Jump to content

Edmund Dantes

[12] EXALTED
  • Posts

    3642
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    10

Posts posted by Edmund Dantes

  1. 2 minutes ago, nzxt88 said:

    @Edmund Dantes ang point ko sir, kapag focus ka lang sa pagrereklamo at wala ka ginagawa sa sarili mo, sayang lang oras mo kung ayun lang pagtutuunan mo pansin kasi 20 years mahigit na sila naiyak wala pa rin magbabago, tpos isisisi nila sa gobyerno kung bakit wala pa rin sila maginhawang buhay pero dame dame pde gawen jan. Hindi masamang magreklamo, ang masama kung aasa ka lang sa pagbabago ng gobyerno at wala ka gngawa pra sa sarili mo, wala talaga, pero kung hlmbawa magingawa na buhay mo saka ka magreklamo at tumulong sa mahihirap. Sana maibago pa parang sa canada tong bansa natin, pero habang bulok pa sistema, gumawa sila paraan umangat, pero nga kung sa gobyerno talaga sila naasa, magreklamo na sila kung ayun lang tlaga kaya nila gawen

    So mali pala asahan mo at idemand mo magbago gobyerno? Instead mas tama sisihin mo na lang yun mamamayan na halos magkandahimatay na sa pagod at gutom kakabanat ng buto? Ganun ba? Kasi wala kamo sila ginagawa sa sarili nila eh. Ang simplistic mo masyado magisip.

    Eto para mas laliman natin konti usapan.

    Madami akong kapwa diplomatic scholars ang piniling huwag na bumalik ng Pilipinas. Ito yun mga talagang graduate ng top universities, may iba na nobel prize winner pa professor, napakarare ng skillset na talagang pakikinabangan sa larangan ng engineering at sciences. Bakit?

    Syempre unang una, wala naman yun industry nila dito sa bansa. Pangalawa, hindi naman sila papasahurin dito ng commensurate sa training at credentials nila. Pangatlo at higit sa lahat, wala naman halos suporta ibinibigay ang gobyerno sa kanila.

    So ayun! Kung iaaply natin sinabi mo na huwag na lang magreklamo, sa sarili ka na lang magfocus, huwag ka na umasa, huwag ka na magreklamo, edi ayun nga! Mas aasenso sila kung hindi na sila babalik ng Pilipinas. Tapos na usapan.

    Pero.... syempre iisipin mo, ano mangyayari kung puro tayo brain drain? Pano ang Pilipinas? Ano sa tingin mo longterm na epekto nito sa ibat ibang industry natin? Yan kasing katwrian mo para sa mga tamad magisip ng mas malalim ng konti. 

    Pag may nakikita kang nagrereklamo, iniisip mo loser lang sila. Di mo itatanong kung tama ba nirereklamo nila.

    Wala napapala sa reklamo? Hay naku Iho, pasalamat ka nung panahon na inaabuso tayo ng mga Kastila, may mga nagreklamo, at may mga umangal. Dahil sa pagrereklamo, malayang mamamayan ka ngayon.

    Bottomline huwag ka simplistic magisip

  2. 8 minutes ago, nzxt88 said:

    @Edmund Dantes Pede naman magsaka habang may ibang ginagawa✌️ haha, kidding aside, sinabi kuna point ko, kahit anu pa reklamo nyo sa dilawan at marcoses na magnanakaw, o kung ano man ang current na gobyerno need mag focus sa sarili kasi bulok na sistema dito sa pinas kumpara sa ibang bansa, saka pede naman magreklamo sila pero wag sila umasa na magbabago kaya need din nila magsikap sa ibang paraan at wag na umasa sa gobyerno, dame dame paraan para umayos buhay. Oo may freedom to protest, pero kesa buong buhay mo na ikaw  nagrereklamo at walang nangyayari, dapat iba na tuunan mo ng pansin para maging successful. Kung gusto nyo pa rin magreklamo, go lang, may mga kaya nnaman kayo, pero ang mga mahihirap na mamamayan natin, dapat maging praktikal sa buhay at wag puro protesta buong buhay nila kasi wala sila mapapala.

    Ayun naman pala. Sa bibig mo na galing. Bulok ang sistema. Tapos ang suggestion mo, pabayaan na lang natin. Hayaan na lang natin sila magnakaw? Ganun? Sisihin na lang natin ang mga mamamayan mismo kung mamatay silang mahirap?

