Jump to content

Edmund Dantes

[12] EXALTED
  • Posts

    3645
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    10

Posts posted by Edmund Dantes

  1. Ako hindi umaasa na magiging perpektong presidente si Duterte.

     

    Ni hindi ko inaasahan na within 6 months masusugpo nya kriminalidad. Kahit irecruit nya pa avengers hindi mauubos mga kriminal at droga sa Pilipinas.

     

    Pero ganun pa man, sana maging masipag sya at maging result-oriented. Hindi yun puro pamumulitika at palabok na salita lang. Sana maramdaman natin na meron tayong government of the people, for the people, and by the people. Hindi yun puro lang oligarchs naghahari.

  2. Marcos vs erap ... Ito ang pagkakaiba

     

    20 yrs. vs. 2 yrs in power

     

    Ninakaw pera ng bayan vs. pera mula sa jueteng, kickback sa belle shares (hindi pondo ng bayan essentially)

     

     

    Kaya nga, 2 taon pa lang sa pwesto dami ng katarantaduhan na ginawa. Binagsak pa ekonomiya ng Pilipinas.

     

    Kahit papano marami rami din accomplishments si Marcos. Eh si Erap? Bukod sa gyera sa mindanao, wala na naman halos di ba?

     

    Eto lang sakin, yun isa matalino at corrupt, yun isa bobo at corrupt. O san ka pa? Buti nga dalawang taon lang si Erap eh kung naging 6 yan? Baka mas malala pa tayo nung 1986

  3. para mo lang sinabi na Digong will be just like other presidents.....

     

    change isn't coming after all.....naisahan nanaman tayo ng magandang campaign slogan.

     

    Hay naku, wala mangyayari kung puro ka batikos. Ni hindi pa nga nakakapanumpa yun tao eh. Ano ba balak mo gawin? Bantayan bawat utot ni Duterte sa darating na 6 na taon para me maibato kang batikos? OO na, ayaw mo maging apologist at me sarili kang opinion, kaso hindi ka na nagiging constructive eh. Parang lahat na lang gusto mo iantagonize. Ultimo yun 17 anyos na matratraffic mula Diliman hangang Makati gusto mo problemahin pa natin. Aysus.

     

    Kung maiba sya ng gagawin sa mga naunang presidente me angal ka. Kung gawin nya naman yun ginawa ng dating presidente me angal ka pa din. Tsaka relax ka lang, di ka naman naisahan kasi Only Binay ka di ba?

     

    Anyway ganyan talaga, pipili ka syempre ng mga taong mas kilala mo at mapapagkatiwalaan mo. Alangan naman yun gusto ka mapatalsik agad sa pwesto. Tsaka sabi nya naman di ba? Yun ibang tao ni Aquino papanatilihin nya.

     

    Antay muna kasi tayo hangang magumpisa na sya talaga

  4. Tungkol sa appointment

     

    Since naman time ni Aguinaldo lahat ng nauupong gabinete ay usally yun malakas sa presidente. Eh syempre! Kukuha ka ba ng tao na alam mong tra-traydurin ka? Di dun ka na sa mga taong tumulong sa kampanya mo at alam mong kampi talaga sayo. Kung hudasin ka pa ng mga yan

     

    Naiintindihan ko mga agam agam nyo. Ako din nagalala nung gusto nya magbigay ng pwesto sa CPP. Pero lets face it, kahit sino pa nanalo na presidente siguradong ang iaapoint nyang mga cabinet members ay yun malakas sa kanya.

     

    But let us also be fair, he is also keeping some of PNOY's men

     

    So I think masyado pa maaga para magbigay ng matinding batikos o sabihin na short-changed na nga tayo. Pambihira ni hindi pa nga nanunumpa eh. Anatayin muna kasi natin. Ang importante at least nagtratrabaho na sya

    • Like (+1) 1
  5. Agree with you on the separation of church and state.

