Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

His Airness Michael Jordan


revo20012000

Recommended Posts

Pero kung panunuodin nyo yung 90s basketball eh talagang kulang sa competition eh. Jordan excelled nung wala na yung magagaling at matatanda na. Aasahan mananalo si jordan dahil hindi ganun ka-competitive teams nung 90s.

 

Imagine nyo na lng last championship ni jordan ang magbabantay sa kanya eh bryon russell and hornacek? hindi ba obvious naman yun.

 

Kasi greatest na pinaguusapan dito. Ngayon yung pagigigng greatest ni jordan debate yan. "Arguably" kasi hindi sya nagchampion nung 80s nag grabe competition.

 

Kung nagchampion nung 80s wla ako masasabi.

---------------------------

@Revi

 

Yung rebulto kahit  sino pde magpagawa nun. Marami NBA  players(retired) na may rebulto eh. Ito year lang meron isang player na ginawa ng rebulto.

 

Tapos yung tungkol naman kay Lebron James. Nagrereklamo ka na ayaw tumira ng last shot, Nung isang araw tumira na, pasok.

 

Masyado nyo inaapura si Lebron. 3 or 4 years pa lng sa NBA yan. Tapos yung expectation sa kanya grabe. (Remember pumasok sya sa NBA to contribute Right Away. Wala ng Break-in na nangyari)

Kaya sinabi ko special si Lebron James kasi bata pa lang mataas basketball IQ nya. Last Game nya na-double team sya pinasa nya kay FLip Murray. Pero nung hindi na sya nadouble team tinira na nya.

 

Tapos sasabihin baduy? Ang hindi ko maintindihan pag Bwakaw na player lalo na nung early years nila kobe and iverson hindi baduy. Maporma daw yung ganun!

 

Pero si Lebron na sa early years nya narerecognize nya agad teammates nya. Mas mahirap baguhin ang pagiging bwakaw.

 

Kasi iba tingin ko sa Basketball. Iba-iba klase ng  panalo. May nanalo sa pagiging bwakaw may nanalo na pinapasa ang bola. Mas natutuwa ako dun sa pasa na ginawa ni Lebron kaysa dun sa Last-Second shot. Mas beauty yung makikita mo yung open man eh.

 

Tapos Triple Double pa ginawa nya nun.(Bihira yan sa isang Shooting guard/Small Forward)

 

Si jordan kasi nung early years hindi nya iniivolve teammates nya. Nainvolve na lng nung si Phil Jackson naging coach. Pero si Lebron hindi naman malupit lineup ng cavs pero iniinvolve nya. Natatakot ba kayo malalagpasan ni Lebron si Jordan? :D

 

If you are really good your can make your teammates better. If you are only willing to pass the ball.

 

kung nung 80's eh may rivalry si bird and magic then it was what it was...dont say na walang competition sa 90's

 

i think masyado kang biased sa 80's...its unfair to imply na bumaba ang level ng competetion nung 90's dahil there has been emphasis on team defense since 80's...maaring walang naging competetion si jordan nung 90's kasi nga iba ang level ng playing nya...wala ka nga makikitang naging nemesis nya...pero di ba mas magaling ka nga kung mas madaming sumubok talunin ka pero hindi nila nagawa???

 

siguro nagmistulang walang competetion nung 90s kasi walang nakasolve kung paano depensahan ang triangle offense ng bulls....kita mo nga nung ginamit ni phil jackson yan sa lakers nung 2000 eh hindi pa rin tamang nadepensahan ng kalaban.

 

bulls had been dominant in the 90's but dont disrespect the other teams....dumaan yan sa butas ng karayom para makaharap ang bulls sa finals...hindi sila bigla na lang nag-intay ng isang araw tapos nasa finals na sila...remember nba season runs from nov to june...8 months yan to win a title...

 

i'll try to explore your glorious 80's...sino ba ang bumantay kay magic sa celtics...danny ainge and dennis johnson at minsan si jerry schicting??? were these known excellent individual defensive players?? not by a long shot!!! all of these guys gave away at least 5 inches compared to magic

 

sino bumantay kay bird sa lakers?? si james worthy, minsan si mychal thompson, minsan si michael cooper?? sikat ba na mga individual defensive players ito??? siguro si cooper..pero mga 2 inches shorter sya compared kay bird...

 

sinu-sino ba mga sikat na individual defensive players nung 90's??? si bobby jones ng sixers, si michael cooper ng lakers...wala na kong maisip...

 

so asan yung sinasabi mong competition ng 80s???

 

i think ang flaw ng arguements mo is you were expecting those superstars to match up defensively against each other...siguro yung hinahanap mong competition...ang alam kong nangyari yun ay nung 94 and 95...olajuwon vs. ewing and olajuwon vs. shaq...

