Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

The Mail Box


Recommended Posts

dear you,

 

lemme guess. you woke up a little bit earlier than usual but you can't seem to drag yourself out of bed. you have resolved to stay where you are anyway so you lie there awhile and let your mind drift. your mobile phone has been beeping for a while now as messages pour in... family, most of them. you sift thru the list of sms and open a few from names you have saved on your phonebook. you smile as you read them and pick one or two deserving of an appreciative reply. you also read and wonder at those from unregistered numbers... a few of them quite a pleasant surprise after all these years.

 

then you pick-up your towel and bath robe and walk towards the shower. as you wash yourself, you think of things you feel like doing and only the bed outside comes to mind. so, after yuo're done, you don on the robe, climb back to bed and lie down on your side, propping your head in front of your laptop as you browse through a few familiar websites... probably check your mails and glance occasionally again at the beeping phone close by... a few more incoming sms.

 

by midday, you probably had brought in food, some magazines to read and watched some old movie you miss. you've answered the phone a few times and gone through the rituals of mundane conversation. a few distracted glances at your phone once in a while again although the beeps seemed to have died down a little... which is a good thing because it's beginning to annoy you anyway and you even have a few missed calls and unopened sms to prove it.

 

you're not sad, you just feel... lazy. later, after clearing the garbage you've strewn all over the bed covers and lay there all tucked in, you whisper a happy thought to yourself and close your eyes with a smile contented at spending that ordinary day doing almost nothing.

 

just a guess actually or more like... de javu? hahaha! i hope it was a very reflective experience, my dear, and i'm sure your friends here, our kind who love to pick things up from the garbage, actually did. wish we all live to have more of these typical mornings. :)

 

love always,

me.

 

p.s. almost there... konti pa? :*

Link to comment

Where a simple but heartfelt sorry may not suffice, may the equally sincere actions that I couple it with weigh more...

 

I have exhausted all means possible, in my limited capacity, with the limited resources available. I have done more than I can say, if those were not enough, I do not know anymore what I am to do.

 

I didn't run away from this one and fought really hard...

If I fail this time, then I surrender.

 

Sincerely,

me

Link to comment

minsan para kang artista...kaninong script ba binabasa mo?...bat parang paiba-iba ang role mo?

ikaw ba talaga yan...minsan di ko na alam kung alin ka talaga...o ano ba talaga ang totoong nasa puso at isip mo?

bat pag hapon na...nagiging madrama ka na?...parang telenovela o telepantasya...na madalas magsimula tuwing hapon?...pero pag umaga...masaya ka...para ka lang isang Doraemon ...nalilito na talaga ako sayo...minsan ang hirap maniwalang totoo ka talaga....

Link to comment

Para raw akong nakakawala sa hawla nung lunes ng gabi, sa sobrang sarap ng tawa ko sa bawat mababaw na patawa nila. May paghampas pa ng kamay sa mesa, sabay laklak ng alak na di ko namalayan ay pumapalit na sa aking dugo, unti-unti. At sa wakas, dahil sa kalasingan, napapayag niyo akong kumanta at natuklasan ninyo ang natatago kong galing, marunong din pala ako sa ibang uri ng mikropono (hehe, mga ulol!) at tulad ng dati, humataw sa pagindak at pagsayaw hanggang mapagod ang banda sa akin.

 

Sino ba naman sa kalagayan ko ang hindi magwawala sa tuwa? Lumalabas na sa ilong ang papuring tinatanggap ko. Kaliwa't kanan ang mga pagkamay, pagyakap, pagtapik sa braso, beso-beso, at pati ang mga regalo. Problema ko nga sa pag uwi yun eh, umabot sa tatlong balikbayan box ang mga pabaon ng mga nakatrabaho ko mula sa iba't ibang mga ahensya. Di pa kasama ang dalawang maleta ko at isang dapat sana ay carry-on luggage pero sa bigat ay pina check-in ko na rin. Buti na lang naka PAL ako, kaya waived lahat ng excess baggage fees... Mano namang gamitin ang kamandag at pangalan sa oras ng matinding kagipitan? Suki naman ako... Hehe..

