Jump to content

Edmund Dantes

[12] EXALTED
  • Posts

    3644
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    10

Posts posted by Edmund Dantes

  1. adik kb ang P4P ay base sa nging performance mo sa mga nakaraang laban mo... anung style na tatalo sa lhat... lol

     

    magtigil ka nga lahat na ng Boxing analyst d lng pinoy na nagsabi na ang lahat ng nilabanan ni Floydy after Dela Hoya ay piling pili...

     

    clearly the last bout against Maidana was only a show not a boxing match...

     

    Ikaw na din nagsabi, base sa performace. So ibig sabihin kasali dun yung skill set at style mo di ba? Bakit ba bumaba sa Ranking si Manny pagkatapos ng pangatlong sabak kay Marquez? Kasi naexpose yung tendon of achilles nya.

     

    Marami ding analyst ang nagsasabi na marami sa mga ikinasa kay manny nung prime nya kundi laos na, puros tailor-made yung boxing style. Hatton, Cotto, Margarito, kahit pa si Mosley. Lahat sila ang style nila puro pasugod. Pero ano ba nangyari nung precision counter puncher ang nakalaban nya? Di ba tulog si Manny. At hangang ngayon marami satin ang gusto isipin na "lucky punch" lang yun.

     

    Maidana tried to pressure floyd and was winning the earlier rounds. He was throwing more punches, but floyd was landing the cleaner ones. Eventually, using ringmanship, Floyd was able to adjust, ducking, and deflecting Maidanas powershot, to land his own counters, and circle around the ring. Yan ang tinatawag na finesse fighting.

     

    Alam ko asar ka kay Mayweather at mahal nating lahat si Manny. Pero maging objective lang tayo, lets give credit where its due. Boxing lang naman yan Parekoy.

  2. If the club does not cater to prostitution or drugs, then there is nothing morally wrong with it. Its just basically loud music, dancing, moderate drinking and a bit of socializing. Its all in how you carry yourself.

     

    Sa Babae

     

    - Even though its one of those places where looking sexy and showing off a bit of skin is generally acceptable, a woman should still maintain a certain level of respect and refinement. Otherwise, she is just gonna be a piece of red meat thrown in a den of hungry wolves. Hindi dapat nagpapahawak ng basta basta sa lalake kahit pa nasa dance floor na. Lalo kung madalas sya sa isang lugar. Kasi it wont take long bago makabuild ng reputation na madali ka lang mabingwit ng kung sino sino.

     

    Personally, its a pleasure pag may nakakasocialize ako na babaeng matalino, may class, at may respeto sa sarili. Masarap kasi kakwentuhan ang ganun over beer kahit puros kababawan lang pinaguusapan nyo. And usually, these are the kind of women na pwede mo kaibiganin kahit sa labas ng club.

     

     

    Sa lalake naman

     

    - Huwag masyadong maging bastos at desperado sa babae. Kahit club yan, pakita mo pa din dapat na may pinagaralan ka naman at hindi ka parang aso na nagmamakaawang hagisan ng sariwang buto :lol:. Kahit may konting bilbil at di naman mukhang piolo pascual, basta maayos ka magbihis at di ka naman parang adik na manyak umasal, meron at merong kakausap sayo na babae. Kahit di ka bigyan ng number o di mo mailabas, maganda pa din yung magiwan ka ng magandang impression dun sa babae. Kung may makausap, Ok, kung wala eh di enjoy enjoy yan.

     

    Marami na akong nakilalang lalake na talagang sobrang fixated sa goal nila makahanap ng chicks na mauuto, nakakalimutan na gamitin utak. Lalo kung nakainom pa ng konti. Kaya tuloy imbes sa motel, sa presinto pa tuloy nagpapagabi.

  3. ^Best technical boxer nga db... da best sa takbuhan...

     

    sa iyo na rin nanggaling na style make fights... pano mo lalabanan ang taong takbo ng takbo sa ring... lol

     

     

    tama ka pre... sabohin mo nga kay dingdong na kame na lang dalawa mag boxing.. papatulugin ko yan eh...

