Jump to content

Edmund Dantes

[12] EXALTED
  • Posts

    3642
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    10

Posts posted by Edmund Dantes

  1. On 10/6/2022 at 5:50 PM, Makati123 said:

    not necessarily opposite sex. yes "FO" but i'm seeing in some groups using the term "bestfriend breakup", especially for BFFs.

    Para kasi sa akin, breakup kung romantically involved kayo. Kasi pag naghiwalay kayo, literally broken ka eh. Unlike pag kaibigan lang, hindi naman ganun katindi emotional stress.

    Dapat talaga meron yun hangang friends lang at meron yun jojowain

  2. Para sa akin, if your partner has to make you choose that means your partner is not right for you.

    Kasi kung mahal ka ng tao, dapat tutulungan ka pa nila sa career growth mo. Di ba masarap pa nga na sa kanila mo dinededicate yun tagumpay mo sa iyong profession?

  3. On 6/17/2022 at 12:37 PM, courtesanhunter said:

    kung unang umatake ang lalaki at siya lang yung nananakit? then maling mali yun. may iba't ibang rason in this case pero lahat ng yun ay mga walang kuwenta. posibleng lumaki yung lalaki na sinasaktan sa pamilya nila o basta may history of violence, or pakiramdam niya na naeexercise niya ang kanyang authority sa pamamagitan ng pananakit, or bahagi talaga ng kultura nila na mababa ang tingin sa babae. recently lang may napanood akong wedding video kung saan sinaktan ng groom yung bride niya sa ulo dahil lang sa natalo nung bride yung groom sa palaro sa kanilang wedding.

    kung alam ng isang tao ang pakiramdam na physically masaktan ay sapat na dapat yung rason para hindi niya yun gawin laban sa kapwa niya tao. kailangang tandaan ng lahat na self defense lang ang tanging paraan ng pananakit na maituturing na makatuwiran.

     

    The best self-defense para sa akin is walking away. When you walk away the person can not hurt you and you can not hurt them back. Kaya nga pag mainit na away, its best to shut up and just walk away. Sure pwedeng lalo magtampo sayo yun babae, or ithreaten break na kayo, but its more like it kesa masampal mo out of burst of emotion. 

    Lagi ko nga sinasabi, hindi pagiging duwag ang pagiwas sa gulo. In fact, most of the time it takes courage to decide to not be in one. Kasi nga sometimes dahil sa ego, gusto mo na patulan. Pero nasa huli pagsisisi

  4. Ang common excuse ay dahil naprovoke. To be fair madami ang mild mannered na lalake, pero hindi marunong ng anger management kaya nakakagawa ng bagay na pagsisihan nila sa huli.

    Anger is a secondary emotion. The first is always frustration. Binubungaan ka, ayaw makipag-sex sa iyo, o kung ano man, frustrated ka. And when you are frustrated dun ka na pwede maging Physical.

    The angry mind is always a narrow mind.  When you are angry you only think of what you want to do to the other person. You never think of what can happen to you. 

    Pag nanakit ka ng babae, wala ka talagang panalo dyan. VAWC kaagad yan, at tandaan nyo na maski kaya din manakit ng babae, mas kinakampihan sila ng lipunan at batas sa context na ito. So never ever lose yourself to anger.

    Kapag binubungangaan ka na, iniinsulto na pagkalalake mo, or kung ano pa man ginagawa sa iyo to be provoked, walk away as far as possible. It will be the best thing you can ever do. Kasi kung di kayo magkasama, di ka makakagawa ng bagay na pagsisihan mo sa huli.  

  5. In all my years with UP, wala pa ako kahit kelan nakita dyan na NPA. Nagdorm pa ako for some years. Madalas din ako magjogging dyan, pero ni minsan wala pa ako nakita dyan na NPA. 

    Pero sa Davao oo! Malakas mga yan kay Duterte eh, kaya pwede sila dyan mamalengke dala pa armalite nila. 