 

Ok na sana ang lahat kung dumirecho na lang ako sa hotel at nagbabad sa tub gaya ng nakaugalian ko tuwing nalalasing. Hindi na sana ako sumama kina Ichi sa high-class na resto bar na yun. Kaya lang maaga pa ay niyayaya na nila ako sa pagpuslit paalis sa party natin, at yun nga, gusto raw ako makilala ng kung sinu-sinong mga anak ng kung sinu-sino pa... Sa totoo lang, pagod na rin ako kakatanggap ng pick-up lines... Ilang anak ba ng mga may pangalang pamilya yung naka-ututang dila ko hanggang mamanhid ang labi ko sa naka-plaster na ngiti, at mamaga ang dila ko kaka sagot sa pagpapacute nila? Pero ayos lang dahil sanay na rin naman ako sa ganun, lalo na sa trabaho ko na dapat laging nakangiti sa lahat.

 

Pero gaya nga ng sinabi ko, dapat di na ako sumama. Pag kita ko pa lang sa plate number ng sasakyan, naramdaman ko na agad ang puso kong bumara sa lalamunan. Pag bukas ng driver ko ng pinto para makalabas ako ay gusto ko nang manatili na lang sa upuan... Siguro pag parada ng sasakyan ko ay nakita mo na rin ang kakaibang plaka na tangan nito, at natural, ang uri ng sasakyan na agaw pansin... at alam mo na agad na ako ang pasahero...

 

Hindi ko lubusang maintindihan kung bakit naging ganoon ang reaksyon ko nang makita kong kasama mo siya, kahit na pa kasama mo rin si Miggs at yung ka-date niya. Siguro dahil alas dos na ng umaga. Siguro dahil ang pagkakaalam ko, umalis ka sa party natin ng alas onse ng gabi para sumama kina Ralph. Nagulat lang siguro talaga ako... gaya na rin ng pagkakagulat mo nang makita mo akong bumaba sa harapan ninyo... Bakit nga din pala ganun ang naging reaksyon mo? Sumabog pa talaga ang kaha ng imported mong sigarilyo...

 

Nakakatawa kung iisipin. Meron pa palang katiting. Pero sigurado ako, maglalaho na rin ng tuluyan ang lahat. Malamang, ang pagkagulat ko ay dulot ng maling pag-aakala na nagpapakatotoo ka sa tuwing pinipilit mo akong kausapin tungkol sa muling pagsubok sa tinalikuran kong pagsasama.

 

Alam siguro niya kung sino ako sa buhay mo dahil kung noon ay lagi siyang nagaabot ng kamay para batiin ako sa aking pagdating ay hindi man lang siya ngumiti sa aking pagkamusta. Napansin siguro niya ang iyong pagkaputla at biglang pagtayo para humalik sa aking pisngi... Mahirap nga alisin ang nakagawian...

 

Sana umuwi na lang ako kaagad para hindi ko na natuklasan na hindi pala buo sa loob mo ang paulit-ulit na pagtanong sa akin kung wala na ba akong nararamdaman para sa'yo... At para hindi ko rin natuklasan na bagamat lagi kong itinatanggi ay may puwang ka pa rin pala sa aking puso. Pero ganun pa man, matagal ko nang napagpasiyahan na mas liligaya ako kung ako ay kakaliwa, at ikaw ay patuloy sa paglakbay pakanan.

 

Nais ko na sumaya ka. Sana, kung totoo na tinanggap ka na nga niya sa kanyang puso ay maging maligaya kayo. Matanggap sana niya ang matinding alab sa inyong damdamin para sa mga bagay na hindi karaniwan sa iba. Makasabay sana siya sa bilis ng takbo ng iyong pagiisip, at masundan ang pagikot ng iyong mundo. Manatili ka sana sa puso niya kahit ilang libong milya ang layo ninyo sa isa't isa, at matutunan niyang magtiwala kahit ilang linggo ka nang hindi nagpaparamdam dahil bumabalot sa iyo ang dedikasyon sa trabaho na kumakain sa kabuuan ng iyong oras.

 

Sana magsilbi siyang inspirasyon sa mga nais mong gawin, at sana makuha niyang palayain ang iyong isipan sa mga nakaraan natin... Sana maging kapanapanabik ang iyong palitan ng kuro-kuro gaya ng ilang oras nating pagdiskusyon ukol sa mga isyu sa mundo, na madalas ay humahantong sa matatamis na halik at pagtulog ng magkayakap. Sana makapag bigay siya ng mga pananaw ukol sa mga bagay na mahalagasa iyo, na noon (at hanggang ngayon) ay mahalaga para sa akin.