    Anong masama sa pagrereklamo? Anong masama sa pagdedemand na mas magtrabaho ng mahusay gobyerno? Alam mo brad, nagbayad din ako buwis sa tinirhan kong bansa. Pero di ganun kalaki singil tulad dito sa Pilipinas na halos 35% tapos may ibat iba pang kaltas. At tsaka sulit na sulit. Ang ganda ng public transport kaya madalas di na ako nagmamaneho papunta sa trabaho. Pag naospital ka ultimo gamot subsidized pa. Anong masama kung hingiin mo ang lahat ng yan?

    Para in line sa pinaguusapan. Ayon sa isang pagaaral kung hindi nilubog ni Marcos sa utang ang Pilipinas, tinatayang ang starting salary dapat ngayon ng ating mga fresh grad ay nasa 60-70 thousand kada buwan na! Biruin mo yan? So ano ang punto ko dito.

    Sa bansang hindi bulok ang sistema, mas madali umaasenso mga tao dun, kaya nga dun dumadayo mga tao para makipagsalapalaran

    Sa bansang bulok ang sistema, mahirap umasenso. Alam mo, nung early 80s ilan sa mga kaanak namin na may kaya ang nagbenta na ng ari-arian at mga negosyo para sa US at Canada na manirahan. Kasi nung time na yun wala kasiguraduhan buhay mo sa Pilipinas, lugmok ekonomiya. Yun restaurant nga ng lola ko sinara na dahil lagi kumakain dun mga PC, at di mo yun pwede singilin.

    Wala naman sa kanila I think umaasa na bigyan palagi ng supot na may bigas at noodles. Ayaw nga ng madami ayuda. Mas ayos sa kanila na ayusin na lang yun inflation. Point I am making is, kaya nga sila nagrereklamo, ay para din sa sarili nilang ikaasenso at ikaasenso ng bansa.  Ikaw kasi pinili mo maging selfish lang at apathetic

  3. 1 minute ago, IamGrumpy said:

    There is some truth to this claim na “tahimik nung panahon ni Marcos Sr.. Kasi during those years if you complain you end up being a “DESEPARECIDOS”. 

     

    Ang palusot nila, ok lang naman daw yan kasi rebelde kasi. Ganyan sila kasimplistic. As if sigurado nga sila na lahat ng nawala na lang, natorture, at narape rebelde nga.

    Second, kung tao kang may compass sa tama mali, alam mo mali ang torture at rape na yan. Kasi ang mga bansang may ganyan usually magulo. Example, Sudan, at mga African countries na panay gyera

  4. 1 hour ago, Chiananicole said:

    Mag move on na! Nakakasawa pagusapan mga bagay nayan.! Paulit ulit ulit ulit ulit nalang!puro sabi sabi haka haka wala naman evidence! Before kayo mg judge ng tao siguraduhin nyo perfect Buhay nyo!!

    Mga anti-marcos nigative talaga iniisip mga yan dahil sa awayan pulitiko mga yan! tama na issue about pulitiko kahit sino pa magiging pulitiko Walang perfecto!!!!walang perfect na tao! walang perfecto tao! lkaw '! ako'! sila'! makasalanan tao.

     

    Puro kayo Reklamo!ng Reklamo wala naman kayo hawak evidence! before you judge at before you Reklamo siguraduhin nyo muna totoo sinabi nyo! at  pangalawa siguraduhin nyo hawak nyo mismo evidence nyo sa mga sinasabi nyo ! Pangatlo wagna puro Reklamo! pakulung nyo na!.) pakulung nyo na! kung HinDi nyo kaya pakulung! Manahimik nalang kayo! dahil walang maganda idudulot sa Buhay nyo ang pg rereklamo nyo !dahil wala ako hawag mismo evidence sa mga Reklamo nyo!)

     

     

     

    Wala nang bobo tao now! Active na sa mga Nagyayari sa mundo! Kung my bobo man na tao' yun ay hindi pa nakapag move on! walang natanggap na ayuda sa govirno!  HinDi marunong magiging Masaya sa success tagumpay ng iba!.

    Ganun? Move on na lang?

    Eh bakit naman panay kayo sumbat sa mga Aquino kahit pareho na ngang namayapa na? Bakit hangang ngayon sinusumbat pa din ng mga DDS ang Manila Hostage Crisis, kahit tapos na yun. Ang SAF44 kahit mismong si Sinas na nagsabi na nabigyan na ng katarungan nun. Ang Mendiola Massacre kahit dinulog na ito sa korte, at ang mga nasa kilos protesta naman ang unang paputok. Ang Dengvaxia, kahit mismong mga medico legal na nagsabi na di naman bakuna kinamatay mga bata?

