Jump to content

Edmund Dantes

[12] EXALTED
  • Posts

    3644
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    10

Posts posted by Edmund Dantes

  1. Sya ang boss ng team nya, sya din ba ang boss ng team ni Khan? Duh! ISa pa, hindi rin natin alam kung ano ang inalok ng kampo ni Maidana kung bakit sya yung napili. Natural ikaw ang boss, hahanapin mo yung makakapagbigay sayo ng best business offer. Ngayon kasalanan na siguro ng promoters ni Khan di sila nagalok ng mas magandang deal para sa laban. Lahat naman siguro ng hindi nakakalaban ni Floyd sasabihin mong kinakatakutan nya. Kasi yan ang gusto mo lang paniwalaan. Mahirap buksan ang isip ng isang taong panatiko masyado. Tapos kung halimbawa napili nga si Khan, sasabihin mo naduwag naman kay maidana? Sus

     

    Nakakatawa pa sayo, gusto mo isipin naduwag sya kay Khan, pero marami naman na di hamak na mas magagaling at mas walang talo ang nilabanan ni Floyd. i.e. Canelo Alvarez. Pero malamang kung hindi nya pa nakakalaban yan, sasabihin mo din duwag sya kay Canelo. :lol:

     

     

    Ngayon yung tungkol sa outdoor statdium eto basahin mo ng mabuti http://content.time.com/time/nation/article/0,8599,2105907,00.html. Mas factual yan at hindi lang basta basta biased opinion ng isang pactard columnist/boxing expert wannabe. Kita naman na natuloy na sana laban na ito 2 years ago kung di lang masyado umepal promoter ng idol mo. Pero pupusta ako, magpapalusot ka nanaman at sasabihin mo si Shoulder roll nanaman may kasalan.

     

    Pero nga pala, kung lalabanan ulit idol mo si Marquez sana paghandaan nya mabuti. Kasi hindi lang basta basta counter punching abilities ni Marquez kelangan nya problemahin, malakas na din si Marquez ngayon. Kayang kaya din mambugbug at magpatumba ng mas bata at malaking kalaban. Ano naman sasabihin mo? Nakasteroids naman si Marquez, kaya tinalo idol mo?

  2. Dear Little Ms. Young-confused-and-caught-up-in-the-game-I-tried-to-play,

     

    I am not being rude, I am just being cold. I am not angry, I am indifferent. Don't you get it? I don't wanna waste my time giving you any emotion because you are not worthy of it. Consider this essay as the only thought I am willing to spare you, since I am a little bored over lunch break. What happened is already water under the bridge. You said you were sorry, I was sorry, so that's all there is really to it. So what's up with you being so hung up over it?

     

    In as much as I am gonna sound like a douchebag here, I had to let you know that its no longer your responsibility to worry about me. In fact, since when have I allowed you that responsibility? Never! But to give you a peace of mind, I am fine, I am in a process of renovating myself and I am loving it. Can't you see? I am fine without you. You are too immature to handle my issues, so I spared you the headache you are so much begging for.

     

    Come on now, stop asking me questions to which I have already given answers to. You are the one who played this game, and It seems you didn't read your cards well, and now you are acting all confused and lost. Or maybe, being young and all, you need to rethink your life over and where you are going. Unfortunately though, helping you with that is not my responsibility and I am not up for it.

     

    Think about it this way, how do you expect me to invest in your happiness, and care about how you really feel, when time and again you gave me reasons to not trust you? I gave you your chances, and you keep wasting them.

     

    I don't have a problem being a few feet away from you. Know this, I am not gonna be rude to you, but I do not have to be nice to you anymore either.

     

     

  3. Marquez won and now is the mandatory challenger for the WBO belt. So its now likely that a 5th fight will indeed happen.

     

    Problem is, the Marquez I saw yesterday was far from the Marquez I saw in the first 3 outings with Pacquiao. He really has grown into this weight class, and has become more than just a counter punching master. Not only does Pacquiao have to worry about his difficult style, he now has to worry about his power too. He will get KTFO again if he does not cook up a better game plan.

     

    He needs to beat Marquez convincingly to make Pacquiao Mayweather significant again as it was 4 years ago

  4. This is bad... Another pacman vs marquez

     

    Bad for Pacquiao as I see it. Sa nakita ko kay Marquez kahapon, hindi pa talaga sya laos. Sure Alvarado does not have the speed, ferocity, and style of Pacquiao. But considering how Marquez could beat up a younger and bigger opposition at his age, hindi talaga dapat magpakampante ang team pacquiao. I didn't expect him to drop the guy the way he did last night. Ang lulutong pa din talaga ng mga suntok nya. Pwera pa dyan, andun pa din yung counterpunching skills ni Marquez. Talagang alam nya kung papano huhulihin kalaban pag sumugod sa kanya.

     

    Magingat talaga ng mabuti si Pacquiao. Kasi bukod sa counterpunching style ni Marquez na hangang ngayon hirap pa din sya, he now has to worry about his KO power. Talagang papatulugin nanaman ulit sya pag di sya nagingat. Bukod pa dun, he just can't afford another controversial decision. He has to win this one convincingly kahit umabot pa ito sa decision. If he wants to stay relevant that is

  5. Plans

     

     

    Yeah me too. Ang daming nasayang. Nung una nakakahinayang. Parang ang hirap magumpisa ulit. Di mo alam kung ano gagawin mo.

