Jump to content

The Mail Box


Recommended Posts

Ikaw Pa Rin Kung Sakali

 

Kahit ibigay pa sa kin ng Diyos ang isang perpektong tao, mas pipiliin ko pa rin yung mahal ko. 'Yan ang sabi ko sa 'yo nung minsang napag-usapan natin ang mga love life natin. Pareho tayo ng pag-iisip sa bagay na ito. Pareho tayong naniniwala na meron ngang tao na nilaan para lang sa atin. Dati, akala ko ikaw na 'yon. Ngayon ko lang naiisip na baka nga hindi talaga tayo para sa isa’t isa.

 

Kung aalalahanin ko lahat ng dinaanan ko dahil sa iyo, mapapabuntung-hininga na lang ako. Sabi ko nga, mahirap maging kaibigan mo, pero mas mahirap na mahalin ka at maging kaibigan mo lang. Bilang kaibigan, kailangan kong ipakita ang suporta ko sa lahat ng gusto mong gawin. Kailangan ipakita ko na masaya ako tuwing masaya ka. Kailangan ipakita ko na natutuwa ako sa mga kakiligan mo kapag kasama mo siya. Kailangan nakangiti ako kahit malungkot ako. Lahat nang ito ginagawa ko dahil gusto kong malaman mo na tunay akong kaibigan. At dahil mahal kita. Kung pwede nga hindi na ako magpapakita sa yo para lang hindi ako masaktan. Pero mahal kita. Para sa akin, ito lang ang dahilan kung bakit hindi ako umaalis sa tabi mo. Para sa akin, ito lang ang dahilan kung bakit hindi ako nawawalan ng pag-asa sa 'yo.

 

Pero ngayong napapaisip ako, hindi lang naman kalungkutan ang dinala mo sa akin. Ang ganda rin pala ng pagkakaibigan natin. May mga araw na kapag magkasama tayo, tawa lang tayo ng tawa. Siguro weirdo talaga tayo pareho, magka-wavelength. May mga araw naman na sobrang seryoso ng usapan. Tungkol sa mga problema sa pamilya, mga prinsipyo sa buhay at mga pangarap na gusto nating abutin. Pero may mga araw rin na wala kang kakwenta-kwentang kausap. Yun yung mga beses na kahit tahimik lang, ok na para sa atin.

 

Kapag kasama kita, sobrang kumportable ako. Kaya kong maging ako tuwing kasama kita. Kaya kong sabihin lahat-lahat at ipakita ang buong pagkatao ko sa yo dahil alam kong tatanggapin mo pa rin ako bilang kaibigan.

Ito ang hindi ko nakita noon. Dahil sa pagkabulag ko sa pagmamahal ko sa 'yo, isinumpa ko ang pagkakaibigan natin. Lagi kong naiisip na kaibigan lang kita. Hindi ako nagpasalamat sa pagkakaibigan natin. Ngayon lang ako natutuwa na kahit papaano, kaibigan kita. Masaya ako na dumating ka sa buhay ko, kahit para maging kaibigan ko lang. Isa ka sa mga biyaya na ibinigay sa akin at nagpapasalamat ako dahil dito. Masaya ako dahil kaibigan kita at dahil namamamahal kita ng ganito. Siguro nga hanggang dito na lang ang pagmamahal ko sa iyo. Hanggang kaibigan na lang.

 

Kahit ibigay pa sa kin ng Diyos ang isang perpektong tao, mas pipiliin ko pa rin yung mahal ko. 'Yan ang sabi ko sa iyo. Sabi ko sa iyo mas pipiliin pa rin kita. Na kahit sino pang mas maganda, mas matalino, mas mabait, o mas may yaman pa ang dumating sa buhay ko, ikaw pa rin. Kung gugustuhin mo lang, ikaw pa rin. Ikaw pa rin. 'Yan ang sabi ko sa iyo. Bingi ka lang. Manhid pa.

Siguro nga hindi talaga tayo para sa isa’t isa.

 

 

 

###############

Link to comment

I'm posting this here as a reminder to myself, and hopefully to spark something in others minds..and hearts...

 

 

 

Lecheng Pagmamahal To

by: -=icewulf=-

 

Kung anu-ano nanaman tumatakbo sa isipan mo, daming butil ng alaalang gustong isipin at naiisip, eto ka nanaman. Pero tipong mas gusto mo yatang malaman ng lahat ang kabuangan mong nararamdaman, naiisip. Hehehe, la lang, trip. Feel. Papansin ba! Malay mo may makapansin nga at makiramay diba? Tamo nga naman ang pride mo, jologz ka ever… ayaw na matatawag na baduy o korni kaya dadaanin sa papansin epek. Kunwari aayaw ng tulong pero sa loob naman eh…naghuhumiyaw.

