Jump to content

Edmund Dantes

[12] EXALTED
  • Posts

    3645
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    10

Posts posted by Edmund Dantes

  1.  

    yun nga ang nakakatawa ...may sinusundan na standards ang lahat ng paliparan para sa security

     

    yun simpleng tubig "security risk" kaya ipinagbabawal ipasok kahit saang airport.

     

    yun bala na bawal din di ba kahit saang paliparan mas mabigat nga ang consequence pag nahulihan kang may dala nito compared sa bottled water ay idedecriminalized. Saang bansa ka nakakita na pagnahuli ka may dalang bala e ipapasurrender lang sa iyo at go ka na?

     

    OO walang mapeperwisyo mula ngayon pero paano na ang "security risk" kung yun nahulihan eh hindi naman pala biktima ng laglag bala kundi isa talagang sangkot sa pagpuslit nun kontrabando for whatever reason.

     

    Oh well, ganun siguro basta hindi maperwisyo OK na at happy happy na tayo ... ganun talaga ang pinoy siguro makasarili

     

    Ok this is really getting retarded (sorry I have no better way of describing this).

     

    Una, sino ba me sabi sayo na papadalhin sayo bala pag nahulihan ka. Di ba sinabi na KUKUMPISKAHIN BALA, IDODOCUMENT YUNG NAHULIHAN. IDODOCUMENT! So anong security risk na pinagsasabi mo? Tsaka seriously? Malaki ba makukuha mo sa patingi tingi na bala na yan? Me smuggling ring ba sa asia na ang MO magpuslit ng 2-3 bala? Anak ng..... simple common sense na lang gagamitin dito ginagawa mo pang kumplikado.

     

    Aba hindi ko alam gaano kastrikto lahat ng bansa pagdating sa gun an ammo control. Alam ko sa ibang state sa US pwede ka magbalandra ng baril mo in public. Well international airport regulation syempre di mo basta basta pwede dalhin yan. Pero I do not know kung sa patingi tinging bala kakasuhan ka din.

     

    Tandaan mo ang daang matuwad na yan, virtually sabi lang sa mga pasahero .... "eh pakyu kayo.... di namin sisibakin si Honrado...... wala kaming gagawin..... bahala kayo sa buhay nyo..... pakyu kayo". Kaya yan tuloy tayo na lang nagbalot ng plastic.

     

    Wala ka na bang mas malalim lalim pa na maisusumbat sa kasalukuyang administrasyon? Hindi ka makakabuo ng impeachment case kung ito lang meron ka

    • Like (+1) 1
  2. Hindi naman sa kawalan ng tiwala sir, more of confused lang ako sa ginawa nyang ito. And I agree with sir haroots's theory na para ito mawalan ng tiwala sa kanila mga masasamang elemento. Although medyo extreme measure ito para sakin kase lumalabas siniraan nya ng pangalan mga to e. Peronsabi nga, extreme time call for extreme measures. Kung ang gobyerno mo ay nahahanay sa pinaka corrupt na mga bansa, kailangan talaga ng overhaul. Go Digong! Go Edmund Dantes!

     

    Well yeah, one more ting about Digong is that magaling psych war nya. Kita mo, sinong presidente nakakapagpasuko ng libo libong adik? Sige nga? So ayun I will hope and pray he knows what he is doing and for now I put my faith in him.

     

    Also, Bato Dela Rosa deserves a special commendation talaga. Kahit promdi boy mahusay nga yun gago. Surprise drug tests, successful na OPLAN TOKHANG. At eto pa! Floating shabu lab sa subic natiklo. I bet mataas approval rating nitong si Bato sa publiko. Naimprove nya din ng husto kasi image ng PNP. Si Lacson ang huling PNP chief na naging napakaprominente sa publiko at for sure nalalampasan na sya ni Bato.

  3.  

    Ang root cause therefore is yun mga nanamantala ... kahit na may "loophole" kung walang gagong mananamantala e di walang pinagsamantalahan.

     

    Simple lang yan ... agree naman tayo pare-pareho na biktima ang mga natataniman ng bala. So kung may biktima sino ang maysala? Anong ginawa nila sa maysala?