     

    But when I learned the art of emotional independence, I began to realize that I can still make plans to have a good future. Not necessarily with someone else, but with myself and for myself. Masaya nga eh. This time you are completely in control of your decisions. I prioritize no one and nothing but myself. I do whats good for me, when I want it. I know it seems a little selfish, pero ganun talaga. We have to sometimes. Kelangan magplano tayo para sa sarili natin. Ang lagay, sila lang ba ang may karapatan sumaya?

  6. Marquez dominated Alvarado, making him now the mandatory for Pacquiaos WBO belt. It seems there is one added reason why a 5th fight should happen. Marquez is still looking sharp, and I am not sure if at this stage of Pacquiaos career he can still do something to change his game and solve Marquez. 4 na beses na nya ito nilabanan talagang kitang hirap sya palagi

  7. so cno may kasalanan bkit hindi natuloy ang laban ni Floyding kay AMIR si DON KING, Bob Arum, Napoles, China :lol::lol::lol:

     

    yung kay PACMAN tpos na approve, pumapayag na nga eh ano recent excuse ng IDOL mo... he will never do business with ARUM!

     

    dpb obvious he's ducking every opponent na possibleng makatalo sa kanya...

     

    at least yung article at the end naging objective sa result kung maglalaban yung dalawa..

     

    Wala tayo sa negotiating table para masabi kung sino for sure ang may kasalanan. Kaya ikaw huwag ka masyado magassume na komo di natuloy yung laban eh natakot na si Floyd. Pano nga kung yung susunod na laban si Amir na? Meron ka nanaman boxer na X Y Z na di nya pa nakakalaban kaya i-a-assume mo kinatatakutan nya? Ikaw yata ang matindi ang drugs na ginagamit.

     

    Actually, hindi naman si Floyd lagi nagbibigay ng excuse. Nung sinabi ni Pacquiao na wala ng problema sa kanya drug testing, agad na hinamon ni Floyd Mayweather si Pacquiao para labanan sya sa Singko de Mayo fight sa MGM. Ang sabi nya pa "If you do not have a problem with drug testing, step up to the plate punk and lets give the world what they wanna see!". Pero ano ba nangyari? Sabi ni Arum gusto nya magpatayo ng out door stadium at hindi kaya ng date na yan. Pangalawang dahilan nya, kelangan daw magpagaling ni Pacquiao ng tahi sa kilay nya. Eh nak ng kamote, 5 months yung pagitan dalawang laban hindi pa ba sapat yun para gumaling yung sugat? O ano nangyari? Si Miguel Cotto na lang nilabanan nya. And a month later lumaban na lang si Pacquiao kay Bradley. O ngayon sino ang panay excuses?

     

    Hahahaha! Nagpapatawa ka ba? Ang lakas naman ng loob mo magassume na hindi nilalabanan ni Floyd mga possibleng makakatalo sa kanya, pero ni hindi mo naman alam kung pano nga sya tatalunin. Sino ba sa mga naging kalaban ni Floyd ang nagsabing hindi sila mananalo? Lahat naman sila nangakong tatalunin si Pretty Boy. So lahat sila (following your logic by the way) POSSIBLENG MAKATALO. Eh ganun ba nangyari? Hindi di ba? Isang judge pa lang ang nagpatalo sa kanya sa scorecard.

     

    Alam mo intindihin mo ang pinagkaiba ng possibility at probability ha. Ng hindi ka naman nagmumukhang epal lang na satsat ng satsat ng kung ano ano. Kung di ka ba naman talagang pactard inasume mo na lahat ng boxingero pag umakyat sa ring 50/50 ang chances? Whahahahahahaha! Papano mo naman naestimate yan aber? Ibig mong sabihin si Brian Villoria may 50/50 chance din na maKO si Klitschko? Wahahahaha. :lol: :lol: :lol:. Kung lahat 50/50 chance eh di wala ng betting odds dapat.

     

    Anong naging objective sa result na pinagsasabi mo? Isa rin syang kagaya mo na pactard. Binangit nya man lang ba time line ng negosasyon at na-discuss mabuti panig ng dalawang kampo kung bakit hindi ito matuloy tuloy? Tulad mo, assumption nya na si Floyd lagi may kasalanan bakit hindi natutuloy laban.

  8. lasst one

     

    so ano ranking nman ngayon samantalang tinalo ni KHAN si Maidana na biglang pinili ni Floyding!

     

    oh malambot naman ang panga eh d mas maganda pa na reason na hindi ktakutan ni FLOYDIN hahaha

     

    adik kb wlang Boss si FLOYDING he calls the shots wlang pki alam si Ellerbe.. He is his own BOSS.. kya nga pirma na lng ni FLOYDING!

     

    obviously ur not being objective rather subjective on ur points of view.

     

    saka ano ba punto ko dun sa last paragraph ng article

     

    But can we stop the "Mayweather would dominate Pacquiao anyway" tripe? It doesn't make you sound like a savant or an expert, just a presumptuous, pound-for-pound dick. We'll never know, and that's the tragedy.