    I had to say this, kasi patawa yun mga nagsasabi "Panay Recruitment ng NPA dyan sa UP".  Pero yun mga nagsasabi ni hindi naman nakapasok sa kahit anong campus ng UP.

    Aktibista OO! Pero nung nagaral ako abroad, madami din aktibista sa campus. In fact dun, pinupuri pa students na naninindigan. Kasi nga ang University market ng Idea dyan eh

  6. On 10/6/2022 at 1:02 AM, Maykeee said:

    Sana ay humiwalay kana sa Liberal Party dahil ginagamit Lang nila ang inyong talino pero Hindi ka kabahagi Ng mga ambisyong pulitikal nila. Bilang isang abogado at malawak ang karanasan sa lokal na gobyerno at anti-poverty na non-government organization, kahit tawagin ka nilang lugaw ay Hindi nila kayang tapatan ang serbisyong pwede mong ibahagi sa mga Pilipino. Huwag karing maging tanga sa mga nagkukunwaring alyado pero miyembro Ng CPP-NPA-NDF. Sila ay matagal Ng salot sa lipunan Kaya Sana ay magkaroon pa Ng pagkakataon na ikaw ay maliwanagan.


    I am sorry but this is really stupid. Bakit mo sinasangkot si Leni sa NPA? Ang dapat mo isangkot dyan si Duterte mismo. Kasi
    1. Estudyante sya dati ni Joma
    2. Kumpare nya si Kumander Parago
    3. Binigyan nya bayaning libing si Parago
    4. Nakakalibot NPA sa Davao bitbit armalite nila dahil may basbas ni Digong
    5. Pinayagan nya at hinikayat ang Revolutionary tax.

    Nakakatawa lang na gusto tayo papaniwalain na any time, magkakaroon ng NPA invasion sa tulong ng Liberal Party. Pero ang totoo, ni wala pang 5000 ang NPA. Wala silang Navy o airforce. Maski sarili nga nila di nila mapakain. Ang totoo ginagamit lang sila para ijustify bloated na intelligence funds, confidentiality funds, at yan NTF-ELCAC na wala silbi.

     

  7. Hindi pa handa ang Pilipinas sa Federalism na yan. The closest thing we have is ARMM, and look at it, daming probinsya dyan ang hindi all day long may kuryente. 

    Ang US ay successful na federal Govt kasi binuo ito ng ilang mga self-sustaining colonies. Self-sustaining dapat ang mga Federal states. Maski nga sa US may mga estado na mahihirap din.

    Hindi ko alam bakit manghang mangha kayo sa Federalism na pautot na yan. Ang mangyayari sa current status quo ng Pilipinas, yun mga lugar na may ports tulad ng NCR, Subic, sila panalo dyan. Pero yun mga dati ng mahihirap na probinsya, lalo yun balwarte ng mga Political families lalo lang sila maghihirap. Lalong magiging makapangyarihan lang NCR, at lalong magagalit nanaman mga Bisaya

  8. On 10/4/2022 at 5:41 PM, Makati123 said:

    unpopular opinion, but is there a thing...(especially for ladies here) as bestfriend breakup? and if there is, how do you move on in that kind of relationship?

    hmmmmm bestfriend tapos break up? Di ba mas tama na friendship over? lol. Kaya nga ang kaibigan kaibigan lang dapat. 

  9. And as expected, the Marcos are back to their old habbits. Puro pagpapasarap sa buhay habang buong bansa naghihirap.

    Noong mga shopping trips ni Imelda, buong Bloomingdales papasara nya para siya at ang mga Alipores nya ang pwede lang sa loob. Bibili ng patatlo tatlong Gucci, at kung anong mamahaling brand. Pagkatapos sa hapon, paintings naman bibilhin all directly withdrawn from the national treasury. Meanwhile sa Pilipinas, ang mga tao pumipila na para sa rasyon ng purong bigas, pero wala sa mga Marcos yun. Gagastos sila 300 thousand dollars for one shopping trip like its nothing.

