Jump to content

Annulment 101

Zorro

Recommended Posts

sabi nga ni redblack, legal separation only allows you to live separately from your spouse, but the marriage bond is not severed. sa madaling salita, kasal pa rin kayo sa isa't-isa - mabisa pa rin ang kasal nyo, yun nga lang, pwede na kayong di magsama.

kung humihingi ka ng legal separation, ito ay pag-amin na walang diperensya ang kasal nyo, na ito ay mabisa - kaya nga, imbes na hingiin mo na ipawalang-bisa ito, ang hinihingi mo na lang ay payagan ka ng hukuman na hindi na makisama sa asawa mo.

best advise - yung sabi ni redblack, mag-ipon ka na lang para mai-raise mo yung amount na kailangan para sa kaso na "declaration of nullity" ng kasal mo.

care to expound on this statement sir??? and what's your best advise??

our lawyer, in my assesment is not too bright (hence, the cheap rates she offers us) so i am compelled not to ask some opinions regarding this...

thanks so much in advance sir....

:)

Link to comment

hindi mo na maipapawalang-bisa yung kasal mo kung ang pagbabasehan mo ay ang kawalan ng consent ng magulang mo ng ikaw ay magpakasal.

oo nga at ito ay ground upang ipawalang-bisa ang isang kasal, pero ito ay dapat isampa sa loob ng limang taon mula ng ikaw ay naging 21. ayun na rin sa kwento mo, 20 years old ka nung 1999, ibig sabihin naging 21 ka nung 2000. Hanggang 2005 ka lang pwedeng magsampa ng kaso para sa ground na ito. dahil 2010 na, paso na ang kaso.

pero ikaw na rin ang nagsabi na fixer ang naglakad ng papeles mo. tingnan mo ang iyong marriage certificate - sa dulo nito ay may bahagi na nagsasabing "Marriage License". tingnan mo kung anong numero ng lisensya at kung saang lugar ito na-issue. puntahan mo ang Civil Registrar ng lugar na nag-issue ng marriage license at magtanong ka dun kung meron ngang ganung marriage license (may mga fixer kasi nung 90's na gumagamit ng fake na marriage license). pag sinabi ng Civil Registrar dun na walang marriage license na na-issue sa pangalan mo at nung asawa mo, maswerte ka, at walang-bisa ang kasal mo mula sa simula - punta na sa abugado para maihain agad ang kaso. pero alalahanin mo na ito ay suntok sa buwan, kapag may ganun ngang marriage license, ang option mo na lang ay ipa-walang bisa ang kasal mo sa ilalim ng Art. 36 ng Family Code - na "psychologically incapacitated" ang asawa mo.

good luck.

Sir, What would be the probability or chances of my marriage to be null and void kung ganito po ang nangyari.

1) Nagpakasal po kmi sa Manila City Hall pero hindi dumaan sa tamang proseso. May fixer po kc pero may nagkasal sa amin doon.

2) Wla po yung parents ko and kailangan nila ng written parents consent because Im only 20 years old(male) and my wife is 25. Dpo alam sa amin to. So ginawa po nila dinaya na lang po yung written parents consent na ako po ang nag sign.

3) Nagtaka rin po ako dhil sabi nung employee don na sa Caloocan City Hall daw namin makukuha marriage contract kc mahigpit daw po don sa MCH at that time. Sa manila ako nagpakasal pero sa caloocan ang marriage contract ko.

4) 1999 pa po kami kasal and valid po ang kasal kc naka registered po sa NSO.

I want to know the chances kc po sayang naman po yung magagastos ko kung wla naman pong mangyayari...

Thanks in advance...

Link to comment
  • 4 weeks later...

Hi to all!

my wife and i been separated for over 9 years, just a year after my wife gave birth to our daughter we decide to live separately for the very reason of irreconcilable compatibility. My wife's lawyer ask me to sign a certain agreement and agreed to live separately.

We still have communication, because i am supporting my daughter.

Last year my wife having an affair to another guy and got pregnant, recently she give birth.

I decide to file an anullment. what should i do?

thanks

Edited by ajucas
Link to comment

maghanda ng pera, tapos, maghanap ng abugado.

P.S. malamang sa hinde, hindi ka makakapagfile ng adultery case laban sa asawa mo dahil dun sa pinirmahan mong agreement 9 years ago.

sa ilalim ng batas, ang maaari lamang magsampa ng adultery ay ang "napinsalang asawa".

kapag may parte dun sa agreement na pinirmahan mo na nagsasabi na pumapayag ka na ang bawat isa sa inyo ay maaaring magkaroon ng bagong partner, ito patunay na pumayag ka na makisama siya sa ibang lalake, kung kaya't walang pinsala sa yo ang pakikisama niya sa iba.

