Jump to content

Edmund Dantes

[12] EXALTED
  • Posts

    3642
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    10

Posts posted by Edmund Dantes

  1. 11 minutes ago, Soujin00 said:

     

    Subukan niyo po na bawasan yung pagiging makasarili at pagmamataas sa sarili. Palawakin niyo po yung pag-iisip niyo. Kung talagang nanggaling ka sa posisyon nila, ikaw ang mas makakaintindi, hindi yung ikaw pa ang bumabatikos at mag-iinvalidate pa sa mga ginagawa nila.

    This! Akala ko ako lang nakanotice. If I can be frank kasi tinawag na din naman tayong "Mahina kukote" 

    Ang nagiging dating kasi ng kabuuan ng sinabi ni Pogi ay ganito

    "Naku kayong mga nagrereklamo sa gobyerno wala na kayong ginawa kundi puro rally, mga tamad kayo, walang diskarte sa buhay lahat inaasa nyo sa gobyerno. Tignan nyo ako, milyonaryo ako, ang galing galing ko. Umupo lang ako sa harap ng laptop yumaman na!, Wala kasi mangyayari sa kakareklamo nyo na yan, pabayaan nyo na lang at ang mga yan!".

    Tapos may paasaring pa sya, na  offense daw, as if lahat tayo na makakabasa ay mga hampas lupa.

    Sabi ko nga, huwag masyado infatuated sa personal anecdotal rags to riches story nya. Of course we congratulate him for that, pero hindi lang naman ito tungkol sa ating "personal" na aspirations. What he also needs to understand na in as much as admirable that he is a rags to riches story, yun "suwerte" nya ay mabilis ding mawawala kung bumagsak ekonomiya ng Pilipinas.

    Mahihirap ang magsasaka natin, kasi ginigipit sila ng sistema. Madali lang sabihin na mas magsumikap sila o maghanap ibang pagkakakitaan. Pero di nya naiisip, pano na ang food security natin? Sino na magtatanim kakainin natin? Sya? Eh pano na crypto trading nya?  Isa pa, may epekto yan sa lahat ng levels. Mula sa mga maliliit na consumers, resto owners, industry at pangbansang ekonomiya

  2. 3 minutes ago, Soujin00 said:

    Alam mo sir, ang condradicting po kasi ng mga sinasabi mo. Itong mga taong nagwewelga masyado mong minamaliit. Na sa isang parte ng buhay mo, na ibinahagi mo rin dito, naki-isa sa mga ganitong activity. Hindi naman sila nagwewelga ng para sa wala lang. Naniniwala ako na alam mo kung ano ang mga pasarin na dinadaing nga mga kapatid nating nasa laylayan kasi nanggaling ka nga doon. Lagi mong sinasabi na gumawa po sila ng paraan as if ganon lang kadaali yun, pero hindi nga sila nabibigyan ng equal opportunity, okay? Kung maayos sana ang galaw sa kataas-taasan, sa tingin mo po ba maraming nagrereklamo?

    Nagiging imposible lang na mabago ang sistema dahil sa ganyang baluktot po na pag-iisip na gaya ng sa inyo. Opo sir, hinding hindi magiging okay yung ganyang mindset. Hindi pwede ipagsa-walang bahala na lang na ganyan at makuntento tayo na kupal talaga ang pamamalakad ng gobyerno. Magpasalamat po tayo at may mga taong kayang ipaglaban ang kanilang mga karapatan, at hindi magpa-alipin, at magpagamit lang sa leaders/gobyernong mapagsamantala.

    Ito speculation ko lang kasi kaya mong ipagsawalang bahala yung gantong sistema e. Siguro hindi ka rin nagbabayad ng tax kaya' kaya mong sabihin yang mga komento mo. Hindi mo nararamdaman manakawan.

    Subukan niyo po na bawasan yung pagiging makasarili at pagmamataas sa sarili. Palawakin niyo po yung pag-iisip niyo. Kung talagang nanggaling ka sa posisyon nila, ikaw ang mas makakaintindi, hindi yung ikaw pa ang bumabatikos at mag-iinvalidate pa sa mga ginagawa nila.

    Na-notice ko nga na sya ay full of his own self-contradiction and paradox. Hindi nya din naiintinidhan pinaninindigan nya.

    1. Bulok ang sistema kaya madaming mahirap.  Pero huwag puro reklamo
    2. Magreklamo ka, pero huwag umasang may mangyayari sa pagrereklamo
    3. Corrupt ang gobyerno kaya naghihirap tao, pero kasalanan ng tao bakit sila mahirap

    Para syang yun taong "Hindi naman ganun ang ibig ko sabihin... Pero ganun na nga din". 

    Simplistic kasi sya na tao. Pag may nakikita syang nagrarally, una nyang maiisip kahit di nya naman alam kwento nung tao na tamad sya,  umaasa lang ng ayuda, bum ika nga. Never nya itatanong kung tama ba o mali pinaglalaban nung tao.

