Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Living Abroad Vs Living In The Philippines?


Recommended Posts

gusto mo kumita ...sa overseas...

gusto mo gumasta... sa pinas....

 

gusto mo malungkot... sa overseas...

gusto mo masaya....sa pinas....

 

gusto mo tahimik na buhay.... sa overseas...

gusto magulo.... sa pinas....

 

gusto mo walang chix.... sa overseas...

gusto meron chix.... sa pinas...

 

ang sagot...depende sa gusto mo....

Link to comment

sa chores ako natatakot. lately lang ako natuto magluto. laba and linis wala akong alam diyan.

 

kung umalis ako kaya kong buong decade walang balik balik. hindi ako nahohomesick. comfort lang talga inaalala ko kasi nasanay ako dito may driver may maids. konti nalang kasi family ko medyo namatay na kasi yung iba at yung nagcoconnect sa lahat wala na rin so parang nagkanya kanya. mas hassle pa nga pag nandyan kasi lagi kelangan ng tulong or gugulangan ka pa. well other side ng fam ko ganoon. hindi naman ako gaanong close sa kabila. friends ko naman work friends nalang. hindi nako sumasama sa high school friends ko. parang ibang tao na rin kasi ako kompara sa dati.

 

maraming opportunity ako sa europe in terms of partners. marami sa circle ko european. pero sabi nila mahirap din daw yung buhay doon. pareho lang yung rent sa pinas at doon kaya ko naisip na maafford ko tumira doon. well bad part of europe siya yung parang pangit na part sa eurotrip movie. hindi work habol ko which might be a wrong move on my part. dapat cguro career yung intindihin ko tulad ng iba sa thread na to.

 

hindi ko lang alam kung saan mas may opportunity. may nepotism kasi satin at isa nako sa nakikinabang doon. sa US wala. napagkakamalan pa akong mexicano.

Link to comment
  • MODERATOR

Work abroad while still young then after 10-15 years.... Mag ipon then buy a lot or condo sa pinas and start a business and start a family para dito ka na sa pinas or if pwede dalhin sa abroad family mo and settle down there. :)

 

easier said than done. 10-15 years is too long, masasanay ka na ng sobra and ma integrate dun sa culture nung host country mo. Mahirapan ka na mag move.

madami ako kakilala, sabi contract nila is 2 years lang then balik na pinas, nag extend ng nag extend hanggang 5-10-12 years. Kahit may ipon na sila, ginawa lang nila 'investing' site yung Pinas. Bili ng lupa, pinaupahan, etc.

 

Nung bumalik sila 'for good' daw, tumagal lang ng less than 2 years nag abroad na ulit.

Link to comment

 

easier said than done. 10-15 years is too long, masasanay ka na ng sobra and ma integrate dun sa culture nung host country mo. Mahirapan ka na mag move.

madami ako kakilala, sabi contract nila is 2 years lang then balik na pinas, nag extend ng nag extend hanggang 5-10-12 years. Kahit may ipon na sila, ginawa lang nila 'investing' site yung Pinas. Bili ng lupa, pinaupahan, etc.

 

Nung bumalik sila 'for good' daw, tumagal lang ng less than 2 years nag abroad na ulit.

 

 

Tama ka dito pareng Alex. You get exposed to the culture of your host country, eventually you find yourself becoming more one of them. Yung disiplina, routine, at paguugali nakukuha mo. Kaya nga minsan pagbalik mo ng Pilipinas, parang naninibago ka na sa sarili mo. Its not that kinakalimutan mo pinangagalingan mo, its just that you adapted na a hybrid culture which is part of you.

 

 

I know someone na bumalik nga ng Pilipinas matapos yung schooling nya dito. Pero nahirapan sya sa sistema satin. Pati mga katrabaho hindi masakyan, sya pa itong inaaway when she was merely trying to practice yung mga magagandang bagay na natutunan nya dito. Eventually, nafrustrate, alam nyang di sya aasenso sa pinas, balik na lang ulit dito

Link to comment

natawa nga ko when i first came back from abroad, ni hindi ko magawang pitikin yung yosing naubos ko ng basta basta sa lansangan, talagang naghanap pa ko ng proper na pagtatapunan. Tapos nung minsan kumain din ako sa mcdo, pinagtitinginan kaya ako ng mga crew nung nakita nila na ako mismo nagligpit at nagtapon ng leftover ko sa waste bin tsaka nagbalik ng tray sa kahera, may kasabay pang "thank you" at matamis na ngiti hehe... wasn't really an impulse out of force of habit, parang due to acquired discipline na lang din on my part - halos 5 years ka ba namang hindi umuwi tapos araw-araw ganun ang gawain hindi ka ba masasanay talaga. :P

Link to comment

growing up overseas and coming here to Pinas was a severe culture shock for me. Dito ko nakita yung walang disiplina ng mga pinoy.. dami basura, trapik, pollution, mga walang modo magsalita..etc. I somehow adjusted when I was at school. If you want to earn money and have a more peaceful life then go overseas but it'll also depend on which country you will be working in. Kung 3rd world country din ang bagsak mo then pray to God sana ok yung mga ugali ng locals doon kasi that's the only reason left for you to stay.