     

     

    O bakit? Muntik din naman ma KO si Khan sa laban na yun di ba? Napatumba nga ni Maidana eh. Ok ka din, komo hindi natuloy laban kinatakutan na agad? Ok din naman ang logic mo. Eh bakit si Malignaggi ilang beses inasar si Manny at hinamon ng laban. O di takot pala Idol mo kay Malignaggi eh alam ng lahat walang KO power itong taong ito? Ok ka din no hindi nilabanan = takot.

     

    Sabi ko nga 2 campo ang nagnenegosasyon dito. Bakit kasalanan lagi ni Floyd kung di natutuloy laban? Nung unang negosasyon for Mayweather Pacquiao, nauna din naman sya pumirma ng kontrata. Humingi lang ng testing kung ano anong palusot binigay kampo ni Pacquiao. SI Mosley hindi naginarte, natuloy ang laban at natalo. And to think isa rin ito sa sinasabing kinatatakutan ni Floyd.

     

    Ang mga authors ng article mo, kagaya mo ring pactard. Dahil asar lang kayo kay mayweather lahat na lang ng decisions nya initpick nyo. Pag nilabanan si Khan, takot kay Maidana, pag labanan si Khan pagkatapos kay Maidana, takot kay bradley, kay pacquiao, kay boxer X Y and Z. Kahit si Pacquiao madami din naman sa mga naghamon sa kanya ang di nya nilabanan (i.e. Valero, Martinez, Berto.... tsaka nitong huli si Broner pala). Sabi ko sayo kung talagang gusto nya matuloy itong laban na ito, huwag sya masyado nagpapatali kay Bob Arum. Sya maging sarili nyang boss. Silang 2 ni Floyd magusap.

  9. I don't need to try that hard actually. I am talking to a boxing-expert wannabe whose only way of arguing is dumbing down the discussion and using a lot of potshots. Worse of all desperately defending Pacquiao even from the most valid criticisms.

     

    Wala naman akong dahilan para hindi mag move on kay Marquez. Kasi si Pacquiao ang mas may kelangan patunayan at hindi si Marquez. Ang galing no? Akala ng lahat komo lang puros malalaki yung kinalaban ni Pacquiao superman na sya. Eh kaso pinahiya sya ni Marquez, at pinakita na wala naman talaga sya gaanong improvement since Dela Hoya. Kaya sablay kayo ng Idol mong si Chino Trinidad.

     

    So ano ngang punto mo? Natakot si Floyd kay Amir Khan? HAHAHAHA! patawa ka. Bakit nakakatakot ba talaga si Amir Khan? Nakita naman ng lahat kung gano kalambot panga nito. At tsaka bakit kasalanan ni Floyd kung di natuloy laban? 2 kampo naman ang nagnenegosasyon lagi. Ok din logic mo basta hindi nilabanan takot na. Eh bakit nya nilagay sa Poll si Amir Khan kung talagang iniiwasan nya lang sya. Isa pa, kung tutuusin, hindi rin naman top 5 si Khan ah. Mas mataas pa nga ranking ni Maidana kesa kay Khan. Eto o

     

    http://ringtv.craveonline.com/ratings/welterweight

     

    Anong pinagmamalaki mo sa mga article mo na yan? Eh kahit yang gunggung na writter na yan, puros opinyon nya lang naman ang sinasabi nya. Hindi nya naman na-discuss yung totoong dahilan bagi lagi nagco-collapse negosasyon. Hindi nya din naman nabanggit kung papano nga matatalo si Floyd. Kagaya mo ang sabi nya lang, baka naman makachamba si Manny.

  10. sobrang galing kc ng depensa ng IDOL mo so wlang strategy o skills sets si PACMAN ang makakatalo sa idol mo whahahah.... get the logic!

     

    puro ka ngawngaw ng MARQUEZ till now sus maria move on.. hindi Gamblers Fallacy ang magmove on..

     

    am i the trainer of PACMAN hahaha do i need to come up with that solution myself aba pagiging expert na alam tulad mo eh dapat kang kunin ng TEAM PACMAN lol talo mo pa pla si Freddie Roach na hindi masolusyunan ang counter punching...

     

    oh ayan pinaiikot mo nnman... db nga sabi ko malabo na si Bradley kc nga Top Rank sus maria..

     

    sabi mo negosasyon binigyan kita ng simpleng halimbawa bago pa man yung laban kay Maidana.. Amir Khan already signed a contract pirma na lng ni IDOL mo ang kailangan... may voting pang ginawa si FLOYDING mo... ano ginawa ni Floyding...

     

    bkit d mo nga msagot.. magkahetot-hetot ka ng pagiisip.. bkit nga ba di natuloy yung kay AMIR...:lol:

     

    alam mo ba kung ano sinabi ng IDOL mung si FLOYDING nung ginawang mandatory challenger si Pacman ng WBC... bka di mo alam hanapin mo s youtube... at paki translate yung ibig nyang sabihin...

     

    binasa mo yung huling part nung article... para yun sa iyo!