    At syempre pagsagot nya dito, kambyo nanaman sya ulit. Di naman daw yun ang ibig nya sabihin pero ganun na nga

  3. Agbeko Vs Mares 1

    Ito yun boxing match na talagang nawalang gana ka sundan yun sport. Halatang na-sindikato ang laban na ito.

    While hindi naman technically kasalanan ng mga Judges, kakasuka talaga yun ginawa ng referee na si Russell Mora. 23 lowblows at wala man lang ni isang point deduction kay Mares. Masaklap pa talaga, na-knockdown si Agbeko dahil sa isang malinaw na lowblow, pero hanep imbes penalty kay Mares, binilangan pa si Agbeko. Actually hindi mananalo si Mares kung di dahil sa KD na yun

    What puzzles me was that as bullshit as the fight was, bakit hindi narule na no contest yun? The commissioners were not doing their job. 

    But even more disgusting was that Russell Mora was allowed to continue refereeing Championship fights. Dafuq???

    I swear, kung ako si Agbeko, malamang gumanti na din ako LB. O kaya ref na yun inupakan ko. Props to him though for being a professional

     

  4. 18 hours ago, Chiananicole said:

     

    Breaking news 🗞️ yan ang presidente totoo, hindi  umasaa sa mga empleyado sya' mismo kusa pumunta sa mga tao na epektohan ng bagyo .)

     

     

     

     

     

     

    Last kuna comments to, alam ko lahat Lahat myrun sa philippines 🇵🇭 bye na INgat sa Lahat thank you and good Lock.)

     

     

     

    Iha ang mga ganito ay ang very definition ng "Propaganda". Kasi ang layunin nito ay impluwensyahan ang ugali at pagiisip mo. 

    Tignan mo gusto ka nga nito "Paiyakin"  sa tuwa eh. Minamanipula nito damdamin mo. Wala naman nakakaiyak dyan. Para sumilip lang sa helicopter dapat na tayo maiyak? Trabaho naman nila yan di ba? Kaya nga sila binigyan kapangyarihan at pinapasweldo ng buwis. 

    • Like (+1) 1
    • Winner! (+1) 2
  5. 11 hours ago, nzxt88 said:

    Hay nako sir edmund, sinabi ko, okay lang mag reklamo, pero wag dun sila magfocus lang, gumawa sila iba paraan. Iba talaga pag exp vs talino lang. Bawal ba matuto ang magsasaka ng iba habang nagsasaka. Kung anung paraan nila , nasa kanila na yun, wala ako snsabi pag nagrereklamo tamad sila, sabi ko pag araw araw nagreklamo mahihirap at walang ginagawa iba paraan, wala sila mapapala kasi nga ilan taon na ganun wala nangyayari, kunyari 10 years na sila nag rereklamo, wala nangyayari pero magrereklamo pa rin sila araw araw maski wala nangyyari? Yung sinabi mo na nagrereklamo na may ginagawang ibang paraan, ayun good yun, jusko, hina naman ng kokote nyo, "scholar" pa man din kayo. Saka andami ko nakikita nag rarally na walang kwentang cause, para sa sarili nilang kagustuhan, meron din magandang cause at peaceful protest, ang nirarally namin nun dati ausin pamumuno nila at about wage ng mga factory workers at janitor pero walang nangyari. Parepareho lang yan binabasura ng gobyerno. oo sana nga mabago ang sistema pero sa past at current government, imposible mangyari ngayon yun kaya habang ganun, humanap sila iba paraan. Hindi ko sinasabi sukuan nila pagsasaka o kung anu man , sinasabi ko maghanap sila ibang pagkakakitaan, kung magibang bansa sila , choice nila yun, hindi ko sinasabi agree ako dun,  pero kung ayun ang ikakabuti ng buhay nila.. kung gusto nila, magtatag na lang sila open forum na place, dun nila pagusapan ang issue, wag sa kalye dahil marami rin naaapektuhan na nagttrabaho pag dun nila sa kalye ggwen at nagcause lalo ng trapik, trapik na nga dhil sa sistema, dadagdag la sila. Pero unahin pa rin nila ibang paraan para maging successful kesa magreklamo, may cause nga pero hindi napapakinggan ng bulok na gobyerno, pag sa social media naman nag rereklamo, nahahawa na ang mga bata sa mga kabastusan kapag binabatikos leni at marcos, sobra toxic na ng space. Kaya sana ilugar din. Marami rin nagkakasakitan pag nagrarally, kesa makatrabaho sila, nwawalan pa sila sahod, para saan, para sa paulit ulit na reklamo na hindi napapakinggan. And lastly, yung masama lang ang nakikita nyo sa post ko, bias ka. Thanks na lang po sa usapan. 


