Jump to content

Edmund Dantes

[12] EXALTED
  • Posts

    3644
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    10

Posts posted by Edmund Dantes

  1. Usually kapag malalim un pain, internal organs. Kpag superficial, skin/muscles. But to be sure, if the pain's really bothering you. Better consult a doctor. I haven't seen you so I can't really make recommendations.

     

    Ah ok po. So far naman wala na po yung pain. I readjusted the reclines of my seats and medyo nakatulong naman. Thanks po doc

  2. Pano tatalunin? Simple lang Lucky Punch! Si Paquiao lang ang namumukod tangi na may lakas sumuntok at bilis ng kamao sinamahan pa ng lakas ng katawan tumangap ng suntok. Pinakita ni Paquiao yan ng tanggapin nya lahat ng suntok ni margarito and Cotto doon takot si Moneyfloyd....... Mga kinakalaban ni Mayweather kung mabilis man walang lakas sumuntok... kung malakas naman sumuntok walang bilis.. sino ba sa huling mga nakalaban nya na kasing bilis kasing lakas ni Paquiao? Meron na ba?

     

    Yes, your right lamang talaga si Mayweather siguro 60-40 or baka panga 70-30 pero mas malaki chance ni Manny makatsamba kay Floyd at yun ang ayaw mangyari ni Mayweather. As much as possible ang gusto ni Moneyfloyd sure win sya. Kaya ang mga kinakalaban nya yung bagay na bagay sa style nya. Malamang si Manny kung mamimili lang din ng kalaban at hindi sya kukuha ng kalaban na counter puncher baka wala sana syang talo sa Amerika.

     

    Regarding Arum, natural mangingialam sya manager yun eh di naman sya papayag na sagad hanggang buto ang hihingin ni Mayweather. Tingin mo ba sa gulang ni Mayweather at ni goldenboy eh maiisahan pa sila ni Arum? Bakit ganun ba kabobo tingin mo sa kanila? Hindi naman siguro, may mga abogado din nyan na humahawak ng kontrata so I think hindi problema si Arum dahilan lang ni Mayweather yun para umiwas. Ganun ba kagaling si Arum at kaya nyang paikutin lahat ng tao sa amerika? Hindi naman siguro. Tigin ko lang...:)

     

    Eto na nga ba sinasabi ko. Ang lucky punch hindi yan strategy. Ano ba? Lahat tayo gusto maging boxing expert, pero puros laban lang naman ni pacquiao talaga pinapanood natin. Wala yan sa laki o lakas ng suntok. Nasa skill set yan. Akala natin, komo lang natalo ni Manny mga mas malalaking kalaban, eh kayang kaya nya na pulbusin si Marquez. O ano nangyari? Di ba naexpose sya ng sobra? Akala natin ang dami ng improvement, pero yun pala hindi pa din naayos yung problema nya against counter punchers. Mas maliit is Marquez at kung tutuusin hindi naman KO artist pero pinatulog naman si Manny di ba? Kaya hindi mo pwedeng sabihin na lahat ng suntok kaya nya tanggapin. Kung accurate puncher kalaban mo, at kaya ka puruhan sa may baba, samahan pa yan ng sarili mong momentum dahil pasugod ka maglaro, talagang matutumba ka din. Pansinin mo dun sa pangalawang laban nila ni Bradley, ilang

    beses din sya napuruhan ni Bradley sa panga, at medyo bumaklas konti tuhod nya.

     

    Ang fighting stance ni Floyd mahirap tamaan. Yun ang pinakaproblema. OO hindi rin sya KO artist, pero sobrang matalino sa ring ang taong ito. Bukod pa dun, ang galing pa ng reflexes nya. Sa ating mga casual boxing fans lang, siguro boring yung style na yun. Pero sa mga experto at judges, sapat na yun para maipanalo nya laban. Sundan mo na lang Career ni Mayweather. Lahat ng klase ng istilo tinalo nya, volume punchers (Castillo, Mitchell, Judah), South Paw (Judah), Slipsters (Coralles), Counter punchers (Marquez), Boxer punchers (Dela Hoya, Cotto), pressure fighters/brawlers (Gatti, Hatton). May mga ilan dyan na nahirapan din sya, pero ang isang magaling sa skill set ni Floyd, marunong sya magadjust. Alam nya kung mas kelangan sa lubid sya pupunta, o sa gitna ng ring para mas maikutan nya. Alam nya din kung pano ifrustrate kalaban bago umatake ng opensiba. Si Manny alam natin na gagawin at gagawin nya lang kung ano ang nakasanayan nya na ng matagal. Kaya nga 4 na laban na, hindi nya masolve laro ni Marquez. Papasok sya sa loob, mapupuruhan sya ng counter, tapos oopensiba si Marquez hindi na makalaban ng paatraas si Manny. Yun ang malaking problema nya.

     

    Tungkol naman kay Arum, kaya nga sya iniwan ni floyd at ni Oscar dahil alam nila kung gaano ka-switik itong taong ito. Tsaka hindi sya manager ni Manny. Fight promoter lang. Iba ang manager at promoter. Ang trabaho ng promoter, ibenta yung laban. Pero sa laki ng mga pangalan nila, kelangan ba nila talaga ng promoter? Hindi. Kahit sila mismo kaya nila ipromote itong laban na ito. Kaya tama din naman si Floyd, if he will be his own boss, mas kikita pa si Manny. Or kung kelangan kasama si Arum sa usapan, si manny dapat ang masunod sa mga terms, at hindi si Arum. Yun lang naman ang tingin kong gusto ni Floyd.

  3. For me, mayweather segurista..... perhaps tama si edmund smart fighter si Mayweather... very smart not like Manny.. So bakit nga naman sya lalaban kay Manny eh alam nyang may talo sya dito.... utak lang yan kung ikaw ba boxingero lalaban ka ba sa alam mong puede kang talunin? or dun ka sa almost sure win ka?

     

    If ever man lalaban ka sa alam mong puede kang matalo dapat worth it hingin mo na patit pato't panabla matalo ka man puede ka ng mag retire. :) Kaya nga nung hinamaon sya ni manny na lumaban then dalin sa charity yung prize di sya umimik ofcourse di sya talaga lalaban ano sya baliw ? smart nga nga di ba!

