Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Duterte's Presidency : Expectations, Controversies, Rants, Etc.

Recommended Posts

this was 2days ago

EO on FOI ‘on President’s table’ for signature—Palace 

http://newsinfo.inquirer.net/797070/eo-on-foi-now-on-presidents-table-for-signature-palace-

di ba pwedeng ni rereview muna ng mabuti? kailangan pirmahan agad agad pagkalagay ng hindi binabasang maigi??

kaya executive lang dahil hindi niya pwede saklawin basta basta sa EO niya ang congress at senate dahil sa equal branch of power. alam mo naman un siguro di ba? ang importante may FOI na kesa sa 6 years na ipinangako na kahit EO man lang hanggang matapos eh WALA - NGANGA

Ang point ko bago sila mag-announce dapat patapos na... Yung tipong na-review na nila at literal pirma na lang kailangan. July 6 pa sila nag-announce na by July 8 pirmado na yan. Paki-intindi na din yung sinabi ko na hindi pa kasama Legislative at Judiciary... Ang ibig kong sabihin, Executive Department lang ang saklaw ng EO, oo tama yun kasi for the Legislative and Judiciary to be included, a LAW must be passed. So we were expecting mabilis i-review yan kasi nga hindi na kasama yung 2 branches ng Government...

Kase kung panay announcement lang at nagsabi pa ng date at hindi lang din matutupad, butas sa kanila yan. wala silang pinagka-iba kila Abnoy nyan, panay spin lang din...

Link to comment

boss for signing na sa table ni president.. nasa news pwede mo basahin... bakit atat na atat ka ata? ganyan ka ba kaatat dun sa last 6 year nung pinangako yan ni Pnoy eh hindi naman natupad?

oo... bwisit na bwisit ako kay Pnoy sa napakong pangakong yan.

at least si Pnoy, walang sinabing day 1 meron na..... si digong day 22 wala pa rin.

Ganyan talaga basta kasi naghahanap ng kahit na anong pwede ireklamo. Asahan natin na sa Lunes, isa na itong si Pading Jopoc maglalatag ng kung ano anong reklamo. Hindi ko masyado aasahan na me positibo syang sasabihin sa kasalukuyang Admin.

Oh well, kung sabagay, boring naman dito kung ala ng debate.

mukha na kasi kayong kulto ni digong dito.

masama bang maningil sa pangako sa tatay digong nyo?

para bang bawal na maging kritiko nya.... ano, ipapatumba na rin ba ako? LOL

Ang point ko bago sila mag-announce dapat patapos na... Yung tipong na-review na nila at literal pirma na lang kailangan. July 6 pa sila nag-announce na by July 8 pirmado na yan. Paki-intindi na din yung sinabi ko na hindi pa kasama Legislative at Judiciary... Ang ibig kong sabihin, Executive Department lang ang saklaw ng EO, oo tama yun kasi for the Legislative and Judiciary to be included, a LAW must be passed. So we were expecting mabilis i-review yan kasi nga hindi na kasama yung 2 branches ng Government...

Kase kung panay announcement lang at nagsabi pa ng date at hindi lang din matutupad, butas sa kanila yan. wala silang pinagka-iba kila Abnoy nyan, panay spin lang din...

yun na nga, daming spin eh!

sana maglaban ng totoong FOI... hindi yung may FOI pero hilaw

Edited by jopoc
Link to comment

Btw, you said "you know most of the killings are salvaged drug pushers" ... curious lang ako kung ang basehan ba ay official report ng imbestigastion dahil natukoy na talagang pushers o addict ang mga ito o dahil may nakasabit na "PUSHER AKO" nun nakita ang bangkay?

Hindi lang naman dahil may nakasabit. Lahat naman ng pamilya nagsalita inamin din naman na may link sa droga yung napaslang. Ang nirereklamo lang naman nila ay bakit kailangan patayin.

All that are killed have been a repeated offenders. Kumbaga suki na yan kaya alam nila hindi na sila ma rereform.

so kung gayon ano nga ba ang dahilan na isasagot ninyo kung bakit dapat imbes na huliin eh sinasalvage ang tulak? Bakit rin yun nahuli na nga ay biglang pinatay dahil umanoy tatakas daw.