     

    Duterte needs to show that even if he is close to Quiboloy, quiboloy should not meddle with state affairs (although if Du30 said quiboloy will donate the private jet to the government for his use then malabong walang say yan si quiboloy)

     

    O eto para matuwa ka ng konti

     

    http://www.rappler.com/nation/133696-duterte-blocking-quiboloy-help-cabinet

     

    Brad may kasabihan "you cannot please everybody" hayaan na lang naten sila, ganyan sila magisip negatibo. Ganon talaga buhay may bida at may kontra bida haha.

     

    Yeah tama ka talaga dyan brader. Ganun na nga lang ginagawa nila sa totoo lang, basta makaantagonize lang kahit yun mga mababaw gagamitin pa

  6. Natatawa ako kay Pading Jopoc at masyadong antagonist naman. Lahat na lang ata ng gawin ni Duterte me nagaantay na batikos sa kanya, bawat galaw, bawat kamot, bawat utot binabantayan.

     

    Jopoc, di ka ba pwede naman maging positive ng konti? I mean ok ayaw mo maging apologist and you are entitled to your own opinions, but must you antagonize all the time? To the point that you will throw everything inculding the kitchen sink itself?

     

    Yun ilang setbacks kasi na sinasabi mo, very minor na yan. Lahat naman ng sulusyon sa problema ng lipunan laging me pros and cons, laging me collateral damage. Kahit nga yun mga taga nasa sumasabit din kung minsan.

     

    Halimbawa yun 17 anyos na matratraffic prinoproblema mo pa. Eh napakadali sulusyunan nyan di ba? Sabi naman hindi aarestuhin yun bata kundi yun mismong magulang kung sakali. Tsaka kung me CP ka naman di pakausap mo magulang sa pulis, at kung nakita naman nila talaga na traffic ano ba gagawin nila. Hayz! Look at the bigger picture! Ayan kelan lang me mga menor de edad nagnakaw ng biskleta para me maipangbisyo.

     

    Ano ba gusto mo gawin ng tao para matuwa ka? Gayahin yun pamimigay ng cake ni Binay? Eh baka kung ganyan sasabihin mo di na inisip ni Duterte yun matanda baka me diabetes

  7. Agree with you on the separation of church and state.

     

    Duterte needs to show that even if he is close to Quiboloy, quiboloy should not meddle with state affairs (although if Du30 said quiboloy will donate the private jet to the government for his use then malabong walang say yan si quiboloy)

     

     

    Wala naman masama ang magdonate ng kahit na sino para sa cause ng gobyerno. In our small capacity we have done that naman i.e. books, computers, first aid kits etc. Any person ano man kinabibilangan nya pwede magdonate.

     

    Pero kung halimbawa gugustuhin ni Quiboloy na ang mga policy ni Duterte pabor sa doctrines ng Kingdom of Jesus Christ, eh di ibang suapan na yun.

     

    And besides, sabi na mismo ni Duterte, wala syang religion at the moment.

  8. One more thing I wanna expect

     

    COMPLETE SEPARATION OF CHURCH AND STATE

     

    Religious sector should never have any influence whatsoever on the decisions of the state. They should not be trying to intimidate state leaders, or attempting to influence them, or even offering an opinion as much as possible. They stay in their place and let the state do what it sees it must. This separation will be healthy for democracy.

     

    A lot of people do not understand that we would be a more tyrannical and oppressive society if the church and the state are one. Because now the goverment and its people have to exist according to the sole-principle of one religion. Ano ba nangyari nung panahon ng kastila? Sa mga bansa sa middle east? Now we would be talking about people being forced to embrace a religion regardless if they do not want to believe in it. And being that there are many sects in the Philippines the control will now be a battle between the Roman Catholics, vs the Iglesia ni Cristo, Vs the Born Again etc. and muslims will not have their representation.

     

    Tignan natin ang Italy kung nasan headquarters ng Roman Catholicsm, me sariling autonomiya vatican para mapatupad nila batas ng relihiyon nila, pero di sila nakikialam halos sa decision ng Italian parliament. Pwede sila magkaroon ng divorce at same sex marriage, mga labag sa turo ng RCC.

     

    Ewan ko nga bat pinalaki masyado ang RH bill na yan. As if naman tinatapakan nito karapatan ng kahit na sino. Allow the bill to be passed, and if the use of contraception is against the teaching of your religion you are free to not use them. Simple!