 

Pagdating naman sa problema ng iba at ikaw ang tinakbuhan cool ka lang. "Susme yun lang? Tingnan mo nga ako, mas malala pa jan pinagdaanan ko nakayanan ko! Kaya mo yan." Aba at astigin pa ang dating! Sabay sagot nila, "Ows? Buti ka pa nakayanan mo. Buti ka pa ayos ang love-life (o walang love-life.) Buti ka pa nakakayanan mo." Sabay sagot mo ulit, "Eh ikaw kasi shado ka nagpapa-apekto jan, tanga mo talaga." At salamat sayo lalong sumama ang loob ng humihingi ng advise sayo.

 

Pagnakapagmuni-muni ka na maiisip mo, "Lintek, mas malaki pala problema ko, di ko pa rin pala kaya…" May mga gumugulo na rin ngayon sa iyong isipan.

Paano ba naman dami mong mahal sa buhay nadagdagan pa ng sang katerbang mga crush. Nanjan GF mo, yung bestfriend mo, ilan sa barkada mo, ilan sa mga dating classmates mo, siguro yung isang officemate mo, mga barkada ng barkada mo, yung artista sa bagong soap opera, yung leading lady sa bagong anime. Binilang mo, kulan pa ang mga daliri sa kamay at paa mo. Binawasan mo, binilang mo lang yung mga importante talaga sayo, kulang pa rin ang daliri mo… hay buhay. Di ka pa nga lumalampas ng 25 anyos daming tao na inaalala mo. Pero kung tutuusin di ka naman nila kinikibo o ginugulo, e di ayos lang!

Ngunit sa lahat ng iyon may isa o dalawa o ilan pa rin na laging nanjan. Di pwedeng di mo iisipin, di pwedeng di mo aalalahanin, sasaktan ka, kahit anong gawin mo at kahit wala kang gawin guguluhin ka pa rin. Sinubukan mo nang lumayo ngunit kahit pa anung gawin mo naaalala mo. Binura mo na sa cellphone mo ang numero pero naka save naman sa ressbook mo sa computer, dinelete mo na sa pc mo pero andun pa rin sa organizer mo. Deleted na rin sa organizer. Ayan maaayos na siguro ang lahat. Hinde. Lalo lang lumala, p#tang %na saulo mo ang numero! Tanga mo grabe. Ipapaalala pa sayo ng kaibigan mong iba oi nakita ko sha/sila sa tambayan nyo kanina... Kulang nalang at tadtarin mo ng pino ang nagsalita. hihinga ka ng malallim, sabay harap sa usbaw na nagbanggit sa kaniya/kanila, complete with emote ka pang sasabihin "SO? PAKI KO?!"

At dahil doon ay magtatanong siya ng isang tanong na matagal mo nang gustong sagutin sa harap ng madlang bayan. "Pare, galit ka ba sa kaniya/kanila? Ayaw mo na ba sa kaniya/kanila?" Eto ang pinakahihintay mong sandali ang masagot sa harap ng buong bayan ang tanong na ito…ngunit… bakit di mo masagot? Tahimik lahat, naghihintay ng sagot mo… di mo kayang sagutin… lulusot ka na lang sa pagsagot mo ng "Hay naku, ewan ko ba sa inyo." O diba lusot ka? Di ka nag-deny, di ka rin nag-affirm. Di ka talaga maintindihan. Daig mo pa ang baklush.

Magsisimula sila mangantsaw dahil sa sagot mo… "Uuuuuy! Ehem, ehem." Lalo kang naiirita. Sabay sabi ng "Huh? Di ko kayo magets?" Ungas! Pa-innocent epek ka pa!

 

Lilipas yung insidente at ok ka na ulit. Di magtatagal di maiiwasan na di mo siya/sila makita. Sabay ngiti ng kaibigan mo at tatanungin ka "Pare, sino yun/sila?" Sabay ngisi na daig pa ang Chershire Cat sa Alice in Wonderland. At madalas laging magpaparinig pa. Dadaanin sa isang kanta na ang lyrics eh tatamaan ka. "Mga kumag na ‘to walang magawa sa buhay." Yun na lang ang maiisip mo. Sabay hirit ulit ng "Huh? Preng, di ko talaga kayo magets."