     

    O walang pikunan mga Parekoy,

     

    Una sa lahat ang boxing, hindi lang yan puro power and aggression, kelangan din dyan ng tactical finesse. At dun magaling si Floyd. Sayo pagtakbo yun, pero sa mga talagang inaaral ang technicalities ng larong ito, kahit sa mga nanonood lang ng laban, maapreciate talaga yung tinatawag na "ringmanship". Akala kasi natin ang boxing parang yung laban ni Rocky tsaka ni Ivan Drago, na basta suntok lang ng suntok at sugod lang ng sugod. Walang depe-depensa basta makasuntok lang. OO maganda sya panoorin, ang mga ganun pero kung ikaw yung nasa ring at gusto mo manalo, uutakan mo ng konti dapat kalaban mo. Dapat alam mo pano padaplisin ang mga suntok ng kalaban sayo, marunong ka mag counter, at gamitin footwork mo para maikutan kalaban mo at hanapan ng opening para mas matamaan mo ng maayos ng kalaban.

     

    Ang p4p ranking ay base sa opinyon ng mga writers kung sino ang may style na tatalo sa lahat. Kung sinundan lang natin kasi career at mga laban ni Floyd, makikita natin na tinatalo nya naman lahat ng style. Inside-fighter, pressure-fighter, south-paw, volume puncher, counter puncher, slipsters, outside fighters etc. Samantalang ang pambato natin, alam na natin kung anong style ang tatalo sa kanya. Problema kasi sa karamihan ng pinoy, kahit mga sportscaster natin, nanonood lang naman ng boxing pag si Pacquiao o Donaire lang lumalaban.

     

    Maging objective kasi tayo mga Parekoy, alam ko kung gaano kahalaga satin na laging manalo si Pacquiao, kasi nga naman yung panalo nya ang pinagmumulan halos ng magandang balita tungkol sa Pilipino. Pero sa huli, laro lang ito. Hindi naman natin dapat itaya ang lahat ng pagka Pilipino natin sa boxing. Isa pa, kahit nakakaasar angas ni Pretty boy, wala tayong magagawa kung talagang magaling sya. May respeto ako kay Pacquiao, pero kung tatangalin lang kasi saglit yung pinoy pride na yan, talagang makikita natin na hindi sya mananalo sa laban na ito

  4. I'm one of these people before. Then nakakilala ako ng taong nagparamdam sakin ng TRUE LOVE. Then ngayon nagkakalabuan kami. Then i met someone new pero hindi at walang pag asang maging kami. I called myself as a mistress. He lied. Lahat lahat ng sinabi nya ultimo pangalan nya ay isang malaking KASINUNGALINGAN. I trusted him. Ang tanga ko lang nahulog ako. Haha. Last last night i commit suicide again. Hindi ko alam anong pumasok sa utak ko bakit ko ulit yon nagawa. I felt unloved na naman siguro. I take 5 capsules of sleeping pills, nahilo ako syempre. pero imbis na makatulog naging worst yung pakiramdam ko. Then I decided na uminom ng alak. Ayun! i begun to felt na. tremor, headaches, weakness, lethargy etc. then bgla nalang akong ngblack out. nagising ako nasa isang puting room na ko. Pero buti nalang okay na ko. He's not worth dying for! Hahaha.

     

    Hehehe, buti naman ok ka na.

     

    Tulad ng madalas kong sabihin dito at malamang yung iba napapagod na kakapakinig, ang pinakaimportanteng bagay kasi sa pagmamahal, ay yung matutunan mo kung paano mamahalin ang sarili mo ng tama. Kahit pa sinong dumating sa buhay natin, mabuti man o masama, kelangan hindi natin iniaasa lahat ng pagmamahal na kelangan natin sa kanila. Para kung lokohin man tayo o iwan, maitataas pa din natin ang noo natin at hindi tayo magiging basang sisiw.

     

    Tama yan maam, laban lang. Mahalin mo sarili mo, at isang araw makikita mo na hindi mo kailangan ng relasyon para maging masaya.

  5. Mga Parekoy,

     

    Alam ko madali kainisan si Money kasi mabunganga, mayabang, at sya lagi ang kontrabida. Bukod pa dun, maraming dahilan kung bakit gusto natin Manalo si Manny. Syempre sya yung poster boy natin eh. Sya yung mabait, humble at bayani.

     

    Pero maging objective na lang sana tayo.

