Jump to content

Duterte's Presidency : Expectations, Controversies, Rants, Etc.


Recommended Posts

Meron din yung nagpapa-patutsada/parinig na lang dahil hindi na makahirit ng maayos. Nagsayang ng oras para sa isang post count.

 

Eto kasi ang mahirap sa mga nandito. when presented with a set of facts dine-deny agad at hindi muna hinihimay ang mga nilalaman. Imbes na mag-isip ng maayos kung bakit ganoon ang sagot ng kabilang panig. Matik na bina-brand na kaagad ang ka-diskusyunan.

 

Others prefer being ignorant with what is happening around their surroundings only to be satisfied with their personal conveniences.

 

Kapag sarado ang pag-iisip ng isang tao. Wala nang mangyayari dito.

 

 

 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

http://news.abs-cbn.com/news/10/04/17/cimatu-confirmed-as-environment-chief

 

Na-confirmed na si CIMATU as DENR secretary. Sinulit niya ang matagal niyang pananahimik sa trabaho para hindi siya pag-initan mga senator at congressmen na may stake sa mining. Sana lang mahigitan niya ang nagawa ni Gina Lopez.

Exactly.

Link to comment

we think therefore we argue.

this is what the threads here are all about......

 

at the end of the day we still consider ourselves as "friends"

 

i have been here in MTC long enough to make friends from the poli threads and enemies from the SPAs and MPs threads.

 

nobody thinks being superior that the others here... we just agree to disagree.

if you do not like what we are doing, go find yourself another spot in MTC.

we wont mind.....

 

 

 

 

 

correct

Make friends from the political threads and enemies from the spa and MP threads? Shouldn’t it be the other way around? Haha. Anyways, it’s clear that some people think they’re smarter than other guys here. Just look at how people address each other (e.g. fanatics, yellowtards, dutertards, etc). I’m not saying you just blurt out nonsense. From time to time, there are posts that are well researched while others, not so much. Just evaluate yourselves and ask, “what did I achieve from presenting my arguments over the internet”. If you are happy with your answer to your self evaluation, then that’s good, whatever floats your boat, I guess.
Link to comment

Maybe in the Kian Delos Santos case and some other cases relative to the killing of minors but you can't generalize the whole police force as criminals.

So balik na naman tayo sa isolated incidents lang yun na argumento?

 

Mahirap hindi i generalize kung laging may na da dyaryo kasi na mga masasamang elemento ng kapulisan. Kung paminsan minsan siguro pwede pa (mga every few years or so).

 

Pero to keep hearing about erring cops every few months or weeks...?

 

At wag nyo din gamitin yun excuse na puro negatibo na lang ni ri report sa mga dyaryo. Ganun talaga ang nature ng news, they do not usually (usually!) report on the ordinary, kung hindi baka nasa balita na lang natin yun kung ano mga ulam ang niluto ni aling nena o kung anong gown ang sinuot ng nanay ni karen o kung anu ano pa.

 

Nag ri report din ang mga news outlets ng positibong balita tungkol sa administrasyon, pero baka nga kasi mas pasabog ang mga negatibong balita, mag binibigyan pansin ng mga mambabasa yun mga ganun balita.

Link to comment

Napansin ko lng bakit naman kasi ang hilig magmura ni pangulo to the point na his followers ginagaya siya example speaker alvarez and i quote" sino nagsabi niyan iharap mo at sasampalin ko", sen tito sotto "pati zerox machine papakain ko, gen bato "kayo mga kritiko ingrato kayo as if its not his job to improve peace and order in our country dapat naisip nya na lahat ay tax payer even critics, na nagbayad sa tuition nya sa pma even the tulfo brothers would not hesitate to blurt out p#tang %na in live radio programs wala na bang kbp? Para lang kasi pakiramdam ko napakaviolent ng mga tao sa gobyerno ngayon nagcomment lang ako dto kasi binawalan ko yung pinsan ko na magkalat 9yrs old sya sabi ba nman tangnamo ng pinalo ko umiiyak at sabi bat ka nagaglit e sa tv nga sinasabi yun nayakap ko na lng tuloy hayss pilipinas

Link to comment

So because you hear about a few bad apples in the police force, you generalize. But if that's what floats your boat, go ahead.

Id hardly call the corrupt cops few. The good ones, those are few.

 

Like when was the last time na nakakita ka ng pulis na nag bayad ng pamasahe o mag presinta man lang sa public transport? Maliit na bagay, pero sa maliit na bagay nagsisimula ang korapsyon.

Link to comment

Did I post anything like that? You must have mistaken me for someone else.

Again, you must have mistaken me for someone else because I never posted anything about negative news.

 

Pre emptive na sagot ko lang yan. Kasi gine generalize ko na yan ang default answer ng mga defenders ng alanyansang Duterte..

 

I wouldn't know. I never experienced any policeman riding with me during the times I rode PUVs.

