Jump to content

What's So Special About Starbucks?


Recommended Posts

  • 2 months later...
  • 3 weeks later...
  • 4 months later...

jollibee lang ata ang produktong pagkaing fastfood na pinoy ang tinangkilik tlaga ng pinoy.technically its chinese,intsik ang may ari.

maganda kasi mag social climb sa starbucks.tingnan nyo fb friends nyo meron isang tao dun may picture ng baso ng starbucks with their name on it.

ilang beses na ako pumunta ng starbucks pero hindi ko magawa mag picture ng baso ko.

parang iyung mga selfie ng mga babae sa salamin, kailangan iphone gamit.pwede naman oppo,myphone,cherry mobile.hindi ko alam bakit kailangan iphone.

yung katulong namin dati humiram pa ng iphone para lang magselfie sa salamin.

Link to comment
  • 2 weeks later...

nothing's special about Starbucks and the coffee that they serve. ambience? maybe, it can be noisy but there's still a sense of quiet-ness. however, from what i've seen:

 

1. some students go there to pick up their books and study. these are the people who could be alone or in a group, absorbed in their books. those who you need a crowbar to pry their noses away from their books. these may be students who don't have the same privilege at home or don't want to study in the library because you can't bring food/drinks inside.

 

2. business people on the go who don't have coffee at home because time wasn't or isn't on their side. instead of getting in late at work, they would hop in their cars, crawl through the traffic, get to work with 15 minutes to spare and a cup of coffee in hand.

 

3. there are groups of people who go there to actually talk. i've noticed that in this day and age of phones,access to the net, etc, people in restaurants, yes, even those cozy sit-down places, many if not all are busy taking photos of their food, posting it on IG, FB, etc. actual conversation - ZERO. whilst many,if not all of those who choose to sit down in 'bucks are laughing together because of real conversations.

 

4. there are those who just want to prop up their feet and relax.

 

5 oh, and well, there's the usual crowd of those who just want to be "in" hip and chic.

 

so, if you're asking what's special about the place and their coffee, actually none. BUT, they know how to sell and cater to the different people who go there to buy their products.

Link to comment
  • 3 weeks later...

Makikintab na mesa, walang gasgas na silya, ilaw na bonggang bongga at pasosyal na guwardya. Pagbukas ng salaming pinto, umalingasaw na agad ang amoy ng kape. Mas mabango kaysa sa 3-in-1 na tinitimpla ng lolo ko. Kapansin-pansin din ang dami ng tao. At sa hitsura nila, mahihinuha mo na agad ang estado nila sa pamumuhay. Pag-upo ko nilasap ko na agad ang pagiging feeling mayaman, nakikisabay sa mga taong nasa paligid ko habang sinisipsip nila ang kapeng imported. Dito, hindi pwede ang pandesal. Pwede kang mamili sa mga cake, tinapay na sinlaki ng platito, o kaya sa walang butas na donut. Hindi rin uso ang kuripot dito dahil mapapamura ka sa mahal ng presyo. Hindi ko lang alam kung bakit ba inaabot ng matagal na oras ang mga tao sa pagkakape sa istarbaks. Para sa isang tasang kape, aabutan pa sila ng langgam bago pa ito maubos. Iniisip ko kung dahil ba sa mga hawak nilang babasahin, mapa dyaryo man yan, magazine o libro kaya antagal nila ubusin ang kape nila. Dapat maunang maubos ang iniinom nila bago matapos ang binabasa kundi wala nang dahilan ang pananatili nila sa loob. Naisip ko rin na baka pinapalamig muna ng iba yung kapeng in-order nila bago simulang inumin.

 

Nakakainis ang mga barista sa istarbaks na kung mag-ingles kapag kinukuha ang order mo eh para bang nag-eexpect na lahat ng customer nila ay galing call center, at kapag sinagot mo ng tagalog eh tatanungin ka pa rin ng ingles. Kapag nagawa na yung kape mo sisigaw pa rin sila ng “TALL CARAMEL MACHIATO FOR CHICHAY!” kahit na nasa harap ka na nila. Parang timang lang diba? Mas parang timang yung mga taga-call center na kung mag-usap sa loob ng coffee shop eh para bang nabili na nila yung buong istarbaks. Makapagyabang lang ng newly acquired american accent nila, punyemas.

 

Napansin ko rin ang ilang estudyante na nag-aaral sa loob. Kelan pa naging mas conducive ang istarbaks kaysa sa library, study room, or bedroom. Kung wala ka ring pang-internet, patok ang wifi dito. Libre mong mabibisita ang blog ko. Yun nga lang, bring your own PC. Meron ding mga wais at simpleng kuripot at pa-porma lang sa istarbaks. Hindi oorder, may inaantay kunwa, panay text habang nagbro-brwse kuno ng broadsheet na business news at sosyal na mags. Pagkatapos pag mejo matagal na, text text mode, busangot effect, at mabilis na aalis. Ang magasin at dyaryong nakayang kunin di kayang ibalik. At least, nakabasa ng libre at nakita pa sa loob ng istarbaks ng walang ginastos ‘ni isang kusing na duling.

Mula nang dumating ang istarbaks sa buhay ng Pilipino na-iba na ang tingin ng mga Pinoy sa bonding time. Iniisip ko kung anu ang ginagawa naming magkakaibigan pag nagbobonding nuong wala pang mga establishiamentong pang kape..Basta alam ko ndi naman kami nagkakape nun. Kahit saan, sa field, sa gym na me multo, sa Mcdo, sa mall, sa bahay ng pinakamalapet na kaklase sa school. Kahit saan pede kaming mag bonding. Nakaya naman namin kahit walang frappuccino ang aming mga tiyan. Pero ngayon bago kayo makapagusap ng matino o kahit gaguhan kelangan ng istarbaks. Mahigit isang daang kape para mailabas ang mga katotohanan o kalokohan sa buhay. Me bayad na ang bonding.

Pero marami pang klase ng maiinom sa istarbaks ngayon.. meron ding mga ice blended, shakes, at cold juices. Hindi magtatagal, magkakaroon na rin ng slurpee..magka slurpee sana sila ayos lang! Minsan nagpahintay ako sa company driver namin, sabi ko dyan ka muna sa istarbaks (katabi lang ng opis namin) habang hinihintay mo ako. Aba’y sinagot ba naman ako ng: “ayoko bumili ng kapeng pagkamahal mahal dalawang boteng redhorse muchu na rin yun mas masarap malasing kesa tamang dilat sa caffeine, dun na ako kina Aling Sion maghihintay, sir.”

 

Lintik na istarbaks ‘yan!!!

Link to comment
  • 1 month later...

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...