    Move on move on ka dyan, pero tuwing papalpak naman kasalukuyang admin, kapalpakan ng nakaraan isusumbat. Hehehe

    Anyway, yun nga move on para umasenso sabi mo. Kasi simple lang puhunan sa buhay. O bakit nga di ka pa bilyonaryo kagaya nina Henry Sy? Sabi mo simple lang pala eh

  5. 21 hours ago, IamGrumpy said:

    How I wish  people would go beyond YouTube and Tiktok when talking about Philippine history🤦🏽🤦🏽🤦🏽

     

    I find it funny na they claim "Di nyo na kami maloloko kasi may facebook na!!!"

    Nakakatawa no, sinungaling yun libro tapos facebook at tiktok nagsasabi ng totoo

    Minsan nga narealize ko, totoo yata yun movie na idiocracy

  6. On 9/23/2022 at 8:21 PM, Chiananicole said:

    Bata pa ako maraming marami pa ako mararating sa buhay,hindi ko problemahin yan government nayan! At HinDi ko problemahin ang iba  kanya kanya tayo buhay,at kanya kanya tayo problema!at pamumuhay.!

     

    Lahat nagiging presidente walang ginawa mabuti.!!simula nuon at ngayun mahirap parin ang philippines at nghihirap ang philippines .!)kaya kahit ano gagawin pg rereklamo nyu wala din kayo magawa dikundi susunud sa presidente ayaw nyu.!)

    Iha kung ganyan ka magisip talagang wala kang mararating sa buhay. Kasi nga di ka magrereklamo di ba? Dayain ka sa sweldo alipustahin ka, bubugin ka, ayos lang sa iyo. Ganyan na ka-corrupted ang values mo. Mali yun! Kung tao kang may dignidad, dapat magrereklamo ka pag nasa tama ka naman. 

    ALam mo kung nababasa lang ito nila Jinngoy, Bato, Marcos, at lahat ng corrupt na pulitiko, aba papasalamatan ka nila at ipagdarasal na sana ang bawat Pilipino ay kagaya mo. Na hindi magrereklamo. Puro sila nakaw, pagpapasarap, pinagtratangol mo pa. Yan ang slave mentality. Utak alipin.

    Papano ka makakarating sa kahit saan kung yan ang Mentality mo? Di ka magiging henry sy o Elon Musk kung ganyan ka

  7. On 9/23/2022 at 8:40 PM, Chiananicole said:

    Gawin inspirasyon yung mga tao mahirap ang buhay at walang pinag-aralan ,yumaman ang pamumuhay,dahil sa diskarte sipag at tyaga sa buhay.wag-umasa sa goverment at ayuda Hindi magiging successful buhay natin jan. Maraming maraming mahirap ang buhay na yumaman na ngayun at mayaman na mgayun' dahil sa diskarte sipag at tyaga.

    simply lang puhunan para magiging successful ang buhay at pamumuhay yun ay mag sipag tyaga, diskarte, magwork, mag-ipun ,mag pundar, mag business at mag invest.para magiging successful ang buhay at pamumuhay.

     

     

    Simple lang? Eh simple lang pala, bakit hindi ka pa bilyonaryo? Bakit hindi ka pa Henry Sy? Ganun lang pala yun kasimple di ba?

    Ako aaminin ko hindi ako laki sa hirap, at mas kumportable buhay ko sa nakakarami. Pero alam ko din na hindi yan sing "simple" ng iniisip mo. Kasi kung ganun lang pala yan ka "Simple" eh di bawat pilipinoi ay Henry Sy na! Duh!!!

    Tsaka Iha, check mo statistics ng mga unemployed karamihan sa mga yan wala college degree. Kaya nga nakakatawa ginagamit na example yan sina Elon Musk, na para bang lahat ng hindi magka-college magiging kagaya nya lol

  8. 1 hour ago, Chiananicole said:

    Mag move on na! Nakakasawa pagusapan mga bagay nayan.! Paulit ulit ulit ulit ulit nalang!puro sabi sabi haka haka wala naman evidence! Before kayo mg judge ng tao siguraduhin nyo perfect Buhay nyo!!

    Mga anti-marcos nigative talaga iniisip mga yan dahil sa awayan pulitiko mga yan! tama na issue about pulitiko kahit sino pa magiging pulitiko Walang perfecto!!!!walang perfect na tao! walang perfecto tao! lkaw '! ako'! sila'! makasalanan tao.