     

     

    Now about decriminalizing yun pagdala ng bala ... tanong ko lang ano ang mas security threat 3-5 na bala o isang boteng tubig? Yun tubig ipinagbabawal yun bala no problem.

     

    Sa ginawa ng gobyerno will they ensure that wala na maglalaglag bala? e paano naman yun talagang ang intent ay magpuslit ng kontrabando? Lusot na sila ano?

     

    Kung tao yun mismong problema mo, ang mga pwedeng sulusyon dyan unang una higpitan mo requirements para makapagtrabaho sa mga ahensyang nasa airport. Karamihan kasi di naman kelangan college graduate. Tapos taasan din siguro sweldo. Pero hindi ko masasabing fool-proof ito na hindi ka na makakakuha ng empleyado dyan na gagawa katarantaduhan. Ano ba, hindi rin naman lahat ng nasa seminaryo o kumbento nagiging matino eh. Tsaka baka kelanganin din ng legislation para dyan. So medyo matatagalan pa.

     

    Ngayon dun naman sa gagawa pa ng kalokohan, nangako na MIA na magdadagdag pa sila camera sa NAIA. Me hotline na din para sa mga magrereklamo. Kung me reklamo, di irelieve sa pwesto imbestigahan.

     

    Ano ba kasi gusto mo? yun fool-proof? Eh walang ganun sa mundo! Ang importante nakikita natin ang Kinauukulan na tumutugon sa problema. Pag nasa langit na lang siguro tayo, yun fool-proof na!

     

    At kanina mo pa problema yan bote ng mineral water na yan. kahit saang international airport ka magpunta bawal magpasok ng tubig galing labas. Pwede ka naman bumili sa loob. Bat mo ba masyado prinoproblema pa ito?

     

    At yun bala, di ba sinabi ng malinaw na pag nahulihan ka, di confiscate yun bala at di mo naman yan dadalhin sa loob.

     

    You know its discussions na ganit na nakikita ko naghahanap ka lang lagi ng mairereklamo at maisusumbat sa kasalukuyang administrasyon.

  4. Agree sir. Pero nagtataka ko bat kaya niya pinangalanan yung mga general ng wala pa naman kaso? All for change ako, du30 dn binoto ko, pero weird lang tong move nyang to... Any insights?

     

    One fair criticism kay Duterte is that he is taking a huge gamble doing something like this. Kasi kung mali sya sobrang mapapahiya administrasyon nya. Kung tama naman sya itong mga taong binabanga nya ay kayang kaya magorganisa at eithe icoup sya or ipapatay. I mean no doubt he has some serious cojones. Ibang presidente takot bumannga sa heneral. Kaya nga si GMA panay sipsip sa AFP di ba? I mean tama na pinasibak mga ito at pinaimbestigahan, pero mas subtle sana yun ginawa tutal wala pang kaso.

     

    But He deserves the benefit of the doubt. Abugado naman sya at prosecutor. Add to that matagal na syang nakikipaglaban sa mga drug personalities and alam nyo kung anong klaseng ebidensya meron para di na dapat makalusot mga ito. Add to that matagumpay yun drug campaign nya sa Davao. So let us see, now is not the time to lose faith

  5.  

     

    well what I am saying is that pareho dapat ang batayan otherwise subjective di ba.

     

    So kung inept ang nagdaan kasi pagsakay mo ng jeep o fx ay maho-hold up ka ng adik na kelangan ng pangbatak. hindi ba para sabihing hindi inept e wala nang holdapan na mangyayari.

     

    Hay mali naman pag comprehend mo.

     

    Noon napakatalamak nito. Madami nga takot sumakay na ng FX eh. At kung minsan sa unahan ka dapat uupo.

     

    Ngayon kung tuloy tuloy efforts na talagang sugpuin drugs, masagasaan dapat sagasaan, patayan kung patayan, then reasonably mas maexpect mo bumababa yun incidences ng drug-related crimes. You can expect to be a lot safer. Kung maging zero incidences, eh di mas maganda. Pero kung talagang maging very rare cases na lang mga ito at tipong mahuhuli pa agad suspect, eh di accomplishment na din.

     

    Walang mangyayari sayo kung lagi mo hahanapan butas kasalukuyang administrasyon para lang maisumbat mo na sablay sila.

