Jump to content

Edmund Dantes

[12] EXALTED
  • Posts

    3645
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    10

Posts posted by Edmund Dantes

  1.  

    Well Duterte did declare war on drugs. May ultimatum pa nga. So in any kind of war may mamamatay talaga. If we are not in deep sh*t regarding drugs this won't happen anyways and we don't need Duterte to clean this up. Pinalala ito ng mga dating gobyerno at pinabayaan ng mamamayang pilipino kaya tayo mayroon ganitong kalalang problema sa droga. Now that it reach a saturation point cleaning it up on conventional means will not work anymore.

     

    Lets wait and see kung ano muna gusto nyang sulusyun kasi. For someone who complains a lot, wala naman malinaw na sulusyon yun tao. Puro reklamo. Lahat naman ng sulusyon na isuggest mo ayaw, kulang, sablay.

     

    So lets hear it muna from him

  2. Sa ngayon against pa ako sa death penalty. Kailangang i-overhaul muna ang justice system natin. Sa sistema ngayon kapag may pera ka kaya mong i-delay ang hatol sau hanggang tanggalin ulit ang death penalty. Pero sinusuportahan ko ang kampanya ni Duterte laban sa drugs. Sobrang lalim na ng problema natin kaya sana tuloy tuloy ang pagpatay or paghuli sa mga drug lords na iyan

     

    Ayan mga parekoy! Ganito ang fair criticism! O di me puntos itong taong ito! Tama lang nirereklamo. Tama lang yun agam agam. Hindi naman yun tipong gusto na lang gusto lang makapanumbat ng kahit na ano na lang. At hindi dini-discredit na lamang yun hangarin na linisin lipunan sa salot na droga na yan.

     

    Sana nga, kung maitutuloy yan death penalty na yan, me mga hakbang din na sisiguraduhing tama at patas hudikatura natin. Na di lang naman puro mga mahihirap lang mabibitay. Dapat unahin pinakabig time na drug lord

     

    At ngayong pirmado na FOI EO na yan, nagaantay akong maaliw kung papano hahanap ng paraan mga haters/bashers/critics kung papano nila pipiliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiitin idiscredit ito.

     

    Hala dali! dali! dali! dali! sumbat na!!!!

     

    Ano sumnbat? na dapat june 30 ito napirmahan?

     

    Ano resign duterte na?! let's hear it!

     

    o baka gusto nyo me background song pa!

     

    (sing)

     

    Handooooog ng piliiiiiipinoooooo sa mundooooo mapayapang paraang pagbabago....

  3. Dear Digong

     

    Ok yan na di ka masyado nagsasalita na sa media. Andyan naman press people mo. Kung ikaw kasi baka me murahin ka nanamn at sipulan. Tama po yan, magtrabaho ka na lang. Hayaan mo na lang na yung aksyun mo ang magsalita para sa iyo. At naks! parang tinotoo mo nga na prim and proper na lol.

     

    Nga pala, congratulations sa pagpirma ng FOI. Sapak yan sa mukha ng yellow bleeding hearts. Tsaka Congrats na din sa tagumpay ng kampanya Kontra droga. Biruin mo 110,000 na drug personalities naaresto at napasuko? Pero I think dapat din icredit ito ng husto kay Idol Boss Chief Bato. Dapat bigyan yan ng magandang award!

     

    Tama po sinabi nung nasa taas. Kyot kyot ni sir Bato. Parang si Humpty Dumpty. Hahahaha. Kahit tigasin at astig sa mga kriminal, parang teddy bear lang naman.

  4. You can praise the initiatives that are clearly good but be critical to things that are not. The presidency ceased to become a person but an office last june 30. Criticizing the war on drugs for its failure to address the root cause of the problem which is the corrupt and oppressive system that keeps the poor, poor is not disliking duterte. Its like loving chickenjoy but thinking burger yum is s@%t. Both are jollibee. People need to grow up and learn how to take criticism.

     

    It depends on the criticism. There is a difference between intelligent criticism, and plain nitpicking. Like throwing everything to simply discredit whatever good accomplishment the current administration is making. Pati yun nadagdag sa guest list nung inauguration ginawa pang issue. Hayz.

     

    At ewan sa mga ito, gusto ata fool-proof lahat ng gagawin ng presidente. Presidente sya! Hindi dyos! Hindi nya naman pwede milagrohin lahat ng problema sa bansa. Every solution na iapply sa problema, lagi yan may setbacks. For example, if you really show political will to fight drugs, expect that there will be collateral damage. There will definitely be killings, it may even inspire vigilantism. But are these enough to discredit the efforts and what has been accomplished so far? Kung gusto ng perpektong pamamalakad, walang collateral damage, eh pag nasa langit na lang siguro tayo. Kasi Dyos na presidente dun.

     

    Oh don't get me wrong please. I award points to critics if their criticism is fair and reasonable. For instance. yun death penalty. As much as I am in favor in essence, I do understand the concerns of those who are against this. Na kelangan maging matibay at malinis muna justice system natin. I also agree na hindi dapat padalos dalos presidente maglabas ng mga pangalan, dahil kung mali sya, mapapahiya admin nya.