     

    Parekoy, tulad ng sinasabi ko sa isa, huwag natin pakingan yung hype, tanggalin natin saglit yung pinoy pride, isipin natin kunwari hindi natin kapwa pilipino si Manny, kalimutan din natin na gusto ni Shoulder roll maging kontra bida lagi. Pagtuunan natin ng pansin yung style vs style lang. Boxing skills lang pagusapan natin dito. Ngayon sabihin mo sakin, papano tatalunin ni Pacquiao si Shoulder roll? Anong game plan gagamitin nya? Si Marquez nga 4 na laban na, hindi nya pa din masolve yung istilo sa ring. Napatulog pa sya. Ano pa kaya si Floyd na pinakamagaling na counter puncher and defense master sa ring? Para sa marami boring ang style nya, pero sapat na yun para makapuntos sya sa judges at manalo sa laban. Maging realistic lang tayo. Matalino si Floyd. Alam nya na mas bumagal na at wala na sa tip top prime si Pacquiao. Now more than ever, alam nya na kayang kaya nya talunin si Pacquiao. Buti nga si Marquez pwede pa tamaan. Pero alam natin kung gaano kagaling reflexes ni Floyd, kahit ang stance nya ang hirap patamaan.

     

    Tungkol naman sa negosasyon, hindi lang naman ito lagi kasalanan ng team money. Ang problema kasi, gusto sumingit ni Bob Arum sa usapan, at kumita ng hangang makakaya nya. Minsan ng nagoyo ni Bob Arum si Floyd, kaya maingat sya. Pakingan lang natin kasi objectively kabilang kampo. Tama naman si Floyd eh. Kung iiwan lang ni Manny is Bob Arum, o kahit lang siguro papayagan sya mas magdikta ng mga termino ng laban, matutuloy naman ito. Tingin ko kung ikukulong mo itong dalawang ito sa isang kwarto at sila lang dalawa magusap, tingin ko paglabas pirmado na kontrata. Noon naman singko de mayo fight ng 2012, si Floyd pa nanghamon kay Manny di ba? Pero sumingit si Bob Arum sa usapan, kesyo di daw pwede yung schedule, walang venue, etc. Kaya tuloy si Cotto nakalaban ni Floyd. Isang contender din na noon pa man sinasabing iniiwasan nya.

     

    Ako, taga hanga ng 2. Yung isa magaling sa opensiba, yung isa naman magaling sa depensa at utakan ng laban. Pero realistic lang ako. Hindi naman ito pelikula ni Bong Philip at Rudy, na kung saan yung mayabang na kontrabida kelangan lagi matalo. Tingin ko kahit kay Marquez muna ulit lumaban si Manny, pwedeng matalo nanaman pangbato natin.

  4. pacman vs mayweather gonna happen. no. money is the reason. 50-50

     

    Huwag lang talaga kasi makialam si Bob Arum sa negosasyon matutuloy itong laban na ito. Kung talagang kampo lang ni Manny at ni Floyd papasok sa negosasyon malamang matutuloy na itong laban na ito, kahit pa maging maluwag sa testing o maging 70-30 and hatian.

  5. Well said Mr.Edmund Dantes :)

     

    Halos lahat ng tao dumadaan sa stage na ganito.....Sabi nga ni Madame Senator Mirriam Defensor Santiago: "Love is like measles....You only get it once in your lifetime and you are immune forever" :D

     

    I made 2 mistakes before and the best part of those mistakes was I learned how to control myself and see REALITY.

     

    Katulad nga po ng sinabi ni Mr.Edmund Dantes......Falling in love easily is an emotional weakness...And I learned it the hard way since I was young and reckless during that time. :D

     

    We should never give our heart to someone whom we've just met. When you meet someone don't get too excited....

    Dapat yan may screening process ka :D Tapos profiling and eventually make a timeline kung gaano mo katagal pagaaksayahan ng oras yung babae

     

    And one thing that we should all remember mga pare.....Parang BUSINESS lang yan :D Hindi ka dapat mag invest ng todo todo sa ISANG BUSINESS DEAL ;)

     

    The important thing talaga is to learn learn learn, and keep trying till you either find the one who deserves your heart, or you could have enough emotional independence to say to yourself hindi mo kelangan ng relasyon o sex para maramdaman mo kumpleto ang buhay mo.

     

    While I never had any experience of having feelings or relationship with women who work on this industry, I can say na naranasan ko na din magamit ng babae for any reason you can think or imagine. Be it financially, or emotionally. Siguro dala ng pagiging masyadong inosente, or masyado akong depressed nung panahon na yun akala ko makakatulong if I had a woman to make me feel warm. Pero sa huli nasaktan din ako ng sobra, hangang sa punto na kahit sarili ko kamuhian ko na. Pero Im proud to say natuto na talaga ako. Kaya lagi akong maingat sa mga taong gusto kumatok sa puso ko.

  6. Share ko lang sa mga parekoy,

     

    Tingin ko, ang mga lalakeng nagkakaroon ng ganitong problema ay yung mga taong madaling ma-inlove at naghahanap ng acceptance with the opposite sex. May mga babae din naman na ganito. Advantage lang kasi ng lalake, mas madali para sa kanila na maghanap ng pwede nila mabayaran.

     

    Tandaan natin, hindi maganda sa isang tao ang madali ma-in-love. Emotional weakness yan. Walang masama sa pagmamahal, pero dapat ilalagay ito sa tamang lugar. Isa pa, ang pagbibigay kasi ng pagmamahal, may kasama yan na pagtitiwala. Kaya siguraduhin mo na tama yung taong pagkakatiwalaan mo. Huwag na huwag ka mahuhulog sa isang tao na di mo naman lubusang kilala. Ikaw din magsisi sa huli. Kasi madali ka nilang magagamit at sasaktan. Kung wallet mo nga di mo pinagkakatiwala ng basta basta sa kaibigan, puso mo pa kaya sa isang babaeng di mo naman gaano kilala.

