Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Bongbong Marcos vs Leni Robredo  

473 members have voted

  1. 1. Naniniwala ka bang may pagtatangka o nagaganap na pandaraya?

    • Oo naniniwala ako
      216
    • Hindi ako naniniwala
      164
    • 'Di ako sigurado
      29


Recommended Posts

  • 3 weeks later...
  • 2 weeks later...

 

AN INCREASINGLY DESPERATE ROBREDO

(may naamoy ang kampo ni Robredo sa OSG kaya hinaharang nila ito ngayon)

Hinarang ng kampo ni Leni Robredo ang pangatlong hiling ng Office of the Solicitor General (OSG) ng extension upang makapaghain ng Comment para sa Comelec sa isyu ng vote shading threshold alinsunod sa kautusan ng PET.

Pinipilit na kasi ni Robredo na desisyunan na ng PET ang kanyang Urgent Motion for Reconsideration makaraang ibasura ng PET ang kanyang naunang hiling na 25% ang threshold na ipatupad sa pagrebisa ng mga balota.

Ayon sa 5-page opposition ni Robredo, umabot na sa 40 araw ang palugit na ibinigay ng PET sa OSG. At dahil humingi uli ng 15-day extension ang OSG, aabot na sa 55 araw o hanggang July 11, 2018 upang makapaghain ito ng Comment.

Hiniling ni Robredo na huwag ng hintayin ang Comment ng OSG para sa Comelec at desisyunan na lang ang kanyang Motion for Reconsideration ngayon.

ANO BA ANG IBIG SABIHIN NITO?

Kapag ginusto ni Robredo, ipipilit niya ito. Dehado siya sa isyu ng threshold dahil sa bawat araw na hindi pa ito madesisyunan ng pinal ng PET, daan-daang gatuldok na boto (Yoda votes) niya ang nakakaltas sa kanya. Naingit at natakot siya dahil hindi apektado ang mga boto ni BBM. Talo talaga siya sa isyu ng threshold as things stand today. Kaya nagkakadarapa siya ngayon na ipilit na desisyunan ng pinal ang isyung ito.

Kapag kinatigan siya ng PET, siyempre abot-langit ang saya niya. Pero kapag nanindigan ang PET na 50% ang threshold, magra-rally, mag-iingay at mangungulo sila.

Maaring minamadali nila ang desisyon sa threshold habang sariwa pa ang pagtanggal kay dating CJ Sereno. Kapag hindi pabor sa kanya ang desisyon ng PET, she will align and identify herself with Sereno bilang mga biktima. Mangungulo sila.

Ang malinaw dito ay kung gugustuhin talaga ni Robredo, ipipilit niya ito. Aniya, gusto niyang matapos na ang protesta. Patunayan niya at ipilit niya ito sa halip na magfile ng magfile ng mga walang kwentang motions. For one, magfile siya ng motion na i-fill-up ang 10 bakanteng revision committees ngayon na hindi inaksyunan ni Justice Caguioa. Humiling din siya ng dagdag na revision committees upang mas mapabilis ang protesta.

Sa OSG naman, wala akong makitang sapat na dahilan kung bakit kinuha pa ng Comelec ang OSG bilang abogado nito sa pagfile ng Comment gayong may sarili naman silang Law Department na maaring magfile para sa kanila. Pero maaring ginawa ito ng Comelec upang maging kakampi nila ang OSG sa 25% position nila sa isyu ng threshold at bumigat ang timbang ng kanilang Comment.

Hindi obligado ang OSG na kumampi sa position ng Comelec. Kung 25% ang position ng Comelec, maaring taliwas dito o 50% ang position ng OSG. Bilang people’s tribune o champion of the people, papanigan ng OSG ang interest ng mga mamamayan kahit pa ito ay laban sa gobyerno o ahensya ng gobyerno tulad ng Comelec.

Maaring naamoy na ito ni Robredo kaya hinaharang na nila ang OSG ngayon. Malinaw ito sa kanyang hiling sa PET na huwag ng payagang maghain pa ng Comment ang OSG para sa Comelec.

Sa mga nagtatanong kung ano na ang update sa protesta, mahirap ng magverify ng figures sa loob dahil naghigpit na talaga ang PET. Pero ang pagpupumilit ni Robredo na desisyunan na ang kanyang Urgent Motion for Reconsideration ngayon kahit hindi na magfile ng Comment ang kanyang kaalyadong Comelec ay malinaw na palatandaan na bumababa na talaga ang lamang niya kay BBM. Hindi na niya matiis ang patuloy na pagbulusok ng kanyang lamang pababa.

Kaya sa bawat araw na lumilipas, ang kaba ni Robredo ay tumataas.

Source: FB page of Atty. Glenn Chong

 

The ship is sinking slowly but surely. :lol:

Link to comment

Yang shade shade kasi na yan, pinipilit na 25% eh wala namang sinabing ganun. Ineencourage nga tayong fully shaded dapat. And kung babaguhin yan, irerecount dapat lahat. Bakit sa kanya lang mag-apply?

Exactly! Diba yung instinct ng legitimate voter ay ishade lahat as much as possible kasi gusto mo macount boto mo. Shading only 25% is a sign that these ballots were shaded quickly to save time. Ito ay gawain ng mandaraya.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...