Jump to content

Are You From The 80s?


Recommended Posts

Dubbed as the most dependable car of the 80s in the Philippines was the Mitsubishi Lancer. Known also as the Box Type, this model was produced by Canlubang Automotive and later by Mitsubishi Motors Philippines from 1980 to 1988.

 

Shown here is its bigger cousin, the Mitsubishi Galant which ran from 1982 - 1988.

post-72595-1144331192.jpg

post-72595-1144331209.jpg

Link to comment
  • 3 weeks later...
  • 2 weeks later...

" A whim, a thought, and more is sought. Awake my mind, thy will be wrought"

 

" By nature's hand, by craft, by art. What once was one, now fly apart!"

 

Sino pa nakakaalala ng totem spells ng Visionaries noon?

 

Eh opening song ng Spiral Zone...

 

 

Chorus:

 

We will fight, fight for honor

What is right, will defend

Fight the Zone, Zone Riders

 

 

Earth's most powerful soldiers

The Earth's last chance, against the SPIRAL ZONE....

 

 

Phoebe Cates

Wiseguy

 

etc. etc

Link to comment
  • 4 weeks later...

Subject: Uso ka ba noong 80's?

 

 

"Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

 

Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

 

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man,Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

 

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)

 

3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

 

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.

 

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

 

6. Pumunta ang mga taga- MILO sa school niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

 

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP mga taong naka maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

 

8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

 

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

 

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon)

 

11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

 

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

 

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong t**** sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't Touch This.

 

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

 

 

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

 

16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second generation)

 

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid"

 

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.

 

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari. ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

 

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.

 

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga)

 

22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

 

23. alam mo din ang ibig sabihin ng "PERIOD NO ERASE!"

 

24. for girls: malamang nag-away na kyo ng ibang friends mo dahil sa T.G.I.S. at Gimik! LOL! jologs na kung jologs pero totoo!)

 

25. madalas kang bumili ng "wonder boy" sa iyong suking tindahan.

 

26. nilalagyan mo ng pritos ring ang bawat daliri mo at kakainin mong isa-isa.

 

27. binabatukan mo ang mga kasama mo kapag nakakita ka ng kotseng kuba tapos magtataas ka ng peace sign.

 

28. at minsan yung linyang "PERIOD NO ERASE" ay may dagdag pang "AKIN PADLOCK, AKIN SUSI" (edi sayo! hehe)

 

29. noon: for little girls, hindi ka "in" pag wla kang pencil case na marameng pindutan at marameng lalagyan ng lapis at kung ano ano pa...

 

30. noon: for boys and girls, specially sa barkada, "hook na hook" kayo sa x-men at nagrorole play kayo at claiming na kayo si storm, o kaya si cyclops, etc.

 

31. noon: wala ka sa "fashion" pag ala kang pop swatch (ur own personal wall clock at your wrist)

 

32. kabisado mo ang 3:00 prayer dahil napapanood mo ito tuwing hapon, at kabisado mo din pati ung "we have just as one nation started the beautiful 3:00 habit...we hope that this becomes a daily habit with you..."

 

Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko. Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan. Di ba?"

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...