     

    Tsaka tulad ng lagi kong sinasabi, ang isang emotionally mature na tao, may emotional independence kelangan. Ibig sabihin hindi mo kelangan ng ibang tao para alalayan ka lagi. Pag malungkot ka, dapat kaya mo pasiyahin sarili mo. Pag may problema ka, dapat kaya mo payuhan ang sarili mo. Higit sa lahat kaya mo depensahan sarili mo sa mga taong pwede makasakit ng damdamin.

     

    Pag broken hearted ka, huwag mo susubukan dapat magpagaling through rebound sex. Kasi yung emotion plus intimacy, hindi pa matino pagiisip mo, talagang mamromroblema ka sa huli

  7. magbasa ka na lng FLOYDY

     

    http://www.givemespo...-manny-pacquiao

     

    FIGHT FAN ka db bkit gnyan kn humirit!

     

    O ano itong link mo? Anong silbi nito? Wala namang ibang nakalagay dyan kundi personal na pagaakala ng manunulat kung bakit hindi matuloy tuloy laban. Puros naman ito assumption at hearsay lang. Ni wala naman syang binanggit na detalye mula sa negosasyon. Ni hindi nya din tinalakay masyado kung anong game plan at strategy na meron si Pacquiao na pwedeng makatalo kay Floyd. Nakakatawa nga na gusto pa nyang sabihin na hindi gusto ng tao panoorin si Floyd lumaban, pero di hamak naman na sya may laging pinakamataas na PPV numbers?

     

    Kung susumahin ang link mo, yung nagsusulat ganito lang sinasabi "Takot si mayweather kasi sa TINGIN KO, BAKA KASI, PARANG KASI.... Pustahan tayo, ni hindi trainer o boxer ang nagsulat nyan. Ni hindi nga malamang respetadong analyst pa.:lol:

     

    Bakit ka ba kasi pilit tumatakbo sa tanong. PAPANO TATALUNIN NI PACQUIAO SI MAYWEATHER? Sa pamamagitan ng ginituang puso nya para sa lahing pilipino? :lol:

  8. Edmund Dantes, nagpapasalamat po ako sa message na binigay mo po sakin..

    Nakarecover na po ako kahit minsan dinadalaw pa din ako ng kakaibang pakiramdam

    pero binabasa ko na lang ung message mo sakin at aun matatauhan ulit ako...

     

    Slamat po ng marami Edmund Dantes.....

     

    masasabi ko na ang massage parlor di pwede sa malambot ang loob..

    dahil kung sino man ang may mahinang damdamin na papaxok sa MP ay siguradong mahuhumaling sa isang pantasya na illusyon lang naman talaga..

    eto po ay opinyon ko lamang.. sana po ay wala akong nasabing nakasakit sa iba..

     

     

    Hehehe, walang anuman parekoy.

     

    Huwag mo intindihin pakiramdam na yan. Ang isipin mo ganito, ano mang pakiramdam na nararamdaman mo sa panahon na ito, hindi mo dapat pinakikingan kasi ipapahamak ka nyan. Utak gagamitin lagi.

     

    At dahil utak, ang dapat mo gawin pilitin mong maibalik yung tinatawag na "male arrogance". Di ko naman sinasabing maging hambog ka, Pero icondition mo utak mo na malakas ka at kaya mo ito. Hindi ka papagamit sa babae. Hindi mo sila kelangan para maramdaman na lalake ka nga. Sila dapat me kelangan sayo and not the other way around (ok sumobra na sorry).

  9. back to the future???

     

    currently khit si Ali, TYSON, Lewis, Leonard Hearns Hagler at lahat sila gustong maglaban yung dlawa

     

    pero kahit anung ngaw-ngaw nila eh si IDOL Floydy mo puro excuses... contract negotiation wla yan kay IDOL mo..

     

    name calling ba bahala kn kung ano isipin mo pero klaro at maLINAW sa sikat ng araw na puro iwas ang ginawa ng IDOL mo...

     

    best technical boxer / counter puncher nga si IDOL mo db so panalo na yan cgurado kay PACMAN!

     

    FIGHT FAN kapa nman dapat alam mo na unless nsa ring yung dalawa at maglalaban 50-50 ang chance ng dlawa!

     

    Nagiging full pactard ka na lang Parekoy. Mukhang hindi mo naman sinundan ng maayos yung time line ng negosasyon at di mo pinakingan argumento ng dalawang kampo. Hindi lang naman laging Kampo ni Mayweather may kasalanan kung bakit hindi matuloy tuloy itong laban na ito. Singit din kasi ng singit sa usapan itong si Bob Arum, dahil sya itong nagiging switik masyado. Tama naman si Floyd eh, silang maglalaban ang dapat mas kumita at magdikta ng terms, hindi yung mga promoters. Isa pa, di ba hinamon na ni Floyd si Pacquiao at kampo nya pa lumapit para i-schedule laban nila para sa cinco de mayo event? Ayos na sana eh, kaso biglang sumingit si Arum sa usapan at sya nagsabing hindi pwede kesyo di kaya ayusin yung venue at busy mangapanya daw si pacquiao. O ano tuloy nangyari? Si Cotto na lang pumalit na kalaban. Pero one month later lumaban naman ito si Manny kay Bradley na isa ring manok ni Arum. At natalo sya.

     

    50-50 ang chance ng maglalaban na manalo? Nakowpoh! Eto na nga ba sinasabi ko, basta magmukha lang marunong magsasabi ng kahit na ano ng di muna nagiisip. Bakit ba nagkakaroon ng betting odds? bakit ba nagkakaroon ng underdog? Bakit ba kahit mismong fight managers at promoters hindi basta basta ikinakasa ang bagito sa champion? Kasi ikaw lang naman yata nagiisip ng ganyan na lahat ng boxinger laging may 50-50 chance. So Ibig mo pa lang sabihin, kung 3-rounder ka lang, pwede ka na ikasa sa reigning champion kasi 50-50 naman chances mo? Alam mo bang maraming promoter ang nadedemanda kasi nga mismatch yung laban. Sinong bookmaker, promoter, o kahit pa analyst ang ganyan magisip? Lol.

