Jump to content

Recommended Posts

 

Ano ka ba naman Jopoc! OA mo naman. naka all caps pa talaga yun NASAN ANG HUSTISYA! kelangan ba palakihin mo ng sobra ng ganyan? I mean kung ikaw yun 17 anyos na yan, alam mong me curfew, alam mong traffic, ano dapat mo gawin? Siguro ayusin mong mabuti schedule mo, agahan mo magcommute. O kaya kung gagabihin ka magpasama ka na sa magulang. O kaya magpasundo. Or kung umabot man sa presinto di pakausap mo magulang mo. Ang dami daming paraan para lusutan ganyang problema tapos ngangawa ka ng huhuhuhuhu Nasan ang hustisya. Hay imbes gamitin konti sintido de kumon nag ad mesericordiam na lang.

 

Alam mo, ano bang sulusyon sa probleman panglipunan ang walang setback? Ang walang opportunity cost? Ang walang cons. Alangan naman lahat na lang yan "pro". Yan iba mong concern kasi, responsibility na ng citizen dapat pano magadjust. Ang tanong lang kasi dyan "does the reward outweigh the risk"

 

Ngayon hindi ko binoto si PNoy, at hindi ko rin sinasabing sobrang sablay sya na presidente. Walang notable na accomplishment administration nya, pero mas naging maigiigi naman kung ikukumpara sa dalawang nakaraan na administrasyon. Kaya ewan ko lang barking at the wrong tree ka ata padi. Kasi ikaw nga dito sobrang kontra ng kontra, ni hindi pa nakakaupong presidente sablay na agad para sayo.

 

OO nga, hindi yun tao kundi yun gawa tinitignan namin. Kaya nga kahit babaero, palamura, butangero sinuportahan pa din ng tao dahil sa mga "nagawa" sa Davao. O di ba ikaw yan din pambenta mo kay Binay? Mga ginawa sa Makati?

 

 

 

c'mon.. pati writing style ko pag iinitan mo..... really, NASAAN ANG HUSTISYA?

sasabihin mo, eh di sorry na lang.... collateral damage ka eh! tama ba yun?

 

 

 

wag mong ipagmalaki na hindi mo binoto si Pnoy... HINALAL NATIN sya.... magkaiba yun.

Link to comment

 

So what is the point of your bantering then? Kung ginagawa ni Duterte ginawa ng ibang pulitiko, na sya rin malamang gagawin ng Binay mo, ano ba ang masyado mong prinoproblema? Kung si Binay ba gawin ito magrereklamo ka din ba ng ganito?

 

Anong klaseng pagbabago ba gusto mo at gaano kabilis mo ito gusto matupad? Hindi pa nga naguumpisa yun papasok na administrasyon sasablay na agad sayo.

 

Dahil lang ba di nanalo ang Binay mo?

 

Pointless bantering na lang ito eh

 

Suma total lang naman, wala ng gagawing mabuti si Duterte! Sablay na lang sya lagi. Di pa nga naguumpisa magtrabaho may conclusion ka na sa kung anong klaseng presidente sya

 

MOVE ON KA NA!

 

talo si Binay.. tanggap ko na yan. he has nothing to do here.

wag mo nang ipagpilitan na isali sya usapan.

stick to the issues. this is about du30 and his policies. not binay.

 

 

 

 

Are you all serious about saying Aguirre as thrash? Lalo ka na coming from a colleague? Where are your RELIABLE and PROVEN basis on saying that? Yung mga minions, dating bata ng Pnoy niyo to nung impeachment ke Corona, ngayon ayaw niyo na kasi nakay Digong na? :lol: :lol:

 

 

 

 

 

hindi naman dahil kay digong sya na ayaw ko sa kanya.

as a fellow lawyer, i give much respect to the judge even if i do not like him/her.

the gimik of aguirre of covering his ears to a judge in an official hearing is very DISRESPECTFUL to the practice of law.

that alone is a no-no.

 

sa ibang courts, subject for disbarment na yan. now you want to have him as the highest official of the justice department?