 

Pag may maka sabay ka, pansinin mo kung magbabayad sila o mag sasabi lang ng “Thank you” o kakaway lang sa driver kahit na hindi sila magkakilala ng driver.

Link to comment

Dami talaga reklamador.

 

Feeling matatalino, kala mo may nagawang maganda sa bansa. Kala mo may paki talaga sa bansa natin. Mga wala naman desiplina sa sarili, puna ng puna sa gobyerno di muna tingnan ang sariling mga abusado.

 

Mamimiss nyo talaga yan si presidente pag nawala - dadami lalo mga abusadong pinoy.

Link to comment

Kung walang paki sa bansa, hindi mag re reklamo ang mga tao.

 

Kaya nga nag re reklamo para sa ikabubuti ng mamamayan eh. Ang pinaglalaban ay ang karaatan hindi lang ng sarili kung di pati na din yun karapatan mo.

 

Ang tawag dun empathy. Kaya baligtad: kayo ang mga walang paki alam sa kapwa niyo. Nagkakamatayan na sila sa pailigid mo wala pa din kayong paki.

Link to comment

Dami talaga reklamador.

Feeling matatalino, kala mo may nagawang maganda sa bansa. Kala mo may paki talaga sa bansa natin. Mga wala naman desiplina sa sarili, puna ng puna sa gobyerno di muna tingnan ang sariling mga abusado.

Mamimiss nyo talaga yan si presidente pag nawala - dadami lalo mga abusadong pinoy.

Ang pinoy in general abusado, kulang sa disiplina kahit sino pa nakaupo. And when i say Pinoy in general kasama na diyan mga politiko na pansariling interest muna bago ang interest ng bayan at lahat ng mamamayan. Abusado rin ... Kahit na ngayon si digong ang nakaupo may disiplina na ba ang tao? Nawala o nabawasan ba corruption? Eh yun ngang kapulisan na dapat tagapagtanggol ng taong bayan eh sila pa ngayon ang kinatatakutang gumagawa ng kalokohan at krimen.

Link to comment

Giving credit where its due: I do appreciate Dutertes guts for firing members of his circle who he percieves as corrupt.

 

The opposite of this was the most frustrating aspect of the last egghead president: sticking by his own men even when they were blatantly doing corrupt practices.

 

Now, if Duterte would just fire his incompetent staffers, then that would be awesome.

Link to comment

Giving credit where its due: I do appreciate Dutertes guts for firing members of his circle who he percieves as corrupt.

 

The opposite of this was the most frustrating aspect of the last egghead president: sticking by his own men even when they were blatantly doing corrupt practices.

 

Now, if Duterte would just fire his incompetent staffers, then that would be awesome.

 

Top 3 and priority should be the ff;

 

1. Mocha

2. Andanar

3. Aguirre

 

- mga pinaka palpak na myembro ng admin na to

Link to comment

Yung police force, di naman perfect yan. Any country may ok na cops, may bad cops. Kahit previous presidencies ganyan, Sino dapat sisihin... si Bato?

 

Di ko lng magets, kung pukulin si duterte about bad cops eh parang di nangyari yan sa ibang presidente.

 

Tama ka di naman talaga zero ang bad cops even in the past admininstration. But what is the difference kaya nababatikos si duterte, si bato at ang pnp? Well masyadong "protective" ang administrasyon na ito sa mga kapulisan. Tuwing may napatay eh iisa ang default line nila .... "Nanlaban", kahit wala pang imbestigasyon. Halimbawa, yun kaso ni Kian, nun umpisa nagkakaisa ang buong kapulisan na legit operation iyon at nanlaban si Kian kaya napatay. Buti na lang may mga ebidensiyang sumulpot at nagingay ang taong bayan kaya ayun natutulan ng husto ang kaso. Ultimano ano ang lumabas, hindi ba may irregularidad na nangyari even assuming na isa itong legit operation. Ayun kinasuhan yun mga pulis.

 

Ilang kaso pa ng kawalanghiyaang ng pulis ang nangyayari maliban sa kasi ni Kian na natuklasan eh papaano naman yun mga kaso na naibaon na lang sa hukay dahil walang nakakita sa tunay na pangyayari? At ngayon kaliwa't-kanan ang batikos sa kapulisan dahil sa nangyayaring kabulastugan ng ilan sa kanilang hanay ano ang narinig natin mula kay PNP? "MGA INGRATO KAYO" ...tama ba yun? Aba'y nakalimutan na ata ni Bato na tungkulin nila ang panatilihing maayos ang peace and order ng bayan at ang taong bayan ang nagpapasahod sa kanila. OO, hindi po libre o volunteer ang pagpupulis niya bagkus binabayaran siya kaya ayusin niya trabaho niya. Hindi ba sa corporate world kung hindi maayos ang trabaho eh masisita o makakarinig ka talaga sa employer mo. Ngayon kung naiinis ka at di ka na masaya sa ginagawa mo o sa ginawa sa iyo, pwede ka naman mag resign. I think the country is not lacking in qualified men in uniform that can even do a better job.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...