 

Sa linggo ay lilipad ka nang muli at makikipag sapalaran sa lamig at yelo. Ilang beses na ba nangyari ito? Pero sa panahong ito, hindi ko na inaasahan na kukulitin mo akong sumama sa iyo. Magkikita na lang tayo pag kinailangan kong pumunta sa pinaroroonan mo, na taun-taon naman nangyayari... Ganyan talaga ang buhay natin dahil may mga inaasam tayo na hindi lamang para sa ating pansariling kapakanan kundi para sa bayan. Ang pagsisilbi mo ay sa ibang lupain, habang ang pakiramdam ko ay dito ako magiging mas kapakipakinabang.

 

Ako naman ay naririto lamang, gugugulin ang oras sa pagtamo ng pangarap na kahit papaano ay makaukit ng marka sa buhay ng sambayanan natin. Dahil pareho naman ang mga inaasam natin, malamang magkita rin tayo sa bandang huli. Sana sa paglakbay mo ay maging tunay ang kaligayahan mo, sa pagtupad ng mga hangarin, at sa piling ng mamahalin. Gayun din, naniniwala ako na maraming biyaya ang nagaantay para sa akin at magiging masaya ako ng lubusan.

 

Hanggang dito na lang.

 

- C

Link to comment

there are a lot of things to say and no one to tell them to. i want to tell them to you, of course. the first person i always thought to tell things to. whether they were funny, mundane, important, annoying... so much has happened. and yet it also feels like life has stopped. i'm caught somewhere in the middle of acceptance and disbelief... and i'm moving much slower than everyone else.

 

so i won't write them here. and i won't write everything i will not be able to say and everything i want to but can't.

 

the line between what i should and shouldn't do is the also the thin line that separates right and wrong... sane and falling apart. so i'll stay my course because it's what is good for me.

 

but really. if you have to know, all i want to do is cross that line.

Link to comment

Dear Danaerys Tangaryen,

 

I am awaiting your arrival with breathless anticipation. It has been a long, long time since I first read about you and your marriage to Khal Drogo, your subsequent rise, and fall, and then rise again to power over the cities across the ocean.

 

Now, word has filtered back to us that you are on your way back to us with a fleet of warships and a legion of men. You are now set to conquer the rest of Westeros and some of your loyal followers such as I are ready to set the gears of war in motion as soon as you make landfall.

 

The Dragon shall rise again, and everthing that stands in our way will be incinerated to nothing.

 

:D

Link to comment

In this entire complex, crown jewel and cornerstone of our business in this country, there are about 400 contracted staff, and about 250 rank and file and officers. And there are less than 10 persons here who can outrank me. Of which half would be off-site at any given time. Do not be deceived by my young face and my crewcut.

 

If anytime I fancy I should decide to swagger into the plant with dated-looking Ray-Bans, brown calf-high leather boots, fitted firejacket, faded jeans, and original decade-old company ID, unpolished, unshaven, and uncaring, it is because I want to. If you do not like that, well, I do not like you. And if I do not like you, you will not be around for very long. My fingers reach even from afar. Especially to middle-aged men of lesser rank than mine. How do you like to be assigned to Zamboanga, you know, ala Charlie D?

 

Now you know me.

 

Who are you? Who the hell are you?

 

LC

Edited by LostCommand
Link to comment

ikaw...tumahan ka na...sabi nga ng mom ko nung nabubuhay pa sya...never cry over spilled milk :)

 

ikaw naman labs...kumilos ka na...late ka na...mababawasan nanaman pang date natin nyan eh...pano na yung jacuzzi natin? ;)

 

ako...mag log out ka na...tumigil ka na rin kaka download para sa sims mo...ubos na nga memory ng pc mo eh...sira ka talaga...okey na yan...yosi lang naman hanap mo diba?....tama na yan...maglinis ka na ng lungga mo...dami mo pang huhugasan...haha...

 

i think you're slowly getting there....slowly finding the peace that was there before...i hope you never lose track...just... just hang on..hold on.....makakabalik ka rin sa dati....pa unti-unti...

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...