 

also, anong experience nya sa government service? you are putting someone to head a sensitive government position without any experience sa government service. in fairness to de lima, she was once the CHR chairman. si Agnes devanadera was once the Solicitor General. etc.

 

so ano ang resume ni Aguirre, disgraced private prosecutor in the corona impeachment (he was cited in contempt) and lawyer of hubert webb? eh di wow!

 

 

 

Your very literal. So are you saying na hindi dapat gawin ito ni Digong at hayaan ang LP na kainin sya ng buhay? Kasalanan ba niya na kokonti ang PDP-Laban sa Kamara? Kailangan ito para matupad niya ang CHANGE na hinahanap mo. Teka, anong change nga ba ang hinahanap mo? Please state.

 

akala ko ba ayaw nya sa corrupt? bakit sya dumidikit sa mga known corrupt?
akala ko for a change sya... bakit dumidikit sya sa mga Trapo?
so, you admit that du30 will also do what Pnoy and GMA did when they were still in power. make sure that they remain that way?
Edited by jopoc
Link to comment

 

 

MOVE ON KA NA!

 

talo si Binay.. tanggap ko na yan. he has nothing to do here.

wag mo nang ipagpilitan na isali sya usapan.

stick to the issues. this is about du30 and his policies. not binay.

 

 

 

 

 

hindi naman dahil kay digong sya na ayaw ko sa kanya.

as a fellow lawyer, i give much respect to the judge even if i do not like him/her.

the gimik of aguirre of covering his ears to a judge in an official hearing is very DISRESPECTFUL to the practice of law.

that alone is a no-no.

 

sa ibang courts, subject for disbarment na yan. now you want to have him as the highest official of the justice department?

 

also, anong experience nya sa government service? you are putting someone to head a sensitive government position without any experience sa government service. in fairness to de lima, she was once the CHR chairman. si Agnes devanadera was once the Solicitor General. etc.

 

so ano ang resume ni Aguirre, disgraced private prosecutor in the corona impeachment (he was cited in contempt) and lawyer of hubert webb? eh di wow!

 

 

 

 

akala ko ba ayaw nya sa corrupt? bakit sya dumidikit sa mga known corrupt?
akala ko for a change sya... bakit dumidikit sya sa mga Trapo?
so, you admit that du30 will also do what Pnoy and GMA did when they were still in power. make sure that they remain that way?

 

 

balik tanong ka eh, sagutin mo tanong ko - ANONG CHANGE BA hinahanap mo? Parang perpektong government ang hanap mo eh.

Nuon pa man, time pa nina marcos, uso na ang lipatan. Ganyan ang political scenario natin. Kung gusto mo mabago yan, baguhin mo constitution at gawing 2 party system lang. Nung panahon ni Pnoy, yung 80% ng congressman ng LAKAS CMD lumipat sa LP. Bakit yun nuon hindi issue?

 

ang kulit mo din eh ano, he needs control of CONGRESS, not CONTROL of CONGRESSMEN. hindi mo ba alam difference nun?

Papano niya maiimplement yung mga CHANGE na hinahanap mo kung 3 lang ang PDP laban sa kongreso? eh di lalo ka nag alburuto dyan? tapos sasabihin mo walang ginawa?

 

TULAD NG SINASABI NAMIN NI EDMUND PAULIT ULIT

 

- Anak ng teteng, NI HINDI PA NGA NAKAUPO, eh andami niyo ng CONCLUSION!

ang hilig niyo talaga manghula at magmagaling!!

 

- sige nga, bigyan mo nga ako ng solution mo para makuha ang congress bukod dito?? I am all eyes and ears..

Edited by daphne loves derby
Link to comment

 

 

 

c'mon.. pati writing style ko pag iinitan mo..... really, NASAAN ANG HUSTISYA?

sasabihin mo, eh di sorry na lang.... collateral damage ka eh! tama ba yun?

 

 

 

wag mong ipagmalaki na hindi mo binoto si Pnoy... HINALAL NATIN sya.... magkaiba yun.

 

 

OO ang OA naman kasi nagall caps ka pa. Para naman sobrang di na makatarungan gusto gawin nung tao dahil lang sa napaka-minor na setback na yan.

