Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Annulment 101


Zorro

Recommended Posts

Good day po mga bossing. bago lang po ako dito sa MTC. dito ko daw po ipost tong problema ko

hingi lang po sana ako ng advice kung:

magkano ang annulment?

ano po ba mga kelangan ko ihanda?

ano po mga grounds na pwede?

 

well year 2000 ako kinasal. 20 y/o pa lang po ako nun.

kinasal kami kasi nauntis ko sya. well ginusto namin parehas.

muntik kami hindi matuloy kasi that time wala ako pera nun. nasa pangasinan sya nun. umuwi ako kasi akala ko tulungan ako ng parents ko. well ok naman sana. nakapag seminar na kami. pinauwi ako para pagbalik ko dun ay kasama ko na nanay ko at mga magnininang. gusto sana ipaurong ang kasal kasi tuesday nakaset ang kasal. marami ang hindi makakaattend. ayaw pumayag nung sa side nung babae kasi hindi daw pwede na ipaurong ang sched. nagalit sila kasi akala nila ayaw kami ipakasal. ang sa side ko lang kasi may pasok that time kaya pinapaurong. hanggang dumating ang puntong sinabi ng side ng girl na pag hindi ko daw pinakasalan ang anak nila. bahala daw kung may mangyaring masama sa anak nila. in the end 3 lang kami ng tropa ako nakabalik. mga proxy kasi sila. nung ikakasal na. ayaw pumayag nung sa munisipyo. kasi walang pirma ang magulang ko. that time kasi nasa abroad ang tatay ko. ayaw naman pumunta ng nanay ko kasi wala sya makakasama. ang ginawa ng magulang ng asawa ko noon, pinapirma ang "TITA" daw nya. parental consent daw yun. kasi sinabi namin na may sakit ang nanay ko. pinapirma naman yung tita.

 

legal din po kaya yun?

 

well after mag 1 year ng anak namin. nagkahiwalay kami dahil sa financial problem.

8 years na ang total ng taon na hindi kami nagkakasama. nung 3 years pumunta sya sa bahay. para aregluhin daw na magkapirmahan sa brgy na magkahiwalay na kami.

 

hindi naman pwede yun di ba?

 

sa 8 years na yun. mgrant kaya agad ang annulment namin?

 

sana po ay matulungan nyo ako.

nga po pala may gf ako ngayon na minsan dito umuuwi sa amin. tanggap nya ako. willing naman sya maghintay ng annulment ko.

ano po sa tingin nyo?

 

salamat po and may god bless you.

Link to comment

1. ano po mga grounds na pwede [para ipawalang-bisa ang kasal ko]?

 

Sabi nga ni swami sa kabilang thread, hindi mo na maaaring ma-kwestyon yung pagpirma ng tita ng asawa mo, sa halip ng magulang mo, para sa parental consent.

 

Sa ilalim ng batas, ang taong nasa edad 18 hanggang bago mag-21 na nagpapakasal ay kailangang kumuha ng parental consent. Pag walang parental consent, ang kasal ay maaaring ipa-walang bisa.

 

Ang problema mo, sa ilalim din ng batas, kapag nag-21 na yung tao at nakisama pa rin siya sa kanyang kapareha bilang mag-asawa, naitutuwid o nawawala yung depekto ng kasal (Article 45[1], Family Code).

 

Sa kaso mo kasi, ayun na rin sa yo, naghiwalay lang kayo ng 1year old na ang anak nyo. Samakatuwid, 21 años ka na nun. Dahil nagsama pa rin kayo pagkatapos mong mag-21, nawala/naayos yung depekto ng kasal nyo.

 

Isa pa, ipagpalagay man natin na di kayo nagsama nung ikaw ay nag-21, sa ilalim ng batas, ang kawalan ng parental consent ay dapat kwestyunin sa loob lamang ng limang taon mula ng mag-21 ang ikinasal (Article 47[1], Family Code). Sa kaso mo, walong taon na ang nakakalipas mula ng kayo ay maghiwalay, kaya paso na rin ang kaso mo.