Umiwas ka na sa lahat…ayaw mo ng sakit ng ulo. Wala ka nang pinili lahat iniwan mo, mas magaling pa ang mag-isa, sabi mo. Ngunit sa iyong pagiisa dun ka inaatake ng lungkot, ng mga alaala, ng pagkadismaya mo sa kaniya/kanila. Wala na bang matataguan? Wala na bang mapaglilibangan upang makalimutan siya/sila?!?

 

Ngayon gusto mo na lang mawala, para kang isang timang na nagnanais na maglahong parang bula, kainin ng pating, kainin ng lupa kapag lumindol, pumasok sa Time Space Warp ng mga kalaban ni Shaider.

Bwisit talaga ang mga emosyon na yan. Ginagawa kang timang. Di ka rin nakatiis lumabas ka sa pagkakatago ko sa pagsasarili mo. At ang sumalubong sayo ay isang tanong "Tsong, bakit ganun mo na lang kamahal siya/sila?" Anak ng tokwa wala ka nanaman maisagot. "Huh? Di ko talaga kayo magets?!" Gasgas na ang palusot mo.

 

Pero teka, teka, teka. Bakit nga ba? Bakit ba ganun mo na lang kamahal yung tao/mga taong yun? Natahimik ka bigla ano?

 

Di nagtagal ayos na, nakalimutan mo na. Ngunit bakit tuwing makikita mo, tuwing maririnig mo, tuwing mababanggit sayo eh kulang na lang eh manigas ka sa kinatatayuan mo? Bakit gustong gusto mo pa rin na makita at maramdaman nya/nila ang nararamdaman mo kahit di nila maintindihan? Tungak! Kunwari ka pang nagpapakamanhid! Minsan natanong ka nanaman ng isa mong kaibigan, "Kala ko ba tapos na yun?" Panic mode ka kaagad, ano gagawin mo? Tatawa ng malakas? Ngingiti na parang ngiting aso? Tatalikod? Magwawala? Kunwari wala kang narinig? Pre kahit naman ano gawin mo halata na naluluha ang mata mo.

 

Gusto mo nanaman maglaho. Kung pwede ka lang sana ma-Control-Alt-Delete, o kaya Alt+F4. Kung pwede lang sana. Pero hindi eh… langya.

Edited by icewulf
Link to comment

Honey,

 

I woke up with thoughts of you ... sana naalala mo rin ako ... sana iniisip mo rin ako ... sana napatawad mo na ako .... ang daming sana ... pero ano andito ako sa malayo .. kung pwede nga lang sanang lumipad at puntahan ka dyan ... pero di pwede ... kasi ayaw mo ako makita ... ayaw mo ako kausapin ... masakit ... pero titiisin ko para sa iyo ...

 

M

Edited by Leslie Garcia
Link to comment

this song is for... well he knows who he is.

 

:heart:

 

the reason

 

im not a perfect person, there are manyt hings i wish i didnt do

but i continuelearning. i never meant to do those thigns to you.

and os i have to say before i go, that i just want you to know.

 

ive found a reason for me, to change who i used to be

a reason to start over now, and the reason is you.

 

im sorry that i hurt you, its something i must live with everyday

and all the pain i put you through, i wish that i could take it all away

and be the one who catches at your tears, thats why i need you to hear

 

im not a perfect person, i never meant to do those things to you

and so i have to say before i go that i just want you to know

 

ive found a reason for me, to change who i used to be

a reason to start over new and the reason is you

ive found a reason to show a side of me you didnt know

a reason for all that i do, and the reason is you.

 

 

sadly, some things just arent meant to be... :cry:

Edited by WyldChik
Link to comment

makikiiyak na lang din ako :cry:

 

kung sa puso mo bigla mo napagtanto

na pagmamahal mo sa aki'y naglaho

di kita sisisihin

 

Kung sa paggising mo sa isip mo'y di na ako

pagka't me iba ng pumuno sa puwang ko

di kita sisihin

 

sisihin ko ang dagat pagkat tayo'y pinaglayo

Oh ang langit dahil sa lawak nito

di kita sisihin

 

sisihin ko ang buwan at mapusok na puso

pati na rin ang ulan at pangungulila

di kita sisihin

 

:( :cry:

Link to comment

I want to be mean ...

so I wont be open to anyone

I want to stop loving ...

so I can hurt no one

But why can't I?

 

I want to forget him, I want to stop loving him

I want to erase him in my mind, I want not to be bothered by him

I want to be able to say NO when he asks for something...

 

But why can't I? ... Why?

Link to comment

You know who you are... :heart:

 

 

By My Side

lyrics by: -=icewulf=-

music by: tba

 

I

 

There were days when I wished on every falling star.

Wishing you would be mine.

There were nights when I prayed to the angels above.

Hoping they’d give you a sign.

