Jump to content

Annulment 101


Zorro

Recommended Posts

pwede ba gawin ground for anulment yun sinabi lang at nadinig ng mga anak namin...what i mean is yun nakita ng anak ko may ka chat at sinabi sa anak ko may xota na xa...pwede ko b gawin ground yun for annulment?

 

Simply having a girlfriend/boyfriend is not a ground for annulment unless you can prove it is a symptom of a deeper psychological condition (i.e. psychological incapacity).

Link to comment

may question lang ako, sana may sumagot :)

 

may gf kasi ako ngayon na hiwalay sa asawa for more than a year na.

 

ang tanong ko, pag mag file ba ng annulment yung gf ko, pwede na ba kaming magsama kahit hindi pa tapos yung kaso?

 

TIA

 

Kung on good terms naman ang gf mo at asawa nya, wala naman problem. Common naman na may kanya-kanyang gf/bf ang mag-asawa habang on-going ang annulment case.

Link to comment
  • 2 weeks later...
  • MODERATOR

any lawyer to recomend for my annulment? pls pm me. tia

you have many good choices here. PM the lawyer-member of your choice.

 

Thanks!

 

pwede ba gawin ground for anulment yun sinabi lang at nadinig ng mga anak namin...what i mean is yun nakita ng anak ko may ka chat at sinabi sa anak ko may xota na xa...pwede ko b gawin ground yun for annulment?

 

 

No, That's not enough.

 

tanong kolang sapat ba ang kasulatan lang ng both parties na hiwalay na sila, at wala na silan pakialaman sa isat isa?

 

 

No. That's worthless.

Link to comment
  • 2 weeks later...
  • 1 month later...

Simply having a girlfriend/boyfriend is not a ground for annulment unless you can prove it is a symptom of a deeper psychological condition (i.e. psychological incapacity).

 

psychological incapacity must be characterized by gravity, juridical antecedence and incurability.

Link to comment

150k to 200k

 

From court filing fees, attorney fees and professional fee for psychologist if the grounds are psychological incapacity

 

other grounds :

- homosexuality (psychologist din)

- incurable std (medical doctor)

 

Good day mga sir, how much damage/s will cost me for annulment? thanks

Link to comment

tanong kolang sapat ba ang kasulatan lang ng both parties na hiwalay na sila, at wala na silan pakialaman sa isat isa?

 

Hindi Sapat, sa katunayan walang bisa ito sa mata ng batas kasi contrary to law, morals and public policy ito....Hindi rin ito magagamit na ebidensya sa legal separation at annulment, kung makikita ito ng husgado, siguradong denied yung petition niyo

Link to comment

may question lang ako, sana may sumagot :)

 

may gf kasi ako ngayon na hiwalay sa asawa for more than a year na.

 

ang tanong ko, pag mag file ba ng annulment yung gf ko, pwede na ba kaming magsama kahit hindi pa tapos yung kaso?

 

TIA

 

 

Kung pending pa yung kaso, pwede pa rin kayo sampahan ng kasong adultery...kasi habang pending pa yung kaso, kasado pa rin ang gf mo sa hubby niya, sa mata ng batas, kasal pa rin sila at hindi pa malaya

Link to comment

guys hindi ko alam kung saan to pwede i lagay. pwede kasing sa annulment and real estate so MODS of MTC sorry po pero i post ko na din ito dito. very important lang po kasi THANKS

 

Atty’s of MTC pa hingi naman po ng advice. Yung pinsan ko kasi under process yung annulment of marriage nila nung asawa nya. May document na din na nag sasabi na may separation of properties and kung ano mang bibilihin na property ay wala na silang paki alam sa isat isa. Si pinsan (guy) ko may magandang deal na makukuha sa isang condomium sa Makati na binebenta ng napaka mura. Gusto nya bilihin para i benta din or parang fast break lang maski kumita ng onti. Ang problem is presently married pa talaga sila nung girl, pero sabi within the year baka matatapos na yung case.