     

    Eto na lang sagutin mo kasi kung talagang alam mo sinasabi mo at di ka lang nagiging fantard. Papano tatalunin ni Pacquiao si Floyd? Anong istilo gagamitin nya? Pano nya mababasag depensa ni Pretty boy? Bat ayaw mo sagutin kasi yan?

  10. Ikaw naman sa totoo lang ang nagpapakapanatiko para kay Pacquiao. At pupusta ako kung di naman si Pacquiao ang lumalaban, hindi ka naman magaaksaya ng panahon na manood ng boxing. Kaya tuloy pati kung pano laruin ang sport na ito, gusto mo na baguhin. Higit sa lahat imbes valid arguments kung papano mananalo si Pacquiao, puro personal attacks at name calling na lang ginagamit mo. Ni hindi mo nga masagot yung tanong na papano tatalunin ni Pacquiao si Floyd, anong game plan gagamitin nya. Kung si Marquez nga di nya kahit kelan natalo convincingly, napatulog pa sya ano pa kaya si Floyd na pinakamagaling na counter puncher at mas maganda depensa kay marquez.

     

    Huwag mo ululin sarili mo na natuto na si Pacquiao. Kung talagang natuto sya, dapat pangalawang sabak pa lang may nakita na tayong improvement sa laro nya laban sa mga kagaya ni Marquez. Akala kasi ng mga pactard, komo lang kaya ni Manny mangulpi ng mga mas malalaking kalaban, mapupulbos nya na si Marquez. Kaso di nya nga matalo talo convincingly, napatulog pa sya. Naging mas maingat lang sya siguro ngayon, pero suma tutal ganun pa din sya lumaban. Kung mapapansin kahit kay Bradley medyo hirap pa din sya ng konti. Napupuruhan pa din sya sa panga. pasalamat na lang tayo wala masyadong KO power si Bradley kundi natumba nanaman sya malamang. Sa puntong ito ng career nya, hindi mo na mababago ang paraan kung papano sya sanay lumaban. Parang si Hatton lang, nagpaturo ng depensa kay Floyd Sr. pero sa huli bumalik pa din sa dating style na sugod ng sugod una ang ulo.

     

    Ang boxing hindi lang yan parang away kalye na basta makasuntok ka lang. Kaya nga sweet science tawag dito di ba? Kasi laro ng utakan ito. Siguro kung nabuhay tayo ilang dekada na ang nakakaraan, sasabihin mong duwag din si Ali sa Rumble in the Jungle. Kasi sa mga unang rounds, panay iwas lang sya sa mas agressibong si foreman. Panay ilag at sangga, sa mga suntok. Pero ang totoo pinapagod nya yung kalaban kaya ginamit ring para ikutan. Tapos nung na asinta na, yung style at napagod na, dun na sya nagumpisa gumamit ng opensiba. Yan ang sweet science parekoy

  11. No offense po sa mga taong tatamaan.

     

    Ang mga tao kasing ganito ay masasabing emotionally weak. Ayoko gamitin ang salitang tanga, pero ang isang bagay na huwag na huwag mong gagawin ay hayaan ang puso mo mahumaling ng kahit na kanino ng hindi muna nagiisip. Malakas kasi ang kabig ng dibdib, lalo sa mga taong mahina. Kaya konting pakikipagmabutihan, samahan pa ng sex, akala in love na. Basta eto ang tandaan na lang natin lagi

     

    1. Kung sa lugar ng pinagtratrabahuan kayo nagkamabutihan, huwag mo paniniwalaan ang sinasabi ng damdamin mo. Gamitin ang utak. Isipin na yung pakikipagmabutihan sayo ng babae, malamang ginagawa nya din sa iba. Syempre, kumakapit sila sa patalim. Katawan ang puhunan para hanapbuhay. Sa kalagayan nila at sa kung anong kaya nilang sikmurain, sa tingin nyo makokonsensya sila na paglaruan ang damdamin ng mga lalake para balik balikan sila?

     

    2. Bilang lalake, mahalin mo naman sarili mo. Nasan naman pride mo? Bakit mo ibibigay puso mo sa isang babae na hinahawakan ng kahit na sinong lalake dyan, kung pwede ka naman makakuha ng maayos na babae di ba? Kahit hindi virgin, pero yung handang ibigay sayo sarili nya exclusively.

  12. You will need to change your position then. Try sitting up straight. That's the only treatment. If the pain gets worse consult a physician.

     

    Thank you doc, medyo nagiimprove na naman yung pain, medyo naging difffuse na at di na gaano concentrated sa isang area lang.

     

    Tanong lang po, pano ba natin malalaman kung yung chronic abdominal pain na nararamdaman sa may bandang ribcage ay nagsasabi na ng problema sa internal organs natin at di lang sya mascular. Sorry po if it does not make a lot of sense.

  13. ang hahaba style ng idolo mung si FLOYDY

     

    namimili nga si IDOL mung si Floydy anung contract contract negotiation eh tignan mo yng ginawa nya kay AMIR KHAN dkb nkakahalata, talgang manhid k lng talga o ngpapaka numbskull!

     

    pano nga matatalo ang isang boxingerong ayaw lumaban kay PACMAN...

     

    kung ikaw ay isang best technical boxing ever... ang isang MANNY PACQUIAO ay napakadaling talunin

     

    ang labo mo ika nga nila TULFO brothers lol

     

    Kahit naman si Pacquiao Parekoy, namimili din yan ng kontrata. Para na lang yung pagkakapili kay Brandon Rios. Natural, tailor-made nanaman yung style, tapos kagagaling pa sa talo, eh di magmumukha ngang napakagaling ni Pacquiao pag ganun ang kalaban nya.

     

    Bakit ba kasi ayaw mong sagutin? Papano tatalunin ni Manny si Floyd? Pano nya masolve ang depensa nya at counterpunching skills. Pwera pa dyan mas mabilis pa kamay at reflexes nya kay Marquez.