    So ano itong "ibang paraan" na sinasabi mong dapat nila gawin? Sige nga? bigay ka nga ng concrete example? Ano rin itong sinasabi mong walang kwenta ang pinagra-rally? Meron ka bang nakita na nagrarally para bigyan sila pantaya sa sabong? Give concrete examples please.

    Siguro kung inaaksyunan o pinapakingan sila hindi sila magrereklamo ng ilang taon. Pero siguro yun mga kinauukulan ay kagaya mo din na makitid ang utak na naiinis na nagiingay sa kanila, pero naman iisipin kung bakit sila nagiingay. Or more importantly tama ba pinaglalaban nila? 

    At kung wala pala sila napapala dyan, ano gusto mo gawin nga nila? Pabayaan na lang ang bulok na sistema? Siguro naman mas walang mangyayari dun di ba? Yan ang di maiisip ng taong napakaSimplistic

    O kaya maging unpatriotic at selfish sila katulad mo? Tutal walang kita sa pagsasaka, eh di magcrypto na lang sila kagaya mo? O kaya gawing part time pagsasaka? Eh ano mangyayari naman sa food production natin? Pag nagmahal presyo ng pagkain, nakow baka mabali wala yan pingahirapan mo kakaupo lang sa computer mo. Kaya huwag mo maliitin ang mga nagsusunog balat sa araw para siguraduhin may sapat na supply tayo pagkain.

    Tutal mahilig ka magmalaki ng iyong rags to riches story, ako din magbibida ng konti. Well.... Ok hindi kami mahirap. Kumportable kami kumpara sa ibang tao. In fact at a certain age, sadya kaming pinatira abroad, para mas ma-absorb kultura dun. At dun natuto kami ng tinatawag nilang "Dignity of Labor". Dun kasi mataas respeto sa mga manual laborer tulad ng magsasaka, truck driver, construction etc. Di kagaya mo na pababa tingin sa kanila na dun din naman pinaggalingan. At dun din maayos ang benefits ng mga blue collar worker, at mas maganda pa nga rates ng labor nila.

    O malakas ang kukote mo? Eh di ikaw mag "Scholar" lol

     

  6. 1 hour ago, baljoko said:

    focused on career and side hustles which really paid off well

    Oh I can relate!

    Dalawa nga ang klase daw ng heart broken, meron yun mas napapariwara, at meron yun mas nagsusumikap. Therapy kasi talaga ang work. It gives you a sense of purpose. Especially at a critical time na ang baba self esteem mo. 

    So ayun, dun ko binuhos lahat ng sakit sa profession ko. Pinalago ko operations namin. Naging mas risk taker ako. Kasi sabi ko, rock bottom na ako, so kung magfail, ano pa mawawala sa akin. And it paid off. The years passed and as I kept racking accomplishment, people would ask me tips for success daw. Sabi ko lahat ng ito produkto ng sama ng loob ko noon sa ex ko hahahaha


  7. The most difficult process para sa akin is the meal prep in the routine.. Ito ang isang main reason kaya talagang madami ang hindi nagstick sa kanilang diet program.  Buti sana kung may Chef ka na ito na lang gagawin for you. Dapat kasi

    1. May pagkain ka para sa buong araw, para hindi ka matempt bumili kung saan
    2. Dapat din pasok sa budget mo yun food groups mo
    3. Dapat may schedule ka ng pamimili
    4. Dapat organized. Dapat madami ka food ware, ziplocks to organize your meat, veggies, and other microwavables.
    5. Dapat 1 hour or less ang meal prep mo for the entire day. Wala kang time for complicated dishes. May sistema ka din dapat ng pagfreeze at defrost. 
    6. Dapat madami kang variety para di ka nagsasawa. Madaming variety sa protein at sa vegetables, pati complex carbs. Nakakaumay kasi pag yun ng yun na lang

  8. 31 minutes ago, handsomebob said:

    @Edmund Dantes

    wow, sobrang disciplined saka magastos sir haha but thank you for this kuha lang ako ng idea kasi..

    pero gain weight muna ako tapos cut uli 

    mababa na siguro ang body fat percentage mo sir! Kudos 

    Dinadaya ko din naman sya pag di ko matiis. Like minsan kakain ako 2 chocomallows. Hahaha Tsaka may 1 day naman ako na kakain ako ng gusto ko, huwag lang aabot sa limit ng calories.

    I do not have a fitness model physique if that is what you mean, but this recommended formula was advised sa akin and I lost my pandemic body because of it. Ang advise din sakin, alamin mo din talaga katawan mo. Pag alam mo na kung ano yun kain na makakapagpabigat o pagaan sa iyo, madali na magadjust. 

    Yeah medyo disiplina ka din sa paggo-grocery mo and yes, medyo magastos sya. Pero kung icompute mo naman yun mga kain sa office caf nyo, at kain sa labas, pati na inom, tabla na din kung baga.

