Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Recommended Posts

I have been wondering for so long

What has happened, where did we go wrong

Days have turned to weeks and months

Even in years that passed it is you I still want

 

Prayer afer prayer I wished for you

That you may return and take away the blues

I fear that the heavens never answered me

Because 'till now you are in a place I could not see

  • Like (+1) 1
Link to comment

LBM (Love Bug Memoirs)

 

My thoughts are free to go anywhere, but it's surprising how often they head in your direction. Pakshet! Ikaw na naman ang nasa kukote ko

 

Lahat naman tayoy may bahagi sa buhay natin na kelangan na talagang mag-pamilya. Kung kelan, depende `yun sa threshold ng tiyaga sa paghahanap sa nararapat para sa `yo. Kapag daw kumabog ang iyong dibdib sa una ninyong pagkikita, she may be it. Yung iba payo nila `marry the one who loves you, and everything else follows.' You are in-lab na daw kapag `You don't give a damn' sa mga patungkol sa iyong bebeloves; o kayay kapag you turn to your true friends and tell them when shes around, thats her (sheet! Inlab ka na parekoy) - kanya nga siguro lab is blaynd, he he!

 

Then I started to reminisce: Hinugot ko mula sa ating mga masasayang alaala ang iyong mukha. Sinubukan kong iukit sa buhangin ang iyong maamong mukha, pero wala akong nagawa kundi gumuhit ng isang blankong mukha. Walang ilong, mata, tenga, kilay,buhok at bibig. Blame it on my drawing prowess. Di talaga ako kasinghusay sa pagdrowing kaysa pagsusulat. Basta masaya ang ating mga alaala, kanya mahirap i-drowing.

 

At pagkahaba-haba man ng prusisyon, heto at redi na kami ni BebeKo na makipag-exchange gifts ng singsing sa isa't-isa. Pag naisuot na sa kin `yung wedding ring, malamang maraming holdaper na ang magkakainteres na lagariin ang daliri ko. Redi na nga ang lahat. Church preparations. Hotel rooms. Reception. Wedding cake, Souvenirs, etc etc. Heto na nga `yung moment na sinasabi kong kumakalabukab na kakabakaba ang pakiramdam- Diz is it, Its Showtime!

 

Nakatayo na ako sa harap ng altar ng cathedral habang hinihintay ang bride na si BebeKo. Di ko madescribe `yung pakiramdam. Basta halo-halong emotions: senti, may kaba, parang nauutot na parang kakabagin atbp. Nagrerebolusyon nga `yung tiyan ko, para ngang gustong makipag-chat sa akin pampalipas oras. "Ngowwrk! Ngerk! Iutot mo na ako please". Siraulong tiyan, ayaw makipagcooperate, may sarili yatang mundo. Inaliw ko na lang muna ang sarili na magmuni-muni kesa ibulsa ang kamay, maglakad habang nagyoyosi at walang patutunguhan, o kausapin si bespren. Heto ang mga laman ng isip ko (habang pigil pa rin ang pag-utot):

 

1. Dapat sinusunod ang mga nakatatanda. Alala ko noon, sabi ni Lola, "Apo wag kang titikim ng mani, nakakaadik yan". Kala ko bluff, may malalim palang kahulugan `yun. Kaya ng makatikim nga ako `nyun, dun ko lang naintindihan ang wisdom ni Lola. Aba'y totoo nga, nakakaadik nga.

2. Walang tabo sa hotel. Pag umebak, pedeng gamitin ang tumbler ng Tokyo Tokyo, Burger King, o McDonald's bilang tabo. Ingatan ang tabo. Kung hindi, mawawala ito at makikitang gamit-gamit ng room boy na humihigop ng malamig na orange juice.

3. Huwag mangulangot sa simbahan dahil kelangang makipag-sheyk hands sa pari pagkatapos ng misa. Lalong hindi dapat mangulangot dahil kelangang hawakan ang pisngi ng bride pag sinabi na ng pari ang `You may now kiss the bride'.

Mamya, tumunog na `yung pinto ng cathedral hudyat ng pagbubukas. Sa labas, putukan ang fireworks (di sa amin `yun, may celebration yata sa labas). Espesyal dahil si bespren, isang dabest na kaibigan ang nagbukas ng pinto. Tan-tan-tanan! Tan-tan-tanan! dahan-dahang nagmodel-modelan si BebeKo sa aisle ng simbahan. Muntik ko nang di makilala, kasi mukang racoon `yung mata sa meyk up. Kala ko tuloy sa ibang kasalan ako napadpad (joke lang). Pero seriousli, iba pala talaga ang pakiramdam ng kinakasal- parang nauutot lang, he he!

