Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Recommended Posts

Farewell Letter by a Retiree
Hanggang sa Muli...

Sa gitna ng mahahalagang bagay na maaari kong malisan ay dapat kong harapin at naising tupdin ang hindi lamang karampat na diwa kong punong-puno ng pagpapahalagang higit at matamang pagpapatuloy sa ibang gawi, at sa piling ng tiyak na mas marubdub na galak…

 

Ang nilalaman ng aking puso na hindi kayang ilapat sa bawat titik at pinakamalilim na salita na maaaring mamutawi mula sa aking bibig, na impit na narinig at naunawaan ng mga taong mahalaga sa akin, ay lirip ng higit na kahalagahan. Batid kong marami pang pagsubok ang darating, mga pagtutunggaling maaari ko pang pagtagumpayan, at mga kaibigang makakaututang dila’t mukha - kasing dami ng tamis na malalasap ng kahit sinuman sa patuloy na paghanap ng payak at wagas na kaligayahan.

 

Ang mga pangyayaring wangis man natin o hindi ay patuloy kong yayakapin sa mga susunod pang panahon at sa bawat araw, kalakip ang pagnanasang puspusin nawa ako ng tagumpay at matatag na kalusugan. Hindi kailanman ako nagnilay-nilay sa mga kabiguan at pagkakamaling maaari kong magisnan, o kalabitin at anyayahan ng mga kabagabagan. Sa aking pagtanto sa pag-inog ng buhay, nais kong isipin na mas maraming bituin sa gitna ng maigsing silim ng gabi. Wala nang hihigit pa sa wagas at tunay na pagpapatuloy sa panibagong daigdig tangan at akap ang tango ng mga mahal sa buhay.

 

Nawa’y patuloy na pumulandit ang langisngis ng kaligayahan, tagumpay, at katarungan sa aking mga susunod at natatanging paglalakbay, matapos ang dalisay at kahali-halinang kapirasong lupalop ng nakaraang yugto at kamalayan.

Sa gitna ng mga huling yugto…, inaasahan ko ang kapiling sa mga sugapang pagdatal ng muling pagtatagpo…Ang lamlam ng pamamaalam ay tabon sa galak na maidudulot ng mga muling pagkikita.

 

Natitiyak kong sadyang mas maangas ang pagsibol ng bukang liwayway kaysa sa banta ng takipsilim…

  • Like (+1) 1
Link to comment
  • 3 weeks later...
  • 2 weeks later...
  • 3 weeks later...
  • 1 month later...
  • 2 weeks later...
  • 2 weeks later...
  • 1 month later...
  • 3 weeks later...

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...