 

natandaan ko nung nagretire si jordan after 98 ang nacompare na greatest player of all time was limited to jordan and bill russel...bird and magic were not even considered to be in the same league as jordan and russell...

 

no disrespect, bird and magic were great basketball players...pero mas kilala sila sa offense kesa sa defense...ilang beses sila naging member ng nba defensive team???

 

bill russel was best known for defense...jordan is/was known not only for offense but also for defense...remember naging mvp and defensive player siya in the same year...87 ata yun...ilang beses naging member ng nba defensive team and nba first team si jordan? 9 and 9 siguro am not sure...pero ang sigurado ako...consistent syang member ng first team at defensive team...

 

walang pumantay sa level ng laro ni jordan nung peak nya...and that's presicely the point kaya tingin ko siya ang greatest player of all time...nobody was able to beat him in the finals!!!

Link to comment

Scoop Jackson: "There won't be another Larry Bird.." The people I quoted are the ones na may kinalaman talaga sa NBA.. Wag mo na isama si Scoop Jackson.. Ok na sana yung kay Wilt.. tapos idinagdag mo pa itong si Jackson.. Sino to? A writer for Slam magazine.. Kamukha lang natin si Scoop.. mga fans na meron sariling take sa mga topics re: basketball.. that's BS..

 

Going back: I do agree that kanya-kanyang panahon yan.. Bill Russel, Wilt, Kareem, Dr. J, Bird, Magic, Jordan, Shaq, Duncan, Kobe, LBJ (in the future).. At kanya-kanyang fave player din yan.. But c'mon hindi pana-panahon ang globalization.. Jordan would be the greatest because this was his legacy.. globalization..

 

We are not talking about the most talented player to ever grace the NBA.. Kasi kung talent wise maraming arguments na hindi si Jordan ang the most talented.. But whether it was because of media and marketing.. Jordan still globalized basketball and his legacy will forever live on.. and that makes him the greatest..

 

Another thing: Hindi tama ang argument na latak ang 90's.. Walang era na latak.. Tama yung poster na nag-sabi na unfair itong statement na ito.. Kesyo 80's daw ang pinaka mahirap na era.. kagaguhan..

 

Tidyaxx has explained this and it should not be repated all over again..

 

With regards to LBJ.. I will give him credit.. nag-uumpisa na siyang tumapang dahil may clutch shot na siya.. But LBJ being compared to Jordan.. that's nothing.. Jordan paved the canvass that LBJ is walking upon.. That #23 he is wearing.. Sino kaya idol niya? Hindi ito #33 or #32 ah.. Kaya yung papantayan niya si Jordan or malalampasan.. kahit sobra-sobra ang IQ nitong batang ito hindi niya magagawa na karagahin ang torch ng NBA at ng basketball ng kamukha ng pagkarga ni Jordan.. No one can.. Coz MJ was the first.. and that was not just hype.. that was a (I repeat) legacy..

 

Don't get me wrong edc.. I like LBJ.. but he does not make me go bananas with his plays except for that game against the Warriors.. Kudos to LBJ on that one.. If I eat my words okay lang.. I may not be a believer of LBJ but that can be changed.. hindi naman ako blind believer or follower eh..

 

Dapat sa thread na ito palitan ang title eh.. most talented player of all-time dapat.. Then siguro mag-a-agree ako sa ibang mga tao na nag-po-post dito..

Link to comment

@Revi

 

Kasi yung pamantayan nyo kay Lebron James iba eh. Idol nyo kasi si Jordan tpos si Lebron idol din nya si Jordan. Parang Expectation nyo kay Lebron eh maging Jordan yung game nya na clutch(5, 4 ,3, 2, Swiiiiiiiiish). Ilang years pa lng ba si Lebron na sobrang taas expectation nyo? Hindi nyo ba nakikita yung other side ni Lebron na "Rare" sa NBA ngayon?

 

Ibang level si Lebron. Yung game nya ito day lng grabe. 36points, 8assists, 7rebounds, 3blocks, 2steals, 0turnover.

 

Highlight ko yung 8assists nya and 7rebounds. Ito kaya nya gawin every game. Normal sa kanya yan.

 

Kaya ko nasabi another level si Lebron ksi hindi sya mukhang imitation ni jordan. Ang imitation ni jordan si kobe. Si kobe hindi nya malalagpasan si jordan ksi imitation sya.

 

Yung tungkol naman dun sa mga quote na nilagay ko kay Bird eh hinalo ko na yung mga sinabi ng mga sikat na writer. Yung sa player masyado madami so pumili na lng ako ng pinakamaganda quote. Ang ganda ng sinabi ni Wilt.

 

YUng kay scoop naman eh isa ding fan at "Napanuod nya ng live yung panahon ni Bird and Jordan kaya sinabi nya yan. Kasi karamihan dito sa pinas napanuod si bird sa tv, replay pa, madalang pa.