    One more advise sa akin, lagi ka dapat may pagkain for the entire day. Kasi kung di mate-tempt ka lang na bumili kung saan.

    Para sa akin ang pinakamahirap lang ire-sist yun pag merong may birthday sa opisina, at sunoid sunod pa. Ayan na yun Ambers, yun pagkalaki laking pizza, may coke at icecream ka pa. Ayus!!!

  9. Ang gagang Lorraine Badoy naulol na ng tuluyan. Ang di nya alam, lahat ng ginagawa nya ay pinagpapasalamat pa lalo ng mga NPA. She is doing them a great favor.

    Lalong sumisikat ang NPA, lalo silang nagiging relevant
    Lalo silang nakakakuha simpatya
    Dahil sa kanya, lalong nagmumukhang tanga Gobyerno
    Lalo din hindi nagtitiwala ang tao sa gobyerno
    At ano kamo? Papatay sya ng judge? Eh di ayus! Yun ang gusto ng NPA.

    These morons want us to believe that there will be an NPA take over anytime soon. That it has infiltrated na nga daw schools, churches, heck even angat buhay nga daw ay galing sa donasyon ng NPA. Which is stupid as a motherfucker. 

    Because the truth is, ni wala nga maipakain sa mga guerilla fighters nila ang NPA. THey are not also the serious threat they are made out to be. They are less than 5000 strong, they do not have a navy, or an airforce. They only exist because they get sympathy which Lorraine is helping them out with. 

  10. 17 hours ago, handsomebob said:

     

    share some of your meal plans also if ever....

     

    Meal 1-Breakfast
    -Tuna Omlette (I add some onions, tomato, and bellepepper, or olives) 1 banana, 1 tbsp peanut butter
    Or
    - Apple, banana, kiwi fruitbowl with 1-2 tbsp honey and 1tbsp cinnamon. I take this pag napadami kain the previous day

    Meal 2
    - Eggs (Either scrambled in olive oil or boiled), 1 Banana, or half apple

    Meal 3- Lunch
    - About  200g of either fish, chicken breast, or lean protein. Di naman strikto masyado sa pagkakaluto, basta in olive oil palagi. Pag kelangan pa reduce, di bawas portion
    -Mixed veggies, usually combination of brocolli, kangkong, pepino, kamatis, some olives too
    -Potato/ Kamote. Eto binabawasan depende sa dami ng work load for the day or kung kelangan magreduce. Sometimes 1 potato for a day is enough

    Meal 4.1
    - Frozen peas corn and carrots, plus a little pasta sauce (Low fat), microwaved. I like this a lot

    Meal 4.2- Usually before workout
    - Oats with frozen strawberry 
    Or
    _eggs (Scrambled at boiled)  and a banana

    Meal 5 Dinner
    - Pretty much the same as lunch, just a little less complex carbs

    Meal 6 (Optional)
    - Banana/ apple/
    Or 
    - Nonfat yogurt

    All taken this totals to about 1700 calories or less 

    Usually I drink plenty of water at night.

    Pag mas mahaba araw, kunwari madaling araw gigising, may dagdag na 1 more meal. Usually a healthy sandwich. 

    When it comes to diet, ikaw dapat maka-estimate nyan. Dapat kilala mo katawan mo. Dapat alam mo kung ano ang klase ng kain na magpapapagaan, magpapabigat, o hindi magbabago timbang mo. So keep tallying the numbers and adjust portions accordingly

  11. 1 hour ago, nzxt88 said:

    @Soujin00 wala masama sa pagrereklamo, ilan beses kuna sinabi, pero po sana, kesa magreklamo lang araw araw, gumawa sila iba paraan, maraming paraan sir, wala na kwenta gobyerno since ilang taon na kaya need nila dumiskarte, saka si sir edmund ang nagsasabi sa akin na wala ako alam sa buhay magsasaka at nagrarally kaya sinagot ko lang sya dun saka sya unang nagname calling hehe. Marami na mahirap buhay ng martial law, marami mahirap buhay nung si cory, hindi nwawala ang mahihirap kahit sinu presidente at anu ang nagpapatakbo ng gobyerno, kung hindi sila nabigyan ng opurtunidad, humanap sila ng paraan. Oo, tama naman pinaglalaban nila, saka wala ako snsabi itigil nila pinaglalaban nila, wag lang nila gawing trabaho 24/7 ung pagrereklamo kasi wala sila mapapala dun, kapag isang bagay lang ang alam mo, hindi pa late matuto at pagaralan ibang bagay 