     

    Puro kayo Reklamo!ng Reklamo wala naman kayo hawak evidence! before you judge at before you Reklamo siguraduhin nyo muna totoo sinabi nyo! at  pangalawa siguraduhin nyo hawak nyo mismo evidence nyo sa mga sinasabi nyo ! Pangatlo wagna puro Reklamo! pakulung nyo na!.) pakulung nyo na! kung HinDi nyo kaya pakulung! Manahimik nalang kayo! dahil walang maganda idudulot sa Buhay nyo ang pg rereklamo nyo !dahil wala ako hawag mismo evidence sa mga Reklamo nyo!)

     

    Wala nang bobo tao now! Active na sa mga Nagyayari sa mundo! Kung my bobo man na tao' yun ay hindi pa nakapag move on! walang natanggap na ayuda sa govirno!  HinDi marunong magiging Masaya sa success tagumpay ng iba!.

    Iha.... anong evidence nanaman ba yan, natalo na nga mga Marcos sa class suit sa Hawaii kaya dapat tapos na debate kung may pananagutan sila sa mga ML victims. Maraming mga bank accounts nila ang forfieted na at ang pondo ay isinauli na sa gobyerno natin. Huwag kasing puro facebook at tiktok binabasa mo.

    Alam mo contrary pabobo ng pabobo ang tao dahil sa lecheng facebook na yan. Biro mo naniwala nga sa Talano Gold. Naniwala din na magiging zombie ang nabakunahan

  9. On 9/23/2022 at 8:39 PM, nzxt88 said:

    Ang pinupunto ko lang po,pag dito sa pinas, kung mindset nyo pavictim sa gobyerno, wala kayo mapapala, alam nyo na simula dati kurakot na ang gobyerno, wala naman po kayo magawa diba, maski dilawan at marcoses pa yan. Yung mga nagrarally, wala nagawa, tama yung sinasabi nyo kawawa maliliit na kababayan natin, pero kung hindi sila magiisip at magsisikap ,wala mapapala lalo na kung aasa sa gobyerno kasi walang kwenta gobyerno dito sa pinas. Saka hindi po ako seswertehin kung hindi ako nagsikap mag research. Dahil dun sa research ko about bitcoin, yung mga kinikita ko sa pagjanitor, tinitiis ko iinvest maski wala na masyado panggastos, at ayun, naging milyonaryo ako at nakatulong ako sa mga kaibigan ko na hindi pinalad at sa mga pinsan ko na tumulong sakin. Hindi lang sa pagtulong financial, tinuraan ko din sila dun ngayon  okay na rin buhay nila.

    Saka yung sinisisi ko ang tao kung mamatay sila mahirap, para sakin at opinyon ko lang, nakikitira lang ako sa mga pinsan ko dati kasi walang wala talaga ako nun, kung nanatili ako reklamador at mangmang, wala ako mapapala, baka ako yung mga naasa sa ayuda. Wag nyo sguro kunsintihin yung mga mahihirap magreklamo kasi ang pagreklamo dito sa bansang to, too far gone na, kung bagkus tulungan nyo sila na wag magpavictim. Pero oo, sana balang araw umayos ang bansa natin at para din naman satin yun , pero hanggang hindi nagbabago at puro sarisarili kagustuhan lang ang mga nasa gobyerno, kahit anung reklamo nyo, wala talaga, nakita kuna yun nung fidel ramos pa lang hanggang ngayon kay bongbong marcos. Sa tax naman ng mga pinoy, wala eh, philhealth nga lantaran na nangagago wala nmn mggawa tayo kht anung rally at reklamo kasi kakapal na ng muka nila. Sa ngayon, parang nakaloop na lang yan, kahit sinu pa maging presidente, mahihirapan na talaga linisin yan, kasi bulok na sistema ng bansa natin, pero sana mali ako at mabago pa..

    Two things.

    Una, ikaw ang klase ng mamamayan na pinapangarap ng mga kawatan sa gobyerno. Ikaw ang gusto gusto nila. Kasi essentially sinasabi mo pabayaan lang sila magnakaw, wala na naman tayong magagawa andyan na yan. Siguro naman narinig mo yun kasabihan na the only thing needed for evil to triumph is for good men to do nothing. Yun kasi sabi mo pabayaan na lang sila. Mali ang ireklamo pagnanakaw sa gobyerno. So pala pag ninakawan ka din sa bahay mo di ka magrereklamo? Ano yun?

