Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Bongbong Marcos vs Leni Robredo  

473 members have voted

  1. 1. Naniniwala ka bang may pagtatangka o nagaganap na pandaraya?

    • Oo naniniwala ako
      216
    • Hindi ako naniniwala
      164
    • 'Di ako sigurado
      29


Recommended Posts

LOL di ka talaga nagbabasa ng news. Labas ka rin kasi minsan sa MTC para di naman puro sarili mong unsubstantiated posts ang binabasa mo.

 

http://politics.com.ph/kaya-pala-expert-poll-fraud-accuser-glenn-chong-linked-to-2013-ballot-theft-scandal-before-working-for-bongbong/

 

https://www.scribd.com/document/385074942/Marcos-Camp-s-Letters-to-Comelec

A bunch of crap coming from a relatively unknown internet link. Puro allegations ang nasa link na pinapakita mo. Why can't they sue Chong if it's true? Prove it and and not just post hearsay. Mahilig ka talaga sa hearsay.

Link to comment

 

BREAKING THE BREAKING FAKE NEWS

I. VOTE SHADING TRESHOLD: Hindi totoo na pinaboran ng PET si Leni Robredo at ginawang 25% ang vote shading threshold. FAKE NEWS ITO!

Kung babasahin natin ng maigi ang 26-page resolution ng PET, walang deklarasyon dito na 25% na ang threshold na ipapatupad nito.

Katunayan, malinaw na sinabi ng PET na hindi isyu sa revision proceedings ang threshold dahil ang threshold na ginamit ng VCM ay hindi ang pinal na determinant o basehan kung ang boto ay bibilangin ba pabor kay BBM o kay Robredo. Ang mga balota ay isasailalim pa sa pagbusisi ng PET upang malaman ang totoong intensyon ng mga botante at titimbangin ito ayon sa objections at claims ng magkabilang panig (Par 1, Page 2).

OBJECTIONS AND CLAIMS: Maaring kontrahin ni BBM ang mga boto ni Robredo. Maari ring kontrahin ni Robredo ang mga boto ni BBM. Maaring angkinin ni BBM o ni Robredo ang mga botong hindi malinaw kung para kanino o mga botong hindi binilang ng makina.

Pulit-ulit na paglilinaw ng PET, hindi ito pinaalam ng Comelec na 25% ang threshold na ginamit nila sa mga VCM noong halalan. Ito ay taliwas sa mga sinabi ng Comelec at kampo ni Robredo. At ang sulat ni Comelec Commissioner Guia at ang RMA Guide na ibinigay nila sa PET ay hindi sapat na basehan upang baguhin o amyendahan ang Rules ng PET.

Dagdag pa ng PET, ang RMA Guide, standing alone, ay hindi official issuance o official act ng Comelec kaya wala talagang legal na basehan upang baguhin o amyendahan ang 2010 PET Rules, lalong-lalo na sa isyu ng revision ng mga balota (Par 6, Page 8). Dahil dito, ang 50% threshold na malinaw na nakasaad sa 2010 PET Rules ay nanatili at hindi nagbago. Ang 50% threshold pa rin ang patuloy na basehan ng PET.

Nilinaw pa ng PET na wala ring basehan upang baguhin o magpatupad ng panibagong threshold sa 2018 Revisor’s Guide kung saan 50% din ang nakasaad na shading threshold (Par 1, Page 9).

In fact, ayon sa PET, hindi naman totoong 25% talaga ang threshold ng mga VCMs. Ayon mismo sa mga pleadings ng Comelec at kampo ni Robredo, makikita na hindi eksaktong 25% ang threshold na diumano ay ginamit. Ang nakita ng PET ay range of 20% - 25% (Par 4, Page 9). Mas lumabo ang threshold nila.

Dagdag pa ng PET, walang ipinalabas na opisyal na dokumento bago ang 2016 elections na magpapatunay na ang mga VCMs ay, in fact, nakaset sa 25% (Par 2, Page 10). Ito rin ang posisyon ko. Wala talagang patunay na 25% nga ang threshold na nakaset bago ang halalan.