So if they are "repeated offenders" dapat patayin na according to our laws?

Link to comment

mukha na kasi kayong kulto ni digong dito.

masama bang maningil sa pangako sa tatay digong nyo?

para bang bawal na maging kritiko nya.... ano, ipapatumba na rin ba ako? LOL

Dahan dahan ka magakusa ng kulto kulto na yan. Dahil pwede din namin ibwelta yan sa inyo na umpisa pa lang, kakapanalo pa lang eh puro sumbat ang hinahanap. Ang tanong, ganyan din ba kayo kakritikal kung manok nyo nanalo? Malamang hindi dahil todo tanggol din naman kayo sa mga lehitimong kritisimo sa kanila. Pero sabi nyo nga huwag na ungakitin nakaraan di sige. Yun asal nyo kasi iba sinasabi.

Depende kasi yan sa Kritiko. Me Kritiko tayo dito na sakto lang naman mga banat at kung titignan eh tama naman. Ako binibigyan ko ng puntos mga yan

Ngayon sa pangako na FOI, andyan na draft, pirma na lang inaantay. Nakikita mo naman na ginagawan ng paraan. Kung dahil lang hindi natutupad to the letter lahat ng sinasabi, yun na nga, di hanap kayong pulitiko sa mundo na nagagawa yan patakbuhin natin for president.

OA ka naman, ang alam kong tinutumba mga drug personalities, hindi naman mga kritiko. Kundi ba, eh malamang isa na sa mga pinaglalamayan yan Ko-conio coniong senadora na yan. Tsaka di ba sabi ko boring nga pag walang kontra bulate? Easy ka lang

Link to comment

so kung gayon ano nga ba ang dahilan na isasagot ninyo kung bakit dapat imbes na huliin eh sinasalvage ang tulak? Bakit rin yun nahuli na nga ay biglang pinatay dahil umanoy tatakas daw.

So if they are "repeated offenders" dapat patayin na according to our laws?

over 110,000 voluntary surrenders and arrests and about 200 reported killings. So ibig sabihin if you do the math 0.18% lang ng mga identified drug personalities namamatay. Sa 0.18% na yan, kasama na yun mga napapatay sa legit shootout. So ilan pursyento na lang yun nasa-salvage. Problema pa sa mga sinasalvage na ito, ni walang kamaganak man lang ang kumukuha ng bagkay sa morge kaya hirap identify at ng mapabilis paglutas sa kaso. Parang ano ba yan, nuknukan ka na lang siguro ng kasamaan na pinatay ka na nga, hindi man lang kunin bangkay mo ng mga mahal mo sa buhay?

do the math ba kamo ...

sige tingnan natin un latest statistics ng mga krimen na napatay ...

hindi ba dumoble ...

Now balikan natin yun punto mo ... 200/110k ... so ibig bang sabihin kung may sinalvage na 1 out of 1M addicts ok lang yun ... insignificant number naman eh. Saka saksakan na ng kasamaan yan kaya wala ng karapatan yan mabuhay ...yan ang batas duterte LOL

So ano na nga pala nangyari sa 110K na sumuko ... 100% clean na sila?

Edited by rooster69ph

Tulad ng paulit ulit kong sinasabi, inimbestigahan naman ng mga pulis kaso ng salvage. At sabi ng station commander nahihirapan sila i-identify mga bangkay dito kasi walang kumukuha. Pero me ginagawa naman para sa mga yan. Tsaka kung wala magrereklamo, papano uusad kaso? Akala ko ba due process gusto nyo?

Ang punto ko ano ba yun totoong kumakatawan sa pangkabuuan? Yun patayan lang ba? Kung patayan din lang, bat ka pa magaasayahang katukin mga yan. Eh di genocide na lang gawin. Kaso hindi eh. Siguro di naman nagisisinungaling datos na yan. Yun small percentage na yan, eh ganun talaga. Kahit ano naman scientific data di yan umaabot sa 100%. So bat yun patayan ang gusto mo ata maging identity ng totoong resulta ng kampanya?

Dun naman sa sumuko, eh me ibat ibang programa na ang LGUs para sa kanila. Paparehab yun gusto, meron pa ngang zumba, community service at TESDA training para makapaghanap buhay yan sila. Hindi ko alam kelan nangyari ganito.

