading sa stock market? Pwera pa dyan yun sunod sunod na katiwalian na nangyari at pagbili nya ng magagarang mansion para sa mga querida nya. Nagpapalit din kami ng dollars noon kaya alam ko din ito. At mas alam ko kasi nasa pilipinas ako nung panahon din na yun. Ewan ko kung nasan ka. Tapos sasabihin mo unfair sisihin si Erap?

     

    Ganito lang yan, sakin tinitignan ko si Marcos as a rise and fall story. Me mabubuting nagawa, pero me mga naging pinsala din sa bansa. Ganun pa man, responsibilidad na dapat ng mga sumunod na ayusin sana ito. Kundi lang dahil sa mga kapalpakan nila di sana hindi na kelangan siisihin si Marcos di ba? Kaso tuwing pumapalpak, ang laging palusot ay minana kasi problemang ito. 50 years daw aabutin para maayos ang problema na ginawa ng Marcos admin. Anak ng.... ang Indonesia nga nakakabangon na eh. Ganyan din ba katagal inabot sa Italy? O kahit pa sa Argentina? Hangang kelan nyo gusto sisihin yun taong halos 30 years ng patay? Imbes sana sa kasalukuyang dapat nagaayos ng mga problema na yan.

     

    Pero balik lang sa pinaguusapan tayo. Maraming paratang tungkol sa war accomplishments ni Marcos. Pwedeng totoo pwedeng hindi. Pero ang isang malinaw eh kinikilala sya na beterano, tumatangap pa nga ng pension hangang ngayon si Imdelda. Mismong Palasyo at ang US ambassador na nagkumpirma nito. At kung patakaran at patakaran lang paguusapan natin, hindi biased perspectives, tapos na dapat usapan sa qualification ni Marcos.

     

    Eto na lang para matuwa ka. Ilibing na yun tao, bigyan ng full military honors bilang serbisyo nya sa bansa na di naman maikakaila na meron.... tapos kayo, kung ayaw nyo magmove on at gusto nyo mabuhay for the next 30 years na sinisisi problema ng kasalukuyan sa nakaraan, eh di go! Good luck! Sana nga makatulong yan sa ekonomiya natin. Wala naman humihingi sayo baguhin pananaw mo tungkol sa tao.

  18. This is a perfect example why I'm not proud as Filipino. Ang lakas pa rin ng crab mentality natin. Lalo na sa VP race, talamak yung crab mentality natin.

     

    Ako ay isa anti Marcos pero hindi ako pro LP. Makabayan bloc most likely to anti Marcos. Consider ba sila yellowtard sa issue na ito? Paano yung Muslim extremist groups natin? Nagbuo mga group nila dahil sa pangaapi ni Marcos. Malamang anti din sila sa isyu. Yellowtards din sila?

     

    I look at Marcos and I see him as a rise and fall story. Dapat tularan yun mga magagandang nagawa, pero hindi yun mga maling nagawa. Mahusay na leader, pero nabulag ng sariling ambisyon at tulad ng ibang diktador maling inakala na habang buhay eh nasa taas sya,

     

    Pero ang nakakainis yun vindictive mentality ng mga nabrainwash ng yellow journalism. The way Marcos is demonized, cartoonish na masyado. Libing na lang bilang dating sundalo eh gusto pa ipagkait. At pinakanaiinis ako sa lahat yun laging sinasabi na "Ah kaya tayo hirap ngayon, at baon sa maraming utang dahil kay marcos na yan!". Anak ng 30 years na ang nakalipas sa kanya pa din yan sinisisi? Talk about being stuck in history. Take what lessons you can from it, but move on!

     

    As a leader marami rin naman silang natulungan kahit si Marcos, Erap, GMA, etc. pa yan may mga mamamayang nakinabang at natulungan habang sila ay nanunungkulan pa. Kaya marami pa rin ang sumusoporta sa bawat lider na yan. Sa mga naapi o nadehado siyempre anti sila dun sa lider na yun. Its just taking sides from weighing the pros and cons on their own experiences.

    Soon si Duterte magkakaroon din ng madedehado diyan at mayroon din na matutulungan kaya may magsasabi din na siya ang worst or best president depende kung saag side mo siya maeexperience.

     

    Sabi ko nga matter of perspective din kung minsan ang History. Look at any historical figure laging me detractors yan. Aguinaldo, QUezon, Magsaysay, Rizal etc.