 

Kahit nga yung isang writer sabi Bird can take over the game in the first few minuntes. Eh ang karamihan ng great player including jordan eh sa 4th quarter pa lng gagana.

 

Si jordan magaling talaga. Eye Candy pa sa karamihan ng tao kasi physical ability nya grabe. Pero Mas rare kasi yung Basketball IQ eh.

 

Yun ang difference ni Bird kay jordan. Si Jordan mas sikat, mas marami may gusto, mas marami nagsasabi na greatest. Pero si Bird Rare yung talent nya.

 

Yung mga statement nila Wilt, Vecsey, Scoop eh halos magkakapareha eh.

 

Kay Wilt na lng kahit ano taon incredible daw si Bird. Thats coming from Wilt ha. Isa yan sa sobrang mayabang na player.

 

Si Vecsey isang sikat na Columnist pero ang ganda nung statement nya.

 

Kay Scoop yung pinakamasarap eh. Sa negro nanggaling eh. Kaya marami naiinis kay Scoop eh. :D

Edited by edc
Link to comment

@tidyaxx

 

Oo may Rivalry nung panahon nila Bird and Magic. Pero hindi lang silang dalawa teams nun na potent. Marami ring teams na grabe nun. At yung defense nun grabe. Mas Madudumi maglaro player nun. Hindi gumagana yung touch foul nung 80s. Nung 80s pag hinawakan ka hindi foul agad.

 

Pero ito na lng Bakit nung 90s(96-98) eh lalo na nung return ni jordan from baseball. Bakit konti hawak lang eh foul agad? Kasi nung 80s kahit nagchampion na sila Bird and Magic eh grabe nakukuha foul nila lagi.(Kaya nga mas marami away nun ksi yung mga foul na natatanggap eh grabe)

 

Hindi kaya nung 90s eh Naging negosyo na talaga NBA? Na gusto ni David Stern Maganda yung Kwento na makukuha ng tao? Kasi gusto ng karamihan ng mga tao eh si Jordan?

 

Yung last shot na lng ni jordan eh offensive foul yun eh. Kung si Bryon Russell ang gumawa kay jordan nun sigurado ang dami nagalit. Pero pag si jordan ok lng. (Kulang na lng maging commisioner ng NBA eh si Vince Mcmahon :D ) Nagkaroond dati nung Article dun sa last shot ni jordan. Kung hindi daw si jordan gumawa nun eh offensive foul daw itatawag nun.

 

Example ko ng Basketball nung 90s yung laban ng Miami and New York.

 

Walang Superstar call dun. Gulpihan talaga. Kaya nga exciting yun ksi parang naalala ko yung 80s na competition.

 

Unfortunately pag Bulls ang naglalaro tpos si jordan pa eh parang nagiging WWF(Vince Mcmahon) yung nangyayari.

 

Ang sinasabi ko yung 96,97,98 season ni jordan. Yung first three championship nya ok yun competition yun. Pero yung last three eh parang na-baby.

Edited by edc
Link to comment
Guest airmax
@tidyaxx

 

Oo may Rivalry nung panahon nila Bird and Magic. Pero hindi lang silang dalawa teams nun na potent. Marami ring teams na grabe nun. At yung defense nun grabe. Mas Madudumi maglaro player nun. Hindi gumagana yung touch foul nung 80s. Nung 80s pag hinawakan ka hindi foul agad.

 

Pero ito na lng Bakit nung 90s(96-98) eh lalo na nung return ni jordan from baseball. Bakit konti hawak lang eh foul agad? Kasi nung 80s kahit nagchampion na sila Bird and Magic eh grabe nakukuha foul nila lagi.(Kaya nga mas marami away nun ksi yung mga foul na natatanggap eh grabe)

 

Hindi kaya nung 90s eh Naging negosyo na talaga NBA? Na gusto ni David Stern Maganda yung Kwento na makukuha ng tao? Kasi gusto ng karamihan ng mga tao eh si Jordan?

 

Yung last shot na lng ni jordan eh offensive foul yun eh. Kung si Bryon Russell ang gumawa kay jordan nun sigurado ang dami nagalit. Pero pag si jordan ok lng. (Kulang na lng maging commisioner ng NBA eh si Vince Mcmahon :D ) Nagkaroond dati nung Article dun sa last shot ni jordan. Kung hindi daw si jordan gumawa nun eh offensive foul daw itatawag nun.

 

Example ko ng Basketball nung 90s yung laban ng Miami and New York.

 

Walang Superstar call dun. Gulpihan talaga. Kaya nga exciting yun ksi parang naalala ko yung 80s na competition.

 

Unfortunately pag Bulls ang naglalaro tpos si jordan pa eh parang nagiging WWF(Vince Mcmahon) yung nangyayari.