     

    Gusto mo lang kasi isipin, napaka invincible ni Pacquaio, ayan nga pinatulog ni Marquez, kung tutuusin sa edad nya noon palaos na dapat sya.

     

    Yan kasi ang hirap pag nanonood lang ng boxing kung si Pacquiao ang lumalaban.

  14. I think it will be safe to say you are just being a typical pactard. You are more of a Pacquiao fan than a fight fan

     

     

    Dela Hoya- Laos na at dehydrated pa - at kasalan ni PACMAN tlaga ha lol

     

    Hindi ko sinasabing kasalanan Pacquiao ito, ang sinasabi ko, huwag nating i-overrate masyado itong panalo na ito. Kasi kahit pa sinong nakalaban ni Dela Hoya sa ganung kundisyon matatalo pa din sya

     

    Hatton - ilang round bago natalo ito ni Floydy??

     

    Wala yang kinalaman sa dami ng round. Ang factor dito ay yung difference ng figthing style. Yung Pacquiao Vs Hatton, dalawang toro yung naglaban, natural yung mas mabilis na toro yung mananalo agad. Si Floyd Mayweather, matador sya. Mas gusto nya magumpisa ng mabagal, aralin kalaban, ifrustrate, magadjust, tapos saka sumugod ng opensiba. Ang tanong kaninong istilo ng laban ang mas lamang? Yung toro na gusto laging sumugod at madali puruhan pag pumapasok? O yung matador na kinikilatis mabuti kalaban at may magaling na depensa?

     

    Margarito - iniwasan ni Floydy dhil n rin sa takot

     

    Huh? Eh ni hindi pa naman sikat at considered na Elite si Margarito nung panahon na nasa 147 lbs si Floyd. Isa pa nung panahon na yun, inaayos yung laban nila ni Dela Hoya. Alangan naman tangihan nya yun eh nandun yung pera. Ano naman makukuha nya labanan si Margarito. Nung nagretire sya, ano ba nangyari kay margarito? Di ba nasuspindi lisensya? Kaya anong sinasabi mo na iniwasan sya ni FLoyd.

     

    Bukod pa dun, sino ba ang nagsabi kasi na Elite fighter talaga si Margarito. Sino ba pinakaimportanteng panalo nya? Si Cotto lang naman at malamang dinaya nya pa yun. Na-outclass sya ni Paul Williams, NaKO pa ni Mosley, walang footwork, walang boxing skills, at mabagal pa

     

    Cotto - nanood si Floydy nito nkita mo ba reaction nya habang binubugbog ni Pacman, ngawa b toh ni Floydy nah!

     

    O ano problema? Nilabanan nya naman si Cotto di ba? At nanalo din. Again boxing ito, hindi yan lagi panay bugbugan at palitan ng sapak na basta basta. Hindi ganyan ang style ni Floyd. At kahit pa nagkakaroon sya ng mga kalaban na bugbugan ang istilo, na-nu-nuetralize pa din naman sila gamit ang mas magaling na depensa at utak sa ibabaw ng ring.

     

    Mosley - ok matanda na pero pinabagsak b ni Floydy hindi tanging si Pacman lng nkagawa nun

     

    O ano naman ngayon kung napabagsak nya? lumalabas lang dito parekoy na ang alam lang yata natin sa boxing puro pagbagsak, bugbugan, at KO. Nakakalimutan mo na kelangan din ng utak sa larong ito. At di naman komo napabagsak ni Pacquiao si Mosley, ibig sabihin na nun mapapabagsak nya si Floyd.

     

    Sagutin mo na lang kasi yung tanong kung talagang ikaw ang mas may alam sa boxing. Papano tatalunin ni Manny si Floyd? Alam nating mas maliit si Manny, kaya kelangan sya yung pumasok. Alam natin magaling si Manny sa in and out game. Ang problema, pag counter puncher katapat nya, napupuruhan sya lagi at bukod pa dun, hindi makalaban kapag paatras galaw nya. Nakita na din natin na matapos 4 na laban, yan ang isang weakness na hirap sya.

     

     

    Bradley - eh bkit d nya nilabanan undefeated din may belt din kc nga namimili si Floydy

     

    Pareho lang siguro ng dahilan kung bakit di nilabanan ni Pacquaio si Valero. O pwede din natin sabihin problema ng promoter yun.

     

     

    kung comparison lng pagsusukatan mo make sure na angat si Floydy... dhil sa ginawa nya s mga yan ang daming naging rason ni Floydy para makaiwas kay Pacman

    Eto ang sinasabi ko na masyado kang nagpapadala sa hype. Bakit ba nilabanan ni Floyd si Cotto? Kasi dahil naunsaymi nanaman negosasyon para maglaban sila ni Pacquaio. Ang sinasabi ko, dalawa ang kampo ng negosasyon dito. Hindi naman yan laging kasalanan lang ng Kampo ni Floyd. Tingin ko kung di na lang makikialam si Bob Arum sa usapan, matutuloy na ito

     

     

     

    bk nklimutan mo na yung marquez vs pacquiao 1 umamin yung isang judge na nagkamali sya sa points na inaward kay Pacman kya nagdraw so dapat split decision ang nangyari.

     

    yung ibang laban kay marquez paniniwla mo yun eh so malabo ng magbago isip mo dyan ska hindi k rin ring judge para mkuha mo yung ganun resulta at mapaamin mo silang nagkamali din s puntos hehehe

     

    sinakyan mo naman yung Larry Merchant hahaha analyst nga eh bkit aakyat sa Ring lol

     

    Agree naman ako na yung unang laban lang talaga ang naipanalo ni Pacquiao sa 4. Kung naging tama ang scoring, split decision nga mangyayari. Pero kung dami lang ng rounds na naipanalo paguusapan, panalo dapat si Marquez.

     

    Sa pangalawa, maliban sa KD, ano ba ibang nagawa ni Manny sa laban? Lagi naman siya napupuruhan sa panga ni Marquez pag pumapasok sya, di pa makalaban pag paurongn na

     

    Pangatlo, pwedeng tabla siguro talaga dito, although dito talaga naexpose si Pacquiao. Akala ng marami pupulbusin na si Marquez, pero same story pa din. Laging natatamaan pag pumapasok sa loob

     

    4th. Well malamang tulad ng maraming pactard, iniisip mo din siguro na chamba lang ang panalong ito.

