Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Living Abroad Vs Living In The Philippines?


Recommended Posts

Here is my story

 

I have been living here in Japan for almost 7 years. Occasionally I go home sa Pilipinas pag pasko. I started out here as a student, and now I am working as a professional. Earning this scholarship was the best thing that I did for my career. You can say I love what I do for a living. I feel fortunate I am given the opportunity to do it. Also I like this place a lot. Everything is clean, there is culture of honesty, and it lives up to the reputation that it has the best costumer-service in a ll of the world. Dito pag nagproseso ka say ng visa mo, kung 1 week ang processing time, susubukan nila gawin ng 2-3 days lang. Tsaka if you go sa kahit saang service center, or anything that caters to costumers, yung mga tao dun me pakialam lagi sa abala mo. They will go out of their way to help you out. Something na completely opposite sa Pilipinas.

 

But like many others, loneliness talaga yung kalaban mo. Yes its nice out here and all, but you are really far from family and close friends. I mean I do have friends here from all cultures you can imagine, its part of the perks, pero iba pa din yung mga kaibigan na talagang pwede mo sabihan lahat. Siguro the worst thing I had to go through was dealing with the depression I suffered. It was winter time, it was so cold and I was so alone. I mean Id get calls here and there, but basically it was pathetic having to go through all that na magisa ako. No one to throw an arm around you and tell you its gonna be alright. Nonetheless, I did survive that, I pulled myself together and now Im better than ever.

 

Madalas, kahit magulo, mainit, mausok dyan sa atin, namimiss ko pa din. Namimiss ko yung lutong bahay. Yung pakiramdam sa sarili kong pamamahay. Yung makausap ko mga tao using language na comfortable ka etc. Kaya nga sinusulit ko bakasyon ko dyan.

 

Eto kasi dillema ko. Lahat tinatanong kelan ako babalik for good. I know ang isang reality na meron dito ay hindi ako pwede tumira sa bansang ito habang buhay. Lahat ng pamilya ko, kaibigan at pagaari nasa pinas pa din. Kaya lang my profession is here. I love what I do for a living, and its something na di ko naman masyado magagawa dyan because lets face it.... there arent too many industries in the philippines that can hire people of my background. Its a 3rd world country, and it would take eons bago nila mapaunlad industry ko sa pinas. Isa pa, pag nasanay ka na kasi na ang ayos ayos ng sistema dito, manghihinayan ka na bumalik sa bara bara at magulong sistema satin.

 

Dito malungkot, kayod marino, pero maganda yung lugar at me pera. Dyan, kasama mo family and friends, pero di ganun kalaki pera. Matututo ka talaga mamaluktot. Siguro sa ngayon inaantay ko pa yung main catalytic reason para umuwi, till then dito muna ako

Link to comment
  • MODERATOR

I agree with DingDong

 

Nag work ako sa Singapore for 6 years. At first my goal was to earn enough money pang suporta sa 2 kapatid ko entering college. Nung natapos na yun nag ipon naman ako ng sa sarili ko. Life is good, sobrang ayos, na pag umuuwi ako lagi ko na cocompare sa Pinas. MRT, Bus, shopping centers etc. Lapit sa beach ganun. I really really really wanted to stay there. Malaki pa sweldo, yung cost of living is OK naman, I bought a laptop, dslr, gadgets etc na tipong 2 months na ipunan lang (dito sa pinas parang 2 years)

 

Hanggang nagkasakit ako and muntik na maospital on my 3rd year. Nabalian ako ng buto during one of our beach volleyball game, tiniis ko kasi wala naman sakin magbabantay sa ospital, sinabayan pa ng infected tonsilitis ko. halos 1 1/2 ako nilaglagnat, pero no choice kelangan mag work. Wala naman mag-aasikaso sakin sa bahay. Kulang na lang mag collapse ako pero wala naman tutulong sakin kasi singaporeans are known to be apathetic lalo na sa foreigners like me. Then nagresign ako sa work and halos 2 months na naka tourist pass, ramdam na ramdam ang hirap. Umabot yung moment na kelangan kong tipirin yung tasty bread ng 3 days kasi wala ako makain. Wala mautangan, wala maasahan. Parang nakakaawa talaga. Good thing nalagpasan ko naman somehow.

 

Then umuwi ako for good. Stressfull and commute, polusyon etc. But guess what? Meron na akong work/life balance at last!

After work, pwede ako mag lamyerda or mag kape with friends, inuman with barkada etc. Nung nasa SG pa ako, after work uwi agad. Libangan ko is mag jogging lang.