Dahil ang layunin ng revision proceedings ay recount lamang ng mga boto ng magkatunggaling partido, nilinaw ng PET na ipapatupad ito sa pamamagitan ng pagmimick kung paano binasa at binilang ng VCMs ang mga boto (Par 5, Page 11). At dahil sa mga teknikal na kadahilanan ay hindi na magamit ang mga VCMs upang maipatupad ito, ang printed Election Returns na lamang ang pagbabasehan muna ng initial segregation o paghiwa-hiwalay ng mga balota at hindi na gagamitin ang threshold (Par 1, Page 18). Ito ang buod ng sinabi ng PET na “ang 50% shading threshold ay hindi na gagamitin” (Par 3, Page 11).

Ang mga katagang ito ang pinagbasehan ng pagbubunyi at pagpapakalat ng fake news ng kampo ni Robredo ngayon. Pinipili lang nila ang mga mapanlinlang na mga katagang gusto nilang bigyang diin dahil kung babasahin ng buo ang PET resolution, ito ang kahihinatnan:

1. Hindi na gagamitin ang shading threshold sa initial segregation o paunang paghiwa-hiwalay ng mga balota sa revision proceedings.

2. Ang printed Election Returns ang siyang gagamitin upang makita kung paano binilang ng mga VCMs ang mga boto.

3. Ang bawat partido ay maaring kontrahin ang boto ng kalaban. Sa pontong ito, maaring mag-object o kontrahin ni BBM ang mga 25% Yoda votes o pre-shaded votes ni Robredo upang matanggal o makaltas ito sa kanyang tally. Ang basehan ni BBM dito ay ang 2010 PET Rules at 2018 Revisor’s Guide kung saan nanatiling 50% ang shading threshold.

4. Sa pinal na appreciation stage ng PET o pagbusisi ng mga balota at mga objections and claims ng magkabilang panig pagkatapos ng revision proceedings, ang 2010 PET Rules at 2018 Revisor’s Guide kung saan nanatiling 50% ang shading threshold pa rin ang iiral.

5. Ang pananatili ng 50% shading threshold sa 2010 PET Rules at 2018 Revisor’s Guide ay solidong basehan upang matanggal ang mga gatuldok na boto ni Robredo pagdating sa pinal na appreciation stage ng protesta.

Kaya nga ang sabi ng PET, partial lamang ang reconsideration na ibinigay nila sa Motion ni Robredo na gawing 25% ang threshold. (Par 3, Page 6) Hindi siya pinagbigyan sa kanyang buong kahilingan. Walang categorical declaration na 25% na nga ang shading threshold. Ang malinaw na sinabi ng PET, ang Rules ay hindi nagbago – 50% pa rin ang threshold na susundin ng PET sa protesta.

IN SUM, WALA NAMAN TALAGANG TOTOONG NAIPANALO SI ROBRESO SA ISYUNG ITO.

II. DECRYPTED BALLOT IMAGES: Dito pansamantalang nakalamang si Robredo. Kinatigan ng PET ang kanyang hiling na gamitin ang decrypted ballot images dahil hindi raw nagsumite si BBM ng mga patunay na ang mga ito ay nakompromiso, pinakialaman o kaduda-duda na. Dagdag pa ng PET, hindi sapat ang simpleng mga paratang lamang.

On the other hand, naipalawanag daw ng sapat ng Comelec ang mga extraneous marks na squares sa ballot images kahit wala ito sa orihinal na balota. Dinagdag ito ng mga makina matapos bumoto ang mga botante.

Pero ang hindi naipaliwanag ng Comelec sa harap ng Senate Committee hearing noong July 31, 2018 ay ang mga ipinakita kong katunayan na ang mga ballot images na ito ay tampered na o pinakialaman na ng mga mandaraya. Malinaw sa ebidensiyang ipinakita ko na tumalon ang sequence numbers ng mga ballot images (nawala at nabura ang mga ballot images na ito) sa bandang unahan at gitna ng listahan ng magkasunod-sunod na pumasok na balota sa VCM at idinagdag ang mga ipinalit na tampered ballot images sa bandang hulihan ng nasabing listahan.