 

Ang sinasabi ko yung 96,97,98 season ni jordan. Yung first three championship nya ok yun competition yun. Pero yung last three eh parang na-baby.

 

eto tanong ko kahit noong 80's naglalaro si jordan he was averaging almost in the 30's e di ba mas marumi ang laro noon. as for last jordans last shot offensive foul na kung offensive foul kaso kasama sa laro ung gulang. hindi lang naman si jordan ang magulang pati si stockton at malone magugulang din. ganyan talaga ang basketball. kung makakalusot ka why not. this also happens in your local inter barangay league. ang problema di naman pumito ung referee. e nung kalaban nila jordan ang pistons tinitira din sya. pinapabagsak pa. ang masama pa nito minsan walang foul. pero ok lang. kasama sa laro un. tsaka breaks ng games yon.

Link to comment
Guest airmax

hindi naman kinukumpara ung players from diferrent eras ang sinasabi ni edc dito e ung style of play nung 80's at saka ung style of play noong 90's w/c i really dont buy at all. opinion nya un eh. as for me magaling talaga si jordan period.

Link to comment
kaya nga mahirap mag-compare ng players from different eras kasi iba ang style ng play...

 

sige, sino mas magaling: si Mikan o si Shaq? Hirap diba? :lol:

 

Yup, di naman natin nakita for at least 1 season ang laro ni Mikan, kasi nga di naabutan at pangit pa ang Media noon. Di tulad ni Shaq na napapanood natin ang every movement because of tech media.

 

So it's really UNFAIR to COMPARE because of the timeline.

Link to comment

I agree..People should really stop comparing players.. Every player has his own name and will have his own impact on the game..

 

But media and even fans would always compare because that's how it is.. masarap kasing isipin na kung sino ang "next" Jordan, Bird, Wilt, Shaq.. Look at LBJ: After his third season in the NBA, LBJ's career in high school is being compared to OJ Mayo's career.. Sabi sa mga headlines about OJ Mayo.. "the next LBJ.." So we have to live with that.. coz media will always write questions like these coz dito ma-e-enhance ang interes ng mga fans..

 

LBJ may be a special or kakaibang player nowadays.. People & media compare LBJ nowadays to a Magic Johnson who can score more.. Skills-wise LBJ has been improving ever since he entered the league.. Much like MJ who did his own improvements during his time.. But people and media are now questioning LBJ's will to win..

 

Because skills/talent per se do not make a great player.. its the will to succeed.. and therefore the will to win.. Jordan had this ever since.. the shot in UNC vs. Georgetown.. the countless times he bailed the Bulls out of a sure loss..

 

Now, I will stop comparing LBJ to Jordan.. coz they are different players..

 

But ever since the start of my posts I never did compare.. no one ever did.. it was edc who has been arguing that maybe Bird is by far the greatest or if not greater than MJ.. which I do not agree on.. dito nag-revolve ang topic na ito sa thread na ito.. --- which actually started in the NBA thread..

 

Okay.. MJ is not just the best player in the 90's.. he is to a lot of people the greatest of all time.. Why? because of his contributions to basketball.. Need I say more? He is not the most talented or even the most gifted athlete athletically.. But he constantly imporved his craft.. He worked hard to achieve improvements on his outside shot, his jump shots, his defense, his IQ.. But what Jordan had that Bird or Magic did not have is that extra kick.. --- this was stated by Magic --- that extra adrenaline when the game is on the line.. and the way he did those extra kicks.. that made him exciting to watch in the eyes of many..

 

I've always stated that he was not the best player to ever step in the hardwood.. Kaya nga #1 pick si Hakeem at #3 lang siya.. People had their doubts when he got injured in his second season.. People always ridiculed his staying power after the injury.. People questioned his outside shots.. People questioned his defensive prowess.. and people said he was a one-dimensional player.. In the long run, he proved them wrong by improving where the media think he lacked..

 

Sige edc Bird (in your eyes) will be the most talented.. Ito ang contention mo di ba? But is he the greatest? Di ba namamasa si MJ? At mahina ang 90's, kamo? E ano ngayon.. (Kahit hindi ako nag-aagree)..

 

I dunno.. For me MJ is.. Why? Because he had the talent, the charisma, the hype, the looks, the excitement, the finesse, the power, that extra kick, the will to win, the heart of a lion.. The drama was there.. He may not be the most talented in your eyes.. but because of being almost complete.. he became an icon and became the greatest baller ever..

Edited by revi
Link to comment
Guest airmax

you have to consider that the bulls team of the 90's did not have a dominant inside player. tapos wala ring silang natural point guard. kung titingnan mo parang malabo magchampion ang team na ganito. pero kahit papaano nanalo sila. siempre malikang factor ung presence ni jordan at ni pippen. isa pa pinapatakbo nilang play e ung triangle offense.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...