     

    Ngayon napirmahan na ang FOI EO na yan. Within less than a month! 6 years di nagawa yan ng nakaraang administrasyon. Pero sure critics/bashers/haters magrereklamo yan na sablay pa din si Duterte kasi hindi ito napirmahan on the first day gaya ng pinangako.

     

    O dali na! critics! bashers! Haters! Reklamo na kayo! Discredit nyo na dali! Ng mabuhay naman thread na ito. Pangakong pako ito di ba? Kasi hindi napirmahan nung June 30.

  5. Dito naman sa thread na ito hehehe

     

    http://www.rappler.com/nation/140718-duterte-signs-executive-order-freedom-of-information?utm_content=buffer61fd3&utm_medium=social&utm_source=facebook.com&utm_campaign=buffer

     

    Ayan pirmado na FOI bill. Pero dahil hindi within 7 days bugok pa din si Duterte. Impeach Duterte nyahahahah

     

    Anyway nakakaaliw lang pakinggan kasi yun mga araw araw nagdadasal sumablay ang administrasyon para pumunta lang dito at me maisumbat.

     

     

    O dali sumbat na! Dali na! Anong sumbat nyo nanaman!!!

  6. I agree manny is really transitioning from sports hero to just plain celebrity douche bag.

     

    But steveslater is right also, this is not just about money, this is about Manny feeding his own narcissism. Matagal ko ng sinasabi, ang pulitika sa totoo lang vanity project lang para kay Manny. Kasi kung passionate ka about legislature eh di dapat di ba tintutukan mo yan. Kaso me boxing ka na nga, samahan pa ng basketball, acting, modelling, preaching, so ano na lang yun focus mo? Manny is addicted to the limelight. I mean sino lang ba sya dati di ba? Tapos biglang naging pinakasikat ka pang Pilipino sa mundo. Mr nabasa pa ako somewhere na gusto nya maging first fighting senador pa daw sa buong mundo. If that is not his ego talking, then I don't know what is. I fear that his narcissism is turning into megalomania.

     

    Kung itutuloy nya eto, di goodluck. I take nothing from him as a fighter. Pero huwag na lang sya umasa siguro na tulad ng dati buong bansa mayaman o mahirap, magkakaisa para suportahan pa sya. Yun na lang sigurong mga tinatawag na "Pactards" na masyado syang dinidyos.

     

    Sa totoo lang, I was ready to be proven wrong sana. Patunayan na ngayong national post na hawak nya eh babawi sya at mas tututuk sa trabaho. Ang kaso pinakita nya na inuuto nya lang pala taong bayan. Kaya kung lalaban sya ulit, hindi na lahat maniniwala na para sa bayan ginagawa nya. Kung para sa bayan pala di bat di mo aralin pagiging magaling na senador? Ano mapapala ng pilipino sa pagboboxing mo. Gawa ka ng matinong batas ang daming buhay pwede mabago.

  7. Kahit na sabihin mong iimbestigahan yan, nangyari na yan.., patay na, part of the statistics na so to speak. Will the figures change? NO. Will investigating lead to the crime not being repeated in the near future just because iniimbestigahan na?

     

    Sa naikita ko walang maipakitang action plan para hindi na maulit yang salvaging. Ni assurance nga na di na mangyayari o di kaya mababawasan wala pero napakarami mong justifications kung bakit di dapat batikusin ito. OO tama ka walang perpekto, walang banal. Pero hindi ibig sabihin nito hindi na kasalanan ang gumawa ng kasalanan di po ba?

     

    Wala bang nagrereklamo? Oh well may isang senadora na atat na atat na malaman ano ba talaga nangyayari kung bakit daming patayan sa operasyon ng PNP lately, Well sayang ba oras ni Bato humarap at ipaliwanag kung ano ang nangyayari sa Senado? Siguro nga ... o baka mas importante ang humarap sa SHowtime. Sabi mo nga sa Showtime kwela siya sa Senado malamang magisa siya.

     

    Oh nahihirapan nga naman daw maidentify yun mga bangkay ... kaya sige dun na lang tayo magidentify sa trabahula. LOL

    Hindi naman pwede magmilagro mga pulis natin. Ang pwede lang nila gawin eh magimbestiga sa kaso. Ganun lang naman yun. Kung me kaanak na tetestigo di mapapabilis paghanap ng lead para sa ikakadakip ng mga salarin. Ang importante dito, hindi naman sila tumatanga. KUng mahuli yun salarin, eh di mas konti na lang mangsasalvage.

     

    Ngayon kung mas fool-proof pa dyan gusto mo, maganda kasi dyan mabawasan sana yun mga taong nasasangkot sa anu mang krimen. Kasi kung masasangkot ka dyan, dalawang bagay lang pwede mangyari sayo. Makulong o mapatay ng pulis.... o ng mga kapwa mo din kriminal. Sabi nga lahat naman ng krimen me motibo. At yan naman madalas nagiging dahilan ng salvage.