 

So yun, I think kung gusto nyo mag abroad for good, dapat may kamaganak or special someone kayo dun for support. Mahirap mag solo abroad.

Link to comment

 

So yun, I think kung gusto nyo mag abroad for good, dapat may kamaganak or special someone kayo dun for support. Mahirap mag solo abroad.

 

Yeah totoo yan

 

Ako kung tutuusin, I left the nest early naman. College pa lang, nagdorm na, hangang naenjoy ko talaga yung mabuhay ng ako lang. Akala ko enough prep work na yun sa pagtira abroad. I mean, ok I enjoy my space and company. Pero iba pa din yung andyan lang family and friends mo, isang tawag lang pwede ka samahan. Eh di naman ganun kadali dito humingi ng konting time out para umuwi.

 

Sabi ko, parang masarap magstay sa 5-star hotel, pero at the end of the day hahanapin mo pa din syempre yung sarili mong kwarto. Kahit magulo at matigas yung unan.

 

Isa pa, pag nakakarinig ako ng balita satin, kung sino magiging presidente, na mas malala na ngayon problema sa traffic pati MRT na nung andyan pa ako maluwag pa, pahirapan na ng sobra sumakay. Isama pa natin dyan yung kawalan ng disiplina satin, nanghihinayan ka din bumalik. Oh dont get me wrong, I am not being a sell out. Sabi ko nga, I still miss home, home will always be home. But you just wish na yung mga nakikita mo dito, makikita mo din sa sarili mong bansa.

 

Last time nung umuwi ako, nanakawan pa ako ng wallet at relo sa isang GYM LOCKER! Yung management nung nagreklamo ako, pagkatapos una parang wala silang pake. Nung nagsama ako ng pulis, saka sila nagtuturuan, puro excuses, at parang ako pa me kasalanan. Walang sense of responsibility man lang on the part of the management. All I was asking them is magsorry man lang sakin. Anyway, ang punto ko, siguro nga kasalanan ko din, na masyado ako nasanay dito na yung mga tao di talaga kukunin yung di kanila. For the vast majority kasi dito, mas gugustuhin pa nila mamatay sa gutom kesa magnakaw o mamalimos. Di ko naman iniwan kung san san lang gamit ko, sa locker ko pa iniwan. But maybe nga nakalimutan ko pilipinas ito, kahit pa locker yan, one can never be too careful

Link to comment

Used to be in SG for over 4 years din, had to come back for good not because I wanted to but because I had to.

 

Napakasarap mamuhay doon kasi for the first time in my life naranasan mo yung may maayos na sistema at disiplinadong pamumuhay. Yung tipong di mo kelangan mag madali pagpasok sa trabaho kasi alam mo wala naman trapik (pwera kung sa city area ka nag work), wala kang problema sa makakainan kasi nagkalat ang mga food courts na affordable ang pagkain,etc. Sobrang naenjoy ko to the point na for three straight years hindi ako umuwi. Pero sa likod ng kasiyahan ko sa pag tira doon, kahit anong tibay pa ng loob mo matitibag din yan ng homesickness and I learned this the hard way. Kahit sabihin mong loner ka at sanay ka na walang kasama, mawawala din yan lalo na pag nakaramdam ka ng pang aalipusta sa mismong mga kamag anak mo at sa mga lokal. Masyadong fast paced din ang buhay doon. Oo may freedom ka makapamasyal after work pero dahil foreigner ka, siguradong sigurado halos di ka na rin makapamasyal sa sobrang basag sa trabaho kasi syo lahat naka-toka, wala kang maasahan kundi sarili mo. (Alam ng mga nag trabaho sa SG ang tinutukoy ko :ninja: so hindi ko na elaborate.)

 

Sa abroad ko lang naranasan yung abot kamay mo ang mga bagay bagay na hindi mo kailanman basta mabibili sa pinas kahit gaano ka mag ipon. Kung dito sa pinas need mo mag ipon ng isang taon para lang makabili ng iphone, doon naman kaya ng isang sahod mo na makabili agad ng mga mamahaling kagamitan agad at yung ginasta mo mababawi mo rin sa next payday. May sukli ka pa pang pamasahe kamo.

 

Ang payo ko sa mga may planong mag abroad, wag na wag nyo bibitawan ang trabaho/position nyo dito sa pinas kung more than enough naman ang kinikita nyo para sa sarili nyo at pamilya nyo. Madami na ko kilalang tao na maganda ang work sa pinas pero dahil gusto kumita ng malaki eh basta na lang sumugal at dala ng misinformed pa - ayun waiter ang kinabagsakan, yung kita nya dun sa abroad halos break even lang sa kita nya dati sa pinas, mas basag nga lang sya dun sa oras ng trabaho.