Ang sequence numbers na nakaimprinta sa bawat ballot image ay control marks ng nasabing ballot images. Kapag nagbago ang control marks na ito at hindi na magkasunod-sunod dahil may tumalon, nawala, nabura at nadagdag, ito ay malinaw na palatandaan ng tampering.

Katunayan, sa 368 VCMs sa 3rd Congressional District ng Camarines Sur, 4 VCMs lang ang may kompletong listahan ng ballot images - walang nawawala, nabubura o nadagdag na ballot images. Pero sa 362 VCMs, lahat ito ay may nawawala, nabubura o nadagdag na tampered ballot images. Sa 362 VCMs na ito, 37,152 ang idinagdag na tampered ballot images. Sa Naga City lamang, baluwarte ni Robredo, 13,936 ang idinagdag na tampered ballot images. May 2 VCMs na walang kahit anumang rekord.

Alam ko ito dahil kami ang nakadiskubre nito. Ito rin ang aking ibinigay na testimony complete with supporting documents and evidence nang ako ay tumestigo sa kasong Villafuerte vs Bordado sa House of Representatives Electoral Tribunal noong September 20, 2018.

Ayon sa kampo ni Robredo, hindi raw maaring kontrahin ni BBM ang decrypted ballot images dahil siya mismo ang humingi nito at may mga kinatawan siya ng magkaroon ng decryption sa Comelec. Kinatigan ito ng PET.

Ito ay patunay lamang na walang alam ang mga sumusulong sa pananaw na ito. Hindi maaring pigilan si BBM na kontrahin ang mga ballot images dahil lamang siya ang humingi ng decryption. Sa decryption lamang makikita kung ano ba talaga ang laman ng mga SD cards. Kaya pagkatapos lamang ng decryption makikita ang mga anomalya, iregularidad at dayaan sa halalan.

Kung susundin natin ang pananaw ng mga ignoranteng nasa kampo ni Robredo, hindi na mapabulaanan ang mga tampered decrypted ballot images dahil lang hiningi ang decryption - ang tanging paraan upang madiskubre ang mga ebidensiya ng dayaan - ng partidong gustong patunayan na tampered nga ang mga ito. Mga mandaraya lang ang magsusulong sa ganitong pananaw upang hindi madiskubre ang daya nila.

Ang dapat gawin ni BBM dito ay humingi ng reconsideration sa desisyon ng PET sa isyung ito at patunayan na tampered na nga ang mga decrypted ballot images na ito.

THE BREAKING FAKE NEWS IS NOW BROKEN!

Source: Attorney Glenn Chong's Facebook post.

 

Tutal ang usapan ay si Glenn Chong, I just showed a very incisive and thorough explanation from the good attorney.

 

Sa mga nagcecelebrate na basag daw ako at yung mga alipores niya na mukhang nagpapalakpakan ang mga tenga sa tuwa, easy lang kayo. Understand the PET ruling first before celebrating. :lol:

Edited by will robie
  • Like (+1) 1
Link to comment

tulad ng isang pagibig na nasawi hindi maiiwasang umasa ... sa wala. cho-CHONGgohin ka lang niya. hahahaha

This lame attempt at being funny won't pass on the political jokes thread. :lol:

 

Instead of discrediting the good attorney point by point, the reply is a lame attempt at being funny. But then again, what's new? Haha!

Edited by will robie
Link to comment

Discredit Chong? WHAT FOR?

The PET has spoken in simple english...clealy and straight to the point. Even the news says the PET ruling favors the VP and not the wannabe

 

Does it mean one can't comprehend thus the need to take someone"s (bias) interpretation for that matter? Or maybe reality bites kaya in need of some soothing "interpretation"

 

Oh well ginusto mong magpaunggoy sa isang CHONGgo that's your choice. You can continue to live in your world of make believe. For all I care.

Edited by rooster69ph
  • Like (+1) 1
Link to comment

Discredit Chong? WHAT FOR?