     

    O di sa wakas kumambyo ka din paatras at inamin mo na din kahit papano na wala kang alam? Puro depensa? Whahaahhaah! Spoken like chino trinidad! Yan din eksakto sinabi nya. As if walang KO power si Floyd, as if hindi sya umo-opensiba. Ilan ba sa mga decisions na pinanalunan ni Floyd ang controversial? 2 lang naman di ba? At isang tao lang ang nakatalo sa kanya sa isang Judge scorecard si Dela Hoya. Eh si Pacquiao? huwag na nga! Puro potshots lang naman igaganti mo. Huwag puro epal kasi. Kaya nagiging obobs ang usapan kasi masyado kang nagiging fantard.

     

    Actually, its you who should move on. Marquez redeemed himself with that KO. He got robbed, and he took it out on Pacquiao. He knocked his ass out like he stole something and wanted it back. Pero ano sagot ng mga Pactards? Lucky punch? Steroids? Whahahaha. Akala kasi after Dela Hoya et al., ang laki laki na ng improvement ni Pacquiao. Syempre, isabak mo ba naman sa lahat pasugod ang laro, magmumukhang superman si pacquiao. Pero isabak mo sa totoong boxing skills lang meron, kryptonite katapat ng superman mo. 4 na beses ng nilabanan hindi pa din masolve game. Tapos ang kaya mo lang sabihin kahit sino sa boxing pwede makachamba? Whahahaha! Gamblers fallacy nga.

     

    Pipili ka na rin lang ng articles puro bloggers pa na halata namang mga pactards din, hindi pa sa mga totoong fight analysts or trainers man lang. Ngayon ako ba ang nasa negotiating team ng kampo ni Amir Khan para masagot kung bakit naunsyami negosasyon? Pero ikaw assuming ka na kaagad na takot lang si Floyd. Basta hindi nilabanan takot na kaagad. So takot din pala si Pacquiao dapat kina Valero Berto at Sergio Martinez na lahat naman nagexpress ng interest nilang makalaban si Pacquiao? Aminin man natin o hindi, si Floyd ang pinakamalaking draw sa boxing ngayon. O pano pala pag kunwari nilabanan nga ni FLoyd si Amir imbes kay Maidana? Sasabihin mo takot naman sya kay Maidana? Pano kung yung susunod na laban nya si Amir na? Takot naman sya kay pacquiao at kay boxer X Y Z?

  11. iwas ng iwas yah sure...cnagot k nga na maaring hindi maging effective yun at khit ano mang skills set meron si Pacman malabo ngang mtalo si FLOYDING dhil mahirap icrack ang depensa.. ngawngaw k nnman bsahin mo nga post mo!

     

    AYAN! Thank you inamin mo din sa wakas kahit papano na di mo nga alam ang sinasabi mo. Ang tingin mo lang baka nga naman makachamba si Manny. :lol:. Imbes sana maging intellectual usapan na ito, dinadaan mo lang sa mga potshots at ad hominem kasi di mo nga masagot sagot tanong na yan. Kahit nga yata yung counterpunching style ni Marquez malamang di mo din alam kung pano susulusyunan. O sya ok lang. Kahit naman si manny malamang di rin nya alam. Kasi kung alam nya, di sana di sya napatulog ni Dinamita

     

     

    Bradley pano nga magkakaroon ng negosasyon eh pili nga ni IDOL mo ang kalaban.. ang daming iniwasan na ng IDOL mo? pero in reality TOP Rank kc si Bradley eh ayaw ng IDOL mo yun..

     

    cge negosasyon ba eh ano nangyari kay AMIR KHAN.. not a TOP Rank Boxer.. may contract signed. may voting pang ginawa si FLOYDING pero ano resulta...db ba obvious na iniiwasan... oh ano palusot mo dito!

     

    FYI yung PACMAN/Bradley 1

    WBO made a review after nung bout at lahat ng members convincingly pabor na nanalo si Pacquiao... pero dn pwede ireverse ang result in favor Pacman.

     

    http://www.badleftho...-vs-pacquiao-is

     

    basahin mo yang article na yan nku para s iyo yan!

     

    nung ginawa ng WBC na contender si Pacman ano sabi ni FLOYDING?:lol:

     

    Ngayon naman si Bradley tingin mo kinakatakutan ni Floyd? Ok ka din ano? Basta hindi pa nakakalaban iniiwasan na kaagad. So kung pinili nyang labanan ni Amir Khan, ano naman sasabihin mo? Iniiwasan nya si Maidana? Mas pinli yung kalaban na malambot ang panga? Kahit si Sugar Shane at si Cotto yan din ang sinasabi, na iniiwasan sila. Lahat naman ng nakakalaban nya pareho lang tugtug na kinakanta. Pero lahat naman sila natatalo. Piliping pili pala ha? Eh di ba kelan lang tinalo nya ang mas bata at wala pang talo na si Canelo? Ang top ranked contender sa super welterweight? Sino at kelan ba ang huling naging laban ni Floyd na hindi Champion ang nakalaban nya? Lahat naman ng nakalaban nya buong dekada naging or current champion kaya anong pinagsasabi mo.