But now here you stand by my side.

 

CHORUS

 

You were once just a fantasy.

I never dreamed you’d become a reality.

I can’t imagine how God must have loved me.

That He gave me the masterpiece He’s crafted perfectly.

 

II

 

All this time I thought I’d just meet you in my dreams.

Even if just for a while.

All along just hoping you’d notice me just once.

And give me a smile.

But now here you stand by my side.

 

(REPEAT CHORUS)

 

BRIDGE

 

Forever will come and there are things

We won’t always comprehend.

But as long as you say you’ll be mine.

Our love will last as long as forever goes.

 

 

But now here you stand by my side.

 

(CHORUS)

 

Just stay and always be mine.

Till forever runs out of time.

No matter if the road gets narrow or wide.

As long as you are by my side

 

Through trials and tribulation.

We will face oblivion.

As long as you are by my side.

Link to comment

More Than Words

Extreme

 

Sayin I love you

Is not the words I want to hear from you

Its not that I want you not to say

But if you only knew

How easy it would be to show me how you feel

More than words is all you have to do to make it real

Then you wouldnt have to say

That you love me

Cause I'd already know

 

What would you do

If my heart was torn in two

More than words to show you feel

That your love for me is real

 

What would you say

If I took those words away

Then you couldnt make things new

Just by sayin I love you

 

More than words...

 

Now that ive tried to

Talk to you and make you understand

All you have to do is

Close your eyes and just reach out your hand

 

And touch me

Hold me close dont ever let me go

More than words is all I ever needed you to show

Then you wouldnt have to say

That you love me

Cause i'd already know

 

What would you do

If my heart was torn in two

More than words to show you feel

That your love for me is real

 

What would you say

If I took those words away

Then you couldnt make things new

Just by saying I love you

 

no words. just feelings.

Edited by WyldChik
Link to comment

ive not sent you a message in a while but i came across this quote and ... it just about sums up what i had wished for... what i think we had and what i know ive lost...

 

And I wanted you so much

Just like i do right now

I wanted us to be the one poets write their books about

I wanted it to last

I wanted to grow old

But life got in the way.

 

i still miss you sometimes... not as much as the first few days... but i still do.

Edited by WyldChik
Link to comment

Honey,

 

You hated me so much .. i really am sorry .. :cry: i was so foolish .. if only i can turn back the time .. please forgive me .. i love you so much .. i don't know what to do .. i feel so empty inside .. i don't want to lose you .. please don't shut the doors for me .. please ...

 

M

Edited by Leslie Garcia
Link to comment

A,

 

i was really surprised to receive that text message from u kanina..

 

well, kinda flattered na rin.. i thought kasi u don't remember me na.. or u won't bother to text me once ur back..

 

but i guess my feelings for u are gone already.. gone were the heady feeling i feel everytime i receive a text message from u..

 

that was months ago.. and 'ika nga nila.. time heals all wounds.. sorry for what happened, though

 

ayaw mo nga maalala di ba?? don't worry.. i'm cool..

 

already decided to stick it with my current beau.. but i'll be a good friend to u.. and a good flirt.. i know u love flirting with me.. hahaha!

 

in another month u'll be gone na rin naman.. gotcha dearie!!

 

Z

Link to comment

j,

 

Sa iyong mga mata

nagtatago ang iyong pagmamahal

para sa kanya.

di mo man sabihin

na siya'y iyong iniibig... nakikita ko naman.

mga ngiti mong hindi mapakali

sa tuwing siya ay nariyan

mga nakaw mong tingin

binabaon mo hanggang sa pag-idlip

Kailan ka magigising?

Kailan mo ako mapapansin?

Sa iyong mga mata

sumisilip ang bawat pangarap

na siya'y iyong makapiling sa bawat sandali

ang paghabol mo sa mga ulap,

ang pag-abot mo sa kalangitan

... alam mo namang di mo ito magagawa

ngunit ipinipilit mo pa rin.

ang tamis ng bawat pangako

para lamang siya'y iyong mahagkan

iyo nang isinamo

ngunit di ka pa rin niya minahal.

Kailan ka magigising?

Kailan mo ako mapapansin?

 

 

Ngayong ika'y lumuluha,

nananaghoy sa kanyang paglisan

umaasa sa aking pagtatahan,

sa aking pag-awit upang ika'y mahimbing.

Datapwat

Sa iyong mga mata

nakikita ko

na ang tulad niya'y kay hirap limutin

kay hirap nang ganun-ganun na lang

Kailan ka ba magigising?

Kailan mo ako mapapansin?

 

Kailan...

 

kits

Edited by wjc-934
Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...