 

Nung gabing `yun, nadiskubre kong may tear duct pala ako. Kunyari naman napuwing ako kaya nagpunas ng panyo. Sobrang mahal ko `tong babaeng `to. Ay lab ebriting abawt her. `Yung pagyakap niya. Pagsimangot. Paghalik. Smile pa lang niya, ulam ko na. Hindi ko alam kung ano nakita nya sa `kin (besides pagkakaroon ng mahabangpasensya!) para mahalin din nya ako. Everything is a puzzle. In this lifetime, somebody's waiting to complete you pala. At finally eto na nga, lintik na pag-ibig yan!

 

Habang inip na akong hinihintay ang kanyang paglabas mula sa CR ng aming honeymoon hotel, nasambit ko ng pabulong: "Buksan mo naman na yang kubeta sa iyong dibdib ,Para maipasok ko na itong nagtatae kong pag-ibig."

I love you BebeKo and I always will- forever, and the days after forever! Ang sarap mo kasi...nang iyung pagmamahal

Edited by artedpro
  • Like (+1) 1
Link to comment
  • 3 weeks later...

Alas life is beautiful,

So go out there and make your own.

A heart is worth the weight in plenty gold stone.

But remember Uncle Eliseo,

Like a sunflower, bow to the sun.

But not too low lest it means your life has gone.

Live life like it's meant to be,

Know the most necessary, are the things that are not.

'Nyeta, the only mad people are who think themselves free of such scot.

 

 

-MC

-Credit also to 'Life is Beautiful' for the inspiration

 

  • Like (+1) 2
Link to comment
0831 (inspired by a vampire themed movie)


My throat is clogging out,

i can't swallow you in my mouth.

To drink your blood is i desire,

you'll scream a lot, I'll make you cry.


It's like having dreams watching you sleep.

Let's climb up high to the top of that peak.

I'll carry you in my world today,

I can't resist to see you everyday.


Your hair, it smells like the cold.

Made me lived, let my blood flow.

I was built in ice but you set me on fire,

this skin is burning to make you mine.


Your blood is my refuge and life,

I don't know how to live forever without you by my side.

This lullaby will be played in the moon.

I hope you will agree, to marry me soon....

  • Like (+1) 1
Link to comment

"Retribution" | A full moon in April

 

 

She clung to the bed as the sullen man turned into a beast above her. Pain, sweet pain, a reminder of her vulnerability, the key to her power. A flick of the eyelashes, a little twist of hair, a millimeter of teeth showing while she bit her lips. This is her revenge.

 

An exquisite view.

Beads of sweat.

A torrent of howling breaths.

Arched backs.

 

His muscles tensed with every heave. He held her with liters of regret pumping strong in his veins. For the what should have been. Deep, swift, and rough, like the retribution of a mad earth on innocent creatures. Taming the wildflower into this delicate lily. Every inch in pain, sweet pain.

 

A rush of hushed spirits.

Souls whimpering,

A thousand curses through the night.

Voices echoing,

A million needles in a fiery wave

Of pain, sweet pain.

  • Like (+1) 1
Link to comment
  • 2 weeks later...

"Aegri Somnia" | 5.10.2016 - Sinestro MTC

 

Memory is a fickle thing.

You forget what you try recalling,

You remember when you try forgetting.

 

It leaves a hole in the living,

Fills the void for the dying.

 

But what madness it is,these

Memories,

Like a sick man's dream

 

When the mind wanders to days yonder

Makes the heart split asunder.

  • Like (+1) 1
Link to comment

BERTDEY

 

Kay bigat ng aking mga hakbang habang ako’y papalayo. Bawat hakbang ay tila dagundong na tumutulig sa aking katinuan. Tuloy-tuloy ang aking paglalakad at kapag daka’y nilingon ko kayo. Kandong ka ng iyong ina, nakatingin ka pa rin sa akin na tila nagtatanong kung saan ako paroroon. Naroong tumingin ka sa taong nagkakalong sa iyo at alam ko naroon ang mga katanungan kung bakit kailangan may luha ang bawat paglisan. Kailangan kong magpatuloy hindi na ako lilingon pang muli dahil baka dalhin ako pabalik ng aking mga paa na durog ang puso na sanhi ng iyong di sinasadyang kawalang malay, ng iyong kamusmusan. Mauunawaan mo rin sa paglipas ng panahon.