     

    Tsaka kahit ang kampo ni Pacquiao namimili din naman ng kalaban ah. Ang tagal tagal na humihingi ng rematch si Marquez pero puros mga style na tailor-made kay Manny ang kinakasa sa kanya. Lalong lalo na si Plasterito at si Rios. Walang boxing skills, kagagaling lang sa talo, at mabagal pa.

  12. How I wish, but its very improbable as of the moment.

     

    Nung 2012, bago umpisahan ni Floyd ang jail sentence nya, hinamon nya na ng diretso si Pacquiao para lumaban sa cinco de mayo fight. Kampo na ni Floyd nagalok ng laban. Enter Bob Arum who gave 2 excuses kung bakit di pwede matuloy laban na yun. Una dahil daw hindi kaya gumawa ng isang outdoor statidum para sa laban within the time frame, pangalawa yung tahi sa Kilay ni Pacquiao mula sa pangatlong laban kay Marquez hindi ba gumagaling.

     

    Now ano naman problema kung san gaganapin ang laban? Dadagsain naman yung laban kahit san pa ito gawin. Isa pa, nasa PPV numbers naman ang totoong revenue. Yung pangalawang excuse, 5 months naman yung pagitan nung huling laban ni Manny. Enough time na yun para pagalingin tahi ng sugat. Si Klitschko nga ang laki ng hiwa sa kilay nung nilabanan si Lennox, pero after ilang months lang lumaban ulit. Kaya dito makikita natin na hindi naman laging kasalanan ni Floyd kung bakit hindi natutuloy itong laban na ito. Ang gusto kasi ni Bob Arum sya ang may huling sabi sa lahat ng kasunduan sa kontrata. Kung papakingan lang natin objectively si Floyd, may katwiran naman sya kung bakit nya hinihikayat si Manny to be his own boss. Mas malaki kikitain nya kung talagang hindi sya nagpapadikta sa gusto ng promoter nya.

     

    Ang nangyari tuloy pagkatapos, si Miguel Cotto na lang ang lumaban. Isa ring fighter na sinasabing iniwasan ni Floyd. Tapos after one month nung singko de mayo, si Bradley linabanan ni manny, natalo pa sya.

  13. cnagot ko tanong mo eh dk kontento! sabi ko pwede pero d nga cguradong effective so bahala na si PACMAN dun! pero need nya convincing win db.. lol

     

    pero kahit anong diskarte/strategies/skills set na ibato sa idol mo eh sa iyo ubod ng galing si FLOYDING.. tapos ibabalik mo tanong sakin lol... aba eh yung kinalaban nman ni Pacquiao si Cotto, Hatton, Mosley, Hoya, Bradley, Marquez(wla nman taong kontento)

    pero si IDOL mo d nilaban si Bradley teka pareho silang Americano bka yun ang dahilan kaw ano sa palagay mo?

    bkit d k nga mksagot kung bkit ang IDOL mung best technical ever / defensive, bigger pa eh ayaw lumaban... :lol:

    pano wla kng msabi o masagot antay ka ng bagong excuse ng IDOL mung FLOYDING..:wub:

     

    d nga as a FIGHT FAN ano sa tingin mo! pwera yung Bob Arum kc nsabi mo na.. cge nga pakita mung pagiging objective mung baliko!

     

    bigyan kita ng isang objective na logic galing kay Kevin Lole

    Their first three fights were exceedingly close, and a case could be made that Marquez won all three, just as a case could be made that Pacquiao deserved to win all three.

     

    Hindi mo sinasagot yung tanong, iwas ka nga ng iwas ka nga ng iwas eh. Imbes gawin sana natin matalino yung usapan, dinadaan mo na lang sa potshots kasi hindi ka makasagot ng maayos. Binanggit mo lang ang boxing abilities ni Pacquiao, pero hindi mo naman kaya ipaliwanag kung ano ang strategy nya para basagin depensa ni Floyd. Nagimbento ka pa ng sarii mong mga boxing terminologies para magmukha lang na alam mo sinasabi mo.

     

    Ilang beses ko ba kelangan sabihin sayo, magkaiba ang figthing style ni Pacquiao at ni Floyd. Kaya natural iba ang magiging kalabasan ng performance nila sa mga pareho nilang nakalaban. Pero hindi ibig sabihin na komo lang na KO ni Pacquiao mga tinalo ni Floyd, eh maKO nya din si Floyd. Case in point, Nung nilabanan ni Floyd si Castillo, muntik pa sya matalo, nung pangalawa decision kinalabasan. Nung si Hatton naman lumaban kay Castillo, nadominate nya ito at pinabagsak pa ng liver punch. Ano nangyari nung nagharap si Hatton at si Floyd? Di ba KO si Hatton? O isa pang Halimbawa. Si Pacquiao nagulpi si Barrera. Si Marquez hindi gaano. Pero nung naharap sa Ring ulit si Pacquaio at Marquez, hirap pa din sya talunin ito. Yan ang fight analysis

     

    Tungkol naman kay Bradley, hindi naman komo hindi pa sila pumapasok sa negosasyon para maglaban iniiwasan na sya ni Floyd. Yan ang patawa sa inyong mga pactard. Basta dahil lang hindi pa nakakalaban, inuurungan na agad. Pag di naman nagkapirmahan ng kontrata, kasalanan lagi ng kampo ni Floyd. Si Shane Mosley din naman sabi iniiwasan ni Floyd. Inakyat pa sa rin pagkatapos ng Panalo kay Marquez para alukin ng laban. Lahat sabi ng sabi takot kay Sugar Shane si Floyd, kahit nauna nya na itong hinamon nung nasa lightweight division pa sila. Pero nagkapirmahan din naman sila ng kontrata at naglaban di ba? O ano ba nangyari nung laban? Maliban sa unang 2 round, hindi na naman makapuntos si ba si Sugar Shane?