 

Regarding sa documentation para sa sale nung sinabihan namin na mag pa gawa ng SPA or pumirma sa documents pag bili at pag benta eh ayaw makipag cooperate. Baka daw magkaroon ng effect sa annulment nila. By the way si babae ang nag file ng case and 100% wala balak mag habol sa mga ibang properties na pwede nya bilihin. Now pag gumawa po ba ng deed of sale dapat padin ba i lagay na married? Or ok lang na single si pinsan? alam po namin na mali yun pero sayang yung pag kakataon. Pag nilagay na married hindi naman pipirma sa babae.. pag nilagay na legally separated baka hanapan naman ng docs. Pag nilagay kaya na single walang maging problem?

 

Thanks!

Edited by play_boi
Link to comment

Paano ma check kung valid yung married license??? meron nakalagay sa marriage contract namin ni wifey pero hindi namn kami nag apply at hindi rin kami nag seminar kasi madalian yung pagpapakasal namin...then iba ang date ng kasal sa document(MC), ikinasal kami March 19 pero nakalagay sa marriage contract nag apply ng married license March 27 then date ng kasal is April 25...at di rin ako sure kung yung nagkasal ehh lisensyado...pero naka kuha ang ng MC sa City Hall ng Pasay.. yung address ko iba din nakalagay sa MC sa San Juan ako at dun din nag file ng married license..

 

SO yung tanong ko

1. Paano malaman kung legal yung married license.

2. dun sa pag iba ng date ng actual na kasal at sa nakasaad sa Marriage contract pwede ba maging grounds for null & void?

3. at kung yung nagkasal sa amin ay hindi authorized pwede rin maging grounds yung ng annulment.

4. How about yung pagkakaiba ng address ko?

5. minadali kaso ako ng pamilya ng babae im from Mindanao at dito alng nag work so wala sa family ko naka attend.

Link to comment

dahil ibebenta din naman niya ulit ang condo, bakit hindi na lang i-blanko ang pangalan ng buyer sa deed of sale na gagawin ng condo owner, para pag-ibenenta niya ito ulit, fill in the blanks na lang yung name ng 2nd buyer (ang problema lang, malalaman ng 2nd buyer kung magkano ang pagkakabili niya sa condo, tsaka ang ibang buyers baka magduda pag hindi sa pangalan niya yung unit)

 

kung ayaw niya sa ganito, it is always better to state that he is married in the deed of sale, otherwise baka falsification pa ito (problema mo lang, mahirap ibenta sa iba ang property pag nakita na married siya, without the consent of the wife)

 

guys hindi ko alam kung saan to pwede i lagay. pwede kasing sa annulment and real estate so MODS of MTC sorry po pero i post ko na din ito dito. very important lang po kasi THANKS

 

Atty’s of MTC pa hingi naman po ng advice. Yung pinsan ko kasi under process yung annulment of marriage nila nung asawa nya. May document na din na nag sasabi na may separation of properties and kung ano mang bibilihin na property ay wala na silang paki alam sa isat isa. Si pinsan (guy) ko may magandang deal na makukuha sa isang condomium sa Makati na binebenta ng napaka mura. Gusto nya bilihin para i benta din or parang fast break lang maski kumita ng onti. Ang problem is presently married pa talaga sila nung girl, pero sabi within the year baka matatapos na yung case.

 

Regarding sa documentation para sa sale nung sinabihan namin na mag pa gawa ng SPA or pumirma sa documents pag bili at pag benta eh ayaw makipag cooperate. Baka daw magkaroon ng effect sa annulment nila. By the way si babae ang nag file ng case and 100% wala balak mag habol sa mga ibang properties na pwede nya bilihin. Now pag gumawa po ba ng deed of sale dapat padin ba i lagay na married? Or ok lang na single si pinsan? alam po namin na mali yun pero sayang yung pag kakataon. Pag nilagay na married hindi naman pipirma sa babae.. pag nilagay na legally separated baka hanapan naman ng docs. Pag nilagay kaya na single walang maging problem?