    Fastforward to now,  enjoy mamahaling hotel sa New York, Broadway, Eric Clapton Concert. The Following weekend F1 naman, kasama buong pamilya at malalapit na alipores, all paid for of course by our taxes. Meanwhile mga tao sa Manila kilo-kilometero at akyat panaog pila para makasakay MRT

  10. 17 hours ago, endarion said:

    Makakamove on ka lang kung gusto mo., kung ayaw mo mahirap yan. ikaw lang ang makakapag decide at kahit anung basa mo dito sa forum kung ayaw mo mag move on wala tayo magagawa

    advice lang sa ganito tandaan mo hindi lang naman ikaw ang kailangan sumaya kailangan ung iba din :)

    This is so true. Will power kasi talaga ang pag move on eh. 

    Sa intial stage ng breakup, talagang mahirap na kalaban ang emosyon. Magulo ang isip mo, at masakit ang dibdib mo, so talagang yun puso mo ang mas susundin mo. Ganun pa man, kelangan mo labanan puso mo talaga. Kelangan magdecide ka na magmomove on ka na. Parang pag may sakit ka kasi, kelangan mo pilitin kumain at inumin gamot mo kahit wala kang gana at masama yun panlasa mo, para gumaling ka.

    Moving on indeed is a choince. Kasi sa ayaw at sa gusto mo iikot ang mundo. Its up to you kung pipiliin mong magpatalo, o piliting lumaban para ituloy din ang buhay mo.  Even happiness is sometimes a choice din. 

  11. 45 minutes ago, IamGrumpy said:

    While I respect your thinking, I believe you have a very narrow perspective about the Marcoses. I also used to admire Duterte in the beginning but somehow lost most of my admiration and respect the moment I got to know more about his governance and the dealings behind the administration. 
     

    Your zealousness to protect Marcos is admirable at best but don’t turn a blind eye to the rest of the country. 

    This is the problem with fanatics kasi. Tungkol lagi sila sa tao, hindi sa kung ano tama o mali. Leni ako, but if one day masangkot sya sa corruption, I will not support her. And hirap kasi sa mga ito, kahit mangrape ng sanggol sa harapan nila si Marcos, papalakpakan pa nila. In the same way nagkwento kung pano hinalay ni Digong maid nila, pinalakpakan pa.

    In the same way nauulol sila pag may mabasang kahit anong negatibo sa idol nila. Kaya nga si Chao Yumol naulol na dahil sa mga Duterte propaganda materials sa fb

    • Haha (+1) 2
  12. On 9/19/2022 at 8:36 PM, theoneandonlymistressmia said:

    6 years na nga utang nila. Ending ako pa masama. Hahahaha.

    Well para naman di mo kilala ugali ng Pinoy pag dating sa utang, pag ikaw naningil, sila pa itong galit, na para bang yun pera pinulot mo lang, at feeling entitled sila sa pera mo. Hehehe

    But then again, maybe its a matter of how much is your peace of mind worth? 

    Pero kung ako, the best is abugado na bahala dyan para di na ako mastress kakasingil

  13. Moving on is a matter of letting everything go and not holding on to anything. You got to let go of all the bad and even the good. Its holding on to the good ang problema kaya di kayo makamove on eh. Pag naiisip mo yun happy memories nyo together, and how much that person made you a better person, its really hard to let that all go. Pero if you do not let that go, you will never truly move forward.

  14. 16 minutes ago, Chiananicole said:

    Wala naman kasi problema sa mga Marcoses ehh..ang my problema yung mga tao hindi marunong mag move on sa nakaraan.! Basta ako kuntinto na ako sa kalakaran ng mga Marcoses at Du30,kung mymga mahirap man hindi na problema ngmga Du30 at Marcoses mgayan , problema na ng tao yan.