     

    Hahaha, sablay ka nanaman Parekoy. Kung talagang yun ang tingin nya, eh bakit nung pangalawang laban yung score nya pabor kay Marquez at dun sa pangatlo naman tabla.:lol:

     

    Kesa puro potshot, sagutin mo na lang kung papano aayusin ni Manny Problema nya sa mga counter punchers. Kung hindi manood ka na lang sabi ng sabong

  14. kaw naglagay ng 1-0 so im only refering to you...

     

    natalo nga pero bkit pa plano ng PACMAN team na labanan ulet si Marquez kung mananalo kay Alvarado para ano para maging convincing naman yung pagkatalo..

     

    cnagot kita pero ubod ka nman ng assuming Gifted Child wla akong sinabi na effective lahat din yan kay FLOYDY ang sabi ko pwedeng gamitin yan... at bkit si PACMAN ba lahat yung kinalaban ni FLOYDING at icompare ba tlaga lahat ng nakalaban YAHOOO! galing ng logic mo!

     

    si IDOL FLOYDING best technical/defensive boxer, bigger, pero wla kng masabi bkit ayaw nyang kalabanin si PACMAN...or Bradley, Amir

     

    Asan ang pagiging FIGHT FAN mo!

    ngawngaw ka ng ngawngaw .. if that happen kaw place your bets pero ako manonood lng kc Gamblers Falacy might happen. semplang k no! assuming ka kc masyado!

     

    ask your IDOL! :wub:

     

     

    Paulit ulit lang tayo. Kaya nagkaroon ng 4 na laban kasi laging controversial yung decision. Ibig sabihin marami ang hindi kumbinsido sa panalo ni pacquiao. Di ba mismong si Pacquiao na umamin nito? Ngayon simple lang ang sagot sa tanong mo, kasi mas kelangan ni Manny ang rematch na ito kesa kay Marquez. Kung tinalo nya ng maayos kahit isang beses lang, hindi nya na kelangan paulit ulit labanan si Dinamita

     

    Yang mga pinagsasasabi mo, pinulot mo lang kung saan para magmukhang marami kang alam sa boxing. Lahat yang sinabi mo pwede gamitin sa kahit kaninong kalaban. Pero ang malinaw na tanong dito, ano at alin dun pwede mo gamitin para talunin istilo ni Floyd? Akala ko ba nakikinig ka ng mga fight analysis. Hindi lang yan basta basta sabi nung kung ano ang kayang gawin ng boxingero, kundi papano nya ito magagawa, at papano makakatalo sa style ng kabila. Simpleng tanong lang, pero mahirap talaga pag di mo inaalam sinasabi mo muna.

     

    Ang punto ko tungkol sa mga style ng nakalaban ni Floyd, kayang kaya nya diskartehan yang mga pinagsasabi mong volume punching, body punching yada yada yada. Huwag kasi satsat ng satsat.

     

    Pwede ko rin itanong sayo, may nakalaban na ba si pacquiao na singtalino ni Floyd sa ring? Pinakamalapit na siguro style-wise si Marquez. Kaso ayun, pinatulog lang idol mo.

     

    Ayan ka nanaman. Kung ganyan pangangatwiran mo, na laging pwede makachamba ang kahit na sinong underdog. eh di palabanin na nga natin si Manny sa heavyweight division at baka nga naman mangyari yang sinsabi mo/

     

    Parekoy, sabong na lang kasi panoorin mo.

  15. assuming ka na betting odds yung 50-50...yan ang napapala ng mukhang sugarol gamblers fallacy lol... 1-0 eh kung hindi rin convincing para sa iyo anong sense nun lol

     

    para talunin si FLOYDING..you need trainer analysis, skills sets -- athleticism nga nman daw yung kay pacman, strategies. ano pa kya next mung hahanapin....dami mung requirements para kang BPLO

     

    tulad ni FLOYDING ang daming excuses para iwasan ang mga boxingerong alam nya na pwede syang mtalo.. yan ang the best strategy!

     

    circling strategy, volume punching strategy, body punching strategy, southpaw to orthodox strategy lahat ng yan pwedeng gawin

     

    Floyding is bigger, smarter, best defensive and technical boxer ano pb kinakatakot nya! as a FIGHT FAN kaw ano sa palagay mo? NGANGA!