     

    Para din sa ikakapanatag ng loob mo, me ilang raiding teams na gagamit na ng hitech cam sa gear nila. Kaso di pa ito ganun karami. At me plano na din na gumawa ng reality show tungkol sa paghuli sa mga criminal. OK yan para mas lalo matutukan PNP ng media.

     

    Kay Bato naman. Aba ang sagot ko sa tanong mo ay isang matinding OO! OO naman! Sasayangin lang talaga ni Bato oras nya sa senado at mas importante pa TV guestings na yan. Bakit? Kasi para sa ikakatagumpay ng kampanya hindi pwedeng puro braso gagamitin mo. Kelangan din ng konting carinio sa publiko para suportahan ito, at higit pa dyan hikayatin magtiwala sa PNP. Alam mo kaya yun clearing operations noon sa NPA di nagtatagumpay kasi mismong mga tao galit sa militar. Mabuti yan para hindi mag ala Palparan si Bato.

     

    Yan naman senadong yan, halata na pinupulitika lang talaga ito. Yang coniong senadora na yan nga dapat pa magpaliwanag kung tutuusin. Kung yun mga extra judicial killings na yan ang gusto nya tignan, eh bat di nya imbestigahan yun mismong insidente hindi yun buong organisasyon. Tapos tanungin nya yun mismong officers na nagconduct nung operation. Mas factual yun malalaman nya.

  8.  

     

    do the math ba kamo ...

     

    sige tingnan natin un latest statistics ng mga krimen na napatay ...

     

    hindi ba dumoble ...

     

     

    Now balikan natin yun punto mo ... 200/110k ... so ibig bang sabihin kung may sinalvage na 1 out of 1M addicts ok lang yun ... insignificant number naman eh. Saka saksakan na ng kasamaan yan kaya wala ng karapatan yan mabuhay ...yan ang batas duterte LOL

     

    So ano na nga pala nangyari sa 110K na sumuko ... 100% clean na sila?

     

    Tulad ng paulit ulit kong sinasabi, inimbestigahan naman ng mga pulis kaso ng salvage. At sabi ng station commander nahihirapan sila i-identify mga bangkay dito kasi walang kumukuha. Pero me ginagawa naman para sa mga yan. Tsaka kung wala magrereklamo, papano uusad kaso? Akala ko ba due process gusto nyo?

     

    Ang punto ko ano ba yun totoong kumakatawan sa pangkabuuan? Yun patayan lang ba? Kung patayan din lang, bat ka pa magaasayahang katukin mga yan. Eh di genocide na lang gawin. Kaso hindi eh. Siguro di naman nagisisinungaling datos na yan. Yun small percentage na yan, eh ganun talaga. Kahit ano naman scientific data di yan umaabot sa 100%. So bat yun patayan ang gusto mo ata maging identity ng totoong resulta ng kampanya?

     

    Dun naman sa sumuko, eh me ibat ibang programa na ang LGUs para sa kanila. Paparehab yun gusto, meron pa ngang zumba, community service at TESDA training para makapaghanap buhay yan sila. Hindi ko alam kelan nangyari ganito.

     

    Ngayon kung umaangal ka nanaman na hindi naman 100% sa kanila totoong magbabago, matagal ko ng sinasabi sayo na walang 100% effective sa mundong ito. Hindi 100% ng galing sa seminaryo banal. Hindi 100% ng sundalo sa mundo matapang. Wala pa akong nakikitang experimental protocol sa mundo na 100% kundi ba di nawalan na kami trabaho. Ang condom hindi rin yan 100% effective.

  9.  

     

    so kung gayon ano nga ba ang dahilan na isasagot ninyo kung bakit dapat imbes na huliin eh sinasalvage ang tulak? Bakit rin yun nahuli na nga ay biglang pinatay dahil umanoy tatakas daw.

     

    So if they are "repeated offenders" dapat patayin na according to our laws?

     

     

    over 110,000 voluntary surrenders and arrests and about 200 reported killings. So ibig sabihin if you do the math 0.18% lang ng mga identified drug personalities namamatay. Sa 0.18% na yan, kasama na yun mga napapatay sa legit shootout. So ilan pursyento na lang yun nasa-salvage. Problema pa sa mga sinasalvage na ito, ni walang kamaganak man lang ang kumukuha ng bagkay sa morge kaya hirap identify at ng mapabilis paglutas sa kaso. Parang ano ba yan, nuknukan ka na lang siguro ng kasamaan na pinatay ka na nga, hindi man lang kunin bangkay mo ng mga mahal mo sa buhay?

  10.  

    mukha na kasi kayong kulto ni digong dito.

     

    masama bang maningil sa pangako sa tatay digong nyo?

