Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Here Or There?


Recommended Posts

:upside: Kahit sabihin natin na nanalo na si GMA kay Poe palagay ko wala pa ring magbabago hanggat puno ng corruption itong bansa natin. Tapos super unfair ang buhay dito. Masama na talaga loob ko dito sa bansa natin kaya naisipan kong pumunta na lang ng ibang bansa at doon na manirahan kahit TNT ako duon at least alam kong uunlad and buhay ko dun kumpara dito sa Pinas. Siguro bibisita na lang ako dito sa Pinas kung legal na imigrant na ako sa ibang bansa. Marami talaga akong hinanakit dito sa atin....

 

1. Graduate ka nga from a reputable school pero wala ka naman mahanap na trabaho. Kung meron man ang baba naman ng suweldo. E masmalaki pa yung kinikita ng ibang tao na nagtrabaho sa ibang bansa kahit hindi sila nakatapos ng pag-aaral e lalo na sa states. Anung patunay yan? Wala sa pinag-aralan yan nakatapos ka man o hindi. diskarte lang talaga sa buhay. Kung high-school drop out nga e naging presidente dito sa tin e.....

 

2. Ang mga tao na magsursurvive lang dito ay yung mga mayayaman na may negosyo at yung mga corrupt politicians. Kung ikaw ay may hangad na umasenso ang buhay sa pagsisimula maging empleyado at hoping for promotion at increase salary chances are very slim. Lalo na pag may palakasan o politika sa isang company.

 

3. Another example na rin sa showbiz, hindi ba nakakainis yung ibang artista na sa palagay niyo hindi naman talaga deserving maging artista and yet ang laki ng binabayad sa kanila. And yayabang pa akala mo kung sino... Hindi naman talaga sila magaling umarte sa show at naging sikat lang kasi anak ni ganito o ni ganyan na super sikat sa showbiz... Unfair!

 

4. Corrupt politicians...ito sa palagay ko e cancer na sa lipunan. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong sobrang sukab sa pera o yaman. Aanhin naman nila yun imbes na magcirculate ang pera sa society natin e nakatambak lang sa bangko nila...Kaya hindi ko masisisi yung mga babae na napipilitan na magbenta ng laman para lang mabuhay...Habang maraming tao ang nagugutom at walang matirhan eto sila ang lalaki ng bahay, maraming mga babae, masayang nakakain at natutulog sa malambot na higaan....Paano nila nasisikmura to? Anong klaseng tao sila di ba? Sana hindi madamay ang mga anak nila sa karmang babalik sa kanila

 

5. Kulang sa disiplina ang mga tao dito sa Pinas...Kaya umuunlad tayo ng paatras. Simpleng rules na nga lang sa traffic e hindi pa masundan kaya laging trapik.

 

Sad to say that I'm better off somewhere else.... Lets just pray that May God save the Philippines! :(

Link to comment
:ninja: To add up to this topic kung bakit gusto kong mag migrate to other country is the peace and order situation. Dito palang sa Manila e panay rally tapos yung mga politicians pa natin mismo ang nagbabangayan. Tapos sa Mindanao naman e kuta ng mga terorista na abu sayaf at panay bombahan. Ang dami pang holdapan at nakawan na nangyayari. Ang solusyon lang ata dito e sana may superhero na may superpowers ang sumagip sa tin na sa palagay ko e imposible talaga mangyari. Sino sa palagay niyo? Si VOLTA....DUH!!!!
Link to comment
:D Baccaratboy, I respect your opinion pero mukhang imposible ata yang sinasabi mo. Bihira na lang ang noble person dito sa Pinas at siguro nga isa ka na dun. Panay manloloko at corrupt ang pag iisip ng mga tao dito. Basta kumita kahit ano gagawin. At isa pa sa palagay ko ang isa pang major problem natin e overpopulation. Dito palang sa Manila e ang sikip sikip na sobra. Ang taas pa ng birth rate kumpara sa death rate dito sa atin. Hindi ko naman sinabi na talikuran na natin ang pagiging pinoy. Pwede naman natin ito dalhin sa ibang bansa e at least dun naapreciate pa nga ang pagiging pinoy natin dahil kilala tayo sa kasipagan at talento natin. Kung hindi sana overpopulated e minimal pa sana problema natin sa bansa. Wait lang di kaya nasabi mo lamang yan dahil mayaman ka na at di mo na kailangan mag abroad or migrate?
Link to comment
  • 4 weeks later...

for me to leave manila and to migrate in some other countries is not good at all, though it is really possible for me.

i will feel unhappy, cos my family and friends are in manila. and for me, philippines is the best country i know! and the filipinos are really the great people i know... ahehehehe...

 

ciao!

 

:mtc:

Link to comment

done this already purely for economic reasons. migrated 3 years ago to Canada and have not regretted it. back then, i was already at a dead end careerwise as the industry i used to work in was in the midst of consolidations and mergers. there were months that i was unemployed. before migrating, i have to accept the fact that my college education and 11 year work experience will not be recognized by any company in the country that i migrated in and i have to start all over again.

 

however, hardwork, patience, honesty, integrity and an enthusiasm to learn and do whatever job is available will do it for you as well as other successfull filipino immigrants i know.

Link to comment

since there's no indication na aangat ang bansa natin within the next few years.. i have a plan which my dad suggested to me before..

 

1. graduate college

2.a. get a masters degree ---or--- 2.b. migrate to australia

3.a. migrate to australia ---or--- 3.b. get a masters degree (loan money?)

4. get a job in a company

5. work hard to get promoted..

after having a respectable rank in the company (as well as saving a lot of money)

6. go home here in the philippines

7. find a job in a good company (malamang kung nakitang mataas rank mo and all from a company pagaagawan ka diba?)

 

cympre there's no place like home kaya uuwi ako.. besides.. this is the only country we've got..

 

:unsure: may flaws ba? pm niyo na lang ako baka kasi nde ko maback read replies niyo about this.. thanks.. :)

Link to comment

If I have a good income and business opportunity, i would stay in the Philippines, no questions asked. Mas masarap buhay sa Pinas compared sa abroad, at least sa Pinas I can see my friends and family in daily or weekly basis..dito sa abroad i have to make an appointment to see my friends. Palagi pang nacacancel. Pero depende rin yan..maganda lang dito sa place ko, nakakain ko ang nakakain ng mayaman...magtrabaho lang ako ng matino mabibili ko lahat ng gusto ko...

 

Eventually I would like to retire in the Philippines, and die there and have my ashes spread in different places i've been to in the country.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...