Hi to all!

my wife and i been separated for over 9 years, just a year after my wife gave birth to our daughter we decide to live separately for the very reason of irreconcilable compatibility. My wife's lawyer ask me to sign a certain agreement and agreed to live separately.

We still have communication, because i am supporting my daughter.

Last year my wife having an affair to another guy and got pregnant, recently she give birth.

I decide to file an anullment. what should i do?

thanks

Link to comment
  • 2 weeks later...

Question: What if wala pang funds para sa legel sep or annulment, ano pong ibang way para maayos na hiwalayan?

well, just make a verbal agreement with your wife na no court cases that needs to be filed and if you have children, try to work out a schedule so that the needs of the child are met (spending time with the child)

also, try to settle your finances with the ex...that's what i did....she got my wedding ring, pawned it...hahahahaah

Thanks bro...

Link to comment
  • 2 weeks later...

Dude, the fact that both parties are already cohabitating with other peoplke does not make their petition for annulment stronger or weaker. The usual ground is psychological incapacity at the time of the celebration of the marriage.

I got confuse here... "The usual ground is psychological incapacity".

How do we determine this?

Link to comment

kapag walang ibang depekto ang kasal mo, i.e. nasa edad kayo, may lisensya, may seremonyas, etc. etc., at gusto mong ipa-walang bisa ang kasal mo (for a variety of reasons, most of which boils down to either not being able to stand each other anymore, or because you have somebody else already), ang maari mo na lang magamit ay "psychological incapacity" either ng asawa mo o ng pareho sa inyo.

kukuha ka o abugado mo ang kukuha ng expert para patunayan ito. ang expert ay isang psychiatrist o psychologist at magsasagawa siya ng mga personality test para malaman kung may psychological disorder nga ang isa sa inyo (siyempre, dahil binabayran mo yung psychiatrist, lalabas talaga na may diperensya ang isa sa inyo). ang resulta ng mga test na ito ang ihaharap ninyo ng abugado mo sa husgado para ipawalang bisa ang kasal mo

I got confuse here... "The usual ground is psychological incapacity".

How do we determine this?

Link to comment
  • 2 weeks later...

Good pm guys! Sana matulungan niyo po ako sa kaso ko, eto po story:

Naging kami po ng 1 1/2 years then nun makikipaghiwalay na ko, nalaman ko po buntis siya..

Naawa naman po ako sa magiging anak ko at pinanagutan ko at nalaman na ng magulang niya, sabi po namin pag graduate na po magpapakasal, pero gusto ng

magulang niya ikasal na, so nasunod ang parents niya.. 20 years old na ako at 19 naman po siya nun..

Sa cityhall lang po kame kinasal, so last feb po ay nagkalabuan na kami.. Pero di pa po kami nagsamasa isang bahay, pag weekend lang po siya sumasama sa bahay namin

at kung may mga matagal ba vacation sa school..

23 na po ako ngayon.. Mula feb ay di na sila nagstay samin pag week end..

Ang problema din po kasi ay pinagbabawalan po ako lumabas kasama ang kaibigan ko at nanay niya ang nasusunod kung saan kami magpapasko..

Ngayon naman tuwing sasabihin ko na ipapasyal ko ang bata ay sinasabi niya sa nanay niya magpaalam..anu po ba ang chance ko mavoid ang kasal namin? Annulment?

Salamat po ng marami!

Link to comment

check mo yung lisensyang ginamit sa kasal nyo, kung merong lisensya, ang pag-asa mo na lang ay ipawalang bisa ang kasal mo sa pamamagitan ng Art 36 ng Family Code (psychological incapacity). medyo malaki ang kakailanganin mong pera para dito.

Good pm guys! Sana matulungan niyo po ako sa kaso ko, eto po story:

Naging kami po ng 1 1/2 years then nun makikipaghiwalay na ko, nalaman ko po buntis siya..

Naawa naman po ako sa magiging anak ko at pinanagutan ko at nalaman na ng magulang niya, sabi po namin pag graduate na po magpapakasal, pero gusto ng

magulang niya ikasal na, so nasunod ang parents niya.. 20 years old na ako at 19 naman po siya nun..

Sa cityhall lang po kame kinasal, so last feb po ay nagkalabuan na kami.. Pero di pa po kami nagsamasa isang bahay, pag weekend lang po siya sumasama sa bahay namin

at kung may mga matagal ba vacation sa school..

23 na po ako ngayon.. Mula feb ay di na sila nagstay samin pag week end..

Ang problema din po kasi ay pinagbabawalan po ako lumabas kasama ang kaibigan ko at nanay niya ang nasusunod kung saan kami magpapasko..

Ngayon naman tuwing sasabihin ko na ipapasyal ko ang bata ay sinasabi niya sa nanay niya magpaalam..anu po ba ang chance ko mavoid ang kasal namin? Annulment?

Salamat po ng marami!