     

    para bang bawal na maging kritiko nya.... ano, ipapatumba na rin ba ako? LOL

     

    Dahan dahan ka magakusa ng kulto kulto na yan. Dahil pwede din namin ibwelta yan sa inyo na umpisa pa lang, kakapanalo pa lang eh puro sumbat ang hinahanap. Ang tanong, ganyan din ba kayo kakritikal kung manok nyo nanalo? Malamang hindi dahil todo tanggol din naman kayo sa mga lehitimong kritisimo sa kanila. Pero sabi nyo nga huwag na ungakitin nakaraan di sige. Yun asal nyo kasi iba sinasabi.

     

    Depende kasi yan sa Kritiko. Me Kritiko tayo dito na sakto lang naman mga banat at kung titignan eh tama naman. Ako binibigyan ko ng puntos mga yan

     

    Ngayon sa pangako na FOI, andyan na draft, pirma na lang inaantay. Nakikita mo naman na ginagawan ng paraan. Kung dahil lang hindi natutupad to the letter lahat ng sinasabi, yun na nga, di hanap kayong pulitiko sa mundo na nagagawa yan patakbuhin natin for president.

     

    OA ka naman, ang alam kong tinutumba mga drug personalities, hindi naman mga kritiko. Kundi ba, eh malamang isa na sa mga pinaglalamayan yan Ko-conio coniong senadora na yan. Tsaka di ba sabi ko boring nga pag walang kontra bulate? Easy ka lang

  11.  

    boss for signing na sa table ni president.. nasa news pwede mo basahin... bakit atat na atat ka ata? ganyan ka ba kaatat dun sa last 6 year nung pinangako yan ni Pnoy eh hindi naman natupad?

     

    Ganyan talaga basta kasi naghahanap ng kahit na anong pwede ireklamo. Asahan natin na sa Lunes, isa na itong si Pading Jopoc maglalatag ng kung ano anong reklamo. Hindi ko masyado aasahan na me positibo syang sasabihin sa kasalukuyang Admin.

     

    Oh well, kung sabagay, boring naman dito kung ala ng debate.

  12. Kung si ABAYA to malamang isinisi na sa nakaraang admin.

     

    see the difference? is this change or what?

     

    Transport chief says sorry for NAIA's sudden closure

    http://www.philstar.com/headlines/2016/07/19/1604458/transport-chief-says-sorry-naias-sudden-closure

     

    "Sa lahat po ng mga mananakay, please accept my sincerest apologies sa mga na-perwisyo na-discomfort. Ito ho ang isang pangyayaring wala hong may gusto," Tugade told reporters in an video interview posted by the Transportation department's spokesperson Cherie Mercado.

     

    "Mr. President, sorry ho ako ho ang nakaupo ditto. Hindi ho ako titingin sa nakaraan ako po ang nakaupo rito, responsibilidad namin iyang nangyari hong iyan. Please accept our apologies and we will do our outmost best that a repeat will never happen," Tugade said.

    The DOTC chief said the incident served as a lesson to the agency, vowing to take precautionary measures.

    "Nagbigay ng aralin ito sa amin na kailangang sundan namin magkakaroon ho kami ng standard operative procedure na kung saan we shall be proactive and not reactive. Titignan ho namin lahat yung mga runways magbuhat ngayon para yung mga pangyayaring ganito ay hindi na maulit," he said.

     

     

    Exact same thoughts, Ibang iba talaga sa nakaraang administrasyon. Dati rati talagang walang paki-alam sa aberya ng publiko.

     

    Ayus din na me nakikita tayong kaukulang aksyon sa mga nirereklamong problema sa NAIA.

     

    Ngayon wala ng laglag bala

     

    At pwede na din pumasok regular na taxi sa loob.

     

    Di kagaya noon na puro pulitika at pagtuturuan ginagawa. Yeah daang matuwid my ass.

  13. PNP 'lacked emphasis' vs drugs under Aquino – Dela Rosa

    http://www.rappler.com/nation/140033-pnp-drug-operations-aquino-dela-rosa?utm_content=buffer5e046&utm_medium=social&utm_source=facebook.com&utm_campaign=buffer

     

    "I don't want to blame them because sabihin naman nila: iba yung time ninyo, iba 'yung time namin. We are speaking of different times. Sa akin lang, 'yung diin, 'yung emphasis doon sa drug campaign. Hindi maging ganito kalala yung problema natin sa drugs kung 'yung 6 years na 'yun talaga inupakan niya nang inupakan 'yang problema sa drugs, diba?" he added, referring to his predecessors.

     

    Valid point.

     

    Yung prev admin, nagkaroon tayo ng isang drug lord na, popstar pa! Anong klase yan? Nung sumisikat na yun tao, at panay pa upload sa youtube, di na ba sila nakaamoy na me maling nangyayari dito?

     

    San ka makakakita na ang isang bank robber na nangmassacre ng mga empleyado pagpasok sa bilibid naging big time drug lord na, at ricky martin pa ng pilipinas. Parang nakakaloko. Imbes sana pagbayarin sa kasalanan sa lipunan, tinulungan pa ng Bilibid na mamayagpag criminal at showbiz career ng gago.