     

    Si Stalin nga di ba? Kung ikukumpara daw ito kay Hitler magmimistulang choir boy lang si Fuerer. Pero me mga monumento pa din si Stalin sa Russia, at credited pa din sa maraming magagandang nagawa nya sa russia. Bukod sa di sila nasakop ng Nazi, naging superpower pa USSR

  19. Ang mga sundalong hapon lalo na ang mga opisyales ay binigti pagkatapos ng trial dito sa Pinas, nagbayad ng reparation at hanggang ngayon ay tumutulong sa ekonomiya ng Pilipinas, Ang pamilya ni Macoy ang tigas ng mukha na itanggi na walang pang-aabuso ng kanilang panahon at ibinaon sa utang ang Pilipinas na hanggang ngayon ay atin pa ring binabayaran.

     

    Kaya medyo sablay ikumpara ang kawalanghiyaan ng mga hapon sa kawalanghiyaan ng mga marcos. Bwekekekekeke!

     

    At sa Indonesia unislamic ang hinde paglilibing agad ng bangkay at ito ay isang malaking kasalanan kaya nailibing agad si suharto. Bwekekekekeke!

     

    Kung makakausap mo ang mga dating sundalo dito, mga opisyal, at kahit pa mga pamilya nila, sasabihin nila sa iyo wala rin naman silang ginawang masama kasi panahon ito ng gyera, at ginagawa lang ng mga ito tungkulin nila. In fact nga daw hinayaan pa tayo magkaroon ng Gobyerno natin. Sige nga pilitin mo yan sila magsorry din? in fact iba nga sa kanila me mga kaanak din na napatay sa Pilipinas. Tulad ng sabi ko matter of perspective lang kung minsan ang kasaysayan. Si Shinzo Abe balita ko (ewan ko kung totoo) nadestino din yan satin at me nagsasabing War Criminal daw ito, pero ngayon prime minister sya.

     

    Ayan tama yan! Kasalanan pa din ni Marcos bakit tayo naghihirap! Kanya natin yan isisi! Tama yan! At hindi sa mga kapalpakan ng mga sumunod sa kanya. Alam ko after Ramos ang ganda na sana ng ekonomiya natin 35 =1 dollar na noon eh. Pag pasok ni Erap sumadsad sa 55! Pero hindi! Marcos lang sisihin natin! Walang kasalanan mga sumunod sa kanya! Walng pangaabuso na nangyari sa mga sumunod sa presidente. Ano ba naman yun mendiola massacre? Hacienda Lusita Massacre? Yun nangyari sa Maguindanao? Kidapawan? Yun unang dalwa hangang ngayon wala pang hustisya para sa mga kawawang magsasaka pero santa si Cory!

     

    So kung unislamic ang di pagpapalibing sa patay, Christianic pala ang hindi pagbibigay ng libing naman satin? Ganun ba yun? At di lang yun, full military honors pa binigay kay SUharto. Dahil dati rin syang sundalo. Buti pa Indonesia, bilib ako sa nagiging progress ng science and technology nila. Talagang nakakamove on na, at hindi sinasayang oras sisihin ang patay na nilang diktador. Tayo? Tama isisi pa natin paghihirap sa kasalukuyan kay Marcos!

  20. Eh anong magagawa mo kung sa demonyo talaga ang tingin nila kay marcos? The marcoses have moved on and are unrepentant as if nothing evil have happened. Para sa kanila kabutihan lang ang nagawa nila. Yan lang din ang gustong pagusapan. Siyempre tututol ang mga di sumasangayon at ilalabas ang bahong pilit itago ng mga marcos. People move on but they never forget ...

     

    Natawa naman ako at pati paglibing kay marcos kasalanan ng yellowtards. Matanong ko lang kahit maglulupasay ang mga yan kung sinabi ng nakaupong presidente na ilibing na yan may magagawa ba sila? Yun presidente ang may final say. Kung tuparin ni Du30 ang sinabi niya na payag siyang ilibing then may magagawa ba ang yellowtards?

     

    Demonyo ang tingin sa kanya kasi yan ang pilit na sinasaksak sa kanila ng yellow media. In the same way sila din itong mga gugngung na gusto isipin santa si Cory samantalang political prositute naman sya sa totoo lang. Kahit nga yun proposal na pinaka naghirap daw Pilipinio nung panahon ni Marcos ay kalokohan. Kwento nga sakin after WWII, maswerte na middlle class pababa kung isa isang taon makatikim sila ng karne. Kaya nga natuto yan sila kumain ng talbos ng kamote at kangkong dahil talagang tag gutom nun!