  9. para sa ating lahat, lalong lalo na dun sa mga mahilig mag magaling at sobrang bilib at perpekto ang tingin sa sarili.

    Mga hindi marunong tumingin sa salamin. Mga taong kung magsalita eh sobrang linis.

     

    Don’t expect Duterte to change you; start the change yourself!!!

    http://cebudailynews.inquirer.net/93859/dont-expect-duterte-to-change-you-start-the-change-yourself

     

    We have had so much of exuberant democracy to the point that we think we can do anything we want as long as we occupy the space we are on.

    This has to change. And it is not Rodrigo Duterte who will start that change. It has to start from all of us.

    Otherwise, we will be back to square one a year from now, calling for change once again. Duterte is but symbolic of the change we all want: a disciplined, courteous and law-abiding Filipino citizenry. But to let him do it alone is sheer folly. Change must begin with each of us.

     

    Lol

     

    Recently was talking to this person who works in the BPO industry. And because her schedule is different, she is not supporting the liquor ban. Unfair daw para sa mga kagaya nya. Yun na nga lang daw pantanggal stress nila.

     

    Grabe, aping api na ba sobra itong taong ito? Wala naman nagbabawal sa kanya na uminom hangang isuka nya bituka nya sa bahay nila. Konting disiplina lang naman hinihingi umaangal pa.

     

    Pero ganyan talaga, me mga apathetic at selfish sa cause ng bansa. But I do believe however majortiy of Filipinos are indeed clamoring for change. marami naman pabor sa mga panukala eh. They want to be disciplined din naman through better leadership.

    • Like (+1) 1
  10. If the person is right for you, then language will not even be an issue. Because you can force yourself to keep doing all these romantic things for the other person and it would still all end up unappreciated.... like you are indeed not speaking the same language. If you feel that you need to walk on eggshells to make it work or to force yourself to be happy, then you definitely don't speak the same language. Inspiration to make the other feel special should come natural.

     

    As to how do I express it

     

    Well I enjoy making the person feel relevant and appreciated. I like taking time, and giving plenty of time. Its important to have regular quality time and to really use it to make each other happy. Kaya nga quality time eh. Its what you do together that build good foundation.

     

    Then there is the physical aspect........ which I am sure is a form that is everyones favorite... but that is a story for some other threads na lang.

    • Like (+1) 2
  11.  

     

    sabi ko PR Gimik lang yan... eh kung sa tingin mo diyos si Duterte... ok lang.. i understand.. i wont engage in religious debates

     

     

    Ang OA naman. Kahit kelan di ko naman inasahang maging perpekto si Duterte. Tanggap nga ng marami na di sya perpekto di ba? At least na lang, di garapal yun pagpapangap at pangbobola ng tao tulad ng iba.

     

    Alam mo padi, hindi naman mahirap intindihin na me mga taong mas nageenjoy at mas nahahanap identity nila sa dati nilang nakasanayan. Ewan sayo pre ha, pero ako pag umuuwi ng bicol mas gusto ko pa din yun bus, kahit ngayon kayang kaya na naman mageroplano na lang. Minsan me mga promo pa presyo na pantay na halos sa bus. Tsaka masaya kaya bumiyahe on the road. That is why I so much get Mam Leni Robredo why she opts it.

     

    Pero ano magagawa ko kung ganyan kasarado utak mo. Maalala ko, do ba noon nangagalaiti ka sa galit kay GMA nung gumastos sya ng 1 milion sa le cirque? Ngayon naman me presidente tayo na mas simple me reklamo ka pa din ba?

  12.  

     

    parang yung sumasakay ng helicopter tapos natutulog kuno sa kulambo?

    o yung kunwari sira sapatos pero ganda ng relo?

    o yung nag ddrive ng taxi pero ang gaganda ng mga motorsiklo?

    o yung kunwari nagsoli ng campaign donations pero wala pang accounting..... o diba?

     

    Lol ito lang ba mahihirit mo? Haaay basta nga naman mahatak pababa tao lahat na lang lalagyan ng malisya hangang pwede. I wonder, ganyan ka din kaya sa manok mo na mas obvious ang pretentions?