    Lol nakakatawa na parang ex mo lang si Marcos na kelangan mo "i-move on". Sa dami ng buhay na sinira nila, sa laki ng utang na iniwan nila na hangang ngayon pinagdudusahan pa natin, hindi uubra sinasabi mong move on move na yan. 

    Bakit tao yun sinisisi mo palagi? sila ba nasa puder ng kapangyarihan? At yes, uulitin ko nanaman, sa Bansang may maayos na pamumuno, konti mahirap, konti reklamo. Sa bansang bulok ang sistema, maraming mahirap, maraming reklamo. Ang Sri Lanka bumagsak ekonomiya, so I guess kasalanan pala yun ng tao? Ganun? 

    Kung hindi ka nakaranas ng rape, torture, pagkakulong, huwag mo idismiss na di yun nangyari. May mga taong hangang ngayon nagdudusa dahil dyan. Kung hindi dumaan sa inyo si Yolanda, huwag mo sabihin na di totoo yun pinsala ng bagyo

    At yun nga, wala na kinalaman po sa usapang ang mga inspirational vids mo pano yumaman etc. 

  15. On 9/30/2022 at 10:17 PM, Sharkymike said:

    Diet should be considered a lifestyle choice kasi marami sa atin pagsinabing diet parang punishment.

    Yes, its not about eating less, its about eating right

     

    On 9/30/2022 at 10:19 PM, Sharkymike said:

    Saka for those losing weight, caloric deficit meaning, wag ka kakain ng pagkain na di mo naman mabuburn. You can still have carbo, sweets but of course in moderation.

    Technically speaking, maski puro candies lang kanin mo, as long as may caloric deficit, papayat ka pa din. Eto rin isipin nyo, mga nasa slums puro sila kanin at wala ulam, pero payat pa din.

    So as an added point, dont just focus on caloric quantity. Quality also does matter. If you simply eat less, tapos exercise pa, manghihina ka nyan. Remember that your diet must be well balanced. Hindi lang puro protein. You also need those vegetables and make sure you are getting the needed vitamins and minerals.
     

  16. On 5/16/2022 at 11:32 PM, Wunnderboy said:

    pacquio vs mayweather return fight - malabo na. parehas na matanda na sa preferred boxing age.

    Yes, wala na din ang interes ng tao sa kanila. Enjoy retirement na lang sila pareho dapat.

    Tapos na ang Pacman era, IMO. I do not like Manny as a politician. But I am nonetheless thankful that I am part of a generation that got to enjoy his awesome fights. 

    Masarap talaga balikan yun mga laban ni Pacquiao. Lalo from 2008-09. Ito yun prime years ni Pacquiao talaga. Ito yun Dela Hoya, Hatton, Cotto. Top 3 favorites ng madami

    Also binabalikan ko din laban nya kay Margarito. Hanep David and Goliath yun laban. Ni hindi umabot sa tamang timbang si Pacquiao. Pero bugbug sarado si Margarito. Buti na lang naawa si Manny

  17. IMO not all forms of Martial arts are meant for combat. But that does not mean you should not appreciate their worth. After all Martial Arts is supposed to be self-improvement and it has many forms. Wether it gives you an ability to defend yourself, or simply gives you a medium to meditate on, or at the very least improves your self-discipline and lifestyle.

    Nobody would fight like Jackie Chan in Drunken Master, but we do enjoy Martial Arts cinema because of it.