 

Ngayon tulad ng sabi ko, kung ikaw nasa sitwasyon na yan at alam mong me curfew for minors, marami ka naman pwedeng gawing hakbang para huwag ka masita ng pulis di ba? Responsibility mo na lang yun. At kung di mo gagamitin konti utak mo, eh di sorry ka na lang nga talaga. Pambihira UP student pa binigay mong example.

 

Alam mo parekoy, lumaki tayo sa parehong lugar at halos di naman nagkakalayo ata edad natin. Malamang alam mo yun mga problema sa lugar natin sa mga Frat/gang. Hangang ngayon usong uso mga yan. Yun ilang barkada ko nga napasali dyan at me nasaksak pa

 

Tungkol naman kay PNoy, hindi ako makakapagsalita for the rest siguro. Para sakin, passable naman yun term nya. OO hindi gaano ramdam yun asenso pero way better than the past 2. Tsaka kung tao naman tatanungin, OO kinaiinisan sa ilang bagay (sinong presidente ba hindi) pero hindi naman talaga nagkaroon ng seryosong hakbang taong bayan na alisin sya sa pwesto di ba?

Link to comment

Good point Edmund- na walang serious na movement na ipatanggla si Pinoy. I think kahit may mga nagsasalita na ayaw sa kanya etc, wala talagang strong movement to kick him out, which means kahit papano may nagawa naman siyang tama. Kahit di pa ramdam sa gilid ang improvement, aabot din yan ituloy tuloy lang ni duterte ang economic programs.

 

Erap should always go down as the worst ever! Ito talaga yun wala na ngang napala bansa sa kanya dahil sa kabobohan, nagnanakaw pa. Madaming magandang nagawa na sana para sa ekonomiya si Ramos. SInira lang ng bobong ito! Worst of all, imbes pagkaisahin bansa isa itong presidente na pinatindi away ng mayayaman at mahihirap sa paraang makikinabang sya.

 

Si GMA maraming kontrobersyang kinasangkutan pero at least BPO, Philhealth, RORO, yun automated elections ay credited sa kanya kahit papano

 

PNOy.... well Ok lang, Hindi magaling na presidente para sakin pero hindi naman sing engot ni Erap

Link to comment

 

 

MOVE ON KA NA!

 

talo si Binay.. tanggap ko na yan. he has nothing to do here.

wag mo nang ipagpilitan na isali sya usapan.

stick to the issues. this is about du30 and his policies. not binay.

 

 

Eh ikaw itong parang bitter at di makamove on dahil si Duterte nanalo. Kung si Binay kasi malamang naupo sa pwesto I wonder kung ganito ka din kalakas magreklamo.

 

Hindi pa nakakapanumpa yun tao, conclusive ka na na wala tayong aasahang pagbabago, at di na sya magiging magaling na presidente.

Link to comment

 

 

OO ang OA naman kasi nagall caps ka pa. Para naman sobrang di na makatarungan gusto gawin nung tao dahil lang sa napaka-minor na setback na yan.

 

Ngayon tulad ng sabi ko, kung ikaw nasa sitwasyon na yan at alam mong me curfew for minors, marami ka naman pwedeng gawing hakbang para huwag ka masita ng pulis di ba? Responsibility mo na lang yun. At kung di mo gagamitin konti utak mo, eh di sorry ka na lang nga talaga. Pambihira UP student pa binigay mong example.

 

Alam mo parekoy, lumaki tayo sa parehong lugar at halos di naman nagkakalayo ata edad natin. Malamang alam mo yun mga problema sa lugar natin sa mga Frat/gang. Hangang ngayon usong uso mga yan. Yun ilang barkada ko nga napasali dyan at me nasaksak pa

 

Tungkol naman kay PNoy, hindi ako makakapagsalita for the rest siguro. Para sakin, passable naman yun term nya. OO hindi gaano ramdam yun asenso pero way better than the past 2. Tsaka kung tao naman tatanungin, OO kinaiinisan sa ilang bagay (sinong presidente ba hindi) pero hindi naman talaga nagkaroon ng seryosong hakbang taong bayan na alisin sya sa pwesto di ba?

