Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Annulment 101

Zorro

Recommended Posts

ito ay mga article sa Family Code of the Philippines.

ang ibig lang sabihin ng mga article na ito, pwedeng magpakasal ang Pilipino sa ibang bansa at ang kasal nya run ay may bisa sa Pilipinas kung ang kasal na ito ay hindi ipinagbabawal sa Pilipinas.

halimbawa ng mga bawal:

kung kayo ay may-asawa na, at nagpakasal kayo sa ibang bansa, walang bisa ang kasal mo kahit legal sa bansang yun ang kasal mo.

kasal sa pagitan ng dalawang lalaki/dalawang babae. kahit pa legal sa bansang yun ang kasal sa pagitan ng parehong kasarian, pagdating sa Pilipinas, walang bisa yun.

kasal sa pagitan ng magpinsang buo. kahit pa legal sa bansang yun ang kasal ng magpinsan, pagdating sa Pilipinas, walang bisa yun.

ang siguraduhin mo lang, may kapasidad kayong magpakasal sa ilalim ng batas ng Pilipinas. kung kayo ay pwedeng magpakasal sa Pilipinas, maari kayong magpakasal sa ibang bansa at yun ay may bisa pagdating mo dito sa Pinas.

Thanks so much sir, anyways, para binding din yung new relationship ko if ever i would find someone again...

:)

but what are those ARTICLES you mentioned?? what kind of problems i may have regarding this???

Link to comment

Sir Rocco69 salamat po sa reply....

Tanong:

Ang sabi sa old threads dito mga 180-200k ang processing ng annulment. Nakakita po ako sa **lit.com.ph na may mga 50k po doon na kayang mag process din ng annulment cases. Anu po ba opinion ninyo dito?

Gaano po ba katagal ang declaration of nullity? At magkano naman po ito. Pinatatanung ng friend ko.

Salamat po.

Link to comment

1. Anu po ba opinion ninyo dito [sa murang singil para sa annulment]?

ang ibinabayad ng isang kliyente sa abugado ay halintulad din ng pagbabayad sa serbisyong ibinibigay ng ibang propesyon.

pag nagbayad ka ng sobrang mababa, asahan mo rin ang serbisyong sobrang mababa ang kalidad [baka pa nga hindi naman abugado ang kausap mo at ginagantso ka lang]. wala pa akong naririnig na abugado na sumisingil ng mas mababa sa P100T [na murang-mura na nga kung iisipin]

2. Gaano po ba katagal ang declaration of nullity?

depende sa maraming factor ang tagal ng kaso.

saan mo ba ihahain ang kaso? may mga lugar kasi na iilan lang ang Family Court [korte na siya lamang dumidinig sa ganitong kaso] kaya tambak ang husgado (eg. Antipolo - 2 lang ang Family Court kung kaya ang hearing ng isang kaso ay 6months ang pagitan).

lalaban ba ang iyong esposo sa ihahain mong kaso? pag kumontra ang iyong asawa, asahan mong mas tatagal ang kaso dahil dalawa kayong magpri-prisinta ng ebidensya.

taga-saan ba ang esposo mo? kung ikaw ay maghahain ng kaso sa Metro Manila at ang asawa mo ay nasa Mindanao, asahan mo na matagal din ang kaso dahil pagbibigay-alam pa lang sa asawa mo na naghain ka ng kaso ay aabutin na ng ilang buwan agad.

masigasig ba ang abugado mo?

masipag ba ang huwes kung saan bumagsak ang kaso mo?

masipag ba ang fiscal na naka-assign sa korte kung saan bumagsak ang kaso mo? [kapag di lumaban o sumagot ang esposo mo sa kasong inihain mo, ang fiscal ang magiging kalaban mo at kailangan mo pa ring patunayan sa pamahalaan na dapat ngang ipawalang-bisa ang kasal mo, ang fiscasl ang kumakatawan sa pamahalaan. di lang yan, pag di sumagot ang asawa mo, kailangang magsumite ng report ang fiscal sa korte na walang sabwatang namamagitan sa mag-asawa upang ipawalang-bisa ang kasal nila, kaya kung tatamad-tamad ang fiscal, matagal bago magsumite ng report].