     

    Objective ba kamo? Sige nga? Kelan naging ganito kaseryoso ang kampanya laban sa droga at kriminalidad? Naalala ko nung time pa ni Ping Lacson. Saang administrasyon tayo nakakita na libo libo napapasuko, mula pusher hangang drug kingpins sa mga probinsya sunod sunod natitimbog. Pati mga heneral sinasagasaan na. Susunod na mga mayor. Kelan nangyari ang ganito?

  6. Di ba nga sabi ng idol mong si Mar Roxas "Hindi kasalanan ng Gobyerno" yang lag lag bala scam?

     

    hindi nga nila na solved yan eh isinisi pa sa mga biktima

     

    Yun na nga eh. Ano ba ginawa ng nakaraang admin para protektahan mismo yun pasahero. para magkaroon ng peace of mind sila na makakaalis sila. Yun din tanong ni Cayetano sa senado na di masagot sagot ni Honrado at ni Abaya.

     

    Ang nangyari lang, turuan, sisihan, pulitika. Kung ano anong mapapalabok na salita na iimbestigahan daw.... one case is one too many... blah blah blah... Pero bottom line......

     

    Magplastik ka na lang ng mabuti ng maleta mo dahil wala naman tulong iaabot sayo. "bahala ka sa buhay mo!"

     

    In comes the new administration, tanggal yun inutil na MIA manager na hindi ko maintindihan bakit di pa sinibak. Konting common sense, konting political will. Ayun! Me peace of mind na tayong mga pasahero

  7. Walang nagrereklamo?

     

    Ilang cases na ba ang documented nun panahon ni PNoy regarding laglag bala scam ... Pwedeng umpisahan doon ni Digong ang imbestigasyon at sampolan ang napatunayan na kasangkot di po ba?

     

    OO at very good si digong sa policy na ito para hindi maabala ang pasahero. But real change ika nga is also going into the root cause of the problem. Ito yun mga sindikato sa airport. Yun ang puksain din. Walang pinagkakaiba yan sa puntong pinagdedebatihan natin regarding death penalty sa mga big time convicts. Gusto mo patayin na sila para di na makagawa ng katarantaduhan sa loob samantalang ang pov ko makakagawa ba ng katarantaduhan yan kung tapat ang mga opisyal ng bilibid?

     

    Somehow i have this feeling na mahirap siguro baguhin o sampolan ang tiwaling opisyal ano po kaya parang hindi nagiging kasama sa solusyon ang sila ang baguhin sa inaasam na change is coming.

     

     

    Anong root cause ba tinutukoy mo? Eh ang root cause nga nyang laglag bala na yan ay yun legal loophole mismo kaya sinasamantala. Me move na din sa congress na idecriminalize na pagdadala ng 3 hangang 5 pirasong bala. So hindi pa ba yun addressing the root cause?

     

    Kung yun mismong empleyado naman problema mo, eh kelangan mareklamo muna ng mabulgar, at yun mga pending na reklamo na nasa husgado na, di piskal na me hawak dun at di si Digong.

     

    Yun mga sindikato sa NAIA, eh hopefully darating tayo sa mga yan. Bago na MIA manager. Mas ginagawa na din madali pag report sa pangaabuso, at binabawasan na avenue para makakurakot.

     

    Ngayon ano pa ba gusto mo? Yun fool-proof? Institutionalized na? Well sa una, kahit naman NASA scientist hindi nakakadevelop ng kahit na anong fool-proof na sistema. Kung institutionalization, well lahat tayo umaasa dyan, pero kelangan yan ng panahon.

  8. Dear P. Diggy,

     

    Ang daming sumusuko na adik ngayon, tapos they make an oath na hindi na magdrugs, pipirma and then uuwi after.

     

    Naisip ko lang sir, kung ako yung adik di ba mahirap para sa akin magquit na lang basta basta (adik nga e diba). Kung magquit ang adik ng sampung taon nagdrugs, or kahit 5 years lang, or kahit 1 year lang, hindi ba may withdrawal symptoms yan, may purging ng katawan yan. In other words sir mahirap magquit kase magwawala yung katawan dahil sa pangangailangan.