    Saka hindi lang naman gobyerno ang may kasalanan bat mahirap ang bansa. Maraming factors jan, pero isa na talaga ang gobyerno. Agree nga ako sa pulpolitiko, agree rin ako na sana maayos na ang governance pero nagsasayang lang ang mga mahihirap kapag ginawa nila buhay pagrereklamo uulitin ko, sinasabi ko, PEDE MAGREKLAMO AT MAGWELGA, PERO WAG MO GAWIN BUHAY YUN AT MARAMI OPURTUNIDAD NA IBA KUNG DIDISKARTE KA LANG. Kung alam nyo buhay mahirap, mas mahihirapan lang talaga kapag nagfocus ka sa pagrarally at hindi na humanap ng ibang paraan. Sorry, pero eto ang realidad. Kayo siguro marami time sa pagrereklamo kasi nakakatulog na kayo ng maayos ng mahimbing at nakakakain ng sapat. Kapag nag focus ang mga mhihirap sa pagrereklamo lang, ano kakainin nila, wala. Pinupunto ko i-BALANCE nila. Saka lagi nyo sinasabi, panu kung wala sila opurtunidad na iba, kung hindi sila maghahanap opurtunidad, wala mangyayari talaga, yung example nyo na nakapagbenta ng lupa tapos nawala lang parang bula? Binenta mo dahil sa gobyerno, oo walangya gobyerno, pero kung maluluge ka dun sa nakuha mong pera, kasalanan muna yun, nangyari na at gawin na lang aral, sasabihin nyo hindi nakapagaral, eh nakakuha nga sila ng pera sa lupa na ganun kalaki, diba chance na nila yun para makapag research sa sarili.

    So inaasume mo na yun mga nakikita mong nagrarally nga, at nagrereklamo ay mga taong walang ibang ginagawang paraan at puro na lang pagrereklamo sa buhay ang raket nila? Na puro selfish lang yun cause nila? May nakita ka na ba na nagrally para hingiin sa gobyerno na suportahan sya sa pangaraw araw at bigyan sya ng pangtaya sa sabong? Yan ang isa mo pang problema. 

    Pag nakakakita ka ng nagrarally una mong reaction kasi, tamad lang sila, wala magawa, mga bum lang sila at hindi kagaya mo na madiskarte. Hindi ba ang mas dapat, tignan mo kung tama ba o mali ang dinadaing nila. At bago ka siguro manghusga, maganda rin siguro pakinggan mo muna sila. Kasi kung pinapakingan sila, hindi naman nila kelangan magrally ng ganyan. Parang yun nangyari sa Kidapawan nung 2016. Imbes pakinggan pinagbababaril pa sila.

    Maganda rin siguro, tanong mo kung naapektuhan ka ba pinaglalaban nila. Kasi kung iaaply natin yan iyong simplistic at selfish na mindset, kung hindi na sila kumikita sa pagsasaka, kasi nga bulok ang sistema, eh di hanap na lang sila ibang trabaho na pagkakakitaan kesa magreklamo. Kaso nga lang kung ang bawat magsasaka ay may ganyang simplistic at selfish na mindset, eh pano na food security natin? Kaya huwag simple minded at puro personal anecdotes.

    Sa lahat ng bansa may mahirap. Pero sa mga bansa na matino pamumuno, kokonti mahirap. In fact sa mga bansang yun, mas malaki ang rates sa blue collar jobs. Ito yun mga mekaniko, construction worker, farmer etc. Tipo bang kahit bus driver ka lang, may sarili ka pa din bahay at kotse. Sa Pinas? Maski registered nurse kelangan pa sideline na escort

  12. 13 minutes ago, mashete said:

    Hinde naman po masamang magreklamo kung may nakikitang kakulangan sa gobyerno. Ang mga politiko po ay hinalal ng taong bayan upang pagsilbihan ang mga mamamayan. Ang mga buwis po ng bawat Pilipino ang suweldo ng mga nasa gobyerno. Kung wala pong nagrereklamo, iisipin ng mga nasa pwesto na walang problema sa kanilang pamumuno. Hinde naman po nasa diktatorya ang Pilipinas kaya malaya tayong magsabi ng ating hinanaing at kuro-kuro.

    Mabuti po na kaya niyo pong kumayod para sa inyong kinabukasan pero paano na po ung mga walang kakayahan talagang umangat kung hindi umasa sa gobyerno. Bow. 

    Kung iaaply nga ang kanilang simplistic mindset na ikaw dapat bahala sa buhay mo at huwag ka na magreklamo na palpak ang gobyerno, eh di tanggalin na nga lang natin gobyerno. Wala pa dapat asahan sa kanila eh. O kaya naman lahat na lang tayo magsilayasan sa Pilipinas at maghanap trabaho sa ibang bansa. Isipin na lang natin sarili natin. 

    Pero syempre alam natin di yan ganun KASIMPLE.

    Para on topic.