 

 

UP student example ko kasi galing ako dun. and most of the time ginagabi ako when i was still studying there.

hindi naman solution ang curfew.... it is a LAZY policy of the government whose job is to maintain a peaceful environment.

you cannot assure peace by imposing curfew sa minors! dapat ang bawat tao SAFE to move.

 

kaya nagpapa curfew si duterte sa davao kasi HINDI NYA MAAYOS ANG PEACE AND ORDER DUN.

kung kaya nyang gawing safe ang davao, o ang pinas, eh di what is the need of a curfew?

 

korek?

 

 

 

 

Itago na muna natin ang mga relevant topics hanggang sa lumamig ang nga ulo natin. :rolleyes: Habang tinitingnan ko pa kung sino ang pwede magbakasyon sa inyo ng isang buwan.

 

 

madam mod, korni pag walang sagutan..... yung mga mainit lang ang ulo mga pikon.... bawal ang pikon dapat dito.

Link to comment

 

 

UP student example ko kasi galing ako dun. and most of the time ginagabi ako when i was still studying there.

hindi naman solution ang curfew.... it is a LAZY policy of the government whose job is to maintain a peaceful environment.

you cannot assure peace by imposing curfew sa minors! dapat ang bawat tao SAFE to move.

 

kaya nagpapa curfew si duterte sa davao kasi HINDI NYA MAAYOS ANG PEACE AND ORDER DUN.

kung kaya nyang gawing safe ang davao, o ang pinas, eh di what is the need of a curfew?

 

korek?

 

O bakit? Dun din naman ako galing ah. Me curfew din kaya ilang dorms sa Diliman i.e Sampaguita at tsaka Sanggumay. Yun ngang sanggumay puro gurang na nandyan ha. Tsaka last kong dalaw sa Diliman alam ko me mga tanod na na rumoronda sa sunken. So kahit sa mismong campus me curfew measures na din pala.

 

Ang punto ko, kung estudyante ka pa man din ng UP at ginagamit mo ng konti utak mo, marami kang maiisip na paraan. Responsibility mo na yun. Kung kulang yun mga nasabi ko, bakit hindi ka maki-crash sa kaklase mo na malapit lang ang tinitirhan. O kaya within campus alam ko me mga dorm dyan na pwede transient. Sa ipil noon 50 pesos lang ata overnight.

 

Masyado kasi minor yan setback na iniisip mo to dismiss the whole idea and conclude that it is lazy. Yes it will not solve everything (sino ba me sabi nun?), but it will greatly help. Look at the bigger picture. Pano yun mga solvent boys na pagala gala? Pano yun mga tumatakas sa kanila kasi binubugbug ng tatay o kaya nire-rape pa. At kung intention ng policy na ito i-question magulang, eh di maganda din yan. Malay natin kaya pala pinababayaan gumala anak kasi high sa shabu parehong magulang.

 

 

Ma'am Fluer, ok kami nito ni Jopoc, madalas naman kami nyan magsagutan way back nung heydays pa ng MTC. Nagmellow na naman kami eh

  • Like (+1) 1
Link to comment

 

Eh ikaw itong parang bitter at di makamove on dahil si Duterte nanalo. Kung si Binay kasi malamang naupo sa pwesto I wonder kung ganito ka din kalakas magreklamo.

 

Hindi pa nakakapanumpa yun tao, conclusive ka na na wala tayong aasahang pagbabago, at di na sya magiging magaling na presidente.

 

 

ako, bitter? nah! matagal na ako sa poltics... i won some, i lost some... and bitterness is not in my blood..

 

just focus on the issues, not on me

 

 

 

 

 

 

ang kulit mo din eh ano, he needs control of CONGRESS, not CONTROL of CONGRESSMEN. hindi mo ba alam difference nun?

Papano niya maiimplement yung mga CHANGE na hinahanap mo kung 3 lang ang PDP laban sa kongreso? eh di lalo ka nag alburuto dyan? tapos sasabihin mo walang ginawa?

