Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

How Did You Discover MTC?


Guest - -

Recommended Posts

mahabang kwento. pero ikuwento na rin natin nonetheless.

 

isa akong walang kakuwenta-kuwentang nilalang na nagtatrabaho sa bandang itaas ng isang prominenteng business establishment sa Makati.

 

siguro dala na rin ng katamaran sa trabaho kong pauli-ulit (pag-korek sa Ingles ng mga ahente sa isang kolsenter, pag-gawa ng paraan kung pano isasalba ang trabaho nila mula sa mga ultra-sensitive at akala mo naman kung sinong magagaling na mga amo ko), kaya naisipan kong maging deviant na naman at maghanap ng paraan para makpag-surf nang hindi nabibisto (well, yung bisor kong astig e nagagawa naman ito at since nasa training department naman ako e siguro naman, nasa akin yung pribilehiyo, haha). member na ako ng ilang online communities - anime, gaming, music, at *ehem* mga hindi pambata na 'boards - pero hindi pa rin ako nagasasawa na maghanap ng mga bagong communities para makahanap ng kasalamuha, kausap, at kung anu-anong pwede mong lagyan ng prefix na "ka-". harhar.

 

so ayun, nitong hapon ko lang sinimulang maghanap ng bagong online home para tamabayan. konting tanong, konting research, konting prowl, bingo. stumbled upon this nice place. akala ko nga dati website ito nung isang tabloid kasi kapangalan. LOL. e since marami na rin nakapagsabi sa akin na okay ang forums na to, sinubukan ko na rin.

 

kaya without further due, i welcome myself to the fray that is this community. XDXDXD

Link to comment

Join the conversation

You are posting as a guest. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...