    Panahon ni Marcos, record high ang unemployement. Isang malaking dahilan nyan ay ang mga pinakamalalaking negosyo ay pagaari ng kaanak o mga kabrod ni Marcos sa fraternity. So kung negosyante ka at kakumpitensya ka ng kaibigan ni Marcos, iipitin ka talaga. Mapipilitan kang isara operations mo, tapos mawawalan trabaho mga tao mo. Pwede sila hanap trabaho pero pano kung limited nga masyado yun opening

  13. 2 hours ago, nzxt88 said:

    @Edmund Dantes May mga kilala rin ako sa major industry ng agriculture at horticulture, ayun main income nila pero nga dahil sa bulok sistema ng pinas, hindi sila naasa sa gobyerno at nagawa sila iba paraan, isang paraan tulad ng sabi mo umaalis na lang sila bansa, ibang paraan, nghhnap sila extra income. Galing ako sa hirap at manual laborer ako dati, nagsikap lang ako magtrabaho at magresearch, ginamit ko utak ko na maging praktikal para maging milyonaryo. Pwede sila magbitcoin o kung ano man para aasenso, pwede rin sila magreklamo araw araw tapos wala nararating. Alam na nga nila kahit ilang taon na sila nagrereklamo wala pa rin nangyayari, reklamo pa rin, nagmumuka na silang tanga, kasalanan na nila yun kung hindi sila gagawa ng ibang paraan. Hindi mo magets point ko na pede sila magreklamo, basta gumawa sila iba paraan kasi nga bulok sistema ng gobyerno. Saka applicable sa lahat yun na may tamang pagiisip at may pangarap sa buhay. Wag mo gaweng mangmang mga mahihirap, tao rin mga yun na may sariling diskarte, wag mo paasahin sa gobyerno palagi. Ikaw kunyari, 20 years na nagrereklamo pamilya mo pero wala pa rin nangyyari kasi hindi naaksyonan ng mga makasarili na politiko na yan parang si marcos at leni, wala ka pa ba ggawen ibang aksyon. Isip isip, wag ka din simplistic magisip tsong, scholar ka pero gnyan ka magisip, kumpara sakin na hindi nakapagtapos, pag against sayo, marcos na agad?duterte na agad?leni na agad? Haha kakatawa ka sir, no offense. Biktima na sila ng panggagago ng gobyerno, given na yun. Magreklamo sila , sige, pero gumawa rin sila iba paraan, huwag lang puro reklamo na ayun na lang ggwen nila. Ayun point ko, sana magets mo.

    There is nothing to get sa point mo na yan. Kasi essentially ito lang naman sinasabi mo

    1. Sarili mo lang dapat pakialam mo at huwag ang bansa (Which is selfish)
    2. Pabayaan mo lang ang magnanakaw sa gobyerno, tutal andyan na sila. Pabayaan mo lang ang bulok na sistema
    3. MagbitCoin na lang lahat ng magsasaka, Kasi kung ano applicable sa iyo at sa ilan mong kakila, magiging applicable din sa lahat (Which is fallacy of composition)
    4. Magabroad na lang kung wala ka mapapala sa Pilipinas? So ganun gusto mo? Bawat skilled worker natin magmigrate na lang? Ano mangyayari sa Pilipinas?
    5. Wala naman obligasyon ang gobyerno kaya wala dapat asahan sa kanila. Which is stupid. Wala pala dapat asahan eh bakit sila humihingi ng boto? Ano pala yun binabayad na buwis? Wala lang Cash gift?

    Actually it does not matter sino ang binoto mo. Ang mas pinaguusapan dito ay ang iyong makitid na mindset. Komo sinuwerte ka (Sabi mo) sa pinili mong raket, tingin mo na sa lahat ng hindi sinuwerte kagaya mo eh mga pala-asa sa gobyerno, mga walang ginawa kundi reklamo lang, mga walang pangarap at diskarte. Eh di wow! Bakit ikaw na sabi mo galing ka sa hirap sobrang baba naman tingin mo sa kanila. Lol

    Natatawa kasi ako sa line of thinking mo. Kung hindi matino ang gobyerno natin, kaya may problema ang agriculture sector natin.... aba huwag ka na lang magtanim. Magbitcoin ka na lang. Hanap ka na lang iba pagkakakitaan mo. Gaun? 

    O sya sya, Mula sa buong MTC, binabati ka naming lahat sa iyong rags to riches story. Pero huwag mo sabihin na yun applicable sayo, magiging applicable sa lahat. So ano nga? Lahat pala ng magsasaka natin magbitcoin na lang? Eh sino na magsasaka ng kakainin natin? Alam mo ba ano pwede mangyari kapag kinulang tayo ng magsasaka? O yan ang hindi naiisip ng makitid na utak kasi masyado kang bilib sa anecdotal story mo. O sya, congratualtions na kahit paupo upo ka lang naging milyonaryo ka na. Pero hindi yan ang pinaguusapan dito. Kaya huwag kang puro me me me. 

