Jump to content

Free Legal Advice


Butsoy

Recommended Posts

yung wife ko, gusto makipag hiwalay sakin. sinabi ko nang mag file siya ng annulment, di naman niya ginagawa. ayaw ko na ako dahil hindi ko gagastusan kasi siya may gusto. ano puwedeng magawa na maghiwalay kami ng legal?

mag file ng annulment o declaration of nullity o legal separation.

 

Link to comment
  • 2 weeks later...

Goodmorning! I would like to ask lang po. Nagstart ako sa work Nov.7,2019 as receptionist sa isang spa sa loob ng mall. ang sahod ko is 537/day. Umaabot ng 11-12hrs ang duty ko pero wala naman bayad ang OT ko. umabot pa ko ng 13-14hrs duty this month kasi nagmidnight sale ang mall then sumabay pa yung pag aayos ng CCTV nila na ang permit is 12am-2am ako ang nagbantay nun so halos 16hrs yon. but still walang OT, tapos kapag late ka 100per hour ang singil nila. And as far as I know, double pay ang holidays pero walang ganun sa pinasukan ko. And sa nature of work, ang expectation ko sa work ko as receptionist is pag accomodate sa client and pag provide ng information needed ng clients pero bukod dun, ako din ang nag aayos ng payroll, penalties and deductions ng therapists. for double checking nalang yung may ari. Even small towels na pwede namang isama sa laundry ng malalaking towels eh hndi nya pinapasama kasi ako daw ang maglalaba ng small towels na yon so ayun gnagawa ko. Palagi pa kong bugbog sa sermon at pagbubunganga kapag hndi ko narereach ang quota and umabot na din sa point na tinatakot nya kong ibabawas sakin yung kulang para ma reach ang quota Then now, may hinahanap silang automatic refillable spray sa spa dalawa yun worth 400 each. According to old therapists, bago pa ko naging recep eh hndi na daw talaga nila nakikita yun, Pero ipinipilit ng boss namin na nawala yun under my supervision, I DONT EVEN KNOW kung anong itsura nun tapos kasama ako sa kakaltasan ng sahod para dun and I dont think na fair yun sa part ko. Then nung christmas, I've lost my wallet may nakapulot pero I am not able to meet her kasi nga ayaw ako payagan ng amo ko lumabas saglit, wag ko daw iiwan ang counter so I obeyed them kaya wala akong pera na pangkain at pamasahe kaya nagtry ako if pwede mag CA or kahit hiram na muna pero hindi nila ko pinagbigyan, according to old therapists, ganyan talaga sila pag CA bawal pero 5-6 pwede . Alam ko din yang 5-6 na yan kasi nga ako ang nag aayos ng payroll ng therapists. So I filed a resignation letter today, pero pinagrerender ako ng 15-30days at nasa contract yun which is totoo naman, actually yung contract nga na yun mali pa yung spelling nila sa surname ko e haha. Nagtry ako magsabi ng for immediate resignation sana then sinagot nila ko na wala namang pumipilit sakin pumasok. Kung hindi ko ba papasukan yung render na yun, Makukuha ko pa rin ang sahod ko ng buo? LAHAT PO NG INFORMATION NA SINABI KO MAY PROOF AKO. :) thanks. pa advice po sana.

 

DOLE

http://ncr.dole.gov.ph/default.php?retsamlakygee=22&resource=cfe6055d2e0503be378bb63449ec7ba6

 

make sure you have proof that you tried to settle the issues with your employer and it did not work out.

 

but you already filed your resignation, so any effort on your part to teach these guys a lesson will be moot. unless you want to help your friends you left there.

Maganda rito ay pwede makipag areglo sayo yung employer to drop the complaints.

 

pwede rin hrass them in other ways. do they issue receipts? pwede mo sila sumbong sa BIR.

 

pag pinaclose sila ng BIR, mawawalan ng livelyhood mga kasamahan mo don though. hindi pwede idrop ang complaint sa BIR kasi its not your concern.

  • Like (+1) 1
Link to comment
  • 5 weeks later...
  • 2 weeks later...
  • 3 weeks later...

Google?

Atty I just want to know your opinion on this.Meron kasing gm dito na gumagamit ng ibat ibang pictures ng mga babae sa profile pic nya and some of them nakahubad pa. And these are not celebrity pics atty but private individuals.Kung wala pong consent yung mga babaeng nasa profile pic nya na gamitin yung pictures nila as profile pic nitong gm and I doubt that there is, papasok po ba yan sa anti cyber crime law? VAWC? Any other applicable laws?