 

sa tingin ko, "psychological incapacity" ang pinakamaganda mong ground para mapawalang-bisa ang kasal mo. mangangailangan ka ng psychiatrist/psychologist para ipakita na may "psychological incapacity" ang napangasawa mo (at baka pati ikaw na rin)

 

2. magkano ang annulment?

depende sa abugadong makukuha mo, magtanong-tanong ka sa mga kakilala at kaibigan tungkol sa kakilalang abugado. usually, ang abugado na rin ang magpro-provide ng psychiatrist/psychologist na magsasagawa ng psychological evaluation sa inyong mag-asawa

 

3. ano po ba mga kelangan ko ihanda?

PERA!!!. Gagastos ka talaga dito.

 

4. sa 8 years na [paghihiwalay namin ng asawa ko], mgrant kaya agad ang annulment namin?

depende sa korte at depende rin sa abugado mo ang tagal ng kaso. mga 8 months to 3 years ang tatakbnuhin niyan, depende kung kokontrahin ng asawa mo yung petisyon mo sa korte, at depende na rin sa dami ng kaso sa korte. alalahanin mo na ang kaso ay isinasampa sa lugar kung saan ka nakatira o kung saan nakatira ang asawa mo (nasa sa iyo kung alin sa dalawang ito ang korteng paghahainan mo ng kaso), pag marami ang kasong ganito at iisa o iilan lang ang Family Court, matagal.

 

Good day po mga bossing. bago lang po ako dito sa MTC. dito ko daw po ipost tong problema ko

hingi lang po sana ako ng advice kung:

magkano ang annulment?

ano po ba mga kelangan ko ihanda?

ano po mga grounds na pwede?

 

well year 2000 ako kinasal. 20 y/o pa lang po ako nun.

kinasal kami kasi nauntis ko sya. well ginusto namin parehas.

muntik kami hindi matuloy kasi that time wala ako pera nun. nasa pangasinan sya nun. umuwi ako kasi akala ko tulungan ako ng parents ko. well ok naman sana. nakapag seminar na kami. pinauwi ako para pagbalik ko dun ay kasama ko na nanay ko at mga magnininang. gusto sana ipaurong ang kasal kasi tuesday nakaset ang kasal. marami ang hindi makakaattend. ayaw pumayag nung sa side nung babae kasi hindi daw pwede na ipaurong ang sched. nagalit sila kasi akala nila ayaw kami ipakasal. ang sa side ko lang kasi may pasok that time kaya pinapaurong. hanggang dumating ang puntong sinabi ng side ng girl na pag hindi ko daw pinakasalan ang anak nila. bahala daw kung may mangyaring masama sa anak nila. in the end 3 lang kami ng tropa ako nakabalik. mga proxy kasi sila. nung ikakasal na. ayaw pumayag nung sa munisipyo. kasi walang pirma ang magulang ko. that time kasi nasa abroad ang tatay ko. ayaw naman pumunta ng nanay ko kasi wala sya makakasama. ang ginawa ng magulang ng asawa ko noon, pinapirma ang "TITA" daw nya. parental consent daw yun. kasi sinabi namin na may sakit ang nanay ko. pinapirma naman yung tita.

 

legal din po kaya yun?

 

well after mag 1 year ng anak namin. nagkahiwalay kami dahil sa financial problem.

8 years na ang total ng taon na hindi kami nagkakasama. nung 3 years pumunta sya sa bahay. para aregluhin daw na magkapirmahan sa brgy na magkahiwalay na kami.

 

hindi naman pwede yun di ba?

 

sa 8 years na yun. mgrant kaya agad ang annulment namin?

 

sana po ay matulungan nyo ako.

nga po pala may gf ako ngayon na minsan dito umuuwi sa amin. tanggap nya ako. willing naman sya maghintay ng annulment ko.

ano po sa tingin nyo?