     

    Moreover, good job BUCOR and DOJ

  14. Teka lang medyo nalito ako sa sagot mo:

     

    Pakisagot mo lang para malinawan ako sa post mo at hindi ako nagaasume [kase nagreply ka sa post ko e] at ng masagot ko naman ng maayos:

     

    1- Sino mas marunong pa sa presidente? ako ba nirerefer mo?

     

    2- Di ko magets: paano naging mas marunong sa presidente ang "kung sino sinong taong" gustong kumandidato?

     

    3- Sinabi ko bang corrupt yung abogado ni Napoles? Hindi di ba? Ang ibig kong sabihin "meron naman sigurong as good and as capable na ibang abogado na hindi associated kay napoles, mas maganda naman siguro yun na balita di ba?" Hindi yung "this lawyer appointed by pres. duterte is the former lawyer of napoles" na parati natin nakikita sa media article. Plus points naman siguro kung namili si Presidente Du30 ng iba.

     

    4- Kung tingin mo sa akin hater ng Pangulo, mali ka. Nakita mo naman post ko kay Jacinto di ba? Plus- matalino, may pinagaralan, Minus- may bankruptcy news, tapos may anomalies- Balanse di ba? Tignan mo post ko sa ibang threads- "good appointment kay dominguez etc. medyo alanganin kay villar, ang iba lets give them chance"

     

    5- Bat ba kating kati ang mga tao sa menu na yan? Sinasalpak mo pa sa akin? - ang comments ko purely on appointments nakita mo naman di ba? Pero to answer your point, no comment ako sa menu na yan, pagkain yan, pakainin ng maayos ang presidente kase presidente yan kailangan maging healthy, luma na yang balita na yan pinapalitaw mo pa e.

     

    On Topic- I expect the president to expedite yung mga laws na pinangako niya during the campaign, sana in 3 years time maipasa ng congress which supports him. Bantayan niya rin economy and keep it steady.

    1. Lahat pwede maging kritiko, lahat kaya magsabi ng "Mali yan ito tama". Kaya lahat na lang siguro pwedeng maging mas magaling na lang sa presidente

     

    2. Nasa number 1 na sagot.

     

    3. Pulitika ito at ang political reality is as much as possible kukuha ka ng taong mapapagkatiwalaan mo at alam mong kaya trabaho na ibibigay sayo. Bat naman naging factor na naging abugado sya ni napoles? Lahat naman siguro me karapatan kumuha ng legal representation di ba? Wala naman ito talaga sinasabi sa moral qualification ng tao other than yun ang trabaho nya ito. At ito due process.

     

    4. O sige, Ill take yun sinabi mo at face value. Puntos ka dyan

     

    5. Tulad ng sinabi ko, yun mga concerns about extra judicial killings, masyadong pakikipagaway sa sector ng catholic church, media killings, at pati na yun catcalling, legitimate criticisms ito. Pero kung puro lang naman kababawan basta me maisumbat lang, eh di pati na nga yun menu sa innaguration gawin na din issue. Ngayon kung tungkol naman sa appointment, wala naman sigurong mga kaso itong naapoint nya. At kung sasablay eh di saka magsalita. Hayaan muna natin magtrabaho mga apointee na yan.

  15.  

     

     

    Sana sa MTRCB siya :P :D ;) :ohmy:

     

    Si Freddy Aguilar naman sa DSWD siya since mahilig naman siya sa bata. :D :D :D

     

    Meron pa si Aiza Seguerra saan naman kaya siya.

     

     

    On other topic.

     

    http://news.abs-cbn.com/video/nation/regions/07/14/16/drug-rehab-facility-sa-mga-isla-pinag-aaralan

     

    Drug rehab facility sa mga isla, pinag-aaralan

     

     

     

    Maganda ito kung matutuloy. Pero para sakin, mas responsibility kasi ng tao dapat kung gusto nya talikuran ang addiction sya. Oh I know what I am talking about.

     

    Don't get me wrong here please. I am not saying that the Government should not waste time doing something like this. Ayoko lang na pag ilang mga adik na maparehab eh magrelapse, magtulak ulit, at mapatay na, isisisi ito sa kakulangan sa gobyerno.

     

    Kasi kahit naman yun mayayamang adik kung talagang hindi sila desidido talikuran bisyo nila at AYAW TULUNGAN MGA SARILI, eh kahit pa kulong mo na yan hindi pa din yan magbabago.

     

    Ngayon itong mga sumusuko na ito, responsibilidad nila pakita na desidido sila magbago at di na bumalik sa dating bisyo.

  16.  

    well cant blame them kung meron naman talagang dapat isumbat tulad ng ganitong mga balita regarding appointments.. They have the right to raise their eyebrows. Even me, I dont really understand these kind of choices in handling/giving positions to people without government service experiences.

