Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Falling For A Client - The Other Side Of The Coin.


Recommended Posts

Falling for a client – Been there, done that…

 

Sharing you my experience as a thera…

 

Part I

 

During my 1st years as a thera, I started at the age of 19. From paper works, pinili ko maging therapist. Nakikita ko mga kasama ko na thera dati, lage sila masaya, madaming kakulitan, kaharutan at kakwentuhan. Hanggang sa ako naman na ang nasa katayuan nila. Lage akong may kausap, kakulitan, may pumapansin, may kalaro, lageng may tao na anjan palagi para sa akin. etc, etc. Basta masaya.

 

After 8months ata o 1yr na ko nun sa spa, may client na nagpareserve sakin, di sya lage nagpupunta ng spa, may kakilala lang sya na isa sa may ari at ako nirecommend sa kanya. Di ko alam name nya, kung taga saan sya, ano work nya. Di ko din sya gaano namukhaan, mejo madilim kasi.. Then, mejo iba yung nangyari, not the usual na ginagawa ko sa mga nagiging clients ko. Feeling ko kilala ko na sya matagal na.. Mejo Shocked din ako. kasi bakit ako ganun sa kanya.. Hanggang sa, paalis na pala sya nung time na yun, nadelay lang yung flight nya, sabi nung friend nya na owner. Nalungkot ako, kasi di ko man lang nalaman ano pangalan nya, number nya.. Ilang araw ko syang inisip, nasan na kaya sya, babalik kaya sya, alam nya kaya number ko?, Maalala nya kaya ko at iba pang bagay nasa isip ko...

Link to comment

 

kaya nga sna makatagpo kmi ng sobrang maintndhin peru mahirap prin un..d mwwla mgaaway,,hehe..

 

dnmn kmi forever dito so maybe qng mahhintay f tlgang mahal kmi..y not maalis din kmi s ganitong buhay..

 

dqnmn cnabi n dna q maiinlab ulit s client kc nsaktan nq..hnd prin mappigilan ang aking malambot n puso!hheheheh :P :P :P

 

 

part yan ng buhay bata.. my dear beemer.. mag aaway, tas magbabati din kayo nyan..part of being inlove and part of growing up daw yang ganyan.. kelangan daw kasi natin matutunan kung paano matutong umintindi, paano pahabain ang pasensya at pano palawakin ang pagiisip... hinahanda kasi tayo para pagdating ng panahon na magsesettle down na tayo.. marunong tayo ng mga bagay na yan, at kaya na natin magstay sa pinili natin makasama habang buhay..

  • Like (+1) 1
Link to comment

Part II

 

Lumipas ang 4months… may naghihintay daw sakin, dun sa spa namin, willing to wait daw. Mejo napaaga daw dating since lage ako late. Di daw nila alam name. Napaisip ako, kinutuban… “hmmm sino kaya yun?” pagdating ko sa cubicle.. nakita ko sya nakatayo sa harap ng pinto.. Inaabangan ako.. Di ko alam pero bumilis tibok ng puso ko.. kilala ko sya.. sya yun.. at sya nga.. Ayun niyaya ko sya sabi ko magusap kami wag dito. Ginawa nya, binayaran nya sa counter that time yung oras ko, 3-4hrs ang binayaran nya.

 

Pumunta kami seaside kain ng seafoods since yun ang paborito ko.. Kakauwi nya lang pala, galing hawaii.. Dun pala sya nagwowork. Naisip nya daw ako agad. Ako naman nakatitig sa kanya. Di sya yung usual na type ng mga edad ko.. Moreno sya, mejo mataba, malaki tyan, very expressive ang eyes nya na lageng nakatitig sa mata ko.. Nasa 35 sya that time.. ako 20 na ata ako nun.. Pero sa tuwing nagsasalita sya, iba yung dating sakin. Napaka mahinahon, sarap pakinggan ng boses nya… That time feeling ko nalove at first sight ba tawag dun? love at first visit? hahahah ayun, ramdam ko nainlove ako..

Link to comment

Part III

 

Nagpatuloy ako bilang thera, sya naman umuwi sa bahay nila sa Nueva Ecija. Naguusap pa din kami, nagttxt, pag nasa Manila sya, nagkikita kami, until one time, nagkarashes ako, buong katawan ko… sabi nya.. “umuwi ka na kaya sa inyo.. wag ka na muna mag trabaho.. tapusin mo na muna school mo..” Nung narinig ko yun nagulat ako.. di ko alam isasagot ko, di ko alam kung totoo ba yung narinig ko.. kung seryoso ba sya? dapat ko ba bitawan trabaho ko dahil sa kanya? daming tanong sa isip ko.. hanggang sa sabi nya, “pagaaralin kita, susuportahan kita.. basta gusto ko umuwi ka sa parents mo sa inyo..” at dahil gusto ko sya umuwi ako… Nagaral, nagopen ng online shop.. sya lahat sustento sakin, habang nagaaral ako, pati pamilya ko, since di ako nagwowork that time. Kahit mejo LDR kami, dahil every 2 months lang sya umuuwi ok lang araw araw kami usap sa skype..

 

Hanggang sa nalaman ko.. may asawa pala sya.. na kinakasama that time.. Mali pala, may kalive in sya (yun ata tawag dun) na kakapanganak lang nung time na pinupuntahan nya ko lage samin.. at may asawa din sya at isang anak pero hiwalay na sila but not legally, at may isa pa sya anak sa isang ex nya din.. Bale may 3 syang panganay.. Mejo nashock ako. pinakilala ko pa sya sa parents ko di ko sya kinahiya kahit napakalayo ng edad ko sa kanya..

 

 

 

 

 

- bukas ko na pagpatuloy or sa monday... sleepy na ako.... pasensya na haba ng kwento ko...

Edited by Star Belle Nevada
  • Like (+1) 2
Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...