     

    Yung laban ni Mayweather kay Maidana, pareho lang halos nung laban nya kay Hatton. Nung mga unang rounds, dehado at hirap din sya dahil sa pressure. Pero kinalaunan nakaadjust din naman at tinalo pa din yung kalaban. Andun pa din yung reflexes nya, at husay sa depensa. Sa madaling salita still the one to beat.

     

    Hindi sa wala akong pagsuporta sa kababayan natin. Pero kung tagisan lang kasi ng galing natin pagbabasehan lahat, kung aalisin lang natin kasi yung bida vs kontrabida factor, kung hindi lang natin isinasabit ang pagiging pilipino kay pacquiao, mas madaling makikita na hindi mananalo si manny. Alam natin ang weakness ni Manny. Hirap talaga sya sa mga precission boxers at counterpunchers. Bukod pa dun, talagang magaling ang depensa ni Money. Mahirap tamaan. Tanadaan natin styles make fights

     

    Pero magandang laban pa din ito na makita. Hindi lang naman kampo ni Mayweather may kasalanan dito. Tingin ko maitsapwera lang sa usapan si Bob Arum, matutuloy ito

  6. Kris Aquino!

     

    Utang na loob hangang kelan ba kelangan mapanood sa TV ang pagka KSP mo? Kung may taong adik sa shabu, ikaw napakaadik mo talaga sa pansin. Sayang lang ng airtime para sa mga kababawan mo. Sana ginamit na lang yun para sa mga palabas na mas makakadagdag naman sa karunungan ng masa. Akala ko ba pagkatapos ng nangyari sa inyo ni James, hindi na namin makikita kahit kelan karakas mo? Pero humihingi ka lang pala ng simpatya sa masa at gusto mo lang sila marinig magmakaawa na huwag ka sana mawala sa balat ng telebisyon. Ano kelan ka nanaman mahahawaan ng STD, mare-Rape, mabababoy pagkababae mo? At sasayangin buong oras ng TV patrol sayo kesa sa mas makabuluhang balita? Hay iba nga naman pag Aquino ka.

  7. by people you mean our government? what a selfish country we have. no wonder we cant move forward and improve. mark my words, kahit abutan pa tayo ng 100 taon. hindi pa rin magbabago ang ating bansa. poverty line should be decreasing not increasing

     

    Ganun mo napapakinabangan ang tao eh. Pag mangmang sila. Pag wala silang ibang pwede pagkunan ng karunungan maliban sa mga soap opera. Pag mangmang sila, lagi sila aasa sa mga pangako ng mga trapo na yan. Kaya pansinin mo na lang, ano ang mensahe lagi sa TV? May kaya at may pinagaralan = Masama. Mahirap/Masa = Biktima, kaya dapat lagi i-baby.

     

    Kasabay ng pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa bansa, patanga ng patanga na ang lipunan natin. Halimbawa na lang nyan, ang sobrang kababawan ng masa, kapag nababangit ang kahit na anong may kinalaman sa pilipinas, kelangan sobrang paguumpaw na kaligayahan, o sobrang panggagalaiti sa galit.

     

    May naututuan si Tom Cruise sa red carpet na 1% Pinoy = Woooohoooooo! Proud to be pinoy! Number one in the world, ideklara na natin ang national holiday

     

    May magsabing "Like any other man, Manny Pacquiao puts his pants on one leg at a time". = What??????!!! YOU ARE RACIST!!!! WAAAAAAH YOU INSULTED THE FILIPINO RACE! OUR CONGRESS WILL DECLARE YOU PERSONA NON GRATA! Don't you know we are the best in the world because of Pacquiao Charice Arnel? We demand public apology from president barack obama.

  8. Yeah pero possible na pagkatapos ng termino nila bilang senador, ang mga ari arian naman nila ang targetin ng mga squatters. Senator Villar, for instance, own vast tracts of lands which squatters may infiltrate when he's no longer senator. He and other lawmakers should look to the long term, not just short term. Because it will be their descendants who will have to deal with squatters if they do not act now.

     

    They are thinking long term, kasi pag natapos na termino nila, eh di yung asawa naman o kaya yung anak naman. Keeping those squatters around will be more beneficial for them in the long run. Magkano lang ba yung lupang di nila mapakinabangan, kumpara sa mga kontrata sa gobyerno na pwede nila kubrahin. Bukod pa dun, may parliamentary immunity pa sila.

     

    But I agree, squatting Indeed should be a criminal offense

×
×
  • Create New...