 

 

 

so you are saying trapo moves muna sya para to stay in power, righT?

Link to comment

 

eh anong point ba para pagbawal mga menor?

dahil ba sa marami kriminal o dahil iniisip nila magiging kriminal mga ito?

 

Magandang tanong yan. Ang sagot dyan ay napakabasic. Una paraan ito ng pagdidisiplina, at higit pa dyan para protektahan ang mga menor de edad din.

 

DISIPLINA

 

Kung ikaw ba magulang hahayaan mo ba yun teenager mong anak na gumala na lang ng basta kahit disoras na ng gabi? Lalo kung babae pa? Kahit ba college na di ba? Magaalala ka pa din pag di nakauwi sa usual na oras anak mo, parang dun sa isang bigla na lang nawala na UP student. Yun maraming kilala ko na hinahayaan lang ng magulang, napapariwara buhay. Yun iba natuto magbisyo, yun iba sumama sa ngang, me nabuntis at nakabuntis pa, at di malayong maging kriminal din sila mismo.

 

Protection

 

Alam natin mas maraming gumagawa ng krimen sa gabi at madali biktimahin ang bata. Bukod pa dyan, ang daming impluwensya sa labas na pwedeng mapariwara sila. With less victims to prey on, its easier to frustrate criminals. Especially yun juvenille

 

OO hindi naman ito dapat yun final solution. Kung magiging tamad din naman hulihin mga totoong kriminal maski ako magrereklamo. Pero para sakin magandang hakbang ito na malaki maitutulong. Yun setback na inisip mo eh napakaminor para sabihin wala itong kwenta.

  • Like (+1) 1
Link to comment

 

 

ako, bitter? nah! matagal na ako sa poltics... i won some, i lost some... and bitterness is not in my blood..

 

just focus on the issues, not on me

 

I don't have an issue on you on a personal note, you know that. Its your attitude towards the person that I am being particular.

 

Sabi nga, "Do not make a chili out of single bean". Yun mga "issues" mo kasi sa tao I feel na masyado mo naman pinalalaki. Moreover kung susumahin namin sinasabi mo, walang pagbabago aasahan ke Duterte, at sablay syang presidente. Eh ni hindi pa nakakaupo yun tao di ba?

 

Kaya ko nga tinatanong sayo, ito ba kelangan asahan na namin dito? Sa loob ng 6 na taon wala ng magiging magandang ginawa yun tao?

Link to comment

 

Di na pwede ngayon yung ginawa ni FM noong 1972.

 

I am not a lawyer, but I know this cannot happen under the current Constitution. The president can only declare Martial Law for a limited time (60 days?), subject to approval by congress within 48 hours of proclamation. The congress may vote to reject the proclamation, or in the same manner, opt vote to extend its period.

 

How can the president work without Congress if it is the Congress who will decide whether or not to allow the implementation or the continuation of martial law?

 

Read the 1987 Constitution first before you take seriously any of Duterte's jokes.

Pards don't think inside the box, hindi na nga puwede sa constitution, pero hawak ng presidente ang PNP at AFP. ako din di abogado pero tatay ko abogado kaya kinonsulta ko sya regarding this, sabi nya sakin ganito "Kung ang presidente dahil hawak nya ang PNP at AFP mag utos lang siya sa kanila, kunyare may gulo sa bawat area (ito ay pakana ng presidente para may reason sya mag utos ng mga pulis at AFP), may rebelled group nakapasok etc and so on, puwede nyang utusan ang mga AFP at PULIS na idisperse sa bawat area na gusto nya dahil sya ang commander in chief walang magagawa ang mga sundalo at pulis dahil utos yun ng sa pinakataas, ngayon magkakaroon ng constitutional crisis, dahil dito mapipilitan siyang ilatag ang martial law, which is kahit ipag bawal ng congreso ano magagawa nila? sino ba ang may hawak ng PNP at AFP? congreso ba?" thats my point pero huwag naman sana mangyare sa ganyan kaya nga may plano yan si digong madami na tumalon ng bakod galing sa LP pero nakikiusap etong si belmonte na puwede sila tumalon ng bakod pero huwag maging PDP LABAN.