Link to comment

Masarap sa Pinas yung vacation mode ka na sa buhay. Yung tipong rume rest house ka na lang.

 

 

Pero yung grind dito kakaiba. Ang goal lang naman karamihan nating mga Pinoy eh guminhawa, yung tipo na may bahay na sarili, sasakyan sa pamilya, education ng anak, at pag may sobra, bakasyon. Sobrang pahirapan sa Pinas.

 

As opposed sa abroad esp 1st world kung ang trip mo lang guminhawa ok lang mag regular na job, maginhawa na.

 

Dito sa Pinas talagang magkaka uban ka sa kakahabol sa simple lang na goal na maginhawang buhay, yung di naman mayaman.

 

Kaya ako masakit man tanggapin, nairaos ko yung family ko nung nag abroad ako. Ngayon may sarili na kong family babalik na naman ako at makikibaka.

 

 

Good luck sa mga working abroad. Hope we all make it. :)

Link to comment

Despite of all my qualms and complaints about the Philippines, I still love my country. Before I left, I did serve as a public school teacher. It really takes a genuine desire for service to teach in public universities. Mantakin nyo, 3-6 na buwan ka ba naman di susuweldo muna. Ang paliwanag lang na binibigay sa mga baguhang teacher all sums up to "eh ganun kasi talaga proseso eh". Pero I earned my shot here abroad by giving that job a couple of years. It was fulfilling back then, not monetarily of course but you felt you were making a difference. Kung babalik ako ng pilipinas, siguradong magtuturo ulit ako kasi dun ko pinaka-masha-share yung natutunan ko. And yes, gusto ko State U sana ulit. Iba kasi yung fulfillment when you are teaching students na pinagaaral ng gobyerno. It feels like you are training the countries future leaders. Ang kaso, knowing how much is not really improving sa bansa natin, mas nabibigyan pa ng pabahay mga professional squatters kesa mga teachers, sundalo at pulis, tapos 3-4 na buwan nanaman akong hindi susuweldo, nakakadismaya.

 

Isa pa, dismayado din ako kasi satin eh. Yung pagkadismaya ko, hindi naman dahil lang nakita ko na mas disiplinado ang mga tao sa ibang bansa. Dyan pa lang dismayado na ako. Parang gusto natin ng pagbabago eh ayaw naman natin magbago. Lalo pa kung pano pinababayaan lang ng gobyerno natin ang mga guro at mga maliliit na government employees.

 

Hindi naman kasi masama mangarap ng konting prosperity naman para sa sarili ko di ba? I admit yun ang dahilan kung bakit lumagi pa ako dito kahit dapat pauwi na sana ako. Naghirap naman ako magaral, bakit naman hindi ko naman ienjoy bunga ng dugo at pawis ko. Gusto ko pa din bumalik, gusto ko pa din tumulong, pero kung di ko naman iisipin din sarili ko, eh wala rin. Papano ako makakatulong sa iba kung di ko matutulungan sarili ko.

 

Sana nga, makita ko ang mas magandang liderato sana satin. Yung tipo bang nangyari sa Singapore nung naging prime minister na si Lee Kuan Yu, o kaya yung nangyari sa Malaysia nung naupo na si Mahatir Muhammad. Alam kong hindi lang ito magdedepende sa presidente, pero kung meron tayong magandang pinuno na susundin at susuportahan para baguhin ang bansa natin at magbago din tayo, bakit naman hindi ako tataya sa sarili kong bayan?

 

Pero sa ngayon nakikita ko, yung susunod na presidente, iboboto lang ng masa dahil sayang yung libreng cake at pasine

Link to comment

^wais na mga bobotante ngayon ser, imbes na pakain, pera-pera na lang :ninja:

 

The thing is kahit malayo boboto pa din ako. Make it count kahit papano. Minsan nga sa maraming pilipino abroad ayaw na magparticipate sa absentee voting eh. Kasi wala din naman halos mangyayari. Yung mga botanteng gutom, squatter, at mangmang ang mas pinapahalagahan sa botohan kasi sila ang madaling mauto. Sayang lang yung pagparehistro mo sa embassy. Abala din naman yun sayo.

 

But on the other hand, at least kahit andito ako I am still doing my civic duties. That and paying for property taxes I left home

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...