     

    Boxing lang ito parekoy, hindi naman ito pelikulang kelangan kampihan lagi ang bida. Skills ang pinaguusapan dito. Yun nga inaantay ko sa sagot mo, papano tatalunin ni Pacquiao si Mayweather?

  15. lahat nakalaban na ni Floydy resembles Manny style eh compare mo nman pano gulpihin ni Manny yung mga taong sinasabi mo! kaya nga nabahag yung buntot eh

     

    clearly and definitely ur a fan of Ducky Floydy and he will never gamble his current undefeated 46-0 against Pacman..

     

    nanood kb bk yung highlights lng pinanood mo hahahaha

     

    at iba yung hype sa actual na ginagawa ni Manny sa Ring! Si Floydy best technical boxer... ask Larry Merchant lol

     

    Analyze natin ng mabuti ha. Sino sino ba ang mga nagulpi talaga ni Manny at bakit

     

    Dela Hoya- Laos na at dehydrated pa. Maganda panoorin yung pangugulpi, pero aminin man natin o hindi, kahit naman hindi si Pacquiao nakalaban nya noon, matatalo pa din sya. Kita naman umpisa pa lang ng round parang hindi kumain ng almusal yung tao.

    Hatton- Sugod lang ng sugod, walang technique, una pa yung ulo. Natural si Manny pasugod din ang laro, mas mabilis yung kamay, kaya kayang kaya nya ineutralize yung pressure sa kanya.

    Margarito- Sobrang bagal, walang footwork, at walang boxing skill set, ni hindi naman elite kung tutuusin, kahit sinong labanan ni Margarito na mas mabilis sa kanya matatalo sya talaga. Kaya nga nagulpi din sya ni Paul Williams na isa ring volume puncher

    Mosley- Ayun ang talagang tumakbo ng tumakbo, iwas ng iwas.

     

    Now ano nangyari nung lumaban sya sa mas maliit pero hindi basta sugod lang ng sugod ang laro? Hindi ba hirap sya? At pinatulog pa! Pero ang mga pactards di pa din matanggap na talangang talo sya kay Marquez. Lucky punch lang daw yun, pero ang totoong luck ay yung 3 beses nakalusot si Pacman sa controversial decision. Ngayon kung si Marquez nakayang patulugin si Pacquiao, ano pa kaya si Floyd na mas magaling na counter puncher, mas mahigpit ang depensa, at di hamak na mas malaki pa.

     

    OO 2 beses ko na napanood. Hindi ko alam kung san yung sinasabi mong tumakbo si Floyd. So kung ilagan nya ang suntok pagtakbo na yun sa iyo? Tulad ng mga dati nyang laban, slow starter sya. Inaaral at sinusukat mabuti kalaban, pero nung mga huling round na nakabisado nya na galaw ni Maidana, dun na sya naging mas offensive. Again siguro gusto mong style yung sa pinoy action movie, pero boxing ito. Utakan din ang ginagamit dito at dyan magaling si Floyd.

     

    Nakow! Larry Merchant? Yan na nga ba ang sinasabi ko, lagi kang nagpapadala sa Hype. Sino ba si Larry Merchant, eh ni minsan hindi pa naman sya umakyat sa ring at lumaban. 46-0, hindi ka aabot dyan ng basta basta kung puros takbo ginagawa mo. Kasi part sa scoring ng boxing ang ringmanship and over all control. Ano ba nangyari kay Golden boy nung puros iwas na lang ginawa kay trinidad nung alam nyang lamang sya sa puntos?

     

    Taga hanga ako ng dalawa, siguro hindi lang ako nutthugger, realistic lang ako at objective. Skill vs skill lang ang pinaguusapan dapat dito. Hindi naman ito parang pelikula na kelangan kampihan lagi yung bida

  16. from a luckluster performance nga against Marquez ... khit panalo ka pero nakita na nila na hindi mganda PERFORMANCE mo na isa sa Criteria ng P4P dhilan bkit sya bumaba ng rank... fighting style ba ang naging basis... PERFORMANCE! db rin clear sa iyo?

     

    lahat ng fighters nakalaban na ni Floydy at resembles Manny's style whoooaaa

     

    clearly ur a fan of Ducky Floydy hehe

     

    ako definitely i just want the Duck to face the Pacman

     

    Fighting style is part of your performance. Kaya nga performance di ba? Ano ba dapat iperform mo? Eh di kung anong klaseng istilo meron ka. Ginagawa mo lang kasing semantics ang usapan Parekoy. Kaya issue dito ang Fighting Style, kasi yun ang malaking determining factor kung ano magiging kinakahinatnan ng laban.

     

    Si Manny offensive fighter

     

    Manny Vs Offensive fighters (Hatton, Cotto, Margarito, Rios) = Dominant lagi si Manny kasi dun sya magaling

    Manny Vs Defensive fighters/Precision boxers (Marquez, Bradley) = Medyo hirap si Manny at natalo pa. Kasi madali syang tamaan pag sinusubukan nyang pumasok.

     

    Ayan, malinaw na siguro. Ngayon ang tanong na lang dyan. Given yung fighting style ni Manny na offensive at natatamaan pa lagi, papano nya tatalunin istilo ni Shoulder roll? Na di hamak na mas magaling na counter puncher kay Marquez? Bukod pa dun, sya pa yung mas malaki, at sa lahat ng boxingero ngayon pinakamahirap tamaan ng suntok? Papano mananalo si Manny. Yun na lang kasi ang dapat pagusapan. Sayo tingin mo pagtakbo yung ginagawa ni Floyd, when its actually tactical boxing. It may not be entertaining but it is enough for him to decisively beat his opponents. Problema na ni Manny kung pano nya masolve yung game strategy nya.