 

salamat po and may god bless you.

Link to comment

hindi nawawalan ng bisa ang kasal dahil mali ang date of birth na ibinigay ng ikinasal.

 

ang rekisitos ng kasal ay:

 

i. kapasidad ng ikinakasal (e.g. isang lalaki at isang babae, pareho silang edad 18 pataas, hindi magkapatid o magpinsan, parehong single, atbp.)

 

ii. pagsang-ayon sa kasal (pagtanggap sa isa't-isa bilang mag-asawa) na inihayag nila sa harap ng nagkakasal at ng dalawang testigo

 

iii. kapangyarihang magkasal ng nagdiwang/nagdaos ng kasal (e.g., kailangan ito ay pari, mayor, huwes, etc.)

 

iv. marriage license - kailangang meron nito ang ikinakasal (bagaman may ilang hindi saklaw ng rekisitos na ito), at

 

v. seremonya ng kasal kung saan humarap sa nagkakasal ang magkapareha.

 

Kapag ang limang rekisitos na ito ay nariyan, may bisa ang kasal. mapapansin na hindi rekisitos ng mabisang kasalan ang pagbibigay ng tamang edad o date of birth (siyempre, kailangan 18 sila pataas). kaya nga kahit mali ang binigay mong pangalan sa kasal, may bisa pa rin ang kasal mo - mali nga lang ang lalabas na pangalan sa marriage contract (pati marriage contract ay hindi rekisitos ng kasal kaya kahit wala nito, basta yung limang rekisitos na nakalista sa taas ay meron, may bisa ang kasal).

 

NOTE: walang bisa ang kasal kung ang ikinasal ay below 18 at nagsinungaling ito at ipinalabas niya na siya ay 18 na (walang bisa ang kasal, hindi dahil mali ang date of birth, kundi dahil ang taong below 18 ay walang kapasidad magpakasal).

 

Ang isa ring posibilidad ay 18 and above siya pero below 21, at nagpapakasal siya ng walang pahintulot ng magulang, kaya siya ay nagsinungaling at pinalabas niya na siya ay 21 na (para di na hanapan ng parental consent). ang kasal ay pwedeng ipawalang-bisa (voidable) hindi dahil mali ang date of birth kundi dahil walang pahintulot ng magulang.

 

liban sa dalawang kasong ito, ang maling date of birth sa marriage certificate ay di nakaka-apekto sa bisa ng kasal.

 

tanong ko lang atty .

if the birth date given of both parties is not the right one and also appear in marriage contract in NSO., but the true bithdate does not match with the birth cert. Will this be consider void?

Link to comment
hindi nawawalan ng bisa ang kasal dahil mali ang date of birth na ibinigay ng ikinasal.

 

ang rekisitos ng kasal ay:

 

i. kapasidad ng ikinakasal (e.g. isang lalaki at isang babae, pareho silang edad 18 pataas, hindi magkapatid o magpinsan, parehong single, atbp.)

 

ii. pagsang-ayon sa kasal (pagtanggap sa isa't-isa bilang mag-asawa) na inihayag nila sa harap ng nagkakasal at ng dalawang testigo

 

iii. kapangyarihang magkasal ng nagdiwang/nagdaos ng kasal (e.g., kailangan ito ay pari, mayor, huwes, etc.)

 

iv. marriage license - kailangang meron nito ang ikinakasal (bagaman may ilang hindi saklaw ng rekisitos na ito), at

 

v. seremonya ng kasal kung saan humarap sa nagkakasal ang magkapareha.

 

Kapag ang limang rekisitos na ito ay nariyan, may bisa ang kasal. mapapansin na hindi rekisitos ng mabisang kasalan ang pagbibigay ng tamang edad o date of birth (siyempre, kailangan 18 sila pataas). kaya nga kahit mali ang binigay mong pangalan sa kasal, may bisa pa rin ang kasal mo - mali nga lang ang lalabas na pangalan sa marriage contract (pati marriage contract ay hindi rekisitos ng kasal kaya kahit wala nito, basta yung limang rekisitos na nakalista sa taas ay meron, may bisa ang kasal).