     

     

    I do admit meron din naman mangilan ngilan na ok yun pagcriticize, balanse lang talaga. Yun iba naman naghahanap lang talaga ng gusto maipangsumbat. Kahit na nga maganda yun nagagawa, kelangan eh kelangan pa hanapan ng butas. Eh ano bang sistema na gawa ng tao sa mundo ang fool-proof? Kahit nga pinakamatatalinong NASA scientists pumapalpak din minsan sa computation. Sabi ko kung gusto lahat fool-proof, eh di pag nasa langit na lang siguro tayo maghanap dun. Kung puro lang kasi batikos batikos batikos, di ano pang sinasabi mo kundi bugok yun tao.

     

    Yun cat-calling, panghihiya sa mga heneral, vigilante killings, lahat yun reasonable concerns. Pero yun mga jetski na yan, yun kelangan to the letter masunod na First day me FOI na, at kelangan wala ng gagawa ng krimen in 6 months, I mean... really?

     

    As for these appointments na nabanggit mo, misfire ba talaga ang lahat ng ito? Hindi naman mamumuno si Jimmy Bondoc at Arnel Ignacio sa buong pagcor di ba? Sa entertainment branch sila nilagay di ba? Dating Game Show host si Arnel, at si Jimmy naman musician. Kung gusto lang naman eh maghakot ng crowd sa mga casino para lalong kumita, then I do not see kung bakit mali appointment sa dalawang ito. Alangan naman kumuha ka dyan ng mga national sceintist.

     

    Kay ka-freddie naman, well love him or hate him, cultural icon na din naman sya. Siguro kaya sya naapoint para naman ibenta arts natin sa mainstream audience. Pero sige, valid concern naman siguro na how much does he know ba about our art history?

  17. To be honest nakakadisappoint ang recent appointments.

     

    Gusto mo bigyan ng benefit of the doubt kaso siyempre realistically naman may mas ideal na candidates naman siguro.

     

    Obvious naman na ginagawa ni Du30 dahil natulungan siya nung campaign kaso medyo garapalan lang talaga.

     

    Si Jacinto Cum Laude naman daw yan sa Ateneo (if i recall the article i read correctly) which is a + education wise, kaso may mga bankruptcy issues negosyo niya at may mga anomalya siya before which is a -. Nakakadisappoint lang..

     

    Si Arnel Ignacio at yung iba, langya naman e. Kahit hindi ko siya binoto, which means hindi ako bilib sa kanya as a president, mas gusto ko sana kung mas marami maayos siyang appointment, hindi yung mas madami sablay.

     

    Yung dati abogado ni Napoles inappoint din. Hindi ba dapat kung anti-corruption ka, yung mga associated sa mga pinakacorrupt you shy away from them? Not appoint them?

     

    Wala ba kaseng galing nung ex-napoles lawyer na hindi naging napoles lawyer? Nakakadisappoint lang Mr. President.

     

    Ako na hindi bumoto sayo disappointed, how much more sa mga bumoto sayo mas nadidisappoint sa mga appointments mo.

     

    Andyan pa si Freddy Aguilar sunod na yan.

     

    On Topic: What do I expect next?

     

    In the next few weeks maybe Mocha Uson will be appointed to a cabinet position...

     

    Tsk tsk..

     

     

     

    Yan ang hirap sa Pilipinas. Ang daming laging mas marunong pa sa presidente. Kaya nga tuwing filing ng candidacy kahit sino na lang baliw eh malakas loob kumandidato.

     

    So komo pala naging abugado lang ng isang akusado na hindi mo gusto corrupt na? Yun ba ibig mong sabihin. Lahat naman me karapatan na kumuha ng abugado para kumatawan sa kanila sa korte di ba? kahit yun umaamin ng guilty eh kelangan pa din ng abugado.

     

    On Topic

     

    What to critics/haters/hypocrites expect?

     

    "We expect the Duterte leadership to fail fail fail! kahit ano basta me maipangsumbat lang kami lagi"

     

    O yun ngang menu sa inagguration baka gusto mo din ipangsumbat?

  18. Hahaha daming palusot ...

     

    Talagang sasabit pag dinisclose nila ang transaction history, walang waiver na na issue kasi kundi SPA. Ano ba ang pinangako? Waiver. Binigy? Hindi ...ganun kasimple ang uapan. Un lang un. Wag na ninyong paikutin.

     

    Now, wag mo na palayuin ang usapan at kung saan saan mo na dinadala...wala naman kinalaman yun sinasabing testigo sa pagissueng waiver. Bottomline, digong said he will but he didn't. End of discussion.

     

    Well hindi ako abugado at hindi ko alam if pwede na PA para padisclose na lang lahat pati transaction history. Isa lang ang malinaw dito. BPI mismo ang umalma sa idol mong (hindi naman) na si Trillanes. Lalo na sa legality ng request. Pano nga naman kung sila din banatan depositors nila? At tsaka ano yun, pati pala account nung naghulog dun kelangan din bulatlatin.

     

    Malaki kinalaman ng sinasabing testigo sa pinaguusapan. Kasi dahil naman sa isang taong ito na di natin alam kung totoo nga o kathang isip, biglang nagalburoto itong sopot na senador na ito. At bakit tila yata nabahag naman buntot nya nung manalo na si Duterte?

