Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Recommended Posts

9 hours ago, plug said:

Dear Digong,

Hwag kang papa ampon or maging guest ng ibang partido dahil may sarili ka naman kahit nawalan kayo ng standard bearer.

Nalilito na mga followers mo.

Dear Digong,

Kahit paboran mo si Isko, di pa rin sya mananalo kay BBM.

Pero, yung mga undecided na voters, mahahatak papunta kay Isko kung tataas ang popularity nya dahil sa yo. Mas mababawasan ang boboto kay Leni.

Ito ba ang diskarte mo? Pataasin ang popularity ni Isko para hatakin pababa ang boto ni Leni?

Link to comment

Dear Digong,

Saan na punta mo niyan? Lalong nalilito ang followers mo at baka hindi ka na pakinggan niyan. Kunsabagay mismong anak mo hindi ka sinunod. Sa iyong administration lang ata walang presidential candidate kaya pati kapartido mo nalilito. Parang yung strategy sa 2022 naging tragedy. Isip isip rin pati na followers a few months na lang baka kunin ang Malacanang ng anak ng nagpagawa nito. Tutal kaya naman niyang bayaran ang 12 trillion pesos or more na magiging utang ng administration mo. 

Mahirap pagtakpan ng mali ang kapwa rin na mali. Yun nga lang minsan katuwa tuwa pa just like your followers. Entertaining ka pa rin.

Link to comment

Dear Digong,

Yang pag atras mo para sa senado magiging malaking kalituhan sa mga followers mo. Tuluyan magiging tahimik sila o hindi malaman kung ano sasabihin na parang iniwan sa ere.

Doon sa diskarte mo para sa 2022 pansin kasi na:

1. Dapat Duterte-Duterte with you as VP pagkatapos ng withdrawal and substitution.

2. Di sumunod ang anak mo doon pa tumambal sa di mo kapartido although she will endorse you pa naman pero nag withdraw ka naman

3. Yung presidential candidate ng partido mo umatras din halatang parang naipit at lito na rin

Ngayon neutral ka naman dahil ba kahit mag endorse ka wala na rin silbi? Paano followers mo nga nga na lang.

Kahit maging presidente ka muli sa senado nga lang wala na rin papansin sa iyo na mga followers o kritiko dahil babaling naman sila sa ibang pakikinabangan. Ganyan ang ugali ng mga Pinoy kung saan makikinabang kahit ginagamit lang sila ng taong nasa kapangyarihan. Nababayaran at madaling bilhin ang loyalty ng mga tao.

Gaya ng mga nakaraan mga namuno mawawalan ka na rin ng pansin. Baka maging interesado pa sa iyo ang ICC which you have acknowledged. Ayaw mo nga lang na ibang lahi ang maghusga sa iyo at ayaw mong makulong kundi sa sarili mong bansa.

Sa dami mong nagawa yan ba ang dahilan para magkautang tayo ng 13 trillion pesos?

Malay mo ikaw naman ang magkaroon ng isa pang world record para sa Pinas. Yan na ang legacy mo.

Entertaining ka pa rin na maaaring ma miss ka namin.

Sincerely,

Nalilitong sinusundan ka      

Link to comment
  • 2 weeks later...

Dear Digong,

Ang mga followers mo nalilito sa mga pangyayari hindi malaman kung saan lulugar. Mabuti yung iba nag jump ship na at nakalipat kung saan sila makikinabang. Madali naman bilhin ang mga katulad nila. Parang hindi ka na pinakikinggan dahil lumipat pa nga sa iyong sinasabing weak leader.

Nagiging irrelevant ka na rin dahil ba paalis ka na? Hesitant pa yung mga presidential candidates para gamitin ka sa kanilang campaign dahil ayaw ma identify ka sa kanila unless marahil sa tagilid para makadagdag boto. Kahit mismong anak mo hindi mabanggit ang pangalan mo. Bakit nga ba nawalan kayo ng standard bearer administration pa naman?

Tuluyan ka na talagang lumubog kaya pilit ka na lang papansin. Entertaining ka pa rin tulad ng iyong mga followers.  

Link to comment
  • 2 weeks later...

Dear Digong,

Hindi sumangayon Comelec para buksan yung COC. Bagong strategy mo ba para makapaglagay ka ng candidate mong pahabol dahil natunugan mong baka madisqualify si weak leader? Ayaw ngang humarap sa katotohanan si weak leader dahil may virus na baka kumalat pa on line.

Entertaining ka pa rin.

Link to comment
  • 1 month later...
  • 3 weeks later...
  • 1 month later...
  • 2 weeks later...

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...