 

Pero kung ako tatanungin, if things had been better in SG especially for foreigners, malamang sa malamang, never na ko uwi ng pinas. :rolleyes:

Link to comment

Same experience ako senyo mga paps, nag abroad din ako. Gadgets, may pera, nakaka provide sa family.

 

Pero nangulila din ako. Tinapos ko lang contract ko and umuwi ako. Tama si papi sa taas na nagsabi na he took less money to stay here pero may work life balance. Agree ako dyan.

 

 

Ang twist ngayon sakin, may family na ko. Nagsimula na ko mag apply ulet. Ibang dynamics na siguro ngayon na may sarili na ko family. Kakayanin ko yung mga downsides na namention nyo at naexperience ko din previously para sa anak ko.

Link to comment

Eto tingin ko

 

Sating mga nasa abroad, kelangan talaga mag-aim tayo as much as possible na makauwi kahit once a year man lang. I know mahal ang ticket at abala. Sa case ko, I have to buy a ticket 2-3 months before decemember. Kasi when you have something to look forward to, it makes the loneliness and homesickness easier. Ilang exis na lang sa kalendaryo makakauwi na ulit.

 

Ako kasi, knowing na Ill have this vacation and be at home helps me stay sane. Flipside din ng paguwi sa pinas, minsan di ka makapahinga so many people wanna see you. I dont complain naman at alam mo naman na magtatampo mga yun pag di napagbigyan. Pero yan ang stressful part ng paguwi

Link to comment
  • MODERATOR

I think when you go abroad dapat may goal/time line ka gano ka katagal dun.

Meron akong nakausap dati sa manpower agency dito sa Pinas. Single, (pakiramdam ko discreet na bading) Dati syang foreman sa Saudi, tagal na nya dun hanggang napromote sya na parang managerial level na. Umuwi sya sa Pinas for good sana ng 55 y/o, balak daw nya enjoy yung napag ipunan nya. Kaso di nya alam na yung ipon nya, halos sapat lang 5 months. Ganun kaliit. Wala syang investements etc, sa tagal nya dun di nya naisip bumili ng lupa or mag set up ng negosyo.

 

Naghanap sya ng trabaho dito, kaso either over qualified na sya or matanda na, or masyado mataas sweldo hinihingi. Kasi kung tutuusin based sa records nya sa pinas, construction worker lang sya, no proof na manager sya sa Saudi.

 

Best advise na binigay nya, bago mag abroad, pag isipan muna ng maigi. Either dun ka na for good or babalik ka. Kasi pat lumagpas ng 7 years plus, most likely di ka na babalik, at pag nag decide ka na bumalik, wala ka na babalikan.

Link to comment

Nice to visit this thread. Pang MMK ang mga istorya dito napapaluha ako. For those working abroad and still single, do you plan on bringing your gf with you there? or maybe find one in your place and eventually settling down para maibsan ang loneliness and homesickness if you have your own family there.

 

My ex used to visit me regularly dito. Kasi usapan namin yun na magkikita kami regularly at magsasakripisyo para isa samin makabyahe. Usually sya pumupunta dito. Kaso naghiwalay kami eh. Pero I think this is one of the best ways to survive long distance relationships. Sure me skype na at kung ano ano, di tulad noon na snail mail pa, telegrama nga lang ang mahal na. Pero make efforts pa din dapat na magkita kayo, magandang challenge yan sa inyo. Yung tipong pareho kayo magiipon para maenjoy nyo magtravel na dalawa.

 

Sa ipon naman, in my case, I have my townhouse pa dyan. Its not much pero kung sakali I wont need to worry about rent anymore. Me iba ding investment na hinuhulugan na pwedeng ipullout o pakinabangan kung sakali. Syempre magtratrabaho pa din ako kasi kung hindi magugutom ako. Sa bagay na yan, me position naman na dapat sana nagaantay sakin. Tinatanong nga kung kelan na ako babalik, eh di ko pa yan masagot for now. Kung babalik na ako kasi, well ok naman yung position, pero still yung pera mas malaki pa din dito. Plus I wont really get to do the stuff I am doing here

Link to comment

^^^

 

The only thing I have here is my profession. When I retire na halimbawa (though syempre layo pa yun), I will have really nothing here to stay for. My properties, family and real friends are home. Sa ngayon it is my marriage to my profession thats keeeping me here. I can practice naman dyan satin but not in the same level dito. In fact, if I wanna stay at this level, the Philippines is something I can't go back to. Yung iba pumupunta na ng US or Europe.