    Pangalawa, ito rin yun tinatawag na fallacy of compoisition. Ang tingin mo kasi ang personal anecdote mo magaaply sa lahat. Ikaw na din umamin, na sinuwerte ka na paupo upo ka lang sa laptop mo nagkasasakyan at bahay ka na. So kasalan pa kamo ng magsasaka kung himatayin sya sa init ng araw at wala makain kasalanan nya kamo yun? So ano gusto? Lahat ng magsasaka gayahin ka na magBitcoin? Eh sino na magtatanim ng kakain natin? Ito ang hirap kapag masyadong simplistic ka magisip.

    Kumpara mo sa Canada magsasaka, dun mayayaman sila. Sa Pilipinas mahirap magsasaka. 

    Tsaka kung wala pala ako dapat asahan sa gobyerno pwede bang akin na lang yun binbayad kong tax? Ang hirap kaya magfile pag april tapos dadaan ka pa sa auditing lol

  10. 31 minutes ago, nzxt88 said:

    Ako mga tropa sobrang mahirap ako nung time ni noynoy, puro reklamo lang din ako ng reklamo dati pero nagresearch ako pano kumita, nakita ko about stocks, crypto at bitcoin, naginvest ako ngayon marami na ako napundar. Nanghihiram lang ako computer dun sa mga pinsan ko kasi naisip ko simula pa naman dati maski time pa ni cory, pahirap na ng pahirap ang bansa, kahit reklamo kayo ng reklamo, wala na mapapala kasi tong bansa na to since then, ganun na. Hanggang makabili na ako sariling laptop and ayun, sinwerte at yumaman na gamit yun. Yun snsabi nyo mga kargador o maliliit na mamamayan, magsikap sila, kaya nila tustusan pangaraw araw pero, oo, hindi sila yayaman kung trabaho lang nasa utak nila, hindi ako nakapagcollege, pero napatunayan ko hindi need ng college para umasenso. Kung victm mindset kayo, wala kayo mapapala, oo pede magreklamo, kaso wag nyo gawen buhay pagrereklamo nyo.

    Ang point ko lang, kung nakafocus kayo sa puro reklamo sa gobyerno, wala na kayo mapapala kung hindi nyo rin tutulungan sarili nyo, kasi erap, gma, pnoy, duterte, at ngayon si marcos, lahat yan may agenda na pang sarili kaya nagkakaganito ang bansa, at lalong mas nahirap, saka maski local government halos pera pera lang din yan, marami ako kakilala na wala pake sa bayan, pero sa bulsa meron. Antagal ng ganun, hindi pa rin nalilinis kaya kahit reklamo kayo ng reklamo, wala kayo mapapala. Nung time ni pnoy, reklamo ng reklamo, wala nangyari, kay duterte, dame rin nagalit dahil sa covid, wala rin nmn nangyri, ngayon si marcos puro gala kasama anak, wala rn naman kayo magawa.

     

    Kung pinanganak kang mahirap, hindi mo kasalanan yun, pero kung mamamatay kang mahirap, kasalanan muna yun.

     

    No offense po sa inyo mga sir at maam.

    Do not worry, non taken! I cant be offended speaking for myself.

    Kasi hindi naman ako mahirap. At hindi rin ako lumaking mahirap. Lumaki ako sa subdivision, at bago mo pa nabili laptop mo me ari-arian na ako at sasakyan. Nakapagtapos din ako ng pagaaral, at nagaral sa ibang bansa. Pinagkaiba natin, hindi ako simplistic magisip kagaya mo. Sabi mo nga "Sinuwerte ka lang". Ako din inaamin ko maswerte din. Eh pano nga yun ibang di naman maswerte? Pero halos magkanda kalyo kalyo na kamay kakatrabaho? Ako at least nakiki-empathize naman sa kanila

    Tuwing nagmamaneho ako pauwi, at nakikita ko sangkatutak na commuter na hirap makasakay, naawa ako sa kanila. Kasi may konsensya ako. Hindi naman kagaya mo na isisi pa dun sa tao bakit wala sila sasakyan. In fact nung tumira ako abroad, maski me sasakyan ako, madalas public transport ginagmit ko kasi mas maganda, mas mabilis, at mas matipid. Pag nagkakasakit ako, wala na ako halos problema sa doktor hospital at gamot. Kasi 80% sagot ng gobyerno. Wala ring mga squatter doon. Konti lang mahirap. 

    Doon ang mga magsasaka, mayayaman., May sarili silang lupa at madami silang sasakyan. Dito sa Pilipinas ang magsasaka gutom. Kung ganyan ka kasimple magisip na nasa tao lang pala yan, eh di sana wala ng kelangan magOFW di ba? Kasi nga sabi mo wala sa gobyerno yan palagi nasa tao.