The PET has spoken in simple english...clealy and straight to the point. Even the news says the PET ruling favors the VP and not the wannabe

 

Did you read the whole PET ruling? Yes or no lang.

 

Sabi mo chochongohin ka niya, whatever that means. Instead of making a nonsensical post, just discredit it point for point. But I don't expect you to do that since the sense in your posts leave much to be desired.

Edited by will robie
Link to comment

Does it mean one can't comprehend thus the need to take someone"s (bias) interpretation for that matter? Or maybe reality bites kaya in need of some soothing "interpretation"

Bias? Haha! I am posting the thorough and incisive explanation that the good attorney posted and you talk about bias? Another off tangent post.

Oh well ginusto mong magpaunggoy sa isang CHONGgo that's your choice. You can continue to live in your world of make believe. For all I care.

As usual, another nonsensical post from someone who has not discredited anything I posted. Naks, may nalalaman ka pang "for all I care'. :lol:

Link to comment

Source: Attorney Glenn Chong's Facebook post.

 

Tutal ang usapan ay si Glenn Chong, I just showed a very incisive and thorough explanation from the good attorney.

 

Sa mga nagcecelebrate na basag daw ako at yung mga alipores niya na mukhang nagpapalakpakan ang mga tenga sa tuwa, easy lang kayo. Understand the PET ruling first before celebrating. :lol:

 

For someone who loves to claim that other people rely on hearsay, you rely a lot on hearsay Facebook posts. :lol:

 

I did read the PET decision. Chong's post is wrong.

 

"Walang categorical declaration na 25% na nga ang shading threshold. Ang malinaw na sinabi ng PET, ang Rules ay hindi nagbago – 50% pa rin ang threshold na susundin ng PET sa protesta."

 

Malinaw na nakalagay sa PET decision: "After assiduously going through the parties' comments and arguments, the Court herein resolves to partially grant the Subject Motion insofar as setting aside the use of fifty percent (50%) threshold in the revision proceedings is concerned." - Paragraph 3, Page 5. Hindi yan mahirap intindihin.

 

Page 9-11, pinag-usapan ng PET yung threshold na talagang ginamit para sa 2016 elections. 20-25% ang factual finding ng PET.

 

Kaya sa dispositive portion, inamend yung PET Revisor Guidelines, at ginawang basehan ng segregation at classification ng ballots ang Election Return na generated ng VCMs - the same VCMs that used the 20-25% threshold. Kaya rin may nilagay na linyang ito: "All issuances of the Tribunal insofar as it maintains the use of a numerical threshold are hereby modified accordingly." Kasi nga, hindi na 50% ang gagamitin.

 

Also: "incisive and thorough" my ass. Walang kinalaman ang mga pauso ni Chong noong Senate hearing sa decision ng PET. In fact irrelevant yung discussions sa Senate dahil any allegation pertaining to the credibility of the electronic polling was thrown into the trash bin when the PET junked Marcos' first cause of action sa protest niya. As usual, overreaching at madrama nanaman si Chong. Try na lang niya mag-staged-walkout uli. :lol:

Edited by johncarter44
Link to comment

 

For someone who loves to claim that other people rely on hearsay, you rely a lot on hearsay Facebook posts.

 

I did read the PET decision. Chong's post is wrong.

 

"Walang categorical declaration na 25% na nga ang shading threshold. Ang malinaw na sinabi ng PET, ang Rules ay hindi nagbago – 50% pa rin ang threshold na susundin ng PET sa protesta."

 

Malinaw na nakalagay sa PET decision: "After assiduously going through the parties' comments and arguments, the Court herein resolves to partially grant the Subject Motion insofar as setting aside the use of fifty percent (50%) threshold in the revision proceedings is concerned." - Paragraph 3, Page 5. Hindi yan mahirap intindihin.

Humor me more, carter. A post of someone who totally vitiated the Comelec and Smartmatic in the Senate hearings on election fraud could not possibly be hearsay. Hearsay kasi sinabi mo? :lol: Hahaha! You and your nonsensical posts. Yes, it is easy to understand. Did you even take note of the adverb "partially"? The PET did not fully and categorically grant what Robredo wanted, hence, what the good attorney said holds water. I am waiting for something substantial from you that discredits what Attorney Chong posted. I get the feeling I will wait in vain.