     

    Yun mga Hapon na mas malala pa ginawa sa bansa natin eh pinatawad na. Binabalikan natin bahagi na yan ng kasaysayan, bagamat marami rami silang masamang ginawa (wala nga halos mabuti), pero di na natin minumura mga hapon. In fact kaibigan na natin sila. Si Marcos, hangang ngayon gusto pa din sisihin sa mga problema ng kasalukuyan. Bakit hindi sisihin yun kapalpakan ng sumunod sa kanya. Baho ba kamo? Eh bakit iwas na iwas ang mga ito pagusapan mendiola massacre? Haceinda Luisita? Ang paghahari ng mga Cojuanco at Aquino at ng mga kaibigan nila sa lahat na ata ng negosyo sa Pilipinas?

     

    History is written by the victors ika nga. Nung panahon na nanalo faction ni Aguinaldo, si Bonifacio ang traydor. Kundi pa siguro pahukay ni Quezon mga buto ng supremo para siraan si Aguinaldo di pa siguro lalabas katrayduran ni Aguinaldo.

     

    Hindi mo din masisisi kung ang iilan sawang sawa na makinig ng mga EDSA songs na yan. Kung ayaw na nila magpauto sa Yellow propaganda. Kaya nga muntikan pang manalo si BBM. Matter of perspective din ang History.

     

    Ngayon alam naman natin na pulitika ang dahilan kung bakit simpleng military honors lang naman di pa maibigay kay Marcos. Sino ba masyadong pinupulitka ito? Kanino ba nangaling poltical pressure para pagkaitan si Marcos ng entitlement nya? OO sana nga huwag bumigay si Rody sa mga yan. Kahit pa pasagasa ulit yan sila sa tangke

  21. O nga pala, saang bansa pupunta yung mga Yellowtards now that Duterte is the winner?

     

    Yun dakilang sopot nasa honolulu di ba? Ang gagong yan! Media na daw bahala sa mga expose nya. Bwahahahahahahahaha Classic bahag ang buntot! Bakit media na? Sila ba me hawak ng ebidensya? Ang gawin nya, ilabas nya itong tinatawag nyang Joseph DeMesa. Anak ng, ni hibla ng buhok hindi pa natin nakikita.

  22. You know its a matter of personal opinion...depending kung anong pov ng tao.

     

    Like i said why compare us with suharto? Why not compare marcos legacy to that of lee kwan yew and how he transformed singapore. Why not compare our nation to that of japan when we were next to them when marcos assumed power. Where were we when he step down.

     

    Ngayon pati paglibing ni makoy issue...eh kung ayaw ipalibing ni cory at abnoy, eh anong ginawa nun ibang presidente? Yellowtards pa din ang may sala?

     

    Its all about the context of how we tend to overly "demonize" certain figures in our history to the point that we refuse to move on!

     

    My point is, Indonesia buried its dictator and has moved on from that portion of history. There is no longer any need to have any contempt and resentment for Suharto. And now nauungusan na nila tayo

     

    We have forgiven the Japanese who has done s@%t way worse than Marcos did.... A convinient fact we all ignore. And yet we look back at that portion of history without any contempt.

     

    Pero pag si Marcos, dapat yung kasamaan nya lagi pagusapan.

     

    Of course kasalanan ng yellowtards ito! Kung tutuusin nga, papalibing na sana ito ni Erap di ba? Sino ba panay tutul dyan? Ngayon na gusto ulit palibing ni Duterte, eto nanaman mga yellow minions

  23. We are comparing best and worst presidents and the conditions under their presidency...biglang napasok panahon ng hapon. Yun panahon ng digmaan. Hay naku

     

    Anyway, you have your choice...mine is marcos ang pinaka worst. Hindi na naman mababago yan

     

     

    Hoy excuse me! Ikaw naman ang sumagot sakin di ba? At pilit na sinasabing hindi dapat si Erap kundi si Marcos. Kasi nga si marcos lang ang walanghiya, pinakanaging perwisyo, pinakademonyo etc etc. Ikaw ata gusto baguhin pananaw ko.

     

    Ngayon dun sa issue ng mga Hapon, ang punto ko lang naman dyan, there is so much bullshit in our history regarding the perspective about Marcos. Di hamak naman na mas maghirap Pilipinas sa kamay ng mga Hapon, kesa kay Marcos. But we look back at that portion of history and we no longer have any contempt for the Japanese. Kahit nga sa mga kapalpakan din ni Cory at ni Erap. But when it comes to Marcos, always with utmost contempt and hate!