     

    Hindi ba dapat may solution kayo diyan? Kung may sumuko dalhin dapat sa rehab diba? Kaso mukhang di niyo naisip ng maayos plano, parang dadalhin niyo lang sa takot ang adik para di na magdrugs, otherwise patay.

     

    Bakit di niyo isakay sa bangka dalhin sa isang island lahat ng adik na sumuko (kung kulang ang rehab centers) ? Dun sila magrehab dami mga isla sa atin. In that way you can be sure you are cleansing the population of addicts di ba po?

     

    Kaya ang dami adik na sumusuko kase "suko na tayo pipirma lang naman tapos uuwi din tayo pagkatapos" ang mentality. Parang naiisahan pa kayo ng mga adik sa style nila.

     

    Hanga ako na dahil sa style niyo e nagpapakilala mga adik, pero kulang po ng action pagkatapos, dapat i rehab niyo mga yan para sigurado malinis.

     

    Salamat po

     

     

    Sa pagkakaalam ko, maraming mga LGUs ang me programa na sa mga ito at tinutulungan yun mga gusto magparehab. Gumagawa na din paraan para madagdagan facilities sa rehab center natin. Bukod pa dyan, tutulong din ang PNP para gumawa ng module sa mga eskwelahan tungkol sa drug education. So tingin ko lahat naman ng pwede gawin ng gobyerno para pakitang seryoso itong kampanya eh ginagawa na. OO hindi ito fool-proof, kahit naman mga henyo sa NASA wala namang fool-proof na sistema na naiimbento. Pero ang mahalaga lahat naman ng pwedeng gawin eh ginagawa. Pero ayun nga, talagang ganun, me mga taong hahanap at hahanap lang ng maisusumbat. Isa pa, ang pagtalikod sa bisyo na yan, mas responsibilidad yan ng adik mismo. Eh kahit naman irehab mo yan me nagre-relapse pa din. Meron din tuluyan ng nakakawala kahit wala namang rehab. I mean pinasok pasok mo bisyo na yan, ngayon kung desidido ka magbago eh labanan mo yan. Yan o kaya, pasensyahan na lang kung ikaw na sunod na mahuli.

     

    Para di OT.

     

    Pres. Digong

     

    Kahanga hangan nga na kaya mo sumakay ng commercial flight ng di nagpapa VIP treatment. Ito ang magandang pulitika, halimbawa ng pagpapakumbaba. Ito ang naglalapit lalo ng gobyerno sa tao.

     

    Pero sa kabilang banda, isipin mo din sana na importante siguridad mo. 100 milyong pilipino nakasalalay po sa inyo. Kung me mangyari sa inyo, eh pano na naumpisahan? Sayang. Marami pa naman sa kanila natututo na maging optimistic.

     

    Magingat po kayo sana lagi.

  9. So you are telling me na within 6 yrs wala nang mahohold-up sa jeep of fx ng isang adik na kelangan ng pangbatak?

     

    Lol what I am saying that these "accomplishments" for the last 6-18 years are inept!

     

    Wala akong crystal ball dito to predict kung totoo ngang wala ng krimen na mangyayari. Pero kung magtutuloy tuloy efforts ng PNP at ng current admin to aggressively deal with this problem, then it is reasonable to expect that incidences of drug-related petty crimes should SIGNIFICANTLY go down. At kung meron pang report siguro, mas madali na ito mahuhuli ng authorities natin.

     

    So talagang dapat to the letter masunod pangako ni Rody. O pag hindi kahit marami na namang significant na results yun kampanya? Sisigaw ka na ng "Duterte Resign?"

  10.  

    To be realistic about it ...

     

    OO naniniwala akong may gagong maaring maglakas loob pa rin ...Parang kampanya lang yan sa drugs at corruption, sa tingin mo ba mawawala yan totally kahit sabihin mong serious si Digong about it?

     

    Kasi kung sabi mo nga they have been warned and they know Digong is really serious on this then they should have not implemented the new policy na kapag nakitaan ka ng bala eh walang kaso na. Hindi ba may batas na krimen ang mahulihan ng bala? And this "policy" essentially disregards this law para wala nang pasaherong maabala. So bakit sila matatakot na may maabala kung tulad ng paniniwala mo e malamang wala nang maglakas loob?