I hope to hear from u soon atty.Thanks in advance.Have a good day.

Edited by manoy buknoy
Link to comment

Atty I just want to know your opinion on this.Meron kasing gm dito na gumagamit ng ibat ibang pictures ng mga babae sa profile pic nya and some of them nakahubad pa. And these are not celebrity pics atty but private individuals.Kung wala pong consent yung mga babaeng nasa profile pic nya na gamitin yung pictures nila as profile pic nitong gm and I doubt that there is, papasok po ba yan sa anti cyber crime law? VAWC? Any other applicable laws?

I hope to hear from u soon atty.Thanks in advance.Have a good day.

It could fall under RA 9995 (the Anti-Photo and Voyeurism Act of 2009).

I say "it could" because RA 9995 prohibits the following:

(a) To take photo or video coverage of a person or group of persons performing sexual act or any similar activity or to capture an image of the private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, public area, buttocks or female breast without the consent of the person/s involved and under circumstances in which the person/s has/have a reasonable expectation of privacy;

 

(b ) To copy or reproduce, or to cause to be copied or reproduced, such photo or video or recording of sexual act or any similar activity with or without consideration;

 

(c ) To sell or distribute, or cause to be sold or distributed, such photo or video or recording of sexual act, whether it be the original copy or reproduction thereof; or

(d) To publish or broadcast, or cause to be published or broadcast, whether in print or broadcast media, or show or exhibit the photo or video coverage or recordings of such sexual act or any similar activity through VCD/DVD, internet, cellular phones and other similar means or device.

 

Kung babasahin natin ang letter (a) ng Section 4 ng RA 9995 hiwalay yung "performing sexual act or any similar activity" sa "to capture an image of the private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, public area, buttocks or female breast". Lumalabas na dalawang magkaibang gawain ang pinaparusahan sa letter (a), at ito ay dahil sa salitang "or" na naghihiwalay sa dalawang parirala na iyon.

 

ANG PROBLEMA...

 

pagdating sa letter (b ) at (d), ang pinaparusahan na lang ay yung gawain kaugnay sa "performing sexual act or any similar activity". Mas malala, sa letter ©, naging "sexual act" na lang, pati yung similar activity NAWALA.

 

Ngayon, ang binabanggit mo na di-umano'y kriminal na gawain ay ang paggamit lang ng larawan ng hubad na babae, na PARANG saklaw sa letter (d) ng RA 9995. Kaya lang, hindi ito nasa akto ng pagtatalik o kahalintulad na gawain, na klarong pinaparusahan sa letter (d).

 

Ngayon, kapag may doubt sa application ng batas, ang doubt ay dapat kumiling sa akusado. Kaya, dahil may pagdududa kung saklaw nga ang pag-publish ng "image of the private area of a person/s" sa pinaparusahan ng batas, dapat HINDI ito saklaw.

 

Ngunit, subalit, datapwa't...

 

ang talagang makakapagsabi lamang kung saklaw nga ang publication ng "image of the private area of a person/s" sa letter (b ). (c ), at (d) ng Section 4, RA 9995 ay ang Korte Suprema. Bago pa ang RA 9995 at di pa umaabot ang issue na ito sa pinakamataas na hukuman. Sa palagay ko, sa lebel ng piskalya o sa RTC, baka umasenso ang kaso. Kaya, ang sabi ko "it could".

Edited by rocco69
Link to comment
  • 2 weeks later...

Atty I just want to know your opinion on this.Meron kasing gm dito na gumagamit ng ibat ibang pictures ng mga babae sa profile pic nya and some of them nakahubad pa. And these are not celebrity pics atty but private individuals.Kung wala pong consent yung mga babaeng nasa profile pic nya na gamitin yung pictures nila as profile pic nitong gm and I doubt that there is, papasok po ba yan sa anti cyber crime law? VAWC? Any other applicable laws?

I hope to hear from u soon atty.Thanks in advance.Have a good day.

I-enjoy na lang natin yung profile pics tutal ikaw na nagsabi, gm, yan. :)

 

Btw, ano handle nya para makita ko rin hehe.