 

Thanks!

Link to comment

1. Paano malaman kung legal yung married license.

 

Pumunta sa Civil Registrar of San Juan and inquire there if there is really such a marriage license (give the number of the license, as stated in your MC) issued in you and your wife's name in the records of the Civil Registry of San Juan.

 

Kung wala, lumalabas na fake yung marriage license.

 

Kung meron, ask for the supporting documents for the license like the application for marriage license (dahil ang sabi mo, hindi ka naman nag-apply, lalabas na walang supporting documents yan). You could then probably question the validity of the license (I say probably, dahil ang prevailing doctrine ay: so long as issued by and pirmado ang license, ng Civil Registrar, valid ito)

 

2. dun sa pag iba ng date ng actual na kasal at sa nakasaad sa Marriage contract pwede ba maging grounds for null & void?

 

It could be null and void, not because of the difference in the date of marriage, but because at the time you actually got married, there was no marriage license yet. A marriage without a valid marriage license is void.

 

Kaya lang... kakailanganin mong magsampa ng kaso sa korte para dito. At kung salita mo lang ang ebidensya mo about your marriage having been celebrated on the 19th of March instead of the 25 April stated in your Marriage Certificate, mahihirapan ka. Mahirap paniwalaan yung salita mo lang, laban sa official document na Marriage Certificate (iisipin kasi ng korte na gumagawa ka lang ng kwento para palabasing walang bisa ang kasal mo. Natural din, yung solemnizing officer, pagmamatigasan niya na April 25 talaga yung kasal, otherwise siya naman ang sasabit).

 

However, kung may matibay kang ebidensya na March 19 talaga idinaos yung kasal, lalabas na walang bisa ang kasal mo talaga.

 

 

3. at kung yung nagkasal sa amin ay hindi authorized pwede rin maging grounds yung ng annulment.

 

pag walang kapangyarihan yung nagkakasal, null and void din ang kasal (kaya lang, kung nung panahon ng kasal, NANINIWALA ISA MAN LANG SA INYO na siya ay may kapangyarihang magkasal, mabisa pa rin ang kasal mo. sa madaling salita, walang bisa lamang ang kasal kung alam nyo pareho nung panahon ng kasal na wala siyang kapangyarihang magkasal kaninuman). Halimbawa, nagpakasal ka sa isang babae, ang pinsan mo na dating seminarista at hindi naman pari, ay nagkunwaring pari, at ito ang "nagkasal" sa inyo, kahit alam mo na pekeng pari yung nagkakasal sa inyo, kung akala ng babae na tunay na pari yung pinsan mo (kahit hindi naman talaga), mabisa pa rin ang kasal nyo.

 

4. How about yung pagkakaiba ng address ko?

 

walang epekto ang maling address sa MC sa bisa ng kasal. Kahit nga mali o ibang pangalan ang gamitin mo sa MC, wala rin itong epekto sa kasal mo, mabisa pa rin ito

 

5. minadali kaso ako ng pamilya ng babae im from Mindanao at dito alng nag work so wala sa family ko naka attend.

 

mabisa pa rin ang kasal kahit nag-aatubili ka o nag-dadalawang-isip nung ikaw ay magpakasal, ang "reluctant consent" o "hesitant consent" ay consent pa rin. Hindi ito mahahalintulad sa violence o intimidation kung saan masasabi natin na wala talagang consent dahil pinuwersa ka lamang o di-kaya'y sinindak.

 

Paano ma check kung valid yung married license??? meron nakalagay sa marriage contract namin ni wifey pero hindi namn kami nag apply at hindi rin kami nag seminar kasi madalian yung pagpapakasal namin...then iba ang date ng kasal sa document(MC), ikinasal kami March 19 pero nakalagay sa marriage contract nag apply ng married license March 27 then date ng kasal is April 25...at di rin ako sure kung yung nagkasal ehh lisensyado...pero naka kuha ang ng MC sa City Hall ng Pasay.. yung address ko iba din nakalagay sa MC sa San Juan ako at dun din nag file ng married license..