matagal din bago maging "final and executory" ang desisyon. nakapag-desisyon na ang huwes, pero ang desisyon ay nagiging final lamang kung walang aapela dito. nalalaman lamang na final na ito kapag nakatanggap na ang korte ng ebidensya na natanggap na ang desisyon ng lahat ng partido at ni isa sa mga ito ay hindi umapila (sino-sino ang mga partido na dapat mabigyan ng desisyon? 1. ang naghain ng kaso; 2. ang kanyang esposo (lumaban man o hindi); 3. ang fiscal; 4. ang Solicitor General.)

ang masasabi ko lang, makakuha ka ng desisyon sa loob ng 8 buwan mula sa paghain mo ay mabilis na mabilis na. Isa hanggang dalawang taon, ordinaryo lang na panahon.

3. magkano naman po ito?

ikaw na rin ang nagsabi - "Ang sabi sa old threads dito mga 180-200k ang processing ng annulment."

magtanong-tanong sa kaibigan o kakilala na nagpa-annul na kung magaling ang kanilang abugado. magtanong sa kamag-anak o di kaya sa mga iginagalang na tao kung may mairerekomenda sila na abugado. ang paghahanap ng abugado ay para ding pagbibili ng ibang mamahaling gamit - kailangang pag-aralan din ang abugadong kukunin, tingnan ang kanyang credentials, ang experience, at ang inyong pakikitungo sa kanya - kung saan kayo komportable, na kaya naman ng budget nyo, at yung sasamahan kayo hanggang matapos ang kaso. masaklap ang gagastos ka ng malaki pagkatapos bopol naman ang kinuha ninyo, sabay talo lang ang kaso - para ka lang nagtapon ng pera.

Ang sumusunod ay galing sa American Bar Association - pero pwede na rin ito dito sa Pilipinas:

What should I look for when trying to choose a lawyer?

The lawyer will be helping you solve your problems, so the first qualification is that you must feel comfortable enough to tell him or her, honestly and completely, all the facts necessary to resolve your problem. No one you listen to and nothing you read will be able to tell you which particular lawyer will be the best for you; you must judge that for yourself.

Ito pa:

Questions to ask a lawyer:

• What is your education?

• What year did you begin practicing law?

• What experience do you have with cases such as mine?

• How many cases like mine have you handled before?

• What percentage of your practice is in my area of law?

• How many trials have you handled? (If your matter may require a trial.)

• Will he [the attorney] be able to devote the time you want to the case?

• Have you ever been the subject of an ethics or disciplinary complaint?

• How long is my case likely to last?

Sir Rocco69 salamat po sa reply....

Tanong:

Ang sabi sa old threads dito mga 180-200k ang processing ng annulment. Nakakita po ako sa **lit.com.ph na may mga 50k po doon na kayang mag process din ng annulment cases. Anu po ba opinion ninyo dito?

Gaano po ba katagal ang declaration of nullity? At magkano naman po ito. Pinatatanung ng friend ko.

Salamat po.

Link to comment
ito ay mga article sa Family Code of the Philippines.

ang ibig lang sabihin ng mga article na ito, pwedeng magpakasal ang Pilipino sa ibang bansa at ang kasal nya run ay may bisa sa Pilipinas kung ang kasal na ito ay hindi ipinagbabawal sa Pilipinas.

halimbawa ng mga bawal:

kung kayo ay may-asawa na, at nagpakasal kayo sa ibang bansa, walang bisa ang kasal mo kahit legal sa bansang yun ang kasal mo.

kasal sa pagitan ng dalawang lalaki/dalawang babae. kahit pa legal sa bansang yun ang kasal sa pagitan ng parehong kasarian, pagdating sa Pilipinas, walang bisa yun.

kasal sa pagitan ng magpinsang buo. kahit pa legal sa bansang yun ang kasal ng magpinsan, pagdating sa Pilipinas, walang bisa yun.

ang siguraduhin mo lang, may kapasidad kayong magpakasal sa ilalim ng batas ng Pilipinas. kung kayo ay pwedeng magpakasal sa Pilipinas, maari kayong magpakasal sa ibang bansa at yun ay may bisa pagdating mo dito sa Pinas.

looks like di din pala pwede sir, thanks so much, hehehe

i thought pag kinasal ka sa ibang bansa valid pa din yun even if you are already married here...