Ngayon kung umaangal ka nanaman na hindi naman 100% sa kanila totoong magbabago, matagal ko ng sinasabi sayo na walang 100% effective sa mundong ito. Hindi 100% ng galing sa seminaryo banal. Hindi 100% ng sundalo sa mundo matapang. Wala pa akong nakikitang experimental protocol sa mundo na 100% kundi ba di nawalan na kami trabaho. Ang condom hindi rin yan 100% effective.

Link to comment

Kahit na sabihin mong iimbestigahan yan, nangyari na yan.., patay na, part of the statistics na so to speak. Will the figures change? NO. Will investigating lead to the crime not being repeated in the near future just because iniimbestigahan na?

Sa naikita ko walang maipakitang action plan para hindi na maulit yang salvaging. Ni assurance nga na di na mangyayari o di kaya mababawasan wala pero napakarami mong justifications kung bakit di dapat batikusin ito. OO tama ka walang perpekto, walang banal. Pero hindi ibig sabihin nito hindi na kasalanan ang gumawa ng kasalanan di po ba?

Wala bang nagrereklamo? Oh well may isang senadora na atat na atat na malaman ano ba talaga nangyayari kung bakit daming patayan sa operasyon ng PNP lately, Well sayang ba oras ni Bato humarap at ipaliwanag kung ano ang nangyayari sa Senado? Siguro nga ... o baka mas importante ang humarap sa SHowtime. Sabi mo nga sa Showtime kwela siya sa Senado malamang magisa siya.

Oh nahihirapan nga naman daw maidentify yun mga bangkay ... kaya sige dun na lang tayo magidentify sa trabahula. LOL

Link to comment

Walang bigtime ba kamong napapatay???

‘Big-time Chinese drug lord’ shot dead by police in Valenzuela City

http://newsinfo.inquirer.net/798118/big-time-chinese-drug-lord-shot-dead-by-police-in-valenzuela-city

MANILA–A Chinese suspected to be a drug lord was shot dead by operatives of the Philippine National Police (PNP) – Anti Illegal Drugs Group Friday morning in Valenzuela City.

The PNP AIDG said Meco Tan was a big-time drug lord and shabu laboratory operator.

Police said they were about to serve a warrant of arrest on Tan at his house in a Valenzuela subdivision when he attempted to escape aboard his Honda Civic.Police gave chase and shots were fired, ending in the death of Tan.

Shabu lab of slain ‘drug lord’ raided in Valenzuela – PNP

http://newsinfo.inquirer.net/798175/clandestine-shabu-lab-of-slain-drug-lord-raided-in-valenzuela-pnp

Edited by daphne loves derby
Link to comment

O ayan na may aabangan na kayong expected DATE. BE PATIENT

Duterte to sign EO on FOI before Sona—Andanar

http://newsinfo.inquirer.net/798220/duterte-to-sign-eo-on-foi-before-sona-andanar

Expect the executive order on the Freedom of Information Bill to be signed before President Rodrigo Duterte delivers his first State of the Nation Address (Sona) on Monday, July 25.

This was the assurance of Presidential Communications Secretary Martin Andanar on Friday amid its delay.

Andanar earlier said the EO on the FOI, which aims to make public documents more available to the public, was already on the table of the chief executive.

READ: EO on FOI ‘on President’s table’ for signature—Palace

Asked whether the public could expect it before Duterte’s Sona, Andanar said “Yes.”

“Let’s wait for the Sona,” Presidential spokesman Ernesto Abella said in a text message to INQUIRER.net when asked about the release of the EO.

The EO on FOI was an “urgent” directive from Duterte, saying the President was “very serious” on the said measure.

READ: Duterte to prioritize FOI bill

The FOI is one of the campaign promises of Duterte, something his predecessor, former president Benigno Aquino III, failed to deliver in his six years in office. IDL

Edited by daphne loves derby
Link to comment

Sana ang mahuli naman yung mga multi-millionaire na drug LORDS mismo.. kaso CIA nga di magawa yun sa sarili nilang bansa e, NBI-PDEA pa kaya

True mahirap nga lalo na to convict one in a court of law. Marami kasing loopholes ang batas. Ang makakapagturo lang talaga sa drug lord and their protectors are within their inner circle which means criminal din ito. Kaya madali rin silang siraan ng credebility para maging witness lang sila at hindi kasuhan.