     

    Laugh trip itong post na ito. Anong hindi convincing sakin? Bakit ako lang ba ang nagpressure para sa rematch? Ang buong boxing circle at fans nga ang nagpressure para mangyari ang rematch, kasi laging controversial yung result. Marami lagi nagsasabi na dapat sa at least 2 laban, nanalo si Marquez. Ngayon kung natalo nya talaga ng maayos si Marquez eh di hindi na kelangan ng rematch at wala ng dapat patunayan si manny. :lol:

     

    Ayus! Nagimbento na lang ng panibagong boxing terminology. Talagang skills sets, at hindi skill set. Circling strategy, volume punching strategy? :lol::lol: bantot pakingan! Lahat naman yan ginawa nya kay marquez, umubra ba? O sige nga panong stance dapat gamitin ni manny? Anong klaseng suntok kelangan itapon at saan para mabasag nya Philly shell defense ni Floyd. Papano nya susulusyunan yung problema nya sa pagdepensa pag napapaatras na. Yang mga nabangit mo di yan lahat umubra kay Mayweather. Circling (Cotto, Coralles) Volume punchers (Mitchell. Judah, Ndou), Body puncher (Hatton, Canelo), South Paw (Judah). Ikaw ngayong ngumanga. O dali imbento ng panibagong boxing terminology..... lagyan mo pa ng ad hominem

     

    Haaaaaaay ito ang sinasabi ko, everyone here wants to play boxing expert, hindi naman talaga nanunood ng boxing kung hindi si Pacquiao lalaban. Sabong na lang panoorin mo parekoy.

  16. kaya nga sa sobrang talino ng IDOL mung si FLOYDING eh hindi kyang talunin ng skills sets ni PACMAN teka strategy nga namn ang kailangan lol KATOL PA!

     

    AYOS ayaw tanggapin yung 2-1-1 series eh lalo na cguro kung ginawa kung 3-1 lol d nga nman convincing yah sure GIFTED!

     

    yung ODDS na nilagay ko pakita lng na hindi sa lahat ng time yung mataas ang rank sa ODDS eh mananalo hindi ba yun FACTUAL may nabnggit b akong pareho sila lumaban maka assume lol... so ayun humihirit ka nga hindi kasing galing at talino ni FLOYDING....

     

    FIGHT FAN ka ngang masasabi at npaka objective lol

     

    Hangang ngayon talaga, ayaw mo pa din sagutin kung anong strategy para matalo nga si Floyd? Wala puro ka na lang Ad hominem sa mga post mo. Ganyan talaga ang nagmamagaling na hindi naman alam ang sinasabi.

     

    Actually, kahit 1-0 lang ok na yan, basta natalo nya ng maayos. Eh kaso nga hindi, kaya nagkaroon ng paulit ulit na pressure para sa 4 na rematch. Na-boo pa ang idol mo nung basahin yung decision sa pangatlong laban.

     

    Yan ang tinatawag na gambler's fallacy parekoy. So sa madaling salita ang sinsabi mo lang baka naman makachamba si manny :lol:. O sya, eh di sabak na din kaya natin sya kay Klitschko. Nga naman anong malay natin, baka matapilok bigla yung kalaban, makatira si Manny at maKO nya. Galing naman ng analysis mo! Idol mo talaga si Chino Trinidad

  17. anong level ba ng skills sets ang hinahanap mo... hahaha

     

    si Chino Trinidad weh eh ubod ng bias na at over hype commentator, kung ano pinagsasabi sa mga ginagawa ni Pacquiao sa ring! sorry mga english commentator ako nakikinig sa lahat ng laban ni Pacman hahaha asa ka nman!

     

    6-1 si PACMAN sa odds against Barrera pero sino ang humiliated... teka hindi nga pla kasing talino ni FLOYDING ang lahat ng kinalaban ni PACMAN kya pala nanalo! isip retarded! lol

     

    wla kbng ibang msasabi puro beat Marquez convincingly lol... gasgas na eh! gising gising 2-1-1 ang series khit anung alburoto mo!

     

    Ito ang classic example ng isang pactard. Fanatically defending his idol even from a very valid criticism

     

    Tinatanong ko sayo, anong laro, strategy gagamitin ni Pacquiao para talunin si Floyd. Satsat ka ng satsat ng kung ano ano, yan lang di pa masagot. Kaya nabubuko tuloy dito parekoy kung sino lang yung nagmamarunong. Pano in and out movement? Eh napupuruhan nga sya lagi pag ginagawa nya ito sa isang counter puncher di ba? Volume punching? Di mo ba nakita na kahit nasa lubid na si Floyd mahirap pa din sya patamaan. Wala ang simple simple lang hindi mo pa masagot. Ngayon dadaanin mo na lang sa name calling at pangaasar.

     

    Ano naman kinalaman nung odds nya kay Barrera? Makakaapekto ba yun sa susunod nyang laban. Ang pinaguusapan dito boxing skills. Tsaka pareho ba lumaban si Floyd at Barrera? At oo wala pang nakakalaban si Pacquiao na sing talino ni Floyd sa ring at sing liksi. Pinakamalapit na siguro si Marquez, pero napatulog sya nito. Hay ito na nga ba sinasabi ko eh, pati kung pano yata ginagawa betting odds sa larong ito hindi mo pa alam

     

    Huwag mo lokohin sarili mo sa 2-1-1 series na yan. Yung 2 panalo ni Pacquaio kay Marquez, pareho lang yan nung unang panalo ni Bradley kay Manny. Ibig sabihin hindi convicing para sa mga boxing afficionados. Kaya kinailangan paulit ulit labanan ni Manny kasi sya itong may kailangan patunayan. Si Marquez ang isang malaking kurot sa legacy ni Pacquiao sa totoo lang. Kasi kung tinalo nya ito ng maayos, hindi nya na sana ito kinailangan labanan pa ng hangang 4 o 5 beses. Si Floyd hindi madalas lumaban ng rematch kasi karamihan naman sa mga naging panalo nya convincing. Maliban na siguro yung unang sabak kay Castillo at yung kay Dela Hoya.