    Oh by the way, you may wanna check K-Tigers of Korean. Their Taekwondo dance routine is awesone

  18. 8 hours ago, nzxt88 said:

     

    @Edmund Dantes

    Haha kakatawa kayo sir edmund hindi nyo magets point ko scholar pa man din hahaha, una sa lahat , sinabi ko okay ang magreklamo pero kung ilan taon na nagrereklamo wala nagbabago at nahihirapan na sila, sana naman gumawa sila iba paraan, hindi ko sinabi sukuan nila o gawen part time pagsasaka, sinasabi ko dumiskarte sila. Wala ako sinasabi tamad sila, wala rin ako sinasabi na masipag sila, nagpapayo lang ako at wala pinapatamaan sa mga nagrereklamo, gusto ko lang sana habang pinaglalaban nila karapatan nila, habang naghihintay, maghanap iba paraan para may chance maging successful kasi mahirap na umasa sa gobyerno lalo na ngayon.

    Gusto ko gawin sana nila dumiskarte kapag wala na talagang napalala sa gobyerno at maging realistic sa pananaw. 

    Wala rin ako minamaliit, realidad lang na dapat gumawa ng ibang pagkakakitaan sa panahon ngayon.
    Naka capital letter na sa past post ko na okay lang magreklamo, pero sa sistema natin ngayon mahirap umasa kaya gumawa iba paraan, habang nagrereklamo, 

    Saka ano makasarili sa gustong maging successful ang mga kapwa natin, masyado kayo hateful, mga wala naman kayo pinagdaanan na kahirapan ,kasi sa mga mahihirap tingin nyo sa kanila walang alam at walang pinagaralan, kaya naman nila dumiskarte, depende sa tao yan.

    At syempre pagsagot ni boss amo edmund dito, kambyo nanaman sya ulit. 😂✌️

     

    Wala naman kasing dapat "magets" sa sinasabi mo, kasi puro ka self contradiction. Maski kelan di ako kumambyo kasi consistent naman sinasabi namin. Parang susumahin ganito mga sinabi mo

    Hindi sila mga tamad, pero di sila masipag
    Hindi masama magreklamo, pero huwag magreklamo, at kung magrereklamo huwag umasa
    Gumawa sila ng ibang paraan, madaming ibang paraan, di ko ng alang alam kung ano yun
    Hindi sila madiskarte, pero hindi ko sinasabing wla silang alam
    Hindi nila kasalanan na mahirap sila, pero kasalanan nila na mahirap sila

    Yan ang kambyo! Pag nasupalpal, iga-gaslight mo kami, iibahin mo kahulugan ng sinabi mo. Kanina ka pa namin hinihingian ang concrete na "Ibang paraan" puro ka lang naman mga pointless rhetorics, at babalik nanaman malamang tayo sa infatuation mo sa anecdote

    Bakit kami ang hateful dito? If anything nakikisimpatya nga kami sa mga nagrereklamo, kasi sa pagsusuri namin tama naman nirereklamo nila at dapat lang tugunan.

    So you see? There is nothing to get kasi ikaw naman mismo di mo naiintindihan pinagsasaabi mo at pinaguusapan dito. Si Marcos pianguusapan bigla mo siningit success story mo sa bitcoin na yan. Lol. 

    O sige, para huwag tayo out of topic lang.

    Actually ang first quarter storm ay nangyari dahil nung panahon na yun sobrang bulusok pababa ng ekonomiya. Dumadami mahihirap. Mababa halaga ng pera. Imbes na reporma sinagot ng gobyerno ni Marcos, dahas sinagot nya. Isa kasing dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya nun ay dahil ang laki ng ginasotos ni Marcos. Nadeplete dollar reserve natin

  19. 10 minutes ago, IamGrumpy said:

    I’m trying to understand how some people can talk about agriculture and it’s people when all the information they have comes from social media. 
     

    🤣🤣🤣🤣🤣🤡🤡🤡🤡🤡👺👺👺👺👺

    Yun nga uso ngayon. Huwag magbabasa ng libro kasi daw Biased. Ang basahin dapat pisbok at tiktok. Imbes yun mga may totoong degree on agriculture, law, medicine, ang mas dapat paniwalaan ay kung sinong vlogger lang na ni hindi nga tapos HS

×
×
  • Create New...