Tama ba ang salvaging? No. But in extreme cases like now its yes for me but I'm hoping na big fishes ay ganituhin na nila. One drug lord dead means thousands of potential users lives saved.

Link to comment

Kahit na sabihin mong iimbestigahan yan, nangyari na yan.., patay na, part of the statistics na so to speak. Will the figures change? NO. Will investigating lead to the crime not being repeated in the near future just because iniimbestigahan na?

Sa naikita ko walang maipakitang action plan para hindi na maulit yang salvaging. Ni assurance nga na di na mangyayari o di kaya mababawasan wala pero napakarami mong justifications kung bakit di dapat batikusin ito. OO tama ka walang perpekto, walang banal. Pero hindi ibig sabihin nito hindi na kasalanan ang gumawa ng kasalanan di po ba?

Wala bang nagrereklamo? Oh well may isang senadora na atat na atat na malaman ano ba talaga nangyayari kung bakit daming patayan sa operasyon ng PNP lately, Well sayang ba oras ni Bato humarap at ipaliwanag kung ano ang nangyayari sa Senado? Siguro nga ... o baka mas importante ang humarap sa SHowtime. Sabi mo nga sa Showtime kwela siya sa Senado malamang magisa siya.

Oh nahihirapan nga naman daw maidentify yun mga bangkay ... kaya sige dun na lang tayo magidentify sa trabahula. LOL

Hindi naman pwede magmilagro mga pulis natin. Ang pwede lang nila gawin eh magimbestiga sa kaso. Ganun lang naman yun. Kung me kaanak na tetestigo di mapapabilis paghanap ng lead para sa ikakadakip ng mga salarin. Ang importante dito, hindi naman sila tumatanga. KUng mahuli yun salarin, eh di mas konti na lang mangsasalvage.

Ngayon kung mas fool-proof pa dyan gusto mo, maganda kasi dyan mabawasan sana yun mga taong nasasangkot sa anu mang krimen. Kasi kung masasangkot ka dyan, dalawang bagay lang pwede mangyari sayo. Makulong o mapatay ng pulis.... o ng mga kapwa mo din kriminal. Sabi nga lahat naman ng krimen me motibo. At yan naman madalas nagiging dahilan ng salvage.

Para din sa ikakapanatag ng loob mo, me ilang raiding teams na gagamit na ng hitech cam sa gear nila. Kaso di pa ito ganun karami. At me plano na din na gumawa ng reality show tungkol sa paghuli sa mga criminal. OK yan para mas lalo matutukan PNP ng media.

Kay Bato naman. Aba ang sagot ko sa tanong mo ay isang matinding OO! OO naman! Sasayangin lang talaga ni Bato oras nya sa senado at mas importante pa TV guestings na yan. Bakit? Kasi para sa ikakatagumpay ng kampanya hindi pwedeng puro braso gagamitin mo. Kelangan din ng konting carinio sa publiko para suportahan ito, at higit pa dyan hikayatin magtiwala sa PNP. Alam mo kaya yun clearing operations noon sa NPA di nagtatagumpay kasi mismong mga tao galit sa militar. Mabuti yan para hindi mag ala Palparan si Bato.

Yan naman senadong yan, halata na pinupulitika lang talaga ito. Yang coniong senadora na yan nga dapat pa magpaliwanag kung tutuusin. Kung yun mga extra judicial killings na yan ang gusto nya tignan, eh bat di nya imbestigahan yun mismong insidente hindi yun buong organisasyon. Tapos tanungin nya yun mismong officers na nagconduct nung operation. Mas factual yun malalaman nya.

Link to comment

As Filipinos we are bound to love our land. Its the only country we have. First of all we have to accept the fact that Binay,Poe or Roxas did not win the presidency. President Duterte does not have the sole responsibility for the lives of a hundred million Filipinos, we also have to do our part. Being critical of the government but with no actual effort to be part of the solution is just plain annoying. This administration's effort for the past month is refreshing compared to the blame game of the past. We are now witnessing change in gradual proportions. I do feel safer now.

  • Like (+1) 3
Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...