 

Nagkaroon din ako offer sa Barcelona about 2 years ago, pero ang hirap magumpisa ulit sa ibang bansa eh.

 

Another reminder para sa mga gusto tumira abroad for some reason. Napakahirap magumpisa talaga on your own. Kaya planuhin ng mabuti. Kelangan talaga honed yung survival skills mo. Dapat marunong ka magluto ng konti, kundi mauubos pera mo sa takeout. Di ka naman agad agad susuweldo sa umpisa. Marunong ka dapat maglaba, kasi di naman uso dito katulong o labandera. Alam mo alagaan sarili mo, mamalengke magbudget. Some people na kakilala ko who didnt make it here that well, kasi masyadong mga spoiled nung nasa pinas pa. Di marunong maging independent. Matalino pero walang skills pagdating sa independent living. Kaya nga ako dito, ultimo araw araw kong gastos nakaexcell pa!

Link to comment

^^^

 

The only thing I have here is my profession. When I retire na halimbawa (though syempre layo pa yun), I will have really nothing here to stay for. My properties, family and real friends are home. Sa ngayon it is my marriage to my profession thats keeeping me here. I can practice naman dyan satin but not in the same level dito. In fact, if I wanna stay at this level, the Philippines is something I can't go back to. Yung iba pumupunta na ng US or Europe.

 

Nagkaroon din ako offer sa Barcelona about 2 years ago, pero ang hirap magumpisa ulit sa ibang bansa eh.

 

Another reminder para sa mga gusto tumira abroad for some reason. Napakahirap magumpisa talaga on your own. Kaya planuhin ng mabuti. Kelangan talaga honed yung survival skills mo. Dapat marunong ka magluto ng konti, kundi mauubos pera mo sa takeout. Di ka naman agad agad susuweldo sa umpisa. Marunong ka dapat maglaba, kasi di naman uso dito katulong o labandera. Alam mo alagaan sarili mo, mamalengke magbudget. Some people na kakilala ko who didnt make it here that well, kasi masyadong mga spoiled nung nasa pinas pa. Di marunong maging independent. Matalino pero walang skills pagdating sa independent living. Kaya nga ako dito, ultimo araw araw kong gastos nakaexcell pa!

 

 

Totoong too yan brad, pwera pa sa monetary reward nung nasa abroad ako. Dun talaga ako natuto ng lahat from chores, to standing up for yourself, pakisama sa iba ibang lahi. Na appreciate ko yung total experience.

 

Dun ako nag evolve into a man. Wala akong ibang aasahan pag nagka problema kaya na resolve ko lahat by myself. And I'm thankful for that kahit saan ako dalhin ngayon I have a mindset na I'll survive and overcome.

 

I agree sa sinabi mo, uwi at least a year to decompress at mag unwind. Pag alis ko next time I'll practice that one out.

Edited by bonanas
Link to comment

 

Totoong too yan brad, pwera pa sa monetary reward nung nasa abroad ako. Dun talaga ako natuto ng lahat from chores, to standing up for yourself, pakisama sa iba ibang lahi. Na appreciate ko yung total experience.

 

Dun ako nag evolve into a man. Wala akong ibang aasahan pag nagka problema kaya na resolve ko lahat by myself. And I'm thankful for that kahit saan ako dalhin ngayon I have a mindset na I'll survive and overcome.

 

I agree sa sinabi mo, uwi at least a year to decompress at mag unwind. Pag alis ko next time I'll practice that one out.

 

Sa abroad ka talaga matututo maging independent. Buti nga sa pilipinas di ba? Kahit naman pag bumukod ka na sa parents mo, hindi ka talaga naguumpisa mabuhay magisa ng walang wala. At kung hirap ka pa tumira sa nilipatan mo, pwede ka umuwi naman senyo.

 

Hindi ko talaga makakalimutan yung mga unang araw at gabi ko dito. Prior to that naman, matagal na akong nakakalabas ng pilipinas. Pero ito talaga yung maguumpisa ako ng panibagong kabanata ng buhay ko, at umpisa talaga ako sa wala. Ang baon ko lang ng dumating ako dito, Isang maleta na di naman umabot sa 20 kilos na limit, isang bagong bili na laptop, ilang 100 dollar bills para sa mga unang gastos, at credit card na supplemental lang naman habang wala pa ako sarili ko dito.