     

    Hindi ako abugado ha, pero sabi ng isang Abugado, kung wala ka namang intent to fire, ang mangyayari dismissed lang yun kasi sigurado. Ngayon sa dating umiiral ng policy, di ka nga macoconvict maabala ka naman. So hindi naman ganun na binabalewala yun batas di ba? Kasi kung nagiging oppressive na yun batas, tapos sinabi naman walang intent to fire madidismiss yan, hindi ba pwedeng hayaan mo na pasahero makabyahe?

     

    So ano gusto mo ngayon? Ibalik na lang natin yun dati na hulihin nanaman yun mismong pasaherong mataniman ng bala? Tapos rereklamo ka nanaman na walang aksyon gobyerno. Hay naku.

     

    Like I said, the bottom line is protected na ang pasahero sa ganitong klase ng scam

  11.  

    ewan ko ha pero di naman ata ito solusyon para tuwirang mahuli at maparusahan yun mga tarantadong opisyales na nagtatanin ng bala sa airport.

     

    kaya nga nag voice out ako

     

    Ano pang sulusyon gusto mo? Hindi naman yan sila pwede imbestigahan hangang walang nagrereklamo di ba?

     

    Bottom line me ginawa ng aksyon para maproteksyunan pasahero sa ganitong klase ng scam. Yun naman priority proteksyunan mga mamamayan.

     

    Now yun scammers naman, its a matter of filing the appropriate complain para maibestigahan.

     

    Me kulang pa din para sayo?

  12. Eto na umeepal na si De Lima. Alam nyo ito na ang nagiging Female version ni Mar Roxas. Epal ng Epal hindi naman nakakakuha ng amor sa publiko nyahahahaha.

     

    Ngayon iimbestigahan daw yun patayan sa drugs.

     

    Hindi kaya sya mauna dapat imbestigahan lalong lalo na tungkol sa kaugnayan nya kay Jaybee Sebastian? Bakit ito hindi man lang natin nakita binaklas kubol, o kaya nailipat sa NBI. At bakit me picture sila magkasama sa kubol nito.

  13.  

    "walang nangyari" is very subjective right?

     

    Ano ba nangyari last 6 or 18 years pa.

     

    Ang pinaka nagiging accomplishment lang kadalasan, me mahuhuli na mga chinese drug lords, haharap sa media, posing yun presidente kasama nung suspect, mga baril, at shabu, tapos konting bulaklaking speech na matagumpay ang kampanya sa Droga.

     

    Pero pag sakay mo naman sa FX o jeep maho-hold up ka ng adik na kelangan ng pangbatak.

     

    That to me is inept

  14.  

    Wala naman talagang perfect eh ...

     

    ngunit ganun ba talaga halimbawa pagsinabi niya "3-6 months" tapos di nangyari eh tanggapin natin kasi "flaws" niya yan kasi di naman yun ang ibig niyang sabihin

     

    pero kapag iba ang nagsabing 3-6 months at hindi nangyari inept ang tawag?

     

     

    Ang tignan natin yun magiging resulta ng 3-6 months campaign dun tayo magfocus. Ilang barangay malilinis, malalaking drug lords na mahuhuli, at masisibak na tiwaling pulis at opisyal. Kung totoo bang hindi ka na matatakot sumakay ng bus o FX na me adik na ho-hold up sa inyo at significantly mababawasan yun henious crimes. Bakit mas focused kayo na masunod to the letter pangako nya. At tapos me nagagawa na ngang maganda nanghahanap pa din kayo pangsusumbat sa tao.

  15.  

     

    IMHO kasi, oo maganda naman yun hayaan na makalipad yun pasahero nahulihan ng bala ... wala nga naman abala.

     

    Pero ang tanong ko lang din, dun na ba lamang nagtatapos ang isyu? Paano yun tiwaling opisyal na nagtanim nun bala, ganun na lang? Pag natakot si pasahero ayun jackpot at may kita pero pag di nakalusot dahil alam ang patakaran eh di sige alis na po kayo na parang walang nangyari.

     

    Sabi mo mga at yun din naman ang gusto ko mangyari ... na ma weed out yun mga tiwaling opisyal. Ang tanong ko lang ay ano nga ang ginagawa na tungkol dito.