Edited by pelvic punisher
Link to comment

Duterte is wasting precious political capital going against the Catholic Church.

 

Now is not the time to engage in bickering with the Church on such a relatively trivial issue as family planning. There are more pressing issues such as job creation.

 

He still has to form his cabinet, he should focus on that.

Wasting na ano? di pa nga siya nakakaupo eh ano sinasayang nya na oras, sipag pa nga eh too early pa imbis pahinga pa nga dapat pero nag latag na sya ng mga gusto niyang ipa implement. Nag back fire lang siya sa mga obispo dati pa siya neto tintitra, nasa democracy tayo. Realist sya reality ang sinasabi nya sa mga pari wag silang hypocrito at nagmamagaling. Seperation of state and church dapat. VATICAN nga pabor sa death penalty eh.

Edited by pelvic punisher
Link to comment

Wasting na ano? di pa nga siya nakakaupo eh ano sinasayang nya na oras, sipag pa nga eh too early pa imbis pahinga pa nga dapat pero nag latag na sya ng mga gusto niyang ipa implement. Nag back fire lang siya sa mga obispo dati pa siya neto tintitra, nasa democracy tayo. Realist sya reality ang sinasabi nya sa mga pari wag silang hypocrito at nagmamagaling. Seperation of state and church dapat. VACC pala di vatican my bad.

Edited by pelvic punisher
Link to comment

 

hindi naman "to stay in power" ang aim sa pagkuha ng support ng buong congress. kampanya pa lang sinasabi na. the main aim is FEDERALISM

 

 

wala ata akong narinig kay digong na sinabi na pag federal system na tayo eh aalis sya sa pwesto..... please show me kung meron. ty

 

 

 

 

I don't have an issue on you on a personal note, you know that. Its your attitude towards the person that I am being particular.

 

Sabi nga, "Do not make a chili out of single bean". Yun mga "issues" mo kasi sa tao I feel na masyado mo naman pinalalaki. Moreover kung susumahin namin sinasabi mo, walang pagbabago aasahan ke Duterte, at sablay syang presidente. Eh ni hindi pa nakakaupo yun tao di ba?

 

Kaya ko nga tinatanong sayo, ito ba kelangan asahan na namin dito? Sa loob ng 6 na taon wala ng magiging magandang ginawa yun tao?

 

 

its not against digong as a person, it is against his decision.

kung maganda ang decision nya, suporta ako.

Link to comment

 

its not against digong as a person, it is against his decision.

kung maganda ang decision nya, suporta ako.

 

In that case, hold those conclusions muna. Hindi pa nga nakakaupo di ba? I mean being a critic is one thing and being an antagonist is another thing. Pabayaan mo muna magtrabaho yun tao bago mo sabihin na wala syang pagbabago na maibibigay.

 

Ako kita mo naman hindi ko dinidyos tao. Ni hindi ko inaasahan na di sya sasablay. Sinong presidente ba ang hindi sumablay? Kahit nga yun pinakamatalino sumablay din.

Link to comment

Wasting na ano? di pa nga siya nakakaupo eh ano sinasayang nya na oras, sipag pa nga eh too early pa imbis pahinga pa nga dapat pero nag latag na sya ng mga gusto niyang ipa implement. Nag back fire lang siya sa mga obispo dati pa siya neto tintitra, nasa democracy tayo. Realist sya reality ang sinasabi nya sa mga pari wag silang hypocrito at nagmamagaling. Seperation of state and church dapat. VATICAN nga pabor sa death penalty eh.

 

He is wasting precious political capital bickering with the church.

 

Your reply does not show if you really understand what political capital means.

 

Duterte should know how to choose where political capital should be spent, how to time its use for maximum effect.

 

 

You, on your part, should read up on what political capital means. Hint: it is neither a "democracy" or "hypocrisy" issue.

Edited by camiar
Link to comment

 

Magandang tanong yan. Ang sagot dyan ay napakabasic. Una paraan ito ng pagdidisiplina, at higit pa dyan para protektahan ang mga menor de edad din.