 

Anyway, pagkasundo samin sa station, diretso na sa apartment. Yung apartment ko napakaliit lang talaga. Parang kahon lang ng sapatos. Pero di naman ako nagreklamo. Kasi syempre gusto ko maexperience yung buhay ng mga international student, so kung baga at least ganung apartment ako umpisa. It was basically a room, with a small kitchen, toilet and bath. Anyway, dahil unang gabi ko doon at malamig pa, syempre punta agad pagkatapos sa dept store para mamili ng beddings. Yung apartment kasi wala ni kahit na ano. So yun ang meron ako una. Futton, unan, tsaka kumot. Tapos walang kortina so hirap magbihis kasi kitang kita na sa kalye.

 

The morning after, pirma ng kontrata sa apartment at yung mga deposits, inarbor muna ng prof namin. Na babayaran namin hulugan. Wala pa naman kasi kaming stipend noon. Yung mga araw na sumunod ang napakahirap. Talagang sobrang tipid ka dapat sa baon mong pera. Eh ang dami daming kelangan sa tinitirhan mo. Paunti unti naman, me mga nagmagandang loob na nagbibigay pinaglumaang appliances, gamit sa kusina, kortina etc.

 

Then me pera na sa unti unti pundar ka on stuff na later on makakatulong makabawas gastos mo sa food. I.e. ref, microwave, lamesa at kung ano ano pa. Ngayon marami na akong gamit at kumpleto na pero dahil di pa din ganun kalaki apartment ko parang clutter naman.

 

I look back at that, mahirap din magumpisa, lalo kung di ka kaagad makakasweldo. Tiis talaga ako mga ilang buwan muna. Yun ang dahilan kaya after dito ayoko muna abroad ulit. Siguro if ever, talagang mas pagiipunan ko na this time

Link to comment

Ang common mistake talaga ng mga nag aabroad, sa experience ko at kwentuhan na rin, is misinformed sila. Na just bec sinabing kelangan ng lakas ng loob ay oo na lang sila ng oo. Sinasabayan pa ng dasal dahil lang may bitbit silang pang show money at kampante sa dala nilang work exp and skillset eh akala nila mataas na yung chance nila na magkatrabaho - komo todo pa kung magpasa ng job application sa mga online portals sa pinas pa lang pero ang dumadale talaga sa kanila is hindi muna nila inalam yung condition sa pag hire ng foreigners.

 

About naman sa pag uwi, tip ng pinsan ko na madalas mag business trip sa pinas is never announce that you're coming home. Make sense lalo pa't budget airline lang sasakyan mo at limited lang maleta mo, iwas dagdag padala ng pasalubong din hehe...

Link to comment

I advise people na when you live abroad, its very important you adapt to the culture of your host country. Do not do that "be-proud-to-be-pinoy" na kalechehan. Do not be ashamed of your own culture, but learn to respect and practice the culture of your host.

 

May mga napapabalita kasi sa TV na yung mga domestic helper sa singapore, di daw sila pinapayagan magingay masyado. O kaya another filipino sa australia na sinisita kasi ayaw naman gumamit ng toilet paper. O kaya sa states nireklamo dahil sa amoy ng tinapa. Tapos aarte na racism daw yung ginagawa sa kanila.

 

Eh first of all, hindi mo yan bansa, ikaw gusto tumira dyan, di ikaw makisama at bumagay sa kanila. Alangan naman sila pa itong gusto mo pagbigyan ka sa lahat ng kaartehan mo.

Link to comment

^in short, iwanan ang ugaling pinoy sa pilipinas. Ang hirap kasi sa ibang pinoy, iskwater na nga kumilos sa sariling bansa, pati sa abroad dadalhin pa rin ang ganung ugali. :excl: Kaya ang siste, lalong nadadamay ang mga matitinong kababayan natin ng dahil lang sa katangahan ng mga iilang pinoy.

Link to comment

^in short, iwanan ang ugaling pinoy sa pilipinas. Ang hirap kasi sa ibang pinoy, iskwater na nga kumilos sa sariling bansa, pati sa abroad dadalhin pa rin ang ganung ugali. :excl: Kaya ang siste, lalong nadadamay ang mga matitinong kababayan natin ng dahil lang sa katangahan ng mga iilang pinoy.

 

Its more important kasi to learn to be a citizen of the world. Parang sa states di ba? US is a nation built by immigrants, the idea is, kahit san ka pa galing, kahit ano pa cultural background mo, matuto ka maging amerikano. Learn english well, and learn to adapt tot he US culture.

 

Nakakainis kasi sa mga ABS-CBN, ang lagi nilang sinasabi pag nasa ibang bansa ka pakita mo at pagmalaki pagiging pilipino mo. It does not work that way, if you wanna survive living in anaother culture you gotta learn to adapt theirs. Otherwise, lagi ka magrereklamo at it will be a gruelling experience.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...