     

    Pretensions and consistency ang pinaguusapan natin dito. Ano ba yun mas natural mong nakikita sa tao at mas kapanipaniwala.

     

    Ano naman kung me magandang relo sya? Ako hindi mayor at walang 211 million pero mahilig din ako sa relo at marami rami na din nakolekta ko.

     

    Dati na naman syang nagmomotor ah. Di nya naman kahit kelan tinago yan. Tsaka dami kong kapitbahay sa Probinsya na mas mahirap pa ata kay Duterte pero me mga big bike din. Di nga lang ganun kagara.

     

    Ginamit nya ba taxi nya para mangapanya at magpanggap na mahirap? Again bago pa sya tumakbong presidente me taxi na sya na niregalo daw sa kanya

     

    O ngayon pati pagsosoli ng campaign donations gusto mo lagyan ng malisya, kahit ikaw na mismo nagsabing wala pa namang official accounting.

     

     

    Again tungkol lang ito sa consistency, hindi naman inaalis sa tao na magkaroon ng konting luho. Bakit ba hindi bumebenta si Mar sa mga gimmik nya? Kasi wala naman consistency at hindi naman yun ang natural na nakikita sa kanya. Pareho ng manok mong si Binay. Mas beterano naman yan sa pagpapakyut na sinasabi mo di ba? Tsaka papano ka ngayon maniniwala na namatay daw nanay dahil walang pambili ng gamot pero pinamahanan sya lupa. Lol.

    • Like (+1) 1
  13.  

    i expect duterte to MAN UP and open his account as PROMISED, its that SIMPLE

     

    He already did! Kasalanan nya ba kung yung bangko mismo umalma na maging legally vulnerable sila sa ginusto mangyari ni Trillanes

     

    Ang kelangan magpakalalake ngayon si Trillanes. Iharap nya testigo nya, at tignan natin kung totoong tao nga ito. Kaso bahala na daw ang media eh. lol.

     

    Now who here is not Manning up! Pagdasal natin bumalik pa itong si Trillanes mula Hawaii

  14. Pare kahit sino puwede mag file ng kaso basta may ihain ka lang na documents whether true or false ang documents wala naman oath taking yan kaya malakas loob ni trillanes.

     

    Exactly! Sama mo pa dyan me pariliamentary immunity pa sya.

     

    Sige nga, ano ba pinagbasehan ng controversy na ito? Isang sinumpaang salaysay na merong isang Joseph DeMesa na nagsabing me 211 million na laman account ni Duterte. In other words a notarized hearsay! Asan itong JosepH DeMesa na ito? Totoong tao ba ito? Wala naman pinapakitang credible document si Trillones para patotohanan bintang nya. Bakit na kay Duterte burden of proof.

     

    Tsaka anong ifa-file na kaso? Eh bumahag na nga buntot nitong taong ito di ba? Si Mike Enriquez na lang daw at si Arnold Clavio bahala! Pfffft.

     

    Parang nung sa intercon lang. Sa umpisa akala mo action star na lalaban sa mga huhuli sa kanya, eh nung hinagisan ng tear gas at pumarada tangke sa labas, sumuko naman! Ever since sopot talaga.

     

    Imbento ako paputok trillanes ang brand name. Pagsindi akala mo malakas sasabog.... pero pag putok.... SOPOT. Bwahahahahahahhahhaha

  15. ^i expect the president apparent to open his bank accounts, he did promise that during the campaign

     

    as a staunch supporter it is apparent in your statement that its ok for duterte not to live up on that campaign promise then i dont see CHANGE so i dont expect any CHANGE for the BETTER

     

    Lol! I do not know about staunch supporter of Duterte.... well siguro..... whatever you say. One thing for sure though I never liked Trillanes. Noon ko pa na tinatawag yan na Sopot! Pambihirang 11 million yan! Komo gwapo ng konti at tikas action star binoto na lol.