  18. Yeah maganda nga pinaguusapan eh. Ang kaso lang, puros hype lang ang nababasa natin dito. kesyo duwag si Mayweather, ayaw labanan si manny, boring ang style nya, mayabang pa etc etc. Bakit kasi ang di na lang natin pagusapan dito ay yung boxing skills nung dalawa. Yun lang naman pinakamahalaga sa laban eh.

     

    Wala naman ako so far nababasa na totoong strategy kung papano tatalunin ni Pacquiao si Floyd. So far ang naririnig ko lang "lucky Punch (chamba sa madaling salita)", Footwork, handspeed at KO power, ngayon naman superman punch. Strategy ba ang mga yun? Duh! Alam natin na hirap talaga si manny pag ang kalaban nya precission boxer at counterpuncher. Alam natin hindi sya makadepensa pag napapaatras sya. Alam natin na madali sya tamaan. 4 na beses ng lumaban kay Marquez pero ni minsan hindi sya manalo nalo convincingly. On the flipside, si Marquez talaga ang gumaling ng gumaling sa kada laban, hangang sa napatulog nya din si Manny.

     

    Fan din ako ni Pacquiao, pero hindi ako pactard. Sagutin nyo na lang kasi ng maayos, papano babasagin ni Manny depensa ni Floyd? Papano nya susulusyunan yung counterpunching style ng kalaban, magagawan nya pa ba ng paraan yun? Ni hindi ko pa nga inuumpisahang pagusapan na may obvious wear and tear na din si Manny.

  19. Ang fighting stance ni Floyd mahirap tamaan -- nice one!

     

    No Lucky punch --- nanood kb ng boxing maliban kay Floyding!

     

    EH takot nga lumaban eh... mas malaki ang mawawala kay IDOL FLODY mo keysa kay PACMAN d mo magets ang simple ng article...

     

    most important nga pala kay FLOYDING and knyang health kya piling-pili yung kalaban nya recently... kung lalaban kay PACMAN pano na yung health ni FLOYDING!

     

    PACMAN can punch in many different angles.... KO punch on both Hands.. fast footwork... blinding speed punches....

     

    sino ba sa huling mga nakalaban nya na kasing bilis kasing lakas ni Paquiao? Meron na ba? wla kc nga alam ni FLOYDING na maaring mtatalo lng sya..sayang ang 0 loss record!

     

    Eto nanaman tayo, para lang magmukhang marunong magsasalita ng mg KO punch, fast footwork at blidning speed. Again skill set ang pinaguusapan dito, hindi lang basta athleticism. Kahit siguro sinong lasing sa kanto na nakapanood ng laban ni Pacquiao yan din ang sasabihin.

     

    Pwede ko din itanong sayo, sino na ba sa nakalaban ni Manny ang singtalino ni Floyd sa ring? At yang mga pinagsasasabi mo, umubra ba yan kay Marquez? Hindi di ba? Ni isang convincing na panalo wala sya, at pinatulog pa sya ng mas maliit at mas mabagal na si Marquez. Kahit nga si Bradley, kayang kaya din sabayan foot speed na sinasabi mo. Yan ang problema ni Manny ever since. Madali syang tamaan. Papasok sya sa loob, matatamaan sya ng counter, tapos pag napaatras ng konti, wala na, hindi na alam gagawin. Pano pa kaya kung si Floyd na alam natin mas magaling na counterpuncher ngayon.

     

    Kung hindi mo maapreciate fighting stance ni Floyd, ay wala, manood ka na lang ng sabong siguro. Kung tingin mo hindi kaya ni Floyd ang volume punchers, panoorin mo laban nya kay Castillo. Ang depensa nya hindi lang basta basta takip ng mukha. May kasamang ilag din at padaplis ng suntok ng kalaban. Bale nakadikit dapat yung baba sa balikat, yung kaliwa nakatakip sa ulo, tapos yung isa sa may bewang. Pag sumuntok kalaban dinadaan lang sa pihit ng baywang at braso para kung di man mailagan yung suntok dumaplis man lang. Yan ang trade mark ni Floyd. Kaya kahit sukol na sya sa lubid at isang dosenang suntok ang ginagawa ng kalaban, hindi pa din sya matamaan ng basta basta.

     

    Walang mangyayari sayo kung puros si Chino Trinidad lang pinapakingan mo. Wala namang alam yun kasi basketball commentator sya. Pakingan mo mga analysis ng mga totoong trainers. Kaya tuloy pati betting odds sa larong ito gusto mo magimbento ng sarili mo :lol:

×
×
  • Create New...