 

DISIPLINA

 

Kung ikaw ba magulang hahayaan mo ba yun teenager mong anak na gumala na lang ng basta kahit disoras na ng gabi? Lalo kung babae pa? Kahit ba college na di ba? Magaalala ka pa din pag di nakauwi sa usual na oras anak mo, parang dun sa isang bigla na lang nawala na UP student. Yun maraming kilala ko na hinahayaan lang ng magulang, napapariwara buhay. Yun iba natuto magbisyo, yun iba sumama sa ngang, me nabuntis at nakabuntis pa, at di malayong maging kriminal din sila mismo.

 

 

 

kung safe naman, bakit hindi?

kung alam kong safe ang lugar, papayagan kong gabihin ang mga anak ko kung me tamang dahilan..

 

 

 

 

 

Protection

Alam natin mas maraming gumagawa ng krimen sa gabi at madali biktimahin ang bata. Bukod pa dyan, ang daming impluwensya sa labas na pwedeng mapariwara sila. With less victims to prey on, its easier to frustrate criminals. Especially yun juvenille

OO hindi naman ito dapat yun final solution. Kung magiging tamad din naman hulihin mga totoong kriminal maski ako magrereklamo. Pero para sakin magandang hakbang ito na malaki maitutulong. Yun setback na inisip mo eh napakaminor para sabihin wala itong kwenta.

 

 

kung safe ulit ang lugar, why worry?

 

 

tingnan mo lang ang mga safest cities in the world, at malalaman mong wala sinuman dyan ang may CURFEW.

 

http://www.businessinsider.com/the-20-safest-cities-in-the-world-2015-1

 

 

point is, kung maayos ang pamamalakad ng gobyerno, no need ng curfew/

Link to comment

 

kung safe naman, bakit hindi?

kung alam kong safe ang lugar, papayagan kong gabihin ang mga anak ko kung me tamang dahilan..

 

 

 

 

 

kung safe ulit ang lugar, why worry?

 

 

tingnan mo lang ang mga safest cities in the world, at malalaman mong wala sinuman dyan ang may CURFEW.

 

http://www.businessinsider.com/the-20-safest-cities-in-the-world-2015-1

 

 

point is, kung maayos ang pamamalakad ng gobyerno, no need ng curfew/

The problem is, it is not safe... If it is, e di dapat walang news regarding rape, minors getting drunk and recently, the pasay drugs on concert incident... There is a big deal on lack of discipline in the first place... If it is safe, then the measures on curfew is not needed and will not be suggested in the first place...

Link to comment

 

kung safe naman, bakit hindi?

kung alam kong safe ang lugar, papayagan kong gabihin ang mga anak ko kung me tamang dahilan..

 

 

Ayun naman pala, KUNG me TAMANG dahilan (ako naman nagall caps lol). O ilang tamang dahilan ba maiisip mo? Hindi naman yan pwede magtrabaho ng graveyard shift, lalong bawal din yan sa gimikan. Siguro naman hindi naman "tamang" dahilan yun dahil gusto nya lang sumama sa barkada. Alangan naman di mo yan pauwiin para gawin homework nyan.

 

Kung me extra curricular man, eh di mo man lang ba susunduin na lang kung gabihin pa? Importante sa mga lumalaking bata ang disiplina. Tulad ng sabi ko, marami sa mga kaibigan ko nung teenager ako napariwara dahil pinababayaan lang ng magulang.

 

 

 

kung safe ulit ang lugar, why worry?

 

 

tingnan mo lang ang mga safest cities in the world, at malalaman mong wala sinuman dyan ang may CURFEW.

 

http://www.businessinsider.com/the-20-safest-cities-in-the-world-2015-1

 

 

point is, kung maayos ang pamamalakad ng gobyerno, no need ng curfew/

 

 

Yun naman pala, gusto mo maensure na safe yun lugar! Isn't it a good measure na pauuwiin mo na sa bahay yun mga taong wala naman talagang "tamang" dahilan para gumala sa kalye ng gabi? Minors pinaguusapan natin dito. And siguro naman hindi mo naman dedebatehin na ang menor de edad pag disoras na ng gabi dapat lang naman nasa bahay na. Kasi yun nga, kung wala ka naman "tamang" dahilan, eh baka gumawa pa ng katarantaduhan yan. Mapabisyo pa yan, o kaya makabuntis at mabuntis.