     

    But on the issue. Kung sinundan kasi ng tama yun mga nangyari sa BPI WALA KINA DUTERTE YUN PROBLEMA. Mismong isang empleyado ng Banko nagsabi (I was listening to the whole thing sa radyo) Si Sen. Sopot ang maraming tse tse buretse. Hindi nya lang gusto pabuksan yun bank account, gusto nya buong transaction history nito mula ng naopen bulatlatin. Di naman kumontra kampo nina Duterte dyan. Ang UMALMA BPI MISMO! Nagrequest na aralin yun legality nito kasi nga hindi usual request hinihingi. Eh kung sila naman sumabit sa depositors nila. SO WALA KAY DUTERTE PROBLEMA!

     

    At ngayon itong Sopot na senador na ito na lumipad sa Honolulu, ano drama? Sabi nya bahala na daw media sa expose nya at di sya magiging party pooper kay Duterte. WTF? Nung una hindi daw tatantanan. Ngayon naman hindi sya magiging sagabal. At parang tanga! Sya nagaakusa sya me responsibilidad dyan! Bakit media? HINDI PA BA MALINAW NA NABAHAG BUNTOT NYA DITO...... In other words.... SOPOT!

     

    Ang dapat nya gawin bumalik agad ng Pilipinas at iharap nya sa media sinasabi nyang Joseph DeMesa na yan. Ni hibla ng buhok di pa natin nakikita. Ito lang naman basehan nya sa pinagsasabi ni Trillanes. Pag di nya yan ginawa, aba malinaw na malinaw na kung sino sinungaling dito

  16. Ang sinabi ko communist aligned.

     

    Hindi ko sinabing "si duterte simpleng manamit kase communista yan"

     

    Ang point ko sa plunder case: kung may kinasuhan ng maayos at dinaan sa proseso yung pagsampa ng kasong yun, at yung kinasuhan e pinatawag, e dapat lang naman siguro na sagutin niya ng maayos hindi ba? Kung ikaw or ako ay kinasuhan at ikaw or ako ay walang kasalanan, then madali para sayo at para sa akin na sagutin yun.

     

    Kay joma naman:

     

    Nagaamerikana- akalain mo nga naman nagaamerikana na symbol ng america, na symbol ng demokrasya, e akala ko ba communista siya?

     

    Tsaka bakit nasa netherlands siya? Kung saan legal ang prostitution at marijuana. Pasarap e noh. Wag siya sa first world european country tumira. Sarap buhay niya doon tapos ang mga bataan niya nasa bundok kung saan saan natutulog- parang unfair yun a, which is counter to the concept of communism..

     

     

    Lol your cop out is just lame!

     

    So ayun nga gusto mo sabihin, nanamit sya ng simple para ipakita alyansa (alinged sabi mo eh) sa mga komunista? Ganun yun? Anong klaseng pagdadahilan naman yan?

     

    Manamit ng simple me patutsada ka

    Tumanggap ng mamahaling regalo ke Quiboloy me patutsada pa din.

     

    Ano ba talaga?

     

    Tsaka palpak palusot mo sa Plunder issue na yan (which should not be an issue anymore).

     

    No hindi yan original point mo. Ang original mong sinsabi dapat harapin ni Duterte plunder case ni Sen. Sopot to clear his name at patunayan na totoo yun consistency nya tungkol sa lifestyle nya. Pabago bago ka naman ng sinasabi kasi eh!

     

    Ang kaso, me plunder case nga ba? Clear his name? on what! Yun accusation does not even have anyweight. Mismong si Sen. Sopot hindi daw ihahabla si Duterte. So what is there to clear? Ni hindi nga natin alam kung totoong tao yan si Joseph De Mesa na ito. Maliban sa affidavit na yan, ano pa bang credible na dokumento meron si Sen. Sopot na nagpapatunay sa sinabi nya?

     

    At ayan, nasa honolulu si Sen Sopot. O pano na yan? Baka magala Lacson o Honasan naman kumag na ito. Tignan ko lang sagot ng mga poreber pans ni Trillanes

  17.  

     

     

     

    it is called PR imaging.... same as Pnoy eating hotdogs in New York when he was a new president.... pakyut lang tawag dun

     

     

    Lol, depende yan sa consistency mo. Kung ever since talaga yan ang identity mo, madali naman yan makikita ng tao.

     

    Eto ang totoong pakyut.