 

SO yung tanong ko

1. Paano malaman kung legal yung married license.

2. dun sa pag iba ng date ng actual na kasal at sa nakasaad sa Marriage contract pwede ba maging grounds for null & void?

3. at kung yung nagkasal sa amin ay hindi authorized pwede rin maging grounds yung ng annulment.

4. How about yung pagkakaiba ng address ko?

5. minadali kaso ako ng pamilya ng babae im from Mindanao at dito alng nag work so wala sa family ko naka attend.

Link to comment

maraming salamat Sir.....

 

 

1. Paano malaman kung legal yung married license.

 

Pumunta sa Civil Registrar of San Juan and inquire there if there is really such a marriage license (give the number of the license, as stated in your MC) issued in you and your wife's name in the records of the Civil Registry of San Juan.

 

Kung wala, lumalabas na fake yung marriage license.

 

Kung meron, ask for the supporting documents for the license like the application for marriage license (dahil ang sabi mo, hindi ka naman nag-apply, lalabas na walang supporting documents yan). You could then probably question the validity of the license (I say probably, dahil ang prevailing doctrine ay: so long as issued by and pirmado ang license, ng Civil Registrar, valid ito)

 

2. dun sa pag iba ng date ng actual na kasal at sa nakasaad sa Marriage contract pwede ba maging grounds for null & void?

 

It could be null and void, not because of the difference in the date of marriage, but because at the time you actually got married, there was no marriage license yet. A marriage without a valid marriage license is void.

 

Kaya lang... kakailanganin mong magsampa ng kaso sa korte para dito. At kung salita mo lang ang ebidensya mo about your marriage having been celebrated on the 19th of March instead of the 25 April stated in your Marriage Certificate, mahihirapan ka. Mahirap paniwalaan yung salita mo lang, laban sa official document na Marriage Certificate (iisipin kasi ng korte na gumagawa ka lang ng kwento para palabasing walang bisa ang kasal mo. Natural din, yung solemnizing officer, pagmamatigasan niya na April 25 talaga yung kasal, otherwise siya naman ang sasabit).

 

However, kung may matibay kang ebidensya na March 19 talaga idinaos yung kasal, lalabas na walang bisa ang kasal mo talaga.

 

 

3. at kung yung nagkasal sa amin ay hindi authorized pwede rin maging grounds yung ng annulment.

 

pag walang kapangyarihan yung nagkakasal, null and void din ang kasal (kaya lang, kung nung panahon ng kasal, NANINIWALA ISA MAN LANG SA INYO na siya ay may kapangyarihang magkasal, mabisa pa rin ang kasal mo. sa madaling salita, walang bisa lamang ang kasal kung alam nyo pareho nung panahon ng kasal na wala siyang kapangyarihang magkasal kaninuman). Halimbawa, nagpakasal ka sa isang babae, ang pinsan mo na dating seminarista at hindi naman pari, ay nagkunwaring pari, at ito ang "nagkasal" sa inyo, kahit alam mo na pekeng pari yung nagkakasal sa inyo, kung akala ng babae na tunay na pari yung pinsan mo (kahit hindi naman talaga), mabisa pa rin ang kasal nyo.

 

4. How about yung pagkakaiba ng address ko?

 

walang epekto ang maling address sa MC sa bisa ng kasal. Kahit nga mali o ibang pangalan ang gamitin mo sa MC, wala rin itong epekto sa kasal mo, mabisa pa rin ito

 

5. minadali kaso ako ng pamilya ng babae im from Mindanao at dito alng nag work so wala sa family ko naka attend.

 

mabisa pa rin ang kasal kahit nag-aatubili ka o nag-dadalawang-isip nung ikaw ay magpakasal, ang "reluctant consent" o "hesitant consent" ay consent pa rin. Hindi ito mahahalintulad sa violence o intimidation kung saan masasabi natin na wala talagang consent dahil pinuwersa ka lamang o di-kaya'y sinindak.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...