 

NOTE: walang bisa ang kasal kung ang ikinasal ay below 18 at nagsinungaling ito at ipinalabas niya na siya ay 18 na (walang bisa ang kasal, hindi dahil mali ang date of birth, kundi dahil ang taong below 18 ay walang kapasidad magpakasal).

 

Ang isa ring posibilidad ay 18 and above siya pero below 21, at nagpapakasal siya ng walang pahintulot ng magulang, kaya siya ay nagsinungaling at pinalabas niya na siya ay 21 na (para di na hanapan ng parental consent). ang kasal ay pwedeng ipawalang-bisa (voidable) hindi dahil mali ang date of birth kundi dahil walang pahintulot ng magulang.

 

liban sa dalawang kasong ito, ang maling date of birth sa marriage certificate ay di nakaka-apekto sa bisa ng kasal.

 

 

maraming salamat sa sagot atty.

 

kung pinatanda po ang ikinasal para walang consent ng magulang, but then nagsasama na ng 10 taon is it consider voidable dahil walang pahintulot ang magulang in the first place. Kung pwedeng ipawalang bisa ang ganitong sitwasyon. Ano ang gagawing proseso para mapawalang bisa ang kasal?

Link to comment

paso na ang kaso.

 

kung ang isang taong nasa 18 hanggang bago mag-21 ay nagpakasal ng walang pahintulot ng magulang, meron siyang limang (5) taon mula ng mag-21 para ipawalang-bisa ang kasal. dahil sampung taon na silang nagsasama, lampas limang taon na, kaya paso na (kailangan din na di na sila magsasama pag nag-21 siya dahil nawawala rin ang depekto pag nagsama pa rin sila bilang mag-asawa pag-21 niya).

 

maraming salamat sa sagot atty.

 

kung pinatanda po ang ikinasal para walang consent ng magulang, but then nagsasama na ng 10 taon is it consider voidable dahil walang pahintulot ang magulang in the first place. Kung pwedeng ipawalang bisa ang ganitong sitwasyon. Ano ang gagawing proseso para mapawalang bisa ang kasal?

Link to comment

I'm not sure if this question is supposed to be in this thread. Anyway i hope you can help me, what if legally married ang isang couple and naghiwalay lang sila without an annulment and a few months later nalaman ng lalaki na kaya pala sya hiniwalayan ni babae is because may lalaki na si babae. It's not what she told him in the first place. Can the guy file a case against his wife? If so, what's gonna happen?

Link to comment

kung naghiwalay lang sila ng basta, ibig sabihin, kasal pa rin sila sa isa't-isa. dahil dito, pareho silang may obligasyon na manatiling tapat sa isa't-isa. kapag nilabag ni babae ito, maaari siyang kasuhan ng adultery (kung may ebidensya na magpapatunay na nagpapabarurot siya sa iba, e.g. nabuntis at nagka-anak sa kanyang lalaki - sa tutoo lang, ito ang pinakamagandang ebidensya lalo na kung merong birth certificate yung bata na pirmado ng ina) pag nanalo si lalaki, kulong si babae (prision correccional medium to maximum or 2yrs 4 mos. 1day - 6 years) .

 

pwede rin itong gawing ground para sa declaration of nullity (sintomas ng psychological incapacity) o di kaya ay legal separation (sexual infidelity)

 

I'm not sure if this question is supposed to be in this thread. Anyway i hope you can help me, what if legally married ang isang couple and naghiwalay lang sila without an annulment and a few months later nalaman ng lalaki na kaya pala sya hiniwalayan ni babae is because may lalaki na si babae. It's not what she told him in the first place. Can the guy file a case against his wife? If so, what's gonna happen?
Link to comment

medyo kulang yan. altho ang adultery ay pwedeng mapatunayan ng circumstantial evidence lang (dahil wala namang magkalaguyo na nagse-sex sa harap ng maraming tao), kailangan na ang ebidensya mo ay walang ibang patutunguhang konklusyon kundi na nagsex sila. ang pictures mo ay dapat sabayan ng testimonya ng testigo na magsasabi na magkasama silang natulog sa isang kwarto.