Link to comment

Well I guess we can all enjoy it as long as its not our wife,sister or anybody else we know that we care about. As long as its not anyone dear to us i guess it won't matter,right? Pero kung mukha na natin o kaibigan na natin yung nasa pic then that would change it altogether, agree? Despite its nature, I think MTC is still a public website. Copyright, privacy and other similar issues should still apply. And i think it wont hurt to practice some basic courtesy even in an adult website such as MTC.

 

And brother itong gm na to e mahilig mag criticize ng ibang GMs kaya I'm just returning the favor hehe.Nice to meet u sir.Have a Gud day!

 

 

 

I-enjoy na lang natin yung profile pics tutal ikaw na nagsabi, gm, yan. :)

 

Btw, ano handle nya para makita ko rin hehe.

Edited by manoy buknoy
Link to comment

Hi guys, specially sa mga attys!

 

Tanong ko lang kung pano ba macheck kung may outstanding warrant of arrest ang isang tao?

 

May apartment kc kme dito sa QC tapos may tenant ako na war shock. Nagiging threat n sya sa security ng apartment nmen. Lagi nagmumura at laging may kaaway. Minsan hinamon pa ng suntukan yung isang tenant. Mejo nakakatrauma din yun para sa mga anak (minors) ng ibang tenants dito. Minsan narinig ko parang may kaso daw sya sa davao at may napatay na ata..

 

Ano po ba pde nyo iadvice na mabuti kong gawin bilang owner ng apartment? Pano ko kaya mapaalis ito ng madalian ng hindi kme babalikan?

Link to comment
  • 2 weeks later...
  • 2 weeks later...
  • 2 weeks later...

hello good day,magtatanong lang po.kasal kami ng wife ko pero may anak sa una nakapangalan sa tatay pero hindi cla kasal.pwede po bang ipangalan sa akin or sa wife ko ung surname nya nung dalaga po sya.ung bata po is 6yrs old na po.ung tatay pala ng bata iresponsable inako ko na po ung responsibilidad.salamat sa sagot.

Link to comment

hello good day,magtatanong lang po.kasal kami ng wife ko pero may anak sa una nakapangalan sa tatay pero hindi cla kasal.pwede po bang ipangalan sa akin or sa wife ko ung surname nya nung dalaga po sya.ung bata po is 6yrs old na po.ung tatay pala ng bata iresponsable inako ko na po ung responsibilidad.salamat sa sagot.

 

You can adopt the child.

Link to comment

hello good day,magtatanong lang po.kasal kami ng wife ko pero may anak sa una nakapangalan sa tatay pero hindi cla kasal.pwede po bang ipangalan sa akin or sa wife ko ung surname nya nung dalaga po sya.ung bata po is 6yrs old na po.ung tatay pala ng bata iresponsable inako ko na po ung responsibilidad.salamat sa sagot.

Ang official na pangalan ng isang tao ay ang pangalan na nakasulat sa kanyang Certificate of Live Birth. Dahil ito ang official, ito ang kailangang sundin.

 

At dahil nakapangalan nga sa apelyido ng tatay, ito ang dapat masunod.

 

Ngunit, dahil hindi naman sila kasal, ang bata ay illegitimate at nasa ilalim ng autoridad at kustodiya ng nanay. Ngayon, ang illegitimate child ay dapat gumamit ng apelyido ng nanay. Pero, dahil naipangalan na sa tatay, ito pa rin ang official na pangalan ng bata. Para mailipat sa apelyido ng nanay, kailangang maghain ng kaso sa hukuman para dito. Ang problema mo, ang prinsipyo na kalimitang sinusunod ng korte ay "kung sino ang gumagamit ng apelyido, siya dapat ang magpapasya kung gusto niya o ayaw sa apelyido niya." At dahil ang bata ang gumagamit, siya dapat ang magdedesisyon, KAPAG NASA EDAD NA SIYA. Sa madaling salita, hindi yung nanay ang pwedeng magpasya at maghain ng kaso, KUNDI YUNG BATA.

 

Ngayon, pwede rin na i-adopt ninyo yung bata, at kapag ito ay naaprubahan, ang gagamiting apelyido nung bata ay ang apelyido ng nag-adopt sa kanya.

 

Kaya lang, ito ay ay dadaan din sa hukuman (at baka kailanganin ang consent ng tunay na ama para dito).

 

Sa madaling salita, pwedeng mapalitan ang apelyido ng bata, pero gagastos kayo at ito ay dadaan sa hukuman.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...