Link to comment

dahil sa City Hall lang kayo ikinasal, maaaring sa fixer lang ito. Rarely, may fixer na fake na license ang ginagamit.

tingnan mo ang Certificate of Marriage mo, sa dulo nun (bandang kaliwa) nakalagay ang marriage license no. at Civil Registrar na nag-issue nung license.

puntahan mo ang Civil Registrar na yun at magtanong dun tungkol sa marriage license mo. Kung meron, talagang psychological incap. na lang ang pag-asa mo. kung wala, o di-kaya'y sa ibang tao naka-issue, maswertye ka at mas madaling mapawalang-bisa ang kasal mo. Either way, mangangailangan ka ng serbisyo ng abugado para maihain ang petisyon mo para maideklarang walang-bisa kasal mo.

Pano ko po machecheck? San po pwede?

maraming salamat po

Link to comment
  • 2 weeks later...

Good Day po sa ating mga legal experts. Question po -

1. May nakausap kasi ako sa NSO na kaya nya hugutin ang papel pra mawala ang records, I mean how secure po ba ito? - Follow up, and if case na totoo sya, it means na wala na pde katibayan pra sa naunang kasal? at kung mag apply ako ng singleness certificate ay madali na

2. May nag advise sa akin na instead of annulment ay mag file na lang ako ng patay na asawa ko at i dyaryo sa iabng lugar, since ung asawa ko ay willing naman ma void un kasal, ang tanong dito is ma void ba ung court decision if un asawa ko ay let say after 5 years ay gusto ulit pakasal, ibig sabhin lalabas na buhay pa pala sya? medyo nahihirapan kasi ko kung ano consequence

3. Ano po ba proceso ng annulment na di mo na kailangan ng personal appearance since nasa ibang bansa ka? much expensive po ba? and possible din ba na ifile ang annulment petition sa ibang lugar let say visay or mindanao area even na taga NCR ka?

4. And, last but not the least. Since, both party agreed and di kasi ko nagtatagal sa pinas. Gumawa na lng kami kasulatan na kusang loob kami naghiwalay at wala sya habol sa mga naipundar ko provided na ako lahat sasagot sa mga gastusin ng bata. Pde po ba na maging evidence ito incase bgla sya gumwa ng storya?

Maraming salamat po

Link to comment
  • 1 month later...

dang, who's giving you advice? do it the right way. you may be able to get away with it and get married but you're leaving yourself wide open for future litigation.

Link to comment

sir,

can you elaborate what's the meaning of all in packages?? does it mean the psychological tests payments are included in the package??

thanks so much....

:)

yup. some firms have psychiatrists "on call". the "package" will cover all expenses and legal fees.

incidentally, the estimate is for a Metro Manila case with Metro Manila lawyers.

Edited by moridins79
Link to comment

I don't know if this is the right thread

mga bro

kasi may problema ang pamangkin ko na babae

ganito yun.

kasal sila at may 1 anak na mag 4 yrs/ old na

ang mister ng pamangkin ko ay nagkaroon ng kulasisi na ka opismeyt niya

sasabihin ko na kung saan nag-work ang lalake at kulasisi sa FEU IT dept.

para malaman baka kilala niyo kasi para malaman niyo ang kalawanghiyaan ng lalake

ang pamangkin ko ay di siya nag-work.

ngayon nahuli ng pamangkin ko ang mister niya ay may iba ngang ka-relasyon

ngayon ay hiwalay na sila ng pamangkin ko.

nag-usap sila tungkol na lang na sustentuhan na lang ang anak nila

bale ang napag usapan ay bibigyan ng Php8k kada sahod ang anak nila.

pero unang bigay pa lang ay Php3k lsng sng bigay at sabi ng lalake ay kung ano

lang ang kaya niyang bigay yun ang ang mabibigay niya.

ang kinakatakot ko ay mag-abroad na ang lalake at hindi na mabigyan ng suporta ang bata.

at mawlan ng sustento ang bata at wala naman work ang pamangkin ko

kanino po ba ako pwede lumapit para matulungan ko ang pamangkin ko

or mabigyan man lang ng hold-order ang lalake para di makapag-abroad

baka mayron kayong kilala na abugado na matulungan ang pamangkin ko

walang-wla talaga ang pamangkin ko

sana po ay may makatulong sa pamangkin ko

thnx

god bless

Link to comment

Infidelity - not grounds for Annulment

Na-post na ito before ng mga experts dito

Child Support - she can file a case against the good-for-nothing husband

- but before, pwede nya kausapin ung office/pinapasukan ng mister nya

- idaan ang usapan sa Barangay ang usapin nila tungkol sa supporta

ganito yun.

ngayon nahuli ng pamangkin ko ang mister niya ay may iba ngang ka-relasyon

ngayon ay hiwalay na sila ng pamangkin ko.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...