     

    Obviously, hindi mo talaga sinundan din ang career ni Floyd at mukhang tulad ng maraming Pilipino na gusto maging boxing expert, manonood lang ng boxing basta si Manny lumalaban. Tulag ng sabi ko nilabanan na ni Floyd ang napakadaming istilo meron dyan. South paw, outside fighting, slipsters, volume punchers, offensive pressure fighters, name it. At kahit di sya KO artist, nakita naman natin na bihira maging controversial ang mga laban nya. Laging by a huge margin yung score pabor sa kanya. Siguro itong huling laban nya yung medyo nahirapan sya ng konti. Pero tingin ko pareho lang ito halos ng laban nya kay hatton. Natalo muna sa unang mga rounds, pero mayat maya, nakaadjust at unti unting nahanap yung range nya. Nga pala pinanood ko ulit yung laban kagabi, di ko talaga makita yung sinasabi mong tumatakbo si Floyd. Eh mas tumatakbo pa nga si Mosley at Cotto kung tutuusin.

     

    Taga hanga ako ng 2 yan. The best offensive fighter, vs the best defensive fighter. Yin Yang yung style nila, kaya gusto ko din makita ang laban. Pero tingin ko, being objective lang dito, hindi mananalo talaga si Manny. Hirap kasi sayo parekoy, masyado kang nagpapadala sa mga hype. Parang pelikula may bida at kontrabida, syempre mas gusto mo kampihan ang bida. Lalo pa at sinasabi sayo ng kapamilya network na pinaglalaban ka ni Manny. Ang sakin, boxing ito. Sa huli, kung sino mas magaling, sya yung dapat manalo. Hindi yung kung sino yung mas busilak at ginintuan ang pagkatao.

  17. But fighting styles determine your performance and at some great extent even the outcome of the match. Kaya nga sinabing styles makes fights di ba?

     

    Noong bumalik si Shoulder roll out of retirement, number 2 sya lagi. At dahil panalo lagi si Pacquiao against opposition na perfect sa style nya, akala ng marami noon invincible sya. Pero after the lackluster performance against Marquez in fight number 3, he got exposed. Hindi pa din pala naayos ang problema nya against counter punchers. Since then bumaba sya sa ranking kahit panalo naman sya. Tied sila ni FLoydie at number 2. Walang number 1 noon.

     

    But like what I always say, its all about method and technique. Floyd has faced all kinds, including those that resembles Manny's style. He beat them all. Where as everyone now knows where the waterloo is in Pacquiaos fighting approach.

  18. wala naman racist content sa "puts his pants on one leg at a time" tama naman na para masuot mo ang pantalon o shorts, isa isang binti papasok mo sa pantalon.

     

    hindi lang siguro naintindihan ang sinabi at taken out of context.

     

    the government should take a page out of other countries' educational views and apply them here.

     

    Talagang wala! Kahit naman yung mga sinabi ni Lucy Liu at ni Alec Baldwin hindi naman talaga racist kung tutuusin. Tinutumbok ko lang dito, ganito na talaga kakulang sa talino ang masa natin kaya either sobrang tuwa o sobrang galit lagi ang reaction sa tuwing mababangit ang Pinoy or kahit na anong may kinalaman sa pagiging pinoy.

     

    Naalala mo ba yung congressman na gusto ideklarang persona non grata si Justin Beiber matapos nya paglaruan itsura nito nung nakadapa matapos masapak ni Marquez? :lol:. So komo pinagtripan nya si Pacquiao ibig sabihin na ba nun racist sya?

  19. lahat b ng kinalaban ni PACMAN sugod lng ng sugod at puro naka tayo lng weh d nga! at kaw ba nman tamaan ka ng sampung suntok sa ilang segundo makakagalaw kapa kaya lol

     

    its not Manny's fault kung Dehydrated si Golden Boy during their bout...hay nku! isep isep nman! dun kay Clottey definitely a bad choice!

     

    bkit d mo masagot kung bakit tanging si Castillo lng ang nilabanan nya ng dalawang beses? Marquez ilang beses din kinalaban ni Pacman during their prime pa ha.. .

     

     

    RATINGS POLICY P4P

    1. Results. This is the most objective criterion and takes precedence over all others.
    2. Performance. How a fighter performs in a victory or defeat can be a factor to determine his place in the ratings.
    3. Track record: A fighter's accomplishments in the recent past can be a factor to determine his place in the ratings. That includes quality of opposition.

    Nging number 1 si Pacman during peak nya at number 2 lng si Floydy kc naka semi retirement sya...

     

     

    napaka claro ng rating ng P4P kya bkit bumagsak si Pacman sa 4th place.

     

    Hehehe, Init naman ng ulo mo Parekoy, talagang nangagaliti ka pa sa inis sa mga post mo. O hinga muna ng malalim at uminom ng malamig na tubig bago mo basahin ang mga susunod.

     

    Una, taga hanga din ako ni Pacquaio. At hindi ko naman inaalisan ng merits yung na-accomplish nya. Isa sya sa pinakamagaling na boxingero sa kapanahuhan natin. Ang sinasabi ko lang naman may loophole yung fighting style nya. Kung ang kalaban puros pasugod lagi ang laro, walang footwork, di marunong dumepensa, at ginagamit lang yung laki ng kaha nila para makaopensa sa mas maliit na kalaban, eh talagang kayang kaya yun ni Manny. Pero kung ang kalaban nya medyo ringmanship ginagamit, counterpunching, at smart boxing, Hirap sya. Fair criticism naman kasi yan di ba? Bakit ba kasi sobrang pikon ang maraming pinoy sa criticism. Pag papuri tungkol kay pacquiao maihi ihi na sa tuwa, pero konting criticism lang sa loophole ng fighting style nya, sobra na kung manggalaiti sa galit.