    Eh hindi ganun talaga eh. Kasi sa mga bansang mababa ang corruption at maayos pamumuno, maganda kalidad ng pamumuhay. Konti ang mahirap. Example ay Denmark, Japan, New Zealand etc. Sa mga bansang corrupt madaming squatter at mahihirap. Isa na dyan ang mga South American countries. Kaya nga takot kami magdrive noon sa Mexico.

    So wala pala tayo dapat asahan sa gobyerno. Baka pwede sana refund na lang buwis. Pano ba yan eh tuiwing april papakahirap kami file income tax return namin. 30% ng income namin sa gobyerno napupunta. Properties, investments, sasakyan di namin dinadaya buwis. Tapos pala wala naman pala ako dapat asahan sa gobyerno? Lol

  11. 19 minutes ago, Chiananicole said:

    Parang gusto nyu yata magiging pulitiko.!puro kayo Reklamo!kung concerne kayo sa mahirap at mykaya kayo sa buhay bawasan nyu yaman nyu at mamigay sa mahirap.!

    Eto nanaman they typical "Ikaw na kaya magpresidente, dami mo kasi alam"

    DDS AUTOMECHANIC AND REPAIR SHOP

    Motorista: Kuya Pakilinis naman aircon ng sasakyan ko
    MEkaniko: O sige Maam balikan mo in 3 to 6 hours
    After 6 days
    Motorista: Teka.... bakit may bangga ang sasakyan ko? Maayos ko naman binigay ito sayo ah. At bakit kakarag karag na makina?
    Mekaniko: Maam ang dami mong alam, ang dami mong reklamo, ikaw na kaya magmekaniko! Di ka pa ba masaya na malinis na aircon mo? Balik na lang kaya natin alikabok dyan?

  12. 26 minutes ago, Chiananicole said:

    HinDi na ako aangal! gagawin ko lilipat ako trabaho.! HinDi needs mag Reklamo kung alam munaman mismo sa sarili mo ang pguugali ng tao. 

    Soi dinaya ka sa sweldo, ginulpi gulpi ka, tatangapin mo na lang? Ikaw na lang aalis? Papayagan mo lang na tratuhin kang hayop? Sa tingin mo sa ganyang paguugali makakahanap ka kaya ng malilipatan na matino? Kasi tingin ko malamang yun susunod mong papasukan aabushin ka lang. Pumapayag ka lang kasi eh. Hindi ka pumapalag o Umaagal.

    Anyway, successful ang admin sa ginawa nila sa iyo. Yan kasi ang eksaktong gusto nilang pagiisip ng tao. Yun hindi nagrereklamo. Para wala kokontra sa kanila gumawa ng masama

  13. 1 hour ago, haroots2 said:

    I was replying to him because he said Marcos is bobo.   And I state my reasons why he is not bobo.  Thata all.  I'm not interested in debating the families cases or what his father did.

    Well he is sorta. Hindi nya namana talino ng tatay nya. And just because binoto sya ng tao, it does not mean matalino sya. Sus di kung ganun henyo pala si Binoe

  14. Si Chao Yumol ang perfect example ng sinasabi kong brainwashed ng propaganda ng mga Marcos/Duterte. Ito na lang exclusively laman ng social media nya eh.

    Hangang ayun, naulol na sya na parang aso. Ako tingin ko hindi nagiisa yan si Yumol. Madami tayong mga kababayan na inuulol na ng tuluyan ng propaganda na yan. Yan si Yumol doktor pa yan ha. Isipin mo pano yun talagang mga mahihirap talaga? 

    The funny thing is they keep calling history books at propaganda. NO! Ang totoong propaganda ay yun binabasa nila sa social media. Kasi ang intent nun buyuin talaga utak mo. 

  15. 1 minute ago, haroots2 said:

     

    What I'm talking about is he won the presidency even all of the negative things happened to the Marcoses. Understand the whole paragraph to see the whole picture.  

     

    So balik ulit sayo sinabi mo.

    Ang pagkakapanalo nya as president ay hindi nangangahulugan na walang kasalanan ang Pamilya nya at maganda ang buhay nung panahon ng tatay nya. That is fallacious.

    Hindi rin komo 31M ang naniniwala na 1+1=11 hindi na 2 ang sagot

    1. 40% lang Pilipino ang tapos ng highschool at madali maloko ng social media. Tallano Gold nga naniwala mga yan. I mean lets face it, social media naman ang primary source of knowledge nila
    2. It is not entirely possible to brainwash an entire population. We have seen this done in China, North Korea, and now in the Philippines. People are so brainwashed by social media, ni hindi na nga sila tama vs mali. Parang ikaw. Laging DDS Vs Dilawan dichotomy nila. Mask konsensya nila ay corrupted na din ng social media. Kasi nga sabi pang kriminal lang human rights.