    Sabi ko nga, ako di ko naranasang maging mahirap. Ganun pa man, alam kong hindi ganun kasimple kumita ng pera. While hindi naman kami umabot sa punto na nagsangla bahay o sasakyan, naapektuhan din naman mga investments namin ng mahinang ekonomiya. At ang mga tao nagdudusa dun. Pero dahil tamad ka magisip ng malalim, tamad na lang mga naapektuhan, di sila kasi kagaya mo na magaling sa Bitcoin Lol. 

    Huli sa lahat, sobra ka naman makaGeneralize. So tingin mo sa mga nagrereklamo na yan ay mga tambay na wala ginawa para pagbutihin sarili nila? Wow naman! Matanong nga kita, kahit ba minsan may nakita kang nagdemand sa gobyerno na gawing permanente na ayuda? Na sa gobyerno na lang lahat iiaasa pamumuhay nila? Wala naman di ba?

    Ang dinadaing lang naman nila, ay mga bagay na gobyerno ang may control. Akala mo kasi sila lang naapektuhan nyan. Ang hindi mo alam naapektuhan tayong lahat. Yang milyones na pinagmamalaki mo, in a few years time pwedeng wala ng kwenta yan kung maging out of control na inflation natin. I mean, ngayon nga di ka naman makakabili ng bahay at lote sa 1M. Eto nangyari sa Venezuela, at Sri Lanka. 

    At para on topic tayo, ganyan nangyari nung panahon ni Marcos, kumonti ang middle class at mayayaman kasi bumagsak ekonomiya 

     

  14. Here is what I learned

    1. Carbs is not your enemy. Sugar is. Sugar raises your insulin levels. This hormone will increase the tendency of your cells to keep absorbing glucose which will be fat later on. Si Manny Pacquiao 3 bandehadong kanin inuubos nya, kasi nasusunog lang naman. When it comes to carbs, go for complex ones. Especially if it has more fiber content. This leave you fuller for a longer period of time, and gives you energy. Besides, pag walang carbs, hindi rin makakasynthesize katawan mo ng muscle. Remember ang keto diet ay ginawa para sa mga may epilepsy.

    2. When it comes to calories its both quantity and quality. In simplest terms, you will lose weight just as long as you keep burning more calories than you take in. There are ways to compute here, madaming free calculators sa internet. In essence also, so as long as you meet your caloric deficit, then it does not matter if you are eating cakes, and fried chicken. You can still lose weight. But do remember Quality also does matter. You can also lose muscle if you do not eat right. Or pwedeng bababa lang timbang mo, pero may maliit ka pa ding bilbil at malambot katawan mo. Kasi nabawasan ka din muscle. So balance is important. Also do not forget din your vitamins and minerals as they help reduce inflammation, improve your immune system, and boost that metabolism.

    3. When it comes to protein, the biggest misconception is that if you eat high amounts of protein you cant get fat. This is not true at all. Lahat ng sobra masama. As long as the body does not utilize this metabolically, it will always become stored energy. So portioning is very important depending on your goal kung nagpapalaki ka o nagpapaliit. 

    4. Kung tamad naman kayo bilang ng calories, use the plate method. 50% of your plate should be vegetables. Take plenty of leafy greens because they have very low calorie and fill you up a lot longer. Cucumbers are also excellent for this. 25% carbs. The more complex, the better. 25% din protein. The leaner the better.

    5. Also since you are not a competitive body builder naman, or auditioning for bench body its ok to indulge from time to time. Kumain ka gusto mo isang beses sa isang linggo so that you do not feel deprived. Make also creative ways to make your meals taste better. Otherwise you will quit lang

    6. Most of all remember that at the end of the long day, you want all of this to be permanently incorporated in your lifestyle

    • Like (+1) 1
  15. Ano nanaman ba ito?


    LTO lang naman kasi dapat ang pwede magkumpiska ng lisensya at ang kanilang deputized agent, kasi sila ang nag-i-issue. Kung sino nagissue sila dapat magsuspend o mangumpika. OO may karapatan ang LGU gumawa ng sariling traffic ordinances, pero hindi naman sila nagbibigay lisensya eh. Gawa din sila LTO tapos issue din sila sarili nilang driver's license.

    Halata naman na kaya gusto ng mga LGU mangumpiska ay dahil dyan sila nakakakuha ng lagay. 

  16. Talagang mga isat kalahating utak ipis itong si Jam Magno at mga followers nya

    Bakit si Leni hinahanap nyo? Sya pa din ba bise presidente? Bakit di si Inday hanapin nyo?