 

Tsaka without potential victims to prey on, its easier to frustrate Criminals. Look at it this way, hindi ba isa nga itong paraan ng pagpro-protekta ng estado sa mga maaring mabiktima? So me tamang pamamalakad na ginagawa di ba? hindi ko maintindihan bakit mariin mo itong tinututulan samantalang tama lang naman na hindi pagala gala mga bata pag disoras ng gabi.

 

Yan mga nabanggit na bansa dyan isang critical factor meron sila is disiplina. Kaya kelangan maginstill tayo ng konting disiplina sa mamamayan natin. Iba iba naman kultura ng disiplina bawat lipunan eh, sometimes evolution din yan, kelangan sa umpisa koting higpit muna i.e. singapore

Link to comment

The problem is, it is not safe... If it is, e di dapat walang news regarding rape, minors getting drunk and recently, the pasay drugs on concert incident... There is a big deal on lack of discipline in the first place... If it is safe, then the measures on curfew is not needed and will not be suggested in the first place...

 

Actually hindi naman bago ang concept ng curfew for minors na yan. It is given that if you are a minor you have no business staying out late. You should be home! Part yan ng rearing sa bata eh.

 

Sa ilang states sa US pag nakita ng rumorondang pulis mga menor de edad na pagala gala tatanungin din yan at minsan hihingian pa ng ID (depende sa state).

 

Kapitbahay mo na lang, makita mo naglalaro pa gabing gabi na, minsan sasabihin mo na umuwi na di ba?

 

At kung kasama naman magulang, hindi ka naman sisitahin ng pulis dyan.

 

Wala akong nakikitang napakaobjectionable sa panukala na ito

  • Like (+1) 1
Link to comment

I do believe meron ginagawang milagro ang LP but not Leni. Putting back Marcos in power ay sampal para sa mga Aquino. Ang mga Comelec Comm. naman nabibili mga yan maski noon pa. Diyan nga yumaman si Brillantes as a lawyer for candidates and as a commissioner. Its very easy to access a server if you have I.T. people within to do the job. A script can be done in seconds. Ang mahalaga ay dapat may 3rd party I.T company that will audit all the logs in the server.

Link to comment

Yun na nga! At least madaming nagawa yun tao. Nakinabang bansa kahit papano. Eh si Erap ano bang notable accomplishment ng administration nya maliban sa gyera sa mindanao? Do not even tell me "dalawang taon lang kasi sya". Yun na nga eh! Dalawang taon ka pa lang nakaupo sobrang palpak na administrasyon mo talagang gusto ka na palayasin sa pwesto mo!

 

Para sakin, overly demonized si Marcos. Convenient escape goat sya lagi eh. Kahit nga yun sinasabing "darkest times of the Philippines" ay isang napakalaking kalokohan. OA! Sige nga, san mo mas gusto mabuhay? Nung WWII? O Nung panahon ni Marcos?

Yan ang hirap sa inyo ... Pinagpipilitan ninyo tingnan lang ang kabutihang nagawa pero yun mga kawalanghiyaan eh isinaiisantabi ninyo.

 

Wag na natin pagusapan na escape goat siya... Just compare where the philippines to its neighbors nun magumbisa si makoy at nun napatalsik. Bakit tayo napagiwanan ng Japan at Singapore by 1986?

 

Tulad ng sinabi ko yun mga negosyante at may pera nun panahon ni marcos puros dollar ang binibili at inilalabas ang kanilang pera sa takot.

 

Yun interest rate na 40% to 50% noong panahong iyon totoo at hindi kathang isip lamang tapos sasabihin mong overly demonized? O sige kaninong administrasyon ang ganoong kataan ang interest rate dahil sa sobrang kaguluhan ng bansa.

Edited by rooster69ph
Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...