     

    Uulitin ko lang ha ... bilang pasahero pabor na pabor ako sa ginawa ni duterte kasi nawala ang takot ko pero sabi ko nga naghahangad pa ako na sana maparusahan ang mga nagkasalang opisyal ng sangkot sa katarantaduhan na ito. Kaya interesado rin ako kung anong hakbang ang kanilang gagawin dito.

     

    Just like you I am also hoping ...kaya "vocal" ako dito.

     

     

    Magkakaroon na ng random drug testing sa mga kawani ng Gobyerno, sama sila dito

     

    Magkakaroon na din ng 8888 hotline para sa mga sumbong

     

    Pinapaikli na din mga pagproseso ng papeles sa kahit anong ahensya, so less avenues para sa para mangikil.

     

    Ang importante ngayon nakikita natin na umaaksyon na Gobyerno at me nagiging resulta. Kung pangsumbat lagi hahanapin mo eh di wala ng magagawang tama gobyerno di ba?

  16.  

     

    so when he said 6 months he will stop crime... figure of speech din yung 6 months, actually forever yun... yung stop crime, figure of speech din, actually suppress daw.

     

    dapat sabihan din mga pulis na figure of speech din yung pagpatay sa mga small time criminals... dahil mga heneral nga may due process.

     

     

    lahat ng sinasabi ni digong ay figure of speech...... sa sobrang lalim ng sinasabi nya, kailangan maging psychologists ang mga loyal followers nya to defend him. LOL

     

     

    Pag minadali FOI bill sasabihin hindi inaral mabuti. Pag naman sinala muna ng ilang araw, hindi naman tumutupad sa pangako. Oh well, kung pangsumbat lang kasi hahanapin madali yan lagi.

     

    Para yang kwento ng magama na me kasamang Asno (Donkey)

     

    Una di sinakyan yun asno, yung kritiko sabi ang tanga nung magama bat hindi pakinabagan asno

    Tapos pinasakay yun bata sa anso, sabi naman bastots naman na bata hindi pasakayin yun tatay.

    Nung tatay naman yun sumampa, sabi di na naawa sa bata yun tatay na pinaglalakad at pagod na

    Nung yun magama na nakasampa, sabi kawawa naman yun asno, bigat na bigat na sa kanila

    Nung naman binuhat na yung asno ng magama, tatanga naman daw nila at binubuhat yun hayop na kaya naman maglakad.

     

    Di pa boss Jopoc?

  17. O diba tubig nga bawal for security reasons. Mas security threat naman ang bala kaysa tubig right?

     

    But don't get me wrong ... Hindi ako kontra sa ginawa ni Digong. I would have expected na pinaghuhuli niya at parusahan ang mga nagtatanim bala.

     

    Ganun naman sinabi din ng nakaraang administrasyon di ba? Kaliwa't kanan ang demandahan sa mga airport security personel. Pero natigil ba pagaalala ng tao sa tanim bala na yan?

     

    The main priority of course is siguraduhin na wala ng mabibiktima nito. Na hindi na matatakot mga pasahero. All it needed was simple common sense at political will. Di kagaya nung nakaraan na puro pulitika, turaan, bulaklaking speech. Eh eto lang pala kelangan gawin para matapos na yan.

     

    Tungkol naman sa mga tiwaling staff dyan, well let us hope na the new MIA manager will start weeding them out. Pag natuloy pa yun 8888 hotline, di mas madali sila masusumbong. As for parusa, hah! Di ba sabi ni Digong papalunok nya bala sa mga ito pag naulit pa yan at itaga pa daw nila yan sa bato?