    Pag hindi nyo nakikita si Leni hinahanap nyo. pag nakita nyo naman rereklamo kayo na photoop lang yan hirap sa mga panatikong tanga

  17. 12 hours ago, nzxt88 said:

    @Edmund Dantes first of all, wala ako sinabi mag bitcoin sila, sabi ko lang kung puro sila reklamo at ayun na lang gngawa nila at wala sila napapala kasi bulok sistema, gumawa sila iba paraan, dami ko kilala nag hydroponics at may sarili farm, hindi nman araw araw nagrereklamo at naghhnap sila iba paraan. Ang point ko nga kung puro reklamo sila, panu sila aasenso kung ilang years na sila nagreklamo, nganga pa rin. Maging praktikal sila, pede magreklamo,pero maghanap din sila ng ibang paraan, diba mas okay yun? Saka sinabi ko ba golden age ung time ni marcos? Lagi nyo inaassume pag sinasagot kayo ng ayaw nyo, boto na agad kay marcos,hahaha. Wala ako kinakampihan, mapadilaw man yan o marcos, ang sakin lang, maghanap sila iba paraan kung alam nila na ilang years na bulok ang sistema ng bansa. Magreklamo sila, pero wag ayun gawin nilang buhay.

    Katulad ng paulit ulit kong sinasabi, yan ang problema sa iyo. Masyado kang simplistic. Masyadong makitid ang pagiisip mo. Gagamitin mo ang sarili mo na example, as if naman applicable sya sa lahat. Ang tawag dito Fallacy of composition. Tapos kamo kasalanan ng tao kung mamatay syang mahirap? So ano nga? Magbitcoin na lang sila kagaya mo? Maghydroponics? Lahat ba ng major food crops natin kaya dyan? 

    Yun pagdaing, hindi ba yun sa tingin mo paggawa ng paraan? Anong kapangyarihan meron magsasaka kung dadayain sila sa presyo ng ani, tatalunin pa ng imports at smugglers. Masusulosyonan ba yan ng Bitcoin at hydroponics mo? Anong paraan nga gusto mo gawin nila, eh sila ba ang may kapangyarihan? Dyos koooo isip ng malalim lalim at huwag kang puro anecdote ng asenso mo sa Bitcoin Bitcoin na yan?

    Ako hindi manual laborer aaminin ko. Pero mataas respeto ko sa mga yan. Hindi ko kaya yun pagod at hirap nila sa bukid. Ikaw nga swerte ka nakaupo ka lang sa laptop mo nakakapundar ka na. Sayo na din galing sinuwerte ka. Eh hindi lahat maswerte kasi. 

    Anyway, we have to stay on topic eh. Ang mentality mo kasi di naman nalalayo sa mga Macoytards. Bago mageleksong mangangako ng mas magandang buhay para sa Pilipino, ng 20 pesos kada kilo ng bigas, golden age, pagkatapos eleksyon bahala na kayo sa buhay nyo huwag kayo umaasa sa gobyerno. 

     

  18. When I was studying abroad, aside from libre na tuition may competitive stipend din kami. Kasi ayaw ng host government namin na may excuses kami. Na tipong kelangan mo magpart time kaya di mo matutukan studies mo.

    Pero that also made us targets ng mga local. Inis sila sa amin kasi sila kelangan pa part time job. They persecute you for things na sila din naman ginagawa nila. For example, hindi kami pwede atukin o matulog sa klase. Kahit tipong ang lamig lamig kasi winter pa man din. Pero sila humihilik naman

    It was some experience pa din though

  19. 13 hours ago, IamGrumpy said:

    I work in the field of agriculture. Ours is not a simple problem because everything in agriculture is heavily regulated by the government from inputs to final product pricing. Agriculture is also labour intensive which means we have to put 100% of our attention. It’s not a 9 to 5 job.
     

    I would like to answer all your points but at the end of the day, we always complain because the government rarely provide direct support to the industry. Most of the programs you read in the newspaper or media sources are just press releases.

     

    Yes totoo! Thank you for pointing this out and educating our friend. Akala kasi nya lahat ganun kasimple lang which is why he has the luxury of blaming farmers themselves for being poor. Kaya nga tinanong ko, ano ba gusto nya? Gayahin sya? Magbitcoin na lang sila? Eh sino na magtatanim ng kakainin natin?  Ironically kung sino ang nagtatanim ng makakain, sila pa itong gutom. Yun presyo ng ani hindi bibilhin sa tamang presyo. Tatalunin pa sila imports at smugglers. Tapos mga magsasaka pa sisihin ng gobyerno. 

    Anyway, para on topic. Panahon ni Marcos, di ka makakabili nun ng purong bigas sa Palengke. Kung gusto mong puro na white rice, gigising ka ng maaga at kelangan mo antayin rasyon ng mga Military truck. And take note ha, subdivision pa kami nun. Pano pa yun squatter talaga? Bigas kasi nun laging may halong kamote o mais. Kaya huwag nyo sabihin Golden age ng Pilipinas time ni Marcos. 

    Maski ipagmalaki nyo mga tulay o kung anong naipatayo, pero kung ikukumpara sa ilan naman ginutom nila, at ilang years naset back Pilipinas dahil sa patong patong nating utang, abonadong abonado pa tayo

    • Winner! (+1) 1
×
×
  • Create New...