 

Ok. Thanks for the reply. Pano kung mga pics lang nilang dalawa na magkayakap ang meron as evidence? Pics showing na nag-out of town silang dalawa lang. Is that enough evidence to implicate them with anything?
Link to comment

unfortunately, hindi napapaso ang kasal kung naghiwalay lang kayo ng kung ilang taon (kahit pa 20 years or more).

 

sabi ng Article 41 ng Family Code:

 

A marriage contracted by any person during subsistence of a previous marriage shall be null and void, unless before the celebration of the subsequent marriage, the prior spouse had been absent for four consecutive years and the spouse present has a well-founded belief that the absent spouse was already dead. In case of disappearance where there is danger of death under the circumstances set forth in the provisions of Article 391 of the Civil Code, an absence of only two years shall be sufficient.

 

For the purpose of contracting the subsequent marriage under the preceding paragraph the spouse present must institute a summary proceeding as provided in this Code for the declaration of presumptive death of the absentee, without prejudice to the effect of reappearance of the absent spouse. (83a)

 

 

dahil sa Art. 41, habang ikaw ay kasal, di ito nawawalan ng bisa kahit di na nagpaparamdam ang asawa mo. ang exception lamang ay kung mapapatunayan mo na ang nawawala mong asawa ay maipapalagay na patay na.

 

dahilan dito, kung gusto mong mapaso ang kasal mo, dahil sa di na nagpaparamdam ang iyong asawa sa yo ng higit sampung taon, either patunayan mo na siya ay PARANG PATAY NA (maghahain ka ng petisyon sa korte para dito, at kailangan meron kang ebidensya na nagsasabi na mas malamang sa hindi, siya ay patay na) para maideklara ng korte na ang asawa mo ay IPINAPALAGAY NA PATAY (presumptively dead) na. Kung wala kang ebidensya na magsasabi na patay na ang asawa mo, kailangang ipawalang-bisa mo ang kasal nyo sa ordinaryong paraan (file ka ng kaso for declaration of nullity of marriage - malamang ang basehan mo ay "psychological incapacity" ng asawa mo).

 

dahilan sa tagal ng panahon na di nagpaparamdam ang asawa mo, may posibilidad din naman na ito ay naging citizen na ng ibang bansa, at ikaw ay diniborsyo niya dun. kung ganito ang nangyari, maari ka nang magpakasal dito. mag-tanong-tanong ka sa mga kamag-anak o kaibigan ng asawa mo para malaman kung ganito nga ang nangyari, at para makakuha ka ng ebidensya ng diborsyo.

Pano kung ang asawa ay nangibam bansa, at nde nagparamdam ng higit pa sa 10 taon? paso na ba ang kasal?

 

Ano ang kailangan gawin para mapaso ito?

Link to comment
  • 2 weeks later...

Ei peeps! Ask ko lang kase wala kame marriage license ng wife ko pero all legal documents namin like our daughter's birth cert. naka lagay na married kame. Nag issue na NSO ng cenomar so meaning single ako, sad to say di rin nagtagal relationship namin since she cheated on me. Problem ko now ay mag apply ako ng pag ibig loan, however, ang docs ko like company records, sss, ITR etc ay married ako. Dunno what to do, as per developer pinapirma ako ng deed of undertaking

para palabasin na estranged kame at ang dating ay "married to" instead of "spouses". Anu kaya sir maganda ko gawin? Need your help badly. Thanks :goatee:

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...