    Anyway ayan! Kung nanalo man si Bongbong hindi yun dahil mabuti pamilya nila

  16. 1 minute ago, Soujin00 said:

    Saan banda sir yung napanalo yung mga kaso? May mga nabawi na nga na nakaw na yaman at sila pa mismo ang nagbalik lol. Yung nanay pa e convicted, guilty sa SEVEN (7) COUNTS of GRAFT. Paano pa yung TAX EVASION case na ang hatol at assesment ay final na, executory, at enforceable, and can no longer be contested? Anong mga libro ba yang mga sinasabi mo sir? 🤔

     

    Balik sa'yo yung sinabi mo sir e. 😬

    Yan kasi hirap pag Pisbok at tiktok ang reference nila. 

    Dito nila mini-mislead yun tao. Na Acquitted na daw on all counts ang mga Marcos sabay pakita ng isang newspaper clipping at ito daw ang "Trial of the Century".

    1. Ang trial of the century na tinagurian ay yun kaso ni OJ Simpson, never naman binanggit sa newspaper clipping na yan ang salitang "Trial of the Century"

    2. Racketeering lang ang kaso na dininig dito and napakaminor kung ikukumpara sa ibang mga kaso ng mga Marcos.

    Over 1000 cases ang kaso ng mga Marcos. SYempre di naman lahat yun ay naipanalo, pero madaming notable ang naipanalo na. Unang una, ay yun class suit sa Hawaii. Pangalawa ilang mga bank accounts nila sa Switzerland ang dineklara ng SC na forfieted na. And it is also noteworthy to mention na si Imelda ay kelan lang naconvict sa kasong graft.

    Hihirit mga yan, bakit daw di nakukulong? Una kasi buhat ng mamatay si Apo, madami sa mga demanda naging Civil na lang. Hindi mo na pwede kasuhan ng kasong kriminal ang taong patay na. Pangalawa, nirekumenda na ng SB na arestuhin na si Imelda. Kaso malakas kay Digong.

    Hindi komo di nakukulong, wala kasalanan. Lahat ba ng nakukulong me kasalanan? Yan hirap sa kanila, simplistic magisip.

    Eh kung ganun lang pala, di dapat wala kasalanan si Cory at Pnoy? Ni di nga umusad mga demanda sa kanila lol

  17. One more thing

    Beware of products like sauna belt. Sayang ang pera sa mga ganun. Madaming nabibiktima sa ganyan

    1. You can not specifically target fat in one area of your body.  In fact you really have no control on where your body will decide to lose fat
    2. Fat does not melt away through sweat. 

    Huwag din basta maniniwala sa mga fast results na yan. Kasi nga it took time for us to gain size in the middle portion, so naturally, it will take time also to lose it. And besides, like what I keep on saying, its all really about lifestyle and long term habits 

  18. 1 hour ago, Chiananicole said:

    Magnanakaw pala c marcos!? Ipakulung mo!? kung hindi mo kaya ipakulung patayin mo!?patayin mo!! para tapos problema mo!? daming Reklamo at problema pa !.wala din naman ginawa.! Wgna puro Reklamo!!.!! Ipakulung mo! Hindi mo kaya ipakulung!? patayin mo!)!!!!).

    Ganito sagot ng taong napakasimplistic magisip at ayaw magisip ng mas malalim.

    Papano ipapakulong si Marcos? Gusto mo hukayin natin? So ganun lang yun? Komo di nakukulong wala kasalanan? Eh di kung ganun wala pala kasalanan si Cory at Pnoy. Ni di nga umusad mga demanda sa kanila eh

  19. 19 minutes ago, haroots2 said:

    Its not facts.  Its only what you believe is true.  

    Mainstream local and international media sirang sira ang mga Marcoses.  All the books after EDSA revolution shows all their dark side.  There have been tons of civil and criminal cases against them.  Inspite of it all he won.  Yan yung bobo?  Kung mayroon siyang magagaling kinuha to do these siya pa rin ang final decision how to run the campaign.

     

    Ang bobo are the campaign managers of LP becasue they failed miserably both in 2019 and 2022 elections despite some good candidates. Agree?