YES!!!

 

to know the truth better to rely on the ruling itself than someone’s FB post

Binasa mo ba talaga or did you just rely on what carter posted? Haha! So far, I don't see any counter argument from you to vitiate Glenn Chong's post. Nabasa mo lang, tapos? Haha!

Edited by will robie
Link to comment

 

Page 9-11, pinag-usapan ng PET yung threshold na talagang ginamit para sa 2016 elections. 20-25% ang factual finding ng PET.

 

Kaya sa dispositive portion, inamend yung PET Revisor Guidelines, at ginawang basehan ng segregation at classification ng ballots ang Election Return na generated ng VCMs - the same VCMs that used the 20-25% threshold. Kaya rin may nilagay na linyang ito: "All issuances of the Tribunal insofar as it maintains the use of a numerical threshold are hereby modified accordingly." Kasi nga, hindi na 50% ang gagamitin.

 

Also: "incisive and thorough" my ass. Walang kinalaman ang mga pauso ni Chong noong Senate hearing sa decision ng PET. In fact irrelevant yung discussions sa Senate dahil any allegation pertaining to the credibility of the electronic polling was thrown into the trash bin when the PET junked Marcos' first cause of action sa protest niya. As usual, overreaching at madrama nanaman si Chong. Try na lang niya mag-staged-walkout uli.

So far, you haven't vitiated any of Glenn Chong's claims except saying "Also: "incisive and thorough" my ass. Walang kinalaman ang mga pauso ni Chong noong Senate hearing sa decision ng PET. In fact irrelevant yung discussions sa Senate dahil any allegation pertaining to the credibility of the electronic polling was thrown into the trash bin when the PET junked Marcos' first cause of action sa protest niya. As usual, overreaching at madrama nanaman si Chong. Try na lang niya mag-staged-walkout uli." Trying to discredit Chong through ad hominems and not discredit what he posted point by point? Pitiful.

 

So what about pages 9-11? There is nothing there that debunks what Chong said.

Edited by will robie
Link to comment

Binasa mo ba talaga or did you just rely on what carter posted? Haha! So far, I don't see any counter argument from you to vitiate Glenn Chong's post. Nabasa mo lang, tapos? Haha!

nagtanong ka sinagot kita ng simpleng simpleng yes or no tulad ng hiniling mo...ibahin mo ako di ako tulad mo na nag rely lang sa FB post ni CHONGgo at di ng PET ruling mismo.

 

kahit pagbaligbaligtarin pa nun idol mong unggoy at agpakita ka pa ng kung anu-anong opinion ng sino pa man ang decision ng PET sino ba ang masusunod at siyang ipatutupad.

 

what is there to counter when the PET has already decided... oo nabasa ko ang ruling at tapos na nga. tapos na ang usapan kung ano ang tatanggaping treshold. kahibangan mo na lang ang nagpapatuloy sa isyu na ito sa kapapaniwala sa isang CHONGgo hahaha.

 

kung iyan na lang ang ikasasaya mo ...go on...sabi ko nga for all i care

Edited by rooster69ph
Link to comment

nagtanong ka sinagot kita ng simpleng simpleng yes or no tulad ng hiniling mo...ibahin mo ako di ako tulad mo na nag rely lang sa FB post ni CHONGgo at di ng PET ruling mismo.

 

The Glenn Chong who totally debunked Smartmatic and Comelec in the Senate hearing on electoral fraud. Yes, iba talaga ako sayo kasi hindi ako nakikinig sa puro hearsay. Binasa mo? Kung binasa mo, you should have had an input to vitiate Attorney Chong's. So far, you've been replying with nonsense like this.

kahit pagbaligbaligtarin pa nun idol mong unggoy at agpakita ka pa ng kung anu-anong opinion ng sino pa man ang decision ng PET sino ba ang masusunod at siyang ipatutupad.

Another idiotic ad hominem which does not discredit even remotely Attorney Chong's post.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...