     

    Simple lang sagot sa tanong mo, kinailangan labanan ni Pacquiao si Marquez ng paulit ulit kasi kahit minsan hindi nya ito natalo convincingly. Laging controversial o narrow decision yung panalo, papano ba naman di magkakaroon ng pressure na magkaroon ulit ng rematch? Pero kudos naman kay Manny at pinagbibigyan nya lagi. Ngayon si Shoulder Roll, yung unang panalo kay Castillo, controversial. Nagkaroon ng rematch, tapos nung pangalawang laban mas convincing na yung results. Pagkatapos nun mas sumikat na si Floyd at mas nagkaroon ng ibang kalaban na mas lucrative. Yun lang yun parekoy. Bukod pa dyan, Bukod kay Dela Hoya, sino ba sa nakalaban ni Floyd ang hindi natalo convincingly either via KO or decision? Tsaka di naman kasalanan ni Floyd kung retirado na si Golden Boy pagbalik nya di ba? O ayan ha sinagot na ng maayos tanong mo brother.

     

    Ayan nakalagay di ba? Performance. So ibig sabihin crucial sa performance mo yung fighting style. Ngayon kung sinusundan mo lagi rankings, after Pacquiao Marquez 3, kung san panalo si Pacquiao bumaba rank nya from number 1 to number 2. Sa ring magazine, tied sila ni Floyd for second place. Kung retired na sya, eh di dapat wala sya sa rankings na di ba? Sa kasalukuyan sino ba ang may style na kayang tumalo sa lahat ng style?

     

    Matuto kasi tumangap ng fair criticism. OO mahal natin si Manny, pero hindi naman ibig sabihin kelangan natin mapikon kung may magsasabi na kaya sya talunin ng boxingerong may tamang style. Boxing lang yan parekoy, matalo man si Manny, ok lang kasi laro lang naman yan at di naman talaga natin tinataya buong pagkapilipino natin sa kanya. Aminin man natin o hindi, Kung si Floyd naging Pilipino lang, ipagtatangol din natin sya

  20. performance meaning how you end the boxing bout ... KO mo ba yung kalaban o Decision na definitely unanimous win wala dun yun style na cnsabi mo lol tinitignan ba nila pano ka sumayaw sa ring lol

     

    Manny loss twice yan ang dahilan bkit bumaba ng ranking si Manny yan ang nging performance nya for P4P hindi yan tungkol sa style

     

    tailor made b 8 division champion susmariosep naman,,, kung expose yung kahinaan nya kay Marquez bkit ilang beses nya itong nilabanan? maliban kay Castillo wala ng nilabanan ng dlawang beses si Mayweather yan ang definitely tailor maid...bkit nya pinili nya labanan si Marquez after battling with Paquiao ng ilang beses!

     

    Floydy insist he's the best technical boxer ever.. and always running is not being technical u just dont want to boxed and afraid to get lose period. yan ang n

     

    being objective is how you balance what Floydy say and what his performance on the ring...

     

    kya kung ipipilit mo yung style sa ring to get better P4P ranking eh dko tlaga mkita san mo yun nkuha

     

    Parekoy,

     

    Kung talo o panalo lang ang laging pagbabasehan ng rankings, eh di dapat komo lang ikaw yung pinakamatagal na walang talo ikaw na dapat nasa top 10. Siguro si Klitschko na dapat P4P king. At bago pa yung 2 sunudang talo ni Pacquiao, bumaba na pwesto nya sa ibat ibang ranking. Kung sinusundan mo Ring magazine, bago sya natalo kay Bradley, naging tied sila ni Pretty boy sa number 2 at nung panahon na yun walang number 1. Isa pa, kaya nga may tinatawag na all time P4P ranking di ba? At bakit ba si SRR ang all time number 1 dun? Kahit ilang beses naman syang natalo? Kasi nung prime nya, sya yung may pinakamagaling na style at skill set na tatalo sa lahat.

     

    Alam mo parekoy, hindi naman sa tinatangalan natin ng credit si Manny sa mga mahahalagang panalo nya, nga lang lahat talaga halos yung nakalaban nya puros pasugod ang laro at wala gaanong depensa, pabor yun sa estilo ni Manny kasi yun ang comfort zone nya. Pero kung precission counter puncher ang kalaban nya at hindi flat footed, kita natin na hirap na hirap sya. Nitpicking can go both ways, one can also argue na tinalo nya ang isang laos na at sobrang dehydrated pa na Oscar Dela Hoya. Maganda yun laban na yun, pero kahit siguro kung si Miguel Cotto nakalaban ni Golden Boy sa ganung timbang, matatalo pa din sya. Si Hatton? Sugod lang ng sugod, walang strategy. Si Cotto, ok wala tayo masyado sasabihin technically wala pa dapat sya talo noon. Pero si Clottey? Yun ang puro takip lang ginawa at di naman lumaban. Si Margarito, sobrang overrated naman. Walang footwork halos, at ang bagal bagal. Pwede ng tubuan ng ugat. Isa pa ano ba pinaka malaking panalo ni Plasterito? Yung kay Cotto lang naman na dinaya sya.

     

    Kudos kay manny at nilabanan nya si Marquez. OO walang inuurungan pambansang kamao natin, pero kita naman natin di ba? Hirap talaga sya magadjust sa style ni Marquez at aminin na kasi natin isa lang naman sa 4 na laban ang totoong pinanalo ni Manny. Give credit when its due. Ilang beses ng sinubukan itrouble shoot yang problema na yan ni Manny, pero dun talaga sya sanay eh.

     

    Performance naman ni Floyd ang pinaguusapan dito ah? Ang hindi ko makita parekoy, nasan naman yung sinasabi mong takbo sya ng takbo kay maidana? Eh inaantay nya ngang sumugod para macounter itong si Maidana. At hindi naman komo umiilag sa suntok yung tao at ayaw makipagpalitan eh ibig sabihin na tinatakbuhan nya yung kalaban. Its a hit and don't hit game. May not be entertaining for you, but that sure is boxing.

  21. Seems like diaphragmatic spasm... Are you having colds/cough? Do you always slouch when sitting?

     

    Hi salamat po sa pag reply

     

    Wala naman pong sipon o ubo na malala. Misan lang kasi pag napapaubo medyo may tusok sya ng konti

     

    Yeah medyo po slouched yung position ko pag nakaupo sa desk ko, tsaka sa bahay kasi ganun din position ko sa thinking couch. Medyo matagal na din kasi sya

×
×
  • Create New...