:thumbsupsmiley:

Link to comment

sirs ano po ba ang pwede gawin to make sure na ma grant ang annulment? i don't wanna ba spending 150-200k just for the judge to tell me that i't won't be granted ( that would suck bigtime ) and if by any chance it won't be granted ano na? what next steps will I have to take? tapos na ba yun as in wala nang pag asa?

Link to comment

get a good lawyer who is using a REALLY GOOD psychiatrist/psychologist. there is NO GUARANTEE of success in ALL kinds of cases. otherwise, no one would like to become a lawyer (sa lahat ng kaso may naglalaban, ibig sabihin, 2 nagkokontrang abugado yun, yung isa panalo, yung isa, talo!).

i hear of certain lawyers having arrangements with the judge and the fiscal, so that SIGURADO na na panalo ang kaso. bawal po ang ganitong sistema at hindi ko inererekomenda (because of Murphy's Law - baka balikan ka nito isang araw, sabit kayong lahat, client, lawyer, judge). if you can find a lawyer who promises you something like this, good luck - but don't say you have not been warned.

sirs ano po ba ang pwede gawin to make sure na ma grant ang annulment? i don't wanna ba spending 150-200k just for the judge to tell me that i't won't be granted ( that would suck bigtime ) and if by any chance it won't be granted ano na? what next steps will I have to take? tapos na ba yun as in wala nang pag asa?
Link to comment

eto po case ko, sana matulungan nyo ko...

7 years ng hiwalay

7 yrs ago, nagfile wife ko ng case of abandonment kaya ndi natuloy filing ko ng annulment. nasa archive na raw ang case ko.

sabi ng ibang lawyer na nakukuha for the annullment, ok lang daw to proceed even ndi pa close ang abandonment case, pero sabi naman ng ibang lawyer, kailangan maclear muna yung abandonment bago yung filing ko ng annulment.

thanks in advance sa opinion po ninyo

Link to comment

case of abandonment? ano ba ito, civil or criminal case? if civil, for what purpose? (in other words, ano ang hinihinging ayuda ng asawa mo mula sa korte sa kaso na yun? para ihiwalay ang ari-arian nyo? para ideklarang siya ang administrador ng ari-arian nyo? etc.)

child abandonment yata yun, ndi ko na masyado maalala. tingin ko din eh civil case. ang hinihingi nila yata nung time na yun eh child support.

kaya ang tanong kung pwede ako mag-proceed with the annullment kahit may case of abandonment?

salamat

Link to comment

kung ganun pala ang kaso, pwede. di naman dependent sa abandonment case yung magiging desisyon sa annulment case.

child abandonment yata yun, ndi ko na masyado maalala. tingin ko din eh civil case. ang hinihingi nila yata nung time na yun eh child support.

kaya ang tanong kung pwede ako mag-proceed with the annullment kahit may case of abandonment?

salamat

Link to comment

Here is my piece of advice based on my experience as a legal practitioner

1. Mahirap makakuha ng annulment if you go strictly by the book. Chances are your petition will be denied, if not sa RTC den sa Court of Appeals on appeal. I have worked in the Court of Appeals for more than 3 years and I have not encountered a case where we affirmed an RTC grant of annulment. In all of the cases, nareverse ang decision ng RTC. Thus, the tactic is wag paabutin sa CA. Pag umabot na sa CA, your chances are very slim.

2. In connection with #1, you need to do "extra" legal if you want an annulment. That would of course involve money. The tactic is to have everyone on board. If not, baka magkaproblem ka procedurally and substantially.

3. Pag nanalo ka sa RTC, make sure na di na aabot yun kaso sa CA on appeal. If you ask pano magagwa yun, diskarte na ng lawyer yun but this definitely involves money. The common error lawyers commit is pag nanalo na sa RTC tapos na ang laban. They do not take into consideration yun appeal process which in most cases narereverse ang RTC decision.

yup i definitely agree...

may mga "packages" yan.

Link to comment

Question, What if I am a Philippine Citizen when I was married. Went to the US and filed for US citizenship. USA allows Divorce and since I am already an American citizen i can file for it, will my divorce papers w/c is filed here in the United states nullify/void my marriage in the Philippines? after filing the paperwork here, can I legally marry here in the United States? and can my (ex)wife also legally marry in the Philippines? or do i still file for annulment sa Pinas even though hindi na ako residente ng Pilipinas (or even denounce my citizenship)?

Salamat po!

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...