     

    I bet pag ginawa yun siguradong me aangal ng human rights nanaman

    Pag dinemanda at sinebak. Reklamo ulit ng bakit pag mahirap na adik pinapatay agad, pero pag tiwaling kawani ng gobyerno me preferential treatment

  18. But wait there is more:

     

    Duterte admin to transfer Bilibid Drug Lords in an island without cellphone signal and far from civilisation

    http://pinoytrending.altervista.org/duterte-admin-transfer-bilibid-drug-lords-island-without-cellphone-signal-far-civilisation/

     

    Duterte admin eyes regional rehab centers for drug users

    http://www.gmanetwork.com/news/story/572322/news/nation/duterte-admin-eyes-regional-rehab-centers-for-drug-users#sthash.qFBuVtMd.dpuf

     

     

    Thousands of drug pushers, users in biggest surrender under Duterte

    http://news.abs-cbn.com/news/07/09/16/thousands-of-drug-pushers-users-in-biggest-surrender-under-duterte

     

     

    This I did not expect, but its still good news (no fake pahumble effect):

     

    LOOK: No VIP treatment for Duterte at airport

    http://news.abs-cbn.com/news/07/08/16/look-no-vip-treatment-for-duterte-at-airport

     

    If this keeps up, I expect his 90-100 days speech is going to be just bullet points, cause if its the usual long one, bakas kinaumagahan pa matapos. 10 days pa lang, dami na!

     

     

    Sama mo na dyan, wala na ding laglag bala. All they needed to do was change the damn policy. Pag nakitaan bala, kunin bala, idocument, paalisin pasahero! Tapos

     

    Eh yun nakaraang administrasyon daming tse-tse-buretse, turuan, kung ano anong pangako, wala naman talagang tulong sa mismong pasahero na nabibiktima. Yeah daang matuwid my ass

  19. Sige nga

     

    Sinong presidente ba ang nakapagpasuko ng libo libong adik? Na in his first few days, either napatimbog or napasuko yun mga ilang top drug personalities sa ibat ibang lugar ng Pilipinas? Na naging dahilan ng pagkakahuli ng mga pulis na nagbebenta din ng drugs. At higit pa dyan pinasibak ang mga Heneral na pinaghihinalaang sangkot sa drugs.

     

    The last time me campaign na ganito siguro ay nung panahon ni Gen. Lacson. Pero mostly sa manila lang nararamdaman epekto. Ngayon its nation-wide, it is very systematic and organized, at yun determination talaga nakikita natin. Kelan ito nangyari?

     

    The way I see it, this administration is doing in 6 days what the previous ones cant even do in 6 years!

     

    Noon, pag me nahuling Chinese na drug lord, haharap sa media, haharap shabu, konting bulaklaking salita tungkol sa epektibong kampanya kontra droga tapos..... yun suspect kasama na sa bilibid 19 na yan. Yun drugs, recycle at benta ulit. Tapos takot ka kasi maho-hold up ka ng adik paglabas mo ng bahay.

     

    And isa pang problema, madugo talaga yan. KAsi institutionalized na ang corruption. Kaya kung huli huli lang gusto mo para me maipresinta sa media, madali yan. Pero kung gusto mo talaga linisin ito, ah asahan mo gyera yan syempre.

  20.  

     

    kung sabagay, may media... hindi naman pwedeng timbugin sa harap ng media, diba?

     

    kaya nga galit si digong sa media.....

     

     

     

     

     

    ang point ko yung due process para sa lahat, malaki man o maliit,

    hindi yung itumba lahat....

     

    dai mo nanaman ako nasabutan? o habo mo lang sabuton?

     

    anyway, hindi ko naman sinasabi na wala kahit isa ang manlalaban dyan...

    pero yung araw araw may nanlalaban.... hindi ka pa ba nagdududa?

     

     

    Nasabutan taka padi, ako man kaya ang dangugun mo abaa naman yan.

     

    Ano naman kinalaman galit ni Duterte sa media dito? Basta welcome daw yan sila pati na ang kinatawan ng CHR sa field operations nila. Ng malaman nila pano nangyayari totoong engkwentro. Open din naman sila sa imbestigasyon pagkatapos ng barilan. Ano pang assurance klangan mo.

     

    OO na lahat naman nga bibigyan ng pagkakataon sumuko at bigyan ng due process. Pero kung manlaban mga yan, eh talagang sa ulo o dibdib ka papatamaan. Sorry na lang.

     

    Ang punto ko naman, lahat, mula maliliit na adik hangang kingpin ng Visayas, at eto na nga mga heneral at susunod pa mga mayors na yan. So hindi pwede sabihin na mga mahihirap lang pinagiinitan.