     

    Ikaw nga dyan, hindi naman pinaguusapan itong issue na ito na mismong si trillanes na pumatay, eh siningit mo me maisumbat ka lang.

     

    Ang pinakapunto ko din, malinaw na samin. Dahil Duterte ang pangalan ng administrasyon, dapat hanapan lagi ng mali. Kahit anong magawang maganda, kahit anong bagay na makakapagpagaan sa buhay ng pilipino, kelangan lagi sumbatan. Kelangan laging manalangin sa lahat ng santo na sana sumablay administrasyon ng makapunta ka dito at may maipangsumbat ka. Di ba di ba di ba? Ang sablay ni Duterte = Kaligayahan at tagumpay mo.

     

    Sama ka na lang kay Celdran, nagonline petition sya na pagresign-nin si Duterte.

     

    O yun palang menu sa inaguration gusto mo ipangsumbat din? Di rin sya tumupad sa pangako na maruya lang at buko juice pagkain di ba. Waaaaaaaah impeach duterte now! lol

  19.  

     

    simple lang ang punto mo.... blasphemy ang mag criticize kay Lord Digong mo...

     

    eh di ok!

     

    Ang punto ko, kung ang ginagawa mo na lang ay hanapan ng butas yun tao kahit gaano kababaw, kahit gaano kairelevant, kahit gaano kaunrealistic na, eh di ano pa sinasabi mo? Na laging bugok yun tao at wala na magagawang tama. Di ba?

     

    Sabi mo who cares dyan sa pagkakapanalo natin sa kaso natin laban sa china. Syempre sumbat nanaman ito sa administrasyon. Pero ang tanong sino ba sinasabi mong walang pake?

     

    Ang taong bayan? Eh di mo nga nakita ang daming nagcelebrate dito?

     

    Ang Gobyerno? Bakit tumatanga ba sa issue na ito administrasyon?

     

     

    Kelangan din to the letter masunod lahat at fool-proof pa. Aba sinong presidente PM o head of the state ganyan. Maka migrate na nga sa bansang yan

  20.  

    naman naman ... alangan naman papalakpak ako dahil lang sinabi ninyo.

     

     

    walang pinagkaiba yan sa sinabing i will sign a waiver pero di naman pala waiver kundi SPA ang binigay. O anong naging silbi nun? O pagkatapos hindi ba yun mga alipores panay ang defend nun binatikos kung bakit iba na naman ang binigay sa sinabi o pinangako ... keyso hindi tanga si Digong, blah blah blah.

     

    Sa mga pabago-bagong salita, well to see is to believe.

     

    To see is to belive? Eh sinabi mo na di ba? You are on a mission na hanapan ng mali lagi yun tao. Kahit anong magandang magawa nung administrasyon dapat hanapan ng mali, dapat hanapan ng butas, dapat lagi me maipangsusumbat. Wala kang pake kung gaano mapaganda ng administrasyon takbo ng bansa. Kahit mapababa nya crime rate significantly kumpara sa mga nakaraang administrasyon, kung me isang insidente pa din ng holdup. Wala syang kwenta pa din. Bugok sya. Bugok na sya bago pa maupo, at kahit pa maghimala sya eh bugok pa din sayo.

     

    Yan kasi essentially nababasa na namin sayo. Dahil duterte pangalan ng administrasyon, wala na itong ginagawa at gagawin pang tama.

     

    Ayan nanaman, napaguusapan nanaman yan BPI na yan. Di mo ba sinundan nangyari live? Nainterview pa mismong empleyado ng bangko. Si Trillanes yun mahirap kausap. Pinakita na nga laman nung account, nangungulit pa na yun buong transaction history daw mula nung nabuksan dapat ipakita. Syempre umalma sila. Eh kung sila naman sumabit dito legally at bweltahan ng depositors nila. Nga naman! Kasi in effect baka kelangan mo din buksan yun account nung mga nagdeposito sa account na tinitignan.

     

    At tsaka ang mas magandang tanong na yan, nasan na yun testigo ng sundalong sopot na ito? Sino yang Joseph De Mesa na yan, at bat ni hibla ng buhok eh di natin nakita? At ano naman drama ni Sopot na media na daw bahala sa expose nya? Bwahahahahahahahahahahaha. Sino pala? Si Mike Enriquez at Arnold Clavio? Baka sila si Joseph De Mesa. Essentially ang pinagbasehan lang naman nya ay isang di umano'y sinumpaang salaysay ng isang taong di nga natin alam kung totoo.

     

    Ahhhhhhh..... Andyan sa Banner mo pala o. Pag si Binay binabanatan ni Trillanes, batikos kay Trillanes. Pero nung si Duterte na, ra ra ra ka naman. O di ayus na ayus.

  21.  

    .

     

    tingnan mula natin nilalaman ng FOI bill kung may ngipin di po ba? Hindi naman siguro masama magcommento later kung ano ang saloobin di po ba?

     

    But yes, assuming everything is in order, then that is a no brainer. So for your pleasure him passing the FOI even though sa executive branch lang ito applicable is a good step and a commendable act.