     

    Basta tutuk Camera, kakain ng nakakamay at todo effort pa magsubo ng bata. Pero yun bahay naman pinto pa lang, inangkat pa galing india at sa interior design halatang milyones ginastos.

     

    Eto pa

     

    Pagdradrama na namatay nanay kasi walang pambili ng gamot, pero nung tinanong san galing mga lupa, eh pinamana daw ng nanay!

     

    Its all about consistency

    • Like (+1) 1
  18. He is communist aligned and communists dont like flashy and materialistic looking people.

     

    He did say in an interview na he gets lavish gifts from Quiboloy so he may have some possessions (again this is an assumption and an opinion)

     

    What he needs to do though is answer that case of plunder na nafile ni trillanes so it would clear his name. If he is all clean then it should be no problem- his style will then match his financial status

     

    Lol so komo pala piliin mo manamit ng simple komunista ka na? Eh pano si Joma nag-a-amerikana yan minsan?

     

    Tapos sabay kontra ka naman sa sinasabi mo. Tumatangap sya ng mamahaling regalo naman kay Quibuloy. Ano ba talaga?

     

    Lol there was a time when I could not help but pick on Trillanes and his supporters. Bago pa ang Noytards, Pactards, o Dutertetards, me mga humaling na humaling kay Trillanes nung nagwawala sya sa Oakwood. Naman! Komo lang gwapo ng konti at maangas magsalita binoto na pagkasenador. Me oath taking pa kami noon dito para sa mga ta-tanga tangang bumoto kay Trillanes.

     

    As for his plunder case, Duterte does not need to do sh!t with that. If there are any formal charges he can wipe his ass with it now. Why? Kasi mismong si Trillanes nabahag na buntot! Sabi ko na ever since sopot itong taong ito!

     

    http://www.gmanetwork.com/news/story/566492/news/nation/trillanes-passes-buck-on-duterte-s-bank-accounts-to-media

     

    O di ba? Parang tanga! Bakit nya sa media ipapasa responsibilidad eh sya nagaakusa! Akala ko ba di nya tatantanan si Duterte? Ngayon drama nya ayaw maging party-pooper! Now the plot thickens. Talagang ang purpose lang ng canidacy nya para manabotahe. Anak ng, kulelat ka na nga sa survey, imbes sarili mong kampanya atupagin mo, gumastos ka pa ng 30 million para lang siraan di Duterte? Di kaya bank accounts nya mas dapat natin silipin?

     

    Biruin mo, ano bang pinagbabasehan ng lahat ng ito? Some bullshit affidavit na merong isang Joseph De Mesa, na nagsabing me ganito kalaking pera si Duterte. Nasan itong taong ito? Bat di nya ilantad? Ni hibla ng buhok di natin nakikita. I am no lawyer pero di ba itong sopot na Trillanes na ito dapat me burden of proof?

     

    Kaso tsk, mukhang lumayas na si Senator Sopot.

     

    http://interaksyon.com/article/127943/trillanes-trip-sparks-frenzy-but-aide-says-hes-on-official-mission

     

    Yung mga porebe na gwapong gwapo kay Trillanes, ano naman masasabi nyo dito?

  19. Guys guys guys

     

    Anybody noticed na paulit ulit lang ng polo si Duterte?

     

    Kundi yun checkered na pula, yung brown corduroy naman na blue yun collar lining. Ano ba yan, 211 million daw sa account nya pero di man lang bumili ng polo? Mura mura kaya ng polo sa quiapo o tutuban lol.

     

    I also saw sa interview ni Jessica Soho na panay butinting sa relo. It doesn't even look like an expensive one. Pati si Mike Enriquez natatawa at panay butingting nya dito. Baka sira na at walang baterya.

  20. ^^^

     

    Tama!

     

    Wala pang dalawang linngo mula ng ibinoto, ni hindi pa nakakapanumpa, hanapan na kaagad ng butas. Batikos na agad. Mabuti sana kung nagiging constructive sa mga sinasabi.

     

    Siguro kung nung mga panahon na pumipili si Jesus ng Apostoles, at nakita nya mangongolekta ng buwis yun isa dun, malamang binatikos nya na din kahit si Jesus lol.