     

    Ngayon wala naman nakakagulat kung talagang manlaban ang mga ito. Isipin mo, 3 araw na yan gising at high na high sa shabu. Tingin mo makakaisip pa yan na sumuko na lang at tumawag ng magaling na abugado? Tapos andun pa stash nila ng shabu? Natural magiging desperado mga yan. Unlike syempre mga heneral, madali makatawag ng abugado, wala naman silang tinatagong shabu sa bahay nila kasi protector lang naman sila. So natural di yan manlalaban.

     

    Yun mangilan ngilan naman na nasa-salvage eh sinabi na naman ni DelaRosa ayaw nya din vigilante killings.

  21. http://www.gmanetwork.com/news/story/572823/news/nation/no-cases-just-confiscation-new-miaa-chief-has-solution-for-laglag-bala

     

    Anak ng tinapang galungong!

     

    Ito lang pala kelangan para matapos na problema sa laglag bala! ISANG SIMPLENG KAUTUSAN. Na pag me nahulihan ng bala, confiscate, document, then hayaan makaalis!

     

    Eh bakit yun nakaraang administrasyon kung ano anong tse tse buretse. Umabot pa sa imbestigasyon sa senado. Tapos turuan ng DOTC sec. MIA manager. Palabok na salita mula kay Roxas, Palabok pang salita mula kay PNOY.... suma tutal tayo na nagplastic sa mga maleta natin, at napahiya pa tayo sa buong mundo.

     

    Konting common sense lang pala at political will kelangan. Aysus. Daang matuwid my ass! F- YOu Panot!

  22. http://www.rappler.com/nation/139033-duterte-commercial-flight-davao?utm_source=facebook&utm_medium=referral

     

     

    On one hand this is a good gesture of humility by the most powerful man in this country.

     

    On the other hand, kelangan pa din magingat. Maiintindihan naman ng tao kung private jet muna sya. Lalo pa ngayon na madami dami syang gusto sagasaan.

     

    Pero nakakatuwa, Ngayon ang dami nananalangin para sa kaligtasan ng taong ito. Eh noon pinapanalangin natin na sana magcrash na lang eroplano nung mga nakaraang president

  23.  

    Kung nanlaban din sana patay din siguro yan pero sumuko eh. :P

     

    Tama! Impossible bang isipin na ang mga ito lalo pag sabog na sabog sa shabu eh talagang manlalaban mga yan at mas gugustuhin pang madedo kesa naman humimas ng malamig na rehas.

     

     

    In other news....

     

     

    O yan na ha! Binigyan na cabinet position si Leni. Baka naman me reklamo pa kayo sa issue na ito. Mismong presidente na tumawag at nagalok. Ano naman kaya sasabihin ng mga ito?

  24.  

    why not file cases first?

     

    kung big time, may due process... pag small time... wala.

     

    oh good! this country is now becoming a killing field....

    now, how sure are you that each and every one killed is guilty?

     

    papaano kung ikaw ang ituro na pusher, ok lang sa iyo na patayin na rin kahit walang evidence?

     

    Ano ba.

     

    Nung una reklamo mo, puro small time lang natitimbog kahit na nga si Jaguar Diaz nadedo na (ayan mala heroes funeral pa si pogi)

    Tapos nung malalaking opisyal naman pinaginitan, sasabihin mo naman, bakit sila me due process yun small time wala

    Pag binaril naman yan sila, sasabihin mo naman extra judicial killing.

    O ano na lang gagawin pala? Maintain status quo? Tapos sasabihin nanaman walang isang salita si Digong.

     

     

    Hindi ba ayan na nga, pulis na mismo nakikiusap sa mga small time na yan na tumigil na sana, o kaya kusa ng sumuko? Marami rami tinutulungan makapasok sa rehab. Bakit yun napapatay ka lang nakafocus at di yun mga naliligtas?

     

    Tsaka, natural me mamamatay talaga dyan. Pakiusapan mo na nga, uulit pa, tapos iserve mo warrant papaputukan ka, alangan naman bigyan suspek ng ice cream para sumuko.

     

    Ganyan talaga sa umpisa magiging madugo yan. Eh hinayaang lumala problema ng ganito, at kung talaga naman desidido tayo linisin ito, be prepared for war.

    • Like (+1) 1
×
×
  • Create New...