     

    Buti pa ang Indonesia, nilibing na nila diktador nila at umuunlad na sila

  24.  

    Kaya minsan useless makipag usap sa mga tao tungkol sa pag unlad ng bansa, lagi na lang gagawing reference o benchmark yung panahon ng martial law. Na kesyo mas ok na umupo ang kahit sino basta hindi tulad ni marcos. Boboto ng mga kandidatong wala namang experience basta hindi magnanakaw at corrupt tapos kalaunan magtataka ang tao bakit walang pagbabago na naganap sa termino ng taong niluklok nila sa pwesto.

     

    The problem cannot be solved using the same mindset that created it.

     

    Eto dapat, isipin natin si Marcos yun ex mo na maraming naitulong sayo pero winalangya ka pagkatapos. Syempre during a period of grief sya sisishin mo bakit ka miserable. Pero ang kaso, ilang taon na.... Patay na yun ex mo nga! Miserable ka pa din, at panay ka pa din pangsisi sa kawalanghiyaan ng ex mo.

     

    OO learn from history but do not be stuck by it. We learned so much after wwII (or did we lol). Mas malala pinsala na nagawa satin ng mga Hapon, pero ngayon kaibigan na natin ang bansang ito. Ano kaya nangyari kung hangang ngayon sinsisi pa din natin sila sa mga nangyaring torture, rape, at pagkawasak ng bansa natin?

     

    Lagi na lang kasi ang balita tungkol sa kung gaano kasama si Marcos, at kung bakit hangang ngayon naghihirap tayo dahil sa kanya. Bakit si Marcos? hindi ba pwedeng yun kapalpakan na lang ni Erap, Arroyo, At ni PNoy, ang mas dapat natin sisihin?

     

    Ang Indonesia nga di ba? Mukhang pinatawad na nila si Suharto na mas malala kay Marcos. Binigyan pa ng Military Burial.

     

    Walang mangyayari kung sisihin natin diktador na matagal ng patay. Move on

  25. Yan ang hirap sa inyo ... Pinagpipilitan ninyo tingnan lang ang kabutihang nagawa pero yun mga kawalanghiyaan eh isinaiisantabi ninyo.

     

    Wag na natin pagusapan na escape goat siya... Just compare where the philippines to its neighbors nun magumbisa si makoy at nun napatalsik. Bakit tayo napagiwanan ng Japan at Singapore by 1986?

     

    Tulad ng sinabi ko yun mga negosyante at may pera nun panahon ni marcos puros dollar ang binibili at inilalabas ang kanilang pera sa takot.

     

    Yun interest rate na 40% to 50% noong panahong iyon totoo at hindi kathang isip lamang tapos sasabihin mong overly demonized? O sige kaninong administrasyon ang ganoong kataan ang interest rate dahil sa sobrang kaguluhan ng bansa.

     

    Lahat naman ng presidente at historical figures halos gumawa ng "kawalanghiyaan". Pero basta kawalanghiyaan na pinaguusapan kelangan laging si Marcos. Gusto nyo lagi pagusapan mga nangyari nung binugbug sa krame mga komunista, pero ayaw nyo naman pagusapan yun mga nangyari sa mya magsasaka sa mendiola at hacienda luisita. Eto sinasabi ko na sobra ng demonized.

     

    Ang pinaguusapan naman dito sino pinakamalala. Eh para sakin si Erap dahil wala na ngang accomplishment, eh kung ano ano din kawalanghiyaan na ginawa. Kung nagtagal pa sa pwesto yan, malamang mas malala pa nangyari sa bansa natin. Kasi lahat ng nagawa nung Ramos administration sa ekonomiya sinira nya talaga.

     

    Pero kung pwede lang siguro kwe-kwelyuhan mo ako tapos sisigaw sa mukha ko na "hindi! si Marcos dapat pinakamalala, si Marcos dapat pinakademonyo! Si Marcos lang ang masama si MAAAAAAARRRRRCCCOOOOOSSSS LAAAAAAAAANG!"

     

    The truth of the matter is, Martial Law is not the "darkest" time in Philippine history. Trying living siguro nung WWII. At ito isipin mo, mas malala pa nga pinsala at kawalanghiyaan na ginawa ng Japanese Imperial army satin di ba? At ano kaya nangyari sa bansa natin kung di natin sila pinatawad at hangang ngayon sinisisi pa din natin sila. Buti pa ang indonesia tapos na sila sisihin si Suharto.

×
×
  • Create New...