    OO bobo yun pagkakaboto kay Marcos. And lets face it, itong mga nagsasabi na mali ang mga libro ay mga di naman nagbabasa ng libro talaga. They will show a page or two but lets face it, magbabasa ba mga libro mga yan? SIge nga.... anong libro na nabasa mo na sabi mo mali? Yun academic ha! Hindi yun memoir. Sino Author? Sino publisher? Anong year? Ano title? Is it indexed? ISI? SCOPUS? Cite us the complete bibliography

    And what are you talking about they won all their cases? Natalo nga sa tax case di ba? Natalo nga sa Class suit sa Hawaii kaya inutusan sila bayaran ang biktima ng ML? Naforfiet nga bank accounts nila sa Switzerland at yun pondo nasoli na. Hindi mo yan binasa kasi. Pano source ng masa tiktok at pisbok

    Lets face it, ano ba source ng information ng masa? Pisbok at tiktok lang naman ang source ng masa. At di komo pinaniniwalaan ng madami tama. Pwede mo kumbinsihin 31M na 1+1=11 pero ang tamang sagot ay 2. 

    So yes na yes, bobo lang talaga masa. Kita mo dahil nagkakamot ng kilikili si Duterte pag nagkakamay kumain kilig na kilig na sila

  20. 1 hour ago, Chiananicole said:

    HinDi ako ng Reklamo about kalakaran ni marcos,para sakin okay lang naman kalakaran nya.) mamatay ka mahirap,dahil sa hinayaan mo mahirap kalang. mamatay ka mayaman dahil sa hindi mo pinabayaan Buhay mo mahirap kalang. Magtrabaho at mg ipun at mg pundar wagpuro Reklamo, HinDi magiging successful buhay kung aasa sa government at ayuda !!!)

    OK sasakyan natin trip mo. So sabi mo ang kelangan lang para umasenso ng husto ay magtrabaho ka. Hayaan mo lang magnakaw ang mga nasa gobyerno. Sabi mo kung mahirap ka kasalanan mo yan. SO ibig sabihin masipag kang tao?

    Kung ganun bakit hindi ka pa mayaman? Bakit hindi ka pa asensado? Ganun lang pala yun kasimple di ba. Magtrabaho = Hindi magiging mahirap. Eh pano nga yun construction worker na buong araw batak katawan sa trabaho bakit mahirap pa din.

    Going back to you, so pano mo naiaply yan sa sairli mo? Yun lang pala kelangan para umasenso eh. Nangyari na ba sa iyo? May ilang ari-arian at sasakyan ka na ba? Madami ka na ba negosyo? Madami ka pera sa banko?

    Ako hindi mahirap aaminin ko, pero hindi ako ganito kasimple magisip. 

    Ganito yan ha, sa bansang maayos Gobyerno, konti mahirap, maganda kalidad ng buhay. Example, Denmark, Japan, New Zealand. May nakikita ka bang madalas reklamo dun?

    Sa bansang kurakot, madaming mahirap. Lagi may nagrereklamo. Example south American countries, Sri Lanka, at syempre yours truly.

    Hindi pa din? Wala pa din asahan sa gobyerno? Eh wala pala aasahan sa gobyerno, ano na lang trabaho nila? Wala? Pwede bang amin na yun buwis ko kung sabi mo nga wala silang dapat gawin at bahala ka na dapat sa buhay mo

  21. 1 hour ago, Chiananicole said:

    Pagdating sa usapang magnanakaw! Lumang usapan nayan!nakakasawa! Lagi nalang pagnanakaw pinaguusapan!! Move on na matutumagiging Masaya sa tagumpay ng Iba para magiging successful at masaya buhay sa isat isa.!)

    Basta ako ' tuloy lang ang buhay habang my buhay enjoy ang buhay HABANG Buhay pa. kung problemahin mo kasi ang philippines at ibang tao mamatay ka ng maaga dahil sa stress enjoy nalang ang buhay HABANG Buhay pa. Kahit sino nasa government walang malinis! walang malinis lahat at walang ngsasabi totoo.hindi ako bobo at bulak para hindi ko makikita mga gawa mali ng ibang tao yun ay ayaw kulang ng gulo kaya adjust nalang at enjoy ang buhay para hindi ka tatanda maaga, kahit ano gagawin mo pg Reklamo about government wala ka magawa dikundi sunud sa batas.

    So ganun ang mentalidad mo? Huwag ka aangal huwag ka magrereklamo. So Kung dayain pala kita sa sweldo, tapos bugbugin pala kita di ka din aangal? Kasi nga maistress ka pa? Tuloy mo na lang buhay mo? Ganun?

    Ang tanoing yumaman at umasenso ka ba ng husto sa mentalidad na ganyan?

×
×
  • Create New...