     

    Sa madaling salita, maghahanap ka pa din ng mairereklamo mo kahit sa isang magandang nagawa. Kahit anong napakaliit, basta pwede maipangsumbat, sumbat lang for the sake of panunumbat? Ganun ba?

     

    Hay naku antayin na lang namin then sumigaw ka na lang isang araw dito ng impeach duterte o duterte resign kasi yun lang naman ata hinihintay mo eh.

     

    Don't even get started with "hindi na ba pwede maging kritikal sa pangulo". Spare us. Kung ang inaatupag mo lang lagi hanapan ng pagkakamali yun tao kahit sa mga nagagawang maganda naman, di ano pang sinasabi nyan? If that is not using any means to discredit the administration then I do not know what else is. lol.

     

    Gusto mo kasi to-the-letter masunod pangako. Gusto mo lahat ng measures fool-proof? Eh naku, sinong presidente, PM, Sultan, Hari, o hamak na mamayang pilipino kaya makakagawa nyan? Sabihin mo samin sya patakbuhin nating presidente sa susunod na elections.

  22.  

     

    Lets put it this way ... Kung anong pinangako yun ang natural na inaasahan di po ba. So kung ang pinangako niya ay crime rate will drop 80% then obviously i will be happy once it happens. Kung sinabi niya 10% at 10% din, masaya pa rin di ba.

     

    Ikaw ba halimbawa nag apply ka ng trabaho na sa tingin mo dapat sumahod ka ng minimum wage pero sinabihan kang swesweldo ka ng 1000 isang araw tapos ang ibinigay 750 lang, happy ka kaya kahit above minimum pa rin yun ibinigay sa iyo? Pero from the start kahit 1000 a day ang asking mo pero sinabi 750 lang at tinanggap mo, at ibinigay ng tama sa iyo hindi ka pa ba magiging happy?

     

     

    Ayan na naman tayo sa theatrics eh...masyadong inaantig mo ang damdamin.

     

    Madaming takot sumakay ng fx? Pare koy kung napunta ka lang ng makati mga 5pm onwards makikita mo napakahaba ng pila sa pila ng mga fx. Naguunahan pa sa pagsakay ang mga tao. Yun ba ang itsura ng mga takot sumakay sa fx?

     

    Wala akong sinabing sablay ... Meron ba? Ang akin lang masyado lang sigurong mataas ang expectations na itinatak nila sa utak ko tungkol sa change is coming na yan. Sabi nga hindi siguro na manage maige yun aking expectations ...

     

     

    Aysus, dinaan na lang sa semantics ito para magpalusot. Ang simple simple di ba? Mataas crime rate. So doble ingat. Natural sasakay ka pa din ng public transpo at kelangan mo magtrabaho at makauwi. Kasi walang sasakyan mga ordinaryong mamamayan. Pero lagi yan silang bantay sa kaligtasan nila dahil alam ng mga yan ano mang oras pwede silang maholdup. Me nare-rape pa nga di ba?

     

    No to be frank ang problema mo dito ay Duterte yun administrasyon. Come on! Halata naman naghahanap ka lang lagi ng pwede mong maisumbat kahit gaano kababaw.

     

    O so pano kung di nya matupad yun expectations to the letter? Impeach duterte na? Tsaka sinong kandidato ba ang hindi nangako ng napakaunrealistic.

     

    Ano ba kasi gusto mo? Gobyernong Fool-proof? Aba wala nun sa mundong ibabaw. Pag nasa langit na lang tayo siguro

     

    panalo ang pinas sa UN Tribunal....

     

    but of course, who cares? ang important pinatutumba ni Duterte ang mga small time pushers.

     

    Ewan ko lang, pero dami ngang mangingisda nagcelebrate dito. Me nagpakawala pa ng mga lobo. Jubillant marami sa development na ito.

     

    Ano ba at isisingit mo small time na pusher na yan?

     

    O baka naman ang Gobyerno tinutukoy mo dito? O isinasawalang bahala ba ng gobyerno ang usapin na ito? Me utos ba presidente na, "Huwag natin problemahin China, ang problemahin lang natin mga adik dyan sa squatter".

     

     

     

    http://www.philstar.com/headlines/2016/07/11/1601672/tiangco-confirms-p80-m-allotment-lawmaker

     

    Forget pork barrel, forget PDAF under this administration. wala nyan.

     

    meron lang ALLOTMENT of 80M each!

    iba yun...sa spelling pa lang iba na... diba?

     

    O so pano? hain na ng impeachment kay Duterte dahil sobrang sablay na ng Gobyerno nya?

     

     

    O sya sya, hindi masama maging kritikal. Pero kung panay ka na lang reklamo, it goes without saying na wala na palang ginawang tama presidente sayo? Eh sorry naman. Wala kasing fool-proof na gobyerno sa mundong ibabaw na ito eh. Sabi ko nga, pag nasa langit na lang tayong lahat siguro

×
×
  • Create New...