     

    Ok it is not a secret na pagdating sa appointment ng cabinet karaniwang pinipili ay yun mga taong malapit sa bagong halal na presidente. Sinong presidente ba hindi kasi gumawa nyan? Natural kukuha ka ng taong mas mapapagkatiwalaan mo. Alangan naman piliin mo yung mga malakas kay PNoy o Lt. Sopot Grade Trillanes na alam naman natin todo nageffort itaob ka.

     

    Paulit ulit kong sinasabi na hindi ko aasahang maging perpektong presidente itong si Duterte. SIguro magkakaroon din sya ng mga kapalpakan. Ganun pa man, mas gugustuhin kong husgahan yun pangkabuuang trabaho nya. At sana talagang maramdaman natin ng totoo na nagtratrabaho talaga gobyerno para satin, hindi yun puro na lang statistics mapapala natin tuwing SONA.

    • Like (+1) 1
  21. ERAP will always be the worst. How can there be any debates to that? At least si Marcos kahit papano me redeeming accomplishments, eh si Erap wala talaga halos maliban na lang siguro sa pagkakabawi ng camp abu bakar. Eto mga ilan pang dahilan

     

    1. Binagsak ng todo ekonomiya ng bansa. Halos na undo lahat ng economic achievements ng FVR administration. Asia's next economic tiger na nga tayo noon. Nung panahon ni FVR natin huling nakita ang dollar na nasa 35 pesos. Nung panahon ni Erap sadsad ito sa 55.

    2. Undipolomatic, siga na wala sa lugar

    3. Kinampihan si Pareng Lucio sa sigalit sa PALEA. Kinampihan pareng Danding sa issue ng coco levy imbes magsasaka. Akala ko ba, para sa mahirap sya?

    4. Mansion sa mga Querida. Ginawang private jet ng mga anak ang presidential plane.

    5. Naglalasing na nga sa gabi tanghali pa kung gumising

    6. Convicted plunderer. Dito pa lang, kelangan pa ba pagtalunan sino pinakamalalang presidente?

     

    Isa pang ayaw ko is that itong gagong ito pinagsabong lagi mayayaman sa mahihirap sa paraang makikinabang sya. Ang presidente dapat pagkaisahin bansa hindi yun hinahati ito. Katawa nga, kasi mas nakinabang pa mga kumpare nya kesa sa mahihirap.

     

    Erap ang never again! Bobo na corrupt pa.

  22. Change! Discipline!

     

    Yun mga takot sa disiplina as expected umaalma na dun sa gustong gawin na curfew, smoking ban, karaoke ban, and liquor ban.

     

    Like this one idiot who is bitching that its unfair daw because she works in the BPO industry, and due to her schedule 5am sya pwede unwind at uminom. ugh!

     

    3 klase ng tao para sakin ang humahatak sa bansa natin ng pababa. Mga corrupt, mga kriminal, at mga mamamayang walang disiplina at puro pansarili iniisip.

     

    Dyan sa example ko na yan, problema pa ba dapat ng presidente papano sya "makakaunwind", parang mas importante pa yun karapatan nya maglasing kesa sa pangangailangan na ito ng kaayusan. Konting disiplina lang naman hinihingi di pa maibigay. Kaya sabi ko sa taong ito sya na lang ang umalis ng Pilipinas mabuti pa. Kasi ito ang mga mamamayan na di natin gusto at kelangan.

  23. Be easy also with Leni if she will become his VP

     

    Actually maganda nga tandem nila. Kasi pareho silang galing sa mas maliit na pwesto ngayon dalawang pinakamakapangyarihang tao na sa bansa. Pareho naman silang naniniwala sa humble lifestyle. Magandang ehemplo yan sa ibang mamumuno.

     

    Huwag sana sila sana magbangayan tulad ni PNoy at Binay. Maganda magteam up na lang sila ng maayos. Si Rody yun siga, si Leni naman yun Muse. O perfect combination di ba?

     

    At tsaka, tutal chickboy naman si Digong, dyan na lang gamitin kay Maam Leni tutal byuda na sya. O ha! Love team sa malacanang. Panalo

    • Like (+1) 1
×
×
  • Create New...