 

“Inay babalik pa po ba si itay?”

“Oo, anak.”

“Bakit po ang tagal? Naka ilang bertdey na ako hindi naman sya dumarating.

“May inaasikaso lang yun anak, hamo’t sa susunod na birthday mo darating na yun.”

“Bakit po sabi ng nanay ni Manuel baka daw po nag-asawa na ng iba si itay, totoo po ba yun inay?”

“Hindi yun totoo”

“Inay mainit po ba sa gabi?”

“Hindi naman may electric fan naman tayo ah, bakit mo naitanong?”

“Kasi po, sa twing dumadalaw dito si Mang Nestor naghuhubad kayo pagkatapos nyo mag-usap.”

  • Like (+1) 1
Link to comment

On a ‘Trans’ State

 

Isang gabi, Isang silid na walang kitchen

Magkasama tayong nag-check in, and then…

Sa malamig na kwarto at pagsasaluhang kanin

Sa mainit na kape, maya’t mayang halik, at tingin

 

Kanina’y tinanong kita kung dine in or take out

Ang tanging gusto mo ay mag-make out

Nung nakakita ka ng ipis, niyakap mo ko

Ako’y nangiti imbes magreklamo sa Sogo

 

Sabay muna tayong nag-dinner, tayo'y nagsubuan

Sa bilis mong kumain, muntik kang mabilaukan

After brushing your teeth, you turned off the lights

Bulong mo sa'kin, "i'm ready dear hold me tight"

 

Bago humiga at pumikit, tayo muna'y nag-usap

Bago pa man may maalab at maganap na kaysarap

Nang tayo'y mag-kiss, nalunok ko ang iyong chewing gum

Hirit mo sa'kin, Sorry dear am so nervous lang naman

 

Di ko malimutan ang inilabas mong litrato

Parang artista, kamukha yata ni Piolo

Tinanong kita, "Iyan ba'y ex mo?"

Sagot mo, "That's me long time ago"

  • Like (+1) 1
Link to comment

post-236230-0-25243500-1462964228.jpg


“Cannabis”



kilala ka


sa tawag na marijuana


halaman ang uri mo


medicinal value ang taglay mo


‘wag ka lang hihithitin


dahil long-term ang epekto mo


iilan lang ang bansa


na naging legal ka


karamihan ay patago


sa bantang makalaboso


walang hanggan ang debate


pwede ka nga bang maging legal o hindi?



01/18/10


12:25 am


  • Like (+1) 1
Link to comment

Writing with Music

by: Moon Flower

 

Hieroglyphs are old writing systems

Hieroglyphs as “sacred writing”

Writing forms in Egyptian language

Writing with pen and ink on papyrus

Papyrus as a paper made from plants

Papyrus used by the ancient Egyptians

Egyptians constitute of Egyptian Arabic

Egyptians sharing a common culture

Culture of ancient Egyptians

Culture of Modern World

World of advanced civilization

World of ancient history

History of arts and culture

History of writing and language

Language of ancient Egyptians

Language of ancient Greeks

Greeks held the first Olympic Games

Greeks are people with cultural roots

Roots of the inhabitants

Roots of the civilized people

People tend to experiment

People of interest in life

Life of innovations

Life of mediocre

Mediocre in some ways

Mediocre things over quality

Quality of three-dimensional images

Quality of stunning pictures

Pictures made by laser light

Pictures of projection

Projection in photography

Projection on holograms

Holograms as photographic projections

Holograms as a three-dimensional images

Images that do not simulate spatial depth

Images of three-dimension

Dimension by means of contour lines

Dimension of a kind of dream and space

Space against the wall

Space between the barriers

Barriers that separate rich and poor

Barriers of race and influence

Influence of socio-cultural environment

Influence of principle and discipline

Discipline should be enforced

Discipline the mind through music

Music as one's refuge

Music is the food of love

Love…

Refuge…

 

 

04/29/16

 

Contest: Hieroglyphs and Holograms

Blitz Poetry

Edited by FleurDeLune
Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...